Go to Hell Mr. Principal

De Moonlyka

5.4K 168 19

Zero Xavalde is the definition of a perfect principal. His perfect jawline. Long and rooted hands are what re... Mai multe

DISCLAIMER
PROLOGUE
1st Chapter
2nd Chapter
3rd Chapter
4th Chapter
5th Chapter
6th Chapter
7th Chapter
8th Chapter
9th Chapter
10th Chapter
11th Chapter
12th Chapter
13th Chapter
14th Chapter
15th Chapter
16th Chapter
17th Chapter
18th Chapter
19th Chapter
20th Chapter
21st Chapter
22nd Chapter
23rd Chapter
24th Chapter
26th Chapter
27th Chapter
28th Chapter
29th Chapter
30th Chapter
31st Chapter SPG
32nd Chapter SPG
33rd Chapter SPG
34th Chapter
35th Chapter SPG
36th Chapter SPG
37th Chapter SPG
38th Chapter
39th Chapter

25th Chapter

70 0 0
De Moonlyka

Ipinatong ko ang limang libro sa aking lamesa nang nakarating ako sa loob ng classroom. Napabuntong hininga nalang sa naramdamang pagod.

Kakatapos ko lang kasi sa mga ginawa kong pagbabantay sa mga swimmer na kung saan naka assign ako. At isa pa itong si Coach Aeron na ang hirap pakisamahan. Tinitiis ko nalang bawat biro niyang nakaka-asar.

Napahawak nalang ako sa sintido at hinimas-himas iyon. Tumunog naman ng malakas ang bell ring sa labas hudyat na magsisimula na ang labanan ng basketball. Nabuntong hininga nalang ako at lumabas ng silid. At nagtungo sa court napapailing nalang akong pinagmamasdan ang mga itong naglalaro.

Halos umabot ng isang kalahating oras ang laro. Nagtatakang nilibot ko ang paningin ng hindi ko matanaw si Alyssa sa paligid. Nasan na kaya iyon? Bumalik na iyon e.

Itinuloy ko nalang ang panonood sa iba pang laro bukod sa basketball. Isang oras nalang ang nalalabi at ang susunod ng sport ay itong swimming kaya very competitive itong si Coach Aeron sa pagturo sa mga alaga nito.

"Ms. Kayne" Kalmadong tawag ni Coach Aeron saakin. Kaagad naman akong lumapit sakaniya.

"Yes coach?" Sagot ko dito. Nang makarating ako sa harap nito.

"Ikaw na ang bahala sa mga gear na kakailanganin nila sa laro at ako ang bahala kung saan mas maganda silang e-pwesto" Sabi nito habang tutok na tutok saakin. Tumango naman ako dito. At nagmamadali akong nagtungo sa mga gear equipment upang ihanda ang mga ito.

Nakangiting nilapitan ko ang mga swimmer at binigyan sila nang tig isa-isang gear at tig isa-isang goodluck sa bawat isa.

Ilang minuto nalang ang nalalabi at magsisimula na ang laro. Kaagad naman akong pumwesto sa harapan. Napahiyaw naman ako sa gulat ng makita si Alyssa na maydala-dalang lobo. Nangunot na tiningnan ko ito.

"Saan ka naman nanggaling ha?" Ngunot noong tanong ko dito.

Ngumisi lang ito at sinundot ako" Hay naku Kayne hindi ba obvious sa'yo. Edi syempre ano pa ba nga nanood lang naman ako ng basketball kanina. Todo cheer ako sa isa mga estudyante ko." Napapahiyaw na sabi nito.

Napailing nalang ako at inismiran ito. Umabot sa isang oras ang laro. Nakangiting pinagmasdan ko sila Coach Aeron na halos kita ang gilagid ang ngiti nito. Dahil sa nanalo kami sa laro.

Proud naman ako sa mga swimmer na nanalo. At isa-isa ko silang i-kinongrats.

"Ms. Morelos congrats to us" Napalingon ako sa likuran ng may nagsalita.

"O-oonga congrats" Napapangiwing sabi ko dito kay Coach Aeron.

"For this celebration Ms. Kayne. Iniimbita kitang pumunta ngayong gabi saamin. We need to celebrate this winning. And of course isama mo na rin 'yong kaibigan mo. Is si Ms. Ficon?" Sabi nito habang nakangiti.

"C-coach I'm sorry but---" At hindi ko natuloy ang sasabihin.

"Shh-- no excuses please" Seryosong tumingin ito.

Napalunok nalang ako sa paraan ng pagtitig nito saakin.

" I will wait for you" Ngumiti ito at tumalikod.

Napabuntong hininga nalang ako at napahimas sa ulo. Napapailing nalang akong nagtungo kay Alyssa.

"Alyssa pupunta ba talaga tayo ha?" Napapailing na sabi ko dito kay Alyssa na kasalukuyang itong nag-aayos ng gamit sa loob ng classroom nito.

"Oo naman Kayne 'tsaka ngayon lang 'to nangyari. Ngayon lang tayo mismo inimbita. Pagkapanalo naman ang i-ccelebrate diba? Kaya sa ayaw at sa gusto mo pupunta tayo mhm?" Taas na kilay na sabi nito.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. May pag aalinlangan kasi ako kay Coach Aeron alam ko naman kasing ayaw niya saakin e. Kaya ako na mismo ang lumalayo sakaniya.

Pero ito naman siya ang lumalapit saakin. Ewan ko rin sa taong 'yon masiyadong magulo. Umalis na nga ang isang nagpapa-init saaking ulo. Ang pumalit naman ay siya.  Napahawak nalang ako ng mahigpit sa hawak kong bag nang maalala ang huling usap namin ng principal.

Sumapit ang gabi ito kami ni Alyssa nag-hahanap ng damit na amin susuotin papuntang party.  At alam ko hindi lang iyon celebration ang magaganap kaya kailangan ko paring mag-ingat sa Aeron na 'yon.

"Oh Kayne tara na!" Bumalik ako sa huwisyo ng nagsalita si Alyssa. Tumango nalang ako at sinundan ang mga lakad nito papuntang hallway.

"Kailangan nating maghanap ng masasakyan Kayne" Sabi nito.

Nilingon ko naman ang buong paligid at naghanap ng masasakyan papunta doon. Bago pa man ako humakbang nakarinig ako ng sasakyan na lumalapit papunta sa gawi namin.

"Sakay na!" Napalunok nalang ako ng makita si Coach Aeron mismo ang ang nagpapatakbo sa sasakyan.

Napapailing nalang kaming sumakay ni Alyssa sa kotse nito. "Ready na ba kayo sa party?" Natatawang sabi nito saamin.

Nagkatinginan naman kami ni Alyssa. "Oo naman Coach" Napapailing na sabi ni Alyssa.

Tahimik na pinagmamasdan ko silang nag-uusap ng malalim. Kung may itinatanong sila saakin ay hindi naman akong nag-aalangang sagutin ang mga iyon.

Malakas na musika ang sumalubong saamin nang makarating kami sa bahay nila Coach Aeron.

Napahimas nalang ako sa batok oo nga naman ang celebration na magaganap ay pool party. E- syempre mga swimmer sila habang ako ito makikain nalang.

"Kayne, Buti nalang nakagdala ako ng swimsuit sabi na e pool party hehe" Napapahiyaw na sabi nito.

"Ms. Morelos si Ms. Ficon nakagdala na ng swimsuit e ikaw ba? Ay oo nga pala nakalimutan ko
you don't even know how to swim" Nang-aasar na sabi nito.

Nanguyom ang kamay ko sa inis. Kaya pala inimbita ako nito para asarin lang ako. Naiinis na tinapunan ko ito ng tingin.

Tumalikod nalang ako at pumunta sa mga pagkain. Hindi naman pool yung kailangan ko dito. Edi pagkain lang naman gusto ko e.

"Kayne Kayne!" Tawag saakin ni Alyssa. Nilingon ko naman ito.

"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang sabi nito.

"Wag kang mag-alala pupunta lang ako doon. Mag swimming ka doon"  Napapailing na sabi ko dito.

"Ha? sure ka?" Nag-aalangang sabi nito. Tumango nalang at itinuro ang pool sakaniya.

Ngumiti ito at nagtungo sa pool. Nakahinga ako nang maluwag ng makalayo-layo sa swimming pool. Pumunta nalang ako sa malapit na kainan. At inabot ang cupcake na nakalagay doon at nilantakan iyon.

Napangiti ako ng natikman ang cupcake na sobrang tamis. Inabot ko nanaman ulit ang lumpiang shanghai doon sa may paligid. Habang palinga-linga ako sa paligid.

Nanglamig ang mga palad kong nang may makapang ako na kung ano. Nanglaki ang mga mata kong tingnan ito. Kaagad naman akong napabitaw.

"Ganito ka pala ha? Mahilig magnakaw ng Shanghai" Nangunot ang noo kong tingnan itong Aeron na 'to. Kanina nang-iinis ta's ngayon hindi na ako tinantanan.

"Ba't ba ha?" Parang namumulang na bulyaw ko dito. Nahihiyang binalingan ko ito.

"Don't worry Ms. Kayne. I give you some of these. Kukuha lang ako ng plastic" Nakangiting sabi nito at umalis.

Napapahimas nalang ako ulo sa sobrang inis. Uuwi na nga lang ako. Nagmamadali akong naglakad palabas ng bahay nitong Aeron na 'to. Nang makarating sa gate nakahinga ako ng maluwag.

Naghanap naman ako kaagad ng kotse na sasakyan. Pero ilang minuto na ako nag-aantay ng sasakyan pero ni isa walang humihinto. Kaya naglakad lakad lang muna ako.

Napadaan ako isang tindahan. Nang makaramdam ng uhaw ay bumili ako ng maiinom pampapawi lang ng uhaw.

Napalunok ako ng makakita ng tatlong tambay sa tindahan. Napapailing nalang akong tiningnan ang mga ito. Nang nakabili na ako ay dahan-dahan naman akong naglakad upang makahanap ng masasakyan.

Pero bawat hakbang ko ay siyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napapalunok nalang ako tinitingnan ang likuran ko.

Napahawak ako sa suot kong palda ng lingunin ko ang mga tambay ay nakasunod na saakin.

"Uy Miss saan bahay niyo ihahatid kana namin" Sabi ng isang tambay na may hawak pang bote ng redhorse.

Kaagad naman akong umiling at nagdiretso-diretsong naglakad.

"Uy Miss teka lang, hintayin mo kami!" Sigaw pa ng isa.

Hindi ako nakinig dito at hindi ako lumingon. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba ay hindi ako nag-paawat na humakbang at makalayo sa kanila.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayang sobrang bilis ko nang maglakad at sobrang bilis na rin nilang humahabol saakin. Hanggang sa makarating ako sa may madilim na sulok. Hindi parin nila ako sinusukuang sundin.

"T-tulong!" Hindi ko na ring maiwasang hindi sumigaw at matakot. Napahawak nalang ako sa mukha ng may tumulo roon.

Mga luhang lumalandas sa aking mukha. At hindi ko maawat ang mga itong tumigil. Nanglaki ang aking mga mata ng may makita akong sasakyang na humaharorot pa papunta saakin.

Nanglaki ang aking mga mata ng tumigil ito."T-tulong!!" Malakas na sigaw ko.

Napahawak naman ako sa mata ng maaninag ang isang ilaw na humaharang sa aking mga mata.

Napalunok nalang ako ng makita ang lalaking iniwasan ko noon. Ang lalaking minahal ko noon. At ang lalaking minsan ko na ring kinabaliwan.

Pinagmasdan ko nalang itong nakipag- suntukan sa mga lalaking naghabol saakin. Sa mga tambay na ang iniisip ay alak. Hindi nag-paawat ang mga luhang nakikipag-unahan na lumabas.

Nanigas nalang ako sa pwesto ng lumapit ito saakin at hinawakan ang mukha ko. Dumapo ang mga kamay nito saaking mata at pinunasan iyon.

"Are you okay?" Nag-aalalang sabi nito.

"K-kharlex..."

Thanks for reading!

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.2M 58.9K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
2.6M 60.4K 82
❝ Kiss me slowly As if the seconds didn't pass As if it were a farewell Look at me with the shine Of the illusion of spring Of the excitement of summ...
30.3K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
157K 4.4K 42
Cara the only blind water bender was frozen in the ice with Aang. All her life Cara was treated as if she would break from the slightest fall but the...