Chapter 3

7.8K 404 53
                                    

Chapter 3

Crimson Night

Dumaan ang malamig at malakas na hangin na siyang nakapagpadagdag sa aking kilabot. Tinitigan ko siya. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ito ngunit sa puti niyang maskara, itim na pananamit at talsik ng dugo sa kanyang mga kamay at katawan, alam kong siya talaga si Snow White.

Napadako ang aking tingin sa katawan ng babaeng na nakahiga sa malamig na semento. Nakasuot siya ng corporate attire. Nakasabog din sa sahig ang laman ng kanyang bag.

Ito na ang pagkakataon ko para kuhanan siya ng candid shot pero paano ko 'yon magagawa kung hindi ko man lang maigalaw kahit isang pulgada ang aking mga kamay. Para akong nakapako sa aking kinatatayuan. Naghuhuramentado ang aking puso. Hindi ko alam kung mababaliw na ako o ano. Gusto kong tumakbo pero alam kong maabutan niya din ako.

Parang nawala ang kalasingan ko nang dahan-dahan siyang lumakad patungo sa 'kin. Ang bawat pagtungtong ng kanyang mga paa ay naglilikha ng tunog. Kinilabutan ako.

Erza, tumakbo ka na! Gusto mo na ba talagang mamatay?!

Sumisigaw ang aking isipan pero ayaw gumalaw ng aking katawan upang sundin ang isinisigaw nito.

Nanlalabo na ang aking mga mata. Akala ko ay tuluyan na akong nahimasmasan pero nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. Mas nararamdaman ko na ngayon ang epekto ng alak.

Bakit ngayon pa?! Kailangan kong lumayo sa nilalang na 'to! Papatayin niya ako!

Napasinghap ako nang tumama ang liwanag ng buwan sa kabuuan niya. Tama nga ang sinabi nila. Ang kanyang balat ay mas maputi pa sa porselana. Ang kanyang mapupulang labi ay mas lalong umangat dahil doon. Ang kanyang mga mata ay kulay abo na bahagyang hinahaluan ng kulay asul. Nahugot ko ang aking hininga sa realisasyong isang bukod-tangi sa kakisigan na nilalang si Snow White.

Snow White.

Bagay na bagay ang tanyag na ito sa kanya dahil sa kulay ng kanyang balat ngunit hindi ito tugma sa kanyang kasarian. Isa siyang lalake. At napapatunayan ko 'yon ngayon dahil sa kanyamg buhok at hugis ng kanyang mukha.

Muli akong nakaramdam ng hilo. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Hanggang ngayon din ay nasa harapan ko si Snow White na mukhang nagmamasid sa susunod niyang biktima.

Sinalubong ko ang kanyang mga tingin. Mas lalo akong nahilo. Para bang unti-unti akong nahuhulog. Nanlabo ang aking paningin.

Nagawing muli ang aking paningin sa kanya na nakatingin pa rin sa 'kin.

Hindi ko na kaya. Bibigay na ang aking katawan.

Tuluyan nang nahulog ang talukap ng aking mga mata kasabay ng unti-unting pagkawala ko sa realidad.

***

Where am I? I looked around and all I can see was an endless white hole. I tried to run but I never found the exit. I ran and ran and ran 'til I saw a man in black, his back facing me. I held my hand as I ran towards him to grab him but I can't reach him. It's as if I'm running into oblivion.

"Help me!" I shouted but my voice didn't reach him.

I collapsed on my knees, gasping for air. I laid down on the white floor and closed my eyes.

"Snow White." I murmured.

I bolted upright, gathering all the air I can get. Napansin kong pinagpapawisan din ako ng malamig. What a...freaky dream. Left alone on an endless white hole got me puking on myself.

Umagos ang lahat ng kinain ko simula kahapon sa aking harapan habang nakaupo ako sa kama. I don't have time to feel disgusted to myself right now. I'm dizzy. My body felt numb. I felt like I ran a thousand miles.

Snow White is a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon