Testing the Waters

By riathebeloved

2.3K 180 31

One forgotten night. Two not-so-strangers ended up in a shotgun wedding. Would the newlyweds be able to work... More

Testing the Waters
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 6

146 13 1
By riathebeloved

Chapter 6

Lumipas ang mga araw sa isla na ang laging magkasama ay sina Keira at Ethan. Sinamahan siya ng huli para libutin ang mga tourist attraction at ginawa rin nila ang mga water activity na pupuwede sa kaniya roon. They even interacted with the locals and made some friends.

Hindi palakaibigan si Keira pero sa hindi niya malamang dahilan ay nag-enjoy siyang kumausap ng mga lokal sa isla. Mababait naman talaga kasi ang mga ito, sobrang accommodating at hospitable din.

Araw-araw ay umaalis sila sa rest house pagkatapos mag-almusal at uuwi lang kapag maghahapunan na. They already got tanned skin from staying longer under the sun, but they were not even concerned about it as long as they were enjoying.

Minsan lang sila makatakas sa hectic na schedule ng siyudad kaya naman sinusulit na nila. Pero kahit ganoon ay sinisigurado pa rin ni Ethan na maiinom niya on-time ang kaniyang mga vitamin, supplement, at maternity milk. Ito ang nagpapaalala sa kaniyang uminom ng mga iyon.

Sa sampung araw na nagdaan ay may napansin si Keira kay Ethan. Bukod sa maalaga at protective ito sa kaniya, marespeto din ito. Hindi siya nito yayakapin kung hindi naman kinakailangan—sa tuwing iiyak lang siya at kailangan siyang patahanin. Ang halik noong kasal nila ay hindi na muling nasundan ng kahit anong uri pa ng halik.

Naghahawak sila ng kamay ngunit hindi rin kamali-malisya iyon dahil ginagawa lang iyon ni Ethan para alalayan siya. Ang unan sa pagitan ng higaan nila ay naroon pa rin sa tuwing matutulog sila. Sa tuwing magsusuot siya ng mga damit na parang kinulang sa tela ay pinaaalalahanan siya nito na magtakip nang kahit kaunti para hindi siya mabastos at naa-appreciate niya ang mga ganoong gesture ng asawa.

NAGISING si Keira nang masakit ang ulo sa umagang iyon. Wala na si Ethan nang tingnan niya ang gawi ng higaan nito ngunit agad namang nahagip ng kaniyang paningin ang bulto ng asawa na nakaupo sa upuang naroon sa balcony habang may hawak na libro na may puting cover. Palagi niyang naaabutan si Ethan na nagbabasa niyon sa tuwing umaga.

She forced herself to get out of bed. Nagsuot muna siya ng roba bago nagtungo sa kinaroroonan ng asawa niya.

"Ethan . . ." Keira called him in a small, weak voice.

Napaangat ang tingin nito sa kaniya at agad siyang nginitian.

"Good morning, Keira. Gising ka na pala. Do you want to join me?" alok nito saka itinaas ang librong hawak.

Napakunot ang noo ni Keira. Noon pa siya curious sa ginagawa nito ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng tiyansang lumapit habang nagbabasa ito.

"Good morning. Ano 'yan?" tanong niya sa mahinang boses pa rin.

Para siyang nanghihina. Marahil sa pagod iyon dahil pumunta sila sa dulo ng isla kahapon.

"I'm reading the Bible. Halika, basahan kita."

Keira's lips formed an 'o'. Napagtanto niya na sa tuwing umaga na nakikita niya ang asawa na nasa balcony at nagbabasa ay Bible pala ang binabasa nito.

A part of her was amazed. Mahirap ang magkaroon ng ganoong disiplina. Siya nga ay kung magsisimba at makakikita ng bible verse quotes na nakasabit sa kung saan-saan lang makakapagbasa at makaririnig ng salita ng Diyos, ngunit si Ethan ay naglalaan talaga ng oras para doon araw-araw.

Gustuhin mang tumabi ni Keira kay Ethan ay pakiramdam niya ay iikot na ang kaniyang paningin, ilang sandali na lang mula ngayon.

"Pass muna ako. I don't really feel well. Can we just rest for today?"

May apat na araw pa bago matapos ang kanilang 'honeymoon'. Hindi magiging kawalan kung hindi muna sila lalabas sa araw na iyon. Halos nalibot naman na nila ang buong isla. Ang mga islet na lang sa malapit ang hindi pa nila napupuntahan.

Tinitigan siyang maiigi ni Ethan bago ito sandaling pumikit at pinagsalikop ang mga kamay. Sa kaniyang hinuha ay nagdasal muna ito bago siya muling pinagtuonan ng pansin.

Nilagyan nito ng bookmark ang pahina kung saan ito huminto bago binitbit ang Bible at tumayo para lapitan siya.

"You look pale. Ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalala nitong tanong.

"My head hurts, but I'll be fine. Pahinga lang ang kailangan nito. Napagod yata ako masyado kahapon."

"Are you sure? I'll call Doctor Juana," pagtutukoy nito sa doktorang naroon sa resort.

"S-sige, pero gusto ko munang mag-CR," aniya na agad naman nitong ikinatango at inalalayan siya patungo sa banyo.

Habang tumatagal ay mas lalong parang binibiyak na ang ulo niya sa sobrang sakit.

Hinintay siya nito sa labas kahit medyo natagalan siyang gawin ang kaniyang morning rituals dahil sa iniindang sakit. Inihatid siya nito pabalik sa kama, pagkatapos.

"I'll prepare you a light breakfast. Balikan kita, magpahinga ka muna," pagpapaalam ni Ethan at akmang aalis ngunit mabilis na hinagip ni Keira ang kamay nito.

"D-don't leave me, please? Dito ka lang . . ."

Keira wanted her husband's presence inside their room. Nasanay na siyang palaging nasa malapit lang si Ethan at nakaalalay sa kaniya. At ngayong hindin maganda ang kaniyang pakiramdam ay ayaw niyang maiwang mag-isa.

Sandaling napatingin si Ethan sa kamay nitong hawak niya saka tumango. Umupo ito sa tabi niya at pinaunan siya sa balikat nito. Pansamantala nilang inalis ang unan sa pagitan ng mga puwesto nila. Hindi na siya nagreklamo dahil siya naman ang nagsabing huwag itong umalis.

His masculine scent immediately filled Keira's nostrils and gave her comfort. Sa hindi malamang dahilan ay tila naa-addict siya sa amoy ni Ethan.

He fished for his phone from his pocket and typed a text for Manang Weng. Ang matanda na lang ang pinaghanda ni Ethan ng almusal nila. Pagkatapos ay minasahe nito ang ulo niyang kumikirot habang bumubulong. Masayadong masakit ang ulo ni Keira para maintindihang hindi lang bastang bumubulong si Ethan, kundi ipinagdarasal siya nito. Hindi kalaunan ay hinila na siya ng antok.

***
KEIRA woke up later that morning feeling better. Wala na ang sakit ng ulo niya ngunit nagrereklamo naman ang kaniyang tiyan. Akmang tatayo sana siya nang mapansing nakasandal na pala siya sa dibdib ni Ethan at parehas na silang nakahiga sa kama. She was not just leaning against her husband's chest—she was hugging him, and he was hugging her, too!

Iyon ang unang beses nilang matulog nang walang unan sa pagitan nila mula noong kasal. Imbes na mag-panic at itulak palayo ang natutulog na si Ethan ay tumingala si Keira para pagmasdan ang asawa. Ethan was a very gorgeous man. Parang hindi makatotohanan ang kaguwapuhan nito.

'Is your face even legal?'

Sa hindi malamang dahilan ay bigla siya ritong nanggigil kaya naman iniangat niya ang sarili para maabot ang mukha nito. She leaned closer to his face and bit his nose. Humagikgik si Keira nang hindi man lang ito nagising sa unang pagkakakagat niya, kaya naman nasundan pa ulit iyon ng dalawa. Medyo napadiin ang huli kaya naman nagising si Ethan.

Kaagad na napalayo si Keira nang magtama ang kanilang mga paningin. Inalis ni Ethan ang braso mula sa pagkakayakap sa kaniya para sapuhin ang ilong nitong namumula ay may bakat ng pinagkagatan niya.

Namumungay ang mga mata at kunot-noo siya nitong tiningnan.

"Hey . . . what are you doing, Mrs. Montero?" he asked in a husky voice.

May kung anong kumiliti sa tiyan ni Keira nang marinig ang mababa at magaspang na boses ni Ethan. It was her second time hearing him using that voice. Ang una ay noong umagang nagising sila sa iisang silid at kapwa walang suot sa ilalim ng kumot.

Palaging nauuna si Ethan magising sa kaniya sa mga nagdaang araw kaya naman wala siyang pagkakataong marinig ang ganoon nitong boses kapag bagong gising.

Napalunok si Keira at sandaling pinakalma ang sarili bago sumagot.

"I bit your nose because you're hugging me. Nasaan ang unan sa pagitan natin? Bakit ka nakayakap sa 'kin? Pinagsamantalahan mo ba ako habang natutulog ako?" madramang aniya.

She even faked a gasp and fixed the comforter to cover herself.

Hindi puwedeng mapunta sa kaniya ang sisi sa panggigigil at pangangagat niya sa ilong ni Ethan. Kailangang maipasa niya ang sisi rito. Minsan na nga lang niya ito gawan ng kalokohan ay nahuli pa siya sa akto.

Ang kunot sa noo ni Ethan ay nawala. Napalitan ng pagkaaliw ang kaninang pamumungay ng mga mata nito. Hindi nagtagal ay natawa ito nang husto kaya si Keira naman ang napakunot ng noo. Naluha pa ito sa sobrang pagtawa.

"Really, Mrs. Montero? Kahit ikaw ang halos hindi bumitaw sa 'kin kanina?" natatawang anito habang pinupunasan ang mga luha dala ng sobrang pagtawa. He was even catching his breath.

"Hindi 'yan totoo! Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Tumigil na sa pagtawa si Ethan ngunit may nakakalokong ngisi pa rin ito sa mga labi.

"Okay, if you say so," anang kaniyang asawa na tila pinagbigyan siya sa gusto niyang isipin ngunit sa hitsura nito ay para itong may alam na hindi niya alam.

Muling nanggigil si Keira sa ilong ng asawa kaya mabilis niya itong nilapitan at kinagat sa ilong.

"Hey, Keira! Stop! It hurts!" daing nito bago siya hinawakan sa magkabilang balikat at marahan siyang itinulak palayo.

Humagikgik lang si Keira at nag-make face kay Ethan. Napailing ito sa kaniya habang marahang hinahaplos ang pinagkagatan niya.

"You seemed happy. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito nang makabawi mula sa pangangagat niya.

Napanguso si Keira nang hindi siya nito pinatulan sa ginawa niya.

"Yes. I feel better na. My headache is gone. Kain na tayo? Gutom na kami ni baby."

"That's great. You made me worried. Are you sure 'di na masakit ang ulo mo?

"Yes. Okay na ako. Sabi sa 'yo, pahinga lang ang kailangan ko, e. Nasaan pala si doktora? Akala ko ba ay pupunta siya rito?"

"She already did. Ch-in-eck ka niya kaniya habang tulog ka. Hihintayin ka niya sanang magising, pero nagkaroon ng emergency sa resort. Babalik na lang siya mamaya."

"Ah, okay . . ." tumatangu-tangong ani Keira.

Tumayo na si Ethan at umikot patungo sa side ng hinihigaan niya.

"Let's go? Ipapainit ko na lang kay Manang Weng ang mga pagkain. Do you have any special craving at this moment? Ipapasabay ko na," anito saka siya inalalayang tumayo.

Sandaling napaisip si Keira nang tuluyan siyang makatayo.

"Gusto ko ng strawberries and grapes tanghulu na mayo-ketchup at suka."

Kunot-noong napatingin si Ethan sa kaniya ngunit hindi naman ito nagreklamo sa weird craving niya.

"Sure. But since your stomach is still empty and the vinegar is sour, you need to eat a meal, first. You'll have tanghulu as dessert, okay?"

"Sige . . ."

She did not complain as long as she would have her tanghulu later.

***

PAGKATAPOS nilang kumain ng late breakfast ay bumalik ang doktora para i-check up si Keira. Maayos naman ang lahat ng kaniyang vital signs. Ang pananakit ng kaniyang ulo kanina ay dala ng morning sickness na first time niyang naranasan. Ang akala niya pa naman ay ligtas na siya mula sa pasakit niyon ngunit hindi pa pala. Late lang siya nagkaroon pero hindi siya nakaligtas.

"I have a question, doktora . . ." ani Keira habang nagliligpit ang doktora.

"Yes, Mrs. Montero, go ahead."

Saglit na sinilip ni Keira ang kinatatayuan ni Ethan. Nakasandal ito sa pader at nakahalukipkip habang nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang matama ang mga paningin nila.

Sinenyasan niya si Doctor Juana na lumapit kaya sinunod naman siya nito. She leaned and whispered to the doctor's ear.

"Normal bang panggigilan kong kagatin ang ilong ni Ethan, doktora?" tanong niya na ikinangiti nito.

Bahagya itong lumayo at tumango.

"Mukhang pinaglilihian mo si mister, misis. Normal 'yon. Wala kang dapat ikabahala," anito sa mahinang bose. Mukhang nakuha nito na ayaw niyang iparinig kay Ethan ang kanilang usapan.

Keira gasped.

"Ibig sabihin po ba ay magiging kamukha ni baby si Ethan kumpara sa 'kin?"

Natawa ang doktora.

"There's no scientific study that proves that theory, Mrs. Montero. Paglilihi is also craving. You're just craving."

Mas lalong napasinghap si Keira.

"Hala! I'm craving for my husband's nose? Hindi naman 'yon pagkain, doktora!" aniya sa medyo gulat at napalakas na boses.

Ang naging reaksyon niya ang nakatawag sa pansin ni Ethan. Narinig nito ang sinabi niya kaya maging ito ay nakitawa nang muli siyang tinawanan ng doktora.

"No, misis. Just think that you're just fond of your husband's nose. It's normal for pregnant women to be fond of someone or something during their pregnancy," Doctor Juana explained. "Nasagot ko na ba ang tanong mo?"

Napanguso si Keira saka tumango. Nagpaalam ang doktora sa kaniya bago ito umalis.

Keira took a bath after the check-up and told Ethan that she wanted to binge-watch movies on Netflix. Iyon ang dahilan kung magkatabi sila ngayon sa entertainment room habang hindi siya matigil sa kaiiyak dahil sa pinapanood na movie.

"If I knew this movie would make you cry, sana iba na lang ang pinanood natin," ani Ethan habang pinupunasan ang kaniyang mga luha gamit ang tissue.

Nag-aalala si Ethan na baka ma-stress nang husto si Keira sa movie na kanilang pinapanood.

"K-kawawa naman s-si L-Lizzy," ani Keira habang humihikbi.

"I know . . . Hush now," pag-aalo sa kaniya ng asawa. "You told me earlier you wanted to visit Albay. Punta na lang tayo r'on after your check-up next month para hindi ka na umiyak."

Napatigil si Keira sa pag-iyak saka nagniningning ang mga matang tiningnan ang asawa.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ito.

"Yes, as long as your OB allows us to travel."

"Sabi mo 'yan, ha! Walang bawian."

"Basta hindi ka na rin iiyak."

Napalabi si Keira sa kondisyong iyon.

"I'll try . . ."

Ethan nodded and messed with her hair. Natatawang pinigilan niya ang kamay nito mula sa paggulo ng kaniyang buhok. Humilig na siya sa balikat ni Ethan saka muling nag-focus sa movie habang sinusubukang hindi umiyak.

Medyo naging clingy siya kay Ethan sa araw na iyon ngunit hindi naman ito nagreklamo. Hinayaan lang siya nito.

They finished the movie and Keira did not cry, again. Ethan chose the next movie—a romantic-comedy with a light plot. They could not stop from laughing after the movie started. The movie was about to end when Keira felt a weird pain in her lower abdomen. Kasabay iyon ng pakiramdam na para siyang maiihi kaya naman lumayo siya kay Ethan. Nagtatakang napatingin ito sa kaniya.

"Pause mo muna yung movie. CR lang ako," ani Keira saka tumayo mula sa couch.

"Okay. I'll wait for you. Ipahatid ko na rin yung miryenda natin."

Keira nodded.

"Sige."

Keira went to the comfort room. Mabuti na lang ay mayroong banyo sa loob ng entertainment room kaya hindi na niya kinailangan pang lumayo. She got a few tissue sheets before she sat on the toilet and peed. Nang magpunas siya ng sarili gamit ang tissue ay nahintakutan siya nan makakita ng maraming dugo mula roon. Nabitawan niya iyon sa sahig sa sobrang panginginig ng kaniyang mga kamay.

Tumayo siya at nagsuot ng pang-ibaba bago tiningnan ang toilet bowl na ngayon ay punong-puno ng sariwang dugo. She hysterically called Ethan for help.

Ramdam niya ang pag-agos ng dugo sa kaniyang mga binti kahit pa nakasuot na siya ng shorts at underwear.

"Ethan! H-help! Our baby!"

Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto.

"Keira, what's happening there? Are you okay?"

"N-no! Ethan, help! Ang daming dugo! Yung baby natin!" she cried.

The pregnancy and marriage might not be planned, but she did not want to lose their baby.

Marahas ang naging pagbukas ng pinto na tila tinadyakan iyon mula sa labas.

Maging si Ethan natigilan at nahintakutan nang makita kung gaano karaming dugo ang nasa toilet at sa binti ni Keira. Nang makabawi ay agad siya nitong nilapitan at pinangko palabas. Ethan called for help, too.

Hindi lang si Manang Weng ang sumulpot, maging ang anak at asawa nito.

"Mang Lito, paki tawagan ho ang piloto ng chopper! Isusugod natin ang ma'am n'yo sa ospital. Paki dalian ho!" natatarantang ani Ethan.

The man was always a calm and collected person, but not this time. Buhat ng mag-ina nito ang usapan.

Kaagad na sumunod ang si Mang Lito at tumakbo patungo sa kinalalagyan ng landline para mag-dial ng numero.

"Ano pong kailangan n'yo, ser? Kukunin ko ho," ani Manang Weng na natataranta ring nakasunod sa kanila ni Ethan.

Hindi nito alam na buntis si Keira ngunit ngayon ay nalaman na nito—ngunit sa ganoong sitwasyon pa.

"Paki kuha na lang ng mga phone namin sa entertainment room at mga wallet sa kuwarto namin."

"Y-yung bag k-ko. Paki kuha rin kamo," nanghihinang dagdag ni Keira.

She could not even manage to talk properly because of the excruciating pain in her lower abdomen. Idagdag pang nanghihina na rin talaga siya sa dami ng dugong patuloy na nawawala sa kaniya.

"S-sige ho, ma'am, ser . . ."

Mabilis pa sa alas kuwatrong umakyat sa taas si Manang Weng.

"Stay with us, baby. 'Wag ka munang bibitaw kay mommy," ani Ethan habang buhat pa rin siya nito palabas ng bahay.

Isinakay siya nito sa nakaparadang golf cart sa harap ng rest house. Tinanggal ni Winnie ang mga nakakalso sa mga gulong ng cart.

Ethan drove towards the resort, where the helipad was. Keira was still bleeding and half-conscious when they reached the chopper.

"Lord, please help my wife and baby survive this. Please give them the strength to fight. Please fight for them, too. I submit their lives to You. Don't let anything bad happen to them. Amen." Ethan prayed.

Masyadong maingay ang paligid dahil sa pag-ikot ng rotor blades ng chopper kaya hindi iyon naintindihan ni Keira. Ngunit kahit ganoon ay pumikit siya nang mariin at umusal ng katulad na panalangin—na hindi niya naman madalas gawin.

***To be continued***

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 225 7
Treacherous Heart Book 2: Down Bad Chasing Willow Talia Tan's Story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
3.1M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
847K 35.4K 53
Alyanna Samantha Anderson, as one of Anderson's princesses, used to get what she wanted. She thought her life was close to perfection since she could...