South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

2.4M 153K 70.2K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 40

50.7K 2.9K 1.9K
By JFstories

BYE?


Iyon lang? Matapos ko siyang hintayin? Lumabi ako. Nahihiya ba siya sa akin?


Baka nahihiya siya. O baka may surpresa siya? Nakita ko kasi sa wall niya ang tagged na photo ng kanyang panganay na kuya. May hiring sa kompanya na pinapasukan nito sa Manila. Mukhang maayos ang suweldo, kaya iyon na nga siguro iyon. Siguro ay hindi na muna siya sasampa ng barko.


Hindi muna siya aalis dahil hindi pa okay si Mama, dahil hindi pa rin kami okay na dalawa. How cute. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Nangingiti na napailing ako. I would wait for him until he was ready to talk.


Inubos ko muna ang mga araw na si Mama ang inaalala. May bed sore na pala ito ngayon dahil palagi na itong nakahiga at bihira nang bumangon. Hindi na rin nakakausap. Nag-leave na ako para asikasuhin ang pagdadala rito sa ospital dahil sa paglala na rin ng pneumonia nito.


I thought about visiting Tita Judy that morning to tell her my plan in person. Palagi na lang ito ang pumupunta at hindi pa ako nakakarating sa inuupahan nitong bahay, kaya ngayon ay ako na ang pupunta sa kanya.


Nag-text na ako rito bago ako sumakay sa jeep. Sa may Tierra Nevada na ito ngayon. Isang sakay na lang iyon ng jeep mula sa amin sa Sunterra, Pascam. Sinundo ako ni Tita Judy sa may tulay ng Tierra.


Isang bungalow ang bahay na inuupahan nilang pamilya. Malinis kahit maliit lang. Napansin ko rin na kakaunti lang ang gamit. Typical Tita Judy. Kahit sa mga laruan ng mga anak ay iilang piraso lang ang makikita. Naniniwala kasi siya na 'less is more'.


"Pasok ka, Laila." Inanyayahan niya ako sa loob. "Hayun ang mga pinsan mo." Itinuro niya ang kambal na nasa 4-seater dining set. Dalawang cute na batang lalaki.


Umalis ang mga ito sa upuan at nagsipag-bless sa akin, pagkuwan ay bumalik na rin sa pagkain. Nakangiti ako nang bigla akong matigilan sa nakitang pagkain sa mesa. Dadalawa lang ang bata pero ang naroon ay isang parang nasa fifty pieces yata na hotdog sa bandehado. Tapos may dalawang balot ng tasty bread pa, sa orange juice naman ay tag isang pitsel ang mga ito.


Bago pa ako magtanong ay si Tita Judy na ang nagsalita. "Nag-aagawan kanina sa merienda. Kinakagatan lahat ng hotdog at tinapay na akala mo ay mauubusan sila. O ayan, pakasawa sila. Pag naubos nila iyan, lulutuan ko pa ulit sila."


Laglag ang panga ko. Nang balikan ko ng tingin ang kambal ay pahikbi na ang mga ito habang pinipilit ang mga sarili na kumain.


Pinamewangan niya ang mga anak. Kinausap na akala mo hindi limang taong gulang pa lang ang mga ito. "Ayokong isipin niyo na tinitipid ko kayo. Kahit saktuhan ang budget natin, ibibigay ko pa rin ang pangangailangan niyo dahil mahal ko kayo. Pero ako ba? Mahal niyo ba ako?"


"Opo, mommy," naluluhang halos sabay na sagot ng dalawang bata.


"Kung love niyo si Mommy, bakit ayaw niyo akong bigyan ng merienda kanina? Hindi pa kayo nag-thank you pagkatapos kong i-prepare ang merienda. Tapos nag-aaway pa kayo sa harapan ko? Hindi ako galit, pero sad ako sa ginawa niyo."


"Mommy, sowrry!" halos sabay ulit na sagot ng mga ito, at sa pagkakataong ito ay paiyak na.


Napangiti na ako nang yakapin na ni Tita Judy ang kambal.


"Ang cute talaga ng kambal," may inggit sa tono ko nang kami na lang dalawa sa sala.


"Syempre, metikuloso ang paggawa sa mga iyan."


"Pero Tita Judy, hindi ko talaga aakalaing magpapamilya ka. Sabi mo kasi dati ay ayaw mo nang dagdagan ang tao sa mundo. Sabi mo ay okay ka nang tumanda mag-isa."


Dumi-quatro siya sa sofa. "Hindi ko sasabihin sa 'yo ang mga salitang 'hindi ko sinadya, nandiyan na iyan, blessing iyan, etcetera', kasi nabuo iyang mga iyan na may consent ako. Hindi rin aksidente ang pagkakabuo riyan, dahil hindi naman ako nabangga lang ng rumaragasang etits."


"Pero kumusta ba?"


Doon ngumiti si Tita Judy sa akin. "I have no regrets. Although I'm struggling, I'm happy I finally have a family to call my own. They are my life."


Lumabi ako. "Bakit parang iniinggit mo ako?"


"Ikaw, wala ka pa bang balak mag-asawa?" tanong ni Tita Judy sa akin sa tanong na kinabubuwisitan niya noon.


Napangiwi ako. "Ganito pala feeling nang tanungin ng ganyan, ano?"


"Na-realize ko lang kasi na walang tamang oras ang pag-aasawa. Kapag tinamaan ka ng kati, 'tapos marupok kang nilalang, ay magpapakamot ka na lang talaga bigla."


Napangisi ako. "Can you give me some advice?"


"Before you have a baby or get married, talk about your finances first. You should know kung kaya bang bumuhay ng lalaki, kung tamad ba siya, hindi marunong mag-handle, o sadyang madamot lang. Dapat aware ka sa papasukin mong buhay, at hindi iyong sa huli kayo magkakagulatan na dalawa."


Isa ito sa aking gusto sa tiyahin ko, segurista masyado.


"Pero kung sa tingin mo ay kaya mo naman na puro pagmamahal lang at kung okay lang din sa 'yo ang possibility ng pagiging single mom, e di go. Pabuntis ka kahit kanino pa iyan. Pero payo lang, maghanap ka ng good genes, para sulit ka naman kahit walag bayag at sperm lang ang ambag."


"Noted."


"Pero bago ka magpabuntis, dapat ikaw ang pinakahanda. Hindi iyong lalaki, kundi ikaw mismo dahil ikaw iyong magbubuntis. You must be prepared not only financially, but also mentally. Para lang kung ano ang mangyari."


Nagpaalam na rin ako nang dumating na ang partner ni Tita Judy. Nakilala ko ang lalaki. Mabait naman. Malambing sa mga bata. Mukha ring kasundo ng tiyahin ko. Magtatagal naman siguro sila, lalo kung walang eeksena...


Hinatid ako ni Tita Judy malapit sa tulay palabas ng subdivision nila. Niyakap niya ako at nag-sorry siya dahil hindi niya ako matulungan nang 100% kay Mama. "Okay lang, naiintindihan ko naman iyon. May sarili ka ng pamilya na dapat mong inuuna. At ako naman rin talaga ang dapat na umaasikaso kay Mama, dahil ako ang anak niya."


Tinapik niya ako sa balikat. "Basta 'wag mo ring pababayaan ang sarili mo, Laila. Alam mo na iyon din ang gusto ni Ate Madi kung okay pa siya ngayon."


Iniwan ko na siya para sumakay na ng jeep pabalik sa Pascam. Sa biyahe ay hindi ko maiwasang maisip ang kakuntentuhan sa mga mata ni Tita Judy. She had now a family that she could call her own. Although I was happy for my dear aunt, I couldn't help but to feel jealous about her life.



WHEN WOULD I BE ABLE TO PUT MYSELF FIRST?


Hapon na ay hindi pa ako nakakaligo. Basang-basa ako ng pawis at puro suka ang damit ko sa pag-aasikaso kay Mama. Noong makaidlip ito ay saka ko lang naiwan kay Ate Tentay. Doon pa lang ako nakasalisi nang mabilisang pagligo.


At ang aking tanong sa sarili ay pinagsisihan ko rin agad. Paglabas ng banyo ay mga sigaw na lang ni Ate Tentay ang narinig ko. Ayon dito, naalimpungatan si Mama. Naawa si Ate Tentay dahil nakatingin daw si Mama sa lugaw. Sinubuan ito na isang malaking pagkakamali.


Mama could no longer swallow anything, her throat swelled, and her airway contracted, causing her to lose her breath. And unfortunately, she didn't survive this time.



MAMA'S CAUSE OF DEATH: Blocked airway and irritation or infection of the respiratory tract.


Nakapa-pajama pa si Tita Judy nang sumunod sa amin sa ospital. Dumating din si Tito Eloy na kapatid din nila. Hindi ko sila maasikaso dahil tulala lang ako buong sandali. Sa loob-loob ko ay nagagalit ako at sinisisi ko ang aking sarili. Bakit naligo pa ako? Bakit umalis ako sa tabi ni Mama?!


Tangina, bakit? Bakit ang bilis?! Bakit binigla ako?! Bakit?! Shit, shit!


"Laila..." Niyakap ako ni Tita Judy. "Kung ano man ang iniisip mo, tigilan mo. You did your best for Ate Madi. Wala kang kasalanan sa nangyari. Hindi ka nagkulang, inilaban mo siya, pero hanggang dito na lang siya talaga."


Hindi ako iniwan ni Tita Judy hanggang sa mailabas na ang katawan ni Mama sa morge at dalhin sa punerarya. Deretso cremate ito. Iuuwi ko agad si Mama sa bahay namin. Doon na rin ako magpapadasal at tatanggap kung may bibisita man. Pero sa tingin namin ni Tita Judy ay kami-kami lang.


Dahil wala na si Mama ay pinaalis ko na si Ate Tentay. Bukod sa hindi ko na kailangan ang serbisyo nito ay ayokong magpanggap na hindi ko ito sinisisi sa nangyari. Kabilin-bilinan ko na 'wag nang pakakainin si Mama, pero ginawa pa rin nito. Kaya ayoko muna itong makita dahil baka may masabi lang ako na makakasakit dito.


Makitid na kung makitid ang aking isip. Pero ayokong i-invalidate ang nararamdaman kong galit. Isa pa ay hindi naman talaga ako likas na mabait. Pero siguro ay makakapagpatawad din naman ako at matatanggap ko rin na aksidente lang talaga ang nangyari, iyon nga lang ay hindi pa sa ngayon.


Nakapagluksa ako nang walang inaalala sa gastos at pag-aasikaso dahil may funeral plan si Mama. Ipinapakaltas ko iyon sa sahod ko buwan-buwan. I really made sure that we both had a plan in place, so that if one of us died, the remaining person would not experience financial troubles.


I brought Mama's urn home the next afternoon. Wala pang alam ang mga kapitbahay. Sa unang araw ay sina Tiya Judy lang din ang pumunta, at kinahapunan ay nagpaalam na rin sila. Pare-pareho rin kasing mga pagod at wala pang mga sapat na tulog.


Nanlalalim na ang aking mga mata pero nilalabanan ko pa ang antok. I still wanted to watch over Mama's urn, but my body eventually succumbed to exhaustion.


It was already evening when I opened my eyes, and the living room was pitch black since I had fallen asleep without turning on the lights. Pabangon ako sa sofa nang makarinig ng katok sa pinto. Hindi ko nga pala naisara ang gate nang ihatid ko sa labas sina Tita Judy kanina.


Magulo pa ang buhok ko, saliwa ang kuwelyo ng suot na itim na blouse, at hindi pa nabubuksan ang ilaw nang buksan ang pinto. Ang unang bumungad sa akin ay ang presko at mabangong amoy ng matangkad na lalaki sa harapan ko.


"Pumunta ako rito kaninang umaga, pero walang tao," malamig na boses pero mahinahon. Magaan. Nakakagaan sa aking mabigat na pakiramdam.


Sa mga kamay niya ay may dala siyang basket na may lamang prutas at gulay. Tumaas ang aking mukha sa kanya kasabay nang paghikbi. "Asher..."


Sa mapusyaw na liwanag mula sa lamppost sa kalsada ay naaninag ko ang pagsasalubong ng makakapal na kilay niya. "Anong nangyari?"


"W-wala na si Mama..."


Ang mga mata niya sa dilim ay nanlaki.


"Mag-isa na lang ako, Asher," garalgal na sabi ko. Ang mga naipong pait sa dibdib ko ay ngayon kumawala nang makita siya. "Mag-isa na lang ako dahil wala na si Mama. Wala na ang mama ko. Wala na siya. Iniwan niya na ako."


Natagpuan ko na lang ang sarili na yakap niya na ako. Hindi ko alam kung ako ang yumakap sa kanya, o siya ang yumakap sa akin. Pero walang mahalaga ngayon kundi ang nararamdaman kong pagdamay mula sa kanya.


Namumula ang dulo ng matangos na ilong niya nang maghiwalay kami. Tahimik siya. Walang salita. Pero alam ko na sa loob ay nasaktan siya sa nalaman. Mahal niya rin ang mama ko.


Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm sorry, hindi ko agad nasabi." Naka-focus ako kay Mama kaya hindi ako nakapag-isip na mag-message man lang sa kanya.


Tumango lang siya. Siguro ay galing siya sa pinapasukang kompanya ng kuya niya sa Manila kahapon at madaling araw na ulit nakauwi. He might not have rested yet, but he still came here this morning.


Hindi ko na siya binitiwan. Wala na akong pakialam sa kung ano ang iniisip niya. "Asher, dito ka lang... Please, 'wag mo akong iiwan..."


Nang gabing iyon ay hindi nga umalis si Asher. Nasa sofa lang kaming dalawa. Nakayakap ako sa kanya nang mahigpit at doon na rin ako nakatulog sa mga braso niya.


Asher really stayed until morning. Tahimik kaming nagkape kinabukasan. Kapag may pagkakataon ako ay hinahawakan ko ang kamay niya, hindi naman siya kumikibo.


Nagpaalam lang siya noong nag-long distance call sa kanya ang tatay niya. Saka lang din pumunta sina Tita Judy at ang kambal na anak noong nag-text ako na wala na si Asher.



ARAW NG LIBING.


Gusto ko mang manatili ang abo ni Mama rito sa bahay, pero hindi iyon ang hiling nito. Hindi ko na pinatagal, sa ikatlong araw ay tinawagan ko na ang sementeryo. Bukod kay Tita Judy ay si Ate Linda ang kasama ko. Walang ibang nakipaglibing kaya kami-kami lang.


Dahil lumakas ang ulan ay wala na ring nangyaring prusisyon. May sinat din ako kaya hindi nila ako pinayagan na maglakad. Kotse ng partner ni Tita Judy ang sinakyan namin papuntang St. Francis of Assisi Memorial Park, dito rin si General Trias, Cavite.


Sabay lang halos naming pumarada sa sementeryo ang isang owner jeep. Si Tita Judy ay pinagbawalan agad ang mga anak na bumaba dahil daw umuulan. Kami na lang ang bumaba at naiwan ang kambal sa sasakyan kasama ang partner niya.


Sa owner ay bumaba si Asher. He was with one of his older brothers, Aram John Prudente. They were both wearing black shirts, jeans, and white shoes and were both holding black umbrellas.


Sinalubong ko sila. Si Aram ay kinamayan ako. "Our condolences."


Nag-matured na ang itsura ni Aram mula sa La Salista na natatandaan ko noon. Magkasing tangkad sila ni Asher. Nasa twenty seven to twenty eight na siguro ngayon ang edad nito. Seryoso na ang bukas ng mukha, subalit hindi pa rin maitatago ang natitirang kislap ng kapilyuhan sa mga mata.


Tinanguan ko ito, saka tiningnan si Asher. Hindi siya pumunta kahapon kaya kinabahan pa ako na baka hindi siya pumunta ngayon. I wanted to give him a small smile but he wasn't looking at me; yet, my heart was glad since he had made it today.


Bitbit ko ang urn ni Mama nang pumunta na kami sa nitso na nakahanda rito. Dahil wala pa ang pari ay sumilong muna kami sandali. Nag-text ang sa may simbahan na wala raw masakyan, kaya nagpresinta na si Ate Linda na sunduin ang pari pa-tricycle.


"Pagta-tricycle-in ang pari sa ulan?" sabat ni Aram.


Sasabihin ko sana na may sakay na mga bata ang kotse ng partner ni Tita Judy nang biglang umubo ang aking tiyahin.


"Ako na susundo," sabi ni Aram. Kinuha niya sa bulsa ang susi ng dala nilang owner ni Asher.


"Salama—" sabi ni Ate Linda kay Aram, na hindi natuloy dahil sinimangutan siya ng lalaki.


"Anong salamat? Sumama ka! Hindi ko alam kung saang simbahan iyan, mamaya ibang pari pa masundo ko!"


Nahuli ko ang pagsimangot ng mukha ni Ate Linda, pero malumanay itong sumang-ayon sa huli. Hayun, tanaw-tanaw na lang namin ang mga ito na umalis para sunduin ang pari.


Saglit lang naman ay bumalik na ang mga ito kasama ang pari. Nailagay na sa nitso ang urn. Wala na talagang humabol na makipaglibing kaya kami-kami lang. Pagkadasal ng pari ay umalis na rin ito. Sina Tita Judy ay nagmamadaling umuwi na rin.


Dahil hindi na ako pinagbuksan ng magaling kong tiyahin ng pinto ng kotse ay no choice kami ni Ate Linda kundi makisakay sa owner ng magkapatid na Prudente. Ayaw pa sana ng ate ko dahil mukhang imbyerna ito sa kuya ni Asher, pero wala itong magawa dahil walang nagdaraang tricycle.


Idinaan muna namin si Ate Linda sa Bacao, pagkatapos ay ako na ang inihatid nila sa Pascam. Pagpasok sa subdivision ay naramdaman ko ang ibayong lungkot. Wala na talaga si Mama. Kahit ang urn nito ay wala na. Ibig sabihin ay ako na lang talaga mag-isa.


Bumaba na ako ng owner pagdating sa tapat ng bahay namin. Magpapasalamat na ako kina Asher nang bigla siyang bumaba rin. Napatanga ako nang makipagpalit siya sa kuya niya. Si Aram na ang nasa manibela.


Si Asher ang nagbukas ng gate. Hindi pa rin sana ako kikilos dahil sa pagkabigla nang makitang nababasa na ng ulan ang balikat niya, dahil maliit ang payong ko para sa aming dalawa.


Nagmamadali na akong pumasok. Hindi pa rin ako makapaniwala pagpasok namin sa sala. Sumama siya. Hindi niya ako iiwang mag-isa.


Asher ordered food online. Habang hinihintay ang order na dumating ay nagsaing siya. Nasa sofa lang naman ako sa sala habang pinapanood siya. Ang mga kilos niya na maingat, subalit mabilis at sigurado.


Pagdating ng in-order niya ay inaabutan ko siya ng pandagdag na bayad pero tiningnan niya lang ang pera. "Ayusin mo na lang ang mesa," sabi niya at pinuntahan na ang ang rider sa labas.


Naglagay na ako sa nesa ng dalawang plato at utensils. Tumingin ako sa ref para lang malumbay na hindi nga pala ako nakapaglagay ng tubig kagabi. Pagbalik naman ni Asher ay dala niya na ang mga pagkain. Dalawang klase ng ulam at dalawang bote ng Pocari Sweat.


Nang ibigay niya sa akin ang isang bote ay doon ko naalala ang aking panghihina. Kailangan ko nga ng electrolyte. Maliit akong napangiti.


Kumain na kami. Magana siyang kumain dahil siguro gutom din, or gusto niya lang na wag akong mailang at makakain din ako nang hindi siya inaalala. Muli ay may maliit na ngiti na gumuhit sa mga labi ko.


Gusto ko sana siyang tanungin kung talagang hindi na siya sasampa sa barko, kung sa kompanya na pinagtatrabahuan na siya ng kuya niya tutuloy sa Manila, pero pinigil ko muna ang sarili. Gusto ko na siya na lang ang magsabi sa akin para surpresahin ako.


Pagkatapos kumain ay itinabi ni Asher ang isang ulam sa ref. Hindi niya na pinaproblema sa akin ang kakainin ko kung sakaling gutumin ulit ako, and I appreciated that. So much.


Hiningi niya ang number ng taga-deliver ng mineral water dito sa subdivision at tinawagan niya iyon. Pumasok muna ako sa banyo para maghilamos at maglinis ng katawan. Paglabas ko ay dumating na ang tubig na in-order niya. Nagsasalin na siya sa pitsel para ilagay sa ref.


Umakyat na muna ako sa itaas para magbihis. Sa kuwarto ay tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Pumayat, lalong namutla, nag-dry ang balat. Agad akong naghagilap ng moisturizer. Nagsuklay rin ako. Nagpulbo. Nagpahid ng lip balm sa nanunuyo kong labi, pagkuwa'y ngumiti sa salamin.


"Ma, 'wag niyo na po akong alalahanin, ha? Okay lang po ako rito, dahil hindi ako nag-iisa. Thank you, Ma, dahil sinigurado niyo na hindi ako mag-iisa kahit wala na kayo. Thank you for bringing him back into my life."


Pabalik na ako sa ibaba nang mapatingin ang mga mata ko sa box ng pills na nasa ibabaw ng aking orocan. Pangalawang araw ko na pala na hindi nakakapag-take. Bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Tita Judy. Na dapat sigurado ka, na dapat handa ka, at alam mo ang pinapasok mo bago mo pasukin ito.


Dinampot ko ang box ng pills, pero hindi para bawiin ang mga araw na hindi ako nakainom. Sa halip ay itinapon ko ang box sa basurahan.


Bumaba ako sa sala. Tapos na si Asher sa paglalagay ng pitsel ng tubig sa ref. Quarter to seven p.m. na rin sa wall clock.


Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. "Magpapatulong sana ako na ilipat ang cabinet ni Mama sa kuwarto ko. Maliit lang naman iyon, kaya lang ay mabigat din."


Saglit siyang natigilan, pagkuwa'y tumango. "Okay."


"Tara?" Nauna akong bumalik sa itaas. "Wala ng laman ang cabinet ni Mama. Katulad ng gusto niya, pinamigay na ni Tita Judy sa ministry para mapakibangan ng iba." Nagkukuwento-kuwento ako upang pagaanin ang paligid. Wala naman siyang imik.


Pinagtulungan naming mahila ang cabinet patungo sa kuwarto ko. Hindi naman kami nahirapan dahil nga sa maliit lang din iyon at wala namang laman.


Nang matapos ay tumingin siya sa suot na wrist watch. Nakaramdam naman ako ng pagpa-panic. Bigla akong humawak sa braso niya. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.


"Can you stay?"


Bago pa siya makasagot ay tumingkayad na ako kasabay nang paghila ko sa kuwelyo ng shirt niya. He stiffened when I suddenly kissed him, but only for a moment. Naramdaman ko agad ang pagganti niya ng halik sa akin.


Napapahinto siya minsan pero agad ding tumutugon dahil sa desididong mga labi ko. Hinila ko siya patungo sa foam ko na nakalatag sa sahig. I kissed him on the lips again as I took off my clothes.


Ang isang kamay ni Asher na napatukod sa pader ay kinuha ko at inilagay sa ibabaw ng aking dibdib. Bumaba ang halik ko sa leeg niya at umalpas ang isang masarap na ungol mula sa mga labi niya.


My panties were all I had left, so when I drew away from him, his scorching gaze ran across my whole body. But when I was about to reach for his belt and kiss him again, he abruptly pulled away.


"Asher?" Nagtataka naman akong napatitig sa mga mata niyang hindi makatingin sa akin.


When he stood up, I grabbed his wrist to stop him, but he brushed my hand off. "Aalis na ako. You should rest. I'll lock the doors, so make sure not to let anyone in."


"C-can't you really stay?" may pagmamakaawa na sa boses ko nang nasa may pinto na siya ng aking kuwarto.


Asher stopped but did bother to look at me. At nang aking marinig ang malamig na boses niya ay daig ko pa ang nabuhusan ng tubig na malamig. "No."


After saying that, he went out, leaving me on the bed, naked and dumbfounded.


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

1M 13K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
4.7M 42.2K 37
PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao...
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...