Play The King: Act Two

By AkoSiIbarra

364K 24.5K 11.5K

["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months... More

ACT TWO: "Play The King"
RECAP: "Play The Queen"
THE HERALD's Front Page (September 20 Issue)
PRELUDE: Avenging Tigers (Alaric)
CHAPTER I: The Fallen Falcon (Reynard)
CHAPTER II: Alaric's Bluff (Castiel)
CHAPTER III: Theater Threats (Fabienne)
CHAPTER IV: Queen's Gambit (Fabienne)
CHAPTER V: Kingside Castling (Castiel)
CHAPTER VI: Falcon and Tiger (Reynard)
CHAPTER VII: Circle the Wagons (Castiel)
CHAPTER VIII: Royal Restraint (Fabienne)
NEWS UPDATE: CCS-CSC CHAIR RESIGNS
NEWS UPDATE: LEXECOM MAJORITY BLOC TO FILE IMPEACHMENT RAPS VS USC PRES, VP
CHAPTER IX: Flipped Like A Coin (Reynard)
CHAPTER X: Severed Strings (Castiel)
CHAPTER XI: Tricky Theatrics (Fabienne)
CHAPTER XII: Opening Shot (Castiel)
CHAPTER XIII: The Future is F?! (Reynard)
CHAPTER XIV: Queen's Gambit (Fabienne)
CHAPTER XV: Alpha Male (Castiel)
CHAPTER XVI: Castle Under Siege (Castiel)
NEWS UPDATE: 6 OUT OF 10 STUDENTS IN FAVOR OF OUSTING USC PRES, VP
CHAPTER XVII: 'T' in Theater Means 'Tea' (Reynard)
CHIKA MINUTE: Silence, Please?
CHAPTER XVIII: Double Check (Fabienne)
CHAPTER XIX: Sacrificial Lamb (Castiel)
CHAPTER XX: Passing the Torch (Fabienne)
CHAPTER XXI: At All Costs (Castiel)
NEWS UPDATE: ONLY 4 OUT OF 10 STUDENTS NOW IN FAVOR OF OUSTING USC PRES
CHAPTER XXII: Nuclear Option (Reynard)
CHAPTER XXIII: Pyrrhic Victory (Fabienne)
NEWS UPDATE: CBA-CSC CHAIR TOPS VP BETS
CHAPTER XXIV: Trouble in Paradise (Castiel)
CHAPTER XXV: Double Trouble (Fabienne)
CHAPTER XXVI: Hand of the King (Castiel)
CHAPTER XXVII: A Heartbeat Away (Castiel)
NEWS UPDATE: NEW USC VP TAKES OATH
OPINION PIECE: USC RHYMES WITH MISOGYNY
OPINION PIECE: MGA MAHIHINANG NILALANG
CHAPTER XXVIII: Insurance Policy (Reynard)
CHAPTER XXIX: Hard Bargain (Fabienne)
CHAPTER XXX: Spare Tire (Castiel)
CHAPTER XXXI: Race is On (Reynard)
CHAPTER XXXII: Pinky Promise (Fabienne)
CHAPTER XXXIII: D-Day (Fabienne)
CHAPTER XXXIV: Four Candies (Castiel)
CHAPTER XXXV: Line of Succession (Castiel)
NEWS UPDATE: USC VP TEMPORARILY ASSUMES PRESIDENCY
CHAPTER XXXVI: Caught By Its Mouth (Reynard)
CHAPTER XXXVII: Sleeping Prince (Fabienne)
CHAPTER XXXIX: Declaration of War (Reynard)
CHAPTER XL: Regency Era (Castiel)
NEWS UPDATE: USC SUSPENDS 3 OFFICERS
CHAPTER XLI: So Much For So Little (Fabienne)
CHAPTER XLII: New Crew (Castiel)
CHAPTER XLIII: Countermeasures (Fabienne)
CHAPTER XLIV: United Front (Castiel)
CHAPTER XLV: Newfound Prey (Reynard)
CHAPTER XLVI: Fallout (Fabienne)
CHAPTER XLVII: Direct Attack (Castiel)
CHAPTER XLVIII: Uncoordinated Response (Fabienne)
CHAPTER XLIX: Poetic Justice? (Reynard)
CHAPTER L: Surge of Hope (Castiel)
CHAPTER LI: Farewell and Welcome Back (Fabienne)
CHAPTER LII: Deja Vu (Castiel)
CHAPTER LIII: Awakened Prince (Fabienne)
CHAPTER LIV: Warning Shot (Reynard)
CHAPTER LV: What Ifs (Fabienne)
CHAPTER LVI: Cheese in the Trap (Reynard)
CHAPTER LVII: Locked in the Crosshairs (Reynard)
CHAPTER LVIII: Return of the King (Fabienne)
CHAPTER LIX: Beating Hearts (Fabienne)
CHAPTER LX: Queen of the North (Fabienne)
CHAPTER LXI: First of January (Fabienne)
CHAPTER LXII: Ticking Bomb (Reynard)
CHAPTER LXIII: Royally Official (Fabienne)
CHAPTER LXIV: Back in the Game (Castiel)
CHAPTER LXV: Tiger's Tail (Reynard)
CHAPTER LXVI: Prior Restraint (Reynard)
CHAPTER LXVII: Shots Fired (Castiel)
CHAPTER LXVIII: Emergency Meeting (Fabienne)
CHAPTER LXIX: Straight from the Heart (Fabienne)
CHAPTER LXX: State of the Race (Reynard)
CHAPTER LXXI: Tea Time (Castiel)
CHAPTER LXXII: Final Stretch (Fabienne)
CHAPTER LXXIII: Popularity Contest (Reynard)
CHAPTER LXXIV: Vox Populi (Fabienne)
CHAPTER LXXV: Curtain Call (Castiel)
EPILOGUE: Necessary Evil
USC Media Briefing: Q&A Portion
Author's Notes
DO NOT READ THIS PART

CHAPTER XXXVIII: Down in the Dumps (Fabienne)

2.9K 238 107
By AkoSiIbarra

FABIENNE

THE NEXT day, no show pa rin Castiel sa USC office. No show rin siya sa kaniyang classes. Geez. What's going on with that guy? Parang 'di siya ang Castiel na nakilala no'n. He wasn't the type to just give up and walk away. Remember when I was about to expose him to Reynard? Ginawa niya ang lahat para magbago ang isip ko. Nilabag pa nga niya ang nakasaad sa non-disclosure agreement at lumuhod pa nga siya sa harapan ko. That guy who wouldn't just leave things hanging was nowhere to be found right now.

He could've run away far from the campus, but I got the feeling na nasa university apartment pa siya. After my classes this afternoon, I decided to go straight there. Tinanong ko muna sa super accommodating guard sa lobby kung napansin niyang lumabas si Castiel. Mabuti't may unique description sa kaniya—ang paika-ika niyang paglalakad at ang hawak niyang walking cane—kaya madali siyang matatandaan. The guard told me na never pa niya siyang nakitang lumabas.

So I rode the elevator and pressed the button going to the fourth floor. Tanda ko pa ang kanilang floor at room number dahil ilang beses din akong pumunta rito para dalhan ng pagkain si Priam no'ng nagkasakit siya. Napasimangot tuloy ako. Just the mere thought of him was enough to make me sad.

I walked down the hallway hanggang sa narating ko ang tapat ng kanilang unit. Kumatok ako ng tatlong beses, pero walang sumagot. Muli akong kumatok, mas binilisan at nilakasan ko pa, pero wala pa ring sumagot. Is no one inside?

"Cas? Nandiyan ka ba? Cas?" Ang suwerte niya dahil willing akong magsayang ng energy at oras para i-check kung kumusta siya. Inilapit ko sa super liit na siwang sa pintuan ang aking bibig para mas marinig niya ang boses ko sa loob. "Cas? Si Fab 'to!"

Pero wala pa rin akong natanggap na sagot. Sunod kong pinagsabay ang katok at tawag sa pangalan niya. Ayaw kong gumawa ng eksena rito, lalo na't baka may katabing tenants siya na nagre-review o nagpapahinga, kaya 'di ko masyadong tinodo ang katok at tawag. Baka maisyu pa ako na nang-iiskandalo sa tahimik at payapang university apartment.

Ten minutes later, 'di pa rin ako pinagbuksan ng pinto at wala pa ring sumagot. May tao pa ba sa unit na 'to? Teka! Baka may nangyari sa kaniya? Baka nadulas siya habang naliligo sa banyo 'tapos nabagok ang kaniyang ulo? I sniffed twice. Wala pa naman akong nade-detect na masangsang na amoy mula sa loob. Kung sakaling aksidente siyang namatay o namatay siya sa gutom, paniguradong umaalingasaw na ang amoy at nagreklamo na ang kapwa tenants niya. So he must still be alive.

I wished that I had the strength to bring down this door. Kahit ilang beses ko sigurong pagsisipain o i-body slam ang pinto, it wouldn't budge open. In emergency cases like this, isa lang ang solusyon na naiisip ko. Agad akong bumaba sa lobby at muling kinausap ang pandak na guard. He was so accommodating to me, so this was gonna be easy. I used my acting skills to convince him na buksan ang pinto sa unit ni Castiel. I told him na baka may nangyari na sa kakilala ko—I wouldn't use kaibigan, by the way—kaya kailangan na namin siyang i-check. As expected, he seemed so convinced by my acting kaya kinuha niya ang spare card key at sinamahan ako pabalik sa taas.

Click!

Tumunog ang lock at bumukas na ang pinto. Maingat ko 'yong itinulak papasok. Wala namang bumungad na masangsang na amoy sa 'min kaya malamang ay buhay pa si Castiel . . . unless wala talaga siya rito in the first place. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid, naghahanap ng sign na may tao.

Thank goodness, he's still alive! 'Di na namin kinailangang i-check ang bawat kuwarto para tingnan kung nando'n siya. We found him lying on the couch, wrapped in a thick blanket. Mukha siyang lumpiang shanghai sa sobrang balot niya. May pumapasok na liwanag mula sa bintanang 'di natatakpan ng kurtina, but I turned on the lights para mas malinaw namin siyang makita. Sobrang gulo ng buhok niya, halos kumikinang na dahil sa pagiging greasy. 'Di niya suot ang kaniyang horn-rimmed glasses. Sobrang namayat ang mukha niya, may mga tumubo na ring mustache at beard.

Napasimangot ako. 'Di ko naiwasang mahabag sa itsura niya. He looked so miserable.

"Kuya Guard, ako na pong bahala rito," sabi ko sa aking kasama. Pinasalamatan ko muna siya bago ko isinara ng pinto.

Muling natahimik sa unit, tanging tunog ng mga yabag ko ang aking dinig. Kaming dalawa ng missing-in-action na acting president ang naiwan sa loob. Lalapit na sana ako sa couch na kinahihigaan niya, pero bigla akong nahinto dahil may naamoy akong 'di maganda. My goodness, he stinks! Ilang araw na kaya siyang 'di naliligo? Kumakain pa ba siya? Halos litaw na ang cheekbones niya.

"Cas," malumanay kong tawag. I still couldn't forgive him for what he did to me, pero isasantabi ko muna ang nararamdaman ko sa ngayon. Kung tutuusin, puwede ko siyang pabayaan. Puwede akong manood sa sidelines at panoorin ang pagbagsak ng plano niya kagaya ng pagbagsak ng mga pinagpatong-patong na nakatayong baraha. But I couldn't. 'Di kakayanin ng konsensiya ko.

Nakamulat ang mga mata niya, pero 'di nagawi ang tingin niya sa 'kin. Nabingi na rin ba siya dahil sa sobrang gutom?

"Cas," muli kong tawag. Tiniis ko na ang amoy niya at lumapit sa kaniyang couch. "Bumangon ka na riyan. Kailangan ka ng USC."

"Go away," mahinang tugon niya. "Leave me alone."

Napalagay ang mga kamay ko sa baywang kasabay ng pag-irap ng mga mata ko. Ako na nga 'tong nagmamagandang loob 'tapos 'di pa niya na-appreciate ang effort ko? He got no idea about the courage and restraint it took me para pumunta ako rito at kausapin siya. I could just let him rot in this room. I could just leave him alone gaya ng gusto niya. But again, I couldn't.

"Bumangon ka na riyan." Hinablot ko ang dulo ng kumot at hinila palayo sa kaniya. Halos sumama ang katawan niya papunta sa direksiyon ko. "Alam kong mabigat ang pinagdaraanan mo, pero walang mangyayari kung magkukulong at magmumukmok ka rito."

"Just leave me alone," ulit niya.

Muli kong hinatak ang kumot, pero hinila niya pabalik sa kaniya. He was looking thinner than before, pero may puwersa pa pala siya para lumaban.

Mukhang wala na akong choice kundi gamitin ang magic word. "Kapag 'di ka bumangon diyan, parang hinayaan mo nang manalo si Alaric. Gusto mo ba 'yon?"

"Let him win then. I no longer care."

Nagngitngit muna ang mga ngipin ko bago puwersahang hilain ulit mula sa kaniya ang kumot. Biglang umalingasaw ang amoy niya kaya napahakbang ako paurong. I rushed to the windows and opened them para mawala 'yon. He desperately needs to take a bath!

"Hanggang dito ka na lang?" naaasar kong tanong. "After everything you put me through, after everything you put Yam through, basta-basta ka susuko? Parang isa kang bata na itinapon ang mga laruan mo porke't 'di mo nagustuhan ang sitwasyon mo ngayon."

"This is what Priam would have wanted anyway." He curled up in a fetal position on the couch. "This is what you would have wanted, too. You should be happy."

"Happy?" Muli ko siyang inirapan. Nakapameywang na naman ako. "Sa tingin mo ba'y magiging happy si Priam kapag nalaman niya kung ano'ng ginagawa mo ngayon? In-appoint ka niya bilang vice 'tapos 'di mo gagampanan ang tungkulin mo?"

"My appointment is a punishment. He even said it himself."

"Maybe it is, but that's not all! In-appoint ka niya sa posisyon na 'yon dahil alam niyang kaya mong gampanan ang duties at responsibilities sakaling may mangyari sa kaniya. Ikaw nga, tinanggap mo ang appointment, 'tapos ngayon tatakbuhan mo? Mas matutuwa siya paggising niya kapag narinig niyang in-assume mo ang trabaho niya habang wala siya."

"Do you think he will ever wake up?"

Napahawak ako sa aking dibdib. Ouch. May biglang kumirot sa puso ko. That question stung so deep, it almost reopened a wound that I'd been trying to heal since two weeks ago. Ayaw kong isipin. Ayaw kong i-entertain. My mind filtered any thoughts na related do'n.

Huminga ako nang malalim—mabuti't nabawasan na ang amoy—at umupo sa katapat niyang couch. Napansin kong may naglalawa na ang mga mata niya. He acted so tough and clever throughout the past few months, pero alam pa pala niya kung paano maiyak.

"Of course, he will!" masigla kong sagot. Sinabayan ko pa 'yon ng pilit na ngiti. "He's Priam. Mas kilala mo dapat siya kaysa sa 'kin. 'Di niya hahayaang magtagal siya sa coma dahil alam niyang may trabaho pa siya sa USC—"

"It's been almost a year since my sister Cassidy fell into coma," biglang singit niya. Nabura ang ngiti sa labi ko. "Hanggang ngayon, 'di pa rin siya nagigising. Paano kung pareho ang mangyari kay Priam? Paano kung matagalan bago siya gumising? Paano kung hindi na siya gumising?"

Biglang bumigat ang dibdib ko na parang dinadaganan. I got up and went near the windows. Sandali kong isinara ang aking mga mata at ilang beses akong huminga nang malalim para mawala ang paninikip. Muli na naman akong inatake ng tanong na 'yon.

Napaka-weird nga. Priam wasn't even my real boyfriend, pero sobrang affected ko sa nangyari sa kaniya. Sobra ang magiging impact sa 'kin sakaling may mangyari sa kaniya . . . sakaling 'di na siya magising.

The only thing I was holding on was the chance that he'd wake up someday. Puwedeng ngayon. Puwedeng mamaya. Puwedeng bukas. Puwedeng sa susunod na araw, linggo, buwan, o taon. Pero hangga't may possibility na gumising siya—kahit gaano man kaliit—ayos na sa 'kin. Ang importante'y makita ko ulit na nakamulat ang mga mata niya at nakangiti ang labi, at marinig ang kaniyang boses. That's all I was hoping for. That's all I was praying for.

"Cas, please 'wag kang maging masyadong nega!" Sinubukan kong labanan ang kalungkutan na namumuo sa isip ko. "Iba ang nangyari sa kapatid mo at kay Yam. Posibleng iba rin ang maging outcome. Just keep praying that one day he wakes up."

"It's my fault why he's in a coma," halos bumubulong na siya. Sinabayan pa niya ng pagsinghot. "It's all my fault why this happened to him. If I didn't . . ."

Tama siya. Kasalanan talaga niya kung bakit nangyari 'to kay Priam. Doble na ang atraso niya sa 'kin, pero willing akong i-set aside 'yon para subukang ayusin ang sitwasyon. Base sa conversations namin ni Priam, 'di niya basta-basta pababayaan si Castiel. Willing pa nga siyang bigyan 'to ng second o third chance.

"'Di ikaw ang humawak ng patalim at sumaksak sa kaniya." Muntik na akong ma-choke. Na-imagine ko na naman ang scene kung saan inundayan ng saksak si Priam. It could always make my eyes well up with tears kapag sumasagi 'yon sa isip ko. Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Pero ako ang nagbigay ng dahilan para saksakin siya ni Brandon," dugtong ni Castiel. "I may not have held the blade, but I was equally as guilty as the one who stabbed him with it."

Sa ikalawang pagkakataon, tama na naman siya. Mabuti't inaako na niya ang responsabilidad at 'di siya nagbigay ng lame excuse para umiwas sa accountability. Naiintindihan ko kung bakit niya dinidibdib 'yon. Pero sobra yata to the point na nakalimutan na niyang alagaan ang kaniyang sarili. Sa bagay, kapag super depressed ang isang tao, nakalilimutan na niyang gawin ang kaniyang mga nakasanayan. No'ng halos gumuho ang mundo ko dahil sa tsismis na inumpisahan niya, ilang araw din akong 'di nakakain nang maayos.

"Kung talagang kinakain ka ng guilt mo, 'di sa ganitong paraan mo dapat pagbayaran ang kasalanan mo." Lumapit ako sa couch na kinahihigaan niya. Nakatalikod siya sa 'kin. "You acknowledged that you did something wrong? Good. That's the first step. Pero ano'ng gagawin mo after n'on? Magmumukmok sa madilim at mabaho mong unit?"

'Di siya sumagot, pero patuloy ang pagsinghot niya.

Lumapit pa ako sa kaniya at tumayo sa bandang ulunan niya. "Priam gave you a second chance, kaya nga 'di ka niya tinanggal sa USC matapos niyang malaman na ikaw ang mastermind sa pagpapakalat ng rumor tungkol sa 'kin. He held on to the belief that you're capable of change. Ilang beses ko na siyang kinontra do'n, pero ilang beses din niyang in-assure sa 'kin na kaya mong magbago. If you wanna atone for your sins, change. That's the right thing you can do."

"I'm a lost cause, Fabienne. I hurt people who are important to me." Umangat sa 'kin ang tingin ng mga namumugto niyang mata. "I even hurt you. All for the sake of my plans. I always think that it's justified, that the ends always justify the means. But does it even matter in the end? For what purpose will it serve if I win the game, but lose the people around me? I lost you. Now I might even lose Priam. All because of my schemes."

Ilang segundo rin akong natahimik at umiwas ng tingin mula sa kaniya. If he didn't pull off that fake rumor stunt, we could've been friends. Real friends. I couldn't see any reason kung bakit 'di kami puwedeng maging magkaibigan whether maging successful o hindi ang Oplan First Lady. But he risked our potential friendship. Itinaya niya 'yon sa isang sugal. May napanalunan nga siya, pero nawalan naman ako ng tiwala sa kaniya. That's the price he had to pay.

"I know you're feeling super guilty, but sulking in this room won't change anything." Binasag ko ang halos nakabibinging katahimikan. "Again, it's not yet too late for you to change. Mukhang natuto ka na sa mga pagkakamali mo. Ngayon, gumawa ka na ng mga tamang desisyon. Kumilos ka nang 'di na malalagay sa peligro ang mga kaibigan at kakilala mo. Once you do, maybe . . . we can be friends again."

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya, nalagyan ng kaunting liwanag ang kaniyang mukha.

"Don't get me wrong," agad kong kambiyo. "I'm still angry at you for what you did to me and the mess you got Yam into. Kung pinairal ko ang galit ko sa 'yo, walang mangyayaring mabuti sa 'kin. Mas bibigat lang ang pakiramdam ko. Kaya instead na sugurin ka rito at ipamukha sa 'yo kung gaano ka kawalang-kuwentang tao, mas pinili kong kausapin ka at i-convince na bumangon."

"Fabienne . . ."

"Yam believes in you," dugtong ko. "Kahit 'di ako one hundred percent na siguradong kaya mong magbago, ayaw kong i-dismiss ang possibility kahit .01 lang 'yon. Ayaw ko ring i-dismiss ang possibility na maayos natin ang ating relationship. I don't like what you did and how you do things. But if you correct your mistakes and change your ways, I may consider changing my mind."

Namayani na naman ang katahimikan sa unit. Biglang gumaan ang pakiramdam ko, parang nawala na ang bigat sa aking dibdib na lagi kong dala-dala kapag dumaraan siya sa isip ko. Maybe I also needed to have this one-on-one conversation with him. 'Di ko man naipadama sa kaniya ang sakit na idinulot niya sa 'kin, nailabas ko naman ang ilan sa mga gusto kong sabihin sa kaniya. The wound he inflicted in me remained fresh. All it needed to heal was time and him changing for the better.

"If you can't do it for yourself right now, then do it for Priam." Inalok ko ang aking kanang kamay sa kaniya. "If you can't do it for Priam alone, then do it for him and me."

Tinitigan muna niya ako bago siya bumalikwas mula sa pagkakahiga at umayos ng upo. Then he held my hand. Maingat ko siyang hinila mula sa couch para makatayo siya.

"But first," napasinghot ako, "you need to take a bath."

NEXT UPDATE: The LEXECOM starts their first session in the second semester.


Continue Reading

You'll Also Like

24.2K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
78.9K 3.8K 36
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2.5M 190K 33
Gabriel is sick and Shane is beside her during her ups and downs. But with both of them losing time and connection, will they be able to pull off an...