Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 25

37 4 0
By Aimeesshh25

Kabanata 25

Kabado ako habang bitbit ang mga pinamili ko sa palengke bago dumiretso sa bahay. Nasa may kanto pa lang ako ay ilang tricycle driver na ang nang-uto sa akin para sa kanila sumakay, pero mas mahal kasi kapag hindi sa kanto magmumula ang tricycle.

Isang malaking eco bag ang bitbit ko at sukbit ko naman ang bagpack sa likod. Ayaw ko sanang umuwi ngayong pasko, dahil magiging malungkot si Jerace ngayon lalo pa at hindi pa rin sila nagkakabalikan ni Drain. Kaso wala naman akong magagawa dahil lalo lang magdamdam si Papa..saka si Ate George.

Napangiti ako nang maalala na nagiging mabuti na ang sitwasyon namin ni Ate George. Sa halos apat na buwan ay palagi siyang natawag na hindi ko inakalang posible pa lang mangyari.

Bago ako bumyahe kanina, ginising ko muna si Jerace para magpaalam. Mahigpit ang yakap nito sa akin at sinabing mag-enjoy raw ako at bumalik sa 26. Natatawa pa nga ako dahil halata na naiiyak siya.

"Punasan mo muna luha mo," pang-aasar ko.

Napanguso ito at maya-maya'y humikbi na. Nagulat ako.

"C-Chenny, sama na lang ako sa'yo, puwede?" Aniya habang pinupunasan ang mga luha.

"Paano sina Ma'am Kate?" Umupo ako sa kama niya at nakitulong na rin sa papupunas ng kaniyang mga luha. "Babalik din naman ako sa 26, dalawang araw lang ako roon, o kaya kahit sa 25 ng hapon."

"Talaga? Video call tayo mamayang noche buena ah?" She smiled.

Tumango ako. "Makipag-ayos ka na kasi kay Drain, ilang buwan ka na ring hinahanabol noon."

Natigilan siya at maya-maya'y ngumiti ng malungkot sa akin. "B-Bukod sa nahihiya ako sa kaniya, hindi ko pa kaya siyang harapin."

Nakakaintindi akong tumango at ilang beses pang nagpaalam bago niya ako pakawalan. Pinagbaon niya pa ako ng sobrang daming pagkain na ako na nga lang ang nagbalik ng iba sa kusina nila noong hindi siya nakatingin. Binigay niya na rin ang regalo sa akin at nagulat pa ako nang makitang two piece swimsuit iyon! Sila raw dalawa ni April ang pumili kaya dapat daw akong magalak.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang kawayan naming gate. Dahan-dahan akong lumapit doon at binuhat iyon para hindi makaladkad ang lupa. Hindi kasi iyon mabubuksan kung itutulak lang, lalo at basa ang lupa. Tiyak akong maulan dito sa amin dahil buwan ng Disyembre.

Umihip agad ang malamig na hangin na nagpataas sa mga balahibo ko. Kinuha ko muna ang eco bag bago ako tuluyang pumasok sa loob. Hindi pa man ako nakakalapit sa hagdan paakyat ng pintuan ay dinig ko na ang malakas na tunog sa loob, mukhang nagpapatugtog sila.

May lumabas sa pinto kaya natigilan kami pareho. Lumawak ang ngiti ni Ate George nang makita akong paakyat pa lang sa hagdanan!

"Chen!" Sigaw nito at mabilis na bumaba.

Kinabahan pa ako dahil baka sumala ang mga paa niya sa hagdan.

"Dahan-dahan, Ate George," suway ko sa kaniya.

Agad niyang kinuha ang eco bag na bitbit ko at ngingiti-ngiting pinagmasdan ako. Umiwas ako ng tingin, hindi ako sanay na ganito siya sa akin.

"Ilang buwan kitang hindi nakita ah?" Ramdam ko ang ilang niya. "S-Sa tawag ko lang, naririnig ang boses mo."

Ngumiti ako. "Ako rin, Ate George."

"Lalo kang gumanda," nahihiyang aniya at iginiya na ako paakyat. "Nariyan si Mama, pero paalis din 'yan maya-maya, nag-aayos ngayon eh." Bulong niya.

Nang makapasok kami ay bumungad sa amin si Samuel na natigilan nang makita ako sa likuran ni Ate George. Nagtatakang tumingin si Ate sa kaniya bago sa akin.

"Narito ka pala, bunso," he smiled that made me uncomfortable. "Hindi mo naman sinabi Georgia."

"At bakit naman kailangan mo pang malaman?" Umirap si Ate at hinila na ako papunta sa kuwarto ko malapit sa may kusina. "Siraulo talaga ang kupal na 'yon."

Nangunot ang noo ko at taka siyang tiningnan. Inis niyang sinarado ang pinto ng kuwarto ko at nilock iyon.

"Huwag kang lalapit doon kay Sam, Chen ah?" Bulong niya sa akin at ipinatong na ang eco bag sa kama ko.

"Ah, para sa inyo iyan."

"Eh?" Gulat niya iyong tiningnan at binuklat. "Salamat, Chen. Nag-abala ka pa, eh sigurado akong marami ring dala si Papa, mamaya."

Ngumiti lang ako at inalis ang bag sa likuran. Ipinatong ko iyon sa kama. Nangunot ang noo ko nang may isang plastic na cabinet ang nakalagay sa gilid ng bintana.

"Ah.." she cleared her throat. "Dito muna kasi ako natutulog noong wala ka, Chen." Mahinang sambit ni Ate George. "Pasensya na, galit ka ba?"

Napakurap-kurap ako at tarantang umiling sa kaniya. "H-Hindi, Ate, nagulat lang ako na nakuha mong matulog dito."

Nahihiyang ngumiti ito sa akin at pumunta sa harapan ko. "Huwag mong babanggitin ito kay Papa ha?"

Kumalabog ang dibdib ko. Tumango ako sa kaniya at hinintay siyang magsalita.

"Napansin ko kasing parang nag-iiba si Samuel," mahinang aniya at tumingin pa sa pinto ko.

Kinabahan agad ako nang banggitin niya ang pangalan ng lalaking huling tao kong titingnan.

"Hindi ko rin alam sa sarili ko eh.. pakiramdam ko kasi, hindi na ako ligtas kapag malapit ako sa kaniya," mas hininaan niya ang boses at hinila ako palapit sa may bintana. "Mas gusto niyang mag sex kami kapag nariyan si M-Mama."

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha? Anong-"

"H-Hindi ko rin alam, Chen. Sabi niya sa akin, mas gusto niyang may nakakarinig," umiwas siya ng tingin sa akin. "Binalak kong makipaghiwalay sa kaniya dahil napansin kong, sa kaniya binibigay ni Mama ang pera naming dalawa, pero hindi siya pumayag, lalong hindi pumayag si Mama."

"B-Bakit sa kaniya? Edi ba, ayos naman kayo ni Mama? At bakit hindi siya papayag?"

"Hindi ko nga alam. Saka oo, ayos kami ni Mama, kaya nga hindi ko maintindihan bakit mas pinagkakatiwalaan na ni Mama iyang si Samuel, kumpara sa akin!" Namula ang mga mata niya at umiwas ng tingin sa akin. "Nahuhuli ko rin siyang..madalas nasa wall mo sa Facebook, tinititigan niya ang mga pictures mo."

Halos manghina ako nang narinig iyon sa kaniya. Tumulo ang luha ni Ate George nang nagtama ang paningin namin.

"Sa ngayon, iiwas tayo hangga't maaari, okay? Pero hindi natin ipapahalata, sinabi ko lang na mas may signal dito sa kuwarto mo kaya, nandito ako natutulog."

Lumambot ang puso ko sa hitsura niya ngayon. "Ate George, sumama ka na lang kaya sa akin?"

Napakurap-kurap siya. "P-Paano si Mama?"

Natigilan ako. Bumuntong siya at hinawakan ang kamay ko. "Sarili mo muna ang intindihin mo, Chen. Hayaan mo na kami rito, gustuhin ko mang umalis dito..hindi ko rin maiwan si Mama. Kahit ganoon na siya sa akin ngayon, mahal ko pa rin siya..kahit mas napabor na siya ngayon kay Sam at iritado na rin siya sa akin."

Namula ang mga mata ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ang ganitong salita sa kaniya samantalang halos patayin niya na ako sa inis niya sa akin dati.

"Tumatanda na rin si Mama, Chenniah. Ayaw ko siyang saktan, kapag iniwan ko siya."

Tahimik kami ni Ate George habang nagluluto ng mga handa para mamayang noche buena. Nakita na rin ako kanina ni Mama at nagulat lang siya na umuwi raw ako, buti na lang hindi niya ako binungangaan dahil katabi ko si Ate George.

Panay ang pag-aligid ni Samuel kay Ate habang nagluluto ito. Samantalang naglilinis naman ako ng mga kalat sa kusina, at nang pumasok ang lalaki ay lumipat ako sa may sala.

"Samuel, ano ba!" Dinig kong mariin na suway ni Ate rito.

Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglilinis nang makitang galit na naglakad ang lalaki palapit sa kuwarto nila. Nagtama ang paningin namin. Unti-unting nag-iba ang ekspresyon nito.

Tumingin ito sa may kusina at akmang lalapit sa akin nang lumabas si Ate George sa may kusina.

"Halika rito, Chen, tulungan mo ako rito," mariing aniya habang nakatingin sa akin. Pansin ko rin ang pangangatal ng mga labi niya.

Tumalima ako at halos matisod pa sa pagmamadali. Hinila agad ako ni Ate sa may lababo at ngumiti sa akin.

"Huwag kang aalis sa tabi ko ah?" Mahinang bulong niya at nagpatuloy na ulit sa pagluluto.

Tahimik ako habang pinagmamasdan ang kakaibang katauhan ngayon ni Ate George. Parang hindi siya, parang bagong silang siya ngayon. Hindi ko alam kung kailan pa siya natutong magluto at hindi niya talaga ako pinakilos man lang. Tinimplahan niya pa ako ng gatas at aniya'y magpahinga na lang daw ako at darating na raw si Papa, baka raw mapagalitan siya kapag nakita akong naglilinis.

Natawa ako roon pero hinayaan na lang siya. Maya't-maya ang paglapit niya sa akin sa tuwing ipapatikim ang sauce ng spaghetti.

"Ate?"

"Hmm?" Tumingin siya sa akin, may sauce pa ang sa may bandang pisngi niya.

"Bakit ayaw mo na lang paalisin dito iyon?" Tukoy ko kay Samuel.

Natigilan ito at hindi agad nakasagot. Saglit niya pang hinalo ang sauce bago hininaan ang apoy at lumapit sa akin.

"M-Mahal ko siya, Chen eh. H-Hindi naman kasi siya ganiyan noong nakilala ko," she let out a huge sigh. "Kahit anong isip ko na.. iwan, paalisin siya, o sirain na lang siya kay Mama.. hindi ko magawa kasi saan siya pupulutin? Tayo na ang nagsilbi niyang pamilya," namula agad ang mga mata niya.

Hindi ako nagsalita at tahimik na lang na tumango sa kaniya.

Love. It is the most powerful and lethal weapon that could win a war. In almost any field, as long as love is involved, victory is certain. Kahit nga minsan ang maling gawain basta pagmamahalan ang idinahilan, magwawagi.

Kasi sabi nila, kailan ba naging mali ang pagmamahal?

Kahit ang pinakamasamang tao, pagmamahal ang dahilan bakit humahantong sila sa ganoong gawain, kasalanan o sitwasyon.

Kaya nakakatakot pala talagang magmahal, kasi ang mga bagay na malinaw sa'yo noon, unti-unti nang nagiging malabo..o baka naman dinadaya lang tayo ng mga sarili natin? Malinaw naman talaga siya sa umpisa, pero tayo lang sadya ang nagpapalabo, dahil hindi natin matanggap na nag-iiba sila.

People change. Change is the only constant thing in this world. Change is bound to happen, it's inevitable.

At sana, mayakap natin ang pagbabago ng buong mundo kasabay ng mga tao.

Masaya ang sumunod na mga oras sa akin, lalo pa noong dumating si Papa kasama si Mama. Hindi man ako pinapansin ni Mama ay nakuntento na lamang ako sa hindi niya pananakit o kaya'y panenermon sa akin. Pinagmasdan ko lang si Ate George na nagbalik ulit sa kung paano ko siya nakilala nang magharap-harap na kami sa hapag-kainan. Katabi ko si Papa sa gilid na katabi naman si Mama, at sa harapan namin si Samuel at Ate George.

Maaga na kaming kumain kahit hindi pa naman noche buena. Nakarami rin ako kahit walang lasa ang ibang niluto ni Ate George. Nang matapos ay ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinggan, sinamahan pa ako ni Ate at sabay na kaming pumasok sa loob ng kuwarto ko nang makapaghinaw sa labas.

Kinuha ko ang cellphone at doon ko lang nakita ang dami ng missed calls at texts sa akin ni Axel.

Napanguso ako nang muling nag appear ang pangalan niya sa screen kaya tumayo agad ako at binuksan ang bintana.

Lumabas naman si Ate kanina kaya mag-isa ako rito.

"Hmm?" Sagot ko at tumingin sa kalangitan.

"Anong hmm? Hindi mo sinasagot ang tawag ko," hindi nakalagpas ang tampo na lumukob doon.

Natawa ako. "Sorry, busy kasi ako pag-uwi, hindi ko na napansin ang cellphone."

"Tsk. Ano pa bang magagawa ko? Ikaw na 'yan eh."

Lalo akong tumawa nang naimagine na baka ngumunguso na ang lalaki.

"I miss you," he whispered. "Sana kayakap kita ngayon, ang lamig-lamig ng pasko ko."

"Arte naman, kakakita lang natin kahapon eh."

"Kahapon pa 'yon eh! Iba naman ang ngayon," he sighed. "Kumain ka na ba?"

"Yup, katatapos lang. Ikaw ba?" Humilig ako sa bintana at pangiti-ngiting tumingin sa kalangitan.

"Tapos na rin saka nag-iinom sila ngayon sa labas. Nandito kasi mga pinsan ko, sina Drain narito rin."

Tumango ako. "You're drinking?"

"K-Kanina, boss."

I chuckled. "Ayos lang naman, bakit parang kinakabahan ka pa?"

"Galit ka ba na nag-iinom ako?"

"Occasionally lang naman eh."

"Yup, hindi naman lagi diba?" He chuckled. "Video call nga tayo."

"Luh, wag na. Ibababa ko na rin ito at matutulog na ako."

"Ang bilis naman, Chenny!" Palatak niya. Dinig ko pa ang pagpadyak nito. "Sige na, patingin muna ng maganda mong mukha."

Napairap ako. "Sige, ikaw na tumawag."

"Okay, bye muna baby!"

Ibinaba niya ang tawag kaya nagbukas na ako ng data. Hindi pa man nagl-loading lahat ay nag appear na agad ang pangalan nito sa messenger ko!

Sinagot ko agad iyon at itinapat agad ang mukha sa screen.

Lumawak ang ngiti nito sa akin at huminga pa ng malalim. "Ang ganda talaga. Paano ko naman, hindi mamimiss 'yan?"

Nag-init na naman ang mga pisngi ko. "Siraulo."

"Grabe!" Tinuro niya ako. "Baby, bad 'yang dila mo ah. Bad."

"I miss you," mahinang sambit ko para tumigil siya sa pagtataray sa akin.

At hindi naman ako nagkamali. Unti-unti nang ngumuso ang mga labi nito at umiwas ng tingin sa screen.

"Sige nga kung miss mo ako, pakiss?" Natatawang aniya.

"Paano naman?" I rolled my eyes.

"Sa screen, tapat mo cheek mo here," he pointed his screen.

Tumawa ako sa kalokohan niya pero sumunod rin naman. Tinapat ko ang cheek sa cellphone at nakarinig na lang ako ng pagkiss sa kabilang linya!

Nakakahiya! Really, Chenniah?! Gumaganito ka talaga!

"Namumula ikaw, baby oh?" Tumawa ito at ngumuso pa sa akin at narinig ko na naman ang pagkiss nito sa hangin.

Matagal pa bago ako nakapagpaalam kay Axel, ilang suyuan at ngusuan muna bago ito pumayag. Parang magjowa na kami kung umasta ang isang 'to.

"Labyu baby, merry talaga ang Christmas ko," aniya bago pinatay ang tawag.

Tuloy ay ngiting-ngiti ako nang nakatulog ng gabing iyon.

Nagising ako nang paulit-ulit na tumunog ang cellphone ni Ate George. Kinusot ko ang mga mata at sinilip siya sa ibaba. Tulog na tulog pa ito at mahigpit ang hawak sa kumot. Bumangon ako at dahan-dahan na inabot ang cellphone niya at pinatay ang alarm doon.

5AM. Ang aga niya naman mag alarm? May pupuntahan ba siya?

Sandali ko pa siyang pinagmasdan at napangiti na lamang. Hindi maiikailang may sama ng loob ako sa kaniya, lalo pa noong mga panahon na palihim niya ako kung kurutin, siya rin minsan ang nagiging dahilan bakit mas napapagalitan ako ni Mama, tinanggap ko iyon kasi ang nasa isip ko, mas matanda naman siya at siguro..mas tama siya.

Ngunit habang tinitingnan siyang magpakumbaba ng ganito sa akin ay hindi ko matanggap.

I'm happy that she's treating me better and she have changed so much but I can't help to feel sad for her. It was like, she was humbled by the situations and perhaps the pain of betrayal by her own person–our mother.

Hindi siya sanay na may ibang kinakampihan ang noon ay siya lamang ang nakikita, kaya isa rin siguro iyon bakit nagbago ang trato niya sa akin. Pakiramdam niya ay naintindihan niya ako kahit sa maikling panahong iyon. Pakiramdam niya..ay ako ang kakampi niya.

She moved a bit, I covered my mouth, scared that she might wakes up.

Namasa ang gilid ng mga mata ko nang mapansin ang kakaibang pasa sa gilid ng mukha niya. Sigurado akong kagabi lamang iyon noong nagpaalam siyang lalabas, dahil wala pa iyon noong kumakain kami kagabi.

Nalungkot din ako nang maramdam ko ang pagkailang at pagkahiya niya sa akin, sinabi ko kasing sa tabi ko na siya matulog pero aniya ay mahihirapan daw ako, mas mabuti raw na makatulog ako sa mas maayos na higaan at makapagpahinga.

Hindi ako sanay na ganito si Ate George. Hindi ako sanay na nagpapakumbaba siya sa akin ngayon..mas nasasaktan ako sa ganoong tanawin.

Inayos ko ang kumot niya at muling tiningnan ang cellphone niya kung may nakaset pa siyang alarm, at nang makitang wala na, inilagay ko iyon sa gilid at lumabas na ng silid.

Bumungad sa akin si Papa na nagkakape na agad sa may lamesa. Tulala ito habang sumisimsim ng kape.

"Magandang umaga, Papa. Merry Christmas," nakangiting bati ko at lumapit sa kaniya.

Gulantang pa ito na parang hindi inaasahan ang presensya ko saka unti-unting sumilay ang ngiti nang umupo ako sa harap niya.

"Maligayang pasko, Jamie. Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" Akma itong tatayo nang pigilan ko. Ipagtitimpla na naman kasi ako ng kape.

Puwede naman kasing ako na ang gumawa niyon.

"Opo! Ang ganda ng electric fan, bagong-bago! Kaso hindi namin nagamit ni Ate, ang lamig kasi kagabi," ani ko habang sinasalinan ng kape ang tasa.

"Masaya ako na nagkakasundo na kayo ng Ate George mo," mahinang aniya. "Kumusta pala ang naging kaarawan mo? Hindi mo man lang ako pinahintulutang makita ka."

Natigilan ako. Nilingon ko si Papa at mukhang malungkot nga talaga siya.

"Papa, pasensya na po, naging busy kasi ako eh," kinagat ko ang dila nang maalalang nasa condo ako ni Axel. "T-Tsaka..naging masaya naman po ako ng birthday ko, may nagbigay ng cake sa akin."

"Hmm? Sino iyan? Lalaki?" Nanliit ang mga mata niya sa akin. "Lalaki ba 'yan, Jamie?"

"A-Ah, opo, papa..kakilala ko."

Tumawa ito at umiling. "Ipakilala mo rin sa akin, tiyak akong hindi lang iyan isang kakilala."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumango na lamang kay Papa.

Panay ang kuwento niya sa akin ng mga gawain niya roon sa bahay ng mag-asawang Mendoza. Malawak daw ang rantso roon at isa raw siya sa nag-aalaga ng mga kabayo, tuwang-tuwa si Papa habang nagkukuwento kaya naman hindi ko napigilan ang pagiging emosyonal.

"Pangarap ko iyon noon eh," I could feel his happiness. "Iyong mag-alaga ng maraming hayop tapos magkapera at bigyan ng magandang buhay ang magiging anak ko, kasi hindi ko iyon naranasan noong bata," tumawa si Papa. "Palibhasa'y grade 5 pa lang nagtrabaho na, may sakit ang Lolo mo noon."

Saglit na umiwas ng tingin si Papa sa akin.

"Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin natutupad. Napagaya ka pa sa akin," he sighed, trying to contain his emotion. "H-Hindi ka rin nakatuloy sa pag-aaral.. patawarin mo ako, Jamie."

Tumulo ang luha ni Papa. Kumirot ang dibdib ko.

I hope that if a parallel world exists, he can do what he truly wants because he's just a little child—a scared child who wishes the best for his family.

I can't imagine that when he's my age, he might have been terrified by the uncertainty of his future. Perhaps, he was like me, a scared little child with no one by his side.

In my case, I have someone I can rely on, but for him, he had none.

Hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa kaniya kahit na hindi niya ako naiipaglaban kay Mama, o hinahayaan niya si Mama na gawin iyon sa akin. Noon, masakit, pero dahil siya lang ang tanging nakakaintindi sa akin at nagsilbing kakampi ko, hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

Pero habang pinagmamasdan siya ngayon, naiintindihan ko siya, silang lahat.

Naiintindihan kong baka noong ganitong edad nila..wala silang kakampi. Wala silang mapagsabihan.

Pero ako, kahit nasaktan nila ako, meron pa rin akong naging kakampi. Meron pa ring nakikinig sa akin at isa si Papa roon.

At ipinapangako kong..kapag nagkaanak din ako, babaguhin ko ang nakasanayan. Puputulin ko ang sinulid ng hiya sa paghahayag ng nararamdaman.

Continue Reading

You'll Also Like

15K 336 35
XAIVER ACOSTA the proffesional Doctor who discover cure of virus Meets the rugged flight attendant who's have a virus. Her name is ZAIRA MAE RAMZ Cur...
805K 72.4K 37
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...
1.2M 15.4K 52
NOT EDITED YET Gracie Owen's a headstrong journalist major rooms with her childhood best friend JJ Anderson for junior year, little does she know she...
652K 54.4K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...