Lies (In The Mercy Of Love)...

Tadzrei2 tarafından

12.4K 172 1

After twenty-five years ng pagkakahiwalay ay muling nakita ni Cinela ang kakambal na si Endela nang sadyain s... Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 3

839 11 0
Tadzrei2 tarafından

CHAPTER THREE

ABALA sina Endela sa paglalagay ng kurtina nang mag-ring ang telepono. Si Marla ang sumagot niyon.
"Ma'am, nasa telepono po si Ma'am Marie."
"Sinabi mong nandito ako?" Hininaan niya ang boses. Hindi pa siya handa para makaharap ang sino man sa mga kaibigan niya. Umiling ang katulong. "Sabihin mong umalis. Hindi mo 'kamo alam kung anong oras wuwi."
Nagtataka man, tumalima rin ito.
"Gaano ka na nga katagal dito sa amin, Marla?" Nagmemeryenda na siya nang may maisip. Wala siyang masilip na ibang paraan. Subalit sisiguraduhin naman niyang wala itong mapapansin at mapupuna sa kanya.
"Magdadalawang taon na po, Ma'am."
Tumangu-tango siya. "Pakikuha mo nga yung mga photo albums namin. 'Yung mga bago." Sinundan niya ng tingin ang katulong na pumanhik. Pagbalik nito, may bitbit na itong tatlong photo albums.
Naghanap siya ng litrato. "Kilala mo ang mga kaibigan ko, 'di ba?" Muli niyang ibinaling ang atension kay Marla. May napili na siyang litrato.
"Opo, Ma'am."
"Sino 'to, aber?" Hindi niya alam kung saan kuha ang naturang litrato, pero may mga kasama siya. Walang dudang mga kabigan niya. "Sige nga, pangalanan mo sila."
Iyon naman ang ginawa ni Marla. Tinandaan naman niya ang mga pangalan. Rebecca. Donita. Marie. Linsay.
Daria. Jessa. Napangiti siya. Mga kalaro daw niya sa mahjong. Pero hindi na siya magsusugal. Itutuon niya sa ibang bagay ang atension.
Pagdating ni Lemuel, inasikaso niya ito. Bandang alas-siyete naman dumating si Renar. Sinamahan niya ito sa kanilang kuwarto at siya mismo ang naghubad ng polo nito.
"Wala ka bang pupuntahang tournament ngayon?"
"Tumawag nga kanina si Marie, pero hindi ko kinausap. Wala ako sa mood para makipag-mahjong.
Siguro ay hindi na ako hahawak ng pitsa niyon."
Napakunot-noo si Renar.
"Huwag kang mag-alala, wala akong nakaing kakaiba. Napagkuro ko lang na walang mangyayari kung doon ko itutuon ang aking panahon. Ayokong dumating ang araw na iyon pa ang maging dahilan ng hindi natin pagkakaunawaan."
Wala man lang gumuhit na katuwaan sa mukha ni
Renar habang pinakatitigan siya. Inaasahan pa naman niyang matutuwa ito sa kanyang naging desisyon.
"Sa totoo lang, hindi ako sanay na makita kang ganito kalambing. Ayokong isiping hindi ikaw si Endela. Pero marami akong pagbabagong napapansin sa iyo." Nangingiti lamang siya. Subalit kinakabahan pa rin sa kaseryosohang iyon ng lalaki. "Nagbabago ang lahat, Renar. Huwag mong sabihing hindi ka natutuwa sa naging desisyon ko?" Nagkibit-balikat lamang ang lalaki.
"Renar-?"
"Siyempre, natutuwa." Ngumiti ito, pero halatang pilit lamang. "Halika na nga. Nagugutom na ako, e. Walang dudang naiinis na si Lemuel sa paghihintay sa atin." Kahit papaano, nabunutan siya ng alalahanin. May gumugulo sa kanyang isipan, subalit pilit naman niyang itinutuon ang atension sa kanyang mag-ama.
SA PAGDAAN pa ng mga araw, medyo naging kampante na siya. Subalit dumating ang kanyang kinatatakutan nang maglambing sa kanya si Renar isang gabi.
"Nangako ka sa akin na sa pagbalik mo ay susundan na natin si Lemuel. Wala na akong makita pang dahilan para hindi natin siya bigyan ng kapatid."
Ang tindi ng tambol ng puso niya. Nakadagan sa kanya ang lalaki at pinapaliguan siya ng halik sa mukha.
Subalit nang tanggapin niya ang papel na maging asawa nito, nakahanda na siya sa lahat na mangyayari.
Siniil siya nito ng halik. Nagpaubaya naman siya.
Wala siyang planong tumanggi sa nakatakdang mangyan.
Hindi na naman siya isang birhen.
Isa-isa nitong, tinanggal ang kanyang saplot. At habang ginagawa iyon ng lalaki, sumagi naman sa isipan niya ang kapatid-ang kakambal na naghihintay na lamang ng mga araw!
Sabay sa pagkagat niya ng labi ang pagbangon ng kakaibang kaligayahan sa kanyang dibdib. At naglapat ang nagniningas nilang mga katawan ni Renar. BALOT siya ng kaligayahan. At kung tutuusin, hindi niya dapat maramdaman ang ganoon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Dahil ba sa katotohanang matagal na slyang walang nakarelasyon?
Hindi rin iyon nakatulong para makatulog siya kagaya ng lalaking katabi. Himbing na himbing ito na mababanaag ang kaligayahan sa mukha.
Marahan siyang bumangon paupo. Sa tulong ng lampshade, minasdan niya ang lalaking ngayon ay asawa na niya. Wala itong kaalam-alam sa misteryong nakapagitan sa kanila ng kapatid.
Sa paniniwala ng kakambal, tama ang plano nito.
Ang mag-ama ang iniisip nito. Sa pamamagitan nga naman niya, mabubuhay ito. Mananatili ito sa piling ng asawa't anak.
Sa pagkakaalam niya ay thirty-five na si Renar.
Subalit hindi halata. Para lamang itong treinta. Maliban sa guwapo, alaga rin nito ang katawan.
Halos tuwing umaga ay nagkukulong ito sa mini-gym at doon ay kung anu-anong ehersisyo ang ginagawa.
Subalit paro kung madiskubre nitong hindi siya ang asawa nito? Na isa siyang impostor. Na siya ay si Cinela na kakambal ni Endela, mà ngayon ay hinihila ng cancer sa libingan.
Lahat ng iyon ay pakana ni Endela, pakiusap sa kanya para sa mag-ama nito. Hindi niya matanggihan ang pakiusap ng kapatid. Endela was dying of cancer. Ayaw nitong basta na lang iwanan ang asawa at anak. Gusto nitong masigurado na mapanatili ang lugar nito sa puso ng iiwang mag-ama. Kailan lang sila muling nagkita matapos ang dalawampu't limang taon. Nagulat na lamang siya nang maging panauhin ito sa kanyang tahanan. Napatanga siya. Gilalas. Pagbukas niya ng pinto, her reflection stared back at her. At ang unang pangalang namutawi sa kanyang labi ay "Endela!"
Wala nang marami pang tanong. Mismong sa may pintuan ay nagyakap sila, puno ng pananabik. At kapwa sila nagbalitaan ng kanilang mga naging buhay.
Parehong heart attack ang ikinamatay ng kanilang mga magulang. Pumanaw ang mag-asawang hindi man lang muling nagkita matapos ang gabing lisanin nilang mag-ina ang kanilang tahanan.
Ilang beses niyang sinulatan ang kapatid noon, subalit bumalik lahat ang kanyang mga sulat. Lumipat na ng tirahan ang mag-ama. At sumuko na siya na muli pa silang magkikita.
Ang hindi niya alam, pagkamatay ng kanilang papa ay ipinahanap siya ng kapatid. At kailan lang siya natunton. Ang masaklap pa kagayang ama at ina nila, mawawala na rin ito sa mundo.
Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Endela. Inilahad nito sa kanya ang kalagayan nito. Kinumbinsi siya at binigyan ng panahong mapag-isipan ang pakiusap nito. At para sa kanyang kapatid, para sa ikaliligaya nito, pumayag siyang ipagpatuloy ang papel nito sa maiiwanang mga mahal sa buhay.
Pinalabas nitong siya, si Cinela, ang may cancer. Sa pamamagitan ng video, kinilala niya si Renar at si Lemuel.
Maging ang mga kaanak ng lalaki. Subalit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Meron silang mga bagay na nakaligtaan ni Endela, Ang mga kaibigan nito. Ang mga hilig. At may iniwan itong mantsa
sa mag-ama.
Sabagay, lyon ang papel niya ngayon ang unti-unting magbago para sa mag-ama. Dahil kambal man sila ni
Endela, magkaiba ang kanilang ugali. Nagulat nga siya nang malamang nagma-mahjong ito. Ang tungkol naman sa paninigarilyo, nabanggit iyon sa kanya ng kapatid.
Lumalabas ngayon na bumabawi si Endela sa mag-ama sa pamamagitan niya,
Ilang araw na lang, tuluyan nang maglalaho sa mundo si 'Cinela.' At mananatiling buhay si 'Endela!"
Paano na lang pala kung nagkaasawa siya?
Duty-bound to deliver! Hindi iyon problema sa kanya. Talagang sa Pilipinas ang lugar niya, hindi sa Paris!
At sa pagbabalik niya sa bansang sinilangan, siya na si
Mrs. Endela Ledesma.
Walang nakakaalam sa naging karamdaman ng kapatid; liban sa isang espesyalista na pinuntahan nito sa London. Kaya sino ang magdududa sa tunay niyang
pagkatao?
Tanging si Renar lamang...
Pero hindi niya bibigyan ng dahilan ang lalaki na pagdudahan siya. Sapagkat ginagampanan na niya ang papel sa buhay nito bilang asawa. At bilang ina ni Lemuel.
"WE'RE going out?" Titig na titig si Cinela kay Renar.
Pinasamahan ng lalaki sa kanilang mayordoma si
Lemuel, pinabibihisan. "It's Sunday."

"And I'm aware of that."
"It's our family day."
Bigla siyang napangiti. Dapat ba niyang pagtakhan
¡yon? Kahit papaano pala, may espesyal na araw para sa pamilya ng kanyang kapatid. "Halika, maghanda na rin tayo kung gayon." Nagpatiuna siya sa paglakad.
Sumunod naman sa kanya si Renar.
At pagkapasok sa kanilang silid, inihanda niya ang kanilang mga isusuot ng lalaki. Napansin niyang nakatayo sa gawing pinto si Renar. Nakatingin na naman sa kanya.
Nagtaka naman siya. Sinusubukan ba siya nito?
"Bakit na naman?" pakli niya. Bakit ba lagi siyang kinakabahan? Kailangan ba niyang magpaapekto? Kung tutuusin, nagmamagandang-loob lamang siya, a? I'm doing this for my sister. For your pityful wife. Now, don't stare at me like that. I'm not a sinner. Don't doubt my sincerity!
"Wala." Nagkibit-balikat si Renar.
"Kung ganoon, maligo ka na."
Tumalima naman ito at pumasok sa banyo.
Naghubo't hubad sa tapat ng shower. Hindi man lang ito nag-abalang isara ang pinto.
Kung tutuusin, ngayon lang talaga niya nakita ang kahubdan ni Renar sa liwanag. At bumilis na naman ang tibok ng puso niya. He was something.
Walang dudang mahal na mahal ng kapatid ang taong ito. Sa pamamagitan niya, hindi masasaktan si Renar.
Wala itong ipagluluksa. At higit sa lahat, hindi matutuon ang atension nito sa ibang babae para bigyan ng ina si Lemuel. Pagkatapos maligo ng asawa, siya naman ang sumunod. Ang napansin lang ni Cinela, masayang-masaya si Lemuel. Para bang ngayon lang sila mamamasyal na magkasama. Ayaw niyang isiping
kasama ang kakambal...
pinabayaan ng kapatid ang mag-ama nito. Hindi ganoon
"WHERE are we going, Mommy, Daddy?"
"Where do you want to go?" tanong ni Cinela sa bata. "Gusto mo bang manood tayo ng sine? Mukhang may cartoons na palabas ngayon."
"Puwede ba sa Toy Kingdom?" Nakikiusap pati mga mata ni Lemuel. Partikular na tumutok ang pansin nito sa ama. "Mga luma na ang mga laruan ko."
"Sige. Doon tayo pupunta," mabilis na pagsang-ayon niya. At napatingin siya sa asawa. "Toy Kingdom.." Meron na naman ba siyang nasabing masama?
Nakakunot na naman ang noo ni Renar!
Nagdududa talaga ito sa kanya. Napailing na lamang siya. Sumakay sila ng bata sa kotse at kung ilang sandali rin ang lumipas bago sumunod si Renar.
"BAKIT kailangan pang dito tayo magkita?" Kalmante, pero naroon ang muhi sa tinig ng babae. "Kumusta ka, Endela? Ang pagkakaalam ko, kasama mo ang asawa ko sa France."
"Excuse me?" Pero dinig niya ang sinabing kaharap na babae. Asawa nito, kasama ni Endela sa France?
Ano ang pinagsasasabi ng kaharap? Sino ang asawa nito? "At nagmamaang-maangan ka pa." Kontrolado pa rin nito ang tinig. "Hoy, babae, sino ang lolokohin mo?
Mang-aagaw! Nasaan na ang asawa ko?"
Napansin niyang palapit sa kanila si Renar.
Nakabuntot dito si Lemuel na may dalang box ng laruan.
Kinabahan siya. Eskandalo ang idudulot ng kaharap sa kanya! "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Alam niyang walang katotohanan ang akusasyon nito. Hindi magagawang pagtaksilan ng kakambal si Renar!
"Huwag na tayong maglokohan. Minsan ko na kayong nakitang nag-dinner! Nasaan na ang asawa ko?
Kiri kang babae ka. Hindi ka na nahiya. Mang-aagaw ng asawa!"
"Sino ang kausap mo, sweetheart?" nakangiting tanong ni Renar sa asawa, at binalingan ang galit na babae. "Siyanga pala, I'm Renar Ledesma, her husband."
Pigil ni Cinela ang paghinga.
Tiningnan lamang ng babae ang nakalahad na kamay ni Renar. Wala itong planong makipagkamay sa asawa niya. "Nice meeting you, Mr. Ledesma," matigas nitong sabi. "Pero alam mo bang pareho tayong iniiputan sa ulo ng ating mga asawa?"
"Excuse me?"
Napansin ni Cinela si Lemuel na lumipat sa kabilang estante, may tinitingnan doong laruan. Kahit papano, walang nakakarinig sa kanila.
"Ang asawa mo, at ang asawa ko, magkalaguyo.
Nagtagpo sila sa France. At sa pagkakaalam ko, wala na silang planeng bumalik pa rito."
Ngumiti si Renar. Na-amuse pa nga sa narinig. Subalit hindi kapanatagan ang naging reaksiyong iyon ng lalaki. "Misis, you're barking at the wrong person.
My wife is here. Mag-lisang buwan na siya rito. At sa pagkakaalam ko, faithful ang asawa ko." Faithful...
Bakit kailangan niyang pansinin ang din
sa pananalitang lyon ni Renar? Subalit sino ang makapagsasabi kung may ibang kahulugan iyon sa lalaki?
Hindi natinag ang babae. "Romeo dela Vega-iyon ang pangalan ng asawa ko. At sa pagkakaalam ko, first boyfriend ng misis mo. And some time this year, muli silang nagkita.
"If you'll excuse us."
Nahigit ni Cinela ang paghinga nang akbayan siya ni Renar. They badly needed this retreat! Tinalikuran nila ang babae. Lumapit sa kanila si Lemuel na may napiling bagong laruan. Dinala nila iyon sa counter, at nilisan na ang Toy Kingdom.
Subalit kapansin-pansin naman ang pananahimik ni
Renar. Para bang nawalan ito ng sigla. Tuloy pa rin sila sa pamamasyal. At gabi na sila nakauwi.
Pagpasok sa kanilang kuwarto, padabog na isinara ni Renar ang pinto. Napaigtad siya sa pagsalyang iyon ng asawa.
"Now, tell me, kilala mo ba si Romeo dela Vega?" Galit ang lalaki, subalit nagpakahinahon ito. Naging malit ang kanilang silid sa presensiya nito.
"U-Una kong nobyo." Naalala niya 'yung babaing lumapit sa kanya noon sa anibersaryo ng kasal ng mga magulang ni Renar. Ang Romeo kayang itinatanong nito ay mismong si Romeo dela Vega? "Dahil sinabi n'ung asawa niya?",
"Ano ka ba, Renar?" Naggalit-galitan na siya. May tinutumbok ang lalaki. Lumalabas na pinagdududahan siya nito. Sinubukan siya.
Marahang napailing si Renar.
Sinamantala naman niya ang pananahimik nito.
Kailangan niyang kumbinsihin ang lalaki! Mayroon siyang ipinangako sa kapatid. "Hindi totoo ang sinasabi ng babaing iyon. Nagkita nga kami noon ni Romeo, pero casual lamang ang pag-uusap namin. Aksidente lang ang muling pagtatapat ng aming landas."
Naghihintay lamang si Renar sa pangungumbinsi niya.
Kailangang maging mabilis ang utak niya. Hindi siya dapat na magpakita ng kahinaan sa taong ito. Ipaglalaban niya ang dignidad ng kanyang kapatid. "At hindi na kami muli pang nagkita."
"You are not my wife!" lyon lang at tumalikod na si
Renar. Lumabas ng silid.
Samantalang ipinako naman si Cinela sa kanyang kinatatayuan.
Pakiramdam niya ay unti-unting gumuho ang kanyang mundo!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.4M 109K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
21.9K 326 12
Alam ni Cassie na naaksidente siya sa laot. But it's too much of a coincidence na magkamalay siya sa pribadong baybayin ng mga Dela Garza. Naroon na...
61.2K 863 33
Ang pagkakaligtas nina Xander at Cameron mula sa mga kamay ni Hestercita ay siyang pagtatapos ng ilang taong paghahanap ni Xander sa tunay niyang mga...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...