Infernum

By _chztn_

1.2K 146 507

What makes your sin different from mine? What makes your sin different from mine? What makes your sin differe... More

↺ [0]
↺ [X]
↺ [1]
↺ [2]
↺ [3]
↺ [4]
↺ [5]
↺ [6]
↺ [7]
↺ [8]
↺ [10]
↺ [11]
↺ [12]
↺ [13]
↺ [14]
↺ [15]
↺ [16]
↺ [17]
↺ [18]
↺ [19]
↺ [20]
↺ [21]

↺ [9]

61 6 25
By _chztn_

━━━━━━━━━━ ↺ [9]

"Every face wears a mask."

. . . . . . .

[ HIDEO ]

"LET'S GO. We have to find them." Tinapik ko si Nyle para gisingin siya. Pumasok kami kanina sa isang classroom para magtago. Thinking about it, malaking pagkakamali na humiwalay pa kami sa iba. Buti na lang din at hindi pa kami nahahanap ng halimaw na humahabol sa 'min.

"Mamaya na, Kuya. Magkaaway naman kayo nila Kuya Je. Baka magsuntukan lang kayo 'pag nagkita na agad kayo," sabi niya at talagang humiga pa ulit sa sahig.

I clicked my tongue and stood up. "You should've stayed with the others. Tigas ng ulo mo. Tumayo ka na nga d'yan kundi ikaw ang susuntukin ko," pagbabanta ko sa kaniya at mahinang sinipa ang katawan niya.

Inismiran niya lang ako bago tuluyang tumayo. Hirap din sa batang 'to, eh. I know he's not a little kid anymore, pero may mga panahon pa rin talagang para siyang bata umasta. Lagi ko tuloy nakakalimutan na halos kaedaran na rin namin siya.

"Don't you have any friends your age?" curious kong tanong habang naghahanap ng gamit sa mga desk.

Kunot-noong napalingon naman siya sa akin. "'Di ko alam kung mao-offend ako sa tanong mo o ano, eh."

"Sumagot ka na lang, bubwit ka."

"Wala!" Bumuga siya ng hangin at nginiwian ako. "I mean, meron naman pero hindi ko sila masyadong close. Mas gusto ko pa rin na sa'nyo sumama. Parang pamilya mo na rin naman sila Kuya Je kahit lagi kayong nag-aaway. Gusto ko lang din maging parte no'n."

Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya.

We lost our parents when we were kids. Pinatay sila ng mga nanloob sa bahay namin. Wala kami noon dahil nasa school kami. Nabalitaan na lang namin habang nasa klase kami tungkol sa nangyari. Pagkatapos no'n, sinubukan kaming kunin ng mga kamag-anak namin pero tumakas kami. I practically raised my little brother on my own. Kung ano-ano'ng pinasukan ko noon para lang mabuhay kami.

Nakilala ko si Jensen dahil sa isa sa mga raket na napasukan ko. He came from a rich and elite family so I thought he was some kind of spoiled brat, but turns out, I was wrong. Nagkasundo kami hanggang sa naging magkaibigan talaga kami. He and Johannes were already friends too kaya matagal ko na ring kilala si Johannes. Nang makarating naman kami ng high school, doon namin nakilala sina Jiro at Soren. Naging close si Nyle sa kanila. Medyo nag-alala ako dahil wala siyang masyadong kaibigan na ka-edad niya, kaya hinayaan ko na lang din siyang sumama sa 'min tutal komportable naman siya kina Jensen.

I love my friends. It's something that I never told them — something I can't really find the strength to tell any of them. But it's true. I really do love them.

Madalas kaming nagkaka-away, lalo na ni Jensen. Oo, may mga panahon na hindi kami nagkakaintindihan. There are some things that changed as we grew up. Pero anuman ang mangyari, alam kong sa kanila pa rin ako uuwi. At the end of the day, they're still my family.

At handa akong protektahan ang pamilya ko hanggang sa abot ng makakaya ko.

"Dalhin mo 'to." Inabot ko kay Nyle ang nakita kong makapal na libro.

"Galing. Papatayin natin 'yong halimaw gamit ang power of knowledge! Nice one, Kuys," giit niya, halatang ginagago ako.

"Eh kung hampas ko 'yan sa pagmumukha mo?" Sinamaan ko siya ng tingin. Wala siyang ibang nagawa kundi ngumiwi at kunin ang libro. Kinuha ko naman ang nakita kong maliit na cutter at ibinulsa ito.

Sa isang iglap, biglang umalingawngaw ang isang malakas na sigaw. Medyo mahina ito pero dahil sa katahimikan, nagawa naming marinig ito nang klaro.

"Fuck. We need to hurry." Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Agad kong hinila si Nyle at lumabas ng classroom. Kumaripas kami ng takbo kasabay ng patuloy na pagsigaw mula sa malayo.

"Si Silas 'yon, ah? Pati si Jiro? Tangina. Ano'ng nangyayari?!" Hindi ko mapigilang mataranta.

We were already together in the first place. Kung hindi lang ako humiwalay, mas malaki ang tsansa na walang mangyayaring masama. Alam na namin kung ano'ng sitwasyon namin, pero nagpadala pa rin ako sa emosyon ko. Iniwan ko pa rin ang mga kaibigan ko.

"Bakit gano'n? Walang tumutunog na alarm?" nagtatakang tanong ni Nyle.

"Ha?" Kunot-noong napalingon ako sa kaniya.

"Kuya, hindi mo ba napansin? Last cycle, kapag may namamatay sa 'tin, nagiging kulay violet 'yong ilaw ta's tumutunog 'yong alarm. Eh wala naman ngayon, eh."

Napalunok ako. "Then that means we can still make it to them. Kailangan natin silang tulungan!" Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, hila-hila si Nyle sa pulsuhan.

Nagpatuloy ang sigawan. Lalo akong tinamaan ng kaba nang marinig kong pati ang boses nina Jensen at Johannes. Sobrang tahimik ng paligid kaya rinig na rinig ang mga sigaw nila. Pero kahit gano'n, masasabi kong sobrang layo namin sa kanila.

"Where the fuck are they?!" Hindi ko mapigilang mataranta na. "Jensen! Jiro! Johannes!"

"Kuya! Maririnig tayo ng halimaw!" saway sa akin ni Nyle.

Takbo lang kami nang takbo pero parang wala naman kaming patutunguhan. It felt like we were running in circles. Rinig namin na nagsisigawan pa rin sila Jensen, but this time, parang nag-aaway na sila.

"Jensen! Nasaan kayo?! Putangina!" tawag ko ulit, pero wala. Parang nag-echo lang ang mga salita ko sa katahimikan.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa pool area ng building. Walang katao-tao sa loob, sobrang dilim pa. Galing pa sa labas ang tanging ilaw na nagbibigay-liwanag sa amin.

"Kuya..." Nagtaka ako nang biglang humawak si Nyle sa braso ko. It felt like when we were kids when he held tightly to me whenever he's scared.

Bago pa ako makapagtanong, nalaman ko na agad ang sagot nang matanaw ko ang pool na punong-puno ng mga litrato.

Nagsimula akong humakbang papunta dito pero hinila ako ni Nyle. Lumingon ako at nagtama ang tingin naming dalawa.

"Kuya, 'wag! Baliw ka ba?! It's probably a trap!" bulyaw niya sa akin at pilit akong hinila palayo.

I looked over at the pool again. Sa 'di malamang dahilan, para ako nitong tinatawag. It feels like it's telling me to come closer.

"Kuya!" Buong lakas akong naglakad patungo sa pool kahit pilit akong hinihila ni Nyle. Tawag siya nang tawag sa 'kin pero para akong nabibingi. Basta ang alam ko, kailangan kong makita ang mga litrato.

Nang tuluyan akong makalapit sa pool, pinagmasdan ko ang mga litrato na palutang-lutang sa tubig. Nanlamig ako nang tuluyan kong makita ang laman ng mga ito.

It was her...

It was Eurydice... and me.

These are our pictures together.

"Kuya! Snap out of it! Let's go!" Nararamdaman kong makailang-ulit akong tinatapik at hinihila ni Nyle, pero sadyang hindi ko maalis ang tingin ko sa mga litrato — sa mga litrato naming dalawa ng babae na sobra kong minahal.

Her face was smudged in every picture. It was like she was erased... like she's nothing but a hazy memory.

"Kuya!"

Bumalik ako sa realidad nang ibalik ko ang tingin ko kay Nyle. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang desperasyon na umalis na kami. At habang nakatingin sa kaniya, parang naging bata ulit siya sa paningin ko.

I turned around and looked at the pool filled with pictures again. Ramdam kong bumigat ang dibdib ko habang patagal ng patagal kaya minabuti ko nang alisin ang tingin dito.

"H-Halika na..." Nanghihina man, pinilit kong lakasan ang loob ko.

I can't be weak now. My friends need me. Nyle needs me.

Tumango si Nyle at hinila ako sa braso. Akmang tatakbo na sana kami palabas ng kwarto nang bigla kong matapakan ang isang litrato na nasa sahig. Natigil ako dahilan para matigilan din siya sa balak niyang gawin.

"Kuya, ano ba?! Tara na! Baka kung ano pa'ng mangyari sa 'tin!" tarantang sabi ni Nyle pero hindi ko siya pinakinggan. Sa 'di malamang dahilan, kinuha ko ang litrato at tiningnan ito.

I felt my heart drop.

"Kuya!"

It wasn't Eurydice in the photo.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Nyle. Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon niya nang magkatinginan kami.

"Nyle..." Ipinakita ko sa kaniya ang litrato at kitang-kita ko ang pagguhit ng magkahalong gulat at takot sa mga mata niya nang makita ito. "Ano 'to?"

Mariin siyang lumunok.

"Why were you at the same bar that Eurydice went to?"

━━━━━━━━━━

[ JENSEN ]

I WAS walking through the dimly-lit halls, every step I took was as heavy as my heart. Even if I don't look at myself, I'm pretty sure that I look like a dead boy walking. I felt numb all over. I just want this to end.

"Jensen, may tela dito." I snapped out of my reverie when I heard Silas. Kung hindi siya nagsalita, I wouldn't remember that he came with me.

Lumingon ako at nakita siyang itinuturo ang isang nakabukas na kwarto. Ngayon ko lang din napansin na nasa first floor na pala kami. I didn't even notice.

Tumango lang ako kay Silas at pumasok sa kwartong itinuro niya. It was a small room. May mga nakasampay na puting tela sa kung saan-saan. If my memory serves me right, this must be the vacant room na pinaglalagyan ng mga props ng theater club.

Narinig kong may tumunog na matalas dahilan para mapalingon ako. I saw Silas grab a scissor from a drawer. Nagkatinginan naman kami.

"Just in case. Better safe than sorry," sabi niya at ipinakita sa 'kin ang nakuha niyang gunting. "Kuha ka lang ng maliit na tela d'yan. Kailangan lang naman nating matakpan si Soren."

I felt my heart clench in pain once again upon hearing his name.

Soren was one of my closest friends. If Johannes and Jiro are my best friends, then he's already like a brother to me. He understands me better than anyone can. I know it's a loop, but he didn't deserve to die like that. He didn't deserve to die painfully.

"Do you think he's right?" Hindi ko na napigilan at nasabi ko na ang tumatakbo sa isip ko.

Ramdam kong napatingin si Silas sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin, Jensen?"

"That those who sinned should confess." Huminga ako nang malalim. "What if that's the only way we can get out of this hell?"

Silence enveloped between the two of us. Walang nagsalita sa aming dalawa. For some reason, it felt eerie.

"Aamin ka na ba?" he asked.

I quickly turned to look at him, my eyes slightly widened. "Kung may aaminin ako."

Umiwas ng tingin si Silas. "I know what you did, Jensen."

Tuluyang nanlaki ang mga mata ko.

"W-What are you talking about, Sil?"

"Johannes told me all about it." He heaved a deep sigh. "Johannes knows everything, but he's not really going to say anything. Walang ibang dapat na umamin kundi ang nagkasala mismo."

Kunot-noo ko siyang tiningnan.

Johannes told him about what I did? Imposible. Johannes promised that he wouldn't tell anyone, not even Silas. Did he lie to me? Did he break his promise? I told him that I wanted him to tell everyone the truth, but he stopped me. He assured me that he didn't tell anyone. Why did he lie to me?

My head hung low, holding tightly to the edge of the table beside me. "Bakit hindi mo sinabi sa iba?" I asked. Kung sakaling malaman ng iba ang totoo, siguradong mag-iiba ang tingin nila sa 'kin.

"It's not my secret to tell." He shrugged, fiddling with the scissors in his hand. "It's not my burden to tell everyone about your sin. Kung may dapat magsabi no'n sa lahat, ikaw 'yon."

Mariin akong napalunok. I could feel beads of sweat forming on my forehead.

Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata. "So tell me, Jensen... Kung tama nga si Soren, sasabihin mo ba ang totoo? Aamin ka ba sa kasalanan mo? O hahayaan mo lang kaming mamatay nang paulit-ulit dahil gusto mong itago ang totoo?"

"Johannes can tell everyone the truth—"

"Johannes won't say anything. Hindi siya ang aamin para sa kasalanan na ginawa mo."

I felt my hands fold into fists, knuckles almost turning white. "How sure are we that we'll get out of here if I really do confess? Am I the only one who did bad things in this group? Paano ka nakakasiguro na makakaalis tayo dito kung ako lang ang aamin?!"

I looked him in the eyes with the same intensity.

"Ikaw... Did you do something too?"

Nagbaba siya ng tingin patungo sa hawak niyang gunting. "Dati? Hindi ako sigurado. But recently..."

Unti-unti niyang iniangat ang ulo niya hanggang sa muling magtama ang tingin naming dalawa. I felt a shiver down in my spine when I saw something different in his eyes.

"Silas..."

He took a step forward, while I tried to step backward, but I only hit the wall.

"I did what I had to do."

I saw him grip tighter on the scissors he was holding.

He suddenly chuckled.

"Soren trusts me so much that he didn't even notice my hands around his head."

Nanlaki ang mga mata ko.

Before I could even react, he lunged towards me.

All I felt was pain.

. . . . . . .

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
1.3K 976 20
Book One of WWW Mysteries. Completed. Enjoy reading, everyone! On the day they turned 13, her twin sister died. She, however, is unable to recall any...
7.5M 381K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...