Lost Stars (On-Going)

Oleh Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel Lebih Banyak

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 34

73 6 1
Oleh Aimeesshh25

Kabanata 34

Nang dumating ang gabi ay tinawagan ko lamang si Ate George para kumustahin si Callista at para na rin makausap. Hindi kasi iyon makakatulog, hangga't hindi naririnig ang boses ko.

Naglakad ako palapit sa maliit na veranda at lumabas doon. Sinalubong ako ng malamig na hangin kaya napayakap ako sa katawan.

"Mama!" Callista squeals on the phone. "I miss you, Mama!"

I smiled. "I miss you more, Calli. Kumain ka na?"

"Opo! Tita Gigi brought me fried chicken! Nandito rin po si Tito Arman! Ang daming dalang fruits! Magkatabi sila, Mama!"

Narinig ko pa ang saway ni Ate George kay Calli na ikinatawa ko. Dinig ko rin ang mahinang halakhak ni Kuya Arman.

"Okay baby, huwag papasakitin ang ulo nila Tito at Tita ah? Bukas, gigising ikaw ng maaga ah?"

"Yes, Mama!" Napangiti ako.

Nawala lamang iyon nang biglang natahimik si Calli.

Nangunot ang noo ko at sinilip pa ang cellphone para icheck kung on-going pa ba ang tawag at hindi naman ako nabigo.

"Baby?"

"Mama..can I ask you a question?"

I felt a little nervous but I smiled. "Yes baby ko, what is it?"

"Have you..talk with him?"

May kirot na hatid ang maingat na pagtanong ni Calli sa akin, na para bang takot siyang magalit o masaktan ako sa itatanong kaya parang hangin niya iyong pinakawalan.

Kinalma ko ang sarili at tinanaw ang city lights sa ibaba. My baby Calli.

"B-Baby, pag-uwi ko riyan," I paused to breathe. "I promise..I will bring him there."

"R-Really, Mama? Are you okay with that?"

Fresh tears formed in the corner of my eyes, it hurts hearing her words.

Paano ko nagagawang saktan ng ganito ang anak ko?

"P-Pero, ayos lang Mama if hindi. Calli will understand," she sniffs.

Bumuhos ang mga luha ko at parang ayoko nang magsalita. Ayoko na marinig niya ang paghikbi ko at akalaing nasasaktan ako sa pagtatanong niya sa kaniyang papa.

"Calli?" Si Ate George. "Anong nangyari?"

Hindi ko na muling narinig ang boses ni Calli, sinalubong ako ng boses ni Ate George na nagtataka sa aming napag-usapan hanggang sa ikuwento ko sa kaniya ang itinanong ng bata.

"Hindi mo man napapansin, Chen, pero araw-araw nagtatanong sa akin si Calli about sa papa niya, wala naman akong masabi dahil wala rin akong ideya."

Tumango ako. "I understand, Ate. Buo na rin naman ang loob ko, na sabihin sa papa niya ang tungkol kay Calli."

"Buti naman. Alam mo, Chen, naiintindihan kita kung ayaw mong ipaalam sa ama niyan, pero paano ang bata? Matalino si Calli, alam kong naiintindihan ka rin niya at ang sitwasyon na meron kayo...pero hindi mo maalis na kailangan niya rin ng kalinga ng isang ama, lalo pa na sinabi mo na hindi alam noong lalaki na umalis ka."

Nahigit ko ang hininga at tumango na lamang kay Ate. Nag-usap pa kami ng ilang sandali at tinanong ko pa siya kung nasaan si Calli. Aniya'y kalaro raw si Kuya Arman at nang tawagin niya para kausapin ako ay tumanggi raw ito.

Para akong nadurog doon, hindi ako sanay dahil unang beses iyong nangyari.

Ang tanggihan akong kausapin ni Calli.

Ilang sandali pa akong nagtagal sa labas bago ko napagpasyahang pumasok. Bitbit ang cellphone ay akma na sana akong papasok sa loob ng kuwarto nang may nag door bell.

Taka ko iyong tiningnan. Inayos ko ang suot na silky black shorts and white shirt tsaka tumungo sa may pinto.

Muling tumunog ang doorbell kaya naman binuksan ko na agad iyon nang hindi man lang tinitingnan ang peephole.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin si Axel na nakasimpleng black sweatpants and white shirt lang din. Hawak nito sa kanang kamay ang cellphone at seryosong nakatitig sa akin.

"Ah..bakit?" I smiled.

Bumaba ang mga mata niya sa suot ko at tipid na tumango bago bumalik sa akin ang mga mata.

"Kumain ka na?" He almost whisper. "Pababa na rin kasi ako, natanong ko lang..baka kasi hindi ka pa nakain."

Napakurap-kurap ako bago umiling. "T-Tapos na ako."

His forehead creased. "Hindi ka pa nababa mula kanina."

"May order ako," tinuro ko pa ang loob para imuwestra sa kaniya.

Akma pa itong sisilip nang iharang ko ang katawan at isarado ng kaunti ang pinto. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.

Kahit kailan chismoso pa rin talaga ang lalaki.

He cleared his throat. "Oh? Okay."

"Okay," tumango ako, hinihintay na umalis na siya para maisarado ko pero hindi ito kumilos. "Yes?"

Sandali itong tumitig sa akin bago bumuntong hininga. Umiwas ito ng tingin at muling tumitig sa akin. What the hell is he doing?

"Can we talk?" Malalim ang boses na aniya.

Wala akong ibang naramdaman kundi ang sakit nang pagtanggi sa akin ni Calli kanina. Unti-unti kong naalala ang pag-iyak ni Calli nang itanong niya sa akin ang tungkol sa papa niya.

Namuo agad ang luha sa mga mata ko at kahit anong tanggi at iwas ko sa kaniya..alam kong hindi ko ito habambuhay na matatakasan.

"Chenny.." he called my name sofly when he notice my changed expression.

I want to punch him straight to his face for having the courage to call my name! Anong karapatan niyang tawagin ako, kung hindi niya man lang ako hinabol noon?

Mariin kong ipinikit ang mga mata at paulit-ulit na inisip ang anak ko. Kailangan kong isantabi ang galit sa puso ko at hayaan siyang malaman ang totoo.

This is not about us. It's about our daughter.

"Kailangan nga talaga nating mag-usap, Axel." Tipid ko siyang nginitian at nilawakan ang bukas ng pinto.

Nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya. Hindi agad siya nakakilos kaya tinaasan ko siya ng kilas at isinenyas ang daan papasok.

"Tatayo ka na lang ba riyan?"

Umiwas ito ng tingin sa akin saka naglakad papasok. Isinarado ko ang pinto at tiningnan siya na parang out of place sa loob ng condo ni Kuya Arman.

Saglit niyang iginala ang mga mata sa loob at muling tumingin sa akin.

"I thought you ordered?"

Napakurap-kurap ako at tiningnan ang lamesa na kitang-kita mula rito.

"N-Naubos ko na." I rolled my eyes and walked past him.

Umupo ako sa couch at ganoon din naman ang ginawa niya. Nahiya pa ako na mukhang hindi siya komportable sa maliit na upuan sa harapan ko.

"Gusto mo bang magpalit tayo?"

"Hindi na," he quickly shook his head. "I'll order food for us, first."

Hindi na ako nakapalag nang kunin niya ang cellphone at nagpupumindot doon. Bumuntong hininga na lamang ako at kinuha ang throw pillow para ilagay sa ibabaw ng mga hita.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at umayos ng upo saka binaba ang cellphone sa center table. My brows furrowed when I saw his wallpaper.

Hindi ako maaaring magkamali. Ako iyon. Picture ko iyon noong unang gabi namin sa Lobo, habang hinihintay ko siyang matapos maligo, ay ginamit ko ang cellphone niya para kuhanan ng litrato ang sarili.

My face heated when I realized that he chose the most daring picture of me. It's when I was trying to show off my cleavage on his camera that night to tease him.

Nangunot ang noo ni Axel sa akin at agad napatingin sa cellphone niya. He uttered a silent curse and got his phone quickly out of the table.

"S-Si Jerace naglagay niyan."

Tumaas ang kilay ko. Nadamay pa ang nananahimik kong kaibigan.

"Ikaw na muna." Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko pa rin malimutan iyong wallpaper niya!

Dinig ko ang buntong hininga niya. Ilang sandali pa siyang tahimik bago tumikhim kaya nag-angat ako ng tingin.

"I'll start by saying how sorry I am for all the words I've said to you," he whispered.

Kinagat ko ang dila at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Alam kong walang kapatawaran ang mga iyon, Chenny ngunit gusto ko lang humingi ng tawad. The moment you left, I was nowhere to be found. Noong iniwan mo ako, hindi ko na muling mahanap ang sarili ko..hindi ko na magawang mabuhay.." he paused. "It's ironic because I was the one who pushed you away and yet I'm the one who stuck in our memories."

Nanakit ang lalamunan ko nang narinig ang pagkabasag ng boses niya.

"Gusto kong humingi ng tawad sa'yo..but I'll be honest, I-I didn't regret that I pushed you away from me that day."

Doon lamang ako nag-angat ng tingin sa kaniya. His eyes were reddened and I could see his soul breaking apart but I heard something wrong.

"What do you mean? Hindi mo pinagsisisihan?" I smiled sarcastically. "H-Hindi mo man lang pinagsisihan, Axel? Sinaktan mo ako, tinaboy mo ako..inalisan mo ako ng pag-asang magpatuloy!"

Nanghina ang mga mata niya nang tumayo ako.

"Tapos sasabihin mong hindi mo pinagsisihan?!" I bursted into tears.

Tumayo si Axel at maingat pang hinawakan ang kamay ko pero pagalit ko iyong inalis.

"Because that was the right thing to do, Chenny, for you." His lips were trembling.

I quickly shook my head. "Anong karapatan mong magdesisyon para sa ikabubuti ko?!"

Axel bit his lower lip. Umakma pa siyang hahawakan ako pero lumayo ako agad at dinuro siya.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko matapos mo akong itaboy! Matapos mo akong iwan!! Isang sabi mo lang na ayaw mo akong mawala, ibibigay ko lahat, Axel! Kasi ganoon kita kamahal noon, ganoon ko ginustong makasama ka.. pero anong ginawa mo? Pinatay mo lang ako eh! Nilunod mo lang ulit ako!" Bumuhos ang mga luha ko. "So please.. don't ever say again that it's for me. That all the decisions you made was for me where in fact you did that for yourself!"

"C-Chenny, it wasn't like that..I'm sorry.."

"You know what? Get out.." itinuro ko ang pintuan. "L-Lumabas ka na."

"C-Chen.." he was about to hold my hand when I angrily slapped it away.

"Get out! Umalis ka na, Axel!" Galit kong tinuro ang pintuan.

Hindi na ako nagsalita pa at mabilis na tumalikod papunta sa loob ng kuwarto. Tinakpan ko ang buong mukha at pinigilan ang sariling lalong bumuhos ang mga luha.

Nanghihina akong umupo sa kama at inisip ang mga sinabi sa kaniya.

Paano ko sasabihing may anak kami kung hindi ko kayang..pakinggan pa ang mga sasabihin niya? Hindi ko kayang matagalan ang presensya niya. Hindi ko kaya.

Muli akong lumuha nang naalala ang mga nanghihina niyang mga mata. Hinawakan ko ang dibdib sa bilis ng pagtakbo niyon ay para iyong kakawala sa katawan ko.

I hated myself for still loving the same man who broke my heart years ago. Kahit anong tanggi ko, kahit anong galit ko, alam ko sa sariling mahal ko pa rin siya.

At mas lalo ko lang siyang minahal nang ipanganak ko si Callista. Kahit sinaktan niya ako, binigyan niya naman ako ng makakasama habang wala siya.

Nagtagal ako sa loob ng kuwarto saka ko naisipan na lumabas. Tinitigan ko ang buong paligid at tila nadismaya nang wala na nga siya roon.

Bumuntong hininga ako at napaupo na lamang habang hinihilot ang sintido. The doorbell rang, I quickly glanced at it!

Mabilis akong tumayo at naglakad palapit doon saka iyon binuksan para lamang muling madismaya.

"Is this Chenniah Dimaano? Delivery po!"

Tumango ako at tinanggap ang iniabot niyang paper bag. Pinirmahan ko na lamang iyon kahit wala naman akong natatandaan na um-order ako kanina.

Natigilan ako nang maalala ang lalaking nagpumindot sa cellphone niya. I sighed, looking at the paper bag.

Matapos kong kumain ng gabing iyon ay nakatanggap ako ng message kay Jerace na huwag kakalimutan ang pagkikita namin bukas sa cafe niya, nagreply lang ako na pupunta ako bago natulog.

Maaga akong nagising, palibhasa'y sanay na kaya hindi na kailangang mag set pa ng alarm. Pupungas-pungas pa ako bumangon at agad tinawagan si Ate George na gising na rin pala at naghahanda na raw ng umagahan.

Matapos ang naging pag-uusap namin ay naghanda na agad ako para pumunta sa cafe ni Jerace.

It's 8AM in the morning when I decided to go out of the unit. I was wearing a light pink maxi dress partnered with my black sandals and my small hand bag.

I opened the door and quickly locked it when I saw him walking out on his unit. Our eyes met; he was surprised. I looked away and gracefully walked past him. Natigilan lang ako nang magsalita siya.

"Good morning. Have you eaten?" Mababa ang boses na aniya.

Inayos ko ang hawak na bag at nilingon siya. "Kakain pa lang."

He nodded, his eyes travelled down to my dress. I arched a brow.

"You looked good." He smiled timidly. My face heated. "You're going to Jerace's café?"

Napakurap-kurap ako. "How did you know?"

"Narinig ko lang kahapon," he bit his lower lip. "Can I drive you there?"

Umiling agad ako. Baka iba ang isipin nila Jerace kapag nakita ang lalaki.

"Kaya ko naman magcommute gaya kahapon."

He grazed his tongue on his lips before nodding. "Alright."

Tumango na ako at muling nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko ang pagsunod niya pero hindi ko na nilingon pa, natigilan lamang nang sumunod siya sa elevator kung nasaan ako!

Okay, calm down Chenny. Para namang bagong-bago sa'yo ito?

Hindi ko siya nilingon at tahimik lang nang lumapit siya upang pumindot doon. Pasimple ko siyang tiningnan sa peripheral vision ko.

He was wearing a polo white button down shirt, on his right arm is his black coat. Sa kabilang kamay ay hawak nito ang cellphone.

While looking at him, my mind were wondering what could be his work right now. Noong umalis ako, ay college pa lamang ang lalaki. Wala namang duda na successful na ito ngayon, pero nakakapagtaka pa rin kung ano nang trabaho o pinagkakaabalahan niya.

Ilang sandali kaming tahimik nang tumunog ang cellphone ko. I saw how his head moved a bit to my direction.

Kinuha ko ang cellphone at nakitang tumatawag si Ate George. I answered it.

"Hello?"

"Mama," Calli's sad voice made me worry.

"Yes baby? What happened?" Malambing kong tanong.

Napatingin ako kay Axel nang biglaan itong lumingon sa akin at hindi na muling nag-alis ng tingin.

My heart hammered when he didn't even look away. My eyebrows furrowed.

"Mama, miss na kita.. I'm sorry, Mama kagabi. Hindi kita pinansin..sorry po."

Nakagat ko ang dila at tumango-tango kahit hindi niya naman makikita.

"It's okay, baby. You don't have to be sorry. Uuwi rin ako, after nitong mga inaasikaso ko ah?" Humina ang boses ko nang umayos ng tayo si Axel.

"Okay, Mama. I love you, Mama."

"I love you more, baby." I smiled gently.

Axel's cleared his throat. He abruptly loosened his necktie. The phone call ended. I glanced at Axel who's now looking mad.

Anong nangyari rito?

Kunot na kunot ang noo nito nang nilingon ako pero agad ring umiwas ng tingin nang nakitang nakatingin ako sa kaniya.

Tumunog ang elevator kaya inayos ko ang sarili bago lumabas na agad lang ding natigilan nang may maingat na humawak sa siko ko!

"Axel?" Taka ko siyang tiningnan.

His eyes were bloodshot. "D-Do you have a boyfriend?"

I was surprised, I forgot how to speak.

Napakurap-kurap si Axel at hindi na nagsalita. Maingat niya akong binitiwan at agad iminuwestra ang daan sa akin.

"Uh, t-take care," he smiled weakly and looked away.

Hindi na ako nakapagsalita at tumalikod na sa kaniya sa tindi ng kabog ng dibdib ko.

Nanghihina pa ako kahit na nakasakay na ako sa taxi at sinabi ang address kung nasaan ang café ni Jerace. Kahit nang salubungin ako ni Jerace at yakapin nang mahigpit ay tila hindi pa rin ako kumalma.

"Ipapatikim ko sa'yo ang paborito kong gawin! My carrot cake!" Jerace's excitedly brought a tray!

Napangiti ako nang nakita kung gaano siya kasaya habang kaharap ako. Wala pa namang masyadong customer kaya halos igala niya ako sa lahat ng sulok ng café niya. Nakilala ko rin ang ilan niyang mga empleyado. Mainit ako nilang tinanggap hanggang sa dumating na nga si April!

"Hep hep! Grabe wala man lang talagang nagchat sa akin!" Bulalas niya at pabirong hinila ang buhok ko. "Ikaw na babae ka! Ngayon ka na nga lang nagpakita, attitude ka pa!"

"Aray!" Inalis ko ang hawak niya sa buhok ko. "April ang ganda mong babae pero ganiyan ka!"

"So what?" Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang carrot cake sa table. "Nasaan ang babaeng hindi pa nakakamove on?"

Ngumuso ako at hinanap si Jerace na may kukunin lang daw sa loob. I almost shriek on my seat when April poked my right cheek!

"Sinong hinahanap mo? Si Jerace? Eh ikaw nga rin, hindi pa nakakamove on!" She laughed evily.

"Ang pangit talaga ng ugali mo!" Umirap ako at kinuha ang tasa saka sumimsim doon.

"So ano ngang nangyari sa'yo? Bakit biglang hindi ka nagpakita?" Kinuha niya ang tinidor at kumuha roon sa carrot cake. "Ano? Titigan na lang tayo?"

"Hintayin na natin si Jerace para isang paliwanag na lang."

Nanlaki ang mga mata niya. "Wow! So does that mean hindi mo pa nakukuwento?"

"Hindi pa, kasi wala ka pa kanina."

Bahagya itong ngumuso at kumapit pa sa braso ko. "Aww! Ang sweet niyo naman! Akala ko OP na lang ako palagi!"

Tumawa ako. Mahina ko siyang kinurot na siyang ikinairap niya saka ako binitawan.

"May chika pala ako sa'yo!" She grinned.

Tumaas ang kilay ko.

"Wallpaper ka ni Axel! Ang gagong 'yon! Kita ko iyong cleavage mo, tinitigan pa!"

Halos sumiklab sa init ang mukha ko nang sundot-sundutin niya pa ang tagiliran ko.

"Kawawa naman 'yon, ilang taon na sigurong tigan–"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at inis siyang tinarayan. "Ang daldal mo talaga!"

"Sus! Para namang mga bata pa." She chuckled. "Ang tagal naman ni Jerace, kating-kati na akong malaman kung anong nangyari sa inyo ni Axel. Wala eh, wala akong makalap na impormasyon sa lalaki sa nangyari nitong mga nakaraang taon, o kahit sa pamilya niya..pero sabi lang naman 'to sa akin." She paused.

Nangunot ang noo ko at parang gusto ko siyang sapakin nang nanliliit ang mga mata niya akong tinitigan.

"Ano 'yon?"

"May girlfriend raw na imported itong si Axel! Since college raw eh, umaaligid na sa kaniya 'yong babae."

Hindi na ako nagulat dahil hindi naman malabong magkaroon ng bagong babae si Axel, lalo pa sa estado nito sa buhay at sa physical appearance na rin.

Hindi malabo..pero paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol kay Callista?

"Anong pangalan?"

Humalakhak si April. "Stalk mo?"

"Hindi, gusto ko lang malaman."

"Teka, bakit parang lumungkot ang boses? Kaninong boses iyon?" Tudya niya sa akin kaya pabiro kong hinila ang buhok niya.

Tumatawa naman itong umilag at kinuha ang cellphone niya.

"Hindi ko alam ang pangalan dahil sabi-sabi lang naman iyon na narinig ko lang sa mga katrabaho ko. Alam mo na, maraming nagkakagusto riyan sa lalaki mo, kahit daw ay maikama lang sila ni Axel ay ayos na! Jusko! Hindi ko kinakaya!"

Nalaglag ang panga ko at halos humarap na ako sa puwesto ni April. "Ano b-bang meron kay Axel?"

"Ano pa bang aasahan sa magpipinsan? Edi syempre bigtime na lalo! Si Axel mo, trained na yata 'yan doon sa company ng mga Raizin eh, 'yong about furnitures? I forgot the name!"

Tumango ako. Wala naman akong alam sa mga company nila at hindi rin naman ako interesado noon kaya hindi na namin napag-usapan.

"Graduate 'yon ng electrical engineering tapos pumunta sa Switzerland and nakapasok siya sa isang sikat na company roon! Halimaw ang gago eh! Grabe! Pero syempre, mas kailangan siya ng mga kompanya nila rito kaya ayon umuwi. One year lang yata siya roon? Hindi ko alam kung tunay, pero ayan ang mga naririnig ko sa mga chismosa kong katrabaho. Saka hindi rin naman ako nakikibalita sa kanila 'no!" She flipped her hair and looked at me. "Ano pa? May gusto ka pang malaman?"

Umiling ako. Pero mukhang siya ang may gusto pang sabihin.

"Tsaka ang rinig ko rin, may inaalagaang bahay raw 'yan sa may Batangas! Hindi ko lang sure kung para kanino. May mga kapehan din daw iyang pinatayo roon, kakapagtaka nga bakit doon eh."

Nangunot ang noo ko at naintriga sa sinabi niya. "Kaninong bahay raw?"

"Luh, bingi? Kasasabi lang na hindi ko alam kung para kanino, baka sa girlfriend niya?" Umirap siya sa akin at tumayo. "I'll just get a water! Nauhaw ako kadadaldal! Ikaw ba gusto mo?"

Inirapan ko muna siya bago umiling. Taka pang sumalubong sa kaniya si Jerace na may bitbit na naman na tray.

Napangiti ako nang excited na lumapit sa akin ang babae habang kasunod si April na bitbit ang dalawang baso ng tubig.

"This is my newly baked red velvet cake! Charan!"

"Sus! Pag ako ang nadalaw, iyong pinakamaliit na cupcake ang binibigay mo!" Si April na inabot ang baso sa akin kahit tumanggi naman ako.

"April, ang dami ko na ngang nagawang cake for you, kaya si Chenny naman."

"Nyenyenye," April stucked her tongue out. Our eyes met, she winked at me. "Enjoy my Chen!"

Kahit kanina ko pang kinakain ang carrot cake na hinanda ni Jerace ay wala naman akong nagawa kundi tikman din ang red velvet na kagagawa lang pala niya. Buti na lang din ay kasama namin si April na walang tigil ang kain.

"Ops, tama na muna." April looked at me. "Anong nangyari nga sa'yo?"

Ibinaba ni Jerace ang tinidor at tumingin na rin sa akin. "Don't worry, Chen. We won't judge you."

Bumuntong hininga ako. Hindi rin ako makakatakas sa mga tanong nila kaya mas mainam pang sagutin na lamang.

Kinuha ko ang cellphone at hinanap ang picture roon ni Callista na nakasuot ng terno niyang pantulog habang hawak ang paborito niyang teddy bear, saka pinakita sa dalawang babae.

Tumaas ang kilay ni April. "Ano 'yan? Iniinggit mo ba ako kasi ang ganda mo noong bata ka?"

Umirap ako. Jerace eyes widened and she put her hand on his mouth.

"C-Chenny?"

Tumango ako sa kanilang dalawa. "I got pregnant."

Doon lamang naintindihan ni April kaya napatayo pa ito sa sobrang gulat.

"Weh?! Nanganak ka? Sa ganiyang katawan mo ngayon? Saan lumabas ang bata?!"

Humalakhak ako nang nakitang namumula na ang mga mata ni Jerace at agad na tumayo para yakapin ako. Patuloy pa rin ang pang-aasar ni April at tinitingnan pa kung gaano raw ako kanipis pero may lumabas na bata sa akin!

"Gaga ka! Paano?! Nagjerjergan na nga kayo ni Axel?"

Namula ang buong mukha ko at halos hatakin ko ang buhok ni April na naiiyak na ngayong nakayakap sa akin.

Ilang sandali kaming nag-iyakan at nagyakapan.

"I'm so proud of you, Chenny! Ang laki-laki na ng anak mo! Tapos hindi man lang niya kami kilala?" Si Jerace na namumula na ang ilong.

"What's her name?" Si April na kumuha pa ng tissue at inabutan kami. "Nasira ang make up ko!"

"Callista Audrie." I smiled when April eyes widened.

"Ang ganda!" Kinuha nito ang cellphone sa akin at tinitigan ang picture roon ni Calli. "Gagi, ngayon ko lang napagtanto, kamukha pala ni Axel."

Mabilis na tumingin sa akin si Jerace. "Did he know?"

I shook my head.

"I knew it! Dahil kung alam 'yan ng lalaking 'yon, sa tingin mo ba pakakawalan niya itong si Chenny?" Si April na umirap sa akin. "Ano bang nangyari sa inyong dalawa?"

I looked at them. Hindi ko sila masagot.

Ano nga bang isasagot ko kung ang tanging alam ko lamang ay para iyon sa kapakanan ko? Na sinaktan ako ni Axel dahil para sa akin naman daw iyon?

Anong klaseng dahilan ba 'yon?

"It's okay, Chen. You don't have to answer."

Bumuntong hininga ako. "Mahabang kuwento kasi..and kahit ako hindi ko rin alam kung anong nangyari sa amin."

Tumango-tango si April at nagulat pa ako nang yakapin niya ako. "We love you, Chenny. Ipakilala mo kami kay Callista ah?"

Tumango ako at natawa nang nakiyakap na rin si Jerace.

"Don't worry, Chen. Magkakabalikan din kayo ni Axe–" si April na agad siniko ni Jerace. "Oh bakit? Halata namang mahal pa siya ng lalaki!"

"April, huwag mo nga munang babanggitin ang lalaki!"

"Luh? Ito naman, hindi indenial si Chenny gaya mo ah!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong sinasabi mo riyan, April?"

Kumalas si April ng yakap at natatawang pinagmasdan kami ni Jerace.

"Alam kong hindi niyo ako mauuto. Baka one of these days eh magbalikan kayo roon sa magpinsan."

"April! Ano ba 'yan!" Si Jerace na biglang namula ang buong mukha. "H-Hindi mangyayari 'yon!"

"Wushu! Huwag ako, Jerace Marielle! Nakita ko kung paano ka tingnan ni Drain! At ikaw?" Biglang lumingon sa akin si April. "Mahal ka pa rin noon ni Axel kaya mag-usap kayo, sayang eh."

"Eh ikaw ba?"

"Anong ako ba?" Umirap si April at kumuha ng baso. "Kukuha lang ako ng tubig!"

Napailing na lang ako sa pag-iwas ng babae. Nagkatinginan kami ni Jerace at sabay na natawa habang pinapanood si April na pumunta sa loob ng kitchen.

Ilang oras pa akong nagtagal at nakigulo kina Jerace kung hindi ko lang naalala na uuwi nga pala ako sa Batangas. Balak kong bisitahin sina Ate Berna ganoon na rin ang bahay namin.

I bid my goodbye to Jerace and April after a long period of catching up. They also wanted to meet Calli and I made a promise to them that I'll bring her when she doesn't have a class. Niyaya pa nila ako sa bahay raw ni Tita Carla mamaya, nagulat ako na birthday pala niya ngayon..at mas lalo kong ikinagulat na Mommy pala siya ni Luigi.

Gustuhin ko mang pumunta ay hindi naman puwede dahil may plano akong puntahan, saka parang nakakahiya naman kung dadalo ako gayong hindi naman ako imbitado ng mismong may bahay.

At isa pa, naroon ang pamilya ni Axel..parang hindi ko kaya.

Ilang asaran pa muna ang nangyari bago ako pakawalan ng dalawa.

"Ayusin ang lakad ah! Pabebe pa oh! Ingat sa masikip kong bff!" April shouted when I got in the cab.

Namula ang buong mukha ko. Nilingon ko sila at buti na lamang ay nahatak na ni Jerace ang buhok ng babae dahil baka bumaba pa talaga ako para lamang hatakin iyon!

Kahit kailan ay walang preno ang bunganga ng babae!

Mabilis lang akong nakarating sa unit, kabado pa ako habang naglalakad sa hallway dahil baka makita ko na naman si Axel pero sa awa naman ng tadhana ay hindi ko rin siya sa wakas nakita!

Ayoko munang makausap o kahit makasalubong siya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang itinanong niya sa akin at lalo na ang namumungay niyang mga mata na para bang may matindi akong kasalanan sa kaniya, gayong..kabaliktaran iyon.

Bumungad ang tahimik na kuwarto at ang nakakahalinang kama kaya naman kahit wala sa plano ay natulog muna ako. It was almost 6PM when I woke up!

Muntik ko nang maitapon ang cellphone nang napagtanto na tatlong oras akong nakatulog!

Tumawag muna ako kina Ate George at saglit na nakipagkulitan kay Calli tsaka ito nagpaalam na magsasagot lang daw ng mga homeworks niya kaya hinayaan ko na.

"Kumusta? Nakapunta ka na ba sa atin?"

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Mamaya pa, Ate."

"Ha? Babyahe ka pa? Gabi na, Chen. Bukas na lang!"

"May sasakyan pa naman, tsaka hanggang hatinggabi ang sakayan."

"Psh! Kung kailan gabi naman, saka ka sikal umalis!"

"Mas gusto kong gabi pumunta roon, Ate. Maliwanag din ang buwan ngayon."

Pumalatak si Ate George. "Ano ka, aswang?!"

Natawa ako at ilang sandali pa siyang nakipagtalo sa akin na bukas na ako tumuloy pero buo ang desisyon kong ngayong gabi na pumunta, hindi ko na lamang sasabihin sa kaniya.

Habang nag-aayos ng mga gamit ay tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Balak ko kasing dalhin na roon sa Batangas ang lahat ng dala kong gamit para hindi na ako dadaan dito pabalik sa Bataan. Bihis na rin naman ako kaya puwede na akong umalis anytime, after kong maayos ang mga gamit ko.

My eyebrows furrowed when unknown number texted me.

Unknown number:

Good evening. Kumain ka na?

Sino ang boang na 'to?

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy na lamang ulit sa pagliligpit, kaya lang ay muling tumunog ang cellphone ko at siya ulit ang nagtext.

Unknown number:

I'm here at the party of Tita Carla, birthday niya, you know her right? She's the mother of Luigi, your Mr. Haile.

Kumalabog ang dibdib ko sa nabasa. Hindi naman ako tanga dahil alam ko na agad kung sino ang nagt-text na ito.

My phone beeped again.

Unknown number:

This is Axel btw. Kasama ko ang mga kaibigan mo, umalis nga lang si Jerace. I was wondering why you're not here. Pauwi ka na ba sa inyo?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napasapo na lamang sa noo. Ibinaba ko na ang cellphone at walang nireplyan sa tatlong texts niya.

And for the nth time, my phone beeped again.

Unknown number:

Nasa condo ka ba? Can we talk? I got your number from April.

Binaliktad ko ang cellphone at ipinatong iyon sa table saka muling nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit. Nang natapos ay inayos ko muna ang bedsheet saka ko kinuha ang cellphone at ang bag saka lumabas ng kuwarto.

I got startled when my phone beeped again!

Iritado ko iyong kinuha at tiningnan.

Unknown number:

Pauwi na ako sa condo.

I felt like my heart would leap out of my chest when I read his message. Kinalma ko ang sarili at huminga nang malalim.

This isn't right. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Aaminin ko naman sa kaniya ang tungkol kay Calli..pero baka hindi pa ngayon, kinakabahan ako sa sarili ko dahil baka traidurin lang ako nito sa oras na marinig ko pa ang iba niyang paliwanag.

Saglit ko pang inayos ang ibang gamit sa condo ni Kuya Arman, nilinisan ko rin ang couch at ang carpet noon kaya medyo natagalan nga rin talaga ako. Akma na sana akong lalabas nang nagtaka sa tumunog sa may bathroom. Ibinaba ko ang bag at ang cellphone saka tumungo roon.

Agad kong binuksan ang pinto ng bathroom at halos manlaki ang mga mata ko nang nakita ang gripo roon na walang tigil sa pagtulo!

Lumapit ako at pinatay iyon pero lalo lamang lumakas hanggang sa tumalsik na iyon sa akin!

Oh great!

Pinigilan ko ang pagsabog ng tubig kaya mas pinihit ko ngunit lalo ko lang yata iyong nasira dahil lumakas ang tulo kaya halos maligo na ako sa sobrang basa!

When the doorbell rang, I think I heard a bell from the heavens!

Someone's out there! I need help!

Kahit ayaw kong bitawan ang faucet ay wala akong nagawa kundi takbuhin ang pinto para lamang buksan at humingi ng tulong!

But I was stunned when Axel's widened eyes locked on mine.

"What happened? Bakit basang-basa ka?" Ang malalim niyang boses ang sumalubong sa akin.

My tears welled up. I felt my throat runs dry.

"S-Sira 'yong faucet.." parang bata kong tinuro ang loob at kinagat ang labi.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

209K 8.4K 71
Shin Ryujin the cold,and spoiled brat girl behind the mask Hwang Yeji a nice and humble girl from a poor family Yeji became a maid in the Shin's Mans...
15K 336 35
XAIVER ACOSTA the proffesional Doctor who discover cure of virus Meets the rugged flight attendant who's have a virus. Her name is ZAIRA MAE RAMZ Cur...
512K 27.9K 18
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
2M 121K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...