Testing the Waters

By riathebeloved

2.3K 180 31

One forgotten night. Two not-so-strangers ended up in a shotgun wedding. Would the newlyweds be able to work... More

Testing the Waters
PROLOGUE
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 1

168 14 2
By riathebeloved

CHAPTER 1

"H-hindi 'yan ang ibig kong sabihin. I . . . I mean y-you can help me with this p-pregnancy w-without us g-getting m-married. I-I won't c-cage you in a loveless marriage j-just like what happened to Marcus and Katelyn. W-we c-can think of a-another way . . ."

Tuluyang napabitaw si Ethan kay Keira dahil sa sinabi niya. Naging seryoso ang mukha ng binata, halatang tutol sa narinig.

Keira was not that close with Ethan. She only knew him because the Monteros were their family friend, and he was her brother-in-law's best friend. Bilang sa daliri ang mga naging interaksyon nila dahil tahimik na tao ang ang binata at hindi rin si Keira ang klase ng tao na mag-uumpisa ng usapan hangga't hindi kailangan—tulad ngayon.

Pero masasabi niyang mabait itong tao. He was a real gentleman. Tahimik lang ito ngunit palangiti kaya naman bago kay Keira ekspresyon nito ngayon.

"Another way? Like what?" he challenged her.

Sandali siyang natahimik at napaisip. Nang wala siyang maisagot ay muling tumikhim ang binata.

"I won't let our child grow without a complete family. Whether we remember what happened three months ago, or not, we still did the thing together. We'll face the consequences together and getting married is one of those."

"P-pero . . . I've witnessed how my twin and Marcus' marriage fell apart . . . A-ayokong—"

"Their story is different from us. They were arranged marriage. They didn't marry each other because they were having a baby," mahinahon ngunit may puntong saad ni Ethan.

Keira hated the fact that he had a point.

"But they didn't have a choice back then," she insisted.

Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ni Ethan saka sandaling napasentido.

"Do you think we'll still have a choice if our families will know that I got you pregnant?"

Nangibot muli ang mga labi ni Keira dahil may punto na naman ang sinabi ni Ethan. Naiiyak na napayuko na lang siya.

"Marriage is a sacred thing. It's no joke. I-I'm scared."

"I view marriage same as yours, but we'll make it work for the baby, okay?" marahan nitong saad saka pinunasan ang kaniyang mga luha. "We'll tell everyone over the dinner later. For now, you should freshen up and rest. I'll take a half-day leave today. Hintayin mo na ako, ihahatid kita pauwi."

Ethan was about to walk out of the comfort room when Keira tugged his sleeve.

"Can you take away the coffee when you go? I don't like the smell of it, I'm sorry . . ." she said in a small voice.

Saglit na napatitig si Ethan kay Keira bago tumango.

"Is that the reason why you threw up?"

Keira pursed her lips and nodded.

"Oh, I'm sorry. I didn't know . . ." Ethan said apologetically. "I heard from my married cousins that pregnant women are sensitive to odors. Ano pa ang mga amoy na hindi okay sa 'yo?"

Sandaling napaisip ang dalaga sa mga bagay na ayaw niyang maamoy.

"So far, sa amoy garlic at coffee pa lang naman nag-react ang tiyan ko. Hindi naman ako gan'on ka-sensitive sa mga amoy."

Ethan nodded his head—as if he took a mental note of what Keira said.

"Okay, I'll take note of that. Sige, maiwan na muna kita para makapag-ayos ka na. Ilalabas ko na rin yung coffee."

"You can drink the coffee outside if you want, ha . . . Sorry, ayaw lang kasi ng baby yung amoy."

Natigilan ngunit saglit na napangiti at napailing ang binata sa sinabi niya.

"It's okay. I'll leave now so you can do your thing. I'll see you outside."

Tumango si Keira saka pinanood na lumabas ng comfort room si Ethan. Mabuti na lang at may nhagip ang kaniyang paningin na mouthwash sa cabinet sa taas ng sink kaya nakapagmumog siya nang maayos bago naghilamos ulit at nag-ayos ng buhok niyang nagulo.

Paglabas niya ay nakaupo na si Ethan sa upuang iniwan niya kanina habang hawak ang mga laman ng envelope na dala niya kanina. He was so engrossed looking at the papers that he did not notice her presence. Napaangat lang ang tingin nito nang huminto siya sa mismong harapan nito.

"Oh, you're done already," anito saka ibinaba ang hawak sa ibabaw ng coffee table. "I hope you don't mind, pinakialaman ko ang medical results mo. Sorry."

Umiling si Keira.

"Okay lang."

Ipapakita niya rin naman iyon sa binata mamaya kaya ayos lang, nabawasan na ang gagawin niya.

"Here," kinuha nito ang isang pack ng plain na biskwit at isang bottled water na hidi malamig. "I heard these could help to lessen morning sickness and vomiting. Saka para magkaroon ng laman ang tiyan mo ulit kahit kaunti."

Iniabot nito ang mga iyon sa sa kaniya na agad niya namang tinanggap.

"Thank you . . ." Keira shyly said.

Mabuti na lang at hindi na rin amoy kape ang hangin sa loob ng opisina, bagkus ay amoy air freshener na iyon. She felt a warm hand touched her heart.

Tumango si Ethan bago umusog sa kinauupuan. Iminuwestra nito ang space sa tabi nito saka muling tumikhim.

"Come, sit. How are you feeling?" pangungumusta nito.

"Better. Thank you for asking," sagot ni Keira saka pinihit pabukas ang takip ng bote ng tubig.

Saglit siyang uminom para pawiin ang kaunting hapdi sa lalamunan ng acid na umakyat doon dahil sa pagsusuka niya kanina. Tumango naman si Ethan bago ibinalik ang atensyon sa tinitignan nitong medical results at sonogram niya.

Keira opened the pack of biscuit and started to eat. Bigla kasing kumalam ang sikmura niya dahil sa kawalan ng laman niyon. Isuka niya ba naman kasi lahat ng kinain niya kanina sa banyo.

Hinayaan niya lang si Ethan sa ginagawa nito ngunit hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang mga emosyong naglalaro sa mga mata nito habang nakatingin sa mga papel na hawak. Maya-maya ay nilingon siya nito. His eyes were full of emotions.

"Thank you, again for choosing to keep the baby. Thank you for telling me about the pregnancy," sinserong anito habang hawak ang sonogram niya. Napahinto tuloy ang kamay niya sa ere na may hawak na kapirasong biskwit. "Kailan ang next check up mo? C-can I come with you?"

Napakurap-kurap si Keira saka ibinalik ang biskwit sa pakete nito bago sumagot.

"Sabi ni doc, balik daw ako sa kaniya after two weeks. Sure, p-pwede ka namang sumama. Thank you."

Nangingiting tumango ang binata.

"The fetus was so small. Ang cute," anito saka tinuro ang maliit na fetus sa sonogram na hawak. "Narinig mo na ba yung heartbeat niya?" There was a hint of excitement in his voice.

Saglit na napakunot ang noo ni Keira. Kanina niya lang sinabi kay Ethan na buntis siya pero natapos lang siyang mag-ayos ng sarili at nakita lang nito ang sonogram niya ay biglang parang naging excited agad ito na magkakaanak sila mula sa gabing parehas naman nilang hindi matandaan. Hindi iyon ang inasahan niyang reaksyon na makukuha mula kay Ethan.

"Oo, kahapon. I have a recording. G-gusto mong marinig?"

Nagliwanag ang mukha ni Ethan.

"M-may I?" parang batang tanong nito na tila ba nagpapaalam sa magulang kung puwede itong maglaro sa labas.

Keira smiled and nodded. Kinuha niya ang phone mula sa bag niyang nasa hindi kalayuan. Nakita niyang may iilang texts at missed call sa kaniya si Katelyn kaya bago niya hanapin ang recording ay sandaling ni-reply-an niya muna ang kakambal.

She gave her an update. Baka mapraning kasi ang kapatid niya kapag hindi niya ito binalitaan.

'I'm okay naman. Thank you. Don't worry. We've talked na. Sa bahay ko na lang ikukuwento.'

Pagkatapos niyang mag-text ay ipinarinig na niya ang dapat marinig kay Ethan.

"Let's go?" anito pagkatapos pakinggan ang recording.

Nalilitong tiningnan niya ang binata.

"H-huh? Saan?"

"Ihahatid na kita pauwi," anito saka ibinalik sa kaniya ang phone na hawak nito.

"I thought you'll finish your work muna?" nagugulugang tanong niya saka inabot iyon.

"I changed my mind. Ngayon na lang kita ihahatid."

"O-okay? Sige, tara."

Hindi na rin masyadong nagtanong si Keira. Inayos niya na lang ang mga gamit. Ganoon din naman ang ginawa ni Ethan.

"Thank you for making me hear our baby's heartbeat," anito nang matapos mag-ayos ng mga gamit.

"W-wala 'yon."

A long comfortable silence followed. Naglahad ito ng kamay pagkatapos ng ilang sandali. His hand felt cold when Keira held it. Hindi alam ng dalaga kung bakit nanlalamig ang mga kamay nito ngunit hindi na siya nagtanong pa.

Inalalayan siya ng binata palabas ng opisina. Ethan drove her home.

***

"THANK YOU everyone for coming despite of the late notice. Please have a seat," magalang na ani Ethan matapos batiin ang buong mag-anak ng mga Aragon, kasama na si Marcus na kararating lang sa family mansion ng mga Montero.

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang magkaibigang sina Marcus at Ethan. The former already knew the news. The latter told him earlier over the phone. Ngunit hindi naman na nagulat si Marcus sa balita dahil nasabi na rin dito ni Katelyn ang tungkol doon kagabi—habang inaaway ito ng asawa.

Natatawang napailing si Romualdo Aragon saka tinapik ang balikat ng binata.

"Ayos lang, hijo. Salamat din sa imbitasyon. Tungkol nga pala saan ang sasabihin mo?"

"Let's talk about over dinner na lang po, Tito. Isi-serve na rin po ang appetizers."

Tumango naman ang ama nina Katelyn at Keira bago naupo sa mahabang lamesa sa dining room. Naroon din ang buong pamilya ni Ethan na sa hinuha ni Keira ay may alam na kung anong mayroon sa gabing ito.

"Ano'ng nangyari sa labi mo, hijo? Ayos ka lang ba?" concern na tanong naman ni Irene, ang ina ng kambal.

Doon lang napatingin si Keira kay Ethan at napansin niya ang pasa sa gilid ng labi nito.

"Wala lang po ito, Tita. Malayo po sa bituka. I'm okay po."

She had a hint where Ethan got the bruise, and it made her more nervous about the things that could happen that night. Kilala niya ang daddy niya.

Rinig na rinig ng dalaga ang lakas ng pagkabog ng puso niya dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. Kahit wala namang naaamoy na mabaho ay pakiramdam niya ay anytime ay pupuwede siyang masuka dahil sa sobrang kaba.

Bago magsimula ang hapunan ay nagdasal muna sila sa pangunguna ni Elisa Montero—ina ni Ethan. Sandaling nagkumustahan muna ang lahat habang naghahapunan bago binuksan ni Ethan ang topic na kanina pa nagpapakaba kay Keira.

"Tito Rome, Tita Irene . . . the reason why invited your family over dinner is because I want to ask your permission po."

Napakunot ang noo ni Romualdo.

"Permission para saan, hijo?" tanong nito.

Huminga nang malalim ang binata bago tumingin sa direksyon ni Keira. Saglit silang nagkatinginan bago ito tumayo at lumapit sa kinauupuan niya. Inalalayan siya nitong tumayo at hinayaan niya lang ito dahil wala pa man ay nanginginig na ang kaniyang mga tuhod. Her hands were clammy. Pinagpapawisan na rin siya nang malamig.

Nasa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat—naghihintay sa susunod na mga mangyayari.

"Permission to have your daughter's hand in marriage po. May I marry your daughter . . . Tito, Tita?"

Napasinghap ang mag-asawang Aragon, at maging si Katelyn. Hindi naman kasi ikinuwento nang buo kanina ni Keira ang mga napag-usapan nila ni Ethan.

"A-ano kamo, hijo? Hinihingi mo ang kamay ni Keira? B-bakit? I mean . . . Bakit kasal agad? Wait . . . I'm so confused, hijo. Can you enlighten us, please? May relasyon ba kayo ng anak namin nang hindi namin alam?" naguguluhang saad ni Irene.

Umiling si Ethan saka humugot ng hininga.

"We . . . we don't have any relationship po, Tita . . . But I got her pregnant. Pananagutan ko po si Keira at ang magiging anak namin."

"Ano'ng sinabi mo?" Romualdo's serious and dangerous voice boomed around the room.

Napatayo ito sa kinauupuan. Ang kaninang maaliwalas na ekspresyon ay napalitan ng dilim. Parang kahit anong oras ngayon ay handa na itong manuntok.

Naramdaman ni Keira na bahagyang nanginig ang kamay ni Ethan na nakahawak pa rin sa kamay niya. Napalunok ang binata bago muling inulit ang sinabi.

"I got your daughter pregnant, Tito. I'm sorry . . . I'll make it right po. Pananagutan ko po ang—"

Napatili si Keira nang mabilis na lumapit si Romualdo kay Ethan at inundayan ito ng isang napakalakas na suntok. Napasubsob ang huli sa sahig kaya napabitaw ito sa kaniya. Kahit may edad na ay malakas pa rin ang kaniyang ama, lalo na at aktibo ito sa sports na kickboxing.

Napatayo ang lahat dahil sa gulat sa bilis ng mga pangyayari. Inasahan na ni Keira na magagalit ang kaniyang ama ngunit hindi niya inasahan ang mabilis nitong pagre-react at panununtok.

Akmang susuntukin pa ulit ni Romualdo si Ethan nang humarang si Keira at tumayo naman si Marcus para umawat. Lumapit na rin sina Irene at Katelyn para pakalmahin ang nakatatandang Aragon.

"D-Dad, stop, please! We could all talk about it without violence. W-we can explain. Calm down, please . . ."

Ngunit imbes na kumalma ay lalo pang nagliyab ang mga mata ng kaniyang daddy dahil sa galit.

Lumapit na rin ang mga magulang ni Ethan para alalayan ito.

"How can I calm down, Keira? This man got you pregnant!" Nanggigigil na dinuro nito si Ethan na ngayon ay nakatayo na. "At ano kamo iyon? Ni hindi mo nobyo! Ano bang nasa isip n'yong dalawa? Mga wala bang kayong kahihiyan? Saan kami nagkulang ng mommy mo sa pagpapalaki sa 'yo?"

Nag-umpisang manggilid ang mga luha ni Keira. May talim ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama.

Akmang ipagtatanggol niya ang sarili nang magsalita si Armando Montero.

"Alam kong galit ka—katulad namin kanina, kumpadre, pero pakinggan mo muna ang paliwanag ng mga bata," kalmadong anito.

Ilang beses na huminga nang malalim si Romualdo bago inayos ang sarili. Hinagod-hagod din ni Irene ang likod ng asawa para pakalamahin ito.

"You two better explain before we plan the wedding," may diing ani Romualdo.

"Mabuti pa, sa study na lang tayo mag-usap-usap," suhestiyon ni Elisa.

Marami pang mga sinabi ang ginang ngunit hindi na iyon naunawaan ni Keira dahil nagsimula nang umikot at magdilim ang kaniyang paningin. Ang huling narinig niya na lang ay ang matinis na tili ni Katelyn bago siya tuluyang nawalan ng malay.

***To be continued***

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 98.2K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
2.2M 57K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
3.1M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...