Lies (In The Mercy Of Love)...

Tadzrei2 द्वारा

12.4K 172 1

After twenty-five years ng pagkakahiwalay ay muling nakita ni Cinela ang kakambal na si Endela nang sadyain s... अधिक

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 2

929 12 0
Tadzrei2 द्वारा

CHAPTER TWO

"DON'Ttell me na nakalimutan mo na ako?" Naroon ang katuwaan sa tinig ng babae. "Okay, does Romeo's name ring a bell?" Kumindat pa ito.
"Romeo?" Kinurot siya ng babae. Hindi niya ito kilala! Ano ba itong pinasukan niya? Mangilan-ngilan lamang sa mga naroon ang kilala niya.
'Yung first love mo..."
Nangunot ang kanyang noo. May alam ang kaharap na wala siyang kamalay-malay. At sino si Romeo sa buhay niya? Narito ba si Romeo? Napansin niya si Renar na nakatayo na pala sa kanyang tabi. Kaya pala humina ang tinig ng kaharap. Ayaw nitong marinig ng lalaki ang tungkol sa tinutukoy nitong first love niya.
"Kumusta ka na, Liza?"
"Mabuti naman, Renar."
"Kasama mo ba ang inaanak namin?"
'Liza' ang pangalan ng babae. At naramdaman niya ang kamay ni Renar sa kanyang balikat. Bahagya pang napaigtad si Endela nang pinisil siya roon ng asawa.
"Nasa Maynila si Dennis. Doon kina Mama."
"Kumusta ang asawa mo?" Nakangiti niyang tanong a babae. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya si emuel na kalaro ang mga pinsan nito. Pero natigilan ra nang mapagkurong pinakatitigan siya nina Liza at ni Renar. May nasabi ba siyang mali? Kinukumusta lang naman niya ang asawa ng kaharap, a?
"Sweetheart, huwag ka ngang magpatawa." Pigil ni Renar ang mapatawa. "Walang asawa si Liza. You're stating the obvious. Iniinggit mo siya niyan, e." Ngumiti na ang lalaki.
Pumiksi naman si Liza. "Huwag kang mag-alala, gugulatin ko na lang kayo. By then, ikaw naman ang maiinggit sa akin."
"Ikaw naman, hindi na mabiro," nangingiti niyang sambot. Ano ba ang alam niya sa kaharap? Ang hirap talaga ng maraming kakilala! "Sandali, pupunta muna ako sa banyo."
Malalaki ang hakbang na tinalikuran niya ang dalawa.
Kailangan niya ang naturang eskapo. Nagkakalat na siya!
Subalit hindi siya sa bany nagtungo kundi sa silid na para sa kanilang mag-asawa. Doon ay kinalma niya ang damdamin. Ang hirap ng sitasyon niya. Hindi pa siya nagtatagal doon nang may kumatok. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto.
"Anything the matter?" Si Renar.
"Medyo sumasakit lang ang ulo ko. Dito na muna siguro ako. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa mga Mama at Papa."
Alumpihit na tumango ang lalaki. "Kailangan mo ba ng gamot?"*
"Salamat, pero kaiinom ko lang kanina ng aspirin," pagsisinungaling niya. Wala na talaga siyang magagawa.
"Binabale-wala konga ang sakit, e." Napansin niyang pinakatitigan siya ni Renar. Parang meron itong gustong itanong sa kanya.
Subalit nagdadalawang-isip ang lalaki.
Maliksi naman siya sa pag-iwas sa nakakakabang titig na iyon ng asawa, kunwaring hinimas ang kanyang noo. Hindi siya magaling sa bagay na ito, pero ginagawa nya ang lahat.
"Dinner will be served soon."
Marahan siyang tumango. "Titingnan ko. But for now, dito na muna ako. Si Lemuel, pakitingnan na rin.
Baka inaantok na iyon."
Alumpihit na tumango si Renar. At lumabas na ito.
Naiwan siyang nagpakawala ng sunud-sunod na paghinga hanggang sa lumuwag ang kanyang pakiramdam. Kung walang asawa si Liza, ano nito ang batang si Dennis na inaanak nila ni Renar? Anak sa pagkadalaga? Ampon? Pamangkin kaya?
MAY NAPAPANSIN si Renar, pero hindi siya sigurado sa kanyang napupuna sa asawa. Ibang-iba ito sa Endela na napangasawa niya at naging ina ng kanilang anak.
Naroon na ang pag-aalala, pagmamalasakit, na hindi niya nakita noon sa babae. She was very lively.
Ano ang silbing walong taon nilang pagsasama para hindi niya makilala ang asawa? Subalit tama bang pagdudahan niya ito dahil lang sa napansing mga pagbabago ni Endela?
Noong makita niya ito sa paliparan, napansin niya kaagad ang tila pagbabago nito. Lalo na nang hagkan niya ay gumanti ito ng halik. Na kung tutuusin, itinutulak siya nito 'pag ginagawa niya iyon-na para bang nandidiri! At ang pakikitungo nito kay Lemuel, sa maigsing oras ay napansin din niya ang pagbabago. Awtomatiko nitong naging mahal ang anak. Asikasung-asikaso!
Ngayon naman, si Liza pa lamang ang nakaharap nito ay nagkulong na agad ito sa kuwarto. Ayaw nang lumabas. Totoo nga kayang sumasakit ang ulo ni Endela?
Pakiramdam niya, ayaw makihalubilo ng asawa sa mga bisita. Hindi ba't gustung-gusto nite ang mga gayong pagtitipon? Malaki talaga ang ipinagbago nito.
Subalit sa nakikita niya ngayon, hindi niya makuhang matuwa. Noon pa niya ninanais na mapagtuunan sila ng atensiyon ng asawa. Sa ngayon, hindi niya maalis ang pagdududa sa kanyang isipan.
BINUKSAN ni Endela ang pinto. Si Renar, may dalang tray ng pagkain. Inilapag iyon ng lalaki sa mesitang kinapapatungan ng lampshade.
"Aliw na aliw si Lemuel sa pakikipaglaro sa kanyang mga pinsan. Dinalhan na kita ng pagkain. Masakit pa ba ang ulo mo?"
"H-Hindi ka na sana nag-abala pa." Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Renar. Lagi niyang nakikita iyon sa asawa simula nang dumating siya. Kinabahan na naman siya. "Kahit papano, nawawala na ang sakit. Ilang sandali pa siguro, puwede na akong bumaba. Gayunpaman, salamat." Nagawa pa niyang ngumiti.
Pero wala na siyang planong bumaba. Maraming bisita na hindi niya kilala, na kilala naman siya. Isa na roon si Liza. Umiiwas siya sa gulong ayaw niyang mangyari. "Ouch...!"
"Sweetheart...?"
Kailangan niyang gawin iyon. "Bumalik na naman ang sakit." Ipinagduldulan niya ang ulo sa unan.
"Ipagpaumanhin mo, Renar, pero sa tingin ko ay hindi na ako makababa pa."
"I can see that."
Marahan siyang tumango.
"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila.
Marami pa naman ang naghihintay sa pagbaba mo. Lahat ng mga kaibigan natin dito ay dumating pa naman."
"I'm sorry."
"Bago ka tuluyang magpahinga, kumain ka muna.
Sige, hindi na ako magtatagal. Maraming bisitang dumating, e." Hinalikan siya sa noo ng asawa at lumabas
na ito.
Kinalma naman niya ang sarili. Hindi niya inaasahan na susugod sila sa San Pablo para sa wedding anniversary
ng mga magulang ni Renar.
Pero sino naman si Romeo sa buhay niya?
Wala siyang ganang kumain. Muli siyang tumayo nang may kumatok. Si Lemuel ang kanyang
napagbuksan. Pinapasok niya ito.
"Pagod ka na bang maglaro?" Subalit iba ang napansin niya sa anak. Para itong lyak. "A-Ano ang problema? Bakit ganyan ang mukha mo?"
"Si Tita Claire...
"Tita Claire?"
Tumango si Lemuel. "Pinagalitan niya ako," pagsusumbong nito. "Marami naman kaming naglalaro, pero ako lamang ang kanyang piningot."

"Piningot?" Hindi umimik ang bata. Para na itong iyak. Nagpapakampi ito sa kanya. At bilang ina, karapatan niyang ipagtanggol ito, lalung-lalo na sa sinasabi nitong Tita Claire. "Sino ba iyon?"
Nagtaka ang bata. "Hindi n' yo kilala si Tita Claire?
•Yung asawa ni Tito James. Nakalimutan n'yo na siya, Mommy?" Hindi ito makapaniwala.
Buti at ito lamang ang kaharap niya. "Saan ba kayo naglaro? Baka naman nakakaistorbo kayo sa mga bisita, anak." Pinaupo niya ito sa kanyang tabi.
"Doon ho kami sa library ni Lolo."
"Baka naman meron kayong ginalaw roon kaya nagalit ang Tita Claire mo?" Subalit may karapatan bang saktan ng babaing iyon ang kanyang anak?
"W-Wala ho."
Napailing na lamang siya; subalit naroon ang ngingit sa kanyang loob. Ipaaalam na lamang niya kay Renar ang nangyari. Idagdag pang hindi niya kilala si Claire, maging si James. "Teka, kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga ho, e." Nakatingin ito sa pagkain sa tray. "Ayoko nang bumaba, Mom, puwede bang iyan na lang ang kainin ko?"
"Sige." Sinubuan niya ang bata. Nagalak naman ito.
Tinanggap ang bawat isinubo niya rito. Makikita ang katuwaan at pagmamahal sa mga mata ng anak para sa kanya.
"Puwede bang dito ako matulog, Mommy?"
Naglambing na si Lemuel.
"Sige." Lihim namang nanikip ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay sabik ito sa pagmamahal ng isang ina. Meron talaga siyang hindi nalalaman!
"Si Daddy, saan siya matutulog?"
"Katabi natin, siyempre."
Pagkatapos kumain, sumaglit ito sa kabilang silid para magbihis. Dala nito ang paboritong unan at kumot nang bumalik doon. "I love you, Mommy,"
"I love you, too." Hinalikan niya ito sa noo. "Good night. Sweet dreams." Nakita niyang ipinikit na ni Lemuel ang mga mata, ang ngiti ay mababanaag sa mga labi nito.
Mabait si Lemuel. Kaya paano ito nagawang pingutin ng babaing nagngangalang 'Claire"? Ano ang karapatan nito na saktan ang anak niya, sabihin pang may kasalanan ang bata?
Subalit hindi siya puwedeng lumabas. Estranghero sa kanya ang mga taong nasa ibaba at nakikipagsaya sa anibersaryo ng mga magulang ni Renar!
NAPAILING si Endela nang malanghap ang usok ng sigarilyong biyenang lalaki. Nangati tuloy ang kanyang lalamunan. Napainom siya ng tubig para matanggal ang kati sa lalamunan niya.
"Kailangan ko bang humingi ng paumanhin, iha?"
"Ho?" Nakatingin sa kanya si Mr. Renato Ledesma.
"Sorry ho, 'Pa, nangati lang ang aking lalamunan." At natigilan siya nang mapansing nakatingin din sa kanya ang asawa at ang biyenang babae.
What's wrong?
"Maraming nagtanong sa iyo kagabi, iha," biglang nasabi ni Mrs. Dolores Ledesma. Katatapos lang nilang magtanghalian. At si Lemuel naman ay humabol ng tulog.
"Pasensiya na kayo, 'Ma, masakit talaga ang ulo ko kagabi," paliwanag niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagtitig sa kanya ng asawa.
"Kailangan n' yo ba talagang umuwi ngayon?" tanong ng matandang lalaki. "Babalik dito mamaya sina James at Claire. Dito sila maghahapunan."
"May pasok ho si Lemuel. Marami naman akong ginagawang trabaho sa opisina. Babalik na lamang kami kapag may oras. Hihintayin lang naming magising si
Lemuel at bibiyahe na kami," tugon ni Renar sa mga magulang.
Ibinaling naman ng matandang ginang sa manugang ang atensiyon. "Akala namin ay hindi ka makakauwi sa anibersaryo namin, iha. Kumusta naman ang kapatid mo?" Biglang namasa ang kanyang mga mata. Nanikip na naman ang kanyang paghinga. Kung may magagawa lamang siya para dugtungan ang buhay ng kapatid.
"Huwag na natin siyang pag-usapan kung ganoon."
Naintindihan naman siya ng ginang. "Pasensiya na, iha.
It must be very hard on your part."
Morahan naman siyang napatango. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa kapatid. Babalutin lamang ng awa ang kanyang puso.
"Maiiwan ko na muna kayo, 'Ma, 'Pa. Ihahanda ko pa ang aming mga gamit. At siguradong mayamaya lang ay gising na si Lemuel. Siguradong hahanapin kaagad ako niyon." Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng napakaraming tinik sa dibdib nang makaeskapo. Hindi niya nagustuhan ang mga mapanuring tingin sa kanya ni Renar.
Kinakabahan siya sa mga titig na iyon ng asawa.
Subalit meron ba siyang dapat na ikabahala? nilagay niya sa bag ang kanilang mga gamit. Malinis na ang kuwarto nang lumipat siya sa kinaroroonang silid ng anak. Tulog pa ito. Inihanda niya ang isusuot nitong damit at inilagay naman sa backpack nito ang mga hindi na gagamitin. At doon na siya nagtagal. Hinintay niyang magising ito.
"BAGO ko nga pala makalimutan, piningot ni Claire kagabi si Lemuel." Bumibiyahe na sila nang isatinig iyon ni Endela. Binasag niya ang katahimikan sa pagitan nila, samantalang nagbabasa naman ng aklat ang bata sa backseat.,
"Bakit?"
Narinig iyon ng bata. Ito ang sumagot sa ama, ikinuwento ang paglalaro ng mga ito sa library room.
Nanumpa itong walang nagawang kasalanan.
Napailing na lamang si Renar.
Nanahimik na rin siya. Galit ba ito sa kanya?
Nakakakaba ang pananahimik na iyon ng asawa. At napansin niyang panay ang hugot nito ng malalim na paghinga.
Nasa San Fernando, Pampanga na sila nang huminto si Renar at pumasok sa isang tindahan. Saglit lamang ito sa loob. Napansin niyang wala naman itong binili roon. Muli silang bumiyahe. Halos sampung minuto na ang nakalipas nang 1labas ni Renar sa bulsa ng pantalon ang isang kahang sigarilyo at isang lighter.
Natigilan siya.
"Hindi mo ba ito hinahanap-hanap?" Sa kalsada nakatuon ang atension nito. "Kahapon pa kita nakitang hindi gumagamit nito."
"Alam mo namang paminsan-minsan lang ako kung manigarilyo, Renar. Naninigarilyo lamang ako 'pag marami akong iniisip at kung tensionado ako.*
Hindi na iyon iginiit ng lalaki.
Subalit sa loob-loob ni Endela, kinakabahan siya. May napapansing kakaiba sa kanya ang asawa. Nagdududa ito sa kanya!
Nahigit niya ang paghinga. Kailangang walang mahalata si Renar. Hindi siya puwedeng mabuko.
Meron siyang ipinangako sa kapatid.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

3M 90.4K 27
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
4M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
Yandere Saiki X Teruhashi A द्वारा

रहस्य / थ्रिलर

3K 20 4
you know the title yep In this au, some actual cannon stuf from the real show isnt cannon here obviously Also Im basing it to the actual yandere sim...
4.4M 276K 103
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...