Touch Of Hearts

By hopethebraversoul

440 44 25

When love becomes complex, we choose our grounds. We either become braver to stand with it, or live the rest... More

:
Hope
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Kabanata 21

Chapter Sixteen

9 1 0
By hopethebraversoul

Dance

"One hour left, where you at now, Phil?"

I glanced at my phone on the bed. Kanina pa tumutunog iyon sa sunod sunod na texts at tawag sa group chat namin. Ngayon ko lamang iyon sinagot dahil busy pa ako sa paglalagay ng make up at pag-aayos ng buhok ko.

I didn't need to overdo my make up. I just did light hues and I used glossy pink for my lips. My lips were thin, and it's fine to use light shades on it, though I really prefer not to put anything, kung hindi lang talaga kailangan to balance my overall looks.

Kahit ang buhok ay hinayaan ko lamang sa mahaba at tuwid nitong ayos, and then I styled the sides with the silver flower barette, and did a little curls on my bangs.

This isn't my simplest going to ball, not even my best. I just think that I didn't have to style it with heavy ones, lalo at hindi ako mahilig sa kolorete sa mukha dahil minsan nai-iritate ang facial skin ko, kaya as much as possible, I want to control what I use for my face.

"I'll just dress up. You're there now?" tanong ko habang sinusuot ang necklace at earrings, as for my final look.

When I am all done and satisfied, I stared at myself in the mirror one more time. I have loved the small heart shape of my face. I look so young, cute, and beautiful, more even, if only I style myself often. My eyes are hooded and expressive, a button nose, naturally pinkish cheeks and a pointed chin.

I smiled softly. I feel beautiful today.

So Luvieña ang sumagot kaya naputol ang pakikipagtitigan ko sa sarili sa salamin. "You gotta hurry a little, Phil," pakantang aniya.

Nahimigan ko ang ngiti sa boses niya.

I am almost done. I am now wearing a gold glittered v-neck quencianera gown with a large silk lacy bow at the back that added to the entirety of its style and glamour. I can't help but stare at myself longer than usual. I never admired myself this way...ever.

I am slender and petite but the gown perfectly fitted in me. And my hair... sways in every tilt of my head seeing myself in different angles.

Isang mahabang sandaling pasada pa ng tingin sa salamin, bago hinila ang sarili pababa. Naroon na si Manong Abe at naghihintay kaya naman nagmadali na ako dahil malapit nang mag-ala una, at baka mahuli ako.

My mom was out early today. She has an appointment at nagpaalam siyang gagabihin pa dahil may mga meetings pa siyang pupuntahan. A real busy life for my mother, indeed.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang iba't ibang kinang at ganda ng mga estudyante sa suot nilang gowns. These guys are dashing in their tuxedos with different styles and designs, while the girls are elegant and graceful.

Napatingin ako sa paligid at ngumiti sa mga bumabati sa akin.

It's screaming grace and elegance today that it's heartwarming.

"Ang ganda ganda mo lalo!" Luvieña screamed and hugged me a bit, nang mahanap niya ako.

She's wearing a gold beaded layered tull ball gown, and her hair was styled in a wavy updo, and the gentle curls highlighted her perfect jawline and long neck.

"You look really pretty, Luv," I praised in full admiration.

Ang ganda ganda niya rin talaga! Luvieña is beautiful. Maganda na siya kahit walang masyadong ayos. She doesn't style that much in her normal days gaya ko, but now I can really tell that she has a limitless beauty. Nadepina lamang lalo iyon ngayon.

Sunod na humalo sa amin ay si Navy na mataas kaagad ang energy. She's on her perfect make ups, and grand pearls were around her neck and ears. Her beauty is even more defined now that she's this elegant, neat and expensive-looking in her gold beaded sweetheart ball gown, and her hair in a french braid updo. She look stellar, like a queen in a palace.

Namangha ako kaya naman ay tinitigan ko siya nang medyo matagal.

How can...Gideon not like her?

"Wow. You're so beautiful, girl!" she then hugged me, her eyes were a little wide and almost starstruck at the sight.

Tinigil ko ang nababanaag na tanong na isip. Ayaw kong...mag-isip ng kahit ano tungkol sa bagay na iyon.

Sinuway ko siya dahil napupuno na ang dibdib ko ng magagandang mga salita niya.

Hinayaan ko siyang yumapos sa bewang ko.

At least I can see that she's happy... That's enough for me.

"You look expensive too, Navy." I smiled softly at her.

She smiled sweetly and took her phone out to take us a picture. Sumali si Luvieña at nasa gitna nila akong dalawa. Nang matapos ay kaniya kaniya na kaming puwesto. Si Luviena sa likuran ko, at sa harap ko si Navy.

I looked behind Luvy and there is Herrieta!

We are already chatting random things about our preparations, when Herrieta went to us, lightly pouting her lips.

Lumapit siya sa akin at biglang yumakap. Mahigpit iyon. Natawa ako nang bahagya at hindi napigilang yakapin siya pabalik.

She didn't say anything after a while.

Navy and Luvieña took picture of us. I don't think I had good shots sa mga naunang pictures pero hindi na ako nagreklamo.

"Ganda mo," Herrieta whispered.

Ngumiti ako sa kaniya. I missed her so much! Akala ko hindi kami magkikibuan ngayon. Akala ko may tampo pa rin siya sa akin hanggang ngayon!

"So are you. Ganda mo naman palagi, e," ngiti ko lalo sa kaniya.

Nagsimula ang programme. The entrance and cotillon are one of the solemn parts of the program na nakaka-excite para sa lahat.

We blended in to the crowd. I can feel the exuding confidence and vibrance radiating through their smiles and solemn walks gracing towards the center for a dance.

I am all smiles. Hindi ako sanay sa mga ganitong okasyon, but I really have to pose and be the sweetest girl this afternoon. Kahit nakakamgalay na ang heels na suot ko. Kailangan ko tuloy maupo muna para hilutin ang mga sakong ko.

My friends are now in the center of the sport's complex, dancing with some our boy classmates, and their friends. Tapos nang ma-serve ang pagkain at hindi ko pa iyon nagagalaw dahil hindi naman ako nagugutom pa.

Marami pang humalo sa gitna at mas lalong naging malumanay ang musika. The music is solemn, and every graceful and gentle sways, mas lalo kong nararamdaman ang pagbabago ng pintig ng puso ko.

Something's heavy inside me that I couldn't name. My heart is calm, but a little heavy and a little weary...

Nanatili akong nakaupo at tahimik, nakangiti sa mga taong sumasayaw nang payapa sa harap ko. Tinatawag ako pero panay ang pag-iling ko. Ayaw kong sumayaw, kahit sana ay ini-enjoy ko ang pagkakataon na ito.

Hanggang sa may lumapit na kaklase kong lalaki sa akin para ayain akong sumayaw.

It's Hugo. Natawa ako kasi nakangisi siyang nakatayo sa harap ko.

"Shall we dance, Philo?" he asked comfortably.

Nilingon ko si Herrieta. Sumasayaw siya at kapares niya si Earl. Hindi ba sila magsasayaw na dalawa?

Ako ang isasayaw niya? He wouldn't dance with his bestfriend?

Naisip kong itanong iyon pero pinigilan ko lamang sa pamamagitan ng pagnguso.

There must be something...going on? Hindi ko alam.

If I take this dance, wala namang problema, 'di ba? Not that I am expecting someone to come over and hold my hand for a dance.

This...is just fine.

"Okay." I accepted his hand and we begin to dance with the gentle rhythm of music.

But my heart isn't at peace...I am bothered.

This is not really my first dance. I have danced with many of the guys in some occasions of our family and relative, so this isn't really a foreign thing. Nakakasabay naman ako at hindi naman awkward dahil magaan naman kasayaw si Hugo.

We danced for a couple of minutes. Nangangalay na ang paa ko dahil sa heels kaya kailangan kong tumigil para ipagpahinga ulit ito.

This is why I am never a fan of wearing high heels! Akala ko okay iyong napili ko... I should have worn sandals.

"Sayaw tayo, Phil?" Hindi ko na mabilang kung ilang mga kakilala ko na ang lumapit para ayain akong sumayaw pagkatapos ni Hugo. I am sad to refuse, but I can't dance now that my feet hurts for real.

I refuse every time. Nakaka-guilty but I didn't fail to explain the reason I can't. Buti na lang at wala pang naiinis sa pagtanggi ko.

Lumingon ako sa paligid. And from the dim lights, I found Gideon' eyes.

My heart boomed loudly. Hindi ako makahinga sa gulat nang mahagip ang mga mata niyang nakadiin sa akin. They were dark and menacing, and it illuminates the lights, highlighting his features, dahilan para magharumentado nang husto ang puso ko.

I didn't see him here for long...Did he dance? Sinong kasayaw niya?

I suddenly feel light. I shifted on my seat and didn't take my eyes off him.

Nakatingin pa rin siya nang tinangka kong balikan ng tingin ang puwesto niya. He isn't smiling, at parang hindi siya nag-e-enjoy sa mga nangyayari. Naroon siya at seryosong nakaupo lamang, tahimik na nakikipag-usap sa tingin ko'y kaibigan o kaklase niya, ngunit ang mata ay nanatili sa akin.

Hindi ako makangiti dahil seryoso ang mga mata niya, at tila may halong iritasyon pa iyon. Sinubukan kong ngumiti at kumaway, pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin, suplado at ayaw na akong tanawin ulit.

It slowly get to me. And I am bothered by it. Is there something wrong? Mukhang naiinis siya dahil madalas ang pagtigas ng panga niya kanina. May nangyari ba?

Hinanap ko ang kinaroroonan ni Navy. And I found her, sashaying towards the direction of Gideon, where their table is.

Bumagsak ang kung ano sa kalooban ko. May pait akong nalalasahan at parang kinukurot ang puso ko.

And that's it. Alam ko na ang sunod na mangyayari. They will dance. She's probably his special dance tonight? Nakita ko ang paglapit ni Navy at tama ako, gusto niyang magsayaw sila. And I don't get it. He smiled when Navy approached him, pero sa akin kanina, ngumit na ako't kumaway, pero hindi siya mukhang natuwa.

Parang may natapong mapait na bagay sa aking lalamunan, at kay hirap nang lumunok. Hindi ko na hinintay ang susunod na mangyayari dahil alam ko na ang makikita ko. And I tell you, I do not want to see it, but I'll be happy for Navy.

Ayaw kong mag-react, o may maramdamang kahit ano sa nakita ko. Kung magsasayaw sila, I will be happy for Navy. I will be at peace because she's happy and enjoying this special moment in her life. Iyon naman ang mahalaga sa akin. Kung totoo man ang sinasabi ni Gideon na hindi niya gusto ang pagdi-date nila, bakit masaya ang kaibigan ko? Kung hindi sila okay, I can feel it. Makikita ko naman sa disposisyon ni Navy iyon. At higit sa lahat, I am sure Navy will tell us. For the past days, she's blooming and vibrant, kaya kaduda duda ang sinabi ni Gideon.

If I know, he really is a liar.

Lumabas ako. Dumaan ako sa back door, palabas ng comfort room dahil hindi ko gusto sa loob. For a moment...gusto kong dito na muna. Ayaw ko nang bumalik doon. Wala naman na akong gagawin. Tutunganga na lang ako at manonood? Hindi naman ako masaya.

I played on my polished fingernails. I made sure...to look good tonight alright...

I bit my lip when my eyes stung in tears.

Ramdam ko ang pagbagsak ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang katindi ang nararamdaman ko sa nakita, eh, hindi naman dapat ako ganito.

But I realized that I can't stand to see him dance with someone else. Ang hirap aminin no'n kanina, ngunit doon humahantong ang lahat ng logic sa isip ko. Puwede siyang sumayaw, kahit sino o kahit ilan...pero pangakong hindi ko hahayaan ang sarili kong makita iyon.

Ang sakit sakit na nga na mukhang hindi siya masaya na makita ako, nadagdagan pa nang makita kong maaliwalas ang mukha niya no'ng si Navy na.

Not that it's a problem, but...it hurt a little.

We're okay, yesterday. Wala namang problema kaya bakit... Kahapon lang siya mabait sa akin, at ngayon ay hindi na? Bakit? Na-realize niya ba'ng hindi niya naman ako makukuha dahil masungit ako sa kaniya? That I am not that easy to get? Buti naman at naisip niya nga iyon kung sakali!

And I am beautiul...kaya, bakit, hindi siya natuwa man...lang? How petty is that, Phil? You're not going to doubt your beauty just because of that!

I cursed softly. I pursed my lip and wiped the sides of my eyes gently.

Talaga, Phil? Iyan ang laman ng isip mo ngayon?

Hindi ako makahinga. Naninikip pa rin ang dibdib ko at ang bigat ng puso ko. I wanna see his gentle eyes...I want those eyes watch me because it feels good and soothing.

Kaya lang sinungaling siya! Kung hindi niya gusto ang kaibigan ko, bakit niya isasayaw? Hindi ba dapat ay iniiwasan niya na ito? Kung wala pala siyang nararamdaman, then just get lost of Navy's life! Hindi iyong ganito!

Mababa na ang araw kaninang lumabas ako... Ngayon ay naglalaro na ang kahel, lila at kulay abo sa langit. Nagsama-sama ang mga kulay na para bang sa kahit anong paraan...maganda ang kombinasyon ng mga ito.

Pinanood ko iyon. Hindi pa naman matagal mula nang lumabas ako, kaya tiyak na hindi pa tapos. Kaya lang...narinig ko ang palapit na kaluskos ng kanino mang sapatos sa lupa.

I didn't need much time to think twice to look behind.

He slowed down and proceeded walking towards my direction, with his silhouette so defined and magical. He walked so slow yet precise. He's undeniably beautiful in his all-black suit, and I can't be more amazed by it.

Hindi ako kumibo at mas lalong humalukipkip. Tinalikuran ko siya. Inignora ko ang mga papuring gusto kong sambitin sa kaniya.

Pinilit kong tingalain ang langit at kung paano maghalo ang mga kulay ng kahel, lila at abo. Nakakamangha ang kintab ng kulay, na nagmamarka ng katapusan ng araw, at pagbubukas ng bagong mapayapang gabi.

My heart felt heavy and light at the same time. I don't know why...but maybe because of this golden scenery, I calm down and finally found peace in my heart. Hindi ko alam kung paano, but I feel fine...

I feel his presence closer behind me. The clearer the sound of his shoes touch my ear, the louder my heart thump crazily. This is just crazy. At hindi ko mapigilan ang panlalamig ng mga kamay, at ang kakaibang galak ay humahaplos aa aking puso.

Now, why is here? Tapos na niyang isayaw si Navy kaya nandito na naman siya?

Bitterness immediately crept in me. Right... I don't care now. I shouldn't. This is so childish.

"Hindi ka na bumalik sa loob?" he slowly said behind me. Maingat at tunog-nanantiya.

Naiinis pa rin ako kahit naibsan na ang pakiramdam na iyon kahit papaano. Ramdam na ramdam ko iyon, kaya lang...ayaw kong makita niya akong ganoon kaya siniguro kong hindi ako mukhang masungit at nagtataray sa kaniya.

"It's comfortable here so...it's really fine." I forced a smile. Pilit tinatago ang tampo sa mata at boses.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Kailan pa ako naging ganito ka-emosyonal? Ano ngayon kung nagsayaw sila? It's understandable. Navy can dance any man. Kahit ako ay ganoon din...pero wala akong gusto makasayaw dahil...ayaw ko.

Nga lang, tinitigan niya ako ng diretso, binabantayan ang reaksiyon ko, at maaaring ang tunay kong nararamdaman ngayon. Para bang naninibago sa pakikitungo ko ngayon dahil marahan at mahina ang boses ko, malayo sa kung paano normal na makitungo sa kaniya.

Ayaw ko nang awayin siya. I wanna spare this day, alright... At ngayong ganito siya, binabantayan ang posibleng pagbagsak ng tunay kong nararamdaman, parang ang hirap lalong ikulong ang totoo.

Kaya lang, inaalagan ko nang mabuti ang nararamdaman ko ngayon kaya...wala siyang mababasa. I hope so.

"Ikaw? You're done inside? Bakit ka nga pala nandito?" I feel weird in my own ears, but I have to hide this little monster in me... My mouth stings really bad when it's him, so I have to take care...

Hindi siya kumibo. Humakbang siya ng isang beses patungo sa akin, habang pinapanood ako nang mabuti. Naalarma ako roon, pero hindi ko pinahalata lalo ang kakaibang epekto niya sa akin.

Kahit iyon man lang ay maitago ko, dahil masyado nang mabigat ang pakiramdaam ko...

"Bakit ka nandito?" he fired quietly. The silhouette in his eyes reminds me of a home in a province...so safe and loving. So serene and...longing. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito na lamang ang interpretasyon ko sa mga nakikita ko sa kaniya. Nakakamangha pero...minsan hindi na ako makapaniwala.

"Wala lang..." wala akong masagot. Damn it.

Ang hirap magkubli ng nararamdaman, lalo at nararamdaman kong hindi siya titigil hangga't hindi nakikita ang totoong nilalaman ng isip at puso ko ngayon. Matindi nga lang ang pagsisikap kong hindi niya mapapansin ang kakaiba sa akin.

Bakit pa? Magsayaw na lang siya roon... Navy must have been sad now that he left her inside...

The hell with this bitterness, Maria Philosophia!

"Wala lang," he echoed, sounding like he's mocking me, and watched me carefully.

He licked his lip, and tilted his head a bit, may paghahamon sa mga mata niya at ayaw ko na lamang salubungin pa iyon. It's too much for me that I needed distraction.

The rhythm of my heart is creeping a little way out. Mababaliw na yata ako kung hindi ako aatras ngayon.

Sinasagad niya ang paglapit. Ni walang balak gumawa ng guhit sa gitna naming dalawa.

Kaunti na lang, didikit na siya sa akin.

"Daming gustong maisayaw ka kanina. Tinanggihan mo?" he chuckled, but his eyes was nothing but with angst and brooding.

Hindi ko napigilang balingan siya ng tingin. What does he mean by that? Why is he suddenly bringing that up? Ano naman iyon? Hindi ko inaasahan babanggitin niya iyon ngayon, ngunit wala akong maisip na dahilan para sagutin siya sa tanong niyang iyon. Not now that I am trying really hard to hush myself; iniiwasang may masabing kakaiba.

Napaatras ako dahil masyado na siyang malapit. I can't keep with the little space. I can't stand with my wild heartbeat. It's too loud and fast and I feel nervous every little time. Hindi ko mapigilan. Hindi ko maayos ang sarili.

But that when I am little far from him, mabilis at marahan niyang hinigit ang bewang ko palapit at pabalik sa kaniya.

Parang kuryente ang pagdapo ng magaspang niyang kamay sa likod ko. Tila isang gatilyo na gumising sa aking sistema, at hindi na muling bumalik pa sa kawastuhan ang aking psuo. Nanginig ako dahil sa kakaibang naramdaman sa paghigit niyang iyon.

My eyes were wide, and I am sure that it opened a bit of the door of my true feelings.  Is he really trying to see through me?

Shit... What is he talking about now? And...why will he care?

"Tinaggihan mo?" humigpit at dumiin ang paghigit niya sa akin. Madilim at seryoso ang mga mata niya.

Napakurap-kurap ako, natutuliro at nababalisa. Hindi na makapag-concentrate sa kahit ano dahil sa iba't ibang pakiramdam sa sistema ko.

Hindi ako komportableng ganito siya tumingin sa akin ngayon. Ito ang dahilan kung bakit noon pa man ay hindi na magaan ang pakiramdam ko sa kaniya dahil hindi ko kayang tagalan ang mga mata niya sa ganitong paraan.

I heard him right. Now, I want to fire the same question. Hindi ko mapipigilan ang sarili ko kung ganito ang pinahihiwatig niya sa akin ngayon. Hindi ko maintindihan. What is it to him? Bakit pati ito ay gusto niyang itanong?

"You danced with Navy. Sabi mo hindi mo siya gusto," I fired bitterly at him.

Hindi ko na napigilan. My heart is overflowing with so much need to tell him its content, so I could free them...so I can breath properly. And now...I am here.

Lalong nadepina ang pagbagsak ng puso ko. Hindi na ako makatingin sa kaniya. I feel sheltered in the cold breeze of the night, and so lost in the horizon of the setting stars.

Makintab na ang dilim, malamig na rin ang pagyapos ng hangin, at tahimik ang paligid.

Pumiglas ako dahil hindi ko kayang ganito kami kalapit sa isa't isa. Tumatama ang mabango niyang hininga sa ulo ko, at mas lalo akong nahihirapang mag-angat man lang tingin sa kaniya.

"What is it, Phily?"

Hindi niya ba ako narinig?

Umirap ako sa hangin.

"Sinungaling ka... Hindi mo gusto, pero sinayaw mo," mas klaro at mariing akusasyon ko.

Pinilit kong kumalas, kaya nang tuluyan akong nakawala sa kaniya...parang nagsisi ako bigla. My eyes gently and slowly traced his arms, up to his broad shoulders, and then I found his deep eyes. I stayed there.

"Well...okay na rin, kasi m-masaya naman ang kaibigan ko kaya..."

Huminga ako nang malalim. Malapit pa rin siya, pero medyo may distansiya na sa pagitan naming dalawa.

"Hindi ko siya gusto," he firmly uttered.

Yeah, and so? Kung gusto niya, wala namang problema. Ako lang naman ang may problema, pero kaya ko namang ayusin iyon sa sarili ko...

"At hindi ko siya sinayaw, Phily."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Namutawi ang mapait na ngiti sa labi ko. Ang hirap hirap naman nito. Hindi ko maipaliwanag ang totoong pinupunto ko, pero nasasaktan din ako dahil nararamdaman kong hindi ko gusto ang nakita ko kanina.

Hindi niya sinayaw? And I'd believe that? I wasn't their when Navy went to him for a dance for sure, kaya paano ako maniniwala sa kaniya?

Naaalala ko na naman ang ngiti niya sa kaniya kanina.

"Lumapit siya sa iyo, and you welcomed her," pagdidiin ko. Hindi ko na malaman kung tama pa ba na sinasabi ko ang mga ito ngayon.

I sighed, desididong titigil na, pero nagpatuloy siya.

"Did you see me held my hand out then?"

Hindi ako nakaimik. I didn't...but he looked like he'd dance with her! Kaya ano 'tong sinasabi niya ngayon?

Mapait ang panlasa ko nang kinagat ko ang labi at walang alinalangang nagkibit ng balikat.

"Malay ko. Umalis ako agad dahil alam ko namang iyon ang mangyayari?" depensa ko.

Nagtiim-bagang siya. Nakatitig lamang sa akin, kanina pa. His eyes turned indulgent and gentle, na pakiramdam ko'y nanlalambing ang mga ito at hindi ko magawang tanggihan dahil...gustong gusto ko, at natatahan ako nito...

"How sure are you, huh?"

Unti unti muli niyang inubos ang distansiya naming dalawa. Mas lalong lumakas at bumilos ang ritmo ng aking puso sa simpleng kilos na iyon. I feel nervous and excited at the thought of it, pero dapat ay alam ko ang hangganan at lugar ko. I can't be this hopeful for it...

Hindi ako makahanap ng sagot. Dahil...hindi ko naman talaga nakita ang sunod na nangyari. Hindi ko nan talaga alam kung naglahad ba siya ng kamay dahil umalis ako kaagad. I just assumed and so bitter at that, but I didn't expect he's chase me down here and ask me...

Hindi na yata talaga kakalma ang puso ko ngayong gabi. Sa nararamdaman kong ito ngayon, parang ang hirap nang manahimik at magkimkim. Parang ang hirap lumayo kung gusto kong ganito...

And... I am beautiful tonight too, but you didn't even smile at me? Gusto kong isantinig iyon ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Nasasaktan ako, but I'll never question my beauty just because he didn't see it.

I feel like a little child in front of him telling him all of this, but...I always wanted him to know how I feel and what I think about, so here it is...

"Ang suplado mo pa. While you were all smiles towards Navy," I sound too bitter that it's embarassing.

His eyes widened a bit. Inirapan ko siya. Suplada rin naman ako sa kaniya, but I was genuinely pleased to see him present in our completion ball, and to get that reaction from him seem so unfair.

"Suplada ka rin sa akin, sa iba hindi," he fired back, except that he's taking it lightly!

Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"That's because you irritate me so much," umirap ako.

"And you're confusing me, big time, Phil," seryosong aniya kalaunan. His voice strained a bit.

Natahimik ako.

I am confused too. So confused. Para akong mababaliw sa nararamdaman ko kapag nariyan ka. Hindi ko rin maintindihan...

He crouched a little enough to watch me in the eye.

"Baby, boys flocked their wings together to dance you, how can I be happy, huh?"

Nanginig ang mata ko sa panlalaki nito. The way he said it was ten times manlier. Am I hearing it all right?

But I didn't dance with any of them? Well...Si Hugo... Nakita niya bang nagsasayaw kami ni Hugo?

"And you dance with Hugo, so..." bumaba ang mata niya sa aking paa pataas hanggang magpahinga ulit ang mga iyon sa mga mata ko. He glared a little. Ngumuso ako. Hindi ko siya maseryoso.

"He's Herrieta's bestfriend. Kaibigan ko rin si Herrieta," paglilinaw ko dahil iyon ang totoo.

Nagkatinginan kami. Tumikhim ako. Wala nang masabi. Unti unti ay nawala ang ano mang bigat sa dibdib ko. I have now calmed down. Ang bilis bilis, pero okay na ako...

"So you're out here coz you thought I am dancing with Navy? Why is that, hmm?" he searched answers in the corners of my face. Naghahanap ang mga mata niya, at pilit kong tinatakasan naman iyon.

I looked away. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Hindi ko maaamin ang totoo...dahil kahit ako, nahihiya akong pangalanan iyon ng diretso.

He guided my chin towards his face to see me. Namumungay ang mga mata niya at may kaunting ngiti sa labi. Seryoso ko lamang na itinuon ang mga mata ko sa kaniya. I sighed heavily, at alam kong ramdam niya rin iyon.

Humakbang siya ng isang beses paatras. He held his hand out. Nanginig ang labi ko nang ma-realize ang gusto niyang gawin.

No! This can't be real...

He smiled softly, intently watching my reaction. I couldn't move...

Hindi ako makapaniwala.

"It's you that I only want to dance with, tonight. Now, can I have this dance, Phily?"


Continue Reading

You'll Also Like

90.1M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
3.1M 251K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...