Lost Stars (On-Going)

Por Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel Más

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 22

44 5 1
Por Aimeesshh25

Kabanata 22

Linggo ng umaga nang magising ako sa tawag ni Mama. Ikinagulat ko na naman ang paghingi nito ng malaking pera at itinanong na naman kung bakit hindi ako umuuwi.

"Ma, busy pa po kasi ako rito kaya hindi na muna ako umuwi noong nakaraang linggo," sagot ko habang kinukusot ang mga mata.

Napatingin ako sa oras na nasa cellphone at alas tres pa lang ng madaling araw.

"Ang sabihin mo, kinalimutan mo nang may pamilya ka rito! Nagtext daw sa'yo si Samuel pero hindi mo nir-replyan!" Bulyaw ni Mama sa kabilang linya.

Napamaang ako at muling nakaramdam ng kaba. "H-Hindi ko po natanggap ang text niya, Ma."

"Nanghihingi sa'yo ng allowance! Ano? Ayaw mo na magbigay dahil maalwan naman ang buhay mo riyan?!"

I sighed. Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.

"Ang papa mo, hindi pa nagpapadala! Nasaan ba iyang magaling mong ama ha?! Sa susunod ay ipapasundo ko na siya kay Samuel!" Matindi ang galit na nagmumula kay Mama kaya hindi muna ako nagsalita. "Huwag mong hintayin na ipahiya pa kita diyan sa bahay ng amo mo, Chenniah! Huwag mo akong subukan! Kayang-kaya kitang sunduin diyan at ipasok kay Martha! Subukan mong hindi magpadala ng pera, sisirain kita sa mga tao diyan!!"

Sa huli ay pumayag na lamang akong magpadala ng pera para raw sa allowance ni Ate George at ng nobyo nito. Five thousand ang ipapadala ko sana pero hindi pumayag si Mama at tumawad hanggang sampung libo, na wala naman akong nagawa kundi ang bumigay na lamang.

"Sama-sama tayo sa buhay na ganito, Chenniah, sa impyernong ginawa ng ama mo! Huwag mong kalimutan ang pamilyang nagpalaki sa'yo, nakatikim ka lang ng hiram na karangyaan ay tila nakalimot ka na," tumawa pa ito nang nakakainsulto. "Tandaan mo, kung wala ako, wala ka rito sa mundo!!"

I'm so sick of that line. I know that they are my family. Hindi ako kailanman nakalimot. She's my mother—the reason I can breathe, be alive, but not truly living.

Wala akong pagduda na siya ang ina ko, siguro noong una, pinagdudahan ko na baka hindi ko siya tunay na ina, pero habang tumatagal, naintindihan ko na hindi lahat ng nanay, pare-pareho ang trato sa anak, may isang minamalas at isa ako sa mga iyon.

Tinanggap ko ang sitwasyon ko at naging sunud-sunuran sa kanila, dahil wala naman akong magawa. Alam kong kahit saan ako pumunta, nakabantay pa rin sa akin si Mama. Hindi niya ako pakakawalan, hindi niya ako kahit kailan hahayaang huminga sa maamong hangin.

Hindi na ako nakatulog pagkatapos ng tawag na iyon, nagsimula na agad akong gumawa ng mga gawain at hinayaan ko muna si Jerace na gumala, dahil linggo naman, sinasama niya pa ako pero sadyang wala ako sa wisyo.

Kahit nang tumawag si Axel at yayain akong lumabas ay hindi ko pinaunlakan, marahas din ang pagtanggi ko sa kaniya kaya maiintindihan ko kung magtatampo siya. Kahit sa mga messages niya ay hindi ko sinagot, nakita ko pa na nariyan siya sa labas pero pinaalis ko na lang dahil hindi ko siya kayang labasin.

Axel:

May problema ba tayo, Chenny?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko buhat ko na naman ang buong mundo. Hindi ako malungkot, lalong hindi ako masaya.

Maaga akong ginising nila Ma'am Kate kinabukasan, nagtaka pa ako pero nang nakita ang ginawa nilang cake para sa unica hija, ay doon ko lang naalala na birthday na pala ni Jerace. Masayang-masaya si Ma'am Kate at ayaw ko iyong sirain dahil lamang sa nakakaramdam ako ng kabigatan sa sarili.

"Matutuwa lalo si Jerace kapag nakita ka sa kuwarto niya, Chenny. Kaya sumama ka na ah?" Bulong sa akin ni Ma'am Kate habang hinahaplos ang kamay ko. "Kakantahan natin siya ng happy birthday!"

Tuloy ay kahit papaano, nawala ang mabigat na dala-dala ko nang makita kung gaano nila pinaghahandaan na masurpresa ang anak. It seems like they both healed something in me while watching them prepared everything before their daughter wakes up.

It was successful, Jerace cried the moment she opened her eyes and found the three of us singing her a happy birthday song. Nakita ko pa ang kung anong kaharutan na pag wish nito bago hipan ang kandila.

Ikinagulat ko pa ang pagdahilan niya kay Sir Jay na ako raw ang kasama nito paalis. Ipinagtaka ko iyon dahil wala naman siyang nasabi sa akin. Pero nang nakita ko ang kindat nito sa akin ay agad kong nakuha iyon.

"Ako pa talaga ang idinahilan mo ah?" Bungad ko nang makapasok sa kuwarto niya. Bihis na bihis ang babae, she was wearing a pink fitted dress. Malalim ang hiwa sa may gitna noon kaya kita ko ang dibdib niya.

"Sorry na! Birthday ko naman!" She chuckled.

Inirapan ko ito at nakiayos na rin sa salamin niya. "Tsk! Oo na, wala akong regalo sa'yo at ito na ang regalo ko."

Nakita ko pa ang paghagikhik niya habang nakatingin sa cellphone kaya naman mahina ko itong binatukan.

"Kayo ang magd-date, pero kasama pa ako!"

Humalakhak siya at mahinang hinila ang buhok ko. "Don't worry, Chen. Pasasalamatan mo ako at isinama kita!"

Hindi ko iyon naintindihan kaya naman ipinagkibit-balikat ko na lamang. Panay ang pag-nguso ko nang makita namin si Drain na palapit sa amin. Tumigil kami sa labas ng village at hinintay ang lalaki na sunduin si Jerace, kasama namin si Mang Fred na mukhang suportado ang relasyon ng dalawa, pangiti-ngiti rin ito kay Drain na parang tuwang-tuwang sa lalaki.

"Paano, Sir Drain? Kayo na po ang bahala kay Ma'am," si Mang Fred habang nakangiti.

Naglakad ako palapit sa kanila at tinanguan si Drain na tipid na ngumiti sa akin. Kita ko pa ang pagkakatulala ng babae sa kaharap kahit binati siya ni Mang Fred ay hindi ito nakasagot!

"Mang Fred is talking to you," malambing na bulong ni Drain sa babae na roon lamang natauhan at taranta pang nagpasalamat kay Mang Fred.

Nasapo ko ang noo at umiwas na lamang ng tingin sa kanila.

"Tara na?" Si Drain matapos ang usap nila ni Mang Fred. Umalis muna ito at sinabing susunduin na lang ulit kami mamayang hapon.

"Excited na ako!" Sigaw ni Jerace at mabilis na humilig sa dibdib ng nobyo.

Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na dapat iyon kailangan pang makita.

"Akala mo sila lang dalawa," nanunuyang bulong ko para hindi naman ako mukhang out of place.

I was about to open the door in the backseat when Drain interrupted me.

"Chen, hindi ka diyan sasakay."

Mabilis akong napalingon sa kaniya. "Ha? Eh?" Nilingon ko si Jerace na natatawa sa akin. "Teka! Saan ako sasakay? Ayaw ko sa bubong ah!"

Tumawa ang dalawa sa akin. Nagkibit-balikat si Drain.

"Parating na 'yon."

"Ano?" Hindi ko naintindihan.

Magsasalita pa sana ako nang marinig na namin ang paharurot na pagparada ng sasakyan sa tabi ng kotseng dala ni Drain. Nangunot ang noo ko nang bumaba ang bintana noon at iniluwa si Axel na nakasuot pa ng black shades!

"Hi guys! What's up?" Mayabang na aniya at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-irap nito sa akin!

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko.

Tumingin pa muna ito sa dalawa at ngumisi pa bago muling lumingon sa akin.

"May date tayo. Kaya tara na, babe!" He winked at me before looking at Jerace. "Happy birthday, Jerace!"

"Thank you, Ax!" Jerace looked at me, meaningfully. "Sige na! Yieee! Ingat kayo!"

Kinurot ko muna ang babae at pinaalalahanan bago ako sumama kay Axel na nagsimula na namang ngumuso sa akin.

Tahimik kami nang makalayo, hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi rin naman na ako nagtanong.

I heard him click his tongue. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya, he was tapping his fingers on his lap.

"Buti pumayag kang sumama sa akin," he finally spoke. Hindi pa nakalagpas sa akin ang panunuya roon.

"Hindi ko alam na iiwanan nila ako sa'yo."

He chuckled sarcastically. "Parang lugi ka pa ah?"

Hindi ako nagsalita. Alam ko naman kung bakit siya ganito sa akin ngayon, dahil iyon sa ginawa ko sa kaniya kahapon.

"Ayaw na ayaw sa akin?" He chuckled again.

Hindi ako muling nagsalita. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin na lang sa bintana.

Dinig ko ang malakas niyang buntong hininga, hindi na rin ito nagsalita. Ilang minuto ang iniupo ko roon hanggang sa makarating kami sa pamilyar na lugar.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko nang muling tumigil kami roon sa nakaraang kinainan namin kasama si Kuya Kid rito sa Tagaytay.

"Kakain," walang ganang sagot niya at pinatay na ang makina. "Baba ka na diyan," aniya at lumabas na ng sasakyan.

Nagtaka pa ako na, dala niya ang sasakyan gayong hindi pa naman siya puwedeng magdrive. Ngumuso ako at kinuha ang maliit na bag saka bumaba. Lalo akong napanguso nang makitang dire-diretso ito sa paglalakad at hindi man lang ako hinintay!

Gaya nang unang punta namin dito, marami pa ring nakain, bukod kasi sa masarap ang mga pagkain ay mura rin ang mga presyo at tiyak na kahit ako ay afford iyon.

Ipinaghila ako ni Axel ng kahoy na upuan at walang ganang tumingin sa akin. Kinagat ko ang dila.

"Anong gusto mong kainin?"

"K-Kahit ano," umiwas ako ng tingin at pinaglaruan na lang ang mga daliri.

Ramdam ko pa ang pagtitig nito sa akin bago tumayo at iniwan ako roon. Bumuntong hininga ako at nilingon siya ngunit nang mapansing palingon siya sa puwesto ko ay umiwas agad ako!

Mabilis na tumibok ang puso ko sa kaba kaya umayos ako ng upo. Ilang sandali pa ay bumalik siya at umupo na rin sa harapan ko. Kinuha niya ang cellphone at tahimik na gumamit noon.

Abala naman ako sa pagtingin-tingin sa paligid at napangiti pa nang nakakita ng batang napaso sa sabaw niya, paiyak na ang mukha ng bata kaya agad inalu ng nanay.

Napatingin ako kay Axel nang mapansing nakatitig siya sa akin. Namungay ang mga mata nito at umiwas ng tingin sa akin.

Tahimik kami habang kumakain, gaya lang ng dati ang in-order niya pero sinamahan niya ng ibang putahe, gaya ng bopis na hindi pamilyar sa akin pero nang tikman ko ay masarap naman.

Uminit ang sikmura ko nang mapansing inaasikaso niya ako kahit malamig kami ngayon sa isa't-isa. Inginuso ko ang nararamdamang pag-init ng mga mata.

Hanggang sa makabalik sa kotse ay tahimik kaming dalawa. Kinuha ko na lang ang cellphone at naglaro na lang ng kung ano roon para hindi naman ako antukin.

Tumigil ang sasakyan. Gulat kong tiningnan ang harapan at mukhang nasa parking kami, hindi ko na namalayan, mukha naman siyang parking kasi maraming sasakyan ang nakaparada.

"Lakarin na natin," mahinang aniya at tumingin sa akin.

Tumango ako at pinatay na ang cellphone saka binuksan ang pinto. Sabay kaming bumaba, may bitbit siyang payong na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Nagsimula kaming maglakad, binuksan niya ang payong at itinapat iyon sa akin, nagpasalamat ako at tumango lang ito.

Hindi pa man nakakalayo ay hinihingal na agad ako. Hindi ko siya mabara dahil hindi naman kami ayos. Nakakainis kasi, kung saan-saan niya na naman ako dinadala.

"Hanggang sa viewdeck na lang tayo, baka mahimatay ka pa diyan," aniya at pumasok sa loob ng nadaanan naming parang tambayan.

Tumingin siya sa akin na halos mahimatay na agad sa paglalakad. Natatawang umiwas ito ng tingin sa akin kaya inambaan ko siya ng suntok. Umupo kami sa sementadong upuan at sabay na bumuntong hininga saka tumingin sa view ng Taal volcano.

Matagal kaming nakatingin doon, tahimik lamang at halos wala nang pakialam sa presensya ng bawat isa.

Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Axel at umayos ng upo sa tabi ko.

"Be honest, Chenny."

Kumalabog agad ang dibdib ko at mabilis na lumingon sa kaniya. Hindi ito nakatingin sa akin, nanatili ang mga mata nito sa harapan.

"Do you like hanging out with me? O..napipilitan ka ba sa akin?" Maingat na tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita agad kaya dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

"Ayos naman tayo noong nakaraang linggo eh, may problema ka ba sa akin?" Humina ang boses nito na parang takot pang iparinig sa akin.

Kumirot ang puso ko at umiling. "W-Wala akong problema sa'yo, Axel. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kahapon."

"Pero sinabihan mo akong umalis na at huwag na m-magpakita sa'yo," kinagat niya ang pang-ibabang labi.

Namungay ang mga mata ko nang maalalang sinabi ko nga iyon. Tila nalunok ko ang dila sa takot na magsalita at baka muli akong makasakit.

This is what I hate about myself. When I'm hurting, I tend to push people away. Hindi ko iyon sinasadya pero mas pinipili ng isip ko na lumayo at saktan sila gamit ang mga salita.

"I'm sorry, Axel." Iyon lang naman ang kaya kong sabihin sa kaniya ngayon.

Hindi ko naman puwedeng buksan ang ilang bahagi ng buhay ko na alam kong ikasusugat niya rin. Hindi ko siya maaaring dalhin sa parteng iyon ng buhay ko.

Muli kong naalala ang sinabi ni Mama. Na sama-sama kami sa impyernong iyon at hindi ako maaaring tumakas. Muli ko ring naalala ang nobyo ni Ate George at ang huling ginawa nito sa akin.

Napatingin ako kay Axel na makitang namumula ang mga mata nito at parang may kakaibang dulot iyon sa akin. Was he crying for me? Anong iniiyak niya? Nalulungkot ba siya para sa akin? Naaawa ba siya sa akin?

"Huwag mo nang bibitawan ang ganoong salita, Chenny," nahihirapang aniya at akmang hahawakan ang kamay ko nang iiwas ko iyon.

Napamaang siya. Tumayo ako at tumalikod sa kaniya. Mabilis niyang nahawakan ang braso ko pero galit ko iyong inalis. I was having a hard time breathing! Ni hindi ko marinig ang pagtibok ng puso ko at halos ramdam ko rin ang kakaibang takot sa akin na namumuo.

"C-Chenny?"

Umiling ako sa kaniya. "U-Umuwi na tayo."

Napakurap-kurap siya at mabilis na tumango sa akin saka ako inalalayan pabalik kung saan nakaparada ang kotse niya. Tahimik kaming dalawa habang nabyahe. Tumigil siya kanina nang may nadaanan kaming convenience store at ibinili ako ng tubig at ilang pagkain na hindi ko naman ginalaw. Tanging tubig lang ang hawak ko ngayon.

Ilang oras kaming bumyahe dahil traffic na rin pauwi, nang mapansing iuuwi niya na nga ako ay mabilis akong lumingon sa kaniya.

"Puwede bang..magpahinga muna ako sa condo niyo?" Mahinang sinabi ko.

Tumango agad siya at ibinaling ang sasakyan sa kabilang daan at muling nagpatuloy ang byahe.

Ramdam ko ang nanunusok niyang tingin nang makapasok kami sa elevator. Hindi siya nagsasalita kaya lubos akong nagpapasalamat dahil hindi na siya nang-usisa pa. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ng unit niya. Akma akong uupo sa couch nang hawakan niya ang braso ko.

"Sa kuwarto ka na magpahinga."

Tumango ako. Inihatid niya pa ako sa loob at pinanood pa ang paghiga ko roon hanggang sa lumabas na siya at isinarado ang pinto.

Kung saan-saan naglakbay ang utak ko hanggang sa makatulog. Nagising na lang ako nang maramdamang may humahawi sa buhok ko, mabilis akong nagmulat ng mga mata at lumayo agad sa kung sino iyon.

Ngunit nang makita ang nagtatakang mukha ni Axel at ang kakaibang sakit na dumulot sa kaniya ay napabuntong hininga ako.

"S-Sorry, yayayain sana kitang kumain pero tulog ka pa," ibinaba niya ang kamay na nabitin sa ere at tumayo.

Tumango ako sa kaniya. "I'm sorry."

"No worries," tipid itong ngumiti saka tumalikod na at lumabas ng silid.

Inis kong binatukan ang sarili at kinuha ang cellphone sa bag. Nagulat pa ako nang makitang alas tres pa lang ng hapon. Kailangang makauwi ni Jerace bago mag alas cinco dahil iyon ang simula ng party niya sa bahay.

Lumabas ako ng silid at natagpuan ko siya sa may kusina. Nakatalikod ito at may kausap sa cellphone.

"Hindi ako puwede ngayon, Alexa."

Nangunot ang noo ko at lalong nakinig.

"May pupuntahan din ako mamaya..huh? Invited ka ba? Weh? Makikikain ka lang eh!" Tumawa ito at umiling-iling. "Isama mo si Marcus. Tsk, bakit ako?..oh ano naman?"

Napakurap-kurap ako nang marinig ang magaan niyang pagtawa nang siguro'y may sinabi ang babae sa kabilang linya. Hindi niya ako napansin kaya naman mabilis akong bumalik sa loob ng silid.

Napaupo ako sa dulo ng kama at lihim na natawa sa sarili. Hindi naman ako sobrang nasasaktan..mas gumaan ang pakiramdam ko..pero hindi ko ikakailang may hatid na kaunting kirot iyon sa akin.

Mas maayos siguro iyon kaysa kanina na puro sakit ang nakikita ko sa mga mata niya.

Mas maayos siguro na hindi siya mahulog sa bangin kasama ako, hindi ko hahayaang makaapekto ang mga bagahe ko sa kaniya..hindi niya naman kailangang makibuhat din sa akin. Kaya ko iyon.

Ilang sandali pa ang ginugol ko roon bago ako lumabas at natagpuan ko siyang nakatingin sa may pinto saka napatayo nang lumabas ako.

Ngumiti ako sa kaniya. "Uuwi na ako."

Nalaglag ang panga ni Axel at sabay kaming napatingin sa mga pagkaing hinanda niya sa maliit na lamesa.

"A-Ah, ganoon ba?" Kinamot niya ang batok. "S-Sige, hatid na kita–"

"May bisita ka ba mamaya?" Tinuro ko ang mga pagkain.

Kinagat nito ang pang-ibabang labi at mukhang naasar na umiwas ng tingin sa akin.

"Para sa atin 'yan," mahinang aniya. "Pero ayos lang, baka hindi ka na rin makakain mamaya..kapag kumain ka pa.. ngayon."

Tumango ako kaya umiwas agad siya ng tingin sa akin.

"Upo ka muna..ipapasok ko lang 'to sa ref."

Naglakad ako palapit sa couch at umupo roon. Pinanood ko siyang mabilis na kumilos, hindi siya tumitingin sa akin at panay lang ang pabalik-balik niya sa harapan ko at sa kusina.

Nang matapos ay niyaya niya na ako pauwi. Tahimik kaming dalawa hanggang sa makababa ako ng sasakyan at magpaalam sa kaniya. Nakita ko pa ang iritadong pagngisi nito sa akin pero sa takot na baka may sabihin na naman ako na hindi ko pinag-iisipan ay tumalikod na ako agad at hinintay na lang si Jerace sa may labas ng village.

Seguir leyendo

También te gustarán

25.1K 566 24
Brozone x reader preferences. I haven't seen one of these yet, so why not be the first one? Enjoy!
3.3M 210K 91
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
15.9K 418 30
Alexa Dela Cuesta, a actress that can glow even without a loveteam but, in her 10 years in showbiz industry, a new idols and charming Ned Martinez wa...
761K 69.7K 37
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...