Infernum

By _chztn_

1.2K 151 507

What makes your sin different from mine? What makes your sin different from mine? What makes your sin differe... More

↺ [0]
↺ [X]
↺ [1]
↺ [2]
↺ [4]
↺ [5]
↺ [6]
↺ [7]
↺ [8]
↺ [9]
↺ [10]
↺ [11]
↺ [12]
↺ [13]
↺ [14]
↺ [15]
↺ [16]
↺ [17]
↺ [18]
↺ [19]
↺ [20]
↺ [21]

↺ [3]

72 8 43
By _chztn_

━━━━━━━━━━ ↺ [3]

"He who doesn't sin is the greatest sinner of all."

. . . . . . .

[ SILAS ]

EVERYTHING FELT like a haze. Pakiramdam ko, hindi totoo ang lahat ng nangyayari habang hila-hila ako ni Hideo patakbo sa madidilim na hallway ng main building ng university. Looking back at all the gruesome deaths of the people around me, it all feels like a bad dream — a total nightmare.

Ngayon pa lang, hindi ko na nakakaya. How the hell did Johan manage to live through every cycle like this? It must've been so hard for him to know that we'll just die over and over again. How did he manage to stay sane after all of this?

"Silas! Silas!" Bumalik ako sa reyalidad nang tapikin ni paulit-ulit na tapikin ni Hideo ang pisngi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kitang-kita ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo galing sa mga mata niya.

I looked around our surroundings. Ni hindi ko namalayan na nasa isang classroom na pala kami, parehas na nagtatago sa ilalim ng isang desk.

Hindi ko mapigilang matawa, hanggang sa tuluyan akong napahikbi. They call Hideo the strongest out of the seven of us, but even he's breaking too right now.

"They're all dead..." bulong niya at pabagsak na naupo sa sahig. He buried his face to his bent knees. Narinig ko siyang humikbi. This is the first time I ever see him this vulnerable.

Mariin akong pumikit at pilit na inalala ang mga sinabi ni Johan sa 'kin. He said that I probably did something to remember the previous cycle. But no matter how hard I try, wala akong maalala na ginawa ko o nangyari na magiging dahilan kung bakit ako nakakaalala ngayon. I died just like the rest of them. I didn't do anything at all.

"We're gonna die here." Biglang inangat ni Hideo ang hawak niyang kutsilyo at pinagmasdan ito. My eyes widened at his action. Ni hindi ko napansin na may dala siyang gano'n. It's probably the one that he gave to Nyle which Soren grabbed when Nyle killed himself.

Hinila ko ang kamay niya at mabilis na umiling. "Hideo, 'wag," pigil ko sa kaniya. Oo, mamamatay rin naman kami, pero hindi ko kakayanin na makita siyang magpakamatay sa harapan ko. I don't think I can handle seeing another death.

Kunot-noo namang tumingin sa 'kin si Hideo. He laughed bitterly and gently took my grip off of him.

"Akala mo magpapakamatay ako?" Ngumisi siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kutsilyo. "I'm probably gonna die now, but I'll fuck up that stupid ugly son of a bitch before I do."

Sa isang iglap, nagulat kami nang biglang tumilapon ang desk na pinagtataguan naming dalawa. Lumingon kami at bumungad sa 'min ang halimaw na nasa harapan na namin. Wala itong mga mata pero para itong nakatingin sa amin. Punit ang mga labi nitong nakakurba sa isang malawak na ngiti, para bang nang-aasar.

"Silas, takbo!" sigaw ni Hideo at walang pagdadalawang-isip na sinaksak ang katawan ng halimaw. Umalingawngaw ang nakakatindig-balahibong sigaw nito sa buong paligid.

It felt like the adrenaline kicked me up, prompting me to run as fast as I could. Pero wala pa ako sa kalahati ng tinatakbo kong daan papunta sa pinto nang bigla na lang iwinasiwas ng halimaw ang kamay nito sa mga upuan. Tumumba ako sa sahig nang matamaan ako nito.

"Silas!" I heard Hideo scream. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko siyang ibinato ng halimaw sa isang gilid. Tinamaan ako ng kaba nang biglang maglakad palapit sa akin ang halimaw.

Gusto kong tumayo at tumakbo, pero sobrang sakit na ng katawan at ulo ko. Parang umiikot na rin ang paningin ko. Wala akong ibang magawa kundi panoorin ang halimaw na dahan-dahang maglakad ang halimaw papunta sa pwesto ko.

"Mamatay ka na!" Nagulat ako nang muli kong marinig si Hideo na sumigaw. Bumaling ako sa kaniya at nakita siyang tumatakbo papunta sa halimaw habang hawak-hawak ang kutsilyo. He looked so angry and murderous. I've seen him get mad before, but this is definitely different. This is the reason why he's known by our peers as one of the most notorious fighters in our university.

Nang makalapit siya sa halimaw, nagawa niya itong masaksak nang buong pwersa sa likuran nito. Parehas kaming napasigaw, pero mas nangibabaw ang sigaw ko nang bigla siya nitong sinakal at inangat sa ere.

"Hideo!" I screamed over and over again. Nagpupumiglas si Hideo pero pahigpit ng pahigpit ang pagsakal sa kaniya nito.

For a moment, nagtama ang tingin naming dalawa. Nagulat ako nang bigla niyang ibinato malapit sa 'kin ang kutsilyo niya. Dali-dali ko itong kinuha sa sahig kahit parang mabibitawan ko ito dahil sa panginginig ng mga kamay ko.

Napatingin ulit ako kay Hideo. I couldn't help but cry out loud when I saw that he was already running out of air. But despite that, nagawa niya pa ring ngisian ang halimaw.

"Tangina mo." Kahit parang bulong na lang, nagawa ko pa ring marinig ang mura niya dito.

Wala na akong ibang nagawa kundi tuluyang mapasigaw nang bigla na lang siya nitong inihampas sa sahig nang buong pwersa. Hindi pa nakuntento ang halimaw at talagang hinila pa siya sa paa bago paulit-ulit na hinampas sa kung saan-saan. Nagkalat sa buong paligid ang dugo at kung ano-ano pang mga laman. Humahalo ang mga sigaw ko sa malakas na tunog ng alarm habang walang laban na pinapanood ang ginagawa sa kaniya.

Nang mukhang magsawa, ibinato ng halimaw ang lupaypay nang katawan ni Hideo sa isang gilid. Bumaling naman sa 'kin ang tingin nito. Kahit patay-sindi ang ilaw, kitang-kita ko ang pagtulo ng sariwang dugo mula sa mukha pababa sa katawan nitong walang kabalat-balat.

Tumayo ako at akmang tatakbo na sana ako nang sa isang iglap, nakaramdam ako ng matinding sakit sa bandang tiyan ko. Nagbaba ako ng tingin at para akong namanhid nang makita ang malaking kamay ng halimaw na nakasaksak dito papunta sa likod ko. Dahan-dahan akong iniangat ng halimaw sa ere dahilan para mapasinghap na lang ako sa sakit na parang pinupunit ang katawan ko.

Nagsisimula nang dumilim ang paningin ko pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, tumingin ako sa mukha ng halimaw. Parang nang-aasar ang malawak nitong ngiti habang nakaharap sa akin. Hindi ko mapigilang magalit imbes na matakot.

Biglang bumalik sa isip ko ang mga kasama ko. Si Nyle, Jiro, Jensen, Hideo... si Soren at si Johan. Namatay silang lahat nang dahil sa demonyong 'to. Mamamatay kaming lahat nang paulit-ulit dahil sa demonyong 'to.

Gamit ang natitirang lakas na meron ako, idinaan ko sa isang malakas na sigaw ang sakit na nararamdaman ko at buong lakas na sinaksak ang ulo ng halimaw gamit ang kutsilyong hawak ko. Umalingawngaw sa paligid ang nakakarinding palahaw nito pero hindi ako tumigil. Hinila ko pababa ang kutsilyo bago ito tanggalin para paulit-ulit itong saksakin hanggang sa maramdaman ko na ang kulay itim nitong dugo na tumatalsik na sa mukha ko.

Bago pa ako makabwelo para sa isa pang saksak, inihagis ako ng halimaw. Naramdaman kong tumama ako sa pader dahilan para mapasuka ako lalo ng dugo.

Nanghihina man, hindi ko mapigilang matawa nang mahina nang makita ang pagbulwak ng dugo ng halimaw. Wala na akong nagawa kundi panoorin na lang ito.

At habang unti-unti akong nawawalan ng buhay, wala akong ibang nagawa kundi titigan ang halimaw na bumagsak sa harapan ko. Patuloy sa pagtunog ang alarm kasabay ng pagpapatay-sindi ng ilaw. Nanatili akong nakatitig sa harapan ko bago tuluyang dumilim ang lahat.

━━━━━━━━━━

[ JOHANNES ]

UNTI-UNTING KONG iminulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa 'kin ang mga kaibigan ko na tulog pa. Napabuntong-hininga na lang ako.

Mukhang tapos na naman ang isang cycle. Nasa ika-25th na kami ngayon. Hindi ko alam kung magiging thankful ba ako dahil ako ang unang namatay sa nakaraang cycle. Medyo blessing in disguise kasi pagod na rin akong makitang mamatay ang mga kaibigan ko. Bale, ituturing ko na lang siyang day off mula sa impyernong 'to.

Though, it sucks na hindi ko natulungan si Silas. Nakakapanghinayang kasi siya ang unang naka-realize na nasa loop kami pagkatapos ko. Ni 'di ko man lang natulungan last cycle kasi nadedo agad ako. Sana lang talaga at nakakaalala pa rin siya. Untog ko sarili ko sa pader kapag hindi.

Napatingin ako sa mga kaibigan kong isa-isa nang nagigising. Ganito tuwing ulit ng gabing 'to, ako ang laging nauuna sa paggising. Tapos sila, ayun, magkukwentuhan dahil mga walang alam sa impyernong kahaharapin namin. Minsan, makikipagkulitan din ako dahil gusto ko silang maka-bonding bago tumunog ang alarm. Sa isip nila, nakatulog lang kaming lahat kakahintay na matapos 'yong oras namin sa detention. 'Di nila alam na ima-massacre kami ng mukhang tubol na halimaw na kung anuman 'yong bwakanangshet na 'yon.

Biglang bumangon si Hideo na napalinga-linga sa paligid. Muntanga lang.

"Ha?" sabi niya. Hatdog. Halaman. Happy birthday!

Miski sila Jensen, Nyle, Soren, at Jiro ay nagigising na rin. Si Silas na lang ang tulog. Sa lahat ng cycle, siya ang laging huling magising. Lagi pang nagrereklamo na masakit ang ulo. Mas masakit 'pag walang ulo. Alam ko kasi ilang beses na ako napugutan.

"Ano'ng nangyayari? Nasa'n tayo?" tanong ni Nyle. Weird. Usually, si Silas ang magtatanong n'yan ta's sila ang sasagot.

"Nasa detention tayo. May ginawang kalokohan si Hideo. Damay tayo," sabi ko na lang. Katamad nang marinig ang explanation na 'to for the 25th time in a row.

Kunot-noong napatingin naman silang lahat sa 'kin.

"Ha? Nananaginip lang ba ako?" tanong ni Hideo, takang-taka ang mukha.

Ako naman ang napakunot-noo. Napatingin ako sa iba naming mga kasama at gaya ni Hideo, bakas ang labis na pagtataka sa mga mukha nila.

"Did you dream of that monster too?" si Jiro naman ang nagtanong. Nagulat ako nang tumango si Hideo, pati na rin ang iba.

Gago? Ano'ng nangyayari?!

I swallowed hard. "Ano'ng naaalala niyo?"

Napatingin silang lahat sa 'kin.

"You died, Johannes," panimula ni Soren. "Tapos sinubukan naming tumakas mula doon sa halimaw na humahabol sa 'min. Namatay si Jensen at Jiro, tapos nang lumabas si Nyle sa main exit ng univ, bigla na lang siyang parang nasapian—"

"Oo!" sabat ni Nyle. "Bigla na lang dumilim 'yong paningin ko no'n. Ta's paggising ko, nandito na ulit ako."

Halos magkasalubong ang mga kilay ko.

Posible kayang...

"Sino'ng huling namatay?!" Hindi ko na napigilang sumigaw at mapatayo. Gulat silang tumingin sa 'kin. Sinubukan pa akong pakalmahin ni Jiro.

"Ha? What do you mean, Johannes?" tanong ni Jensen.

"Johannes, may alam ka ba sa nangyayari?" follow up question naman nitong si Hideo.

"Sino'ng. Huling. Namatay?" pag-uulit ko, mas madiin.

Nagkatinginan sina Soren at Hideo.

"N-Namatay rin ako pagkatapos ni Nyle," sabi ni Soren.

"It's Silas," sagot ni Hideo. "Namatay ako nang sinubukan kong patayin 'yong halimaw. Si Silas na lang ang natira pagkatapos kong mamatay — Teka! Ano ba talagang nangyayari, Johannes?! Parehas lang ba tayong lahat ng napanaginipan?!"

Hindi ko maiwasang mapalunok.

They can all remember now...

Gusto kong maiyak sa tuwa pero mas pinili kong lumapit sa natutulog na si Silas. Agad ko siyang niyugyog-yugyog para magising siya. Sinubukan naman akong pigilan nina Soren at Jiro pero 'di ako nagpatinag. I need answers.

Halos mag-tumbling ako sa tuwa nang tuluyan nang magising si Silas. Nalilitong tiningnan niya ako na para bang 'kala niya nasa teleserye kami.

"Johan..." tawag niya.

Bago pa ako makapagsalita, tumunog na ang speaker at nag-play na ang nakakarinding feedback. Napatakip silang lahat ng tenga habang ako, napatingin na lang sa kanila. It's my 25th time hearing this. Nasanay na lang din siguro ang tenga ko.

Pagkatapos ng ilang sandali, tumigil na ang feedback. Kakausapin ko na sana si Silas nang magsalita na ang nasa speaker, pero natigilan ako. Dahan-dahan akong napalingon sa speaker at gano'n din ang mga kasama ko nang sa pagkakataong ito, tuluyan na naming naintindihan ang sinasabi nito.

"What is your sin? Confess or die. What is your sin? Confess or die. What is your sin? Confess or die. What is your sin? Confess or die. What is your sin? Confess or die. What is your sin? Confess or die. What is your sin? Confess or die."

Akala ko, 'yon lang ang sasabihin ng nagsasalita. Pero laking gulat ko nang bigla nitong banggitin ang isang pangalan — isang pangalan na tahimik naming napagkasunduang lahat na hindi na namin babanggitin kahit kailan.

"Who killed Eurydice?"

Nakita ko kung paano namutla ang lahat.

Eurydice...

Natawa na lang ako sa isip-isip ko habang nakatingin sa lahat, lalo na sa kaniya.

They're all sinners. They all have sins.

They all killed her.

I know they won't confess about it.

Because I know I won't.

. . . . . . .

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
2.9K 260 13
Are you a bookworm? Minsan ka na rin bang nangarap na makatagpo ng lalaking katulad sa mga nababasa mo? Minsan mo na rin bang pinagdasal na sana nage...
646K 5.5K 8
Have you ever experienced Loving a Player? It is hard, really. But once a Player fell, they can give you the Love, you could ever experince.
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.