Infernum

By _chztn_

1.2K 151 507

What makes your sin different from mine? What makes your sin different from mine? What makes your sin differe... More

ā†ŗ [0]
ā†ŗ [X]
ā†ŗ [1]
ā†ŗ [2]
ā†ŗ [3]
ā†ŗ [4]
ā†ŗ [5]
ā†ŗ [7]
ā†ŗ [8]
ā†ŗ [9]
ā†ŗ [10]
ā†ŗ [11]
ā†ŗ [12]
ā†ŗ [13]
ā†ŗ [14]
ā†ŗ [15]
ā†ŗ [16]
ā†ŗ [17]
ā†ŗ [18]
ā†ŗ [19]
ā†ŗ [20]
ā†ŗ [21]

ā†ŗ [6]

48 8 12
By _chztn_

━━━━━━━━━━ ↺ [6]

"Trust no one."

. . . . . . .

[ SOREN ]

"THIS IS Eurydice's work. She made this creature. This is her art."

Napapikit ako nang mariin pagkasabi ni Silas no'n.

Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari, pero sigurado akong may kinalaman ito kay Eurydice. And my friends — even though they try so hard to deny it — I know that they know something about what happened to Eurydice. Kung talagang wala silang alam, hindi sila aakto o magri-react nang gano'n sa tuwing nababanggit siya.

Tumingin ako sa mga kasama ko. I saw Jensen look away from the sketch while Jiro just subtly bit his lip. Si Johannes naman, sumeryoso ang ekspresyon ng mukha. Nakita kong umiiyak na si Silas kaya agad kong kinuha ang papel at inilayo sa kaniya.

"Uulitin ko ang sinabi ko. May kasalanan ba kayong nagawa? Umamin na kayo ngayon din at baka ito lang ang paraan para makaalis na tayo dito," I said, gently wiping away Silas' tears.

Nanahimik na naman sila, not until Johannes scoffed.

"Kung meron man, gaano ka kasigurado na makakaalis talaga tayo dito?" sagot niya.

"There's a reason why we're here, Johannes. Narinig mo 'yong speaker, kapag hindi tayo umamin, mamamatay lang tayo."

"Eh sa ano ba'ng aaminin natin?! Ano'ng gusto mo? Umamin kami sa 'di naman namin ginawa? Aakuin namin 'yong kasalanan na 'di naman amin? Para ano?! Para ma-try kung tama 'yong hinala mo na makakaalis tayo dito kapag nagsabi kami ng totoo?!"

"Oo," I answered. "Kung wala talaga kayong tinatago, bakit gan'yan kayo mag-react? Bakit ayaw niyong sabihin ang alam niyo? Bakit ayaw mong sabihin kung ano'ng nalalaman mo, Johannes?"

"Kasi wala naman?! Bakit ba ako ang pinupuntirya mo ngayon, ha?"

"Wala ba talaga?"

"Wala! Pakshet!"

"Wala ka talagang alam? O may pinoprotektahan ka?"

Hindi nakaimik si Johannes. Naramdaman kong hinila ako ni Silas sa braso. Nahagip ko naman si Jiro na sumulyap kay Jensen bago ibalik ang tingin kay Johannes na tahimik lang at mukhang nagulat.

Lumipas ang ilang sandali at inirapan niya lang ako. "Wala. Tantanan mo 'ko, Soren, at ayokong mag-walk out din," he said and crossed his arms, his eyes staring at me with intensity.

Hindi ako tulad ni Jensen na kababata niya o ni Silas na mula high school e' kilala na siya. But despite the short amount of time that we spent together, I could say that I know Johannes to a certain extent. Madaldal siyang tao, pero kayang-kaya niyang magtago ng sikreto — no matter how dark those secrets can be.

"Cut it out, Soren. May mas malaki tayong problema kesa d'yan," singit ni Jensen dahilan para mapabuntong-hininga na lang ako.

Naramdaman kong hinawakan ni Silas ang kamay ko. I held him back and rubbed circles on the back of his hand. Somehow, kumalma ako dahil sa kaniya.

"Come on now, guys. Hanapin na lang natin sila Hideo. Baka kung ano pa'ng mangyari sa kanila sa labas," sabi ni Sil na tinanguan naman nina Jensen at Jiro. Si Johan naman, inirapan lang ako ulit bago magkalkal ng mga gamit sa desk.

Tiningnan ko lang sila nang maigi.

I know they're hiding something. Ayoko silang pagdudahan dahil mga kaibigan ko sila. I mean, shit. Simula pa sa simula, kasama ko na sila, lalo na sina Jiro at Jensen. Para sa akin, pamilya ko na rin sila. Ayokong mawala ang tiwala ko sa kanila.

Napatingin ako sa nakita kong folder na naglalaman ng mga litrato. Kahit doon sa papel kung saan naka-drawing ang sketch ng halimaw na humahabol sa 'min, hindi lumagpas sa paningin ko.

To be honest, hindi ko ganoon kakilala si Eurydice. Johannes introduced her to us along with Silas back then. Kay Silas ako naka-focus no'n kaya hindi ko siya masyadong nakilala, pero masasabi kong mabuti siyang tao — Silas wouldn't be friends with her if she isn't. And that turned out to be true because when she and Hideo became a thing, nakita namin kung gaano nagbago si Hideo dahil sa kaniya.

That was until things started to go downhill...

I sighed and looked back at everyone.

They're my friends, but it's hard to believe them whenever they deny that they have nothing to do with Eurydice. After all, everything that we found leads us back to her.

May hindi sila sinasabi sa 'kin... at hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman ito.

━━━━━━━━━━

[ SILAS ]

NANG MAKAKUHA na kami ng mga gamit, napagdesisyunan na naming lumabas ng kwarto at simulang hanapin sina Hideo at Nyle. Hanggang ngayon, hindi pa naman tumutunog ang alarm kung kaya't masasabi naming wala pang masamang nangyayari sa kanila. It's best to assume that the creature — the Red Man — hasn't found them yet. Kailangan namin siyang maunahan.

"May CR ba dito? Naiihi na ako," sabi ni Soren habang nilalakad naming lima ang madilim na hallway.

"There's one on the third floor. Aakyat lang tayo ng isang floor kung kailangan mo talagang mag-CR," sagot ni Jensen.

"You can still feel the need to pee in this situation?" Kunot-noong tumingin si Jiro kay Soren.

Nahihiyang nagtaas ako ng kamay at mahinang natawa. "Actually, naiihi rin ako."

"Nakakaramdam pa rin kayo ng gan'yan even in a situation like this?" Mas lalong kumunot ang noo ni Jiro.

"Baliw. Normal lang 'yan." Nginiwian siya ni Johan. "Sa isang cycle noon, nautot ka sa takot no'ng nagtatago tayo sa halimaw. Nahanap tuloy tayo. Ayun, m-in-assacre tayo nang wala sa oras."

Mukhang napagbagsakan ng langit at lupa si Jiro dahil sa narinig. Todo pigil naman kaming tatlo nila Jensen na tumawa. Mangiyak-ngiyak na nga si Soren dahil pilit niyang nilulunok ang tawa niya, eh.

Nang ligtas kaming makarating sa third floor, dumiretso na kaming dalawa ni Soren sa CR. Naiwan sa labas sina Jiro, Johannes, at Jensen. Tinanong ko sila kung hindi ba sila gagamit ng banyo pero tumanggi sila. Kailangan din daw kasing may magbantay sa 'min sa labas. The Red Man can come for us any moment, after all.

Lumabas ako ng cubicle at naabutan si Soren na naghuhugas ng kamay sa sink. Nagkatinginan kami sa salamin. He smiled at me — just like how he always did before we got trapped here in this hell. Kahit papaano, gumaan nang konti ang pakiramdam ko nang ngitian ko siya pabalik at lumapit sa kaniya.

"You okay?" tanong niya at hinalikan ang sintido ko. Tumango lang ako bago maghugas din ng kamay sa sink.

"You can tell me anything. You know that, right?" Napalingon ako sa kaniya nang muli siyang magsalita. His voice sounded gentle as usual. His gaze was soft as his eyes felt like they were staring right through my soul. Hobby niyang pag-trip-an ako sa harapan ng iba, but whenever we're alone, I could say that he's the sweetest guy I've ever met.

"Natatae na rin ako pero pinigilan ko kasi nandito ka," biro ko. Humagalpak naman siya ng tawa at pabirong idiniin ang baba niya sa balikat ko kaya agad ko tuloy siyang nasiko.

"Seriously, though... Okay ka lang ba talaga?" His expression slowly turned serious as he looked at me with worry. "Alam kong mahirap 'to para sa 'yo, Silas. Eurydice is your friend. Ayokong pagbintangan ang mga kaibigan natin pero may tinatago sila. Something about what happened to Eurydice must be the reason why we're here. We won't get out of this place if they don't confess."

Mariin akong napalunok, nakatingin nang diretso sa mga kamay kong hinuhugasan ko.

"I'm still a bit lost, pero okay lang ako, Soren. 'Di mo kailangang mag-alala para sa 'kin." Pilit akong ngumiti at bumaling ng tingin sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako, halatang nag-aalala pa rin. But after a few moments, he sighed and kissed my forehead.

"I will protect you, even if it means dying over and over again as I do."

Napayuko ako.

"'Wag," mahinang sabi ko. "I don't deserve it."

"Baby, don't say that. I'll protect you because I want to, whether you like it or not." Hinawakan niya ang bewang ko at inilapit ako sa kaniya.

We stood there in silence. Patuloy ang pag-agos ng tubig sa mga kamay kong nakatapat lang sa sink. There was a sense of warmth that I could feel being beside him, but still, it wasn't enough to ease the cold pang of anxiety slowly creeping inside of me.

"I can trust you, right? May tinatago ka ba sa 'kin?"

Para akong tuluyang nanlamig, pero pinilit kong lakasan ang loob ko.

"No."

I lied.

Bumuntong-hininga siya.

"I love you."

I lie — and he doesn't.

Pinatay ko na ang gripo at ipinunas ang mga kamay ko sa damit ko para matuyo. Nilingon ko si Soren at pilit na ngumiti. "Tara na?"

He smiled back and gave me a quick peck on the lips. "Mauna ka na. Maghihilamos lang ako. Nasa labas naman sila."

Imbes na makipagtalo, tumango na lang ako. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Ramdam ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa akin. Dumiretso na ako sa pintuan at nang akmang lalabas na ako, napagdesisyunan kong lumingon sa kaniya sa huling pagkakataon.

Napansin niya sigurong tumingin ako sa kaniya kung kaya't bumaling ang tingin niya sa 'kin. He smiled again, so I smiled back at him — a genuine smile — before I finally turned my back and opened the door.

I should stop feeling this way. I didn't do anything wrong. I only did what I had to do.

Just like how I'll do what needs to be done to get out of this hell.

. . . . . . .

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
GHOSTo Kita By Deza

General Fiction

599 53 10
A Beautiful Nightmare Series #1 Nhyana Marquez, ang babaeng mahigit walong taon din na may lihim na pagtingin kay Mateo Jellian Orua, makita lang ito...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...