Senior high School Series #2:...

By iamlunamoon

598 67 3

Series #2: Love & Lies When the academic achiever, strong independent, first born daughter, competitive girl... More

INTRODUCTION
LOVE & LIES
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 8

22 2 0
By iamlunamoon

"Ano ba, anak?!" Pigil sa'kin ni mama nang aktong lalabas na sana ako ng gate para puntahan ang bahay ni papa syaka ng kaniyang bagong asawa. "Ano? Susugurin mo si Imelda at ang ama mo dahil lang sa ginawa sa'kin?"

Hindi ko siya makapaniwalang nilingon. "Anong sabi mo, mama? Dahil lang sa ginawa sa'yo ng Imelda na 'yon? 'Wag mo ngang ni-la-lang ang ginawa niyang pananakit sa'yo!" Inis kong sabi, naluluha na.

"Ayos lang naman ako, anak." Mahinahon niyang sabi. "Tama naman siya, may asawa na ang ama mo pero lumalapit pa rin ako."

"Bakit, ma? Bakit mo pa nilalapitan ang lalaking iyon?! Pagkatapos nang lahat ng ginawa niya s'yo. Bakit natitiim mo pa ring makita siya?!" Mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Dahil sa inyo... Dahil sa'yo." Mahina niyang sagot na siyang ikinatigil ko. "Akala mo ba madali para sa'kin na makita kang nahihirapan sa pagsasabay ng trabaho at pag-aaral mo?"

"Hindi madali para sa'kin, anak. Sa bawat madaling-araw na nagigising ako at nakikita ka sa sala na nag-aaral imbes na natutulog, pinupunit ang ng pira-piraso ang puso ko."

"Hindi ko maiwasang bumalik sa kwarto at doon umiyak habang sinisisi ang sarili ko. Tinatanong ko pa ang sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mali sa ama mo para iwan niya tayo ng ganito? Hindi ba sapat? Hindi ba ako naging mabuting asawa para sa kaniya? Ginawa ko naman ang lahat para sa pamilya natin. K-kahit alam kong may babae na siyang natitipuhan sa pinapasukan niyang trabaho."

"A-alam mo?" Nauutal kong tanong. Dahan-dahan naman siyang tumango. Ang akala ko noon, ako lamang ang nakakaalam. Hindi pala.

Kung iisipin, siguro nga magmumukha akong OA sa mata ng maraming tao, lalo na ng mga kabataang buo ang pamilya. Hindi lang naman kasi basta-basta nagloko si papa. Bago niya kami iwan nakita ko pa lahat ng kahayupan niya. Ang panloloko niya sa mama ko. At para sa'kin, iyon ang pinakamasakit na araw. It's always, "My father is my biggest heart break".

While my mother was building me into a loving woman in the future, my father was the one who broke me into pieces, in a day.

"Ilang beses ko silang nakikitang magkasama, sa mall, sa palengke, sa kalsada, sa tapat ng bahay tuwing hinahatid siya ng babaeng iyon." Umiiyak na sabi ni mama. Basag na basag siya, at hindi ko mapigilang mas lalo pang sumama ang tingin ko kay papa.

I truly despise my surname now. It is the surname of a cheater.

Once I graduate from school, I plan to change my surname. The last name that caused so much pain to my mom doesn't fit me.

Hinding-hindi ko mapapatawad si papa sa lahat ng sakit na dinanas ni mama sa kaniya. Pero sana, 'wag siyang karmahin. Galit ako, pero papa ko pa rin siya.

"Ginagawa ko lang naman ang paglapit kong iyon sa ama mo para sa inyo ng mga kapatid mo." Aniya pa. "Pinipilit ko siyang sustetuhan na lang tayo, kahit 'wag na siyang bumalik dito."

"Kahit 'wag na, mama." Wika ko, pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. "Ilang taon na akong nagtatrabaho kasabay ang pag-aaral ko, pero never akong nagreklamo sa'yo, never kong sinabing pagod na 'ko, di'ba?"

"Alam ko naman iyon." Aniya. "Pero kahit hindi mo sabihin alam ko sa sarili kong napapagod ka na rin."

"Napapagod ako pero nagpapahinga naman ako e, pero never pumasok sa isip ko na sumuko na lang. Na puntahan si papa at magmakaawa sa kaniya." Sambit ko. "Ang gusto ko mama, makita ni papa na 'yung anak niyang iniwan niya ay nakakatayo sa sariling mga paa. Na hindi na ako 'yung batang Moon na kilala niya."

Lumapit siya sa'kin bago ako yakapin ng mahigpit. "'Wag kang mag-alala, anak. Hinding-hindi na ako lalapit sa ama mo para manghingi ng pera sa kaniya." Wika niya.

"Dapat lang, mama." Tugon ko. "Hindi ako nagtatrabaho para lang sa wala. Hindi ako nagpapakahirap kumayod para lang away-awayin ka ng Imelda na iyon. Kung naabutan ko lang talaga siyang sinasaktan ka, baka makalimutan kong mag-nunurse pa ako."

Saglit siyang natawa sa sinabi ko bago humiwalay sa yakap. "Tara na nga sa loob. Napa-war freak mo na rin, kaya nagagaya sa'yo si Yeonna."

Napatingin naman ako kay Yeonna na papasok na ng bahay. "Bakit? Inaway ni Yeonna?" Tanong ko.

"Muntik na, ate." Sagot ni Yienne. Ngayon ay papasok na kami sa bahay. "Buti na lang at nahila ko kaagad sa loob ng kwarto natin."

"Kung hindi lang ako sinaway ni mama at niyakap ni Yienne papasok ng kwarto baka ako pa kumalbo sa kabit na iyon ni papa." Malditang wika ni Yeonna. "'Wag niya 'kong hinahamon-hamon, wala siya sa kaniyang lugar. Baka mapatay ko talaga siya."

"Ang tapang-tapang mo, Yeonna." Natatawa kong sabi.

"Dapat lang, ate." Aniya. "Kapag wala ka, kailangan nang magtatanggol kina mama. Kung hindi ako magtatapang, maabusado tayo."

Tama naman, kailangan mo palagi ng tapang at boses para hindi ka naabusado.

Naiiling na lang sa amin si mama. "Kayo talagang dalawa. Mukhang si Yienne lang ang yumakap sa mga pangaral ko." Aniya. "Hindi ba, ang sabi ko sa inyo maging mapagmahal, mabait, mahinahon sa kahit anong pagkakataon?"

"Paano hihinahon ganoon ba naman ang taong aming nakakasalamuha." Ani Yeonna.

"Sinusubukan ko naman maging mabuting tao, mama, pero sinusubukan talaga ako ng mga demonyong katulad ng Imelda na iyon." Sambit ko.

"Tigilan na nga natin sila." Saway ni mama. "Oo nga pala, Moon, may sinabi sa'kin si Belle..." Pagtutukoy ni mama sa aming butihing kapit-bahay. "Ang sabi niya may bagong bukas na café malapit dito. Mga ilang metro lang ang layo mula sa welcome Phase 3."

"Tumatanggap daw po ba ng estudyante pa lang?" Tanong ko kaagad.

"Oo naman, basta kaya raw i-handle ang schedule." Saad niya. "Bukas, kausapin mo na lang si Belle, umuwi kasi sila ng Taguig at bukas ng hapon ang kanilang uwi kaya antabayanan mo na lang tapos syaka mo tanungin. Siya kasi ang mas nakakaalam."

Tumango naman ako. "Wait lang ate, magsasaing pa pala muna ako." Paalam ni Yeonna. Nagpaalam naman si mama na babalik na sa kanilang kwarto ni Muhlack. Si Yienne naman ay nagpaalam na rin dahil gagawa pa ng kaniyang assignments sa kwarto.

Ako na lang ang naiwan sa sala, hindi muna ako magpapalit ng uniform dahil tinatamad pa ako.

Prente akong nakaupo sa aming sofa habang nakapikit ang aking mga mata. Gusto kong matulog pero marami pa akong gagawin.

Habang nakapikit ay bigla ko na lang narinig ang gate namin na mayroong nagbubukas. Agad akong napamulat at agad na tumungo sa bintana para tingnan kung sino ang taong iyon.

Nagliyab kaagad ang galit ko nang makita si papa na dare-daretso ang lakad papunta sa tapat ng aming pinto.

Tiningnan ko ang door knob naming naka-lock. Narinig ko ang pagkatok niya roon pero imbes na lumapit doon at pagbuksan siya ng pinto ay sinara ko ang bintana at tumitig lamang sa pintuan. Mabulok ka kakakatok diyan.

Muli siyang kumatok at sa pagkakataong iyon ay malakas na. Sabay-sabay na lumabas ng kusina at mga kwarto sina mama. Bitbit pa ni mama si Muhlack.

"Sinong kumakatok, ate?" Inosenteng tanong ni Yienne, bitbit ang ballpen at notebook niya.

"Pagbuksan mo, ate, sino bang kumakatok?" Tanong naman ni Yeonna.

Napabuntong hininga si mama nang hindi ako sumagot at muli lamang tumitig sa pintuan. Lumapit doon si mama at siya na ang nagbukas. Malamig kong tiningnan si papa habang pumapasok siya sa loob.

Hindi na siya nagulat nang makita si Yienne at Yeonna. Ngunit nang dumapo sa akin ang kaniyang tingin ay nanlaki ang kaniyang mga mata. "A-agatha..." Tawag niya sa'kin. It used to be "anak ko".

Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya. "Madalas ka bang umuwi rito kapag wala ako?" Tanong ko sa kaniya. Noon kasing bakasyon ay gabi na talaga ako umuuwi dahil dishwasher ako sa isang restaurant.

Tumango naman siya bago lumapit kay mama at tangkang kukunin si Muhlack sa bisig ni mama, ngunit agad niya iyong inilag. Siya namang kinakunot ng noo ni papa.

Lumapit ako sa kanila. "Kamusta, papa?" Sarkastiko kong tanong. "Masaya ka ba sa bago mong asawa? Remember, ganiyan ka rin kay mama noong una. Pero tama nga sila, sa una lang masaya lahat."

"Agatha, 'wag mo 'kong umpisahan, kakalabas ko lang ng trabaho." Aniya.

"Bakit, papa? Hindi ka sanay sa ganitong Agatha mo?" Tanong ko ulit. "Kung ganoon, mang-mang ka bilang ama ko. Wala kang alam na nagbago na. Na wala ka ng prinsesa sa bahay na 'to."

"Pwede ba, Agatha, 'wag mo 'kong pagsasalitaan na parang ang sama-sama kong ama." Inis niyang sabi. "Maliit ka pa lang marami na akong sinakripisyo para sa'yo."

"Natural, ama kita e." Wika ko.

"Bilang ama ko, tungkulin mong alagaan ang anak mo. Bilang ama ko, tungkulin mong buhayin ako sa pamamaraang alam mo. Bilang ama ko, tungkulin mong linangin ang mga kakayahan ko at mamulat ako sa mundo. Bilang ama ko, tungkulin mong alagaan ang mama ko. Pero hindi e, ibang-iba 'yung ginawa mo."

"'Wag mong isusumbat sa'kin lahat ng nagawa mo, 'wag mo 'kong bibigyan ng punchline na "anak lang kita", kasi kung anak mo lang ako, edi ama lang kita." Dere-deretso kong sabi.

Hinawakan ni mama ang braso ko. "Ganito mo ba pinalaki ng ilang taon ang anak mo?" Tanong ni papa kay mama. "Pinalaki mong bastos."

"Oo, papa, pinalaki mong bastos. Sa'yo lang naman ako nawawalan ng respeto." Wika ko.

"'Wag mo 'kong pinagsasalitaan ng ganiyan. I'm still your father." Galit niyang wika.

"Stop treating my mother like a shit. I'm still your daughter."

-iamlunamoon

Continue Reading

You'll Also Like

153K 11.7K 13
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...
6.4K 1.6K 30
Lainerry Escamilla couldn't take her eyes from him; a simple attractive and gallantry guy who bumped her shoulder at the park. Matthias Ariagon was b...
4.5K 141 35
Completed|| unedited "No man is an island," they say, but Airelle Ezra Rue from the Humanities and Social Sciences strand isolates herself from every...
77.2K 11.7K 72
නුඹ නිසා දැවුණි.....💙 නුඹෙන් මා නිවෙමි......💙