South Boys #5: Crazy Stranger

Od JFstories

2.3M 152K 69.5K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... Viac

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 44

45.8K 3.3K 1.1K
Od JFstories

I STILL REMEMBER YOU.


Narinig kong sabi ni Asher nang huminto ako. Ilang segundo pa bago ako lumingon sa kanya. Nakatalikod na siya. Nakapamulsang naglalakad palayo, na para bang walang nangyari. Na parang wala siyang nakakagagong ginawa.


Napakurap na lang ako nang may maramdaman ako sa aking mga paa. Pagbaba ng aking tingin ay naroon ang repolyo ko na gumulong patungo sa akin. Dinampot ko iyon kasabay ng pagtatagis ng aking mga ngipin.


Inayos ko rin agad ang aking ekspresyon. I shouldn't waste my energy on unimportant things. Pinatunog ko muna ang aking leeg bago taas-noong naglakad palabas ng mall, habang hawak sa isang kamay ang lamog na repolyo.



"ANONG NANGYARI DIYAN SA REPOLYO?!"


Sa pag-uwi ay nasa bahay na sina Tita Judy. Awang-awa ang tiyahin ko sa itsura ng inosenteng gulay. Lamog na, gula-gulanit, ay bukol-bukol pa.


Hindi ko na pinagkaabalahang sagutin ang tanong niya. Pinuntahan ko si Bobbie na kasama ang kambal na kuya sa sofa. "Hi, baby. Kumusta ang gala with Lola Judy?"


Muntik na akong mabato ng tiyahin ko ng repolyo. Mabuti at naalala niyang may mga kasama kaming bata.


"Bakit?" maang-maangan ko naman na pigil ang ngiti. "Lola ka naman na talaga ni Bobbie. Pamangkin mo kaya ako."


"Bruha!" Inirapan niya ako, pero natatawa na rin. "Shuta, lola na ba talaga ko?!"


"Bunganga mo, may mga bagets," saway ko sa aking tiyahin.


Napahagikhik si Tita Judy. "Hindi naman nakikinig, busy sila sa TV. Pero bruha ka talaga! Hindi ko matatanggap na apo iyang si Bobbie! Hindi niya ako puwedeng maging lola! Tita ay puwede pa!"


Ako naman ang muntik nang bumato ng repolyo sa kanya.


Hindi rin nagtagal ang mag-iina rito sa bahay dahil tumawag ang kanilang padre de familia. Miss na raw agad sila kahit kaka-video call lang din kagabi. Ayun, uuwi na sila sa kanila dahil magbi-video call ulit.


Nang kami na lang ni Bobbie ay tinabihan ko ang bata na nakasalampak na sa tiles habang nagbubuklat ng bago nitong mga fairytale book. "Baby, papasok ka na sa playschool!" masayang balita ko rito.


Iyon ang kinukulit sa akin ni Tita Judy. May malapit na private playschool sa subdivision nila sa Lancaster. Malapit lang din sa school ng kambal. Ang gusto ng aking tiyahin ay doon ko na rin pag-aralin si Bobbie.


Kaya naman na ng bata. Kahit noong kaka-two years old pa lang nito ay napakadaldal na, kabisado na rin ang alphabet, kaya nang magbiglang ng 1-10, alam na ang mga shapes at kulay sa rainbow. Mas gusto rin nitong magkulay, mag-drawing, kaysa manood ng TV. Nauutusan na rin sa mga simpleng pag-abot ng mga bagay-bagay.


Napayakap naman agad sa leeg ko ang malulusog nitong braso. "Thank you, Momaaa!"


Hinalikan ko ito sa noo at ubos ng suyo na nginitian. "Anything for my baby!"


Habang magkayakap kami at wala sa paningin ng bata ang aking mukha, ay marahang nagbago ang ekspresyon ko. Nabura ang lambing, naging seryoso, at ang mga mata ay dumilim.


Mula nang makalipat kami rito sa Cavite ay ang laking tipid ko na mula sa renta ng bahay, kuryente, at tubig. Hindi na kami nangungupahan ng malaki ang monthly, hindi na rin naka-submeter dahil sariling kuntador na, at may malapit lang sa amin na talipapa.


Bukod sa tipid na ay mas nahati ko rin nang maayos ang aking oras mula nang nandito na kami. Kapag din kinakailangan kong umalis ay aking naiiwan si Bobbie kina Tita Judy, o kaya naman ang mag-iina ang dumadayo sa amin. Living here was really convenient.


Hindi ako nagkamali sa pagtira sa Cavite. Hindi na ako aalis dito. At kung may dapat mang umalis, hindi kami iyon ng anak ko.



MAG-ISA NA NAMAN AKO.


Ang aga pa lang ay hiniram na naman ni Tita Judy si Bobbie. Gustong-gusto talaga ng aking tiyahin ang anak ko. Bukod sa puro lalaki kasi ang kambal niya, malambing talaga si Bobbie sa kanya. Marunong sumipsip ang bata. Nag-e-enjoy rin naman ang kambal sa instant little sister daw nila.


Dahil wala si Bobbie ay nakapaglinis ako ng buong bahay bago nag-start sa online work. Nag-ring ang doorbell ko around 4:00 p.m. Hindi nakasara ang gate kaya tumuloy na sa pinto ang dumating. Kumunot ang noo ko nang ang mapagbuksan ay si Laura Punzalan. Panganay na anak nina Lydia at Nonoy na taga Bacao.


Dalawa ang anak ni Laura noon ayon sa pagkakatanda ko. Mas nanaba siya ngayon, maiksi na ang buhok, maputi ang mukha sa foundation. Ngumiti siya sa akin. "Laila!"


Tatanungin ko pa lang ang babae kung ano ang ginagawa rito nang bigla na siyang pumasok. Sa pagtagilid ay aking napansin na buntis siya at hindi lang pala bilbil ang nasa kanyang tiyan.


"Mabuti at nandito ka na sa ulit sa Cavite!" Hinarap niya ako. "Kailangan ko ang tulong mo, sis. Hihiwalayan ko na iyong kinakasama ko!"


"Di ba may asawa ka?" tamad na tanong ko na hindi nawawala ang pagkakakunot ng noo.


"Iyong dati? Iyong tatay nina Betchay? Naku, matagal na kaming hiwalay. May kinakasama na rin iyong bago ngayon. Nasa kanya iyong lalaking anak namin."


"Nasaan si Betchay?" Kung hindi ako nagkakamali ay nasa sixteen o seventeen na si Betchay ngayon. Iyong batang babae noon.


Sumimangot si Laura. "Nandoon na si Betchay sa bahay ng boyfriend niya. Doon na nakatira."


Lalong nangunot ang noo ko. "Menor de edad pa iyon. Hinayaan mo?"


"Anong gagawin ko? E, ang tigas ng ulo!"


Kumuyom ang mga palad ko. Ang natatandaan ko noon ay masunuring bata si Betchay. Masipag naman mag-aral, iyon nga lang ay palaging walang baon. At kahit bata pa ay nalosyang na dahil inaasahan na sa pag-aalaga sa maliit na kapatid.


"Sis, ang problema ko ngayon ay wala akong matutuluyan. Ayaw ko na talaga doon sa kinakasama ko. Nakisama lang naman ako roon dahil nabuntis niya ako, e."


"Hindi ka lang niya basta nabuntis. Nagpabuntis ka. Magkaibang bagay iyon."


Napasimangot si Laura. "Basta, nagkabiglaan lang. Akala ko kasi ay mabait siya. Akala ko rin ay magiging okay ang pagsasama namin. Ang kaso, bukod sa napakaseloso pala ay babaero pa!"


"Nagpabuntis ka sa lalaking ganoon? Tapos namomroblema ka ngayon?"


"Sis, please naman. Tulungan mo ako. Dito muna ako, ha? Wala ka namang kasama, e. Pag nanganak ako, magkaka-baby na rito sa bahay mo. Parang may instant anak ka na rin. Hindi ka na malulungkot dito—"


"Hindi ako nalulungkot dito," sabat ko sa pananalita niya. "At hindi ka puwede rito."


Ang noo naman ni Laura ang nangunot. "Wala ka namang kasama rito. Ang laki-laki nito para sa 'yo lang mag-isa. Hindi mo ba talaga ako puwedeng tulungan, ha?!" Tumaas na ang boses niya.


"Hindi," deretsong sagot ko naman. Wala akong balak magpaligoy-ligoy sa kanya.


Napabulalas si Laura, "Wow, Laila! Grabe ka naman pala! Ang tagal mo na nawala, ang tagal mo na iniwan ang pamilya natin, 'tapos ngayon, hihingi lang ng tulong sa 'yo ay ganyan ka?! Wow!"


Hindi naman ako natinag. Kaswal akong nagsalita, "Matanda ka na, may sarili ka nang desisyon, at hindi kita obligasyon."


Namula na sa galit ang mukha ni Laura. May sasabihin pa siya nang mula sa naiwang nakabukas na pinto ay pumasok ang isang babae na nakasuot ng fitted jeans at orange sleeveless top. Si Renesmee Estrada. "What's happening here?"


Pumasok si Renren sa sala. Nakakukot ang makinis na noo at ang maliit na magandang mukha ay walang kangiti-ngiti. Mistulang manikin na bagama't maganda ay suplada ang dating. Napahilot na agad ako ng batok dahil sa nakatakdang susunod na mangyayari.


"Sino ka?" matapang naman na tanong ni Laura kay Renren. "Panganay na ate ako ni Lai. Kapatid niyang tunay. Nag-uusap kaming dalawa dahil dito na ako titira."


"And who told you that you can stay here?" wala pa ring kangiti-ngiti na tanong ni Renren.


"Wala ka na roon. Bakit ba nakikisali ka?! Si Lai ang kausap ko at hindi naman ikaw!"


"This is not Lai's house. This is my uncle's house. As the biological niece, I have more rights to this house. At ayaw ko na merong ibang tao na titira dito."


Sumandal naman ako sa kitchen counter habang nakatingin lang sa kanilang dalawa. Hinihintay ko kung sino ang unang aatras. At ang nauna ay si Laura. Padabog itong umalis pero nag-iwan sa akin ng mabagsik na tingin.


Parang magic naman na nabura ang mataray na ekspresyon ni Renren nang kami na lang na dalawa. "Lai, how was it?!" bigla ay matinis na tanong nito sa akin. "Did Renren do well?!"


Sa isang iglap ay naglaho ang lahat ng poise sa katawan ni Renren. Para itong bata na bumungisngis saka sumugod ng yakap sa akin. Ang saya-saya nito.


"Renren was cool, right?! Renren made Lai proud, right?! Right!"


Nag-thumbs up ako sabay tulak rito palayo. Ang dami nitong pinagsasasabi na pinakinggan ko na lang. Ngayong naririto na raw ako sa Cavite ay palagi na itong uuwi kapag walang trabaho. Naitirik ko na lang ang mga mata ko dahil sa tinis ng boses nito.


5:00 p.m. nang sa wakas ay umalis na si Renren. Mag-isa na lang ulit ako sa bahay. Tinawagan ko si Tita Judy pero natutulog pa raw si Bobbie. Isasama rin daw muna siya sa pago-grocery, at baka gabi na sila makaraan dito.


Naisip ko na ipaayos ang lumang cellphone ni Mama. Noong bumalik ako sa Manila pagkamatay ni Mama ay saka ko lang nakita ang lumang cellphone nito. Ilang beses kong pinagtangkaang ipaayos, pero hindi kinakaya ng oras ko. Palagi kasi akong busy at wala akong napag-iiwanan kay Bobbie.


Hindi na ako nagbihis dahil diyan lang naman sa tapat ng subdivision ako pupunta. Iyong pambahay na maluwag kong shirt na butas pa ang laylayan ang aking isinuot. Shorts lang sa pang-ibaba. Ang tsinelas ko naman ay normal na panlabas na tsinelas lang.


Tumawid na ako sa Grand Riverside Subdivision na katapat lang ng Sunterra. Natuwa ako dahil marami nang establishments doon, kaya hindi ko na kailangan pang pumunta sa bayan ng Malabon.


Mas natuwa ako dahil one day lang daw ay puwede ko nang balikan ang phone. Mura lang din ang singil, kaya nai-treat ko pa ang sarili ng chocolate ice cream sa sukli.


Matao rito sa Riverside. Maraming paninda sa tabi-tabi, kaya naaliw ako na maglakad-lakad. Sa Mandaluyong kasi ay hindi ko kabisado ang lugar, kaya bihira ako na maglalalabas. Wala rin ako roong gaanong kakilala kaya nag-iingat ako, lalo pa't dalawa lang kami sa bahay ng anak ko.


Ngayon na lang ulit ako nakakagala nang ganito dahil may napag-iiwanan na ako kay Bobbie. Wala na akong dalang pera, last na iyong naibili ko ng ice cream, kaya tingin-tingin lang talaga ako. May nakita akong stand ng ukay-ukay sa labas ng isang store. Pumunta ako roon habang kinakain ang hawak na chocolate ice cream.


Habang nagtitingin ay panay tanong ko sa tindera ng presyo. Ang dami kong nagustuhan na loose unisex shirts na aking pinag-iisipang balikan kapag may dala nang pera next time. Hindi ko namalayan na kanina pa ako tanong nang tanong, naaabala na ang tindera at mukhang alam na nito na hindi naman ako bibili.


Lumabi ako at aalis na sana nang may dumaang naghaharutang mga teenager sa likod ko. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako agad nakapag-balance ng katawan. Napatid ang tsinelas ko at nangudngod ako, kasama ang ice cream ko, sa stand ng naka-display na mga ukay!


"Ay, ano ba iyan?!" Napasigaw ang tindera dahil bumagsak ako kasama ng mga paninda nito.


Namilog ang aking mga mata dahil hindi lang basta ako nakatumba ng stand, hindi lang basta nadumihan sa lupa ang mga ukay na bumagsak sa sahig, dahil kumalat din ang chocolate ice cream ko sa mga light colors na damit!


"Aba, Miss, anong gagawin diyan sa mga paninda ko?! Bayaran mo iyan!" galit na boses ng tindera na nagpabalik ng mga mata ko sa aking dinadaganang natumbang ukay stand.


"May bumangga sa akin—" Pero paglingon ko sa mga kabataang dumaan ay malayo-layo na ito ang mga ito habang patuloy pa rin sa paghaharutan.


"Diyos ko, pati ang stand ko ay nabali!" Mukhang mabait naman ang tindera, pero sa ganitong sitwasyon na nasira ang negosyo ay walang mabait-mabait. "Bayaran mo iyan, Miss! Inutang ko lang ang puhunan ko riyan!"


"Po?" Napatayo ako kahit nagkapilay yata ang balakang ko sa pagbagsak sa lupa. "Ate, wala akong dalang pera. Saka, hindi ko naman po sinasadya—"


"Kanina ka pa tanong nang tanong, hindi ka naman pala bibili. Tapos alam mo nang may dala kang ice cream, hindi ka pa nag-ingat! Paano ngayon iyan? Mayayari ako sa asawa ko! Anong gagawin diyan sa mga ukay na minantsahan mo?!"


Nanliliit na ako sa hiya dahil nakatingin na sa amin ang mga nagdaraan pati ang mga nasa kalapit na tindahan. Nakakaagaw na kami ng atensyon dito. Tapos nanlalagkit pa ang mga kamay ko dahil sa chocolate ice cream.


"Ate, lalabhan ko na lang po," pakiusap na suhestiyon ko. "Malalabhan pa naman po siguro, lalo iyong mga naalikabukan lang. Pasensiya na po talaga, hindi ko naman sinasadya."


Nanggalaiti lalo ang tindera. "Sa tingin mo, ipapadala ko sa 'yo ang mga ukay? Hindi nga kita kilala! At paano iyang stand na nasira mo? Bayaran mo rin iyan!"


Naiintindihan ko naman ito. Ang kaso, wala nga akong dalang pambayad. Pati nga cell phone ay hindi ako nagdala. Ang emergency cash ko naman sa bahay ay two thousand pesos lang. Makakabayad lang ako kung pa-bank or Gcash transfer.


"Wala po akong dalang pera. Babalik na lang po ako. Gagawa po ako ng paraan para makabayad. Tagariyan lang po ako sa kabilang subdivision—"


"Naku, hindi!" Paiyak na sa frustration ang tindera. Nagpapadyak na. "Baka takasan mo ako!"


Nagbubulungan na ang mga nanonood sa amin. Wala nga namang maniniwala na makakabayad ako. Wala akong kaayos-ayos, ang laki ng lumang shirt na suot ko, at patid pa ang tsinelas ko.


Ang tindera sa katabi ay nakisali na dahil parang maghi-hysterical na ang tindera ng ukay na naabala ko. "Tumawag na lang kaya tayo ng baranggay para siguradong hindi ka matakasan," anito.


Napu-frustrate na rin ako nang may baritonong boses na nagsalita mula sa likuran ko. "MAGKANO LAHAT?"


Pakiramdam ko ay nagtayuan ang aking mga balahibo sa batok sa gulat at kaba. Sa aking paglingon ay muntik pa akong mangudngod sa mabangong leeg ng matangkad na lalaking nasa likod ko.


Makinis. Malaki na nakabukol. Kaninong Adam's apple ang ganito?


Sa pagtingala ko sa kanyang mukha ay napasinghap ako. Hindi siya sa akin nakatingin, kundi sa tindera ng ukay. Kalmado ang mga mata niya, hindi salubong ang makakapal at itim na itim na mga kilay, at nakapinid ang mapupulang mga labi. At hindi nakabawas kahit kaunti ang pahabang pilat niya sa kaliwang pisngi.


Humakbang siya palampas sa akin kaya nabistahan ko ang ayos niya. Nakatali sa likod ang bahagyang mahabang buhok na wolf cut. Ang suot ay plain white t-shirt, cargo shorts na kulay marine green, at sa paahan ay black Adidas slides.


Ang linis-linis tingnan, ang bangu-bango. Wala sa loob na naikuskos ko tuloy bigla sa laylayan ng aking shirt, ang mga kamay ko na may bakas pa rin ng chocolate ice cream.


Kinuha ni Asher ang leather wallet sa bulsa ng suot na cargo shorts. "Magkano po ba lahat iyong narumihan? Pati iyong nabaling stand?"


Kumibot-kibot muna ang mga labi ng tindera habang nakatingala sa kanya. Hanggang dibdib niya lang ito. Mayamaya ay ngumiti na ang tindera. "S-sige, i-compute ko lang!"


Nakatingin pa rin naman ako. Nagtataka kung anong ginagawa niya rito sa Grand Riverside?


Tumingin ako sa paligid. Wala akong nakikitang nakaparadang owner jeep. Kung ganoon ay nag-compute lang siya. Ano ba ang sadya niya? Ah, whatever it was, it had nothing to with me.


Tumulong iyong tindera sa kabila para isa-isahin iyong mga nasa sahig na ukay. Pinili ang marurumi at iyong nalagyan ng chocolate ice cream.


Hawak ng tindera ang calculator habang nagko-compute. "Eighty isa ng normal unisex oversized shirt, iyong premium naman ay one hundred twenty, tag-dalawa iyong narumihan. Iyong iba naman ay hindi naman gaanong marumi, kaya wag nang isama. Iyong stand naman ay one thousand five hundred ang pagpagawa ko, pero mukhang maaayos pa naman kapag pina-welding, kaya kahit five hundred na lang. Bale ang total ay—"


"Nine hundred." Si Asher na ang sumagot.


Napanganga naman ang tindera dahil sa bilis, at papindot pa lang yata ito sa calculator para kunin ang total.


Naglabas ng buong one thousand pesos si Asher mula sa wallet at inabot sa tindera. Nagkumahog naman ito sa pagsusukli ng isang daang piso. Ang isang tindera naman ang nagbalot ng mga ukay sa plastic.


Nang makuha na ni Asher ang sukli at ang plastic ng ukay ay saka siya humarap sa akin. "Tara na."


Doon ako napakurap. Nang mahimasmasan ay dinampot ko agad ang durog na cone ng chocolate ice cream at itinapon sa basurahan, sabay pahid ulit ng mga kamay sa laylayan ng aking suot na shirt. Nakatingin lang si Asher sa akin. Napapasong umiwas naman ako sa mga mata niya na tila sa lawin kung makatingin.


Nagmadali akong naunang lumakad paalis. Nasa likod ko naman siya na nakasunod sa akin. Nanliliit ako pero taas-noo pa rin sa paglalakad. Normal lang ang embarrassing moment sa buhay. Nasa tao na iyon kung paano magre-react.


May mga nakahabol pa rin naman ng tingin sa akin na malapit sa ukayan, kaya binilisan ko ang aking lakad. Wala namang problema kay Asher ang pagsunod dahil mas mahahaba ang biyas niya kaysa sa akin. Chill siya na nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay ang may hawak ng plastic ng ukay.


Nang makalabas sa Riverside at nasa tapat na kami ng patawid sa Sunterra ay saka ako huminto. Tumabi naman siya sa akin habang pareho kaming nakatingin sa kaharap na kalsada.


Pareho kaming walang imik nang bigla niyang iabot sa akin ang plastic ng ukay oversized shirts.


Hindi ko naman iyon tinanggap. "Sa 'yo iyan. Ikaw ang nagbayad, di ba?" Salat sa kahit ano ang tono ko.


"Ipapagamit mo sa akin, may mantsa?" tanong niya na kaswal lang din at hindi sa akin nakatingin.


Napatiim-bagang ako. "Bakit mo binayaran kung ayaw mo ng may mantsa?"


Narinig ko ang pagpalatak niya. Pagkuwa'y kalmadong nagsalita siya, "Labhan mo."


"What?" Gulat na muli akong napalingon sa kanya, na sakto namang biglang pasa niya sa akin ng plastic ng ukay. Hindi siya nakatingin kaya wala akong nagawa kundi saluhin iyon kaysa mabitiwan sa sahig.


But did I hear it right? Inuutusan niya ako? What the fuck? We were not even friends, to begin with!


"Labhan mo. Babalikan ko sa 'yo pag malinis na."


"Ayoko." Dumiin na ang tono ko at may kalakip nang pagbabanta. "Kunin mo sabi ito!"


"And why should I listen to you?" Saka niya ako tiningnan para taasan ng isang kilay. "You already hate me anyway."


Pagkasabi'y walang anuman na lumakad na siya patungo sa jeep na pa-Malabon. Pasabit na pumasok siya sa may katabi ng driver sa harapan. Napatanga na lang ako, dahil bago makaalis ang jeep, ay nakita ko pa ang pagngiti ng nakakainis sa pula niyang mga labi!

jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

128K 518 112
Just a list of the stories that I read with its main/lead characters. Compilation. Recommendations. Mostly Series. Known and Underrated Authors. Rom...
169K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
829K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.