Suddenly, You're not Inlove

By misspaui

8.9K 462 267

Iisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dah... More

Suddenly, You're Not Inlove
Aso't pusa
4yearsago
Crush
Not her happiness
Ikaw
Confused
Someone
Congratulations
Ballpen
her girlfriend
Girl na friend
I believe you
Annie Baby
Legal
Good news
Family Outing
Sweet corn
Singsing
Shit
Missing Ring
Call
take care of you
Piggyback
Ulan
Okay?
Mahal
Mix emotions
Mahal 2.0
Why?
Miloves
I like her
The ring
Deja vu
Pahinga
Delusional
I hate that ring
Flashback

5 years from now

90 3 0
By misspaui


Busy yung mga kasamahan ko sa laro na inorganize ng ibang ka-batchmates namin. Inaya ako ng ibang kaklase ko na maglaro pero tumanggi ako. Wala ako sa mood para mag-enjoy at gusto ko nalang na umuwi na kaso 'tong dalawang 'to ayaw pa ako pauwiin. Napag-isipan ko nalang na kumuha ng makakain. Nagutom ulit ako bigla. Habang busy ako sa pagpili ng makakain ko ay hindi ko naman napansin na may tao pala sa gilid ko.

"Ang takaw mo talaga kahit kelan." Napatigil ako saglit dahil sa boses na 'yon. Alam ko boses niya 'yon. Napabuntong nalang ako ng aking hininga saka napagpasiyahan na kumuha pa ng foods. "Why are you ignoring me?" Doon na ako napatingin sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya magsalita ulit "For as long as I can remember I did nothing wrong with you." Sabi niya "Last na usap natin nung graduation pa and I am pretty sure we were okay that day before we lost contact with each other." For a second muntik ko na makalimutan na wala na nga pala yung memories kung saan magkasama kami. Wala na yung memories kung saan mahal niya ako. Lahat ng memories na kasama niya ako, hindi na niya maalala mga 'yon. "So, why?"

I gulped. "Uhm..."

"It's okay though. You don't need to answer. Maybe you're just surprised to see me after how many years of not seeing each other." Ani niya na nakangiti. Napangiti nalang din ako sa kanya ng pilit. Narinig ko na napabuntong siya ng kanyang hininga. "So, how are you holding up lately? I mean for sure successful ka na and you know happily inlove."

"Bakit kasama mo si Gelo?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Bakas sa mukha niya yung pagkagulat.

"You know Gelo?"

"Uhm...you introduced him to us earlier, right?" Phew.

"Right!" Bahagya naman siyang natawa. "Well, it's kind of funny na he went to SSU as well. We've been co-workers for almost 2 years now and I just found out last week."

"He graduated at SSU?" Kunot noo kong tanong.

She nodded her head "Hmm-mm."

"How come I've never seen his face before?"

"Well, he's in a different department. Besides, sa laki ng SSU you think makikita mo lahat?" Kung sabagay.

Wait nga. Bakit ba ako nakikipag-usap sa kanya. "I have to go back na." Akmang paalis na ako nang hawakan niya ako sa braso. Napatingin naman ako dun na sinundan naman niya.

"Sorry, uhm..."napailing siya ng kanyang ulo. "Nevermind." I just gave her a sly smile saka napagpasyahan na umalis na.

Pabalik na sana ako ng table namin nang biglang may humarang sa dinadaanan ko. "Mindy!" Napalaki ang mata ko ng makita ko si Von.

"Von?" He smiled widely then went on hugging me.

"Mindy!" Tawag niya ulit sa name ko. The hug lasted for a few seconds. As he pulled away from our hug, he examined me from head to toe. "Wow! Look at you!" He started. Napatakip pa siya ng kanyang bibig na para bang naaamazed sa nakita. Napapangiti nalang ako sa kanya. "Mas maganda ka dati." Bigla naman nawala yung ngiti ko sa sinabi niya. Nag-akma akong sasapakin siya dahilan para mapaatras siya ng bahagya. "Hep! I was just joking! Chill!" I rolled my eyes on him "Of course sobrang ganda mo pa rin." He smiled at me sweetly. Napairap nalang ulit ako ng mata sa kanya.

"Ang pangit mo pa rin." Pang-asar ko sa kanya. Napangiti naman siya nang napakalawak.

"Asus! Alam ko poging pogi ka na sa akin." Ang yabang talaga ng lalaking 'to kahit kelan.

"Pogi mo mukha mo." Sabi ko nalang. Natawa nalang din siya.

"So kamusta naman ang crush ko?" Napakunot ako ng aking noo.

"Anong crush?" Nakarating na rin ako sa table namin sabay upo. Naupo na din si Von sa tabi ko.

"Crush is...ikaw." Sabay wink sa akin. Natawa ako sa kanya.

"Alam mo ikaw di ka pa rin talaga nagbabago."

"Oo parang feelings ko sayo." Banat niya.

"Wait, don't tell me..."

Napangiti siya sabay inom ng hawak niyang wine. After nun ay napakibit siya ng kanyang balikat. "Don't worry though nagkaroon naman ako ng girlfriends sa loob ng ilang taon na di kita nakita."

"Girlfriends..."

"Hmm-mm. Ganun karami." Napailing ako ng aking ulo.

"Ang yabang talaga." Natawa naman siya.

"Kamusta naman kayo ni Annie?"

I sighed. "Wala na kami." Malungkot kong sabi sa kanya.

"I'm sorry."

"No, it's okay. No need to apologize."

Narinig ko naman na napabuntong siya ng kanyang hininga.

"Mindy?" Napatingin ako sa side niya. "Do you still remember what I said to you back then? Before we even graduated?" Napaisip naman ako kung ano yung tinutukoy niya. Napansin niya siguro na nakakunot ang noo ko kaya naman nagsalita na siya. "5 years from now?"

5 years from now? Bigla ko naman naalala yung tinutukoy niya.

"Seryoso ka ba dun?"

"Do I look like I'm joking to you when I said that during that time?"

Nakatingin lang ako sa kanya ng mga oras na 'yon.

Flashback

Nasa field kami nang mapagpasiyahan nina Ryanne at Celestine na pumunta ng Ice cream shop. Nagccrave kasi yung buntis tsaka mainit din kasi ang panahon. Isa pa ayoko makita yung dalawang 'yon.

"Girls!" Sabay kaming napalingon sa kung sino man ang tumawag samin.

"Lance..." dinig ko na sabi ni Ce.

After makulong ni Cedric noon dahil sa ginawa niya kay Celestine at napatunayang guilty ito ay humingi ng patawad si Lance sa dalawa dahil sa hindi siya agad naniwala sa sinabi nina Ryanne at Celestine sa kanya. Tinanggap naman nila ang paghingi nito ng pasensya dahil hindi rin naman alam nina Lance kung ano ang nangyari talaga.

"Saan punta niyo?"

"Naglilihi yung buntis namin kaya kakain kami ng ice cream." Sagot ko.

"Ay sige sama na ako parang gusto ko rin ng malamig." Sagot naman niya.

Akmang aalis na sana kami nang makasalubong namin yung dalawa. Si Von at Annie.

"Guys saan punta niyo?" Tanong ni Von.

"Bibili ice cream. Baka gusto niyo rin sumama?" Napatingin ako kay Ryanne ng masama. Balak pa talagang isama si Annie.

"Aba oo naman siyempre!" Si Von. "Annie you're in, right?"

Napatingin ako sa kanya kasabay nun ay napatingin din siya sa akin. "Ayon kung okay lang kay Villarama na sumama ako."

Napatingin naman sila sa side ko. "Of course it's fine with her. Mukha lang 'yang ayaw kang kasama Annie but believe me she's happy when you're around." Pinagsasabi mo Celestine!! Sinamaan ko siya ng tingin. "Let's go bago pa mawala yung cravings ko sa ice cream."

Nang nasa shop na kami at namimili ng flavor na bibilhin ay lumapit naman sa side ko si Von.

"Hulaan ko kung anong flavor ang gusto mong bilhin." Napatingin ako sa kanya.

"Is there a consequence ba if ever you guess it right?" Napasmile siya.

"Now that you mention it...of course there is." I rolled my eyes on him.

"Now what?"

"Teka hulaan ko muna yung flavor ng ice cream na gusto mong bilhin." Sabi ni Von.

"No tell me first what's the consequence."

"If I'm going to tell you what the consequence is first, edi may possibility na pwede mong ideny yung flavor na huhulaan ko if ever na tama man yung hula ko." Fair enough.

"Okay. Guess." He smiled.

Seryoso siyang nakatingin sa mga flavor ng ice cream dun. "Hmm strawberry?"

"Sigurado ka na ba diyan?"

Nag-akma siyang parang nag-iisip. "Yes! Sigurado na."

"What's the consequence?" Nanlaki ang mata niya na napatingin sa akin.

"So I guessed it right?" Yung reaction niya parang sinagot ng kanyang nililigawan.

"Ano na nga? Dali gusto ko ng kumain ng ice cream." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Well, I know that I don't stand a chance right now so let's do it this way nalang. In 5 years, if magkita tayo ulit which I'm pretty sure na mangyayari 'yon since there will be a school reunion unless hindi ka pupunta..."

"Andami mong sinasabi. Sabihin mo nalang kasi ng direkta."

"Wait lang kasi gusto ko iexplain sayo ng mabuti." Paliwanag niya. "So eto na nga, 5 years from now if magkita tayo ulit and in that time eh we're both single, you'll let me date you."

Napakunot ako ng aking noo. "Anong klaseng consequence naman 'yan, Von."

"Pumayag ka nalang kasi."

Natawa naman ako sa kanya. "It's like you're forcing me to date you in 5 years time." Sabi ko.

"I'm not." Ani niya "Well, you can refuse naman."

Tiningnan ko lang siya ng mga oras na 'yon. Nang akmang sasagot na sana ako ay nagsalita naman si Annie na kakarating lang dito sa counter.

"Kung ayaw niyong bumili pwede ba umalis kayo sa pila." Masungit niyang sabi.

Napatingin lang ako sa kanya nang mga oras na 'yon habang siya naman ay nasa ice cream na iba't ibang flavor ang atensyon.

End of flashback

"So?" Dinig ko na tanong ni Von na nasa tabi ko. Dahilan para mapabalik ako sa wisyo.

Saglit akong napatingin kay Von and when I try to avert my gaze on somewhere else eh napadpad ang paningin ko sa kanya, kay Annie.

Kanina ko pa siya nakita at nakausap ko pa ng harapan pero ngayon ko lang siya natingnan ng matagal at narealize ko na ang payat na pala niya. Malayo sa dati niyang postura. Napabuntong ako ng aking hininga. Papayag ba ako sa consequence ni Von 5 years ago?









🖤

Continue Reading

You'll Also Like

545K 19.6K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
1.5M 33.2K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
2.1M 33.6K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
3.6M 156K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.