Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 31

48 3 0
By Aimeesshh25

Kabanata 31

Maliwanag ang buwan, kumikinang ang mga bituin doon at parang pinapahiwatig sa akin na magiging maaaraw kinabukasan.

Napangiti ako at naisip na maglalaba agad ng maaga, bukas. Mabuti na iyong sigurado, ang hirap pa naman makipag-agawan doon sa sampayan na nasa harapan.

"Chenniah!"

Mabilis akong napalingon sa likuran ko at ngumuso.

Bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Ate George na nanliliit na naman ang mga mata.

"Hindi ba sabi ko sa'yo, isarado mo na ang mga bintana at mahamog na?" Naglakad siya palapit sa akin. "Bakit nakabukas na naman ito?"

"Ate, huwag ka ngang sumigaw riyan. Baka magising si Calli," suway ko at agad tiningnan ang batang mahimbing na natutulog sa kama.

Ngumuso si Ate George at sumulyap doon saka lumapit. "Ang baby namin ay tulog na tulog," she poked her small nose. "Tangos talaga!"

Napairap ako at hinila si Ate palayo sa kama. "Pag iyan nagising mo, ikaw magpapatulog."

"Sus! Malaki na 'yan si Callista, kayang-kaya na nga niyan maglaba roon sa may poso eh."

"Ate!" Umirap ako.

Sabay kaming natahimik nang gumalaw si Calli. Halos kurutin ko si Ate nang nakitang dumidila pa ito sa anak ko habang nahihirapang kuhanin ang kulay pink niyang teddy bear.

Sabay naming nahigit ang hininga nang muling bumalik sa pagkakatulog si Callista.

"Ate naman," impit kong suway nang umakmang lalapit na naman ito sa bata.

Inis kong hinila si Ate palabas ng kuwarto. Tatawa-tawa naman itong nagpahila sa akin hanggang sa nakalabas kami.

"Ikaw talaga, huwag mo masyadong ibaby si Calli. Inaaway nga ako niyan eh! Kita mo ba 'to?" Nakanguso niyang pinakita ang braso sa akin. "Kinurot niyan ako kanina."

Umirap ako. "Ang sabi niya sa akin ay inasar mo na naman daw siya."

Tumawa si Ate George. "Pikon kasi eh, gusto ba naman akong gawing kabayo, sasakyan niya raw ako hanggang kanto."

Humalakhak ako at hinampas si Ate George na nakakatawa kung magkuwento.

"Kumain ka na ba? Late ka na naman umuwi ah?" Aniya at hinila ako papasok sa maliit naming kusina. "Hindi ka pa nakakapagpalit ng damit?" Aniya habang inaayusan ako ng pinggan.

Diretso itong kumuha ng kanin sa rice cooker at tumungo sa kaldero saka nagsalin ng ulam sa may bowl.

"Kauuwi ko lang eh, pinatulog ko muna si Calli," umupo ako sa kahoy na upuan at tiningnan si Ate. "Kumain ka na ba?"

"Oo kanina pa, kasabay ko si maldita," nilapag niya ang pinggan sa harapan ko. "Kumain ka na. Ang lakas ng loob mong magmuni-muni pa roon sa may bintana eh hindi ka pa pala nakakapagpalit ng damit."

Ngumuso ako sa sinabi niya. Pinulot ko ang kutsara at tinidor saka nagsimula nang kumain.

Umupo si Ate George sa harap ko habang hawak ang cellphone niya. Maya-maya pa ay bigla itong bumuntong hininga.

"Hindi ko alam kung sasabihin ko sa'yo.."

Nag-angat ako ng tingin. "Sinabi mo na, kaya go."

"Tinanong ko roon sa kakilala kong pulis sa bayan ang tungkol kay Papa."

I felt my heart skip a beat. "A-Ano raw?"

Namungay ang mga mata ni Ate George. "Susubukan niya raw icheck, pero mukhang matatagalan daw dahil anim na taon na ang nakakalipas."

Bumagsak ang mga balikat ko. Palaging ganito ang balita kapag tungkol kay Papa. Walang bago..at nawawalan na rin ako ng pag-asa na muli namin siyang makikita.

Almost six years had passed and nothing's new. Hindi pa rin namin alam kung nasaan na si Papa at kung anong tunay na nangyayari sa kaso niya. Hanggang ngayon hindi pa rin namin maintindihan kung bakit bigla na lamang nawala si Mama at si Samuel.

Hindi na namin sila muling nakita.

Siguro dahil..hindi na rin namin pinagtuunan pa ng pansin ang paghahanap sa kanila.

Dahil mas tinutukan namin ang mga sarili sa mga nagdaan na mga taon. Paano namin hahanapin sila kung kami mismo ay halos lugmok din at tumatanggi nang umahon?

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis noong hapon na iyon sa harapan niya at kung paano ako nakaabot sa sakayan. Sinalubong pa ako ni Ate George na punong-puno ng mga luha ang mukha dahil inakala niyang hindi na raw ako makakahabol.

Tulala ako hanggang sa nakarating kami sa bahay na tinutukoy ni Ate George. Inabot kami ng umaga sa pagbyahe. Maliit lamang iyon, maaliwalas ang lugar palibhasa'y nasa gitna ng mga puno at malayo sa kabihasnan.

Nagustuhan ko iyon sapagkat sakto lamang sa aming dalawa.

Sa aming dalawa..na hindi ko inakalang madagdagan pa.

Nang nasa pangalawang linggo kami roon ay doon ko na sinimulang obserbahan ang sarili. Nagigising ako sa kakaibang sakit ng tiyan ko hanggang sa takbuhin ko ang maliit na banyo at halos yakapin ko ang bowl doon habang sumusuka. Nagigising na lamang si Ate George at siya ang magsisikop ng buhok ko.

Noong una ay inakala naming nasira lamang ang tiyan ko sa kinain, kaya hindi ko na pinagtuunan iyon ng pansin, ngunit nang dumalas ang bawat umaga kong halos iyon palagi ang nangyayari ay doon na ako kinutuban.

Ate George stared at me seriously. I looked away to hide my nervousness.

"Tapatin mo nga ako, Chenniah, anong nangyayari sa'yo?" Ani Ate isang umaga noong iduwal ko ang niluto niyang sinigang. "H-Hindi na ako naniniwalang nasisira ang tiyan mo sa mga niluluto ko. Pinatikim ko ito sa kapitbahay natin at masarap naman daw! Hindi sumakit ang mga tiyan nila kaya.. bakit? Anong nangyayari sa'yo?"

Nakagat ko ang dila at muling hinilamusan ang mukha.

"Chenniah," nagbabanta ang mga tinig niya.

Unti-unti kong naramdaman ang kakaibang sakit ng pagtibok ng puso ko sa isiping..baka nagdadalang tao ako.

"A-Ate, buntis yata ako.." hot tears rolled down my cheeks.

Tila nawalan ng lakas si Ate George at inis na lamang akong hinila para yakapin. Humagulhol ako habang dinadama ang yakap niya.

"Pupunta tayo bukas sa bayan para ipatingin ka, tahan na.. nandito ako, hindi ko kayo pababayaan," iyon lamang ang sinabi niya at hindi na siya muling nagtanong.

Ipinagpasalamat ko iyon dahil kahit noong nakumpirma namin na buntis nga ako at hanggang sa lumalaki iyon ay hindi siya kailan man nagtanong sa akin.

Dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kaniya kung sakali.

"Sana lalaki 'yan," si Ate George isang gabi habang nagpapahinga ako sa labas ng bahay namin.

May kahoy na upuan doon sa harap ng bahay namin at tahimik lamang akong nakatitig sa kalangitan.

"Ano pa bang ginagawa mo riyan? Baka mahamugan ka pa, pumasok ka na rito."

Ngumuso ako at hindi siya pinakinggan. "Gusto kong maging babae ito," hinawakan ko ang tiyan kong medyo may kalakihan na.

Nasa second semester na rin kasi ako. Nahihirapan na rin ako sa umaga bumangon agad at kahit matulog ay hirap na rin, hindi ko nga alam kung ganoon lang talaga o sadyang sa akin lang. Kahit nga sa mga mabibigat na gawain ay hindi na rin ako makatulong kay Ate.

Pansin ko rin ang pagiging antukin ko at ang palagiang pagkahilo. Napapansin ko rin ang paglaki ng mga dibdib ko at ang pagsakit noon, tuloy ay palagi akong inaasar ni Ate.

Sa sunod na check up ko pa kasi malalaman ang gender ni Baby. Nag-iipon pa rin kami ni Ate dahil hindi rin naman biro ang bayad roon.

Lalo na at umaasa lamang kami sa mga pagtitinda ni Ate George ng mga kakanin doon sa bayan at minsan ay naglilibot pa ito. Lubos ang pasasalamat ko kay Ate dahil hindi niya ako iniwan.

Hindi ko rin inakalang magiging ganito kami kalapit sa isa't-isa.

"Babae raw, Ate!" Halos isigaw ko iyon nang lumabas ako ng clinic.

Nanlaki ang mga mata ni Ate at mabilis ngunit maingat akong niyakap.

"Sana lang ay magmana sa'yo ng ugali at hindi sa akin!" Humalakhak siya at hinaplos ang buhok ko. "Tara, bibili ako ng karne ng baboy, magluluto tayo ng masarap!"

Nang nasa third semester na ako ay damang-dama ko na lalo ang mga nanay, tuloy ay gusto kong saluduhan silang lahat sa mga naranasan nila habang nagbubuntis, bukod pa roon ang panganganak.

Tuloy ay wala pa man ay kinakabahan na agad ako kapag dumating ang araw na manganganak na ako.

Iniiwas ako palagi ni Ate George magbukas ng cellphone dahil baka kung anu-ano raw ang panoorin ko at baka matakot pa raw ako sa mga kagagahan ko.

"Namimiss mo ba mga kaibigan mo?" Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng gatas. "Bakit ayaw mo silang kumustahin?"

Binaba ko ang cellphone at tinanggap ang inabot niya. "A-Ano namang sasabihin ko? Tsaka, matagal ko nang dineactivate ang mga accounts ko."

"Hmm? May iniiwasan?" She teased.

Umirap ako sa kaniya. "Wala lang ako sa mood magbukas, tsaka mas ayos na rin para hindi ako mastress."

Tinitigan pa muna niya ako bago siya nagpaalam na kukunin lang ang mga paninda niya roon sa karatig bayan.

Naging mapayapa ang buhay namin sa Dinalupihan, Bataan. Nagustuhan ko ang buhay rito at kung paano makisama ang mga tao. I appreciate the townspeople; initially, they treated me as a stranger unless I approached them first.

I'm embracing the person I'm becoming and gradually fitting into this town's culture.

"Feeling ko, malapit ka na manganak," si Alyana nang bisitahin niya ako rito para isauli ang walis tingting ni Ate.

Kapitbahay namin siya na madalas ko ring makakuwentuhan.

Ngumiti ako at tiningnan ang tiyan. "Siguro nga, pansin ko rin na parang bumaba ang tiyan ko."

"Oo ganoon nga iyon, sabi ni Mama," inusog niya ang mga manggang nakuha sa likod ng bahay nila. "Para sa'yo 'yan, mahilig ka diyan diba?"

Tumango ako at nagpasalamat sa kaniya. Hindi rin naman ako nababagot sa bahay namin dahil panay rin ang bisita sa akin ng babae tuwing umaga o kahit tuwing gabi, minsan pa nga ay nagdadala siya ng mga ulam sa amin na pinabibigay raw ng Mama niya na si Aling Tasing.

Malamig na rin ang simoy ng hangin dala na rin nang bermonths at siguro nakadagdag pa ang maraming puno rito sa harapan at likod ng bahay namin.

"Laki na talaga!" Umirit siya at hinawakan ang tiyan ko. "Nakakatakot, huhu parang hindi ko kayang manganak!"

Tumawa ako. "Hindi naman ikaw ang manganganak eh."

"Chen, feeling ko manganganak ka na talaga," she teased.

And true to Alyana's word, I gave birth to a healthy baby girl that night. It was October 13.

Nanatiling tikom ang bibig ko kahit gusto ko nang sumigaw sa sobrang sakit. Nahirapan din kami ni Ate George kung saan ako dadalhin dahil malayo pa ang hospital dito sa amin. Buti na lamang ay tinulungan kami ng pamilya nila Alyana, barangay tanod kasi ang papa niya at may kapit rin sa mga opisyales doon sa bayan kaya naman nakapagpadala agad ng sasakyan para maihatid ako sa hospital.

Kinabahan ako nang hindi ko narinig ang pag-iyak ng anak ko. Ilang beses kong pinanood na hampasin siya ng doctora at kahit na gusto nang pumikit ng mga mata ko ay hindi ko ginawa.

Bakit hindi siya umiiyak?

Sinubukan kong tumunghay ng ayos pero pinigilan ako ng nurse. Muli kong sinilip ang anak hanggang sa malakas itong umiyak na halos magpagising sa aming lahat.

I heaved a sigh of relief. Pagod kong inihiga ang ulo at paulit-ulit na huminga ng malalim.

"Your baby's brave mommy, tiniis ang sakit ng hampas," nangingiting ani ni Doctora sa akin at saglit na pinadapa sa dibdib ko ang bata.

Napangiti ako at napapikit habang dinadama ang katawan niya, ni hindi ko maitaas ang kamay ko sa labis na panghihina.

Suddenly, his familiar boyish smile appeared.

I could hear his voice, telling how much he's proud of me right now.

I felt my tears swelling up. Maybe I am insane and martyr. Because I had to close my eyes a little longer to reminisce our memories, to remember his voice..even though he scarred me so bad..I still want him to be with me right now.

I still want him to hold my hand and hear his encouraging sweet words that will melt all my fears away.

I smiled bitterly. I made it baby. I gave birth to our daughter. We both made it.

Dinama kong muli ang init ng katawan ng anak ko habang nakakaramdam ng takot.

Paano ko siya mamahalin? Kung hindi ko pa rin magawang mahalin ang sarili? Kung wala akong alam sa pagmamahal na iyon?

Naluluhang mga mata ni Ate George ang huli kong nakita bago ako panawan ng ulirat.

Naging mahirap ang mga unang linggo namin sa pag-aalaga kay Callista Audrie. Palibhasa ay parehas kaming walang alam ni Ate George kaya halos pagkukurutin pa kami ni Aling Tasing nang nakita ang ginagawa kong pagpapaligo.

Tuloy ay araw-araw na siya sa aming bahay hanggang sa nag-isang taon si Calli ay siya na ang tumayong ina sa aming lahat.

"Ang aming Calli na 'yan ay talaga namang kabibo na!" Buhat ni Aling Tasing ang anak ko habang may hawak naman siyang pamaypay. "Alyana! Kuhanin mo sa bahay ang isang bilaong biko!"

Nilingon ko si Alyana na nakauniform pa habang palabas sa maliit na salas namin. Gabi na kasi at dito agad siya dumiretso. Ka-edad ko lamang ang babae kaya mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob.

Napatingin sa akin si Aling Tasing at alam ko na naman ang gusto niyang sabihin.

"Ayaw mo ba talagang mag enrol?"

Ilang buwan na rin niya akong tinatanong niyan. Aniya'y kapag nakapagtapos raw ako ng senior high ay ilalakad niya ako sa asawa niya para ipasok ako roon sa munisipyo. Hindi pa naman ako nakakapagdecide dahil walang mag-aalaga kay Calli pero..gusto ko.

Gusto ko talagang mag-aral.

Nagkibit-balikat ako. "Nagastos ko na po sa panganganak iyong ipon ko."

Tiningnan niya ang ginagawa kong pagkukulis ng manok at natawa pa sa mga balahibo noon na kumapit sa buhok ko.

Ngumiti si Calli sa akin at akmang magpapabuhat nang ilayo siya ni Aling Tasing.

"Marumi si Mama mo ngayon, mamaya na lang Callista," malambing na aniya.

Naghahanda kasi kami para sa binyag ni Calli bukas at sabay na rin sa unang kaarawan niya.

"Oh sha, basta kapag napag-isipan mo ay sabihan mo lang ako ah? Sa susunod na taon pa naman ang pasukan ulit."

Tumango ako at naisip na sasabihan ko agad siya sa susunod na taon dahil alam ko sa sariling, nais ko ring makapagtapos.

Halos mga kalapit bahay lang din namin ang mga dumalo kinabukasan. Iilan lang din ang mga naging ninong at ninang ni Calli at kasama na roon Aling Tasing at ang asawa niya ganoon na rin si Alyana na ayaw magpapigil.

Nakangiting ako habang pinagmamasdan si Ate George na kakantahan si Alyana sa videoke. Tumatawa rin sina Aling Tasing at Mang Ben habang nanonood sa dalawa.

Napansin ko rin ang kaibigang pulis ni Ate George na titig na titig sa kaniya habang nangingiti.

Nang dumilim ay nagsi-uwian na rin ang iba naming mga panauhin, pinabalutan ko pa sila ng mga pagkain at pinasalamatan sa pagdalo.

Kanina pang tulog si Calli sa loob ng kuwarto ko at maya't-maya ko siya kung silipin doon.

"Ay oo may nakita nga akong guwapong mga lalaki roon sa may bayan, may hinahanap eh!" Bulalas ni Aling Marina paglabas ko ng bahay.

Sa may harapan kasi ginanap ang handaan, at doon na rin nilagay ang videoke na inarkila ni Ate George kanina.

"Talaga? Sino naman daw 'yon?" Si Aling Tasing na ngayon ay napukaw na ang atensyon.

Tumabi ako kay Alyana na agad akong niyakap. "Ano ang pinag-uusapan nila?"

"May mga dayong kalalakihan daw sa bayan kanina," ngumiti sa akin si Alyana. "Hindi naman na bago iyon, lalo pa at puntahan talaga ng mga turista itong bayan natin."

Tumango na lamang ako at hindi na pinansin ang pinag-uusapan ng mga matatanda. Ilang sandali pa ay pumasok ako sa loob para bantayan si Calli. Hindi ako mapanatag na iwan siya rito kahit na malapit lang naman ang kuwarto namin sa may salas.

Tinitigan ko siyang mahimbing na natutulog, pinalitan ko na siya ng mas komportable na damit. Napangiti ako nang bahagya itong ngumuso. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang cellphone saka ko siya kinuhanan ng mga larawan.

Nang sumunod na taon ay sinunod ko ang gusto kong mangyari. I enrolled in San Simon National Highschool. I took Humanities and Social Sciences strand there and I guess, I am in the right track. Napagsabay ko ang pag-aaral at ang pag-aalaga kay Calli. Nagpresinta rin si Aling Tasing na alagaan ang anak ko tuwing umaga. Aniya'y wala naman daw siyang ginagawa kaya mabuti pa raw na siya muna ang mag-alaga kay Calli.

Samantalang si Ate George naman ay hindi na muling naisip na magpatuloy sa kolehiyo, paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na nasulit niya naman ang buhay kolehiyala kaya mas mabuting siya naman daw ang tutulong sa akin.

Sabay kaming umiyak ni Ate George nang nakagraduate ako ng senior high school. Hindi ko inakalang makakapagtapos pa rin ako sa kabila ng mga nangyari.

"Sobrang proud ako sa'yo, Chen. Alam kong walang kapatawaran ang mga nagawa ko sa'yo noon, kaya masayang-masaya ako na unti-unti mo na akong pinagkakatiwalaan," humihikbing bulong sa akin ni Ate nang yakapin ko siya ng mahigpit.

Umaalingawngaw na naman ang boses ni Alyana sa videoke pero narito ako sa loob ng kuwarto, pinapanood ang mahimbing na pagtulog ng tatlong taong gulang na si Calli habang walang humpay ang pagbuhos ng mga luha ko.

Walang gabi na hindi ko naiisip si Axel. Alam kong hindi ko na dapat inaalala pa ang lalaki dahil siguro..nakaahon na siya. Siguro, may iba na siyang babaeng kinahuhumalingan ngayon pero hindi ko pa rin magawang kalimutan ang unang lalaking bumihag sa inosente kong puso.

How can I forget him when he gave me one reason to continue living? And it literally looks like him.

My Callista Audrie looks like her father.

Muli na naman akong umiyak nang tumuntong sa ikalimang taon si Calli lalo pa nang yakapin niya ako isang gabi habang bumubuhos na naman ang mga luha.

"Mama, bakit ka umiiyak?" Kinusot-kusot niya ang mga mata.

Mabilis ko siyang nilingon at nginitian. "Napuwing lang si Mama, Calli."

Hinaplos ko ang buhok niya at sinubukan ulit ayusin ang higa niya.

"Tulog na tayo, mahal ko."

Sandali siyang tumitig sa akin, nakagat ko ang dila nang mamukhaan ang mga titig na iyon.

"Mahal kita, mama," bulong ni Calli na siyang nagpaluha sa akin.

Masasabi kong nakakaahon na ulit kami, mahal ko na ulit ang sarili ko kaya may kakayahan na akong mahalin ng higit si Callista.

Hindi ko inakalang magkakaroon ako ng ganitong kakayahan na magmahal gayong hindi ko iyon alam noon.

Gayong pinagkaitan ako noon. Sandali ko man iyong natagpuan ay mabilis din na binawi sa akin.

"Mama, sabi ng kaklase ko, hindi raw maganda ang kulay ng buhok ko!" Umirap sa hangin si Calli habang bitbit ang bag niyang kulay pink. "Eh ang sagot ko naman ay maganda ako dahil mana ako sa mama ko! I smacked her hand out!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Baby," lumapit ako sa kaniya at binitawan ang mga papeles na inuwi ko pa galing munisipyo. "Anong sinabi ko sa'yo?"

Kumunot ang maliit niyang mga kilay. "B-Bawal manakit, mama."

"Tama, pero anong ginawa mo sa kaklase mo?" Mahinahong ani ko.

"Mama, may dahilan naman bakit ko ginawa iyon. She pulled my hair so hard, like this oh!" Hinila niya ang sariling buhok at muling umirap.

"Bakit daw hinila?" Bahagya akong lumuhod sa harapan niya.

"Ayaw niya sa kulay brown kong buhok eh. Natural naman 'to sa akin."

"Sasabihan ko ang teacher niyo bukas, ihahatid kita sa school."

Her eyes grew bigger. "Talaga, Mama? Ihahatid mo ulit ako?"

"Yes baby ko!" I chuckled when she hugged me so tight. "May mga assignments ka ba? Gagawin natin."

Lumaking bibo si Callista, wala ng humpay ang bukas ng bibig nito at halos hindi na rin matatawag na tahimik ang bahay namin dahil hindi talaga matigil ang bata sa pagkukuwento, kahit ang pinakamaliit na detalye na nangyari sa school niya, na siyang ikinatutuwa ko.

This was my dream before, to be free and to speak out my mind. But because of my environment where I grew up, I didn't have the chance to speak up, to express myself, and to let myself breathe. I often isolated myself because I was scared that if I voiced out my opinion, I would get more bruises.

Ang tahanan dapat ang unang lugar kung saan ka magiging komportable, nabigo man akong mahanap iyon sa kung saan ako lumaki, ay masaya akong naiibigay ko iyon ngayon kay Calli.

Naputol ko na ang sinulid ng henerasyon namin na kung saan walang lugar ang pagpapahayag ng nararamdaman..at iyon ang maipagmamalaki ko sa ilang taong nagdaan.

Ang mahalin si Calli ng higit sa sarili ko.

"Huwag kang mag-alala at bibirahin ko iyon kapag hindi inayos ang paghahanap kay Papa," boses ni Ate George ang nagpagising sa akin.

Bumuntong hininga ako at muling kumain. "Sa tingin mo ba..may pag-asa pang mahanap natin siya?"

Natigilan si Ate at naibaba ang cellphone niya. "O-Oo naman, nais ko ring mahanap si Mama..kasi marami akong katanungan..na gusto kong sagutin niya."

Napakurap-kurap ako sa nakikitang galit sa mga mata niya. "Ate, wala pa naman t-tayong ebidensya–"

"Alam ko, Chen. Pero, malakas ang kutob ko, na may kinalaman sina Mama."

Naipikit ko ang mga mata at hindi na muling nagsalita. Nabuksan niya na sa akin itong hinala niya noong nag apat na taon kami rito. Napaisip ako noon pero takot pa rin akong silipin ang posibilidad.

Baka kasi nagkataon lang iyong mga nasabi sa akin ni Mama..na nagkataon lang na sabay na nawala si Mama at si Samuel.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi ang ginawa ni Samuel sa akin. Binaon ko na iyon sa limot at sana hindi na kami muling magkita.

Tumabi ako kay Calli nang natapos sa pagkain. Susulitin ko ang day off ko bukas para makabonding ang anak ko.

Continue Reading

You'll Also Like

588K 50.4K 31
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
3.6M 151K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
3.2M 203K 90
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
209K 8.4K 71
Shin Ryujin the cold,and spoiled brat girl behind the mask Hwang Yeji a nice and humble girl from a poor family Yeji became a maid in the Shin's Mans...