Snow White is a Man

By shinkumi

145K 7.1K 1.6K

{Vampire Tales #1} He was born in an ugly world. He grew up as if he's Grim Reaper's right hand. At the early... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 3

7.8K 404 53
By shinkumi

Chapter 3

Crimson Night

Dumaan ang malamig at malakas na hangin na siyang nakapagpadagdag sa aking kilabot. Tinitigan ko siya. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ito ngunit sa puti niyang maskara, itim na pananamit at talsik ng dugo sa kanyang mga kamay at katawan, alam kong siya talaga si Snow White.

Napadako ang aking tingin sa katawan ng babaeng na nakahiga sa malamig na semento. Nakasuot siya ng corporate attire. Nakasabog din sa sahig ang laman ng kanyang bag.

Ito na ang pagkakataon ko para kuhanan siya ng candid shot pero paano ko 'yon magagawa kung hindi ko man lang maigalaw kahit isang pulgada ang aking mga kamay. Para akong nakapako sa aking kinatatayuan. Naghuhuramentado ang aking puso. Hindi ko alam kung mababaliw na ako o ano. Gusto kong tumakbo pero alam kong maabutan niya din ako.

Parang nawala ang kalasingan ko nang dahan-dahan siyang lumakad patungo sa 'kin. Ang bawat pagtungtong ng kanyang mga paa ay naglilikha ng tunog. Kinilabutan ako.

Erza, tumakbo ka na! Gusto mo na ba talagang mamatay?!

Sumisigaw ang aking isipan pero ayaw gumalaw ng aking katawan upang sundin ang isinisigaw nito.

Nanlalabo na ang aking mga mata. Akala ko ay tuluyan na akong nahimasmasan pero nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. Mas nararamdaman ko na ngayon ang epekto ng alak.

Bakit ngayon pa?! Kailangan kong lumayo sa nilalang na 'to! Papatayin niya ako!

Napasinghap ako nang tumama ang liwanag ng buwan sa kabuuan niya. Tama nga ang sinabi nila. Ang kanyang balat ay mas maputi pa sa porselana. Ang kanyang mapupulang labi ay mas lalong umangat dahil doon. Ang kanyang mga mata ay kulay abo na bahagyang hinahaluan ng kulay asul. Nahugot ko ang aking hininga sa realisasyong isang bukod-tangi sa kakisigan na nilalang si Snow White.

Snow White.

Bagay na bagay ang tanyag na ito sa kanya dahil sa kulay ng kanyang balat ngunit hindi ito tugma sa kanyang kasarian. Isa siyang lalake. At napapatunayan ko 'yon ngayon dahil sa kanyamg buhok at hugis ng kanyang mukha.

Muli akong nakaramdam ng hilo. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Hanggang ngayon din ay nasa harapan ko si Snow White na mukhang nagmamasid sa susunod niyang biktima.

Sinalubong ko ang kanyang mga tingin. Mas lalo akong nahilo. Para bang unti-unti akong nahuhulog. Nanlabo ang aking paningin.

Nagawing muli ang aking paningin sa kanya na nakatingin pa rin sa 'kin.

Hindi ko na kaya. Bibigay na ang aking katawan.

Tuluyan nang nahulog ang talukap ng aking mga mata kasabay ng unti-unting pagkawala ko sa realidad.

***

Where am I? I looked around and all I can see was an endless white hole. I tried to run but I never found the exit. I ran and ran and ran 'til I saw a man in black, his back facing me. I held my hand as I ran towards him to grab him but I can't reach him. It's as if I'm running into oblivion.

"Help me!" I shouted but my voice didn't reach him.

I collapsed on my knees, gasping for air. I laid down on the white floor and closed my eyes.

"Snow White." I murmured.

I bolted upright, gathering all the air I can get. Napansin kong pinagpapawisan din ako ng malamig. What a...freaky dream. Left alone on an endless white hole got me puking on myself.

Umagos ang lahat ng kinain ko simula kahapon sa aking harapan habang nakaupo ako sa kama. I don't have time to feel disgusted to myself right now. I'm dizzy. My body felt numb. I felt like I ran a thousand miles.

"Erza!"

I looked up, only to see Kuya Earl, watching me gag. He ran towards me and patted my back as I spit out all the remaining food in my stomach.

Tumawag siya ng nurse para asikasuhin ang kalat na ginawa ko matapos kong mailabas lahat. Dinalahan din niya ako ng damit at sinamahan patungo sa banyo.

He helped me in changing my clothes because I can't move my hand. I'm weakening. Kahit ayaw ko, hinayaan ko na si Kuya na bihisan ako.

"What happened? Why am I in the hospital?" I asked him when he put me back to the bed. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Ang alam ko lang, nasa harapan ko si Snow White, and everything turned black after that.

"You passed out in an empty alleyway because you're too drunk. It's a good thing some passerby helped you and brought you here. And I'm thankful she's a girl," He gave me a pointed look and all I can do is to look away. "Nag-alala ako sa 'yo, Erza. 'Di ba sinabi ko naman sa 'yo noon na 'wag kang masyadong iinom? You have low tolerance to alcohol."

Tumungo ako. "I'm sorry." Sumikip ang dibdib ko. Naabala ko pa si Kuya. Alam kong madami siyang trabaho pero ito siya ngayon, nagbabantay sa 'kin.

"I don't want this to happen again," He smiled at me. Dahil doon, mabilis na nawala ang bigat sa dibdib ko. Kuya Earl is the best brother I have. Hindi niya kayang magalit sa 'kin ng matagal. "By the way, your officemates dropped by. Dahil tulog ka pa, nauna na sila," He jabbed his thumb towards the side table. May nakapatong na isang basket ng prutas at isang boquet ng white rose doon. "The CEO dropped by, too."

Nanlaki ang aking mga mata. "Steffan?"

Nagkibit-balikat siya. "Is that his name? Well, hindi rin naman siya nagtagal dahil mukhang nagmamadali 'yong modelong kasama niya."

Hindi na lang ako nagsalita. He's the reason why I got drunk last night. Not that I'm blaming him for what happened, naisip ko lang na dahil sa...nasaktan ako sa nakita ko, lumampas ako sa limitasyon ko pagdating sa pag-inom ng alak. I shouldn't have done that. I made Kuya Earl worry about me.

"Erza, gusto ko mang bantayan ka pero kailangan ako sa opisina, eh. But would you like me to stay?"

Napatawa ako. "You'll definitely stay when I say yes but I can't cause you anymore trouble. I'll be fine here. Mabuti na din naman ang pakiramdam ko."

Ngumuso siya at tinapik ang ulo ko. "Okay, pero kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

With one last kiss in my forehead, he headed back to work.

Dumako ang aking tingin sa boquet ng white rose. Kinuha ko ito at inamoy. Galing siguro ito kay Hazel. Siya ang mahilig sa bulaklak.

"My card pa talaga, ah?"

Kinuha ko ang card at sinimulang basahin. Kumabog ang aking dibdib nang malamang 'di ito galing kay Hazel.

I'm really worried. Please get well soon. And don't drink too much ever again.

Steffan

I read the letter over and over again. It's really from Steffan. His thin, delicate, elegant cursive hand-writing was etched in the paper making it looked like a masterpiece.

Sumandal ako sa headboard ng kama. Hindi na dapat ako umasa, alam ko. Pero 'di ko maalis ang ngiti sa mga labi ko.

He's too kind. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang katulad niya?

Inabot ko ang remote control na nakapatong sa bed side table. Nakakabored naman kung wala akong gagawin dito. Manonood na lang ako ng TV.

Pagkabukas ko ng TV, saktong balita ang palabas. Napaayos ako nang upo nang makitang ang nasaksihan ko kagabi. Ang nakalagay sa headline ay pagkamatay ng actress politician na si Alicia Mendez sa gilid ng bar na pinuntahan namin kagabi.

Sikat na sikat siya dahil sa mga pelikulang pinagbidahan niya. Mas lalo siyang nakilala nang tumakbo siya bilang senador. Napakabata pa niya para mamatay. Sa palagay ko ay nasa mid 30's pa lang siya.

Ano ba talaga ang gustong mangyari ni Snow White? Ang tanging pinapatay niya lang ay mga taong may matataas na reputasyon at lebel dito sa bansa. Bakit niya ginagawa 'yon? Para maghiganti? Para saan?

Lahat ng katanungan sa aking isipan ay nagpasakit lang ng aking ulo. Imbis na tapusin ang balita ay inilipat ko ito sa ibang channel. Bumuntong-hininga ako. Watching funny cartoon wouldn't be so bad if I wanted to calm down.

The thought of Snow White hunting me sent chills down my spine. He already saw my face. He looked at me in the eye. My hands shook in fear. Natatakot ako hindi lang dahil sa kaya niya akong patayin kundi sa isa pang dahilan na hindi ko mawari. His blue grey eyes kept popping in my head. I can't forget about it. I can't forget how beautiful it is.

The last thing I saw before I passed out was him, staring at me. I thought he was gonna kill me but...why didn't he? It wasn't like I wanted to be killed. Nagtataka lang ako na hindi niya ako pinatay gayong nasaksihan ko ang nangyari. Sa ilang araw kong pag-aaral tungkol sa kanya, lahat ng witness ay pinapatay din niya. Why did he let me off the hook?

The creaking of the door stopped the train of my thoughts. The doctor walked inside followed by a nurse holding a clipboard.

"Hello, Ms. Dela Cruz," nakangiting bati niya sa 'kin. "I'm Dr. Felix. Kamusta na ang kalagayan mo?"

"I should be the one asking you that, Doc." I grinned.

He chuckled. "I assume you're all better now," He winked at me. I'm liking him now. "But, I need to check first."

Inilagay niya ang stetoscope sa aking dibdib at pinahinga niya ako nang malalim. Ganoon din ang ginawa niya sa aking likod. Tiningnan din niya ang aking mga mata.

"Uubusin lang natin ang laman ng IV mo at pwede ka nang umuwi. Dahil sa sobrang stress at kalasingan kaya ka na din nawalan ng malay."

"Salamat po."

He smiled again. His grey hair fell in his forehead. Lumabas na siya sa aking kwarto ngunit nanatili ang nurse dito.

"Ma'am, hindi niyo na po kailangang magbayad ng hospital bills dahil binayadan na po ni Sir. Zipter ang lahat." Kuminang ang kanyang mga mata at bahagyang pumula ang kanyang mga pisngi.

Nanlaki ang aking mga mata. Si Steffan? Hindi na niya kailangang gawin 'yon!

"Uhhh, sige." Ito na lang ang nasabi ko sa nurse. Lumabas na siya sa aking kwarto pagkatapos.

Sumandal ako sa headboard ng aking kama. Steffan should stop being kind towards me. But who am I to say this? Natural na sa kanya ang pagiging mabait. Ako lang itong umaasa. Wala siyang kasalanan.

"Erza?"

My heart thumped when I heard his soft, velvety voice. Sa sobrang pag-iisip, ni hindi ko namalayan na nakabukas na ang pinto.

"S-steffan." Shit! Dapat natulog na lang ako. E, 'di sana hindi ko na malalaman na pupunta siya ulit.

Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Mukha siyang bagong ligo dahil medyo mamasa-masa pa ang buhok niya. Pero hindi tulad ng hitsura niya kapag nagtatrabaho na pormal, ngayon ay mukha lang siyang normal sa suot niyang puting v-neck shirt, black pants at rubber shoes. Mas mukha siyang naging bata.

"Better now?" I saw worry in his eyes.

I looked away. Mas pinili kong tumingin sa mga kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng kumot. "Y-yeah. Uhm, thanks sa flowers."

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na umupo siya sa upuan katabi ng aking kama.

I suddenly felt conscious about my appearance right now. My slightly tanned skin was quite pale now. And my face? Gah, baka mukha akong bruha dahil hindi pa ako nagsusuklay. At baka oily din ang mukha ko. Gusto ko na lang magtalukbong ng kumot para hindi niya ako makita pero hindi ko magawa dahil nakakabastos 'yon. He's still my boss kaya dapat lang na respetuhin ko siya.

"And about sa hospital bills ko. Hindi mo naman kailangang bayaran 'yon. Ikaltas mo na lang sa sweldo ko."

He sighed.

Nagawa ko nang iangat ang tingin ko sa kanya dahil sa pagbuntong-hininga niya.

"Wala akong ikakaltas kahit ni singkong duling sa sweldo mo, Erza." His intent gaze captured mine. I swallowed. His dark eyes were so captivating. I felt like swimming in an endless black pit when looking at him. "But if you let yourself drunk again, I might do what you wanted me to do right now."

Napaangat ang aking bibig. Kakaltasan niya ako hindi dahil para mabayadan ko ang ibinayad niya para sa bills ko dito sa ospital pero kapag naglasing ulit ako at nangyari ulit 'to, gagawin na niya?

"Do you always do this to your employees?"

"What?"

"This..." I looked around. Searching for something to prove my point. "Giving flowers, being kind, personally visiting to the hospital and even let her call him by first name basis."

I just needed to make sure. Para matapos na ang kahibangan ko. Mas maganda na kung masampal na ako ng katotohanan nang mas maaga kaysa patagalin ko pa. Masasaktan lang din naman ako, bakit papanoodin ko lang na dumating? Might as well face it head on.

Kung anoman ang natutunan ko nung mga panahon na naghihirap kami dahil nagkasakit si papa at sa dami ng problema na kinaharap namin, iyon ay ang harapin ang lahat ng problema na dumating. Ayos lang na umiyak, ayos lang na masaktan. Pero kung iiyak man ako at masasaktan, isang beses lang mangyayari para sa sitwasyon na 'yon. Hindi ako 'yung tipo ng tao na iiyak ng maraming beses para sa isang bagay. Once is enough. I should move on the next.

"What do you think?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "I dont know. That's why I'm asking you."

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa 'kin na para bang makukuha niya ang sagot sa tanong ko sa mukha ko.

"Maybe yes, maybe no?" He smirked.

I fought the urge to roll my eyes at him. Ano 'to? Showbiz talk show? Dinaig pa niya ang linyang 'No comment' at 'We're just friends' na palagi kong naririnig sa bibig ng mga artista sa interview.

Muli akong napatingin sa kanya nang humagalpak siya ng tawa. He threw his head back and held his stomach using his right hand.

"Ano'ng nakakatawa?!" Nagpipigil lang ako ng inis kanina pero 'di ko na kayang itago gayong tinatawanan niya lang ako. Maybe para sa kanya walang kwenta 'tong usapan na 'to pero para sa 'kin hindi!

"Your face," He bit his lower lip but a chuckle escape from his mouth.

I glared at him. Nah, wala na akong pakealam kung big boss ko siya. Hindi ko na kayang pigilin ang temper ko.

"So, I look like a clown now, thank you very much." I said with overflowing sarcasm.

He laughed again. "You're so adorable when you're mad." He pinched my cheek but I squatted his hand away. He grinned like a little boy. "You know, I think I won't be able to be like this when I'm with other people but you."

'Eto na naman ang mabilis na pagtambol ng puso ko na para bang may mini festival sa loob. Ano na ba 'tong nangyayari sa 'kin? Am I falling too hard to this man? The mere thought of it scared the shit out of me.

I'm inlove with him.

Continue Reading

You'll Also Like

13.3M 639K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
21.1M 542K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
1.8M 149K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...
6M 197K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...