Play The King: Act Two

AkoSiIbarra tarafından

329K 22.7K 10.8K

["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months... Daha Fazla

ACT TWO: "Play The King"
RECAP: "Play The Queen"
THE HERALD's Front Page (September 20 Issue)
PRELUDE: Avenging Tigers (Alaric)
CHAPTER I: The Fallen Falcon (Reynard)
CHAPTER II: Alaric's Bluff (Castiel)
CHAPTER III: Theater Threats (Fabienne)
CHAPTER IV: Queen's Gambit (Fabienne)
CHAPTER V: Kingside Castling (Castiel)
CHAPTER VI: Falcon and Tiger (Reynard)
CHAPTER VII: Circle the Wagons (Castiel)
CHAPTER VIII: Royal Restraint (Fabienne)
NEWS UPDATE: CCS-CSC CHAIR RESIGNS
NEWS UPDATE: LEXECOM MAJORITY BLOC TO FILE IMPEACHMENT RAPS VS USC PRES, VP
CHAPTER IX: Flipped Like A Coin (Reynard)
CHAPTER X: Severed Strings (Castiel)
CHAPTER XI: Tricky Theatrics (Fabienne)
CHAPTER XII: Opening Shot (Castiel)
CHAPTER XIII: The Future is F?! (Reynard)
CHAPTER XIV: Queen's Gambit (Fabienne)
CHAPTER XV: Alpha Male (Castiel)
CHAPTER XVI: Castle Under Siege (Castiel)
NEWS UPDATE: 6 OUT OF 10 STUDENTS IN FAVOR OF OUSTING USC PRES, VP
CHAPTER XVII: 'T' in Theater Means 'Tea' (Reynard)
CHIKA MINUTE: Silence, Please?
CHAPTER XVIII: Double Check (Fabienne)
CHAPTER XIX: Sacrificial Lamb (Castiel)
CHAPTER XX: Passing the Torch (Fabienne)
CHAPTER XXI: At All Costs (Castiel)
NEWS UPDATE: ONLY 4 OUT OF 10 STUDENTS NOW IN FAVOR OF OUSTING USC PRES
CHAPTER XXII: Nuclear Option (Reynard)
CHAPTER XXIII: Pyrrhic Victory (Fabienne)
NEWS UPDATE: CBA-CSC CHAIR TOPS VP BETS
CHAPTER XXIV: Trouble in Paradise (Castiel)
CHAPTER XXV: Double Trouble (Fabienne)
CHAPTER XXVI: Hand of the King (Castiel)
CHAPTER XXVII: A Heartbeat Away (Castiel)
NEWS UPDATE: NEW USC VP TAKES OATH
OPINION PIECE: USC RHYMES WITH MISOGYNY
OPINION PIECE: MGA MAHIHINANG NILALANG
CHAPTER XXVIII: Insurance Policy (Reynard)
CHAPTER XXIX: Hard Bargain (Fabienne)
CHAPTER XXX: Spare Tire (Castiel)
CHAPTER XXXI: Race is On (Reynard)
CHAPTER XXXII: Pinky Promise (Fabienne)
CHAPTER XXXIII: D-Day (Fabienne)
CHAPTER XXXIV: Four Candies (Castiel)
CHAPTER XXXV: Line of Succession (Castiel)
NEWS UPDATE: USC VP TEMPORARILY ASSUMES PRESIDENCY
CHAPTER XXXVI: Caught By Its Mouth (Reynard)
CHAPTER XXXVII: Sleeping Prince (Fabienne)
CHAPTER XXXVIII: Down in the Dumps (Fabienne)
CHAPTER XXXIX: Declaration of War (Reynard)
CHAPTER XL: Regency Era (Castiel)
NEWS UPDATE: USC SUSPENDS 3 OFFICERS
CHAPTER XLI: So Much For So Little (Fabienne)
CHAPTER XLII: New Crew (Castiel)
CHAPTER XLIV: United Front (Castiel)
CHAPTER XLV: Newfound Prey (Reynard)
CHAPTER XLVI: Fallout (Fabienne)
CHAPTER XLVII: Direct Attack (Castiel)
CHAPTER XLVIII: Uncoordinated Response (Fabienne)
CHAPTER XLIX: Poetic Justice? (Reynard)
CHAPTER L: Surge of Hope (Castiel)
CHAPTER LI: Farewell and Welcome Back (Fabienne)
CHAPTER LII: Deja Vu (Castiel)
CHAPTER LIII: Awakened Prince (Fabienne)
CHAPTER LIV: Warning Shot (Reynard)
CHAPTER LV: What Ifs (Fabienne)
CHAPTER LVI: Cheese in the Trap (Reynard)
CHAPTER LVII: Locked in the Crosshairs (Reynard)
CHAPTER LVIII: Return of the King (Fabienne)
CHAPTER LIX: Beating Hearts (Fabienne)
CHAPTER LX: Queen of the North (Fabienne)
CHAPTER LXI: First of January (Fabienne)
CHAPTER LXII: Ticking Bomb (Reynard)
CHAPTER LXIII: Royally Official (Fabienne)
CHAPTER LXIV: Back in the Game (Castiel)
CHAPTER LXV: Tiger's Tail (Reynard)
CHAPTER LXVI: Prior Restraint (Reynard)
CHAPTER LXVII: Shots Fired (Castiel)
CHAPTER LXVIII: Emergency Meeting (Fabienne)
CHAPTER LXIX: Straight from the Heart (Fabienne)
CHAPTER LXX: State of the Race (Reynard)
CHAPTER LXXI: Tea Time (Castiel)
CHAPTER LXXII: Final Stretch (Fabienne)
CHAPTER LXXIII: Popularity Contest (Reynard)
CHAPTER LXXIV: Vox Populi (Fabienne)
CHAPTER LXXV: Curtain Call (Castiel)
EPILOGUE: Necessary Evil
USC Media Briefing: Q&A Portion
Author's Notes
DO NOT READ THIS PART

CHAPTER XLIII: Countermeasures (Fabienne)

2.4K 185 25
AkoSiIbarra tarafından

FABIENNE

MUKHANG MAY chance pa ako para makapag-apply bilang star ng susunod na theater production namin. A few days ago, chinika ni Belle sa 'kin na umalis na ang Repertory Theater director na siyang humawak sa Romeo and Juliet play. Apparently, may na-receive siyang directorial offer mula sa isang malaking university sa Manila. Kung tuloy na 'yon at 'di na siya magtse-change mind, mawawala na ang posibleng humarang sa application ko.

Malakas yata ang kapit ko sa taas, ah?

Dahil bakante na ang posisyong iniwan ni Direk, usap-usapan kung sino ang papalit sa kaniya. We soon found out na magtuturo sa isang subject namin sa second semester—sa Theater 166 o Applied Theater—ang magiging bagong direktor. Of course, excited na kaming makilala siya lalo na't ilang linggo rin kaming 'di nagklase sa subject na 'yon. Third week na ng classes, pero ngayon pa lang papasok ang prof namin.

"Good afternoon, class!" bati ng isang lalaking pumasok sa auditorium. Galing siya sa front entrance at naglakad pababa ng center aisle. 'Di namin agad naaninag ang itsura niya dahil madilim sa kaniyang nilalakaran. Only when he stopped at the lit area that we finally caught a glimpse of his face and figure. "Sorry to keep you waiting for, what, about three weeks?"

Siniko ako ni Belle sa braso. Paglingon ko sa kaniya, abot-tainga ang ngiti niya na parang may narinig siyang good news. Alam kong excited din siyang mag-start ang klase namin sa subject na 'to, pero ibang-iba ang dating ng kurba sa labi niya.

Bumalik ang tingin ko sa bagong prof namin. At first, I thought he was a teaching assistant or a secretary of our college instructor. Bata pa kasi ang itsura niya, malamang kasing-edad o mas matanda siya nang kaunti kay Kuya Fabrice. Kulot ang buhok niya na parang ginamitan ng hair curler ang bawat strand. Artistahin din ang itsura niya—makinis ang mukha at glowing pa ang skin. Gaya kay direk no'n, may nakabalabal na scarf sa kaniyang leeg.

"I'm Bernard Salvador, your Applied Theater instructor," pakilala niya sa 'min nang tumuntong siya sa stage. Napatingala kami sa kaniya. "I'm also the new director of this university's Repertory Theater. Please be gentle to me."

Muntik na akong mapanganga. T-Talaga? Ayaw kong magtunog na ageist, pero mukhang bata pa siya para mailagay sa gano'ng posisyon. Our previous director was already in his sixties, and the one before him was in his mid-forties. Ang layo ng age gap niya sa kaniyang predecessors.

"Some of you probably have questions." Hinawakan niya ang dulo ng kaniyang scarf at inilapit sa ilong niya. "I may look young, but I've been exposed to theater for half of my life. By the way, I'm thirty years old. 'Di halata, 'no?"

Thirty? I thought he was just twenty-five or something!

"The key is to eat healthy, exercise regularly, and live stress-free." Nginitian niya kami na tila ipinagyayabang ang kaniyang mga puting ngipin. "I've been performing at PETA since 2015. I've recently finished my doctorate degree in Performance Studies at UP Diliman. So if you're worried about youth and inexperience, there's nothing to worry about at all.

"Teka!" Napalingon ako sa aking katabi. Naningkit ang mga mata ni Belle. "Parang familiar ang mukha niya? Aha! Isa siya sa mga taga-PETA na nanood ng play natin! Remember no'ng opening show?"

Halos nagsalubong ang magkabilang kilay ko. Kaya pala 'di ko mamukhaan si Sir. Wala ako no'ng unang show namin dahil pumunta ako sa ospital para agad na i-check ang kondisyon ni Priam. It almost cost me my position as the female lead. Did I regret it? Of course, not!

Now that I was reminded of it again, 'di ko naiwasang mapasimangot. It had been five weeks since the stabbing incident, pero 'di pa rin namumulat ang mga mata ni Priam. Tina-try kong maging optimistic lalo na't mukhang 'di naman nagde-deteriorate ang lagay niya. Pero paminsan-minsa'y sumasagi sa isip ko ang what-ifs na ayaw kong i-entertain. Those thoughts would only affect me negatively, kaya sinusubukan kong 'wag pansinin.

"Oh, sorry," bulong ni Belle. "'Yon nga pala ang day na . . ."

"It's okay," bulong ko pabalik sabay pakita ng pilit na ngiti.

Nagwo-worry din ang kaibigan ko sa sinapit ni Priam. Minsan ko na siyang isinama sa ospital para bisitahin ang natutulog na prinsipe. Halos nanlumo rin siya nang makita ang kalagayan nito. Thankful ako dahil nandiyan si Belle para sa 'kin. 'Di niya ako iniwanan no'ng time na sobrang depressed ko sa nangyari. She was my crutch.

"In this course, we're going to discuss Applied Theater," sabi ni Sir Bernard. Nanumbalik sa kasalukuyan ang kamalayan ko. "Pag-uusapan natin dito ang mga non-conventional theater practice at kung paano natin magagamit ang mga 'yon para matalakay at mabigyan ng solusyon ang mga isyu sa lipunan."

After giving us a brief background of the course, isa-isa niya kaming tinawag para ipakilala ang mga sarili namin. But there's a twist! We had to perform on stage while introducing ourselves. Kami raw ang bahala sa gusto naming gawin, basta 'di masyadong extreme to the point na masasaktan kami. When my turn came, nagpaikot-ikot ako sa entablado habang binabanggit ang pangalan ko. I ended my intro with one final turn and a curtsy.

The whole exercise was time-consuming! Patapos na ang oras namin nang makapagpakilala na ang huling classmate namin. Meron pa kaming five minutes, pero dinismiss na kami ni Sir Bernard. Sinimulan na naming ayusin ang aming mga gamit.

"Lucero?"

Isinara ko muna ang zipper ng aking bag bago ako lumingon sa likuran. Pababa na ng stage si Sir Bernard, nasa likod ang mga kamay niya na parang nag-i-inspect na supervisor. Isinukbit ko na ang aking bag at saka lumapit sa kaniya.

"Yes, sir?" Nginitian ko siya. "May kailangan po ba kayo?"

"It's great to finally meet you officially," sagot niya sabay alok ng kanang kamay. "I was impressed with your performance in your Romeo and Juliet play. Pati ang mga kasama ko sa PETA, napabilib sa galing mo."

Tinitigan ko ang kaniyang kamay. I was about to hold and shake it, but something he said didn't feel quite right. "Nagkakamali po yata kayo, sir! No'ng nanood po kayo ng play, 'di po ako ang gumanap na Juliet. Si Lucresia po 'yon." Lumingon ako sa likuran at itinuro ang babaeng kaaalis pa lang sa puwesto niya. If someone deserved to take credit for that wonderful performance, it's definitely her. Ayaw kong agawin 'yon sa kaniya, baka magkaroon na naman ng isyu.

"I'm well aware na hindi ikaw ang nag-perform no'ng nanood kami rito," nakangiting tugon ni Sir Bernard. "But your university sent us a video recording of one of your performances. Doon ka namin napanood."

Napa-"Oh" ako habang patango-tango. Doon ko na siya kinamayan. "Thank you for the compliment, sir. It means a lot to me."

"You and your theater colleagues are quite talented kaya na-convince akong tanggapin ang offer na magturo dito at maging director ng Repertory Theater," dugtong niya. Lumapit pa siya sa 'kin at hininaan ang kaniyang boses. "Are you planning to audition for the next theater production? Don't tell anyone yet, but it's going to be Orosman at Zafira."

"O-Orosman at Zafira?"

"By Francisco Balagtas."

Wala pang binabanggit sa 'min kung ano ang susunod na play na ipe-perform ng Repertory Theater. Pero heto si Sir, ini-spoil na agad ako. That took away the fun of guessing what it would be. But that's okay! I was flattered na ako ang unang nakaalam sa classmates ko. Meron akong exclusive scoop.

"Anyway, see you in the auditions two weeks from now." Kumaway at nagpaalam na si Sir Bernard. Pinauna ko muna siyang umalis habang sinusundan siya ng tingin. 'Di ko man nasagot ang tanong niya, pero mukhang confident siya na pupunta ako ro'n.

"Hey, Fab!" Agad na lumapit si Belle sa 'kin. Nakasunod din ang tingin niya sa prof naming naglalakad palayo. "Ano'ng sinabi ni Sir sa 'yo?"

Sir Bernard asked me not to tell anyone about the next play kaya ititikom ko ang aking bibig tungkol do'n. Sorry, Belle. "Pinuri niya ang performance ko bilang Juliet. 'Di niya ako napanood na mag-perform live, pero napanood niya ang video recording ng play natin."

"Wow, ah!" Siniko niya ako sa braso. "Si Lucresia ang napanood niya bilang Juliet pero ikaw ang pinraise niya? 'Di man niya tinawag at kinausap si Lucring. Siguradong mai-insecure na naman 'yon sa 'yo."

I was hoping na 'di umabot sa gano'ng point. Masyado na akong maraming inaalala. Ayaw kong idagdag si Lucresia sa humahabang listahan.

"Fab?" Sunod na lumapit sa 'min si Colin. Nakasukbit ang sling bag sa balikat niya. "Gusto mo bang sumama sa 'min? Magmi-milk tea kami sa food hub habang gumagawa ng research."

"Oo nga, Fab!" Muli akong siniko ni Belle sa braso. Mabuti't marahan ang tama niya sa 'kin kaya malabong magkapasa ako. "Lagi ka kasing may pinupuntahan. 'Di na tayo masyadong nakakapag-bonding outside class!"

Nagdikit ang mga palad ko na tila nananalangin. "Pasensiya na talaga! Pupunta rin ako sa food hub, pero may iba akong ka-meet."

Nagtinginan ang dalawa bago napasimangot. I'd been declining their invitations since five weeks ago. Lagi akong nag-e-excuse dahil mas pinipili kong bisitahin si Priam sa ospital kaysa gumimik kasama nila. 'Di ko sila tinatalikuran bilang kaibigan o kaklase. Pero naisip ko kasi na halos araw-araw at ilang oras kaming magkasama sa isang schoolday.

"Promise! Babawi na talaga ako sa susunod!" Itinaas ko pa ang aking kanang kamay para ipakita ang commitment ko. Kung may listahan sila ng mga utang ko, malamang ay kaunting space na lang ang natitira.

"Sabi mo 'yan, ha?" Napakrus ang mga braso ni Belle, nakaangat din ang kaliwang kilay. "Basta i-treat mo kami next time para makabawi ka sa amin."

"Promise!"

Kasama ang iba naming classmates, sabay na kaming lumabas ng auditorium at bumaba ng hagdan. Hapon na kaya 'di na masyadong tirik ang araw at 'di na kami maiinitan. We arrived at the food hub around four-thirty. Sabay pa rin kaming umakyat sa second floor, pero nagkahiwalay na kami sa escalator. They went left while I went right.

Today, I wouldn't be going to the hospital. Nakabisita na ako no'ng isang araw. Baka manawa na sa itsura ko sina Tita Primavera at Tito William. They'd been seeing me three to four times a week. Pero kung makatatanggap ako ng balita na nagising na si Priam, I'd drop everything at tatakbo ako agad papunta ro'n.

So for this afternoon, I chose to meet with some people. 'Di ako usually nakikipagkita sa kanila lalo na't wala kaming common denominator. But recently, we found one reason para makapag-bonding kami. Sa Astra Blend Cafe namin napagdesisyonang magkita.

May kaunting kirot sa puso ko nang malaman ko ang meeting place namin. Dito kami unang nag-"date" ni Priam. Dito rin nag-start ang papel ko bilang first lady niya. I remembered kung paano siya ngumiti sa 'kin kahit pilit para i-accommodate ako. I also remembered kung paano niya inalis ang kaniyang maskara dahil 'di na niya matiis ang pagpapanggap. Back then, I ordered black tea latte habang creamy iced coffee ang kaniya.

I wish we can share a cup of coffee here again.

"Hi!" Kumaway at ngumiti ako sa dalawang babaeng lumingon sa direksiyon ko. Nakaupo sina Valeria at Lavinia sa isang banquette ng booth. Yup! Sila ang ka-meet ko ngayong hapon. We'd normally chance upon each other sa hospital tuwing binibisita namin si Priam. Dito sa campus, nagkakasalubong kami sa hallway o walkway. "Pinaghintay ko ba kayo?"

"We've just arrived here as well," nakangiting sagot ni Valeria sabay muwestra sa bakanteng upuan. "Please take a seat."

"Thank you." Umupo ako sa kabilang banquette bago iginala ang aking tingin. "Nasa'n na 'yong iba?"

Napa-check si Lavinia sa kaniyang phone. "They're on the way here. Paakyat na raw."

"Kumusta na kayo?" Ipinatong ko sa mesa ang aking mga siko. "Since . . . you know?"

"They have been enjoying more free time like me," natatawang tugon ni Valeria habang nakasulyap sa katabi. "Life outside the USC office is a bit different."

"Maybe I should write a 'thank you' letter to Castiel," sarkastikong sagot ni Lavinia nang umirap siya. "I was able to give more time to my academics and my friends."

After waiting for three more minutes, pumasok na sa cafe ang isang babae at isang lalaki na familiar ang mga mukha. I used to see them wearing maroon blazers kaya nakakapanibago na makitang suot nila ang prescribed uniform para sa kanilang courses. Since they were suspended, they'd been stripped off their student council attire, maging ang kanilang brooch. Parang normal na mga estudyante na sila. They'd not instantly stand out this way.

"Hi!" Kumaway ako kina Sabrina at Rowan habang palapit sila sa 'min. "How are you two?"

"Okay naman," mahinhing sagot ni Sabrina. Inayos niya ang pagkakalagay ng kaniyang salamin pagkaupo niya sa tabi ko. "Sana'y okay ka rin."

"Wala naman akong choice kundi maging okay." Ini-stretch ko ang aking labi para pilit na ngumiti. "Basta dapat, patuloy ang laban!"

Some of them cracked a smile. It had been a week mula nang sila'y i-suspend indefinitely ni Castiel. Since then, pinatatakbo niya ang student council kasama si Tabitha at tatlong junior officer. So far, mukhang kaya nilang mag-function kahit wala ang kanilang mga nakasanayang kasama.

"Nagsama-sama na naman ang mga ex-student council officer!" Pumuwesto si Rowan sa tabi nina Valeria at Lavinia na napilitang umusod. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa headrest at idinekuwatro ang mga binti. "Should we call ourselves 'X-Men'? Nope! Masyadong gender-specific at mag-isa lang akong lalaki rito."

"Ha-ha-ha," walang ganang tawa ni Lavinia bago umirap. "Before we start, um-order na muna tayo ng drinks and pastries. Rowan, since you're the only thorn among the roses, please do the honors."

"May choice pa ba ako?" Muling tumayo ang tanging lalaki sa 'min. "Ano-ano ang orders n'yo? 'Di ko treat ito, ha? I'm just taking your orders."

Matapos sabihin ang choice of pastries at drinks namin—mine was black tea latte—sa kaniya, pumila na siya sa counter para ibigay ang orders namin. We waited for him to return with a tray with five talls cups and five plates of glazed donuts. Inilapag niya 'yon sa mesa at isa-isa namin kinuha ang aming orders.

"So," itinarak ni Rowan ang paper straw sa lid ng iced matcha tea latte niya, "ano ang agenda natin for today? I assume we're not here para magkumustahan at mag-chika-han."

I was an outsider and almost an spectator kaya hinayaan ko na silang manguna sa discussion. This wasn't a formal meeting, by the way, kaya puwede kaming maging casual.

Sumipsip muna si Valeria sa in-order niyang iced coffee. "We're here to talk about the current USC . . . and Castiel."

For the third time, napairap si Lavinia habang napatingin sa ibaba sina Sabrina at Rowan. They must have felt betrayed. Kung ako ang nasa posisyon ng tatlo, siguradong magtatampo at maiinis ako.

"Mukhang may nahanap siyang competent na mga estudyante na temporarily nag-assume sa mga iniwan n'yong trabaho." Iginala ni Valeria ang tingin niya sa tatlong suspended naming kasama. "Junior officers aren't supposed to assume your roles. But he's the boss right now, so he can do whatever he wants."

"I actually like the interim press secretary. She's good-looking and articulate," patango-tangong komento ni Rowan. "Once my suspension is lifted, I'd be happy to have her on my team! Baka puwede ngang siya na ang ipaharap sa campus press tuwing may briefing."

Napanood ko nga n'ong isang araw ang press briefing ni Mignonette Nievera kung saan ipinakilala niya ang kaniyang sarili sa campus press. Good-looking? No debate there. Articulate? Definitely. She also handled the questions thrown at her very well.

"Pero mas magaling ka pa rin sa kaniya," sabi ko sabay ngiti sa kaniya. "She's not as charismatic as you."

"I'm absolutely more experienced, but more charismatic? That's entirely subjective." Itinaas niya ang kaniyang baso na parang nakikipag-cheers sa 'kin. "Anyway, I appreciate the compliment from the First Lady."

"The good news is," napabuga ng hangin si Valeria, "Castiel hasn't done anything outrageous yet since the LEXECOM and press briefing outburst—"

"For now," agad na putol ni Lavinia. Halos ibagsak niya ang kaniyang tall cup. "Nagla-lie low siya ngayon, pero siguradong may pinaplano siyang big move. Malalaman natin sa susunod na LEXECOM session."

"We need to stop him." Umangat ang mga mata ko sa kanila. Seryoso rin ang boses ko. "I know why he's doing this, but I think he's taking it too far. His heart is in the right place, but his methods are wrong."

"That's exactly why we're here. To find a way in order to keep him under control." Palipat-lipat ang tingin ni Valeria sa bawat isa sa 'min. "I may no longer be part of the USC, but the council means so much to me. Hindi ko puwedeng hayaan na sirain niya ang reputasyon na binuo natin sa nakalipas na limang buwan."

"Right." Mariing tumango si Rowan. "All the good will that we've built and developed so far will be thrown out the window, thanks to his aggressive actions and divisive rhetoric."

"So what exactly are you planning to do?" kunot-noong tanong ko. "How can we keep him under control?"

"We can weaken his power and influence," mabilis na sagot ni Lavinia habang ini-slice ang donut. "Avrille is a good friend of mine and Val. Puwede namin siyang kausapin at ang iba pang SALVo chairpersons para tutulan kung anumang kagaguhan ang balak ng lalaking 'yon."

"Impeachment is not on the table, right?" Nanliit ang mga mata ni Rowan. Ilalapit na sana niya ang straw sa kaniyang bibig nang bigla siyang nahinto. "Or is it?"

"Probably not right now, while Alaric is the chair pro tempore and majority leader." Marahang umiling si Valeria, sumabay sa galaw ng ulo niya ang kaniyang ponytail. Indeed, that's gonna be a bad idea. Halos sabunutan na niya ang sarili. "Hindi ko na tuloy alam kung sino ang mas malala sa dalawa. Si Cas ba o Alaric?"

"Some of Cas' methods are questionable, but he's not super bad," depensa ko. I couldn't believe that I said that thing about him! Sabay-sabay silang nalingon sa 'kin. Na-pressure tuloy akong mag-elaborate. "I'm still upset for what he did to me, but he had his reasons. Sabi ko nga kanina, his heart is in the right place, but his methods are wrong."

"Sorry, Fab, but I see no reason why he will suspend us indefinitely," pailing-iling na kontra ni Lavinia. "Just because we asked him to apologize and we invoked the removal clause do not justify his decision. Maybe his mind is not in the right place. Baka epekto ang pagiging irrational niya ng emotional o psychological stress dala ng nangyari kay Priam."

That might be true but . . . Sandali akong umiwas ng tingin. "He's not being irrational. He's just being careful, I guess?"

"Careful?" Natawa si Lavinia bago niya naisubo ang piraso ng donut na nakatusok sa fork. "He doesn't need to be that careful if we're on his side to advise him what's right or wrong. By suspending us, he has allowed himself to be more vulnerable to making bad decisions."

"I also doubt that Tabitha will be there to counsel him properly," dagdag ni Rowan matapos kumagat sa donut. "Mukhang ito-tolerate pa nga niya, eh. Things can only go downhill from here."

'Di malayong i-enable pa ng kanilang treasurer ang bad tendencies ni Castiel.

"He's only trying to protect the people important to him," paliwanag ko. Ano ba 'yan? Bakit parang naging Castiel apologist ako rito? He was not here anyway, so I felt the need not to defend him, but to let everyone know what I thought his motivations might be. "Gusto niyang ipagpatuloy ang plano niya, pero ayaw niyang madamay ang mga malalapit sa kaniya. Kaya siguro niya kayo sinuspend ay para 'di kayo masangkot sa susunod niyang gagawin."

"Malamang ay gano'n nga ang gusto niyang gawin," biglang nagsalita si Sabrina. Kanina pa siya tahimik na kumakain ng donut. "Hindi kami sobrang close ni Castiel, pero lagi niya akong sinasabihan tungkol sa mga plano niya. Minsan, hinihingi pa nga niya ang opinyon o tulong ko. Pero 'yong nangyari sa press briefing niya at ang kaniyang pagsuspende sa atin? Wala siyang nabanggit sa akin."

'Di ganito maglaro ang lalaking 'yon. Knowing him, gagamitin niya ang bawat piyesa na available sa kaniya para makuha ang gusto niya. Ano nga ulit ang sinabi niya sa 'kin no'n? As long as the benefits outweigh the costs. Ngayo'y tila nag-iingat na siya sa magiging cost lalo na kung ibang tao ang maaapektuhan nito.

"So he intends to fight that battle alone? With little to no help from Tabitha and his three junior officers?" tanong ni Valeria. "That's insane! Mas mabuting may katuwang siya sa laban para maiwasan ang mga pagkakamaling hindi na niya maitatama."

"What happened to Priam must have traumatized him kaya ganito ang pinili niyang landas," dugtong ko. "In the meantime, let's try to keep him under control, but let's not be too harsh on him. If Priam were here, he would probably say the same. Okay?"

Sabay-sabay silang tumango sa 'kin. Tinuloy na muna namin ang pagkain sa aming donuts at pag-inom sa aming drinks habang pinagninilay-nilayan ang dapat naming gawin.

At this point, Castiel could be unpredictable. I prayed that he wouldn't go overboard sa plano niyang paghihiganti.


NEXT UPDATE: Castiel faces an unexpected opposition.

A/N: Hi there! I know that I promised a regular update schedule, but I was unable to keep up with it. Good news is, I'm already done writing PTK offline! There will be 75 chapters in total.

I will be away this weekend due to personal stuff, so updates will resume on Monday. Thank you for being patient with me!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

184 77 9
You in my Fading Memory: An Epistolary A diary of a broken heart Completed
146K 8.3K 26
DESPEDIDA GONE WRONG. What's supposed to be a memorable send-off party ends up in tragedy as the celebrant drops dead after making a toast. Of all th...
161K 3.5K 4
It's year 3020 and population is rapidly increasing along with the decline in economic growth. When the economy hits rock-bottom, the government made...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...