Infernum

By _chztn_

1.2K 151 507

What makes your sin different from mine? What makes your sin different from mine? What makes your sin differe... More

↺ [0]
↺ [X]
↺ [1]
↺ [2]
↺ [3]
↺ [4]
↺ [5]
↺ [6]
↺ [7]
↺ [9]
↺ [10]
↺ [11]
↺ [12]
↺ [13]
↺ [14]
↺ [15]
↺ [16]
↺ [17]
↺ [18]
↺ [19]
↺ [20]
↺ [21]

↺ [8]

53 8 27
By _chztn_

━━━━━━━━━━ ↺ [8]

"Hell is not down, it's within."

. . . . . . .

"Soren is clueless about everything."

"I don't know... Hindi ko na talaga kaya. Should I tell him what I did? I don't think I could keep this from him anymore."

"Wala kang sasabihin sa kaniya. Soren knows nothing, and it will stay that way."

"Why? He's our friend — my friend. He has the right to know."

"He doesn't. Ilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan, tanga. Oo, kaibigan mo siya, pero gaano ka kasigurado na hindi ka niya ilalaglag?"

"..."

"Listen to me, Jiro. 'Wag mo nang ulitin ang pagkakamali mo. 'Wag ka nang gumawa ng mga bagay na hindi mo naman kayang panindigan. Makinig ka na lang sa 'kin. Pinoprotektahan lang kita. Pinoprotektahan ko lang kayo."

"You're protecting... everyone?"

"..."

"What else do you know, Johan?"

━━━━━━━━━━

[ JOHANNES ]

"SOREN!" SILAS kept crying in my arms. Walang tigil siya sa pag-iyak kaya niyakap ko na lang siya at inilayo mula sa bangkay ni Soren. Uulit lang din naman kami, pero syempre, nakaka-trauma pa ring makita 'yong mga ganitong eksena. Para akong nagri-rewatch ng nakaka-aning na moment sa K-drama, gano'ng feeling.

"What happened?!" sigaw ni Jensen na nakaluhod na sa sahig habang nakatitig kay Soren. "Is he really dead?"

Bumitaw ako kay Silas at lumapit sa katawan ni Soren. i examined it from head to toe. Pupulsuhan ko sana siya sa leeg pero mukhang mahihirapan ako dahil talagang nakaikot ito. Napangiwi ako nang ma-realize na 360 degree talaga ang naging pag-ikot dito. But what bothered me more is how much blood was all over the place.

Sa mismong wrist niya na lang ako humawak, pero napalunok ako nang wala akong maramdamang tibok dito. "There's no pulse. Patay na talaga siya."

Rinig kong mas lalong lumakas ang iyak ni Silas. Si Jensen at Jiro naman ay ramdam kong nakatingin sa akin at nang lingunin ko sila, kapwa sila mukhang hindi makapaniwala.

"H-How... The alarm didn't go off!" kunot-noong sambit ni Jensen.

Muli akong napatingin sa katawan ni Soren, tapos sa speaker na nakasabit sa dingding. Hindi ko mapigilang maguluhan.

"Hindi tumunog ang alarm. And the lights didn't turn violet nor flickered. There weren't any signs that this happened," dagdag pa ni Jensen.

Mariin na lang ako napapikit.

"I-Is that really Soren?" Halos hindi na makapagsalita nang maayos si Jiro. "What if it's fake? Maybe it's a dummy... to mislead us? It's the only reason why the alarm didn't ring."

"Siya 'yan. Mainit-init pa ang katawan niya. It's not a dummy."

"Pero bakit hindi tumunog ang alarm?!" galit na sigaw ni Jensen.

"Because the rules are fucking changing!" Lumingon ako sa kanila at ramdam kong nanlilisik ang mga mata ko.

They all looked shocked. Hindi ko alam kung dahil ba sa sigaw ko o dahil sa sinabi ko mismo. Napabuntong-hininga na lang ako.

"You, guys, can remember now after Silas killed the Red Man last cycle. Marami ring mga nagbago ngayon sa cycle na 'to kumpara sa mga nakaraan," paliwanag ko at sa sandaling 'yon, napasinghal na lang ako dahil sa sama ng loob. "Whoever — Whatever trapped us in here, it's not gonna let us escape that easily. Magdudusa at magdudusa tayo."

Natahimik sila. Walang nagsalita sa amin. At that point, all of us knew the weight of the situation. No one will say it out loud, but I know we're all thinking the same thing.

We're being punished.

"How did this even happen? 'Di ba't magkakasama lang kayo dito?!" sigaw ni Jensen at lumingon kay Jiro. Imbes na sumagot, umiyak lang nang umiyak si Jiro.

He may seem tough, actually, mukha siyang 'yong mga walang-hiyang frat boy na occasionally makikita mo sa univ. But truth is, Jiro is one of the most emotional person I know. He's vulnerable and he isn't afraid to show it. I know him that well.

I know him, that's why I know that he can be impulsive because of his emotions. He can do things... things that he's not proud of.

"L-Lumabas lang ako saglit kasi bigla kayong nawala." Si Silas na ang sumagot. Hikbi siya nang hikbi pero pinipilit niya pa ring magsalita. "I tried finding you, guys, pero 'di ko kayo nakita. Bumalik ako dito tapos..." Napatakip na lang siya ng mukha at tuluyang umiyak uli.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa saka ako bumaling kay Jiro na pilit nag-iiwas ng tingin.

"Jiro, where were you? Didn't we tell you to stay here?!" bulyaw ni Jensen dahilan para mapapikit na lang si Jiro. Miski ako, nag-flinch dahil sa lakas ng boses niya.

"Kumalma nga kayo!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na rin ako. "At this rate, we might end up blaming each other. Nahiwalay na nga tayo kila Hideo tapos mag-aaway pa kayo!"

"How can we not blame each other?! Where the hell did you go, Jiro?! Kung nanatili ka lang dito, hindi maiiwan si Soren! Hindi sana siya mahuhuli ng halimaw na 'yon!"

Akmang lalapitan na sana ni Jensen si Jiro kaya agad na akong pumagitna sa kanila. "Jensen, tumigil ka nga! Walang may gusto ng nangyari, okay?!"

"Wala nga! But we could've prevented it! Jiro could've prevented it!" Jensen looked at me straight in the eyes, tears beginning to brim in them. "We could've saved Soren! Bakit si Soren pa?! Napakabait ng kaibigan nating 'yon. Sa ating lahat, bakit siya pa?!"

Jensen broke down to the ground. Rinig na rinig ko ang malalakas niyang hikbi. Parang kinukurot ang puso ko habang nakatingin sa kaniya pero pilit kong tinatagan ang sarili ko.

Alam ko kung ano'ng nararamdaman niya. Watching your friends die is painful, but watching them die over and over again is pure fucking hell. Siguro nasanay na rin ako sa sitwasyon namin pero 'di ko matatangging masakit pa rin talaga.

There's this certain fear and despair knowing that no matter what we do, we're doomed right from the start.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Jensen was still crying to his knees. Si Silas naman ay tahimik na nakatingin lang sa 'min habang naiyak. Habang si Jiro, nasa likuran ko at patagong humihikbi.

Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapa-angat siya ng tingin sa 'kin. I gave him a meaningful stare. Mukha namang na-gets niya 'yon dahil pasimple siyang tumango at hinawakan pabalik ang kamay ko.

"Babalik si Soren pagkatapos ng cycle na 'to. Sa ngayon, kailangan nating mag-focus sa paghahanap kanila Hideo. We have to find a way to kill the Red Man," anunsyo ko.

They all looked at me. Sobrang bigat ng dibdib ko at parang gusto ko na lang ding humiga sa sahig at sumuko, pero hindi pwede. Ako lang ang inaasahan ng mga gunggong na 'to. I need to get a hold of myself or else, we won't get out of this hell.

"Johannes, what if wala na rin sina Hideo at Nyle?" sabi ni Silas.

Natigilan ako at tumingin sa kaniya.

"He's right... The alarm didn't ring when Soren died. And you said it yourself — the rules changed. Wala tayong kasiguraduhan ngayon kung buhay pa sila," dagdag ni Jensen habang pinupunasan ang mga luha niya.

Ramdam kong nanliit ang mga mata ko pero agad akong umayos at umiwas ng tingin. "Gets ko ang pinupunto niyo. Pero subukan man lang natin, 'di ba? Hindi natin sila pwedeng iwan nang gano'n-gano'n na lang. Kaibigan pa rin natin sila."

Nagpalitan kaming apat ng tingin kasabay ng pagbalot sa 'min ng katahimikan. Nabasag lang iyon nang humugot ng isang malalim na hininga si Jensen.

"Maghahanap lang ako ng tela. Kahit matakpan man lang natin si Soren," halos walang kabuhay-buhay na sambit ni Jensen at lumabas ng kwarto. Ni hindi kami nilingon o ano.

Nagkatinginan kami ni Silas. Sumenyas ako sa kaniya na sundan niya ito. Tumango naman siya at lumabas din para sumunod kay Jensen.

Nang kaming dalawa na lang ni Jiro ang nasa loob, hinila ko siya sa isang sulok malayo sa bangkay ni Soren.

"Saan ka ba talaga nagpunta kanina? Akala ko, magkakasama kayo nila Silas dito? Saan ka nagsususuot, ha?!" seryoso kong sabi, pilit na hinihinaan ang boses ko.

Yumuko lang siya kaya napabuntong-hininga na lang ako dala ng inis.

"What is Jensen hiding?"

Agad akong napa-angat ng tingin sa kaniya nang tuluyan na siyang magsalita. Nagkatinginan kami at habang nakatingin sa mga mata niya, wala akong ibang nakita mula dito kundi sakit.

Tinamaan naman ako ng matinding kaba. "Sinundan mo kami?!"

"Yeah. And I'm glad na I did, because then I wouldn't know that you know something — something that Jensen did." Seryoso niya akong tiningnan. "What kind of secret could it be that even Soren or I don't know? Why did he only tell you about it?"

Pasimple akong lumunok bago pilit na suminghal. "Wala akong karapatan sabihin 'yon sa 'yo, Jiro. It's not my secret to tell."

Tiningnan niya lang ako nang diretso sa mga mata. Akala ko tapos na siya, pero nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa may pulsuhan.

"Do you still love him? Do you still love my best friend?" he asked, and all I saw from his face was nothing but sheer pain. "Do you still love Jensen?"

Natigilan ako.

"Hindi," sagot ko, pero hindi ko alam kung bakit parang lumabas na 'di ako sigurado sa sarili kong mga salita.

Tipid na ngumiti si Jiro at binitawan ako. "You're lying."

Napasinghal na lang ako. "My feelings are less of our worries now. Jiro, utang na loob, focus on staying alive for now."

Hindi siya umimik, hanggang sa muli na naman siyang magsalita.

"He killed Eurydice, didn't he?"

Ako naman ang hindi nakaimik.

Gusto kong magsalita. Gusto kong depensahan si Jensen. Gusto kong tanungin sa kaniya kung paano niya nagagawang pagbintangan 'yong kaibigang halos ituring niya nang sarili niyang kapatid.

Pero hindi ko magawa.

He smirked. "Was I right?"

Imbes na sumagot, umiling lang ako at umiwas ng tingin. "Pwede bang tumigil ka na sa pamimintang mo? We won't get out of here if you keep pointing fingers."

"We won't get out of here if the real killer won't confess."

Nagtama uli ang tingin naming dalawa.

"Jiro, pwede ba..." Wala na akong ibang nagawa kundi ilabas ang bigat na nararamdaman ko sa pamamagitan ng isang malalim na hininga. "Gets ko. Oo na. Galit ka sa 'kin kasi ang tanga-tanga ko."

"Johan, that's not what I'm—"

"Tama na. Oo na. Sorry na." I could feel my voice breaking with every word I said. "Sorry kasi kahit magmukha akong tanga d'yan sa best friend mo, sige pa rin ako. Sorry kasi mahal na mahal ko siya. Kaya utang na loob, Jiro, hindi ko na kailangang marinig 'yang sermon mo. Oo na, gets ko na. Tanga ako. Hindi ko na kailangan marinig kung ga'no ka ka-disappointed sa 'kin dahil sa katangahan ko."

Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata, at sa pagkakataong 'yon, ramdam kong tuluyan nang bumabagsak ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan. "G-Gusto ko lang kayong protektahan. Mga kaibigan ko kayo kaya ayokong magkasira-siraan tayo dahil lang sa maliit na bagay. Lahat kayo, mahalaga kayo sa 'kin — lalo ka nang bwisit ka. Handa akong protektahan kayo sa abot ng makakaya ko. Gano'n ko kayo kamahal—"

Hindi na ako natapos sa pagsasalita nang maramdaman kong hinila ako ni Jiro papunta sa kaniya. He wrapped his arms around me tightly. He felt so warm that I just found myself hugging him back as I buried my face on his chest.

"I'm sorry. I'm not disappointed in you. I never am. I'm sorry." Naramdaman kong paulit-ulit niyang hinalikan ang ulo ko. "Just cry lang. I'm here. I'm right here. Cry it all out."

Wala na akong ibang nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Hinayaan ko lang na tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Sa loob ng matagal na panahon, ngayon ko lang nagawang bumigay.

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa naramdaman kong unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ko — hanggang sa mawala ang bigat na ramdam kong laging nakadagan sa 'kin.

Mahigpit lang na nakayakap sa akin si Jiro. His warmth managed to remind me of what I've promised myself.

I'm willing to break my morals just to protect them. As long as I'm here, no one will know the truth. I don't mind hiding it if it means protecting my friends... even if it means dying over and over again.

No matter what happens, their secrets die along with me.

━━━━━━━━━━

"Johannes... H-Hindi ko sinasadya... I don't know what's gotten into me. I don't know who else to turn to. I didn't mean it. Shit. Shit. Shit."

"Kumalma ka nga muna! Ano ba'ng nangyari?!"

"S-Si... It's..."

"Ano?"

"Eurydice... I — I'm sorry..."

"... Ha? Ano'ng—"

"I... Sorry... I'm sorry. Hindi ko sinasadya..."

"..."

"H-Hindi ko sinasadya. S-Sorry..."

"Jensen, ano'ng ginawa mo?"

. . . . . . .

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
219K 2.7K 83
Sa bansang Pilipinas, hindi parin mawawala ang mga taong may angking talento na magtype ng sariling paraan at magspell ng sariling paraan. Jejemon an...
2.9K 260 13
Are you a bookworm? Minsan ka na rin bang nangarap na makatagpo ng lalaking katulad sa mga nababasa mo? Minsan mo na rin bang pinagdasal na sana nage...
7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...