Chapter 6

6.2K 367 123
                                    

Chapter 6

To the Sky

Naramdaman ko ang pagbaliktad ng aking sikmura nang maramdaman kong pataas kami nang pataas. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Sa hindi malamang dahilan, hindi ko maimulat ang aking mga mata. Siguro ay may ginawa siya sa 'kin.

Habang natagal ay lumalamig ang paligid. Napakalakas din ng hangin. Para kaming bumubulusok pataas. Papatayin niya na ba ako? Nakakalipad ba ang mga bampira?

Napasinghap ako. Dadalhin niya ba ako sa mataas na lugar at ihuhulog?!

"Saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw ko kahit na hindi ko sigurado kung maririnig niya ako dahil sa lakas ng hangin.

Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay bigla na lamang akong inantok. Unti-unti kong nararamdaman na makakatulog na ako. Ano na namang ginawa niya sa 'kin?

"Sleep."

Sa isang salitang 'yon, tuluyan na akong nakatulog.

Kiss me on the mouth and set me free

Sing me like a choir

I can be the subject of your dreams

Your sickening desire

Don't you wanna see a man up close

A phoenix in the fire

Nagising ako sa kanta na nanggagaling mula sa kung saan. Dahan-dahan akong bumangon at humawak sa aking ulo. Napangiwi ako. Iminulat ko ang isa kong mata at napansing nasa loob ako ng isang magarang kwarto.

Tuluyan ko nang inimulat ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Sobrang laki ng kwartong ito at ang tanging kulay na nakikita ko ay pula, itim at puti. Ang kulay ng mga cabinet, patungan ng TV, aparador at bedside table ay kulay itim. Ang kurtina, bedsheet at punda ng mga unan ay pula at maging ang kulay ng dingding.

So kiss me on the mouth and set me free

But please, don't bite

Kinilabutan ako bigla. Napatingin ako sa bedside table kung saan may nakapatong na radio. Pinatay ko ito.

As much as I love Troye Sivan, his song "Bite" won't help me in this kind of situation.

Let's see, paano ako makakatakas dito? Vampires have superhuman senses. Baka lalabas pa lang ako sa kwartong 'to ay malaman na niya. At worst, baka saktan pa niya ako. Nakarating na ako dito ng buhay, hindi ko pwedeng sayangin ang buhay ko dahil nagkamali ako sa pagtakas.

Should I act like I won't do anything to escape? That would be the best plan for now. I should gain his trust first. Kapag panatag na siya na hindi ako tatakas, saka ako gagawa ng plano para makaalis dito.

But first, I should ask him where we are. Unti-unti ko siyang tatanungin about sa details ng location namin.

"Nice plan."

"I know, right–what the fuck?!"

Napaatras ako sa kama hanggang sa bumunggo ang likod ko sa headboard. Nakatayo si Snow White sa gilid ng aking kama habang nakahalukipkip. He's smirking at me as if he's mocking me.

"When did you get in here?!" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. I'm pretty sure he had read my mind! I haven't started my plan yet and it already failed!

"When you started rumbling in your mind about your," He made a quote in the air. "Plan."

Nagngingitngit ako sa galit. "Who gave you permission to read my mind?!"

Snow White is a ManWhere stories live. Discover now