Secretly In Love With My Best...

By Moonillegirl

7.6K 250 29

"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing... More

Disclaimers
🦋-Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Fourty
Chapter Fourty-one
Chapter Fourty-two
Chapter Fourty-three
Chapter Fourty-Four
Chapter Fourty-Five
Chapter Fourty-six
Chapter Fourty-seven
Chapter Fourty-eight
Chapter Fourty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Epilogue | Part 2
SPECIAL CHAPTER | Part I: Seven's Pov
SPECIAL CHAPTER | Part II
SPECIAL CHAPTER | PART III
SPECIAL CHAPTER | Last Part

Epilogue | Part 1

176 4 0
By Moonillegirl


“Ikaw na ba yan amethyst...? Seven's infamous bestfriend?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin habang may matamis na ngiti sa labi pagkatapos kaming iwanan ni Seven dito sa isang room sa venue ng kasal nila.

Bahagya akong napalunok dahil doon. Hindi ko kasi inaakala na  kilala pa pala niya  ako? Sa ilang taon din kasing wala ako sa pinas ay inasahan ko na na maraming makakalimot sa akin pero mali pala ako. They still remember me.

“Ako na nga ito, Haha. Mukang hindi pa nai-kwento ni Seven sa'yo na nakabalik na ako.” medyo awkward na sabi ko at nahihiyang napakamot pa sa batok.

Sinubukan kong tumawa ngunit  napangiwi din agad dahil naging tawang pilit ang pagsubok ko.

Nakakahiya!

“Huwag kang mag-alala. Hindi ako nandito para pagbawalan kang kausapin o lumapit sa kaniya. Especially that I know everything that happened between you and him. Importante ka sa kaniya at Importante ka rin naman sa akin. Bestfriend tayo dati remember?” natatawang sabi niya sa akin nang makita ang awkward na ekspresyon ko sa muka bago siya ngumiti ng malawak sa akin.

Napahinga ako ng maluwag dahil doon. Kaya naman pala nagustuhan siya ni Seven, eh. Maganda na, mabait pa tapos napaka understanding, ang swerte ng loko! nakabingwit ng full package na asawa.

“Mabuti naman kung ganon. Masaya ako na ikaw ang nakatuluyan ni sev, ang swerte niya sa'yo.” may matamis na ngiti sa labing sabi ko naman na bahagyang ikinapula ng muka nito.

“N-naku, hindi ah. Mukang kabaligtaran nga, eh. Ako ang swerte dahil nakilala ko siya.” namumula ang mukang sabi niya at bakas ang pagkahiya sa tono ng pananalita niya kaya naman napatawa ako.

“The wedding gown suits you very well. Napakaganda mo sa araw ng kasal niyo ni, sev. Kung lalaki lang ako ay aagawin kita sa kaniya.” pabirong sabi ko mayapos siyang purihin na bahagyang ikina-laki naman ng mata nito bago nahihiyang napakamot sa pisngi niya.

I smiled genuinely at this before chuckling lightly. Napanatag ang loob ko dahil napagtanto ko na nasa mabuting kamay si seven. She's perfect for him. Unang kita ko pa lang sa kung paano niya tingnan ng puno ng pagmamahal at adorasiyon si Seven kanina ay alam ko na at sigurado na ako na she's the perfect match for that man.

“Salamat sa'yo.”  panimula niya ng may sinserong ngiti sa labi “Maganda ang naging wedding gown ko at bumagay siya sa'kin kasi ikaw ang may gawa and don't worry. Aalagaan ko siyang mabuti at susubukan kong lagpasan yung mga nagawa mo para sa kaniya. He's in a good hands, sinusugurado ko sa'yo 'yan.” seryoso at sinsero ang boses na sabi niya na bahagya kong ikinagulat.

Nabasa niya yata ang iniisip ko base sa ekspresyon ng muka ko kanina pero nonetheless, I'm satisfied dahil sa sinabi niya.

“Alam ko,” nakangiting sagot ko “And matagal mo ng nalampasan yung mga bagay na ginawa ko para kay Seven. Kampante 'ko sa'yo at may tiwala ako na aalagaan mo siya.” I shakily inhale a breath.

My heart clench painfully. Sobrang sakit pa rin pala kahit tanggap mo na. Nando'n pa rin yung regret at yung pait pero wala na akong ibang choice kung hindi maging masaya para kay Seven at Nadia. Simula pa lang kasi ay talo na ako dahil naduwag akong umamin, pinangunahan ako ng takot na baka masira yung relasyon namin bilang magkaibigan kaya mas minabuti kong manahimik na lang tungkol sa nararamdaman ko at naging isa 'yon sa maraming bagay na pinagsisihan kong hindi sinugalan.

We're not to be blamed for our bittersweet story. Siguro ay hindi lang talaga kami tinadhana para sa isa't-isa. We shouldn't blame destiny for it either. Pero minsan hindi naman kasi natin maiiwasang sisihin o isumpa ang tadhana, e. Kapag sobrang daya at lupit na nung tama niya sa buhay natin.

“You'll be a great wife at... alam kong magiging mabuting a-asawa rin si Seven para sa'yo.” hindi ko na napigilan ang sariling mapaiyak.

She look taken a back for my sudden break down pero nginitian ko lang siya para sabihing hayaan niya lang ako at ayos lang ako.

“J-just please,” garalgal ang boses na usal ko at diretsyo siyang tiningnan sa kaniyang mga mata na ngayon ay nanunubig na rin.

“Don't... d-don't hurt him. H'wag na h'wag mo siyang papaiyakin. He's a tough man pero may kahinaan siya pagdating sa mga taong pinaka pinapahalagahan niya.” napakagat ako sa ibabang labi ko bago humugot ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita.

“Pilitin mong sumabay sa kalokohan niya. Give him pats on the head. Always. Gustong-gusto niya 'yon.” nakangiting dagdag ko bago bago punasan ang mga mata kong hilam na ng luha.

I ignore how my heart tightened.

“Kapag wala siya sa normal niyang mood, just give him a warm hug. Huwag mo siyang tatanungin agad kung anong problema. Yakapin mo lang siya at kapag bumalik na siya sa dating antics niya, start a conversation and help him recover from what's bothering him.” pagpapatuloy ko pa.

She stood here infront of me. Genuinely listening sa lahat ng sinasabi ko. Hindi niya ako hinusgahan dahil sa mga sinasabi ko na nagpakampante sa'kin.

“He'll be handful sometimes so  collect your self and just try your best to keep up with him. Masaya ako kasi nahanap na niya yung babaeng mahal niya at mamahalin siya.” pinilit kong hindi mapiyok habang sinasabi 'yon sa kaniya.

I smile bitterly to my self. Hindi ko talaga napapalampas na bigyan ang sarili ko ng ikasasakit ng puso ko at ikakagulo ng isipan ko, ha? Masohista nga yata talaga ako.

“T-thank you for telling me this, Amethyst. Natutuwa ako kasi tanggap ako ng taong pinaka-importante kay Seven. ” masaya ang boses niya pero luhaan naman ang mga mata niya.

Her eyes was filled with tears of joy and sympathy. And from that very moment, I realized that, she knows...

Alam niya na mahal ko pa ang lalaking pinakasalan niya dahil kita ko sa mga mata niya na naiintindihan niya kung saan ako nanggagaling at kung bakit ko sinasabi ang mga 'yon sa kaniya. It's a girls instinct, maybe.

“Thank you for loving him and for taking care of him. Salamat sa pagbibigay mo ng opportunity para mahalin ko siya.” she was crying but still has a genuine smile on her face.

Niyakap ko siya para patahanin at para I-reassure siya na ayos lang ang lahat.

“Nagparaya ako kasi alam kong mas sasaya siya sa'yo. I loved him, yes, pero nung makita ko na masaya siya sa'yo hindi ko na inilabas pa yung nararamdaman ko para sa kaniya.” pag-amin ko at nagpaluha nanaman.

“Hindi ko pa nakita si Seven na ganun kasaya simula nung makilala ko siya. He's a bright person even before but you managed to make him even brighter and that's enough for me, kontento na ako ro'n.” I quoted before I laugh genuinely  bago kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

“Napaka buti mong kaibigan. Napaka swerte ni Seven dahil nagkaroon siya ng bestfriend na katulad mo.” puno ng admirasyon ang luhaan niyang mata na ikinangiti ko naman ng malawak.

“Ikaw na'ng bahala. Sigurado ako na from here onwards magiging busy na rin ako. H'wag niyo lang kakalimutan na gawin akong ninang sa mga magiging future anakshies niyo, ha?” pabirong usal ko na ikinatawa naman nito.

We wiped our tears to make our self presentable again, baka kasi maabutan kami ni seven sa ganitong settings at itsura. Worry wrath pa naman ang isang 'yon.

“Oo naman. Napag-usapan na rin namin ni Seven 'yon.” may matamis na ngiting sambit nito na ikinangiti ko rin.

“Buti naman at naging close kayo kaagad.”

Parehas kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. And there we saw, Seven, walking towards us. Nakabalik na pala siya at hindi man lang namin naramdaman ang pagdating niya.

“Ang ibig mo bang sabihin ay akala mo aawayin ko ang asawa mo?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya suspiciously na ikinatawa naman ni Nadia at ikinalaki ng mata ni seven.

“W-what?! Syempre hindi, no!” gulantang na dipensa nito while waving his hands nervously in front of him.

Napatawa ako ng malakas dahil do'n na sinundan naman ni Nadia.

“Saglit lang akong nawala pero mukang nagkasundo na kayo na bully-hin ako, ah.” nakangusong sambit nito pero kita monsa mata niya na masaya siya sa nangyayari sa harapan niya.

I snorted.

“Oh, tingnan mo nga naman.” nakangising usal ko at napatingin sa relo “Oras na pala para umalis ako.” dagdag ko pa at pinilit na huwag ngumisi ng malaki sa kanilang dalawa.

Ang biglaang pamumula ng pisnge ni Nadia ang nakapagpatawa sa akin ng mahina.

“Teka? Aalis ka na agad? Kararating mo lang, ah?” kunot noong bulalas naman ni Seven habang nakatingin sa akin.

His eyes held longingness and sadness. Nginitian ko siya ng maliit at saka pabiro ko siyang inirapan bago pumameywang sa harapan nilang dalawa habang nasa kaniya ang tingin ko.

“ First of all, kanina pa ako rito sa venue ng kasal mo, tanungin mo pa 'tong si Nadia.” nakangising pag-amin ko sabay nguso kay nadia na ngayon ay may alanganin ng mgiti sa labi dahil sa biglaang pagdawit ko sa pangalan niya na ikina-laki naman ng mata niya

“H-huh?.. Teka! Bakit hindi naman kita nakita? Nagsisinungaling ka, e.” akusa nito habang nakaturo sa akin ang hintuturo niya na ikina-giling ko lang.

“She's not. Kanina pa talaga siya rito, love.” sabad ni Nadia dahilan para mapanguso si Seven na parang bata.

“May kompaniya na akong pinapalago at busy na akong tao, Seven. Akala ko pa naman ay alam mo na 'yon.” pang-iinis ko sa kaniya na mas lalo namang ikina-nguso nito.

“Ang daya! Hindi pa naman tapos ang event aalis ka na agad?” lukot ang muka nito na ikina-buntong hininga ko naman.

“Ayusin mo nga 'yang muka mo. Pumapangit kang lalo, e.” ismid ko na ikinatawa naman ni nadia at ikinasambakol lalo ng muka ni Seven.

“I have no time left. May business meeting ako 30 minutes from now. Malayo din ang location kaya kailangan ko ng umalis.” pagpapaliwanag ko kaya wala na itong nagawa kung 'di ang tumango.

“Congratulations on your wedding day, both of you. Mauna na ako.” paalam ko ng may matamis na ngiti sa labi bago sila yakapin at i-beso.

“Salamat Amethyst.”

“Ingat, ami.”

“You're welcome, humayo kayo at magpakarami. Babu~” may nakakalokong ngisi sa labing pahayag ko sa masiglang tono at lumabas sa silid na 'yon ng tumatawa ng makita ang namumula nilang muka.

_
Moonillegirl🌷

A/N: Stay strong our Amethyst 🫶🤧

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...