Chapter 16

4.7K 253 66
                                    

Chapter 16

Dried Out

I stared at the bulleted list of information I had gathered all-throughout my research. The last on the list kept bugging my mind. Snow White's next target must be Steffan but I couldn't ask him about it.

Palaisipan pa rin sa 'kin kung ano ang koneksyon ni Steffan kay Snow White. Pero nasisigurado ko na ngayon na magkaiba sila ng katauhan. May kung ano sa kanilang dalawa na hindi ko maipaliwanag pero sa tingin ko'y may kinalaman ito sa nangyari noon.

Hinilot ko ang aking noo. This is literally stressing me out. I was excited at first because I'm having progress but as I got deeper, I felt lost.

Human, I'm heading out. 

I rolled my eyes when I heard his voice. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na may pangalan ako?" 

Erza, I'm heading out. Happy? 

Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang pagtawa. Agad kong na-imagine ang hitsura niya habang sinasabi 'yon. 

"Bakit kailangan mo pang magpaalam?" Dati naman bigla na lang siyang nawawala. May pagkakataon pa na hindi ko alam kung umuuwi pa ba siya. 

You might miss me. I'm just doing you a favor.

I almost choke on my own spit when I heard his answer. I might—what?! 

Bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay tinawanan niya lang ako hanggang sa hindi ko na muling nadinig ang boses niya. 

"Damn it! Nalimutan kong itanong kung saan siya pupunta!" 

Dinaan niya ako sa landi! 

Sinabunutan ko ang aking sarili habang nakadukmo sa kama. He will be out there killing people again and I didn't even do anything to stall him or stop him! Ilang salita niya lang, kaya niya ako mapatameme! Partida, hindi pa niya ako ginamitan ng kahit anong spell o kung anomang tawag niya sa mga tricks niya! 

Kaysa magmukmok dahil sa nagawa kong katangahan, inabala ko na lang ang aking sarili sa pakikipaglaro sa mga rabbits niya. If only I have my phone with me, I will take pictures of them so I can show it to Eisha. She loves cute stuff and rabbits are one of them.

Binuhat ko ang isa sa pinakamataba sa kanila. 

"Mag-diet ka na. Masyado ka yatang ini-i-spoil ng amo mo." Idinikit ko ang aking ilong sa ilong nito. Natawa ako nang hindi man lang ito umalpas.

Umupo ako sa damuhan at pinanood ang mga nagtatakbuhang rabbits. 

I don't want to watch the news. I don't want to see dead bodies lying on the ground because of Snow White. 

Humawak ako sa aking dibdib nang makaramdam ng kirot. My heart and brain are rejecting the idea of Snow White being the bad guy. Did he put a spell on me?

Naramdaman yata ng mga rabbits ang pag-iiba ng aking mood. Bigla silang nagtumpukan sa aking tabi at harapan na para bang pinapagaan nila ang loob ko. 

I wonder if he sees them the way I see them—cute, fluffy and will definitely take all your stress away. 

Bumuntong-hininga ako. I'm thinking about him again. Just like he said, this isn't a fairy tale. I should stop thinking that he has a good side just because he's not hurting me. 

Inabot ako hanggang hapon sa pakikipaglaro sa mga cute na rabbits. Pinagpagan ko ang aking pang-upo nang tumayo ako. Kailangan ko nang bumalik para ituloy ang research ko.

Nang makabalik ako ay bigla kong naisip ang kwarto ni Snow White na hindi ko pa ulit napapasok simula noong masugatan siya. 

Nasa tapat na ako ng kwarto niya at nakahawak sa doorknob. Malayo naman siya ngayon dito. Hindi naman niya siguro malalaman na pumasok ako. 

Snow White is a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon