Senior high School Series #2:...

By iamlunamoon

516 47 3

Series #2: Love & Lies When the academic achiever, strong independent, first born daughter, competitive girl... More

INTRODUCTION
LOVE & LIES
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 5

21 1 0
By iamlunamoon

My workload doubled for a few weeks because I was simultaneously working and practicing Scrabble. Ilang araw na kaming palaging magkasama ni Ryo dahil sa practice. Pero sa ilang araw na iyon hindi man lang kami nagkausap sa ibang topic.

Ano namang aasahan ko sa isang iyon na sobrang tahimik? Kung ako medyo maingay kapag kasama ko ang mga ka-close ko, siya naman mukhang tahimik pa rin kahit na sino ang kasama.

When I'm with him, I can't help but gaze at his face. I find myself wondering if he has smiled at all that day. I don't know, I'm just curious whether he wears a smile. Mukha kasing wala sa vocabulary niya ang ngumiti kahit nakakatawa ang sabihin mo.

"Hit," aniya isang araw habang nagpapractice kami sa loob ng library. Dito kami inupahan na magpractice after school time dahil tahimik.

In Scrabble, your brain needs to be sharp, and you should be knowledgeable about many words as that will increase your point score. There are double and triple point tiles in Scrabble, and naturally, I prefer the triple tiles for maximum points. Scrabble has no time limit, so even if it takes a few minutes to think of a word, it's perfectly fine. The game will only conclude when neither side can think of any more words or when the letter tiles are exhausted.

Kung hindi pa sa'kin sinabi ni ma'am Ayessa na over-all champion ang pinasukang school ni Ryo noong junior high pa lang siya sa Maynila ay magtataka sana ako kung bakit niya ako palaging natatalo.

Sa bawat practice namin ay lagi kaming magkalaban. Baka sa totoong laban namin sa intrams baka isipin kong kalaban din siya.

Nilagay niya ang last letter sa "Hit" doon sa triple points kaya nagkaroon siya ng 9 points sa record. Napairap naman ako dahil puro lang double points ang nagagamit ko.

Pagkatapos naming mag-practice ay agad kong kinuha ang bag ko upang makaalis na. Maglalakad pa ako ng 10 minutes pauwi ng bahay. I looked at the clock inside the library. 7:11 p.m. Agad akong lumabas ng library dahil magluluto pa ako sa bahay.

Noong una kong practice, pag-uwi ko nakakain na sila dahil si mama ang nagluto, kaya naman sinumpong siya ng kaniyang sakit. Sinabihan ko na siyang ako na lang gagawa ng lahat pagkauwi, buti at nakikinig siya sa'kin.

Madilim na sa labas, may mga ilaw na rin ang tinatahak kong hallway. Kung hindi lamang madulas itong hallway baka tinakbo ko na papalabas ng school.

Nang makalabas sa gate ng school ay naabutan ko ang isang UV Express na sundo ni Ryo. Tinanaw ko siya sa aking likuran, tinitigan niya lang ako nang walang emosyon kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad palayo.

Habang tumatakbo ako sa madilim na kalsada ay may sasakyang humarang sa'kin. Lord, 'wag naman, marami pa akong pangarap sa buhay.

Nawala ang ilaw ng sasakyang iyon kaya hindi ko mawari kung anong klaseng sasakyan. Bumukas ang pintuan no'n at lumabas ang isang pamilyar na lalaki. "Ryo?" Hindi ko siguradong tawag dito.

Lumapit siya sa'kin habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang slacks.

"Sakay." Tipid niyang sabi.

Napakunot ang aking noo, masyadong madilim dito kaya hindi ko maaninag ang kaniyang perpektong mukha.

"Anong sakay?" Naguguluhan kong tanong. "Saan? Kanino?"

"Of course, at UV Express. Where do you want?" Sarkastiko niyang tanong.

Napatingin ako sa kaniyang likuran at muling bumukas ang ilaw no'n kaya nakita kong ang UV Express nga na sundo ni Ryo. "Bakit naman?" Parang tanga kong tanong.

"Why? Because I will bring you home." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"No need, I can go home alone. Syaka malapit na ako sa amin, sayang lang gasolina." Sambit ko.

"You sure?" Tanong niya pa.

"Malamang." Maldita kong sagot.

Tumango siya bago nagsabing, "Okay." Tinalikuran niya ako at agad na sumakay sa kaniyang UV Express, naiwan akong nakanganga dahil sa kaniyang ginawa.

What the hell?! Ang lalaking 'yon! Ang bilis niyang kausap ah, hindi man lang namilit! Napaka ano ng ugali niya!

Pero okay lang iyon, kahit ano namang sabihin niya ay hindi ako sasabay sa kaniya. Pero sana bilang lalaki namilit pa rin siya kahit alam niyang hindi naman ako sasama sa kaniya.

Tinarayan ko ang UV Express habang hindi pa rin ito umaalis. Nauna na akong naglakad nang padabog. Sinisipa-sipa ko pa ang batong aking nadadaanan dahil sa hindi ko mawaring pakiramdam.

Naglalakad ako nang biglang makarinig ng yabag sa aking likuran. Napalingon kaagad ako roon at wala akong nakitang tao. Tiningnan ko ang kahabaan ng daanang binabaybay ko at kaagad na kinabahan nang mapagwaring kakaunti lamang ang mga bahay.

Mukhang kapag kinidnap ako rito walang makakapansin. Nakapasok na ako sa Phase 3 kung saan kami nakatira ngunit 'yung pakiramdam kong may sumusunod sa'kin ay nandoon pa rin. Naging madalas ang paglingon ko sa likod ko syaka ang mahigpit na paghawak sa aking bag.

Kapag nagpakita talaga 'yung taong sumusunod sa'kin ay talagang ihahampas ko sa kaniya ang mabigat kong bag.

Malapit na ako sa bahay nang maramdamang may tumatakbo sa likod ko, papalapit nang papalapit hanggang sa... "Bulaga, Buwan!" Halos atakihin ako sa puso sa biglang pag-akbay sa'kin ni Whylle.

"Ano ba, Mael! Papatayin mo ba ako?" Inis kong tanong sa kaniya. "Kapag namatay ako dahil sa panggugulat mo sa'kin, siguraduhin mong makakakain 5 times a day sina mama at mga kapatid ko, ah. Siguraduhin mo ring hindi kami mawawalan ng tubig at ilaw. Siguraduhin mo ring makakapag-aral sa private school ang mga kapatid ko. Siguraduhin mong mapapagamot mo si mama. Kapag hindi mo 'yon nagawa hihilahin kita sa pagtulog mo at magkakasama tayo sa impyerno!" Mahaba kong sabi.

"Napaka oa mo naman." Aniya. "Ginulat lang kita pero parang tingin mo na sa'kin ay mamamatay-tao."

"Muntik na. Kasi kung namatay ako mamamatay-tao ka na. Makukulong ka at deserve mo 'yon, ang panget mo kasi!" Sigaw ko sa kaniya.

"At least hindi ako oa." Aniya.

Binatukan ko siya dahil sa sobrang inis. Kinamot niya lang ang ulunan niya. Nagsabay kami sa paglalakad, malayo rito ang bahay niya kaya hindi ko alam kung anong masamang ispiritu ang sumanib sa kaniya at nagawa pang pumunta rito ng ganitong oras.

Napatapat kami sa gate ng bahay namin. Hindi kalakihan ang bahay namin, sakto lang para sa dalawang kwarto, maliit na sala at kusina. Syaka isang banyo. Syaka sa maliit naming bakuran na maganda sana ang lupa pero hindi ako marunong magtanim. Binili ito ni papa kaya naiinis ako kapag naiisip ko iyon.

Humarap ako sa kay Whylle. "Umuwi ka na sa inyo, baka magalit pa si tita sa'yo." Sambit ko.

Tumango naman siya. Sabay kaming napalingon sa malaking halamanan ng kapit-bahay namin nang biglang parang may taong gumalaw mula roon. Lumingon sa'kin si Whylle. "Sige na, Buwan, pasok ka na sa loob." Aniya.

Tumango naman ako bago muling tingnan ang halamanan ng kapit-bahay. Nagkibit ako ng balikat bago pumasok sa gate. Bago sa loob ng bahay.

"Nakauwi na ako." Sambit ko.

"Ate!" Bungad sa'kin ni Yeonna.

"Bumili ka na ba ng ulam at bigas?" Tanong ko sa kaniya habang ibinababa ko ang aking bag sa sofa naming luma na. "Nasan si mama?" Pahabol ko pang tanong.

"Bumili na ako, ate, nandoon sa kusina. Lutuin ko sana kaso hindi naman ako maalam sa pagsasaing." Sagot niya. "Ayaw mo pa kasi akong turuan magluto para kapag ginagabi ka ako na lang sana ang nagluluto. Syaka si mama nga pala pinapatulog na si Muhlack."

"Oh? Bakit na niya pinapatulog, hindi pa ata kumakain si Muhlack." Wika ko.

Natahimik naman siya bigla. "Ahm, pasok na muna ako ate sa kwarto natin. Marami pa kasi akong tatapusin." Sambit niya bago nagmamadaling pumasok sa aming kwarto.

Nagtaka naman ako kaya agaran akong pumunta sa kwarto ni mama at ni Muhlack. Silang dalawa lang sa iisang kwarto habang tatlo naman kami Nina Yeonna at Yienne sa iisang kwarto.

"Mama?" Tawag ko kay mama ng makapasok sa kanilang kwarto.

"Oh, anak, nakauwi ka na pala." Wika ni mama. Lumapit ako sa kaniya upang makapag-mano. "Bumili na si Yeonna ng ingredients sa ulam syaka ng bigas. Magpahinga ka muna saglit bago ka magluto."

"Kumain na ba si Muhlack?" Pagbabalewala ko sa kaniyang sinabi.

Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "Ma..." Tawag ko pa sa kaniya.

Tumango naman siya bilang sagot. "Nagpunta rito ang kabit, ibig kong sabihin, bagong asawa ng papa mo." Sagot niya.

"Ano?" Galit kong tanong.

"Pumunta sila rito upang sabihin sa'kin na iyon na ang huli niyang punta rito sa bahay." Sambit niya. "Gusto niyang kunin si Muhlack sa'tin."

"Ano namang sagot mo?" Tanong ko.

"Syempre, hindi ako pumayag. Binigyan lang ng papa mo ng pagkain si Muhlack. Naaawa nga ako sa mga kapatid mo dahil alam kong gutom din sila pero si Muhlack lang ang binigyan ng pagkain ng ama mo." Aniya.

Paulit-ulit akong umiling sa sobrang galit. "Hindi, mama, wala na akong ama. Wala akong ama na katulad niya. Napaka wala niyang kwentang ama. Paano niya natitiis ng ganoon ang mga anak niya? Kahit kailan, hindi niya kami inisip. Hindi ka niya inisip!" Galit kong sambit.

Lumapit si mama sa'kin para pakalmahin ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinatingin sa kaniya. "Ito ang palagi mong tatandaan, Moon. Kahit na gaano kasama at kawalang kwenta ang ama mo, ituturing mo pa rin siyang ama. Kahit bilang pagtanaw na lang ng utang na loob sa kaniya dahil nandito ka sa mundong ito." Mahinahon niyang sabi.

"Ako pa ang tatanaw ng utang na loob?" Sarkastiko kong tanong. "Mas mabuti nga kung hindi na lang ako ipinanganak e. Ginawa niya lang ako, inalagaan niya lang ako ng ilang taon, pero hindi niya hawak ang pag-iisip ko."

"Kung hindi dahil sa kaniya, mama. Hindi sana nagkakaganito ang buhay natin. Kaya ewan ko kung mapatawad ko pa siya." Saad ko.

"Mapapatawad ko siya pero alam kong matagal pa."


-iamlunamoon

Continue Reading

You'll Also Like

697K 61.9K 36
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
Riptide By V

Teen Fiction

313K 7.9K 114
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
157K 6.9K 200
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...