Villaverde Brothers Series 2:...

By adihiraya

134K 1.5K 231

Therene Kylei De Vega is a twenty-three-year-old model who aspires to be a lawyer. After years of dreaming ab... More

VBS#2: Jilting the Fearless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Dedication (A graduation gift)
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Thirty-five

1.9K 29 0
By adihiraya

I let him leave because he was right, I was the one who wants him to take it. Wala akong karapatang pigilan siya pagkatapos ng mga sinabi ko. I have to understand him just like how he understands me. It’s for our own good, at kung talagang kami ang para sa isa’t isa, mangyayari pa rin naman ‘yon kahit abutin pa ng ilang taon.

Hinayaan ko siyang umalis even though I need him as my support. He was not here when I needed him the most, pero wala akong karapatang isumbat ‘yon dahil unang-una, ako ang may gustong umalis siya. Nawalan ako ng oras magmukmok dahil abala ako sa pag-aaral at pag-aalaga kay Reneil.

Craniotomy, but even though the surgery will be successful, it has a tendency that the brain tumor will occur again after some years. Gano’n daw talaga sabi ng doktor na humahawak kay Reneil ngayon. Pinaghahandaan lang namin ang surgery niya. We need to make sure that he and his body is ready before he undergo. He needs to be healthy kaya iyon ang ginagawa namin ngayon. Sinisigurado kong malakas siya bago sumalang sa operasyon.

Kung pwede nga lang na bantayan siya buong araw ay baka ginawa ko na, kaso finals na at malapit na akong mag-4th year. Mas lalo akong nagiging busy at nahihirapan akong hatiin ang oras ko pero mabuti naman kinakaya ko pa rin kahit papaano.

Nag-uusap pa rin kami ni Jai but we only have limited time because of our time difference. He still makes sure to update me kapag may oras siya, gano’n din naman ako, pero minsan din ay nakakaligtaan ko na sa sobrang pagod ko. Minsan para na akong tuliro at wala sa sarili.

Iniisip ko na kailangan din sana ni Reneil ng suporta ng magulang pero ni hindi man lang maitanong ni mommy kung kumusta na ba siya. If she wants to check on my brother, matagal na sana niyang ginawa. Kahit ‘yong kapatid ko na lang sana ‘yong maalala niyang dalawin sa bahay o kumustuhin, pero ni anino niya wala. Wala rin kahit isang tuldok na message kay Reneil.

Siguro nga masaya na talaga siya sa buhay niya.

Ayaw rin naman ipasabi ni Reneil sa kaniya ang tungkol sa kaniya. Ayos at kuntento na raw siyang nandiyan ako para akayin siya. Hindi niya na raw kailangan ng ibang tao dahil sapat na ako.

Kahit na gano’n ang mga sinasabi ni Reneil, alam kong may parte pa rin naman sa kaniya na umaasa. Hindi gano’n kadaling malimutan ang lahat, kahit taon na ang lumipas ay alam kong may sama pa rin siya ng loob, pero hindi niya maitatagong minsan ay nami-miss niya rin ito.

Sometimes when he’s sleeping, he calls mommy.  Ang sakit para sa aking marinig na hinahanap niya ‘yong taong wala. Ang sakit marinig na kahit hanapin niya, hindi pa rin magpapakita kahit ilang beses niya pang tawagin. Clearly because she chose her own life already, and it’s not with us.

Masakit, pero gano’n naman talaga ang buhay.

“Kinakabahan ako, ate . . .” sabi ni Reneil sa gilid ko.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Three days from now ay surgery niya na. Alam ko namang kakayanin niya dahil malakas siya pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Hindi ko lang ‘yon pinapakita sa kaniya dahil hindi naman makakatulong.

Katatapos ko lang mag-enrol pagkatapos ay dinala ko na rin siya ito sa private hospital na ni-recommend ni Dr. Soriano. Kailangan na kasi niyang ma-check at para makita rin kung handa na ba siya.

“Tatagan mo ang loob mo ha? Matatapos din ‘to at babalik din sa normal ang lahat. Basta kumapit ka sa akin,” nakangiti kong sabi para palakasin ang loob niya.

He’s already a teenager but he will always be my baby.

Kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya. Ilang araw pa naman pero ngayon pa lang, hindi na kami mapakali parehas. It’s a good thing na bakasyon pero dapat by now ay nagbabasa na ako ng advance pero isasantabi ko na muna ang pag-aaral dahil mas kailangan kong bantayan ang kapatid ko.

Inuubos namin ang oras sa pagkekwentuhan tungkol sa masasayang nakaraan namin saka ko napagtanto, simula dati pa pala ay kami na lang dalawa. Those happy memories were just us two. May masayang alaala man kasama ang mga magulang namin pero halos limot na niya dahil bata pa siya no’n, pero ako tandang-tanda ko pa. Mas pinili ko na lang na huwag ibalik dahil baka bumukas pa ang mga sugat na matagal na naming ginagamot.

I didn’t have time to check my phone because I was busy doing a lot of things for Reneil. When the day of his surgery came, I have no one to hold on. Wala akong makapitan nang mahigpit kasi hindi ko kaya. I only have God, which is more than enough for me pero hindi ko pa rin maiwasang maghanap ng ibang taong yayakap sa akin.

“Come back for ate, okay?” Iyak ko kay Reneil.

Bilang isang taong nakilala kong mas pinatatag ng panahon, ngumiti siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. “Iwan ka man ng lahat, ate, lagi mong tatandaan na nandito ako palagi para sa ‘yo. Hinding-hindi kita iiwan kaya pangako, babalik ako.”

I kissed him on his forehead. “I love you . . .” mahina kong usal bago siya tuluyang pinasok sa surgery room.

I went to the chapel and cried everything to Him. I want my brother to survive. Gusto kong pagkatapos nito ay gumaan naman ang lahat para sa aming dalawa. Gusto kong malampasan namin ang lahat. Hindi kami ang pinakamatapang na sundalo pero siskapin naming mapagtagumpayan ang lahat ng laban na ibabato sa aming dalawa.

Marco was here to look for his best friend, too. I can say that what they have is indeed a genuine friendship. Nandiyan sila lagi para sa isa’t isa.

Hours after, lumabas na ako sa chapel at naabutan ko ang naghihintay niya pa ring kaibigan sa labas.

“Hindi pa ba tapos?” tanong ko at naupo sa tabi niya.

“Hindi pa, ate. Sana maging successful ang operasyon niya. Hindi ko kasi kakayanin kung mawawala siya . . .” sabi niya.

May kung anong kahulugan sa mga sinabi niya pero mas pinili ko na lang na hindi pansinin. Tinapik ko ang kaniyang balikat. “Kaya niya ‘yon! Malakas ‘yon eh,” sabi ko para patatagin ang loob niya pero parang sinabi ko rin para sa akin.

Makalipas ang isa pang oras, lumabas na rin ang doktor ni Reneil. He’s sweaty at bakas sa mukha ang pagod pero nakuha pa rin nitong ngumiti sa amin. Tumayo kami para salubungin siya.’

“The surgery was successful. Ililipat na rin siya sa recovery room maya-maya,” anunsyo niya.

Nabutunan ako ng tinik at napabuga nang malalim na hininga. I smiled at him and uttered, “Thank you, Doc!”

He nodded. “Thank your brother too for being brave.”

Napatingin ako kay Marco at bakas ang ginhawa sa kaniyang mukha.

Days passed by quickly. Unti-unting nakaka-recover si Reneil. Bumabalik na rin ang sigla niya. Makakalabas na rin kami ng hospital at makakapagpatuloy na kami ng normal sa buhay.

When we got home, there we saw the most unexpected visitor. Si mommy, kasama si Kuya Ben at ang kanilang maliit na lalaking anak na karga niya. Kamukha siya ni mommy. Bumalatay ang pait at inggit sa akin sa bata. Good for him that he has a complete family habang kami ay naisantabi.

Ayaw ko pero nakakaramdam ako ng selos. Buti pa siya may mommy at daddy.

Hindi nakatakas sa paningin ko kung gaano sila nagtataka sa benda sa may ulo ni Reneil habang alalay siya ni Marco sa paglalakad.

“A-anong nangyari sa ‘yo, anak?” takang tanong niya.

Pinigilan ko ang sariling mapairap sa hangin. “Anong ginagawa mo rito at bakit ang lakas ng loob mong magpakita pagkatapos mong magtago ng ilang taon? Hindi ka na namin kailangan ni Reneil. Bakit bumalik ka pa?” tanong ko.

“Bakit ganiyan mo na lang ako kung kausapin? Nanay mo pa rin ako, Therene! Where’s your respect?” she said frantically.

I shrugged. “Lost it years ago dahil wala ka rin namang respeto. Kung pwede lang umalis na kayo dahil bawal ma-stress si Reneil.”

“Bahay ko ‘to. I have the right to stay if I want to.” Muli siyang bumaling sa kapatid kong nakatingin lang sa amin. “Now tell me what happened to my son.”

“This is my dad’s house, named after him and not you. Kung ano mang nangyari kay Reneil, wala ka nang pakialam do’n dahil ‘yon naman na ang matagal mo nang pinaramdam sa amin, lalong-lalo na sa kaniya.”

“Huwag mo naman sanang kausapan nang ganiyan ang mommy mo, Ma’am Ky. Gusto niya lang naman kayong bisitahin at makausap,” sumabat si Kuya Ben.

Nanaig ang katahimikan. Gustong-gusto kong tumawa nang malakas pero unti-unting namumuo ng sakit sa akin. Pinigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Sarkastiko akong tumawa.

“We already learned to live without you, at mas mabuting gano’n na lang,” wika ko.

“A-ate . . .” tawag sa akin ni Reneil kaya mabilis akong napalingon sa kaniya.

“Bakit?” Lumapit ako. “May nararamdaman ka ba?”

Umiling siya sa akin. “Gusto ko na munang magpahinga. Aakyat na muna ako sa kwarto.”

Tumango ako at nakiusap kay Marco na iakyat na muna ang kapatid ko na agad niya rin namang sinunod. Nang mawala silang dalawa sa paningin ko, saka ko lang muling nilingon ang nanay kong nasa taas pa rin ang tingin kahit wala na ang kapatid ko.

“He had a benign brain tumor occurred years ago. Kakatapos lang ng surgery niya at wrong timing pa ang pagpapakita mo,” sabi ko sa kaniya.

Bumakas ang galit sa kaniyang mukha. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? I deserve to know it! Edi sana natulungan ko man lang ang kapatid mo!”

“Hindi ka niya kailangan.” Saglit akong pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom dahil pakiramdam ko ay natutuyuan ako ng lalamunan. “Itanong mo muna sa sarili mo bakit hindi mo man lang siya nakuhang kumustahin sa mga nagdaang taon bago mo ako tanungin kung bakit hindi ko sinabi sa ‘yo. Mukha namang wala ka nang pakialam kaya bakit ko pa aabalahin ang sarili ko ‘di ba?”

She shook her head. “I will always care for the both of you, Therene! Lagi kayong tumatakbo sa isip ko!”

Pinagsalikop ko ang mga braso at tiningnan lang siya. Umiiyak siya pero hindi man lang ako makaramdam ng kahit kakaunting habag para sa kaniya. Namanhid na ako pagdating sa kaniya dahil pinabayaan niya kaming dalawa ni Reneil. Hindi niya man lang naisip kung kumusta na ba kami o ayos lang kaya kami. Kahit na sinabi niyang lagi kaming tumatakbo sa isip niya, ni hindi ko man lang maramdaman na totoo. Ni hindi man nga lang siya gumawa ng paraan para makausap kami pagkatapos ko siyang i-block.

She can openly contact Reneil dahil alam ko namang hindi siya binlock ng kapatid ko and somehow, naghihintay itong magparamdam siya.

“Honestly, he’s still looking for you sometimes pero ako hindi na. Hindi naman ako madamot pero kung gusto mong magpakananay pa rin, sa kaniya na lang at kahit huwag na sa akin. You can see him, but you can’t stay here. I will only allow you to visit,” I uttered.

I know that my brother still needs him at hindi ko ipagkakait ‘yon sa kaniya dahil mahal ko siya.

Kung kailangan niya ang mommy, hindi ko naman siya pipigilang makita.

Tinapos ko na roon ang usapan at ibinilin ko na lang sila kay Manang Flora. Umakyat ako sa silid ng kapatid na naabutan kong umiiyak sa balikat ni Marco.

“I’m sorry, Reneil . . .” I uttered sincerely.

Lumayo siya kay Marco para yakapin ako nang mahigpit. “No, thank you, ate. Salamat sa lahat-lahat. Hindi mo alam kung gaano ako ka-thankful na ikaw ang naging ate ko.”

Naluha ako sa sinabi niya. Tuluyang lumabas ang damdaming kanina ko pa pilit na pinipigilan sa harap ng ina. Sobrang hirap magpanggap na malakas kahit nauubos ka na. Wala naman kasi akong ibang matatakbuhan.

“I know na matagal mo na rin siyang gustong makita, Reneil. Hindi mo naman kailangang magpanggap na hindi mo na siya gustong makasama dahi lang galit ako. You’re free to see her. I won’t stop you okay? Ganiyan kita kamahal.”

Tumango siya sa akin pero tumigil na rin sa pag-iyak. Siya pa rin talaga ‘yong batang nasaksihan ko lumaki na umiiyak sa tuwing inaasar ko. Tumanda lang siya at nag-mature, pero siya pa rin talaga ang batang mahilig maglambing sa akin.

“I love you, ate. I thanked God everyday because of you.”

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 162K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.8M 51.7K 73
To the world Loretta Romano is a strong and independent woman who took the business world by storm. She is the wealthiest and one of the most desirab...
2.4M 141K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.4M 42K 174
Following the (online) life of a not-so-ordinary couple: Princess Y/N of the United Kingdom and Harry Styles. **note: written chapters prior to this...