Lost Stars (On-Going)

Von Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel Mehr

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 32

52 7 0
Von Aimeesshh25

Kabanata 32

Hindi pa man sumisikat ang araw at ramdam pa ang lamig sa paligid ay abala na agad ako sa pagbabanlaw ng mga maruruming damit namin dito sa may likuran ng bahay. May poso kasi roon at doon kami naglalaba. Hindi rin naman madilim dahil nagpakabit ako ng ilaw sa poste, malapit sa bakuran namin.

Tapos ko na iyong sabunan dahil may washing machine naman, kaya nagbabanlaw na lamang ako. Isang banlaw na lang ay lalagyan ko na iyon ng fabric conditioner. Maalwan na ang paglalaba namin ni Ate George dahil nakabili na kami noong nakaraang taon ng washing machine.

My phone beeped in my pocket. I creased my forehead in confusion. Sinong ganitong oras ang magm-message sa akin?

Ma'am Elizabeth:

Good morning, Chen! I have good news! Daan ka rito mamaya? I know day off mo, pero ayaw mo bang malaman ang ibabalita ko? Hahahaha

Napairap ako sa nabasa. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to.

Ako:

Hindi ako makakapunta. Kung gusto mo, daan ka na lang dito pag out mo.

Isinilid ko na ang cellphone sa bulsa at muli na lamang nagbanlaw. Nang natapos ay bumalik ako sa loob ng bahay para kumuha ng mga hanger, sinilip ko na rin si Calli kung gising na at nang nakitang mahimbing pa rin ang tulog, lumabas na ako ng kuwarto.

"Ate naman!"

Gulat akong napahawak sa dibdib nang saktong paglingon ko ay nakatitig sa akin si Ate George habang hawak ang cellphone niya.

"Sorry!" She laughed. "Magluluto na ako ng agahan at may pasok pa. Ikaw?" Bumaba ang tingin niya sa mga hanger na hawak ko. "Oh? Aga mong naglaba ah!"

"Baka maunahan na naman ako nila Alyana," sabay kaming tumawa at naglakad palabas.

Tahimik ko siyang pinagmasdan habang iniistretch ang katawan. Napanguso ako at sinimulan nang magsampay.

"Wala ka pang boyfriend, Ate?" Maingat kong tanong.

Gulat na napalingon ito sa akin at natatawang umiling. "Wala, ano namang gagawin ko sa boyfriend na 'yan?"

She stretched her arms. I pouted. "Wala lang..kumusta kayo ni kuya Arman?"

Si Kuya Arman ang iyong kaibigan niyang pulis sa may bayan, nakilala niya raw iyon dahil mahilig daw iyon bumili ng mga kakanin sa kaniya.

Natigilan si Ate George at tumalikod sa akin saka sinimulang ikutin ang baywang.

"A-Ayos naman," hindi nakatakas sa akin ang lumukob na kilig sa boses niya. "Ayos kami."

Napangiti ako at nagkibit-balikat na saka nagpaalam sa kaniyang magsasampay na. Tumango lamang ito at ilang sandali pa ang ginugol doon bago pumasok sa loob ng bahay siguro ay para magluto.

Inasikaso ko na si Callista nang nagising. Nakanguso na agad kasi ito habang nakaabang sa may pintuan, nang siguro'y hindi ako nakita sa kuwarto o 'di kaya'y sa kusina.

"Magandang umaga, mahal ko," bati ko habang bitbit ang isang timba.

Lalo itong ngumuso at agad na itinaas ang dalawang braso sa akin. Natawa ako at binitawan ang timba saka yumakap sa kaniya.

"Saan ka galing, mama?" She whispered.

"Naglaba, mahal ko," hinaplos ko ang likuran niya. "Gutom na ikaw? Tara sa kusina?"

Tumango ito sa akin at bumitaw na sa pagkakayakap ngunit nanatili naman ang hawak nito sa may laylayan ng damit ko.

Natagpuan namin si Ate George na nakangiti habang hawak ang cellphone at sa kabilang kamay naman ay ang sandok ng kanin.

"Tita Gigi!" Masayang tumakbo si Calli at yumakap sa baywang ni Ate George. "Bakit ka nakangiti?"

"Oh? Pati ba naman pag ngiti ko?" Biro niya sa pamangkin at agad na kiniliti iyon.

Nakangiti pang tumingin sa akin si Ate kaya naiiling kong nilagay sa banyo ang timba.

Sabay-sabay kaming kumain nang umagahan nang natapos si Ate George sa pagluluto. Walang humpay na naman ang mga kuwento ni Calli kaya naman panay ang pambabara sa kaniya ni Ate George na sinusuway ko kapag halata na ang asar sa bata.

"I hate you, Tita Gigi!" Ngumuso si Calli at tumingin sa akin. "Mama, may tanong ako."

"Hmm?" Sinalinan ko ng tubig ang baso niya.

"Bakit wala akong papa?"

I got startled with her sudden question. Abot ang tahip ng dibdib ko dahil ngayon lang siya nagtanong nito. Akala ko ay sadyang wala lamang siyang pakialam pero naiisip niya na pala talaga iyon.

Nagtama ang paningin namin ni Ate George na natigilan din.

"Sinundo kasi si Shane ng papa niya kahapon..kaya naisip ko na wala pala ako noon. Hindi naman lalaki si Tita Gigi, diba?"

Nasamid si Ate George at ngumuso sa pamangkin. "Callista, tita mo ako. Kapatid ako ng mama mo kaya hindi ako maaaring maging papa."

"I know, Tita Gigi," umirap si Calli na agad nginusuan ni Ate. "Mama, wala ba akong papa?"

I caressed her hair as I smiled at her softly. "Nasa malayong lugar kasi si Papa..and.." nakagat ko ang dila nang wala na akong maidugtong pa.

Paano ko sasabihin na wala naman na talaga? Na baka hindi na rin naman kami naaalala ng lalaki? Na ayaw niya na akong makita?

Ayaw kong paasahin si Calli na mabubuo ang pamilya namin at uuwian pa kami ng papa niya.

"But I have a papa, right?" She looked at me intently. "Sabi ni teacher ay lahat ng bata ay may mama at papa, kaya nagtataka ako mama kung bakit..hindi ko nakikita ang kulang sa atin?"

Napatingin ako kay Ate nang bumuntong hininga ito at tumingin kay Calli.

"Gusto mo bang makita ang papa mo, Calli?"

"Yes, Tita Gigi. I have many questions for him!"

Napakurap-kurap ako. Ngumiti si Ate George at kinuha ang cellphone niya saka may pinindot doon. Nangunot ang noo ko.

"Ayan! Ayan ang papa mo, Calli!"

Nasapo ko ang noo nang nakitang picture iyon ni Paulo Avelino kaya lalong ngumuso si Calli sa Tita Gigi niya.

"You know what, Tita? Nakakainis ka, isusumbong kita kay Tito Arman at sasabihin ko na huwag kang dalawin dito, because you kept on making me sad."

Tinarayan ko si Ate George na tumatawa at tumayo saka sinimulang suyuin ang anak ko. Panay ang halik nito sa mga braso ni Calli at kung anu-anong binubulong sa bata.

"Ate kasi," umirap ako at hinawakan na rin si Calli.

Hindi rin naman nagtagal ang tampo ng bata sa tita niya, kaya bago umalis si Ate ay ayos na ulit ang dalawa, palagi rin naman kasi silang nag-aasaran kaya hindi na bago ang ganito sa bawat umaga namin. Pag minsan pa nga ay si Calli ang sumusuyo kay Ate.

Buong umaga kaming nagkulitan ni Calli, panay ang paturo niya sa akin ng kung anu-ano na madali ko rin namang nasasagot dahil preschool pa lang naman siya.

Nang dumating ang hapon ay panay na ang tunog ng cellphone ko, napapatingin na rin doon si Calli habang nakasandal sa akin. Nanonood kasi kami ng barbie na paborito niyang panoorin.

Kinuha ko ang cellphone at napabuntong hininga na lamang nang nakitang si Ma'am Elizabeth iyon.

"Hello? Bakit, Ma'am?"

"Ay sus! Tunog mabait!" She chuckled. Umirap ako. "Punta ka na rito! Madali lang promise! May ibabalita nga ako about doon sa pinapacheck mo sa akin."

Kumalabog ang dibdib ko at agad tiningnan si Calli. "Sure na ba 'yan? Isasama ko ang baby ko."

Nag-angat ng tingin sa akin si Calli at kunot-noo ito.

"Oo, sige lang! Doon tayo sa may kapehan malapit dito."

Pumayag na ako saka siya binabaan ng tawag. Mabilis lang kaming nagpalit ng damit ni Callista, natatawa pa ako dahil gusto niyang magkaparehas kami ng kulay ng damit.

She's wearing a cute baby blue dress that has white ribbon in both sleeves of it. Suot ko naman ang light blue kong polo shirt with my denim skirt.

"Mama, saan tayo pupunta?" She asked as we seated in the tricycle.

"May kailangan lang kaming pag-usapan ng Tita Eli mo," nginitian ko siya na agad rin namang tumango.

Tahimik si Calli hanggang sa nakababa kami sa may munisipyo. Papasok pa kasi ang kapehan na tinutukoy ni Elizabeth kaya nilakad na lang namin iyon ni Calli, malapit lang din naman kahit nasa looban.

Nagtama ang paningin namin at kumaway agad ito sa amin ni Calli. Wala pa man ay kinakabahan na tuloy ako sa mga sasabihin niya.

"Hello, my baby Callista!" Agad na tumayo si Elizabeth at niyakap ang anak ko. "Ganda-ganda talaga!"

Humagikhik si Calli tsaka lalo pang nagpabibo sa babae, hanggang sa naupo kami. Panay na naman ang kuwento nito at kahit ang naging pag-aaway ng Tita Gigi niya ay naikuwento rin, tuloy ay natatawang nakikinig si Elizabeth sa kaniya.

Si Elizabeth ay matanda lamang ng isang taon sa akin, dayo lang din daw siya rito at halos limang taon na rin. Wala naman siyang ibang kinukuwento bukod sa ayaw niya nang muling bumalik sa Manila, wala ng iba. Kasamahan ko siya sa trabaho sa may munisipyo, natatandaan ko pa na parehas din kaming walang kaalam-alam noong una.

"Yes, Tita Eli! Thank you!" Calli said happily as she clapped her hands when Elizabeth gives her favorite chocolate cake.

"Dahan-dahan baby ko ah?" Paalala ko habang inaayos ang platito. "Thanks, El."

"No prob," she winked at me.

Inusog niya sa akin ang cheesecake at ang frappe na tinuro ko na lamang basta dahil busog pa rin naman ako.

"Okay lang ba na pag-usapan na natin?" Mahinang ani Eli habang sinusulyapan si Calli na tahimik lang sa pagkain.

Tumango ako. "Hindi naman 'yan nakikinig basta hindi siya kasali."

She smiled at my daughter before looking at me seriously.

"Napag-alaman kong binebenta ang bahay niyo sa may Batangas."

My eyes widened.

"Balak na iyong bilhin, nakausap ko iyong katiwala ng bahay."

"May katiwala?" Napaayos ako ng upo. "Sino raw?"

"Aling Berna ang pangalan niya."

I was stunned. Nanginig ang mga labi ko.

"P-Puwede ko bang makuha ang number niya?"

"Kilala mo ba siya, Chen?" Nagtatakang aniya. "Nagtanong kasi siya kung bakit ko inaalam ang tungkol sa bahay niyo, hindi ko naman sinabi dahil sabi mo isikreto ko."

I nodded. "Para ko siyang nanay sa trabaho ko rati, siya rin ang nagpasok sa akin."

"Ah! Kaya naman pala parang gustong-gusto niya talagang alamin kung bakit ko inaalam! Pero sinabi niya, na nagtataka rin daw siya na ipinagbibili ang bahay gayong sinasahuran lang din siya para panatilihin ang alaga sa bahay niyo."

Nangunot ang noo ko. "Sinasahuran? Sino naman daw?"

Nagkibit-balikat ito at kinuha ang cellphone saka may kinalikot doon.

"Ito ang number ni Aling Berna, hindi ko na kasi matanong at mukhang nagdududa sa akin," she chuckled, slowly shaking her head. "Mukha ba akong miyembro ng sindikato?"

Natawa ako at kinopya ang numero na binigay niya. I saved it on my phone. Nagpalit na rin kasi ako ng number kaya tiyak akong baka ganoon din si Ate Berna.

Hindi ko na rin nabuksan pa ang mga social media accounts ko. Naggawa lang ako ng panibago noong kinailangan na sa trabaho. Hindi rin naman buong pangalan ang nilagay ko. Chen Audrie ang ipinangalan ko sa facebook account ko. Hindi na rin ako naggawa pa ng instagram dahil hindi ko naman na rin kailangan.

"Paano ba? Ang galing kong maghanap 'no?" She flipped her hair. "Wala ba akong sahod riyan?"

Tumawa ako. "Saka na kapag mayaman na ako!"

"Biro lang!"

Nagpaalam na kami kay Eli na ayaw pang kalagan ang anak ko, panay ang asar niya sa bata tapos tatawa kapag naasar ang anak ko. Napapailing na lang ako at palihim siyang kinukurot para sawayin.

"Mama, bakit hilig nila akong asarin?" Natatawang tanong sa akin ni Calli nang nakabalik kami sa bahay. "Si Tita Eli at si Tita Gigi! Si Ate Alyana lang ang mabait sa akin saka si Lola Tasing!"

Tipid akong napangiti at tinulungan siyang tanggalin ang sandals niya.

"Calli, diba sinabi ko sa'yo noong nakaraan na may iba't-ibang uri ng pagmamahal?" Malamyos kong hinawakan ang talampakan niya.

Humagikhik ito at umiwas sa mga kamay ko. Kinuha ko ang sandals niya at ipinatong iyon sa shoe rack.

Calli sat on our gray small sofa. She looks at me intently. That familiar look.

I walked towards her and knelt in front of her.

"At siguro roon nila napapakita ang pagmamahal nila sa'yo, anak. Gaya ni Tita Eli at Tita Gigi mo, hindi sila marunong magparamdam through words that's why they tend to express it through their actions, gaya nang pagluluto sa'yo ni Tita Gigi ng umagahan, paghatid niya sa'yo sa school at pagsundo niya sa'yo sa hapon, hindi ba at araw-araw iyong ginagawa ni Tita Gigi mo?"

She nodded. "Opo, Mama."

"Gaya rin ni Tita Eli, sa tuwing nakikita ka niya ay palagi kang tinatanong kung anong gusto mong kainin, palagi ka niyang binibilhan ng mga teddy bears!"

Napakurap-kurap si Calli saka tumango. "But Mama, only actions are misleading."

Ako naman ngayon ang nagulat. Nangunot ang noo ko.

"As per on what I have read on our textbook, actions without words are misleading, but words without actions are meaningless." She explained better than me when I was in her age.

Nasapo ko ang noo. "Kaya nga baby, sabi rin nila actions speaks louder than words?"

"Yes, Mama. It's both necessary. Actions and words should be there in any situation." She paused and started thinking. "Kasi if puro actions ang ipapakita nila sa akin, baka isipin ko na sadyang mabait lang sila sa mga batang katulad ko, paano ko malalaman na mahal talaga nila ako kung hindi nila sasabihin?"

Parang sumapul iyon sa puso ko. Napahawak ako roon nang mariin na tumitig sa akin si Calli at muli ko na namang maalala ang mukha ng lalaking nagpaibig at nanakit sa akin.

"That's why we have this," tinuro ko ang kaliwang dibdib niya. "It will judge if that person is sincere with–may it be their actions or words."

Napatango si Calli sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "Is papa loves us?"

I almost forgot how to speak. I was taken a back.

"Y-Yes, baby. Mahal tayo ni papa."

Tumaas ang kilay niya sa akin at tumango. "There, I knew it."

Kinabahan ako. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay. "Callista, mahal ka ng papa mo. Hindi ka pa man niya nakikita ay tiyak akong mahal na mahal ka na niya."

"If he truly loves me, why he isn't here?" Her voice broke.

I watched my daughter, trying to stifle her cries. My lips parted. I quickly held her face and caressed it gently. And as if it was a cue, she cried more.

It was painful to hear. My daughter's crying right now.

I thought she would never ask me about it. Akala ko hindi niya mapapansin na may kulang sa amin dahil binusog namin siya ng pagmamahal sa halos anim na taon. Hindi lang sa akin, ganoon na rin sa mga taong nakapalibot sa aming dalawa.

Inakala kong hindi na niya hahanapin ang kalinga ng isang ama..akala ko nagtagumpay na akong mahalin siya at iparamdam na buo kami...pero sino ako para pangunahan ang maaaring maramdaman ng anak ko?

Kung noon nga ay tanging si Papa lamang ang nagmahal sa akin, pagmamahal ng isang ama ang kumalinga sa akin, kaya anong karapatan kong isipin na hindi niya hahanapin iyon?

"Baby, your papa loves you. Mahal na mahal ka niya. N-Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaunawaan..kaya umalis si Mama..kaya kinailangan nating umalis."

Lalong lumakas ang paghikbi ni Calli. At lalo rin akong nabasag.

"B-Bakit hindi niya tayo hinanap?"

Napapikit ako sa sakit nang muling bumuhos ang mga luha niya. Kulang na kulang ang mga kamay ko upang ibsan ang sakit na nararamdaman niya.

"Bakit, Mama?"

Hindi ko alam ang isasagot ko sapagkat tanong ko rin iyan sa lalaki noon.

Kung bakit, hindi niya ako hinanap. Anong isasagot ko kung..alam ko naman ang kasagutan umpisa pa lang.

Na hindi niya ako hinanap dahil wala na kami. Tapos na kami at ayaw niya na sa akin.

"H-Hindi niya alam, Calli na u-umalis ako." My voice broke. "Dahil kung alam niya, I know he would never ever let me leave." I lied and it was hurting my ears.

"Mahal niya tayo, baby. Maghahanap lang ng oras si Mama...tayo naman ang maghahanap sa kaniya, okay? And then ipapakilala kita." I smiled sadly at her.

Doon lamang kumalma si Callista. Napahinga ako ng malalim nang unti-unti itong tumigil sa pag-iyak pero panay pa rin ang singhot.

Yumakap ito sa akin at hinaplos ang ulo ko.

"I love you, Mama. It's okay, take your time, M-Mama," she whispered sofly. "I'm sorry for asking."

Mabilis ang pag-iling ko. "No baby, don't be sorry, mahal ko. I'm sorry for not telling you earlier."

Tumango ito sa akin. "I'm sleepy, Mama."

I nodded and carried her. Malaki na si Callista kaya hirap na rin akong buhatin siya pero pinilit kong makarating kami sa kuwarto. Nanatili siyang nakayakap sa akin habang panay pa rin ang pag singhot. Inilapag ko siya sa kama at naisip na bibihisan ko na lamang siya kapag nakatulog na.

Hindi rin naman ako nabigo, dahil ilang pispis ko lang sa hita niya ay nakatulog na agad siya.

Malungkot ko siyang pinanood habang mahimbing na natutulog.

I'm sorry baby for lying.

Nang nabihisan siya at inayos ang pagkakahiga ay kinuha ko na ang cellphone para tawagan si Ate Berna. Kailangan kong malaman kung sino ang nagbebenta ng bahay at sino ang nagpapasahod sa kaniya.

Ilang ring pa ay may sumagot din ng tawag ko.

"Hello? Sino ito?"

Nakagat ko ang dila. I felt my eyes stinged.

"Hello?"

"A-Ate Berna.."

"Oh? Sino ito?" Narinig ko ang paglalakad niya.

"Si Chen ito, Ate Berna." I said silently.

Natahimik sa kabilang linya hanggang sa narinig ko na lamang ang mumunting hikbi niya.

"Chen ko! Chenniah! Jusko! Ikaw nga!"

Natutop ko ang bibig nang kumawala ang hagulhol doon sa takot na baka magising si Calli.

Ilang sandali pa ang dumaan ay parehas na kaming kumalma ng ginang. Sinabi ko na rin ang sadya ko at nagulat pa ito na ako pala ang nag-aalam.

"Nagtataka rin ako, Chen kung bakit may tumawag sa akin at sinabing bibilhin na raw ito, eh ang alam ko naman ay ayaw itong ipagbili noong nagpapasahod sa akin."

Nangunot ang noo ko. "Sino hong nagpapasahod sa inyo?"

"Hindi ko nga alam ang pangalan eh, basta na lamang may pumunta ritong lalaki na mukhang abogado! At hinahanap ako! Sobra ang kaba ko at baka ipatawag ako ni Kate!"

Natigilan ako nang nabanggit ang dating amo. "K-Kumusta na po pala sila?"

Natahimik si Ate Berna. "Maraming nangyari roon sa mag-anak. Ilang taon din bago sila nakaahon. Iyong babae..si..ano–"

"Si J-Jerace ho?" I bit my lower lip.

"Ayon! Ang batang si Jerace, ang balita ko ay ilang part-time jobs din ang pinasukan, eh ngayon may sarili na ring cafe! Ipinagmamalaki ko ang batang iyon dito sa atin!" Natigilan si Ate Berna.

"Ate?"

Hanggang sa muli ko na namang narinig ang mga hikbi niya.

"S-Sa totoo lang, ayaw kong lisanin ang bahay nila Kate, wala akong pakialam kahit hindi na nila ako sahuran, gusto ko lamang alagaan sila.. pero nakiusap na sa akin si Kate eh..aniya'y mas lalo niyang madadama ang paghihirap nila."

Napayuko ako at hinaplos ang mga braso.

"P-Pero tapos na 'yon! Masaya na ako at nakaahon ulit ang mga Walkins! Nasaan na nga ba tayo, hija?"

"Doon ho sa pumuntang abogado sa inyo." I looked at the window. "Ano pong nangyari roon?"

"Ay! Oo, iyon nga. Hinahanap pala ako dahil gusto akong gawing katiwala roon sa bahay niyo. Nagtataka pa ako kung ikaw ba ang nagpadala noon pero noong tinanong kita ay hindi naman kinukumpirma kaya hinayaan ko na lang. Gusto ko rin kasing linisan ang bahay niyo pero baka makulong naman ako at trespassing!"

Tumawa ako at nailing sa mga kuwento niya.

"Unang taon iyon simula noong umalis kayo, Chen," she sighed. "Halos limang taon ko na ring inaalagaan ang bahay niyo, noong pangalawang taon nga ay sinimulan nang irenovate iyon. Kung mapupunta ka ulit dito ay sobra na ang ginanda ng bahay niyo, Chen! May tumatawag lamang sa akin para imonitor iyon. Kaya nga nitong nakaraan ay nagulat ako na may tumawag na naman sa akin at sinabing bibilhin niya ang bahay!"

Hindi na ako nakapagsalita sa labis na gulat sa mga nasabi niya. Sa huli ay hiningi ko ang numero noong sinasabi niyang bibili ng bahay namin. Pinatingin ko kay Eli ang estado ng bahay namin noong nakaraang linggo kasi maaaring inuuwian pa iyon nila Mama pero iba ang nalaman niya at lalong nakakagulat na renovated na pala iyon, ayon kay Ate Berna.

Sino naman ang gagawa noon? At ang yaman niya para pagkainteresan pang ayusin ang bahay namin?

Maaari kayang si Papa 'yon?

Dumating na lamang si Ate George ay hindi ko pa rin magawang tawagan ang bibili raw ng bahay, kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Alam mo, kung may tatawagan ka, tawagan mo na! Kanina ka pang nakatingin diyan sa cellphone mo."

Umirap ito sa akin at pumasok pa sa loob ng kuwarto.

"Ay tulog? Saan kayo galing?"

"Sa bayan. Nag-usap kami ni Eli."

"Oh? Edi busog na naman ang bata." Lumapit ito kay Calli at mahinang kinurot ang pisngi saka tumingin sa akin. "Tawagan mo na, Chenniah ah? Ako ang naiinis sa'yo sa kakabuntong hininga mo diyan."

Umirap ako at tumalikod sa kaniya at pumunta sa may bintana. Nilingon ko pa si Ate nang diretso na itong lumabas ng kuwarto at isarado iyon.

Huminga ako ng malalim at pinindot ang numero saka idinial.

Ilang sandali pa ay may tumanggap ng tawag ko.

"Hello? Who's this?" He answered. He. Lalaki ang sumagot.

"Ako po ang anak ng may-ari ng bahay sa Soro-soro, Batangas? Kayo raw po ang nais bumili noon?"

"Right! Are you the daughter of Romulo Dimaano?" Malalim ang boses na tanong niya.

Tumango ako kahit hindi niya naman makikita. "Yes, ako nga. Sino po pala sila?"

"It's Luigi Carlos Haile. I'm interested in your house. Maaari ka bang personal na makausap?" He asked sofly.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

3.3M 211K 92
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
904K 20.7K 29
• completed • She was just the silent girl, the girl with a broken past, the girl who was too naive and too innocent, but to him she was his world. #...
25.1K 566 24
Brozone x reader preferences. I haven't seen one of these yet, so why not be the first one? Enjoy!