Infernum

By _chztn_

1.2K 151 507

What makes your sin different from mine? What makes your sin different from mine? What makes your sin differe... More

↺ [0]
↺ [X]
↺ [1]
↺ [2]
↺ [3]
↺ [4]
↺ [5]
↺ [6]
↺ [7]
↺ [8]
↺ [9]
↺ [10]
↺ [11]
↺ [13]
↺ [14]
↺ [15]
↺ [16]
↺ [17]
↺ [18]
↺ [19]
↺ [20]
↺ [21]

↺ [12]

39 6 31
By _chztn_

━━━━━━━━━━ ↺ [12]

"Some rise by sin and some by virtue fall"

. . . . . . .

"G-Guys! Guys!"

"Oh, Soren! What happened to you ba, dude?"

"You look agitated. Nag-away ba kayo ni Silas?"

"As if they'll ever fight, Jensen. Soren's too much of a simp to even argue with Sil. Super under-standing n'yan."

"Jiro! Seryoso!"

"What is it ba?!"

"Eurydice is dead! Kakabalita lang kanina. Kalat na rin sa univ ang tungkol do'n."

"... W-What happened?"

"She... She commited suicide. Ayon sa balita, natagpuan daw siya sa bahay nila. She slit her wrists while she was in their bathtub."

"What..."

"Shit. This is so messed up. Hindi ko pa nakakausap si Sil tungkol dito. Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon niya. Kakausap lang namin kay Eurydice no'ng isang araw. I can't believe this would happen."

"W-Why would she even do it?"

"Malamang, Jiro, dahil sa lahat ng nangyari. She was accused of stealing Johannes' artwork in a big event. Tapos kumalat pa 'yong picture niya na may kasamang ibang lalaki kaya sila nag-break ni Hideo. I didn't know her that well, but she was Silas' best friend. Nakakalungkot pa rin na nangyari 'to."

"..."

"..."

"Saan ka pupunta, Je?"

"I'll just go to Johannes. May kailangan lang akong sabihin sa kaniya."

━━━━━━━━━━

[ JOHANNES ]

Kung alam mo ang tinatago nilang lahat, hanggang saan ang kaya mong gawin para protektahan sila?

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang 'yon habang sinusuyod ko ang madilim na pasilyo.

Hanggang saan ang kaya mong itago para iligtas sila mula sa sarili nila? Hanggang saan ang handa mong isakripisyo para sa kanila?

Hanggang kailan ko kayang manahimik?

Everything felt like a blur. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa cafeteria. Nasa loob ako ng kusina, nakatago sa ilalim ng isang metal na lamesa na nilalagyan ng kung ano-anong gamit.

"Tangina niyo naman kasi, Hideo!" Inis akong napakamot sa ulo ko. Bwakanangshet! Napaka-impulsive kasi ng hayop! Ito namang si Jiro, nagpakabayani pa, napatay rin tuloy! Pa'no kung hindi ko mapatay 'yong halimaw?! Edi makakalimot na naman sila? Hindi na kami makakaalis sa lugar na 'to kung lagi nilang makakalimutan kung ano'ng sitwasyon namin!

Bigla kong narinig na bumukas ang pinto. Sumunod dito ang mabibigat na yabag ng paa. Napalunok na lang ako at pasimpleng sumilip. Kitang-kita ko ang isang anino na pumasok sa loob ng cafeteria.

"Johannes~" Bumalik ang kaba ko nang marinig ang boses ng halimaw na nagpapanggap bilang si Silas.

Agad kong kinuha ang kutsilyo na nasa lamesa at nagtago ulit. Mahigpit kong hinawakan ito habang pinapakinggan nang mabuti ang bawat hakbang ng halimaw.

Suddenly, the footsteps stopped.

"You know, everyone has a part to play in this whole thing." I heard his voice just from behind me. "Ikaw, Johannes... You're the seer. You know what our friends have done. You know everything, but you're not going to say anything, right?"

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kutsilyo. Wala akong ibang magawa kundi titigan ito.

"You know who killed Eurydice. All you have to do is confess and this will all be over. But even you can't do that. Gusto mong malaman kung bakit?"

Rinig kong humakbang siya palapit sa kinaroroonan ko.

"Because you're selfish, Johannes." Mahina siyang tumawa. "You'll let us all die because you're nothing but a selfish person."

I'm not. I did everything for my friends. I hid all of their secrets just so their lives wouldn't get ruined. Paano naging selfish 'yon kung halos lahat ng gawin ko ay para sa kanila?

Tumitig lang ako sa hawak kong kutsilyo.

This is all her fault...

Kung hindi lang siya dumating sa buhay namin, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Namatay na siya't lahat pero hanggang ngayon, ginugulo niya pa rin kami. Kailan niya ba kami tatantanan?

"Gusto mong malaman kung ano'ng pakiramdam noong pinapatay ko 'yong mga kaibigan natin? It was the same feeling I felt when I—"

"Tangina mo! Shut the fuck up, gago! Hindi ikaw si Silas! Hindi ikaw ang kaibigan ko!" Gamit ang buong lakas, itinulak ko ang lamesa na pinagtataguan ko papunta sa kaniya. Umalingawngaw sa buong paligid ang nakakarinding tunog ng mga gamit na bumagsak sa sahig.

Tumayo ako at agad na tumakbo palabas ng cafeteria. Ni hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman na hinahabol na ako ng pakshet. Rinig na rinig ko ang mga hakbang niya kasabay ng nakakaloko niyang tawa. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo habang hawak nang mahigpit ang kutsilyo.

Lumiko ako sa pasilyo at natanaw ang hagdanan pababa ng second floor. Dumiretso ako doon at akmang bababa na sana ako nang bigla akong talunan ng tarantado. Nawalan ako ng balanse pero bago ako tuluyang mahulog, hinila ko siya dahilan para parehas kaming dumausdos pababa ng hagdanan.

Sobrang sakit ng katawan ko nang l-um-anding ako sa lapag. Sinubukan kong bumangon pero napahiyaw ako nang may maramdamang kirot sa tagiliran ko. Napatingin ako dito at agad na napamura nang makitang nahiwa ako ng kutsilyo.

Ibinaling ko ang tingin ko sa paligid. Nakita ko ang halimaw na nakahiga 'di kalayuan sa 'kin, mukhang nawalan ng malay. Kinuha ko ang kutsilyong nabitawan ko na may dugo ko pa.

Hawak nang mahigpit ang kutsilyo, lumapit ako sa kinaroroonan ng halimaw. Ika-ika akong maglakad habang nakahawak sa sugat ko.

Napangisi ako nang makalapit sa halimaw. Gamit ang dalawang kamay, itinaas ko ang kutsilyo at bumwelo ng saksak. Pero nang akmang gagawin ko na ito, natigilan ako.

I stared at its face... Silas' face...

Gumaan ang pagkakahawak ko sa kutsilyo.

My mind came back to that night.

I heard something. Nakaramdam ako ng sakit sa bandang tiyan ko. Next thing I know, I stumbled to the ground, back first. Nakatitig lang ako kay Silas sa harapan ko at may malaking ngisi. Dahan-dahan niyang hinugot ang kamay niyang nakasaksak sa tiyan ko dahilan para mapasigaw ako sa sobrang sakit.

"Congrats, Johannes," sabi niya, nakangisi lang. "You failed to protect your friends."

All I could do was stare at my best friend's face.

Biglang bumalik sa 'kin ang lahat.

My artwork, the photo, my friends' confessions... that bathtub, his skin tainted with blood... Eurydice...

Humigpit ang hawak ko sa kutsilyong nasa kamay ko.

Hindi ko hahayaang manalo ka, Eurydice.

Inipon ko ang natitirang lakas na meron ako at buong pwersang isinaksak ang kutsilyo sa leeg ni Silas — sa halimaw na walang ibang hinahangad kundi sirain ang buhay namin.

Umalingawngaw ang sigaw nito na para bang galing sa ilalim ng lupa ang malalim nitong boses. Sumirit ang dugo nitong kulay itim na tumama pa sa mukha ko. Pero kahit gano'n, hindi ko binitawan ang kutsilyo. Mas diniinan ko pa ito at ibinaon dahilan para bumagsak sa tabi ko ang halimaw na tulad ko, naliligo na sa sariling dugo.

Kahit unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko, mahina pa rin akong natawa habang nakatingin dito na katabi ko at nag-aagaw-buhay.

Napangiti ako.

"I win..."

━━━━━━━━━━

[ SOREN ]

NAGISING AKO dahil sa sigawan ng mga kasama ko. I slowly opened my eyes. Bumungad sa paningin ko si Hideo na nagwawala at may inaaway. Inaawat naman siya ni Jiro habang sina Jensen at Nyle ay sumisigaw rin. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nila dahil parang lumulutang pa rin ang isip ko.

Tumayo ako pero agad din akong napahawak sa leeg ko nang kumirot ito. Humawak ako dito, and just like that, memories started flashing back in my mind.

"Handa ka bang magbingi-bingihan sa pwede mong marinig na mga kasalanan nila? Magbubulag-bulagan ka ba oras na lumabas ang katotohanan? O tatahimik ka lang, tulad ng ginagawa ni Johannes?"

"They're not your friends, Soren. They're people — sinners, at the very least. Look past beyond your friendship because if you don't, you won't get out of this place."

"Even if it's really me who killed Eurydice?"

I can still vividly remember Sil's face when we looked at each other through the mirror. I could still feel his cold touch on my head before he suddenly snapped my neck so easily. I could still remember every single thing that happened.

"Hideo, stop it! I'm telling you! Silas is innocent!" I heard Jiro's voice. Agad akong napatingin sa kanila at doon ko napagtanto na si Silas pala ang hawak-hawak sa kwelyo ng galit na galit na si Hideo.

Kahit sobrang daming tanong ang bumabagabag sa isip ko dahil sa nangyari, natagpuan ko na lang ang sarili kong itinulak si Hideo palayo kay Silas.

"What the hell do you think you're doing?" I felt myself shooting dagger stares at him. Tumumba si Silas sa mga bisig ko. I clicked my tongue when I realized that he wasn't even awake yet.

"'Yang lalaking 'yan!" Dinuro ni Hideo si Silas kaya agad kong pinalo ang kamay niya. He just scoffed at me. "He killed Nyle last cycle! Kahit kaming dalawa ni Jiro, pinatay niya! Sigurado akong siya rin ang pumatay kay Jensen at sa 'yo!"

Nanlamig ako dahil sa mga sinabi niya. I looked over at Silas who was still unconscious on my arms.

I know what I saw, but I still can't believe it.

But maybe deep down... maybe I don't want to.

"Silas wouldn't do that," I defended.

Tiningnan lang ako ni Hideo as if I just said the stupidest thing ever. On the other hand, Jiro looked at me with a shocked expression on his face.

"Soren, stop defending Silas." Miski si Jensen ay sumingit na rin sa usapan. Seryoso niya akong tiningnan. Sa matagal na panahon, ngayon ko lang siya nakitang sumang-ayon kay Hideo. "Silas was the one who killed me. He stabbed me with a pair of scissors while we were in a room. He also literally confessed that he was the one who killed you."

Umiling lang ako. "Hindi 'yon magagawa ni Silas."

"Oh, come on, Soren! Lahat kami dito, naaalala pa rin ang lahat! Gets naman namin na mahal mo siya, but face it! Silas killed us!" gatong naman ni Nyle na nasa likuran ni Hideo.

I could only bite my lip as I stared at all of them. Ramdam ko ang init ng balat ni Silas sa 'kin kaya napatingin uli ako sa kaniya. Kahit nagsisigawan na kaming lahat dito, hindi pa rin siya nagigising.

I don't know what I could say to defend him against what they're saying. Alam ko sa sarili kong tama naman sila, pero ang hirap tanggapin ng katotohanan. But after all, I find myself still wanting to protect him. Kahit magmukha na akong tanga, gusto ko pa rin siyang protektahan. It feels so natural to want to protect him amidst everything.

"I'm telling you, guys! Silas is not the one who killed us! Please, makinig muna kayo!" Jiro tried to plead with them, pero walang epekto. Galit na galit silang lahat, lalong-lalo na si Hideo.

"Tama na! Tangina. 'Wag niyo na kaming gaguhin, Jiro!" Itinulak ni Hideo si Jiro palayo sa kaniya. "Hindi ko alam kung bakit niyo ba dinedepensahan pa 'yang si Silas. Pinatay niya tayong lahat sa nakaraang cycle! Ano pa ba'ng ebidensya ang kailangan naming isampal sa inyo para tumatak sa kokote niyo ang totoo?!"

Suddenly, I felt Silas move. Napatingin ako sa kaniya. He's finally waking up!

"We have to restrain him before he can hurt us again," sabi ni Jensen.

Tumango si Nyle habang lumapit naman si Hideo sa 'kin. Jiro tried to block him but he just pushed him away. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Hideo na nakatingin kay Silas na unti-unti nang nagkakamalay.

"Stay back. I'm warning you," I said, firm with my words.

But Hideo just scoffed. Akmang hihilahin niya na sana si Silas mula sa 'kin when out of a sudden, I found my fist flying towards his face.

"Tangina, Soren!" sigaw ni Hideo. Next thing I know, he punched me back. Halos tumumba ako sa sahig dahil sa lakas ng sapak niya. Kahit gano'n, siniguro ko na hindi niya kahit nadaplisan man lang si Silas.

"'Wag mo nang protektahan ang mamamatay-tao na 'yan!" Hideo's voice blared through the silent space, raising his fist once again.

Iniharang ko ang katawan ko kay Silas at napapikit. Hinihintay kong tumama sa 'kin ang kamao ni Hideo pero nagtaka ako nang marinig kong bigla siyang dumaing. Lumingon ako at bumungad sa akin si Johannes na nakatalikod sa 'kin. Kaharap niya si Hideo na ngayon ay nakahawak na sa pisngi nito.

"Calm your fucking ass down, Hideo," halos walang kaemo-emosyong sabi ni Johannes. I felt chills shiver down my spine hearing his voice. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

Hideo grumbled, his eyebrows almost meeting one another. "Alam kong kaibigan ninyo 'yang si Silas, pero tangina! Pinatay niya tayong lahat! Hindi ko alam kung ano'ng motibo niya pero sapat na ebidensya na ang ginawa niya noong nakaraang cycle para malaman natin kung gaano siya kadelikado! Stop protecting that monster!"

"Exactly," sabi ni Johannes. "Silas wasn't the one who killed all of us. It was the monster. It was the Red Man."

Natahimik kaming lahat.

"You gave it a name?" Ngumiwi si Nyle.

"Hindi, gago. That's its name, or that's what the art says." Dumiretso si Johannes sa desk at binuksan ang isang drawer. Inilabas niya ang isang folder at ipinakita sa aming lahat ang sketch na laman nito.

"What the fuck is this?" Kinuha ni Hideo ang papel at tiningnan.

"'Yan ang halimaw na pumapatay sa 'tin. Nakita namin 'yan last cycle no'ng magkahiwalay tayo. Eurydice made him. That's her artwork," sagot ni Johannes at umiwas ng tingin.

"The Red Man..." basa ni Hideo sa pangalan na nakasulat sa papel. I don't know if I'm just seeing things, but I think I saw a glint of sadness in his eyes that were staring at the sketch.

"I don't get how this has to do something with our deaths. Hindi natin nakita ang halimaw last cycle," sabi naman ni Jensen.

"Because he was using Sil's face." Bumuntong-hininga si Johannes. "Nakita namin ni Jiro ang bangkay ni Silas sa cubicle no'n. We didn't know before that the Silas we were with was the monster in disguise."

"That's what I've been trying to tell you kanina pa!" singit ni Jiro na mukhang pagod na gawa ng kakaawat kay Hideo.

Kunot-noong tumingin naman sa akin si Jensen. "Do you remember who killed you?"

Pasimple akong tumingin kay Silas na tuluyan nang iminulat ang kaniyang mga mata. My lips immediately formed a smile when our eyes met.

"A-Ano'ng nangyari?" he asked.

"Silas!" Lumapit sa 'min si Johannes at inalalayan siya sa pagtayo. Bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha nang tingnan niya kaming lahat, lalo na sila Hideo na gulong-gulo sa nangyayari.

I took a deep breath as I faced Jensen, hands folded into fists. "Bigla na lang akong inatake ng halimaw. Hindi pa niya gamit 'yong mukha ni Silas no'n. It caught me off guard and snapped my neck just like that. Hindi na ako nakapanlaban."

Jensen only looked away in disbelief. Pasimple naman akong bumuntong-hininga.

"Silas, naalala mo ba kung sino'ng pumatay sa 'yo?" tanong ni Hideo. Kumpara kanina, mas mukhang kalmado na siya ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinapak siya ni Johannes o gawa ng naniniwala na siya sa mga sinasabi namin.

Silas stared at us in confusion. Nakita ko siyang napalunok. "Hindi ko alam kung paano, pero kamukha ko 'yong pumatay sa 'kin. Lumabas lang ako saglit para hanapin sila Johan. Pero nang bumalik ako sa CR, patay na si Soren tapos may kasama siyang taong kamukhang-kamukha ko. Na... Naalala kong bigla akong sinugod no'n but after that, wala na akong maalala. All I could remember was that I was in so much pain."

Nagulat ako nang biglang hinampas ni Johannes ang katabi niyang desk at dinuro sila Hideo. "Kita niyo na?! Silas would never hurt any of us! Wala sa grupong 'to ang mananakit sa 'tin! Pinuputangina lang tayo ng lugar na 'to! Motherfucking shit!" Then, he laughed maniacally.

"Nagbi-breakdown ba siya?" pabulong kong tanong kay Jiro pero nagkibit-balikat lang siya.

Natahimik sina Hideo, Jensen, at Nyle. Jensen looked like he was still having second thoughts while Nyle just looked at us with a torn expression. Sa kabilang banda naman, bumuntong-hininga si Hideo na hawak-hawak pa rin ang papel na naglalaman ng sketch ng halimaw.

"Silas, I'm—"

"No, Kuya. 'Wag. It's a trap."

Nagulat kami nang biglang hilahin ni Nyle si Hideo palayo. Naguguluhang napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Pakshet! Ano na naman ba?!" Inuntog ni Johannes ang ulo niya sa pader.

"Nyle, what's going on?" tanong ni Jensen. Tulad nila Hideo at Nyle ay malayo rin siya sa amin.

"Can't you see?! They're probably covering up for Silas! Lahat siguro sila, may kinalaman sa nangyari last cycle. Magkakakuntsaba silang lahat!" giit ni Nyle dahilan para mapatingin sa amin sina Hideo at Jensen, bakas ang pagdadalawang-isip sa mga mukha nila.

Biglang naging malinaw sa 'kin ang pinupunto ni Johannes.

The Red Man used Silas' face to make us doubt one another — to pit us against each other. This place is designed to destroy us.

And looking at us right now, I think it's working. 

. . . . . . .

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
9.2K 81 10
My Spoken Word Poetry. Bunga ng gutom, puyat, paghihintay sa nawawalang net. Pagmumuni-muni sa madaling araw. Isang malaking trip. Hugot mula sa kail...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.