South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

2.4M 153K 70K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 35

39.6K 2.7K 1.1K
By JFstories

PARA KAY MAMA AT HINDI PARA SA AKIN.


Hanggang sa makaalis na ang owner na minamanahe ni Asher, ay hindi na siya lumingon. Kahit sa rearview mirror ay hindi siya nag-abalang tumingin pa. Yeah, I knew that. Alam ko naman. Wala rin naman akong inaasahan.


May past sila ni Mama bilang hilaw na ex-mag-biyenan dati, kaya normal lang na concerned siya. At isa pa, ilang beses siyang nakikain dito sa amin. Minsan mula almusal hanggang hapunan pa. Kaya normal lang talaga na isang chat ko lang tungkol kay Mama, liliparin na agad niya papunta rito mula sa kanila sa Buenavista.


Nagkibit-balikat ako at pumasok na ulit sa bahay. Kinabukasan ay bumalik na rin ang kasambahay na si Ate Tentay. Kahit paano ay napanatag na akong pumasok sa trabaho dahil may kasama na si Mama pag-iwan ko rito.


Nagbilin ako kay Ate Tentay. Tungkol sa mga gamot, gamit, at pagkain. Lumalala na kasi ang kalagayan ni Mama, hindi na talaga dapat ito inaalisan ng tingin. I also repeated that the humidifier should always be turned on when Mama was in the room.


Papasok pa lang ako ay para na akong pauwi sa amin. Amoy-pawis na agad. My make-up had been smudged, my hair was greasy from sweat and dust, and my clothes were wrinkled from moving around the house before leaving. The only good thing was that I wasn't late for work.


I performed well in the office today even though I was always worrying about Mama. Kapag may pagkakataon ay pumupunta ako sa banyo para i-text si Ate Tentay at mangumusta sa bahay.


Sa breaktime ay ka-video call ko si Mama sa tulong ni Ate Tentay. [ Anong oras na naman uwian mo, Laila? Aba, hindi ka pa college ay ginagabi ka na! ]


"Ma, nasa work po ako," malambing na pagpapaalala ko naman sa kanya. "Ma, hindi na po ako pumapasok sa eskwela, di ba po?"


[ Ang boyfriend mo, parang hindi na naman nagpupunta rito? Ano ang nangyayari, Laila? ] malayong tanong ni Mama.


Tumabingi ang aking ngiti sa pagbanggit niya ng tungkol sa 'boyfriend' ko. Bakit ba hindi umuubra ang power of kalimot ni Mama sa semi calbo na iyon?


Mahinahon ako na nagsalita ulit. "Ma, kapupunta niya lang po noong nakaraan. Siya po ang tumulong sa atin para madala kayo sa ospital."


[ Papuntahin mo siya rito sa Sabado. Magluluto ako ng meryenda, spaghetti. ] Napakamot si Mama sa ulo niya. [ Ay, teka! Paano nga ba lutuan ang spaghetti? Ginagamitan nga ba iyon ng gulaman? ]


Mahapdi ang puso na sinikap ko pa ring manatiling nakangiti. "Ma, kung gusto niyo po ng spaghetti ay ako na lang po ang magluluto para sa inyo..."


[ Tama, lutuan mo si Tutoy! Pansin ko ay parang may hindi kayo pagkakaunawaan. Kapag hindi ka nakatingin ay titig na titig sa 'yo. Pero pag nag-iiwas ng paningin kapag nakatingin ka na! ]


Ha? I was startled for a second. I might believe what she was saying was true if only Mama wasn't in this state. Pero alam ko naman sa sarili na hindi.


[ Naku, Laila! Tapos noong nasa banyo ka, tinanong pa ni Tutoy kung kumusta ka na raw ba. Aba, bakit hindi ikaw ang tanungin niya kung kumusta ka na? ]


Napailing na ako. "Ma, dati pa po yata iyang sinasabi niyo na." Malabong sabihin ni Asher kay Mama ang mga ito. Baka dating pangyayari pa iyong naaalalang ito ni Mama.


Nagdilim bigla ang ekspresyon ni Mama. [ Laila, sandali! Ano nga ang sinabi mo kanina? Hindi ka na pumapasok sa eskwela? At bakit? Dahil ba nauubos na ang panahon mo kapupunta sa Bacao?! ]


Nabahala naman ako dahil mukhang tumataas na naman ang emosyon ni Mama. I glanced at the clock, my break was almost over.


[ Laila, kaya nga ako nagkumahog na lumipat agad sa Manila at paupahan ang bahay natin sa Pascam para di ka na nila makita! Inilayo na kita! Hindi ka na dapat nakikipag-ugnayan pa kahit sa kanino sa kanila! ]


Malapit na ang time kaya nag-panic na ako. "Ma, hindi po ako pumupunta roon. Ma, ikaw iyong pinili ko. Kaya wag na po nating pag-usapan. Hindi na po natin sila dapat pinag-uusapan—"


[ Sinabi ko na sa 'yo, kapag ako ang pinili mo, kahit sino sa kanila ay di mo na puwedeng kausapin pa! May usapan tayo! Kinalimutan ko na ang namatay kong anak kaya dapat kalimutan mo na rin sila! ]


"Ma, opo, ginawa ko iyan. Di ba ibinigay ko nga ang cell phone ko noon sa 'yo? Kinalimutan ko na sila. Hindi na ako nakipag-usap pa kahit sino sa kanila." Totoo iyon. Maski makibalita kanino man sa mga nasa Bacao ay hindi ko naman talaga tinangka sa nakalipas na ilang taon.


Galit na galit pa rin si Mama. Namumula siya at humihingal. [ Laila, sinasabi ko sa 'yo, ako lang ang pamilya mo! Ako na lang ang pamilya mo at wala nang iba pa! ]


"Opo, Ma. Hindi ko po nakalilimutan. I love you, Ma. I love you." Hinanap ko na si Ate Tentay. "Ate Tentay, please pakikuha na ang phone kay Mama. Pakikalma rin po siya. Tapos na po ang break ko, kailangan ko nang mag-log in ulit."


Napahawak na lang ako sa aking dibdib nang matapos na ang video call. Kinalma ko ang sarili bago ako pumasok na sa trabaho.



UWIAN SA EPZA. Sa Gate 4 ay natanaw ko rin sa wakas ang aking inaabangan. Inabot pa ako ng ilang linggo bago ko nalaman kung saang kompanya siya para maabangan siya. At sa wakas, ngayon nga ay nakita ko na siya.


Kabababa lang ng balingkinitang babae mula sa service na jeep mula sa isa sa mga garments factory sa loob. Nakaputi siya na t-shirt at kupasing jeans. Sa paahan ay isang puti ring sapatos na bagaman luma ay malinis. At hindi pa rin siya nagbabago. Wala pa ring buhay o kahit maliit na ngiti na makikita sa kanyang maamong mukha.


Ang mga kasamahan niya ay binabati siya pero tipid na tinatanguan lang niya. May ilang ding lalaking katrabaho niya na gusto man siyang sabayan ay sumusuko na lang agad. Alam nila na kahit sumubok sila ay wala rin silang mapapala. Ah, I missed this woman so much. My older sister, Ate Linda.


Lumakad ako patungo sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Walang gulat. Walang emosyon. As in wala lang kahit pa anim na taon na rin mula nang huli kaming magkitang dalawa.


Her gaze traveled over the office outfit I was wearing. Slacks pants, a white lady polo topped with a black coat, and my company ID. Sa huli nagtagal ang mga mata niya. Nabasa niya na nasa accounting department ako, at dahil doon ay may maliit na ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi. May init na dala naman sa aking dibdib ang ngiti niya na iyon.


Kung may isang tao man ako na higit na inaalala sa pamilyang iyon ay walang iba kundi siya. Hindi na ako nakapagpigil. Niyakap ko si Ate Linda kahit pa magulat siya. At nang maramdaman ko ang kanyang pagganti ay doon na ako napaiyak.


"Bakit ka umiiyak?" mahinang tanong niya na may ngiti pa rin sa mga labi, subalit malamlam ang mga mata.


"B-bakit mo dinala noon kay Mama ang mga naiwang damit ko sa Bacao?" Si Ate Linda ang nagdala kay Mama ng mga naiwan kong gamit sa Bacao. Iyon din iyong araw na nagdesisyon si Mama na lumipat na agad kami ng Manila.


"Lai, hinanap mo man kami dahil kami ang kadugo mo, isiniksik mo man ang sarili mo sa amin dahil sa pag-aakalang sa piling namin ang tunay na lugar mo, alam ko na sa huli ay hindi ka pa rin para sa amin. Ang mga taong nagpalaki at kumalinga sa 'yo pa rin ang tunay na may karapatan sa 'yo. Kasi kahit hindi sila ang kadugo mo, sila ang mga unang taong minahal mo."


"Sorry, Ate Linda, kung iniwan kita. Kung hinayaan kitang pasanin ang lahat nang mag-isa. Kung sa huli ay pinili ko ang ina na nagpalaki at nagmahal sa akin. Sorry, Ate..."


Nakangiti pa rin sa akin si Ate Linda.


"Ate, k-kumusta sila?"


Saka lang nabura ang ngiti niya. "Walang pagbabago. Maliban sa iba na ang asawa ulit ni Ate Laura. Doon na siya nakatira sa bago niya kasama ang dalawang anak, habang ang ibang anak niya ay iniwan niya sa amin sa Bacao."


"Si... Limuel?"


"Hindi pa rin nakakalaya si Limuel. Hindi na naasikaso ang kaso niya dahil walang pangbayad sa private attorney. Ang hirap naman sa PAO dahil ang layo ng office. Pangkain na lang kaysa ipamasahe. Sayang lang din kasi dahil kada hearing ay hindi rin naman uma-attend sina Mari. Wala ring nangyayari."


"Galit sa akin sina Nanay at Tatay?" Malamang galit na galit ang dalawa at iniisip na inabandona ko sila. Totoo naman. They were my biological parents, but in the end, I chose Mama over them.


Deretsong sinagot naman ni Ate Linda ang sagot ko. "Oo, nagalit sila. Galit na galit. Mabuti na lang at nailayo ka na agad ng adoptive mother mo bago ka pa nila sinugod sa inyo sa Sunterra."


"Salamat, Ate Linda." Hinawakan ko siya sa kamay niya. "Pero ikaw? Kumusta ka na?" Iyon ang pinakagusto kong malaman.


Ngiti lang ang sagot naman ang sagot ni Ate Linda. Nagpaalam na siya sa akin. At noong pinilit ko siyang abutan ng kahit kaunting tulong ay matigas niyang tinanggihan. Habol ko na lang siya ng tanaw sa pagsakay niya ng jeep pauwi sa Bacao.


Nandito na ulit ako sa Cavite. Sa ayaw ko man o sa gusto, sila pa rin ang mga kadugo ko. Hindi na iyon mababago. Pero katulad ng pangako ko kay Mama, iiwasan ko na sila sa abot ng aking makakaya. Pero sana lang ay maunawaan ni Mama, kung magiging exception sa aking pag-iwas si Ate Linda.



EMPTY CUPBOARDS.


Nanghina ako sa pag-uwi. Pagbukas ng mga cabinet sa kusina ay wala na maski isang delata. Gutom na gutom pa naman na ako dahil OT kanina sa trabaho. Wala nang pagkain, pero mabuti na lang dahil nakakain na kanina sina Ate Tentay at Mama.


Nag-grocery naman ako noong nakaraan pero naubos din agad. Kaunti lang kasi ang pinamili ko dahil kinapos sa budget. Ang mahal ng ibang gamot ni Mama, nag-doble ang bayaran namin sa kuryente, 'tapos ay kailangan ko pang pasahuran si Ate Tentay.


Malaki na ang sahod ko sa lagay na iyon, pero kinakapos pa rin. Pati ipon ko ay nagagalaw na sa mga biglaang gastusin. Ang nagpapalubag lang sa loob ko ay at least, hindi kami nangungupahan. May sarili kaming bahay.


Nagpapasalamat na rin ako na nakatapos ako ng pag-aaral. Bagay sa akin ang trabaho ko ngayon. I could use my skills in numbers and problem solving. Good thing dahil doon lang kasi ako magaling. Kaya dapat din talaga na gusto mo ang ginagawa mo, para kahit mahirap magtrabaho ay kahit paano'y mai-enjoy mo.


Noong tumira kami ni Mama noon sa Manila ay hindi na talaga ako dapat babalik sa pag-aaral. Ang hirap na kasing magpatuloy ulit sa dami ng dropped subjects ko. Gusto ko na lang noon na magtrabaho. Pero pinilit ako ni Mama na magtapos pa rin. Ang ginawa ko noon ay nagsimula nang panibago. Nag-enroll ako bilang first year ulit. Back to zero. At kay Mama at sa pag-aaral na lang umikot ang buhay ko. Naka-graduate ako bilang summa cum laude.


Akala ko pagka-graduate ay okay na. Na basta masigasig ka ay makakahanap ka agad ng trabahong maganda. Basta sipagan at galingan mo, magiging stable ka sa trabaho at tataas ang suweldo. Hindi pala. Dahil doon pa lang magsisimula ang tunay na laban ng buhay.


Ang daming bills, unexpected na gastos, at agawan pa sa opportunity. Kung ako na summa cum laude sa college, may maayos na trabaho na, ay hirap pa rin. What more pa ba ang mga hindi pinalad makapagtapos?


May mga sinusuwerte, meron ding pinagpapala dahil madidiskarte, pero hanggang saan ang suwerte? Hanggang saan din ang diskarte? Kapag tumanda na at uugod-ugod na, makakadiskarte pa ba? Kaya hindi lang diskarte, dapat mapagtiis din para makapagtabi.


Ang hirap ng buhay. Kailangan talaga bata pa lang, kumakayod na. Dapat habang kaya pa, nag-iipon na. Para anuman ang mangyari bukas, kahit paano ay handa ka.


Napailing na lang ako. Kinain ko lang lahat ng aking sinabi noon. Bumalik ako sa sala. Nakaupo ako sa sofa habang binibilang ang natitira kong pera. One thousand five hundred na lang ito. Aabot pa kaya sa katapusan?


Nagba-budget ako nang bumaba si Ate Tentay mula sa hagdan. "Lai, may mga dumating pala kanina."


"Sino-sino ho?" tanong ko habang ibinabalik na sa wallet ang pera.


"Noong umaga ay kapatid daw ng papa mo. Galit na galit. Gusto kang makausap. Hinahanap ang titulo nitong bahay niyo—"


"Nakita ba sila ni Mama?" Ayaw kong marinig ang kahit ano na tungkol sa mga ito, maliban kung may ginawa ang mga ito na puwedeng makaapekto kay Mama.


"Sakto na nasa kuwarto sa itaas ang mama mo kaya hindi rin nila nakausap. Nainip sila sa paghihintay kaya umalis din agad."


Good. Itinaas ko na ang aking kamay para huminto na si Ate Tentay sa pagkukuwento tungkol sa mga kapatid ni Papa. "Bukod sa kanila, sino pa po ang pumunta?" pag-iiba ko na.


"Ang iyong Tita Judy. Kasama ang kanyang anak na kambal. Dinalaw ang mama mo noon namang tanghali."


Tumango-tango ako. "Sino pa po?"


Nanahimik na bigla si Ate Tentay. Nang lingunin ko ang ginang ay lumikot ang mga mata nito at napakamot ng ulo. "Ah, dumalaw rin ang..." Tumikhim pa ito. "...boyfriend mo."


Tumayo na ako mula sa sofa. "Ate, alam niyong wala akong boyfriend."


Napanguso si Ate Tentay. "Ang sabi kasi ng mama mo, boyfriend mo raw iyong lalaki kanina. Matangkad, maganda ang tindig, moreno, makakapal ang kilay, matangos ang ilong, semi-calbo, dang guwapo."


"Ex," sabi ko. "Ex ko na iyong tao."


Nagkibit-balikat na lang naman si Ate Tentay. Kakanta-kanta ito na nagpunta sa kusina. "Anong nangyari sa ating dalawa?"


Natakip ko na lang ang aking noo. Pakanta-kanta pa rin si Ate Tentay, nagtitimpla ito ng kape nito.


"Anong nangyari sa ating dalawa? Akala ko noon tayo ay iisa? Ako ba ang siyang nagkulang? O ikaw ang 'di lumaban? Sa pagsubok sa ating pagmamahalan?"


Napatingin ako sa gilid ng sofa. Nakakita ako roon ng kaha ng Marlboro red. Mukhang nakaligtaan na naman ni Ate Tentay.


"Tsk, sinabihan nang wag nang maninigarilyo, tigas ng bungo." Sa inis ay dinampot ko iyon. May laman pang dalawang pirasong stick. Naroon din ang nangangalahati nitong lighter. Dinala ko iyon sa labas.


Hindi na ako nagbukas ng ilaw dahil may liwanag naman mula sa lamppost ng kabilang kalsada. Isinarado ko ang pinto at sinindihan ang isang stick ng Marlboro red. Iyong kalam ng sikmura ko ay aking idinaan na lang sa yosi. Paghithit ay ibinuga ko ang usok sa hangin.


Nakasandal ako sa pader. It was my second stick nang matanaw ang pagliko ng isang sasakyan sa streen namin. Napatuwid ako sa pagkakatayo nang makilala ang owner jeep na paparating.


Nang huminto ang owner sa tapat mismo ng gate namin ay doon ko naibaba ang hinihithit na sigarilyo. Bumaba ang matangkad na lalaking naka-plain white shirt, camouflage cargo pants, at black Nike slides. Palapit pa lang siya sa gate ay nasasamyo ko na ang mabango at preskong scent ng gamit niyang men's cologne. Amoy masarap. O gutom lang ako?


Nakatingin siya sa akin at sa hawak kong yosi. Hindi naman ako makakilos. Nakatingin lang ako sa kanya dahil parang biglang may dumaang hilera ng anghel sa pagitan naming dalawa.


"Good evening." Kung hindi pa siya nagsalita ay hindi pa ako mapapakurap.


"G-good evening din." Saka ko pa lang nabitiwan ang aking hawak na yosi. Agad ko iyong tinapakan sa sahig upang mamatay ang upos. Nakahabol naman doon ang tingin ni Asher.


Nang mag-angat ako ng paningin sa kanya ay huling-huli ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang bibig. Wala naman siyang sinabi na kahit ano, wala ring emosyon ang malamig na mga mata niya, pero ang aking pakiramdam ay daig ko pa ang nahugashan ang buong pagkatao.


"Ah, ano, pahangin lang dito sa labas," sabi ko kahit di naman niya tinatanong. Nagsisi rin ako sa sinabi dahil mukhang wala naman siyang pakialam kahit sampung kaha pa ang hithitin ko rito.


But why was he here? Again? Ang sabi ni Ate Tentay ay pumunta na rin siya kanina.


He seemed to have read my mind. Doon niya binanggit ang 'purpose' niya rito. "Si Mama?" he asked in a casual tone.


"Tulog na."


"I'm from Amadeo, I passed by the fruit market so I thought I'd buy your mom some fruit."


Binuksan ko na ang gate. "Ah... Hindi ka na sana nag-abala." Pero napalunok ako sa isiping may dala siyang prutas. Hindi pala talaga nalutas ng dalawang stick ng yosi ang gutom ko.


May usok-usok pa ang sigarilyo sa paligid at siguro ay naamoy niya rin sa akin, kaya bahagyang nagusot ang kanyang matangos na ilong. Naalala ko tuloy dati. Naba-badtrip siya noon kapag may bisita ang mga kuya niya na naninigarilyo. Nahiya tuloy lalo ako.


Nang sandali siyang tumalikod para may kunin sa likod ng owner ay pasimple kong sininghot ang aking sarili. Hindi lang pala ako amoy sigarilyo, amoy patis na rin. Walang sinabi sa bago niyang fresh with a hint of mint.


Pagbalik niya ay may dala na siyang maliit na basket na may iba't ibang prutas. Ang unang natanaw ng aking mga mata ay iyong saging sa ibabaw. Ang tataba at ang laki. Nakagat ko tuloy ang aking ibabang labi.


"As you said, tulog na ang mama mo. Pakibigay na lang sa kanya at pasabi na dumaan ako."


Pumunta lang siya rito para ibigay ang dala niya? Ah, yeah, tulog nga pala kasi si Mama. He may have come in and stayed longer if Mama wasn't sleeping. But, didn't he just come here earlier?


"Are you not taking it because you want to spend more time with me?"


Napakurap ako sabay angat ng paningin sa kanya. "W-what?"


Why did he ask me that? And would he stay if I say yes? Pero nagising din ako sa sandaling kahibangan nang bumukas ang mga labi niya para magsalita.


"Sorry to disappoint you, but you see?" Tumaas ang sulok ng bibig niya at ang mga mata niya ay nagkaroon ng kakaibang kislap. "I'm quite busy."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
172K 9.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
10.4M 390K 35
Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeous in-denial stalker 24/7! ...