South Boys #5: Crazy Stranger

Od JFstories

2.3M 150K 68.5K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... Více

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 33

42.9K 2.8K 1.6K
Od JFstories

YOU ARE NOW CONNECTED WITH ASHER JAMES PRUDENTE. Send him a message!


Kandakumahog ako sa pagpulot ng phone ko. Pagbukas ko ay ang notif naman sa chat. Kailangan ko ba talaga siyang i-message ngayon na na-accept niya na ako? Ano ang sasabihin ko? Thanks for the accept?


Puwede rin naman siguro na 'wag na? May ganoon naman. Basta ina-accept ang request, basta nagiging friends sa social media, pero walang pag-uusap, di ba?


Sa kaso ko nga lang ay kailangan na magkausap kaming dalawa. Kakapalan ko ang mukha ko na kumustahin siya at pakiramdaman siya. Kailangan ko kasing malaman kung kailan siya uuwi at kung posible nga ba siyang maimbitahan. Ah, bahala na. Pero hindi muna ngayon. Pag-iisipan ko muna ang sasabihin ko sa kanya.


Paiinitin ko rin muna ang pagiging friends namin. Hindi naman puwede na pagkatapos ma-accept ay mangumusta agad ako. Baka mamaya ay isipin niyang kaya ako nangungumusta ay dahil uutangan ko siya.


E, biglang dumulas iyong daliri ko at napindot iyong letter S. Buburahin ko na dapat nang biglang enter naman ang mapindot ko. Na-send na. Hala, baka kung ano ang isipin niya!


S for small? E, imposible iyon! Noon pa nga lang, dangerous na, what more na lang ngayon? Maraming changes na nagaganap sa sa loob ng anim na taon!


S for ano kaya? Sup? Ang corny niyon. S for smile? Parang tanga naman iyon. S for shoot kaya? Ahg! Ano ba kasi ang puwedeng salita sa S?!


Kaysa mag-isip ay hindi nag-iisip na in-unsent ko na lang. Ang kaso, nakikita nga pala kapag na-unsent. Napasubsob na lang ako sa unan ko. Hindi naman niya siguro mamasamain, ano?



HINDI AKO MAKATULOG!


Anong oras na? Dapat tulog na ako dahil may pasok pa bukas, pero paano nga ba ako makakatulog nito?! My phone beeped. Hindi ko kasi pinatay ang data. Napabalikwas agad ako ng bangon. Wala akong nakakausap sa chat maliban kay Renren, wala ring kahit anong notif na natatanggap dahil inactive ako. Pero sa mga oras na ito ay tiyak na hindi si Renren ang dahilan ng beep. Ang babaeng iyon ay tulog na sa mga oras na ito. Mahalaga roon ang beauty rest.


Namilog ang mga mata ko nang makita na kay Asher galing ang chat! Nag-reply siya sa unsent message ko kanina!


Asher James: ?


Question mark?


Nag-type ako ng reply. Me: Sorry, wrong send.


Asher James: *thumbs up*


Ouch. Okay lang, deserve ko ito.


Magre-reply pa ba ako sa thumbs up niya? Samantalahin ko na bang nagre-reply siya? Kumustahin ko na kaya siya? Tanungin kung may GF siya? Kung sila ni Lou? Babanggitin ko na rin agad ang tungkol kay Mama? Muli kong nasabunutan ang aking sarili. What the heck, Lai?!


Naisipan ko na lang na hanapin ang sagot sa aking mga tanong sa pamamagitan ng pagtingin sa wall niya. Kahit pa sabihing walang malisya kung sakaling hihingi ako ng pabor na papuntahin siya rito, pangit pa rin iyong tingnan kung sakaling may girlfriend siya.


I looked at his wall. Wala naman siyang kahit anong post na may kinalaman kay Lou o kahit sa sinong babae. Bihira siyang mag-post. Umaabot ang dalawang buwan na wala siya kahit shared post. Iilang pirasong post lang tungkol sa games na kanyang nilalaro at ang tagal na ng mga petsa.


I also noticed that there weren't many tags on him. Parang imposible na wala dahil sa wall ni Lou ay ilang beses itong nag-post ng may kinalaman sa kanya, pero bakit hindi niya ina-accept? O baka masyado lang siyang busy para isa-isahin ang notification niya.


Ako nga bago niya i-accept ay inabot pa muna ng siyam-siyam. Siguro nga ay busy siya. Nagbinata na, nag-mature, naging busy na.


Dahil hindi pa inaantok ay nalibang ako sa kaka-scroll sa wall niya kahit wala naman akong gaanong makita. Sa kaka-scroll ko ay umabot na ako hanggang sa noong graduation niya. Dito ay may ilang tagged na sa kanya mula sa account na Ason Agoncillo-Prudente. May Facebook na pala ang nanay niya.


Sa isang photo ay kasama ang nanay at tatay niya. He was in the middle. Ang tatay niya ang may suot ng graduation hat niya, kaya kita ang ulo niya, at mukhang hindi siya nakadaan sa barbero. Ang aking mga labi ay maliit na napangiti. Bagay rin talaga sa lalaking ito ang hindi semi calbo. Lalo sa ganitong may ilang hibla pa ng bangs sa gilid ng kanyang sentido. Guwapo...


Ang ngiti ko ay nauwi sa paglabi. Guwapo siya sa ganito pero mas cute siya kapag semi calbo. Mas mukha siyang bad boy pero sa malinis na paraan, sa mabangong paraan, sa nakakagigil na paraan. Natigilan ako sa naiisip at agad na napailing. Shoot, ano ba iyon?!


Nagmamadali na akong umalis sa wall niya kung saan nakarating na sa nakaraang taon pa. Ito na nga, paalis na, ang kaso ay umeksena pa ang ang daliri ko. Oh, shoot! Nagsarili! Bigla ko na lang na-tap ang like button nang walang pasabi!


Na-like ko ang photo ni Asher noong graduation niya! Natatarantang in-unlike ko iyon agad-agad! Sana hindi niya nakita! Pero makaka-receive ba siya ng notification kung sakali? Sana ay hindi!


Beep. Nanigas ako nang makatanggap ng notification. Pero agad ding nakahinga nang maluwag nang makitang hindi siya iyon. Si Mama pala. Gising pa ito. Gumawa ng sariling social media at ngayon ay in-add ako.


Nag-chat ako kay Mama. Sinabihan ko na matulog na ito. Pero hinayaan ko na lang din. Baka sa ganitong paraan ay malibang si Mama, kaya okay na rin. Basta bukas ay hihigpitan ko na ito at bibigyan ng limitasyon. Hindi ito dapat masyadong magbabad sa gadget dahil hindi rin naman maganda ang lahat ng makikita nito sa Internet.



BAKIT NGITING-NGITI SI MAMA KINABUKASAN?


Pagbaba ko para pumasok sa trabaho ay nagtaka ako dahil ngiting-ngiti nga si Mama. Parang ang saya-saya habang naghahain ng almusal sa mesa. Natuwa naman din ako. "Good morning po, Mama," bati ko.


"O? Papasok ka na sa trabaho?" nakangiti pa ring tanong niya.


"Opo." Lumamlam ang mga mata ko dahil naaalala niya ngayon na nagtatrabaho na ako. Niyakap ko siya. "Ma, ano pong gusto niyang pasalubong pag uwi ko?" Things had gotten a lot harder in the past weeks, kaya sa mga ganitong pagkakataon ay talagang naa-appreciate ko.


Gumanti si Mama ng yakap sa akin. "Anak, 'wag mo nang galawin ang budget mo. Tipirin mo iyon at malayo pa bago ka sumuweldo ulit. Okay naman ako rito. Ang dami ko ritong stocks lagi. Tapos dinalhan pa ako ni Tita Judy mo kahapon ng mga prutas."


Dumaan nga pala si Tita Judy rito kahapon. Nagpapahanap kasi ako rito ng puwedeng kunin na kasambahay. Dagdag gastos iyon dahil kailangan kong bayaran buwan-buwan, pero kakayanin ko para lang may makasama rito si Mama habang nasa trabaho ako.


Dumulog na kami sa hapag ni Mama para sabay na mag-almusal. Tinulungan ko siya na magligpit pagkatapos. Nag-alarm din ako sa phone niya kung kailan siya iinom ng gamot, iinom ng tubig, matutulog. Bukod doon ay nagdikit din ako ng mga sticky notes sa paligid para dagdag guide niya kung sakali.


Inihatid niya ako sa pinto. Good mood pa rin siya kaya nagtanong na ako. "Ma, bakit po parang ang saya-saya niyo ngayon?"


"Wala lang naman, anak. Masaya lang ako na makitang maayos ang mga naging kinabukasan niyo."


"Po?" Natigilan ako. 'Niyo'? Sino ang tinutukoy na iba ni Mama?


"Ikaw." Hinaplos niya ako sa pisngi. "'Kita mo na, kahit napa-stop ka ng isang taon sa kolehiyo, nakatapos ka pa rin. Hindi ka pa nga lang nakakapag-board exam, pero ang importante ay nakatapos ka at mabilis kang natanggap sa trabaho."


"S-sino pa po ang isa?" may kabang bumangon sa dibdib na tanong ko.


Napabungisngis si Mama. "Aba'y sino pa? E, di si Tutoy! Nakakagulat at nakaka-proud, akalain mo iyon? Seaman na pala ang boyfriend mo ngayon!"


Doon bumagsak ang panga ko. "M-Ma, paano niyo nalaman?"


"Sinabi niya sa akin!" may pagmamalaki pang sagot ni Mama. "Ang kurso pala na kinuha niya ay BS Marine Engineering. Nakapasa siya agad sa board. At alam mo ba? Pangalawang sampa niya na pala, iyong una ay OJT domestic. Napakahirap daw makasampa. Hindi pala basta-basta. Hindi siya nagpa-backer sa tatay at tiyuhin niya, pero sa awa ng itaas ay sinuwerte siya. Ngayon ay nasa labas na siya ng bansa bilang cadet!"


Nakatanga lang ako kay Mama habang nakangiting nagkukuwento siya.


"Akalain mo naman talaga, ano? Sabi ko na nga ba at may mararating ang batang iyon. Matiyaga, may utak din, at masipag. Ang daming graduate sa maritime, ang dami nila kaya ang hirap umakto. Nadaan lang daw niya talaga sa sipag, tiyaga at pagdarasal. Suwerte na lang na napunta siya sa tamang kompanya."


Hanggang sa nakaalis na ako sa bahay ay tigagal pa rin ako. Gaano katagal ni Mama nagka-chat ni Asher kagabi para malaman niya ang ganoon karaming detalye tungkol dito?!



TO SEND OR NOT TO SEND?


Iyan ang mahigit twenty minutes nang pinagbubuhusan ko ng pag-iisip. It was around breaktime when I went online. Ngayon ay patapos na ang break pero nakatitig pa rin ako sa aking naka-type na chat para kay Asher. Isi-send ko nga ba talaga ito? Okay, huminga ako nang malalim. Isi-send ko na. Kailangan. Pikit ang isang mata nang i-tap ko ang enter. And voila! Sent na!


Me: Hi! Still remember me? Lai from Sunterra. Nabanggit ni Mama na nagka-chat kayo kagabi. I'm sorry kung nakulit ka niya. :)


Na-send na. Hindi pa naman siguro niya mababasa—


Biglang na-seen! Nakailang kurap yata ako kung totoo ba o hindi. Hindi naman kasi siya online. O hindi kaya naka-hide lang ang status niya?


Hindi pa ako nakakabawi ng pagkataranta sa seen niya nang makitang 'typing' siya ng reply. Parang ang mahigit tatlong minuto ng typing niya na yata ang pinakamatagal na sandali ng buhay ko. Sa paghihintay ay nagkabutil-butil na ang pawis ko sa sentido.


Ano ba? Gaano ba kahaba at ang tagal niya iyong i-send? Tensyon na tensyon na ko kung ano ba ang balak niya sa aking sabihin. Galit ba siya? Naiinis ba siya sa pangungulit ni Mama? Pagsasabihan niya ba ako na—


Asher James: NP.


NP? Napakiling ang ulo ko pagkabasa niyon. Sa tagal ng typing niya ay iyon lang pala ang kanyang sasabihin? Saka ano iyong NP? Ah, oo nga pala, no problem nga pala ang ibig sabihin niyon.


Asher James: How's she?


Oops! He sent another message! How's she? Si Mama, kumusta raw ba? Tama ba? Para kasing bigla akong natanga. Iyon bang parang hindi ko maintindihan ang tanong niya. Para akong hindi nakakaintindi ng english. Yup, that level of kabobohan.


Namanhid na ang aking pisngi sa kakatampal ko bago ako natauhan. Doon pa lang ako nag-isip nang isasagot sa kanya. This was my chance to tell him about Mama's condition. I chose to be direct.


Me: Thank you for asking. Actually, Mama is not ok. She has young-onset Alzheimer's.


At doon na nagsimula ang komunikasyon namin ni Asher. Mga simple at maiiksing tanong lang naman na lahat ay may kinalaman kay Mama. Tungkol kay Mama lang. Wala nang iba.


It was nice to think that despite everything that happened in the past and the fact that he had nothing to do with us now, Asher still cared about my mother. Kahit busy ay naglalaan siya ng panahon na kumustahin si Mama kapag dadaong ang barko nila sa kung anumang bansa.


Asher James: How's your mother?


Nagulat ako nang pag-out sa trabaho ay nakatanggap ako ng message galing sa kanya. Two weeks din kasing wala kaming pag-uusap, ngayon na lang ulit siya nangumusta kay Mama. Nakadaong daw pala sila ngayon sa Malaysia.


Nagpatuloy ang pag-ch-chat namin. Kaswal na palitan ng chat. Tungkol pa rin kay Mama. Hindi naman kami nagtatagal sa pag-uusap, kaya hindi ko rin sa kanya nadedetalye ang mga pangyayari kay Mama. Sinasabi ko lang na hinahanap nga siya.


Asher James: I'm going back to the Philippines next week.


Muntik akong matalisod nang mabasa ang chat niya. Uuwi siya?


Asher James: Maybe I should pay your mother a visit. What do you think?


Ano ba ang dapat sabihin? Dapat isagot? Of course I wasn't affected so my reply was: 'Ikaw, bahala ka.' Para lang naman kasi talaga ito kay Mama. Then I tapped send. And that was when I began staring at my phone calendar every single day.



WOULD I TRULY BE SEEING HIM AGAIN?


Sabado. Ngayong araw ang sinabi niya. Oo, siya. At ngayon nga ay titig na titig ako sa aking kabuuhan sa harapan ng salamin. Ilang beses yata akong nagpalit ng damit. Hindi ko rin maintindindihan ang sarili kung bakit ko nga ba ito ginagawa?


Oo, pupunta siya. Nagsabi siya na pupunta siya. Pero hindi pa sigurado kung ngayon nga. Kung matutuloy ba. Kahapon lang siya bumaba ng barko, uunahin niya ba na magpunta rito?


Syempre ay magpapahinga pa siya. Gusto niya rin namang makasama ang pamilya niya, mga kaibigan, at kung meron man siyang special someone. Hindi kami dapat umasa ni Mama na mapaglalaanan niya agad ng panahon. Posible pang magbago ang isip niya depende sa mga mangyayari.


Malamang na busy siya dahil ni wala nga rin siyang update. Huling chat niya ay noong nakaraan pa. Kahit ganoon ay umasa pa rin si Mama. Hindi talaga nito nakalimutan. O posibleng binabasa nito ang chat nila palagi. Ayan tuloy, pati ako ay hindi na mapakali. Hindi ako magkandaugaga sa pag-aayos ng sarili. Hindi ko na rin alam kung bakit ko nga ba ginagawa ito.


Itim na plain maxi dress na lang ang napili kong suutin. Ang buhok ko ay basta ko itinaas pa-bun. Naglagay ako ng manipis na make up, pero binura ko rin agad. Bakit ba ako magpapaganda? Ako rin ang nahiya sa ginawa ko, kaya ito, nagpulbo at nag-lip gloss na lang ako.


Habang nakatingin sa salamin ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa aking sarili. Napakurap-kurap ako sa mga pagbabagong nakikita ko. Hindi lang ang pisikal kong anyo, kundi pati pagkilos at pananaw ko. From a twenty-year-old thin, pale woman who always had pimples on her forehead, I was now a twenty-six-year-old woman who, although still thin and pale, but somehow had a curvier body than before.


My behavior and perspective had also changed. I could say that I had matured over the years. Pero ako pa rin naman ito. Mas naging matatag lang ako. Sa dami ng pinagdaanan ko, namin ni Mama, at ng pamilya namin, ay sino nga ba ang hindi tatatag? Mapapansin kaya ni Asher ang mga pagbabago kong ito? At sa kanya? Ano-ano na nga kaya ang nagbago sa kanya? Hanggang sa pagbaba sa sala ay dala-dala ko ang mga tanong.


"Wala pa ba ang boyfriend mo?" boses ni Mama mula sa likuran ko ang pumukaw sa akin.


Tumingin ako sa labas ng sliding window. Madilim na. Kung tutuusin ay dapat oras na ng dinner, pero wala pa rin ang taong itinatanong sa akin ni Mama.


Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang makitang ang saya ni Mama habang naghahanda ng mga plato—tatlong plato. Talagang umaasa ito. Paano ko nga ba sasabihin dito na posibleng hindi na dumating ang inaasahan nito?


Palapit na ako kay Mama nang biglang tumunog ang doorbell namin. Napapitlag ako sa gulat at sabay pa kami ni Mama na napatingin sa pinto. Habang si Mama ay mas lumawak ang pagkakangiti, ako naman ay tila gigiba ang dibdib sa kaba. Dumating nga ba talaga siya?!


Si Mama ay nanguna sa pagbubukas ng pinto. At nang marinig ang tuwa sa boses ni Mama ay doon na ako lalong pinanlamigan. "Tutoy!"


Tutoy... Iisang tao lang ang tinatawag ni Mama sa ganoong pangalan. Ang ex boyfriend ko, si Asher James Prudente.


Nahugot ko ang aking paghinga nang mula sa pinto ay pumasok ang isang matangkad, moreno, at semi calbo na lalaki. Napakalinis tingnan sa suot na puting shirt at faded baston jeans. Ang makinis na mukha ay bahagyang pangahan, ang bridge ng matangos na ilong ay mataas, ang mga kilay ay itim na itim at makakapal, at ang mga labi ay maninipis at natural na mapupula.


"Laila, andito na ang boyfriend mo!"


Napalunok ako nang tumingin sa akin ang guwapong lalaki. Ang ngiti sa mapulang mga labi niya para kay Mama kanina ay naging malamig nang magtama ang aming mga mata.


"H-hello..." Kahit halos hindi ko mahanap ang aking boses ay sinikap kong batiin siya.


Humakbang siya palapit sa akin at ganoon na lang ang pagsinghap ko nang halikan niya ako sa noo. "Hi." Maaligasgas ang buong-buo na boses niya.


Ang boses niya ay lalong lumaki at tumigas na halos hindi ko na makilala.


Niyaya na kami ni Mama sa dining. Nauna ang lalaki na sumunod habang ako ay naiwan sa kinatatayuan na tila isang tuod. Parang panaginip. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nandito nga siya.


Hindi nagbabago ang saya ni Mama nang nasa dining na. Masayang-masaya ito habang kumakain kami. Ngayon na lang ulit si Mama naging ganito. Marami itong kuwento, mga paulit-ulit na pangyayari na naganap noon.


Ang lalaki naman sa aking tabi ay panay ngiti at tango kay Mama. Nang maubos ang tubig sa baso ni Mama ay siya ang nagsasalin mula sa pitsel. Hindi siya nagbago; attentive at malambing pa rin siya sa mama ko.


Nag-beep ang phone ko. Wala sa sarili na basta ko lang tiningnan kung ano ang message na dumating. Isang tao pa na hindi ko inaasahang magpaparamdam. Bakit naman kailangang magsabay pa?!


Israel:

I miss you...


Hindi ko na makuhang i-reply ang text dahil sa mainit na mga mata na nakatingin mula sa gilid ko. Nang sulyapan ko siya ay nahuli ko ang sandaling pag-igting ng panga niya.


"Bakit ngayon ka lang ulit pumunta?" tanong ni Mama sa kanya. "Nag-away ba kayo ng anak ko? At ikaw, Lai. Ibaba mo ang phone mo. Nasa hapag kainan tayo."


Ibinaba ko naman ang phone.


Patuloy pa rin si Mama sa malumanay na pagsasalita. "Kahit mga bata pa kayo, matuto na kayong magbaba ng pride. Kung talagang mahal niyo ang isa't isa at ayaw niyang magkahiwalay, wag niyong patatagalin ang away. Kasi kapag tumatagal 'yan, mas nagiging malalim ang pagkakasira. Diyan na rin pumapasok ang mga tukso at mga maling desisyon sa buhay."


Pareho kaming walang kibo habang patuloy sa malumanay na pagsasalita si Mama.


"Ikaw ba Tutoy, wala bang umaaligid na babae sa 'yo? Baka naman kaya ka inaway ng anak ko dahil marami kang babae sa school niyo?"


"Malabo 'yan, Ma," sagot niya nagbigay ng lamig sa katawan ko. He was still calling my mother 'Mama'.


"Paanong malabo? E ang pogi, ang bait at ang lambing mo. Baka, wala kang kaalam-alam, meron na palang nababaliw sa 'yo."


Matagal bago siya sumagot. At nang sumagot ay pakiramdam ko'y tuluyan nang tumigil ang aking paghinga. "Meron nga, Ma."


Si Mama naman ay napanganga habang naghihintay ng kuwento mula sa kanya.


"May stalker ako." Kahit hindi ako tumingin ay alam ko na nakangiti siya habang nagsasalita. "Patay na patay sa akin mula pa elementary. Matalino itong stalker ko. Wala akong kamalay-malay, na kaya pala walang tumatagal na girls sa akin ay dahil may nangyayaring hokus-pokus sa likuran ko. Hanggang sa nanawa na lang ako at tinabangan na sa mga girls dahil pare-pareho lang naman nangyayari."


"Hala, ay sino 'yang stalker mo na 'yan?!" tumaas ang puno ng pag-aalalang boses ni Mama.


Halos magdugo na ang ibabang labi ko sa aking pagkakakagat.


Hinawakan naman niya si Mama sa kamay. "Okay na, Ma. Wala na. Tumigil na. Nakuha na ang gusto e."


Ang huling salita ay halos ako na lang ang nakarinig sa hina ng pagkakasabi niya... o sadyang sa akin niya lang talaga ipinarinig. O puwede ring nag-a-assume lang ako rito?


Matapos kumain ay nauna nang tumayo si Mama. "Anong oras na? Napasarap ang kuwentuhan natin, ah. May pasok pa kayo bukas sa eskwela. Di ba kapag late pa naman sa school niyo ay hindi na nagpapapasok ang guard."


Napatingin ang lalaki sa akin. Umiwas naman ako ng mga mata sa kanya. He knew about Mama's illness, but I didn't mention that it was this bad. Hindi ko rin binanggit kahit ang tuluyang pagbagsak ng kalusugan nito. Ayaw ko na bigyan siya ng bigat sa barko.


Bumaling si Mama sa akin. "Laila, parang hindi ko yata nakita ang uniform mo? Hindi ko tuloy naplantsa kanina. Paano na iyan? Maaga pa naman ang pasok niyo bukas dahil may flag ceremony kayo tuwing Lunes."


"Ma, Saturday po ngayon..." mahinang sabi ko.


Napakamot si Mama ng ulo. "Sabado ba? Pero kanina ay pumasok ka, ah? Nakalimutan mo pa nga ang baon mo. Tapos inihatid ka nitong si Tutoy rito noong uwian niyo. Tumambay pa kayo sa veranda kanina dahil tinuruan mo pa siya sa assignment niya sa Math, di ba?"


Kumuyom ang mga palad ko.


"Teka, Tutoy!" Nilingon siya ni Mama. "Bakit pala hindi ka naka-uniform? Naka-uniform ka kanina nang ihatid mo si Laila, ah? Saka bakit parang tumangkad ka? Lumaki ang katawan mo at parang lalo ka yatang gumuwapo?"


Niyakap niya si Mama at hinalikan sa noo. "Thank you, Ma. Magaling po kasi mag-alaga ang anak niyo."


"Ah, ganoon ba? Basta wag na kayong mag-aaway, ha? Palagi mong ihahatid si Laila pagkatapos ng klase niyo sa school, ha?"


Hindi siya sumagot.


Tumikhim ako para sumabat sa kanila. "Oras na ng inom ng gamot ni Mama. Kailangan na rin niyang magpahinga." Ganitong oras ay dapat nang matulog si Mama. Istrikto ako sa oras ng pahinga nito. Iyon din ang payo sa akin ng doktor.


Dahil nakaramdam ng hilo si Mama ay inalalayan ito ni Asher sa hagdan. Ayaw ko sana na makarating ang lalaki sa itaas namin pero wala na akong nagawa. Siya ang umakay kay Mama hanggang sa mismong kuwarto nito.


Napapikit na lang ako sa panliliit nang makita ni Asher ang itaas namin. Ang kuwarto ni Mama na maliban sa lumang Orocan at single foam sa sahig ay wala nang ibang gamit. Ang kulambo pa ay may ilang pirasong tagpi. Nakita ko ang pagkagulat at pagtataka sa mga mata niya, pero aking ipinagpapasalamat na pinili niyang manahimik at wag magsalita.


Mabuti na lang at naisara ko agad ang aking kuwarto, kundi ay baka talagang hindi ko na kayanin. Nang maihiga na si Mama ay iniwan na namin ito.


Nakabibingi ang katahimikan sa pagitan namin nang maisara ko na ang pinto. Alam ko na magiging palaisipan sa kanya ang nakita niya, pero makakalimutan din naman rin siguro. Hindi naman kami ganoon kahalaga para pagtuunan niya pa ng kanyang pansin.


Sa pasilyo ay hindi sinasadya na nabunggo kami sa isa't isa dahil masikip ang daan. Nataon pa na pagharap niya ay siya ring pagharap ko. "S-sorry," nauutal na mabilis kong sabi. Sa ilalim ng mabangong leeg niya ako muntikang mangudngod.


Asher did not bother to answer me. Inunat niya lang ang isang kamay para sabihing mauna na akong bumaba ng hagdan. Tumango naman agad ako at nauna na nga, dahil hindi ko na rin talaga kinakaya ang tensyon na dala ng pagkakalapit namin.


Sa pinto sa ibaba ko na nahanap ulit ang aking boses. "S-salamat sa pagpunta." Bagaman mahina at nautal ay patag ang boses ko. "Malaking bagay ito para kay Mama..."


Hindi na naman siya sumagot, kundi tumango lang. Walang-wala na talaga iyong kanina noong si Mama ang kausap niya. Ngayon ay napakalamig at tipid ng mga salita niya. Maski ang mga mata niya ay blangko ng emosyon, ibang-iba sa natatandaan kong mga mata na puno ng kapilyuhan noon.


Alam ko namang wala na iyon. Normal lang naman siguro na manibago ako. Pero wala namang ibig sabihin.


Humakbang na si Asher papunta sa pinto habang ako ay nakasunod para ihatid siya hanggang sa labas ng gate. Ang kaso, nakakadalawang hakbang pa lang ako pasunod sa kanya nang marinig ko ang malamig na boses niya. "Wag ka nang mag-abala."


Nagulat man ay hindi na ako nagpumilit. Kagat ang ibabang labi na marahan ako sa kanyang tumango. Humakbang na siya patungo sa gate. Hanggang sa sumakay na siya sa dala niyang owner ay hindi na siya lumingon sa akin.


Saka ko lang pinakawalan ang isang mapait na ngiti nang wala na siya. Iyon na iyon. Nakapunta na siya. Hindi na siguro kami magkikita pa. Naabala ko na siya ngayong gabi sa pagpunta niya rito, at sapat at sobra-sobra na iyon. Hindi na para abalahin ko pa ulit siya.


Matagal na ninamnam ko pa ang lamig ng hangin sa labas bago ako pumasok sa pinto. Hindi ako galing sa trabaho pero daig ko pa ang nag-OT at double shift sa aking panghihina. Parang ang bigat ng pakiramdam.


Ang pakiramdam na iyon ay dala ko hanggang kinabukasan. Hindi ako nakatulog nang maayos kaya tinanghali ako ng gising. Si Mama agad ang inalala ko. Nagmamadali akong bumangon nang hindi pa nakakapag-ayos ng sarili. Gulo-gulo pa ang buhok ko at wala akong suot na bra pagbaba sa sala.


"Ma!" sigaw ko na muntik pang madulas sa hagdan. Mabuti na lang at hindi nangyari—dahil mas nakakahiya kung sakali. Bakit? Dahil ang taong hindi ko inaasahang makikita ulit ay nandito lang naman ngayon sa aking harapan. Prenteng nakaupo sa sofa namin habang nakataas ang isang kilay sa akin!


Windang na nayakap ko ang aking sarili. Ano ang ginagawa ni Asher James Prudente rito sa bahay namin?!


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1M 13K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
509K 1.2K 7
NAG SIMULA SA ISANG BUSINESS APPOINTMENT NA HINDING HINDI MAIBIGAY KAY BETTINA, NA SIYANG IKINAGALIT NIYA LALO NAT HARAP HARAPAN SIYA NITONG TANGGIHA...
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...