Go to Hell Mr. Principal

Da Moonlyka

3.8K 131 14

Zero Xavalde is the definition of a perfect principal. His perfect jawline. Long and rooted hands are what re... Altro

DISCLAIMER
PROLOGUE
1st Chapter
2nd Chapter
3rd Chapter
4th Chapter
5th Chapter
6th Chapter
7th Chapter
8th Chapter
9th Chapter
10th Chapter
11th Chapter
12th Chapter
13th Chapter
14th Chapter
15th Chapter
16th Chapter
17th Chapter
18th Chapter
19th Chapter
20th Chapter
21st Chapter
23rd Chapter
24th Chapter
25th Chapter
26th Chapter

22nd Chapter

37 1 0
Da Moonlyka

Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang may estudyanteng tumakbo at tinawag ako.

"Excuse me ma'am, teachers allowed to go the office of our Mr. Principal. He will announce about the meeting"

Tumango nalang ako at napaisip tungkol sa aanunsyuhin ng principal. Tinapik ko ang braso ng isang guro para puntahan namin ang building na kung saan gaganapin ang meeting.

"Ms. Morelos I have a one question for you?" Napatigil ako sa paglalakad nang nagsalita si Ms. Cavalcante sa likuran ko.

"Question?" Nagtataka kong tanong dito.

"H-hmm HAHA, Ms. Morelos anong meron sainyo ng principal?" Natatawang bulong ni Ms. Cavalcante saakin.

Napakamot naman ako sa batok ng marinig ang tanong nito saakin "Meron? ay naku po ma'am wala po  kaming ginagawa?" Nahihiyang sambit ko dito.

"Don't be practical Ms. Morelos. I notices that you and Mr. Xavalde. May something fishy e. Meron ba?" Kinikilig na usal nito.

"Ay naku ma'am mali ang iniisip mo" Natatawang aniya ko dito.

"Kayne!" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ang boses na iyon.

"Kayne, teka lang hintayin mo ako. Sabay na tayo" Hinihingal na sabi ni Alyssa habang tumatakbo papunta saaking gawi.

Hinintay ko naman ito at nag sabay na kaming nagpunta sa building na kung saan magaganap ang pagtitipon.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi pa nagsisimula at wala pa ang principal. Ito ang una na
aking ginawa na hindi nahuhuli sa mga nagyayari. Hindi ko nalang namalayang tipid akong ngumiti.

Inayos ko ang suot kong damit at tiningnan ang pintong pinasukan ng principal. Napakapit ako sa suot kong skirt nang dumapo ang mata nito saakin.

"Morning everyone, I sent you all here because I have something important to announce. This is about the event that will be held here at the Univ. This event is about the activities for our students. The activity is about sports. It's either basketball swimming or etc. Remember these! Before I leave, the rules I made, don't try to break that. Is it okay?"

"Leave? Where you gonna go?"  Nagtataka kong tanong dito.

"Some important matter Ms. Morelos. That's why I sent you here so that you can take care of the university when I leave" Kalmadong sambit nito.

Tumango nalang ako at naiintindihan ko naman ang gusto niyang iparating.
Natahimik kaming lahat at seryosong nakinig sa anunsyo ng principal.

Napabuntong hininga ako ng matapos ang meeting. Sa susunod na linggo na ang event na mangyayari. Kaya ngayong linggo magiging abala na ako sa paghahanda tungkol dito.

"Kayne, tara sabay na tayong umuwi" Sambit ni Alyssa saakin.

Tumango nalang ako dito at sinundan ito. Mukhang nawalan ako nang gana o, baka nagugutom lang ako. "Alyssa kumain kaya muna tayo sa labas?" Sabi ko dito.

"Talaga?Sige basta libre" Natatawang bulyaw nito. Tumango nalang ako dito at nagsimula nang maglakad papunta sa isang kainan.

"O, Kayne pagkatapos nito samahan mo ako sa bookstore ha, may bibilhin lang ako" Sambit ni Alyssa habang may sinusubo.

"O, sige ba basta ilibre muna din ako ng libro" Natatawang bulyaw ko dito. Nangunot naman ang noo nito at tiningnan ako ng masama.

Tinaasan ko ito ng kilay. Wala na itong nagawa kung 'di sumang-ayon. Natatawang binalingan ko ito habang naglalakad kami pauwi.

"Kayne salamat sa pagkain at sa libre mo na nilibre ko rin sa'yo. Ang galing no?HAHAHA" Natatawang aniya nito saakin.

Ngumisi naman ako at binalingan siya" Alyssa maraming salamat din sa libre mong libro" Hindi ko mapigilan hindi ilabas ang namumuong tawa sa aking loob-looban ng dumapo ang aming mata. Para kaming tanga na tawa ng tawa habang nakasakay sa jeep sa ginawa naming kakaiba.

Nagtataka nalang ang drayber sa aming inaasta. Pero parang wala kaming pakialam. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita sila Nanay at Tatay na nakaupo sa tabi.

"Nay?Tay?" Nagtatakang tanong ko  dito.

Napalingon naman sila at napahawak agad sila saakin balikat nang makita ako.

"Tay?Nay? Anong ginagawa niyo dito?" Ngunot noong tanong ko sakanila.

"E, kasi naman anak pinag-alala mo kami ng husto  ilang oras na kaming naghahanap nang nanay mo dito sa lugar na ito at ngayon lang kami napadpad sa iyong tinutuluyan. Nang mabalitaan naming nawawala ka ay dali-dali kaming nagpunta dito para mahanap ka. At ngayon nalaman namin na nandito kana nakahinga kami ng maluwag anak" Natatarantang sambit ni Tatay.

"Nay, Tay naman, wala ka 'yong dapat ipag-alala kasi..sino ba kasi---Tskk sige Nay, Tay, maupo muna kayo. Kukuha lang ako ng maiinom"  Napapailing na sambit ko sakanila. Hinatak ko naman si Alyssa papuntang kusina.

"Bakit niyo pa kasi pinarating kila Nanay ang nangyari saakin dito?" Bulong ko dito kay Alyssa.

Ngumisi naman ito at napakamot sa ulo."E, kasi naman Kayne nawawala ka kaya nataranta kaming lahat hindi namin alam kung sino ang tatawagin namin kung nasan ka. Kaya wala kaming nagawa kung hindi tawagan ang mga magulang mo. Nakuha lang namin yung number nila sa cellphone mo" Nalulungkot na usal nito.

Tumango tango nalang ako sa mga dahilan niya. Wala na akong magagawa dahil nandito naman sila Nanay mas mabuting pauwiin ko nalang sila. At sabihin ang mga nagyari.

"Nay, Tay, okay naman po ako dito. Kita niyo naman po madami yung kasama ko dito at kaibigan wala na kayong dapat ipag-alala"

"O, siya sige na nga Kayne mauuna na kami ng Tatay mo. Mga anak  basta alagaan niyo si Kayne ha. Magtulongan kayo" Nakangiting usal ni Nanay sakanila. Napapakamot nalang ako sa ulo sa kahihiyan.

Madami pang sermon ang aking natamo ng lumabas ako ng bahay. Nakabuga ako nang malalim na hangin hanggang sa umalis na sila.

"Kayo ha, wag na wag na ulit kayo tatawag sakanila. Ayaw kong pinag-alala ko sila ng husto" Pinandilatan ko sila Alyssa. Wala na silang nagawa kung 'di sumang-ayon.

Hinabol ko naman sila Nanay para samahan sa sakayan na kanilang sasakyan pauwi. "O, Kayne bakit ka pa sumunod?" Sambit ni Nanay.

"Ihahatid ko muna kayo sa sakayan" Nakangiting usal ko.

"Kayne, kung pwede bago kami umuwi ng Tatay mo. Kumain muna tayo" Nakangiting usal ni Nanay.

"Ah sige po Nay may alam akong kainan na masarap dito" Natatawang sabi ko dito.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila Nanay at Tatay na kumakain. Isang buwan na rin na hindi ko sila na nakita. Pero kahit papano kahit sa ganitong pagkakataon at kahit kunting panahon ay nakasama ko sila.

Napaangat ang tingin ko sa paligid ng makitang may kotseng pumarada sa harapan ng kainan. Napalunok ako ng makita si Mr. Principal na lumabas roon. Uminom ako ng juice ng dumapo ang mga mata nito sa aking pwesto.

Kaagad naman akong tumaliwa at yumuko."Nay bilisan na natin kumain. At itong mga natira ipapabalot ko nalang po para may mabaon kayo pauwi" Bulong ko dito kay Nanay.

"Kayne, anak samahan mo kaya akong bumili ng ice-cream nakakamiss yung mga panahong kumakain tayo ng ice-cream. Sige na anak" Nakangiting wika ni Tatay.

Napapikit nalang ako habang pinagmamasdan ang principal na papalapit na sa aking gawi. Kaagad naman akong tumayo at hinawakan si Tatay."Sige Tay, bumili tayo"

Ngumiti naman si Tatay at tumayo ito 'tskang iginaya ko siya palabas ng kainan. Napakapit ako sa braso ni Tatay ng makita ang principal na dumaan sa aking harapan. Yumuko naman ako para hindi ako nito makilala.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo-layo. Pagkabili namin ni Tatay ng ice-cream bumalik na kami kay Nanay na kasalukuyang kumakain.

Nilibot ko naman aking paningin nagbabaka-sakaling nasa paligid lang ang principal. Ano kayang ginagawa niyan dito?

Bumuga ako ng hangin ng makitang wala na ang principal sa loob ng kainan.

Nang matapos kaming kumain nila Nanay hinatid ko na sila sa may sakayan. Hinalikan ko sila sa pisnge at nagpaalam.

Buti nalang umuwi na sila. Ayaw na ayaw kong pinag-alala ko sila. Bago pa man ako umuwi napabalikwas ako sa daanan ng maalala ang dala kong bag. Nasan na 'yon?

Agad-agad ko naman iyon hinanap sa mga dinadaraanan ko. Nanglaki ang aking mga mata ng maalala sa kainan!

Dali-dali naman akong bumalik sa may kainan baka doon ko nga naiwan yung bag ko.

Naghahabol ako ng hangin nang makarating sa harapan ng kainan.
Nilibot ko naman ang paningin at dumapo iyon sa lamesa na aming kinainan kanina.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko iyon nga nandoon. Dali-dali ko naman itong nilapitan at kinuha.

Nakangiti akong naglalakad papauwi. Kahit madaming nangyari ngayong araw kahit papano nakasama ko sila Nanay at Tatay.

"Ms. Morelos" Napatigil ako sa paglalakad ng may nagsalita sa aking likuran. Nilingon ko naman ito.

"Mr. Principal?" Nagtatakang tanong ko dito.

Napasinghap ako sa pwesto ng hawakan niya ang kamay ko at may inilagay doon. Ngunot noong tiningnan ko naman iyon.

"Bakit mo 'to binabalik saakin?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Make a new coffee for me. And do not buy a coffee outside again" Napatulon laway ako ng lumapit ito saakin.

Tumango nalang ako at napaatras. Lumayo naman ito at tumalikod. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na ito. Napakapit ako sa hawak kong kape at tinapon iyon sa sulok. Pano niya nalaman na binili ko lang ang kapeng 'to?

Thanks for reading!

Continua a leggere

Ti piacerร  anche

205K 10.4K 89
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
310K 18.5K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
188K 4.6K 29
stiles stilinski had childhood trauma and signs of delusions and schizophrenia were seen in the boy. but as he got older everyone thought it went awa...