Senior high School Series #2:...

By iamlunamoon

583 54 3

Series #2: Love & Lies When the academic achiever, strong independent, first born daughter, competitive girl... More

INTRODUCTION
LOVE & LIES
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 3

29 2 0
By iamlunamoon

"Seryoso?!" Gulat na tanong sa'kin nina Angel at Raine habang kumakain kami sa canteen, which is 'yung mga table ay nasa loob ng court.

Mamaya naman ay tatanggalin iyon dahil may practice ang mga basketball player.

Tumango ako sa kanila bago nilagok ang juice na libre lang nila sa'kin. Alam nila ang problema ko sa bahay kaya naman lagi nila akong nililibre, madalas sila sa bahay, ako ang gumagastos kapag nandoon sila kaya patas lang kami.

"Pumayag ka?" Sabay ulit nilang tanong. Muli akong tumango. "Paano?" Lagi na lang sabay, parang tanga.

"Si ma'am Ayessa na ang pumilit sa'kin kaya wala na akong nagawa kundi pumayag." Sagot ko. "Kahit ayokong maging ka-partner iyong lalaki na 'yon, no choice ako." Dagdag ko pa.

"Kung ako sa'yo hindi ako papayag kahit na pilitin ako ni ma'am Ayessa." Ani Raine. "Imagine, karibal mo siya sa first place tapos magkakaroon kayo ng time para magkampihan, no way."

"Hindi na masama, dagdag grades din naman." Sambit ko. "Hindi madali sa'kin ang pakisamahan siya dahil kanina nabwibwisit talaga ako sa kaniya."

"May magaganap bang practice araw-araw sa inyo?" Tanong ni Angel.

"Meron pero hindi araw-araw, baka 3 times a week, 'yun ang sabi ni ma'am." Sagot ko.

"So, makikita mo pa rin siya every week." Natatawang sambit ni Angel na siya namang kinainis ko.

"Speaking of makikita, di'ba sabi mo nakilala at nakita mo na si Ryo? Pogi ba?" Excited na tanong ni Raine.

Bumalik sa isip ko ang sobrang misteryosong mukha ni Ryo. Noong una akala ko talaga ibang tao, mukha naman kasi siyang hindi nagsasalita. Fourty percent of grading dito ay nagmumula sa recitation. Wala naman sa mukha nung Ryo ang madalas magsalita.

O, baka naman sa recitation lang siya nakikita. Ayon sa naririnig ko about sa kaniya ay puro lang siya room, at library, ni bumili sa canteen ay hindi niya magawa. So, saan siya kumakain? Or kumakain pa kaya siya?

Wala naman akong pake.

"Hoy, Moon, tinatanong ka namin, pogi ba?" Pambubulabog sa'kin ng dalawa.

Wala sa ulirat akong tumango. Parehong namilog ang kanilang mga mata at bibig habang magkaharap. They put their hands over their mouths bago pigil na tumili.

Excuse silang humarap sa akin. "Sinong mas pogi? Si Whylle o si Ryo?" Tanong naman ni Raine.

"Si Mael, best friend ko iyon e." Sagot ko.

"Paano kung hindi mo siya best friend? Ipagpalagay natin na he's just your rival din. Ano? Sino mas pogi?" Tanong naman ni Angel, nagtaas-baba pa ang kaniyang kilay habang naghihintay sa sagot.

Inilagay ko si Mael bilang rival ko. Matalino si Mael at kung magiging rival ko siya tapos stranger kami, masasabi kong pogi talaga siya. May kakaiba lang talaga sa mukha ni Ryo na hindi ko maipalawanag.

"Si Ryo." Tipid kong sagot.

"Omg! Omg!" Pigil sa pagtili ang kanilang ginawa. "I think I should post sa timeline ko mamaya sa facebook na; "My best friend has found my soul mate!" Omg!" Tili pa ni Raine.

Napasapo na lang ako sa aking noo dahil tumingin sa amin ang iba sa mga estudyanteng kasama namin sa court. Nilagok ko sa huling pagkakataon ang juice bago tumayo sa aking kinauupuan upang itapon ang basura ko.

Nilagay ko sa tamang lagayan ang mga plastic at plastic bottle na aking ginamit. I was about to return to the table where my friends were, but my eyes caught sight of a familiar man near the stairs.

When he noticed me looking at him, he quickly averted his gaze and proceeded down the hallway, eventually making a turn towards the library. Siya iyong lalaking nakasalubong ko rin sa hagdan kanina pababa sa faculty.

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin at bumalik sa dalawa kong kaibigan na patuloy pinag-uusapan kung gaano kagwapo ang Ryo na iyon sa kanilang imagination.

"Feeling ko kamukha niya si Lee Jong Suk!" Tili ni Raine.

"Lee Min Ho kaya." Pakikipagtalo naman ni Angel.

Napairap ako dahil kung sino-sino ng Korean, Chinese, Filipino actor ang hinuhulaan nilang kamukha ni Ryo.

Actually, wala sa mga nabanggit nila. Masyadong kakaiba ang charismang mayroon ang lalaking iyon. Parang kapag naglakad ata siya sa hallway kasama ang mga kaibigan niya ay sa kaniya kaagad dadawit ang mga mata ng mga tao.

Kataka-taka lang dahil parang hindi famous ang pangalan niya sa buong school. Kung totoong pamatay ang kagwapuhan niya dapat palagi siyang bukang-bibig, mapa-babae man o lalaki. Para kasing kahit lalaki mababakla sa kaniya.

Natapos nang kumain ang dalawa na wala akong naintindihan sa kanilang pinagkekwentuhan. "Tara na, taas na tayo. Malapit ng magtime." Ani Angel bago ituro ang wall clock sa taas ng ring ng court.

"Mauna na kayo, iihi lang ako." Sabi ko sa kanila.

"Gusto mo, samahan ka na namin?" Tanong ni Raine.

"No need, hindi ko kailangan ng tagababa ng panty ko." Pagbibiro ko sa kanila, pero nandiri lang sila imbes tumawa.

Tsk, minsan na nga lang ako mag-joke hindi pa tinawanan.

"Sige, una na kami. Sunod ka na lang, mwaa." Ani Angel bago nagflying kiss sa'kin.

Natatawa ko na lamang silang tinarayan bago pumunta sa gilid ng canteen kung nasaan ang comfort room.

Pagkatapos kong umihi ay sandali muna akong nag-ayos bago lumabas ng c.r. Tataas na sana ako nang bigla akong maalala. Agad akong lumingon sa lamesa namin nina Angel kanina at nakita ko sa ibaba ng lamesa ang aking basket kung saan nandoon ang iilang mga kakanin na hindi ko pa naibebenta. Nandoon din ang napagbentahan ko!

Halos patakbo akong tumungo roon. Wala nang gasinong tao sa hallway at sa court dahil 2 minutes na lang ay mag-uumpisa na ang klase.

Halos mabangga ko ang isang lalaking estudyante na naka facemask, buti na lang nakapagpreno kaagad ako. I was about to apologize, but he simply turned his back on me and reentered the library.

Hindi ko na lang pinag-aksayahan ng panahon dahil mas importante ang pera.

Nang makuha ko ang basket ay bumalik ako sa hallway. Habang naglalakad ay binibilang ko ang pera sa pitaka ko.

Bumangga ako sa parang bato. Kaya naman nailaglag ko ang basket kong dala, maging ang ilan sa pera kong binibilang.

Imbes na kunin ang mga nalaglag ay masama kong tinitigan ang taong nakabangga ko. Kumunot ang aking noo na mapagtantong ito ang lalaking muntikan ko nang mabangga kanina.

"Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?" Inis kong tanong sa kaniya.

Tinitigan niya ako sa mga mata na parang may binabasa mula roon. Hindi niya ako sinagot, bagkus umiling siya sa'kin bago lumuhod sa harap ko at dinampot ang mga nahulog.

Pinagsama-sama niya ang perang nahulog, maging ganoon din ang ilan sa kakaning natanggal sa loob ng basket.

Agad siyang tumayo pagkatapos niyang kunin lahat ng nalaglag. Iniabot niya sa'kin ang basket na nandoon na lahat. Hindi pa rin nawawala ang sama ng tingin ko sa kaniya.

Gusto ko siyang sigawan at pagsabihan ng masasama, katulad ng ginagawa ko sa ibang tao kapag badtrip ako. Pero nang magtamang muli ang aming mga mata ay parang nawala lahat ng naipong galit sa'kin.

"Bro, late na tayo sa general chem-oh putcha bakit kayo nandiyan?" Gulat na tanong ng lalaking kakalabas lang mula sa library.

Tiningnan ko siya at agad akong nagtaka dahil kakilala niya ang lalaking nasa aking harapan. "Magkakilala kayo?" Tanong ko sa lalaking nakita ko kanina sa hagdan.

Lumapit ang lalaking iyon bago niya inakbayan ito. "Oo, magkakilala kami. Best friend kaya ako nito. Nag-iisang best friend." Mahangin niyang tanong.

"Pake ko?" Sarkastiko kong tanong.

Saglit na napanganga ang lalaki bago tumawa. "Ganiyan ba ugali ng second place sa buong stem? Hindi mo-" Natigil siya sa kaniyang sasabihin nang titigan siya nung lalaki.

Wala mang kahit na anong emosyong makikita roon pero mapapatigil ka na lang talaga sa iyong sinasabi o ginagawa kapag tinitigan ka niya. Sobrang lamig ng titig niya. Galing atang freezer.

"Joke lang pala, miss. Sorry hehe." Nahihiya nitong sambit.

Hindi ko siya pinansin at tinitigang muli ang lalaking pamilyar sa akin. Pamilyar 'yung kilay niya. Maging ang mga mata niya. "Ryo..." Wala sa ulirat kong banggit sa pangalan ng kinaiinisan ko.

Mula sa pagkakatitig niya sa lalaking kaibigan ay dumapo ang tingin niya sa'kin. Doon ko nakumpirmang si Ryo nga iyon. Hindi naman siguro siya lilingon sa'kin kung hindi niya pangalan iyon.

"Gagi." Bulong na pagmumura nung lalaki sa kaniyang tabi.

"What?" Malamig na tanong sa'kin ni Ryo.

"Ikaw nga?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yes," tipid niyang sagot.

"Bakit ka nasa library?" Kuryoso kong tanong.

"That's matter to you? Ikaw lang ba may karapatang mag-aral?" Balik-tanong niya sa'kin.

"Ganiyan ba sumagot ang first place sa buong stem?" Sarkastiko kong tanong. "Hindi mo deserve."

"You are not the teacher, so you cannot say that I do not deserve that place.." Malamig niyang wika.

Inirapan ko naman siya bago binangga ang kaniyang balikat at malampasan sila. Narinig ko ang mahinang pang-aasar nung lalaki sa kaniyang tabi.

Bago pa man ako makalayo ay narinig ko na ang boses ni Ryo. "What's your name again?" Tanong niya.

Humarap ako sa kaniya bago binanggit ang pangalan ko. "Moon Agatha Cazandra Bordeos." Sagot ko. "You can call me Moon or Cazandra, 'wag lang Agatha." Dugtong ko pa.

Tumango siya bago naglakad papalapit sa'kin. Akala ko ay titigil siya sa harap ko, nagulat ako nang bigla niya akong banggain sa balikat sabay nilampasan.

"Okay, Agatha." Aniya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad habang ako ay laglag panga dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ba siya makaintindi?! Sabing 'wag nga akong tatawaging Agatha. Bwisit!

-iamlunamoon

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 1.1M 70
"I didn't ask to be in the middle of your ego-battle," I grumble. Blake pins me to my locker, hands resting on either side of my head. "Well, you got...
10.3M 358K 61
Caden Miller. Hot, cynical, and notoriously labelled the bad boy of Crestmont High. Attention-seekers flirt with him. Idiots fight with him. The ones...
755K 66.6K 36
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
Riptide By V

Teen Fiction

317K 8.1K 115
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...