Infernum

By _chztn_

1.2K 151 507

What makes your sin different from mine? What makes your sin different from mine? What makes your sin differe... More

↺ [0]
↺ [X]
↺ [1]
↺ [2]
↺ [3]
↺ [5]
↺ [6]
↺ [7]
↺ [8]
↺ [9]
↺ [10]
↺ [11]
↺ [12]
↺ [13]
↺ [14]
↺ [15]
↺ [16]
↺ [17]
↺ [18]
↺ [19]
↺ [20]
↺ [21]

↺ [4]

75 8 44
By _chztn_

━━━━━━━━━━ ↺ [4]

"Sinners judge other sinners
for who have sinned the most."

. . . . . . .

"I killed her..."

"You didn't."

"No... I did. I killed her. I killed Eurydice."

"Hindi mo kasalanan."

"You're right... I... saved her."

"..."

"I didn't kill her. I just saved her from this hell."

"Oo... You just saved her. It wasn't your fault."

"..."

"'Wag kang mag-alala, $&#@#. I won't tell anyone. No one will know."

━━━━━━━━━━

[ HIDEO ]

WHAT THE fuck is happening...

Napatingin ako sa lahat ng kasama ko pero tulad ko, namutla rin sila sa pagbanggit sa pangalan na 'yon. After what happened to her, we vowed to never bring up her name ever again.

Kumuyom ang kamao ko at napatingin sa kaniya.

"Can someone explain what the fuck is going on?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw. Gulong-gulo na nga ako sa nangyayari sa amin, tapos dadagdag pa 'to.

It feels like I'm just dreaming, but all the pain is real. Kahit itanggi ko pa, alam kong totoo ang lahat ng 'yon. We died and for some reason, we're alive again. Nothing about this makes any sense.

Tumingin ako sa mga kasama ko nang walang sumagot. Lahat sila'y nakatingin lang sa speaker na nasa dingding. Mukha silang balisa dahil sa pagkakabanggit sa pangalan na 'yon.

Napakagat-labi ako.

"Putangina! Umayos kayo!" buong lakas kong sigaw, pero alam ko sa sarili kong itinatago ko lang sa galit ang nararamdaman kong lungkot at takot — just like how I always do, like how I taught myself to be.

Mukha namang nagising sa pagkatulala si Johannes na napatingin sa 'kin. Miski sina Soren at Silas din.

"Hindi posibleng nananaginip lang tayong lahat kaya magpaliwanag na ang nakakaalam kung nasaan na tayo! Ano'ng nangyayari?! Bakit may humahabol sa 'ting halimaw at pinapatay tayong lahat?! Paanong nabuhay ulit tayo?!" sunod-sunod kong tanong.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Sawang-sawa na akong walang alam sa nangyayari sa paligid ko. Gusto ko lang ng kasagutan.

Narinig kong napasinghap si Silas. Tumingin ako sa kaniya pero bigla siyang hinila ni Johannes at binulungan.

"Tangina! May alam ba kayong dalawa?! 'Wag kayong magbulungan! Sabihin niyo ang nalalaman niyo!" galit kong sigaw.

"Teka lang kasi, 'di ba?!" pananaray ni Johannes na tinaasan pa 'ko ng kilay. Pasalamat siya kay Jiro pati na rin dahil kaibigan ko siya kundi talagang malilintikan 'to sa 'kin.

"Di, calm down," sabat ni Jensen na mukhang bumalik na sa wisyo pagkatapos marinig ang sinabi ng speaker. Naramdaman ko namang tinapik-tapik ni Nyle ang likod ko. I just clicked my tongue and crossed my arms.

"Johannes, ano ba talaga'ng nangyayari? May alam ka ba kung nasa'n tayo?" tanong ni Soren, mas kalmado kumpara sa 'kin. Ni walang pumigil sa kaniya nang lumapit siya kina Johannes at Silas.

Bumuntong-hininga si Johannes at hinawakan nang mahigpit sa kamay si Silas. "Alam kong mahihirapan kayong paniwalaan ang sasabihin ko, but we're stuck in a loop."

Halos magkasalubong ang mga kilay ko habang pinapakinggan ang buong paliwanag ni Johannes. Miski ang iba, mukhang hindi makapaniwala sa mga naririnig namin mula sa kaniya.

But it wasn't a matter of whether we believe him or not. Kung totoo nga ang sinasabi niya, he and Silas are the only ones who knows what we're into before us. Sila lang ang maaari naming maasahan ngayon.

"How did we manage to remember now? What happened during the previous cycle?" nagtatakang tanong ni Jensen.

Nakita kong umiwas ng tingin si Johannes. "No idea."

"Wait..." Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. "Silas! Ano'ng nangyari pagkatapos kong mamatay? Did the monster die?"

Napatingin naman sa 'kin si Silas. Bakas man ang takot sa mukha, tumango siya bilang tugon. "O-Oo... Malapit niya na akong patayin kaya ilang beses ko siyang pinagsasaksak. I think before I died, I saw it collapse on the floor while bleeding to death."

Mukha namang nagulat si Johannes sa narinig. "You killed it?!"

Nag-aalangang tumango naman si Silas. "Wait. Posible kayang..." Hindi na niya natapos ang sinasabi nang biglang bumaling ang tingin ni Johannes sa aming lahat.

"That creature dying must have had something to do with how everyone can now remember!" giit ni Johannes. "Kung tama ang hinala ko, ibig sabihin... sa tuwing namamatay ang halimaw na 'yon, saka lang kayo makakaalalang lahat."

"T-Teka... You're saying na that monster is still alive now?" tanong ni Jiro.

Nagkibit-balikat si Johannes. "Siguro? After all, we're in a loop. Kung buhay ulit tayo, baka buhay rin 'yon."

Napalunok kami. No wonder Johannes was throwing an attitude. It's our 25th time in this hell. Ngayon lang nangyaring nakakaalala kaming lahat dahil nagawang patayin ni Silas ang halimaw.

"So what happens if the creature doesn't die this cycle?" tanong ko.

"Hindi ako sigurado, but I think you'll all probably forget about the cycles," nanlulumong sabi ni Johannes.

Natahimik kaming lahat.

"Then, I guess we have no other choice." Silas' voice broke the silence. Tumingin siya sa amin, may seryosong ekspresyon sa mukha niya. "We have to kill that monster — as much as we can, over and over again."

Bumuntong-hininga siya. "Sa paraang 'yon, makakasiguro tayo na walang makakalimot. We can't go back to square one every cycle. Kailangan natin ng plano para makatakas dito."

Nagsitanguan naman sila Jensen. Kahit ako ay sumang-ayon sa sinabi ni Silas. Wala kaming ibang pwedeng mapagkatiwalaan sa sitwasyon na 'to kundi silang dalawa ni Johannes. I dislike being bossed around, but as long as we can escape this hell, I'm willing to do anything that they say.

"Ano'ng kinalaman ni Eurydice dito?"

Napatingin kaming lahat kay Soren nang magsalita siya. He was looking directly at us, seemingly desperate for answers.

"Narinig niyo 'yong sinabi ng nasa speaker," sabi niya at sa oras na 'to, ngayon ko lang siya nakitang magseryoso. "M-May pumatay raw kay Eurydice."

"That's not true. We saw the news. She commited suicide. No one killed her," giit ni Nyle at lumapit sa akin.

"Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa 'tin o kung nasaan man tayo, pero paniguradong may kinalaman 'to kay Eurydice." Isa-isa niya kaming tiningnan. "Wala naman siguro san'yong..."

What the fuck?

"Pinagbibintangan mo ba kami?" Hindi ko mapigilang mainis. Ganito na nga ang sitwasyon namin, tapos magkakasisihan pa kami dahil sa nangyari sa nakaraan. Tangina.

"Sabihin na nating gano'n, Hideo," walang kaemo-emosyong sabi ni Soren. "Tinatanong tayo kung ano'ng kasalanan natin. Hindi naman siguro tayo malalagay sa sitwasyon na 'to kung wala, 'di ba? Magtataguan pa ba tayo ng sikreto dito? Kaya sagutin niyo 'ko; may kinalaman ba ang sinuman sa inyo sa nangyari kay Eurydice?"

"Hold on, Soren. Kumalma ka. We're not sure of our situation right now. Mas magkakagulo tayo kung magkakaduda tayo sa isa't isa," pigil ni Jensen.

Natawa na lang ako.

"Sa tingin mo ba, may mamamatay-tao dito? Tangina. Mga kaibigan mo kami, Soren. Kung totoo mang may pumatay kay..." Natigilan ako. Hindi ko kayang sabihin ang pangalan niya. Kumuyom na lang ang kamao ko. "Kung totoo man 'yong sinasabi ng tanginang speaker na 'yon, pwes, hindi kami 'yon. Wala sa 'tin ang mamamatay-tao dito. Pinaglalaruan lang tayo."

"Tama si Kuya." Tumango-tango si Nyle na nasa tabi ko. "Baka intensyon 'to ng kung sinumang naglagay sa 'tin dito. Gusto niyang pagdudahan natin ang isa't isa para maghiwa-hiwalay tayo. Walang kinalaman ang nangyayari sa 'tin ngayon sa babaeng 'yon."

Soren suddenly laughed, bitterly. He looked at us like we were a big joke. Susugurin ko na sana siya dala ng inis nang bigla niyang kinuha ang isang folder na nakapatong sa lamesa niya. Binuksan niya ito at ipinakita sa 'min ang mga laman nitong litrato.

I froze when I saw her face again. But from my periphery, I saw everyone standing in shock too when they saw the other pictures.

"Ngayon, sabihin niyo sa 'kin na walang kinalaman si Eurydice sa nangyayari sa 'tin ngayon," matigas na giit ni Soren at inilapag sa tapat namin ang mga litrato.

━━━━━━━━━━

[ JOHANNES ]

KITANG-KITA KO ang pamumutla ng mga kasama ko nang makita nila ang pitong litrato. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko kung paano siya napalunok nang makita ang mga ito.

There were seven different pictures...

First was an artwork of mine. Ito 'yong gawa ko na pinakapinagmamalaki ko pero nanakaw sa 'kin.

Second was a photo that went viral. It was a woman kissing a man in a bar. Hindi kita ang mukha ng lalaki, pero kitang-kita ang babae.

Third was a picture of Eurydice. Nakatalikod siya sa camera but she turned to look at it. She had a sweet smile on her face.

Fourth was a bathtub filled with blood. Kuha siguro ito ng mga pulis na rumesponde noong araw na 'yon.

Fifth was Eurydice's autopsy report that was never released in public.

Sixth was a CCTV shot of someone carrying a woman in a motel. Walang nakalagay na date dito at medyo malabo rin ang mukha ng mga nandito.

Seventh and last was... nothing. It was a black picture. Kahit ano'ng titig ko dito, wala naman akong ibang makita. 'Yon na talaga 'yon.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan ko. Some froze at the sight, some quickly looked away.

There are seven pictures mula doon sa folder. Seven pictures... for the seven of us. Lahat ng litrato na 'to, may kinalaman sa amin — kay Eurydice.

"Where did you get these, Soren?" tanong ni Jensen, halos hindi maipinta ang gulat sa mukha. Umiwas naman ako ng tingin.

"Nasa lamesa ko na 'yan nang magising ako," sagot ni Soren at isa-isa kaming tiningnan. "Kahit anong pilit niyo, hindi niyo na maitatanggi na may kinalaman kay Eurydice ang nangyayari sa atin ngayon. Kung may kasalanan kayong kailangan aminin, aminin niyo na dahil baka 'yon lang ang paraan para makaalis tayo dito."

Muli akong napatingin sa lahat, lalo na sa kaniya. Natawa ako sa isip-isip ko nang halos umiwas silang lahat ng tingin kay Soren.

I knew it. Walang aamin sa kanila. Magkamatayan man dito — kahit paulit-ulit pa kaming mamatay — walang aamin sa nagawa nila.

We'll hide the truth no matter what.

"Bakit? Ikaw, Soren... Wala ka bang tinatago?" pag-iiba ni Hideo ng usapan. Dahil do'n, lahat kami ay napatingin na kay Soren.

"'Wag mo nang patulan," rinig kong pigil ni Silas na hinawakan pa ang braso ng jowa niya.

"Kapag ba nagsabi ako ng totoo, aamin ka rin, Hideo?" sabi ni Soren, halatang may laman ang mga salita.

Naupo na lang ako sa upuan at pinanood sila. Kulang ng popcorn at para na akong nanonood ng movie dahil sa tensyon sa pagitan ng mga nasa harapan ko. Kung wala lang talaga kami sa ganitong sitwasyon, baka matawa-tawa na ako dahil sa drama nila.

Nakita kong medyo natigilan si Hideo pero agad din niyang sinamaan ng tingin si Soren. "Ano ba'ng pinagpipilitan mo, ha? Wala akong ginawang masama."

"Really, Hideo?" Nagulat ako nang miski si Jiro, nakisabat na sa usapan. Kunot-noong napatingin naman sa kaniya si Hideo. Lalapitan sana siya nito pero agad itong pinigilan nina Nyle at Jensen.

"Ano'ng pinapalabas niyo, ha? Kung may gusto kayong sabihin, sabihin niyo nang diretso sa mukha ko. Hindi 'yong para akong gago na pilit iniintindi 'yong bawat sinasabi ninyo," giit ni Hideo, galit na.

"Hideo, stop it," awat ni Jensen at pumagitna pa sa kanila. Hila-hila naman ni Nyle ang kuya niya pero wala, sadyang malakas si Hideo. Normal na Hideo equals malakas; pero galit na Hideo equals to halimaw sa lakas. Kung gugustuhin niya, kayang-kaya niya kaming bugbugin lahat kahit pagtulungan namin siya.

"Let's face it, Hideo. Out of all of us, you're the only one na may motive na patayin si Eurydice." Taas-noong hinarap ni Jiro si Hideo. Agad naman siyang hinila ni Soren at hinarangan ni Jensen.

"Putangina?" Mas lalong mukhang nagalit si Hideo. "Pinagbibintangan mo ba akong pumatay sa kaniya?! Tangina, Jiro! Magkaibigan tayo!"

"Exactly! We're friends, so I know what you're capable of." Pagak na natawa si Jiro na direktang tinitingnan si Hideo sa mga mata. "Eurydice cheated on you. Kumalat sa buong university ang tungkol doon. Your fragile ego couldn't take that, so you killed her and made it look like suicide. Am I right?"

Natahimik si Hideo, nakatingin lang nang diretso kay Jiro. Sinubukan kong basahin ang ekspresyon niya pero 'di ko magawa. Napahalumbaba na lang ako at tumitig sa sahig.

Akala ko, magkakasapakan na. Pero nagtaka ako nang marinig kong tumawa si Hideo. It was a laugh filled with bitterness... and pain.

"Fuck you, Jiro," rinig kong mura ni Hideo, nanggagalaiti at puno ng gigil. Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanila.

"Is that all you have to say?" walang kaemo-emosyong tanong ni Jiro, pero tumawa lang ulit si Hideo.

"That's enough," awat ni Jensen sa kanila.

"Wala rin namang maniniwala sa 'kin." Tiningnan kami isa-isa ni Hideo, may hindi mabasang ekspresyon sa mukha niya. "Ano pa bang dapat kong sabihin?"

Sa isang iglap, biglang tumunog ang alarm at naging kulay pula ang ilaw na nagpapatay-sindi. At that point, alam kong alam na rin ng iba kung ano'ng ibig sabihin nito.

"Hideo! Don't open the door!" sigaw ni Jensen dahilan para mapatingin kami kay Hideo. Naglakad na siya patungo sa pinto at bago pa may makapigil sa kaniya, binuksan niya ito at tuluyang lumabas ng kwarto. Tumigil ang alarm dahil sa ginawa niya.

"Kuya!" tawag ni Nyle dito. Lumingon siya sa 'min at kitang-kita ko kung paano nanlisik ang mga mata niya, lalo na kina Jiro at Soren. Walang pag-aalinlangan siyang lumabas ng kwarto para sundan si Hideo.

"Nyle! Come back here!" Humakbang si Jensen pero nagtaka ako nang hindi na siya nagpatuloy. Halos abot niya na ang doorknob nang tumigil siya at umurong. Nakita kong kumuyom ang kamao niya habang nakatitig sa pinto.

Bumuntong-hininga na lang ako at muling napatingin sa mga litrato na nasa lamesa.

Sigurado akong hindi sila aamin sa kung alin sa mga litrato dito ang konektado sa kanila. Magkakasiraan kami bago pa lumabas ang katotohanan.

Napangisi ako.

Good for them, I know which pictures are theirs. And I'm certain that I know which one is mine. 

. . . . . . .

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
9.2K 81 10
My Spoken Word Poetry. Bunga ng gutom, puyat, paghihintay sa nawawalang net. Pagmumuni-muni sa madaling araw. Isang malaking trip. Hugot mula sa kail...
726K 16.2K 73
Sa madilim na mundong ginagalawan niya, isa sa ipinatupad na batas ang ipinagbabawal na pagmamahalan pero ang mapaglarong tadhana ay hinayaan siyang...