Secretly In Love With My Best...

By Moonillegirl

7.5K 249 29

"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing... More

Disclaimers
🦋-Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Fourty
Chapter Fourty-one
Chapter Fourty-two
Chapter Fourty-three
Chapter Fourty-Four
Chapter Fourty-Five
Chapter Fourty-six
Chapter Fourty-seven
Chapter Fourty-eight
Chapter Fourty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Epilogue | Part 1
Epilogue | Part 2
SPECIAL CHAPTER | Part I: Seven's Pov
SPECIAL CHAPTER | Part II
SPECIAL CHAPTER | PART III
SPECIAL CHAPTER | Last Part

Chapter Fifty-seven

123 3 0
By Moonillegirl

"Oh, amethyst. Hinahanap mo ba si Seven?"

Bungad na tanong sa akin ni Lola Esme ng makarating ako sa tapat ng Bakery nila. Pagkatapos kasi ng pagtatalo sa aking isipan ay nakapag-desisyon na akong magpaalam kay Seven bago ako umalis ng pinas.

Kahit naman hindi kami magka-ayos ay gusto ko pa ring magpa-alam sa kaniya dahil kaibigan ko pa rin naman siya kaya naman narito ako ngayon sa bahay nila.

Nginitian ko si Lola Esme at saka tumango.

"Hinahanap ko nga po si Seven. Nandito po ba siya?" may maliit na ngiti sa labing sagot ko na bahagyang ikinakungkot naman ng muka nito.

"Naku, nagkasalisihan kayong dalawa ni Seven. Kakaalis niya lang papunta sa plaza may practice daw sila, e.." pahayag nito na bahagyang ikinalaki ng mata ko bago mapakurap-kurap.

"Ganon po ba? Sige po, pupuntahan ko na lang po siya ron. May sasabihin lang po ako sa kaniya, e." nakangiting usal ko na ikinatango naman nito.

"Oh siya, sige. Mag-ingat ka na lang. Dalhin mo ito para may kainin ka sa byahe mo ron." nakangiting usal naman niya sabay abot sa akin ng isang plastic na may lamang pandecoco na ikinalaki naman ng mata ko.

"Lola, huwag na po-

"Sige na at ng maka-alis ka na. Madalang mo na nga lang akong bisitahin tatanggihan mo pa ang alok ko?" tila nagtatampong sambit nito na ikinagulat ko naman bago ako mapabuntong-hininga.

"S-sige na nga po." nag-dadalawnag-isip na ani ko na ikinaliwanag naman ng muka nito.

"Ingat, amethyst!" kaway nito sa akin na ibinalik ko naman bago maglakad papalayo roon.

Ma-mi-miss ko si Lola Esme at ang luto niya kahit sa lunes pa ang alis ko. Pero dalawang araw na lang naman iyon simula ngayon.

Napabuntong-hininga hininga ako bago pumara ng tricycle dahil pupunta nga ako sa plaza kung nasaan si Seven.

I want to say goodbye to him for the very last time at umaasa rin ako na umalis ng maayos ang mga bagay-bagay sa pagitan naming dalawa.

"Sa palaza po manong." ani ko sa drive rng tricycle matapos nakasakay roon.

***

Ilang minuto lang din naman at nakarating na rin ako sa plaza. Nagbayad na ako sa driver at pumasok sa entrance ng plaza bago ilibit ang paningin roon upang hanapin si Seven. Kakaunti lang naman ng tao sa plaza kaso lang ay malawak kasi ito kaya medyo nahihirapan akong maghanap.

Napahinto ang paglilibot ko ng paningin dahil sa kumpulan ng tao sa medyo gitna ng plaza malapit sa fountain.

Sa sobrang kuryosidad ay nilapitan ko ang pinagkukumpulan nila upang malaman kung ano iyon.

Pero ng makalapit ako ay ang siya ring pagsasalita ng isang pamilyar na boses na siyang dumurog sa puso ko

"Can you be my girlfriend, Nadia?"

Para akong binuhusan ng isang malamig na tubig no'ng marinig kong sabihin ni Seven 'yon habang puno ang mga mata niya ng pagmamahal at diretsyo siyang nakatingin sa mga mata ni Nadia na nakatingin din naman sa kaniya. Masakit ang kirot ng puso ko at ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko habang pinapanood ko ang nangyayari mula sa pwesto ko.

Nagtilian naman ang mga taong nakapalibit sa kanila na tila mo masaya sila sa mga nangyayari. Bagay na hindi ko magawa.

"Y-yes! Of course, seven. Gusto kong maging girlfriend mo!"

I bit my lower lips to stop my sob after hearing her answer. Nabitawan ko ang supot ng tinapay na binigay sa akin ni Lola Esme dahil sa panghihina at panginginig ng katawan ko.

I thought giving him up would make me feel better. Mali pala iyon. Hindi pala talaga magiging madali ang lahat para sa akin.

Kung kanina ay kaya ko pa ang kirot ng puso ko, ngayon ay hindi na. Mas domoble pa ang sakit at sobrang bigat ng dibdib ko. Malalim ang paghinga ko habang yapos-yapos ko ng mahigpit ang puso ko upang mapawi kahit papaano ang nararamdaman kong sakit.

I watch him kissed her forehead before locking her in his embrace.

Bago pa man maguna-unahan sa pagtulo ang luha ko ay tumalikod na ako sa kanila at mabilis na naglakad papalayo.

I was walking away from there at first until it turns out into a full run dahil gusto ko ng umalis doon. I can't watch them anymore. Nawalan na ako ng lakas ng loob na sabihin kay Seven ang pag-alis ko.

Para saan pa? He has her now. Hindi na niya ako kailangan dahil may girlfriend na siya. Tapos na ang papel ko. Sumuko naman na din ako sa kaniya, e. Hindi mas ayos na ang ganito?

"B-bakit... ganito?" hagulgol na tanong ko sa sarili ko at napa-upo na lang sa bakanteng upuan na nadanan ko.

No'ng makita ko kung paano titigan ni Seven si Nadia, naalala ko kung paano niya ako titigan dati. Halos pareho ang tingin na ibinigay niya kay Nadia sa tingin na ibinibigay niya sa akin noon.

The way he kissed her forehead feels nostalgic. Paulit-ulit na nag-flash sa isip ko yung mga pagkakataon na hinalikan niya ako sa noo ko. Mas lalo lang naninikip ang dibdib ko kapag naalala ko ang mga mixed signal na 'yon.

Nagseselos ako. Gusto kong magalit kay Nadia dahil kung hindi siya dumating siguro ay may pag-asa ako kay Seven pero hindi ko magagawnag magalit sa kaniya o kay Seven. Hindi lang dahil sa ayaw ko, wala lang talaga akong karapatang magalit o magselos sa kaniya. Gustuhin ko mang magalit wala naman akong karapatan. Bestfriend lang ako, siya ang mahal. Siya ang inalok maging nobya at hindi ako.

"Ang gandang parting gift naman nito, Seven." natatawang bulalas ko bago mapangiti ng mapait sa sarili ko.

Nakakaawa ka amethyst. Naaawang sermon ko sa sarili ko dahil wala pa ring humpay ang sariwang luha na lumalabas sa mga mata ko. Parang wala yata silang balak huminto sa ngayon.

Sh*t! Sobrang sakit pala nito. My first love turns out to be a failure. Inaasahan ko na ang ganito pero nakaka overwhelm pa rin talaga yung sakit. Kahit pala bumitaw ka na masasaktan ka ap rin pala talaga.

And now I know that it was one sided love all along. Ako lang pala talaga yung nagmamahal sa aming dalawa. His love for me is not a romantic type. It's more on platonic. T*nga-t*nga talaga amethyst!

"Amethyst, iha?" tawag ng isang boses galing sa likuran ko kaya naman mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at hinarap ang taong 'yon.

It's Tita hope, ang kapatid ni mama na magpapa-aral sa akin sa France.

"Tita?" takang tawag ko sa kaniya ng makatayo ako sa bench at lapitan siya.

"Mabuti naman at nahanap kaagad kita, anak." puno ng pagkaginhawa ang boses niya habang sinasabi 'yon na ikina-kunot naman ng noo ko.

"Po?" naguguluhang usla ko. "Bakit po, may problema po ba?" kunot noong tanong ko pa na kaagad namang ikina-iling nito.

"Nothing too big. May misunderstanding lang na nangyari sa company at kailangan na nating lumipad papuntang France ngayon din mismo." sagot nito na ikinalaki ng mata ko.

"N-ngayon na po mismo? As in, now na po?" hindi makapaniwala at gulat na tanong ko kay tita upang makasigurado na tama ang natinig ko.

She look at me apologetically bago niya marahang kunin ang kamay ko at marahang hinaplos-haplos 'yon upang pakalmahin ako.

"Pasensya na, anak. Naisip ko kasi na since mapapa-aga ang flight ko dahil sa minor problem ng company ay isasabay na kita para kahit papaano ay may makasama ka sa unang byahe mo papuntang ibang bansa." paliwanag nito na ikinabuntong hininga ko lang bago ikinatango.

It's final then. I'm really leaving now, for real.

"Naiintindihan ko po, tita." sagot ko na ikinangiti naman nito bago ako yakapin ng mahigpit.

"Salamat anak." halata sa boses nito ang paggaan ng loob niya na bahagya kong ikina-ngiti.

"Alam na po ba ni mama na ngayon na tayo aalis ng pilipinas at Hindi na sa makalawa?" marahang tanong ko matapos humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya.

"Yes, anak. Pagka-alis ko sa inyo upang kuhain ang mga gamit mo ay naka-impake na rin ang mama mo paluwas ng maynila." may lungkot sa boses na sabi nito na nakapagpatulala sa akin.

Ramdam ko ang muling pag-kirot ng puso ko. Parang nalaglag ulit iyon at sinadyang apakan ng kung sino.

"L-lumuwas pa rin po ng maynila si mama?" nanginginig ang boses na tanong ko na malungkot niyang tinanguan.

"Galit pa rin pala po talaga siya sa akin?" nanunubig ang matang usal ko bago mapatawa ng mapait.

"Hindi galit ang mama mo sayo, Amethyst. Ayaw ka lang niyang makitang umalis dahil baka hindi niya kayanin. She wants the best for you kaya siya lumuwas ng maynila. Ayaw ka niyang ihatid kasi baka raw magbago pa ang isip mo kapag nakita mo siyang umiyak." mahabang paliwanag ni tita na tinanguan ko lang.

Kasinungalingan. Galit pa rin sa akin si mama. Kilala ko siya. Hindi niya lang ako papansinin kapag may nagawa akong hindi niya nagustuhan. Kahit naman siguro paalis na ako ng bansa kaya niyang i-set aside ang galit na 'yon para man lang ihatid ako sa airport, hindi ba? Pero hindi niya ginawa. Mas pinili niyang lumuwas ng maynila kesa makita ang anak niya na hindi niya makikita sa loob ng ilang taon.

Napagod ka na ba talaga sa akin, 'ma?

"Handa ka na bang umalis, Amethyst? Pwede naman natin tawagan ang mama mo kapag nasa daan na tayo." malambot ang boses na basag ni Tita hope sa pag-iisip ko.

Maliit akong ngumiti sa kaniya bago tumango. Wala na akong ibang pagpipilian. Bumalik man ako sa bahay namin ay malulungkot lang ako dahil wala naman na pala do'n si mama. Ayaw ko na ng mag-isa kaya mas mabuti pang sumama na lang ako kay tita.

Gagawin ko na ang gusto ni mama. I'll sacrifice being apart from her to let her see me successful someday. Kapag nangyari yon ay baka bumalik na kami sa dati. Kapag naging matagumpay na ako ay baka magkasundo na ulit kami ni mama.

"Tara na po. Handa na akong umalis." nakangiting usal ko kay Tita hope ng puno ng determinasyon sa mata.

Kahit ano pang galit at tampo ni mama sa akin siguro naman mapapatawad na niya ako kapag umuwi ako sa pinas matapos ng ilang taon sa ibang bansa ng may dalang maraming medalya at diploma 'di ba?

Maghintay lang po kayo 'ma! Magiging proud ka rin sa akin at tutuparin ko ang pangarap mo para sa akin.

Magiging sikat na Fashion designer ako at igagawa kita ng mga damit na gawa sa mamahaling tela kapag nangyari 'yon.

Ipaparanas ko sayo ang buhay na pinapangarap lang natin. Hintayin niyo lang po ako 'ma. Ako po ang tutupad sa pangarap niyo ni papa na magkaroon ng marangyang buhay.

And it's finally time to focus on my self and my dream for me and my mother. Ako naman muna. Kami naman muna ni mama. No more Seven, no more putting other people first before myself. Sarili ko naman muna.

Ako na pong bahala, 'ma...

Extra: Short Chapter...

Wendy's Pov

"Nakita niyo ba si Amethyst?" kunot noong tanong ko kila Jerome ng makalabas kami sa Examination room ng Central University.

Ka-ka-take lang kasi namin ng admission test pero simula noong graduation ay Hindi ko na Nakita si Amethyst. Nag-aalala na tuloy ako sa kaniya.

Pagkatapos siyang kausapin ni Nadia ay hindi na siya bumalik sa classroom. Pati ang mama niya ay namawala rin noong araw na iyon.

"Huh? Hindi mo ba alam?" kunot noong tanong sa akin ni Lyndsey na ikina-kurap-kurap ko sa kaniya.

"Ang alin?" kunot noong tanong ko na bahagyang ikinalaki ng mata nito bago napakunot ang noo sa akin.

"Wala na sa bansa si Amethyst. Sinama siya ng Tita niya sa France para doon na mag-aral. Kakaalis lang nila nung isang linggo. Hindi mo alam?" pagkukwento nito na ikinalaki ng mata ko.

Wala na dito si Amethyst?!

"S-seryoso ka ba? H-hindi naman nabanggit ni Amethyst sa akin na aalis siya, e." paninigirado ko na tinanguan naman niya.

"Hindi niya talaga masasabi sayo. Balita ko kasi biglaan lang daw iyon, e." paliwanag naman ni Lyndsey na ikinabagsak ng balikat ko.

"Ang daya. Hindi ko pa naman masasabi sa kaniya na alam ko na kung sino ang Secret admirer niya." nakangusong ani ko na ikinataas naman ng kilay ni Lyndsey.

"Secret admirer? Meron si Amethyst non?" Puno ng kuryosidad na tanong nito na akmang sasagutin ko na sana Ang kaso naman y Amy biglang umakbay sa akin kaya naoatikom kaagad ang bibig ko.

"Sinong may Secret admirer?" masiglang tanong ni Tyler na ikinatameme ko naman.

"You finished fast. Madali lang ba ang test?" tanong naman ng boses ni Hiro na ikina-anavt ng tainga ko bago mapatingin sa kaniya.

Sakto namang pagtingin ko ay kinindatan niya ako at binigyan ng knowing smile bago siya bumaling sa mga kasamaganunamin na isa-isang ng nagdadagingan galing sa mga room kung saan sila ng entrance exam.

I look at Hiro who's happily conversing with our batch mate.

He's a ball fo sunshine, inaamin ko iyon. Kumpara may Seevn na main heartthrob sa campus noon. Hiro's charm isn't overwhelmed pero Malaki pa rin ang impact niyon. He have this aura that can make you follow him without having a second thoughts. He's charming in many ways, kind and smart.

He look so innocent too but have something up on his sleeves.

At sana lang mabuti at malinis ang bagay na tinatago niyang iyon sa manggas niya.

_
Moonillegirl🌷

A/N: What a sudden twist of events, hyssst...

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...