Villaverde Brothers Series 2:...

By adihiraya

124K 1.4K 224

Therene Kylei De Vega is a twenty-three-year-old model who aspires to be a lawyer. After years of dreaming ab... More

VBS#2: Jilting the Fearless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Dedication (A graduation gift)
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Thirty-three

1.9K 25 7
By adihiraya

I hate my mother.

Hindi niya na kami nirespeto ni Reneil. The audacity to post something without thinking of what would we feel. She's so selfish and insensitive. She could've unfriended us or blocked us but she chose not to. Para saan? Para ipakitang ayos at masaya siya? I didn't know she loves teasing. Ang lakas niyang mang-asar sa ginawa niyang 'yon.

I hate to see my brother crying because he's hurt. Wala siyang tigil sa pag-iyak habang yakap ko siya nang mahigpit no'ng araw na 'yon.

Galit ako. Galit na galit ako sa kaniya.

Galit ako sa mga kaibigan niyang may alam pero nagsinungaling sa akin. May kapal pa sila ng mukhang mag-comment sa post ni mommy at sabihing masaya sila para sa kaniya. Nanggagalaiti ako no'ng araw na 'yon at nagawa ko pang mag-iwan ng komento at napakahabang mensahe sa ina. Inilabas ko lahat ng galit at sama ng loob na meron ako sa kaniya. There were some hurtful words, but she deserves it. Kung hindi ko sasabihin ang mga 'yon, baka hindi niya pa ma-realize kung saan banda siya nagkamali.

Wala nga bang mali sa pagmamahal? Meron. Love can make you do wrong things. Love sometimes can make people go blind. Alam nilang mali pero nagbubulag-bulagan at nagbibigi-bingihan. Kaya kang gawing tanga ng pag-ibig. It is wrong to have an affair but mom and dad both did it. For what? To seek revenge on each other? Hindi niya naisip na kami ang lubos na maaapektuhan.

That's it. Mahirap man pero mas pinili ko na lang na kalimutan sila sa paglipas ng panahon. What my parents did is worse than a break up. Ang hirap maka-move on sa mga ginawa nila sa amin ng kapatid ko.

My mom replied, of course.

She apologized at sana raw maging masaya na lang kami para sa kaniya. Lahat daw ng nangyari ay hindi niya ginusto o hindi niya snasadya. Who would believe on that reason? They are also expecting a baby, no'ng nagmessage siya sa akin. Matagal na ang relasyon nila ni Kuya Ben pero hindi raw siya ang tatay ni Reneil. I wanted to ask who at gaano ba karami ang naging lalaki niya pero hindi ko na ginawa. I did not reply, sa kagustuhan na rin ni Reneil.

Ayaw niya na raw makarinig ng kung ano pa tungkol sa pabaya naming ina. I respected him. Ako na rin mismo ang gumawa sa hindi nagawa ni mommy. I blocked her in all of my social media accounts. Ayaw ko na rin maging updated sa mga nangyayari sa kaniya.

That was almost two years by now. Sa ngayon, masaya at magaan naman ang buhay namin ni Reneil nang wala sila. We never visited dad, hindi ko kakayanin.

Law school is never easy. I'm on my third year at habang patagal nang patagal, mas nahihirapan ako pero wala na sa vocabulary ko ang salitang pagsuko. Ang layo ko na, wala akong balak sayangin ang mga paghihirap at iniyak ko sa mga nagdaang taon.

Mas nagiging abala ako sa school. Nawawalan na ako minsan ng oras para kay Jai but he's so consistent magmula noong una hanggang ngayon. Lagi niya pa rin akong iniintindi kahit may mga pagkakataon na nasusungitan at halos masigawan ko na siya.

I immediately feel guilty lalo na sa tuwing makikita ko na parang nasasaktan ko na siya pero minsan ay nagmamatigas ako. Kailangan niya akong intindihin dahil pursigido ako sa mga ginagawa ko. Kailangan niyang maintindihan na ang ginagawa ko ay para sa pangarap at kinabukasan namin ng kapatid ko.

Sometimes, I can go in a day without talking or messaging him. Siya talaga ang laging nauuna pero kuntento na rin siya sa napaikli kong reply. Minsan sinusundo niya ako kahit gabi na ang labas ko sa school dahil night shift ang schedule ko, kailangan ko kasing i-manage sa umaga ang HG.

My business is at peak of being one of the successful beauty products. May mga artista na ring gumagamit nito at ine-endorse pa sa kanilang social media accounts, some were for free because they insisted. Nakakahiya man pero napakalaking tulong sa akin.

Because of it, I was able to pay Jairus even though he said it's fine at ginawa niya 'yon bilang tulong sa akin pero hindi ako pumayag. Napakalaki ng ginastos niya, at ayaw kong magkautang na loob sa kaniya if ever something happened. Mas okay na settled kami.

Reneil is already in college. He pursued aeronautical engineering. I'm full support dahil alam kong magmula bata pa siya ay iyon na talaga ang gusto niyang kuhanin. We have each other's back now. Mas nababawasan na rin ang mga away namin dahil siguro nagma-mature na kasabay ng paglipas ng panahon.

"Nangnang . . ." cute na tawag sa akin ni Micha at nagtatakbo.

Natakot akong baka madapa kaya sinalubong ko siya at agad na binuhat. Sumunod si Mil na kapapasok lang ng bahay.

"Ang kulit niyang inaanak mo. Ang sabi ko busy ka dahil nagre-review ka pero mapilit at gusto kang puntahan," aniya.

Natatawa ko namang hinalikan sa pisngi ang bungisngis na si Micha. "Magseselos na naman si Ninang Raya mo nito."

"Papunta na nga 'yon dito. Hindi raw siya papayag." Tumawa si Mil.

Raya went home a year ago. Dalawang taon din siyang palipat-lipat ng bansa kaka-travel. Anak yata siya ni Henry Sy at parang hindi siya nauubusan ng pera. Nagpupustahan nga kami ni Mil kung magkano ang nagastos niya sa mga trip niya pero ayaw niyang sabihin sa amin.

"Where's my Michailah!"

Speaking of the witch, she arrived.

Naabutan niyang karga ko sa Micha at gusto niya ng kuhanin ito sa akin pero tinalikuran lang siya ng bata na marunong din mang-asar. Tinawanan naman namin siya ni Mil at inasar na ayaw sa kaniya ng bata.

"Baby, Ninang Therene is busy. She needs to review kaya sama ka na sa akin. I'll buy you another doll house. Mas big pa sa bigay ko last time . . ." pang-uuto niya rito.

S'yempre nato niya ang bata kaya sumama naman sa kaniya. Tuwang-tuwa naman ang bruha at inilayo na sa akin si Micha para makasiguradong hindi ko na aagawin.

"Bakit kasi hindi pa kayo mag-anak? Hindi 'yong lagi n'yo na lang pinag-aagawan ang anak ko. Jusko, makakadalawang anak na ako, kayo inaagiw na," ani Mil.

Napatingin naman kami dahil sa sinabi niya. "Anong makakadalawang anak?" tanong ko.

Ngumiti siya sa amin. "I'm pregnant. Four weeks na!"

Natuwa kami ni Raya para sa kaniya, at nagpustahan na naman tuloy kami sa magiging gender nito. Nakatanggap tuloy kami ng batok kay Mil na ginagawana raw naming hobby an pagpustahan ang buhay niya. Una kung magkakatuluyan ba sila ni Cai. Pangalawa, 'yong gender reveal, at pangatlo ngayon.

Tawa na lang kami nang tawa dahil ginawa na raw namin siyang sugal.

"Hoy, ikaw kailan mo ba balak sagutin si Jairus? Ang tagal na pero hanggang ngayon wala pa rin kayong label. Ano bang balak mo?" tanong ni Mil sa akin habang nanonood kami ng kdrama sa sala.

Nagpahinga muna ako sa pagre-review dahil kailangan ko rin naman 'to paminsan-minsan.

Hindi ko siya masagot dahil kahit ako, hindi sigurado. Mahal ko si Jai pero mas inuuna ko ang priorities ko sa buhay. Siguro magkakaroon naman ako ng oras sa kaniya 'pag natapos na ang lahat ng 'to.

'Yon ay kung kaya niya bang maghintay pa.

It was 6:00 in the evening when I received a call from him. Nakauwi na sila Mil dahil sinundo na sila ni Ca. nag-stay pa saglit si Raya pero umuwi na rin dahil hinahanap na siya ng kapatid niya. Babalik na sana ako sa pagre-review pero tumawag siya. Tsaka ko ang naalala na hindi pa nga pala ako nagpaparamdam sa kaniya ngayong araw. I'm not obligated to do that. Alam niyang busy ako.

Bumungad sa akin ang pagod niyang mukha ng sagutin ko ang video call. Hindi ako nagsalita at pinakita sa kaniya ang sandamakmak na papel na nasa harap ko.

"You're studying? Naistorbo ba kita?" tanong niya.

"Obvious ba?" sarkastiko kong tanong.

He scratched his eyebrow. "I just wanna check if you're fine."

"I'm good, Jairus. Pwede bang mamaya na lang? I'll message you once I'm done studying," I said seriously.

I heard him sigh but he doesn't have a choice but to nod his head and say goodbye. He also did not forget to say I love you before ending the call.

Sometimes nakokonsensya ako pero madalas mas nananaig sa utak ko na kailangan niya kong intidihin. I' m aware that I'm being tough but I need to. Kung magpapa-distract ako masyado sa kaniya, baka wala na akong magawa.

I spent my whole night studying. Hindi muna ako pumunta sa HG nang mag-umaga at mas piniling matulog. Gumising lang ako no'ng kailangan ko nang mag-prepare para pumasok. May exam kami ngayon kaya todo araw talaga ako magdamag.

Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa akin si Jai na kakatok pa lang sana.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Ah, I brought you food. Ihahatid din sana kita sa school mo," sagot niya.

Bumuntonghininga ako. "Hindi ka na sana naag-abala. Kaya ko naman."

"Just let me do these things for you . . ."

Wala na akong nagawa at tumango na lang. Nandito na rin naman siya at ayaw kong sayangin ang effort niya. Tutal hindi na rin naman ako nakapag-message sa kaniya dahil anong oras na ako natapos mag-aral. Ito rin yata ang unang beses na nagkita kami ngayong linggo kaya naman pagbibigyan ko na.

Sabay kaming kumain habang ang dami niyang kwento. Sinisikap ko namang makinig kaso tumatakbo talaga sa isip ko ang magiging coverage ng exam mamaya. Hanggang sa pagmamaneho, kinekwento niya pa rin ang mga nangyari sa kaniya no'ng mga nagdaang araw. Nang mapansin niya yatang wala sa kaniya ang atensyon ko, nanahimik siya bigla.

"Ituloy mo ang kwento mo, nakikinig ako . . ." sabi ko.

Tumingin siya saglit sa akin at hindi nakatakas sa paningin ko ang sakit doon.

"May natanggap akong offer sa Spain. Dalawa hanggang tatlong taon ang kontrata. I declined kasi gusto kong panoorin ka maabot lahat ng mga pangarap mo," wika niya saka ngumiti sa akin.

Kumunot ang noo ko. "That's a big offer, Jai. Bakit mo naman tinanggihan? 'Di ba paangarap mong magkaroon ng malaking offer?" hindi makapaniwala kong tanong.

"This is where my dream is. Ikaw ang pangarap ko."

Inihinto niya na ang kotse sa tapat ng University pero hindi agko bumaba.

"Why would you waste such a big opportunity just for me? Nag-iisip ka ba? Sinayang mo 'yong malaking offer para sa akin? Are you out of your mind?" naiinis kong sabi.

"You want me to accept it?" he asked painfully.

Napatanga na lang ako. Hindi ko alam kung nakukuha niya ba ang punto ko. Pwede niya namang tanggapin 'yon at hindi naman ako mawawala rito. May babalikan pa rin naman siya. I don't need him to watch me achieve my dreams dahil alam ko namang naniniwala siya sa akin. He'll be with me in this journey kahit malayo pa siya.

"You don't get me, do you?" I asked. "Minsan lang kakatok ang mga ganiyang kalaking oportunidad sa buhay natin, pero ikaw nakuha mong sayangin 'yon para lang sa akin? I can never give you the experience of working in another country and being commended of how good you are as an architect. I am not the dream, Jai. I'm sorry to burst out your bubbles."

Inis akong bumaba ng kotse niya. Gusto kong maisip niya kung ano ang sinayang niya. If he thinks that I'll be happy na parang mas lumabas na ako ang pinili niya, hindi ako masaya. Gusto kong parehas kaming mag-grow as an individual pero mananatiling nakasuporta sa isa't isa. Gusto kong parehas naming maabot ang lahat ng mga pangarap namin kahit kailangan pa naming magkalayo. I want the both of us to succeed.

Because of what happened, my mind is too preoccupied while taking the exam. Umabot sa puntong hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko kahit alam ko naman dahil mas naghahari si Jairus sa isip ko. Para siyang lason sa utak. Hindi nakakatulong.

Gusto kong umiyak habang nag-e-exam dahil hirap na hirap na ang dibdib ko. Natapos ang oras ng exam na hindi ko natapos 'yon.

See? This is his effect on me.

Paglabas na paglabas ko ng room, bumuhos ang mga luha ko. I can't fail. Hindi pwede. God knows how much I pray for this journey to be less hard for me. Alam kong mahirap pero gusto ko lang naman gumaan.

"Ayos ka lang, Ky?" Nakita ako ni Nina na umiiyak sa gilid.

Nahihiya akong tumango. Inalo niya pa ako at sinabing mahirap talaga ang exaam. Hindi niya ako iniwan hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak at kumalma.

"Thank you, Nina," sabi ko saka ngumiti nang tipid sa kaniya.

Sabay kaming lumabas, at doon ko nakitang naghihintay si Jai sa akin. He stared at me deeply. I know by now that he already knows that I cried.

Nagpaalam na si Nina sa akin na tinanguan ko naman at sinabing mag-iingat siya.

"Are you okay?" tanong ni Jai nang makalapit ako.

Tumitig ako sa kaniya. "You want an honest answer? Hindi ako okay, all because of you! I did not finish taking my exam because you keep on pestering my mind. Ikaw at 'yang katangahan mo!"

A glimpse of pain showed up on his face. Natigilan siya at hindi makapagsalita. Unti-unting namasa ang gilid ng kaniyang mga mata. While staring at me intently, his tears rolled down slowly.

I hate to hurt him but if I don't say this, he will never know.

"Achieving your dreams won't hurt me, Jai. I will be happy for you. I want us to reach everything we have dreamt of . . ." I trailed off. "But right now I think I won't be able to achieve my dreams if you'll be like that."

"What do you mean, my love?" he asked painfully.

"You're a distraction to me. It isn't healthy . . ." I uttered the truth.

Continue Reading

You'll Also Like

369K 11.6K 31
brief pause. i'm walking backward into my own myth. DC TITANS. DICK GRAYSON. SEASON 1-2. VOLUME ONE. © SVPERBOY. cover by @pepperronys currently rew...
17.1K 317 22
Y/N L/N is a "normal" guy with a "normal" life, but there is a secret that he keeps hidden from the public... His life is literally a videogame altho...
162 67 8
In a world where magic reigns.There exist a school known for its great powers (S.N.H) The supernatural high school.During the ceremony of choosing a...
60.2K 990 42
multifandom x fem!reader (requests are OPEN) a series of multifandom imagines that I wrote when I was bored also most of these are old, so please ign...