Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 21

40 5 0
By Aimeesshh25

Kabanata 21

Tumigil siya sa paghalik. Ilang segundo pa bago ako nagmulat ng mga mata at nagtama ang paningin namin.

Kinagat niya ang labi at tumaas-baba ang kilay sa akin. Napayuko ako nang haplusin niya ang pisngi ko at idinikit ako lalo sa dibdib niya.

Ramdam ko ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Tila gusto nitong umalpas sa kulungan at magpabuhat sa nasa ilalim ko.

"Babangon ako ah?" Marahang aniya makalipas ang ilang segundo.

"A-Ah, oo sige.." umalis ako sa ibabaw niya, nanghihina pa.

Inalalayan niya pa ang braso ko ganoon na rin ang likuran ko kaya pinigilan ko ang sariling tingnan siya. Parehas kaming nakaupo sa damuhan, siya nakaharap sa akin, samantalang nakatagilid naman ako.

He cleared his throat. Mas tumalikod ako sa kaniya at binunot ang kawawang damo sa may gilid ko.

"Chenny.."

Mariin kong pinikit ang mga mata. "H-Hmm?"

"Bakit ayaw mo tumingin sa akin?"

Napamura ako sa isip bago huminga ng malalim at dahan-dahan siyang tiningnan. Ngumiti agad ang lalaki at hinila ang pang-upo para makalapit sa akin.

"Galit ka ba–"

Natigilan kami nang tumunog ang cellphone ko sa may bulsa ng pants. Halos pasalamatan ko kung sino mang tumatawag sa akin ngayon!

Tiningnan ko si Axel na nakanguso na sa akin ngayon. Sinenyas ko ang phone, tumango ito.

"Hello?" Unknown number.

"Chenny!" Boses ni April, tila nagmamadali iyon.

"April? Bakit?" Tumayo ako, kahit medyo nanghihina pa. "Anong nangyari?"

"Si Jerace! Pauwi kami ngayon sa kanila!"

Kinabahan ako. Mabilis akong naglakad palayo roon habang bitbit ang cellphone. Sinabi ni April na kina Jerace na ako dumiretso. Bitbit niya rin daw ang bag ko kaya naman doon nga ang tungo ko.

"What happened?" Si Axel na hindi ko na naalala. Hinawakan nito ang braso ko. "Chenny?"

Naramdaman ko agad ang pag-init ang mga mata ko. "Si Jerace raw eh..hindi ko alam.. pero pauwi raw sila."

Tumango siya at mabilis na akong hinila. Hindi ko na namalayan. Natagpuan ko na lang ang sarili na kausap si April sa labas ng kuwarto ni Jerace. Tulog ang bata sa loob dahil baka napagod raw sabi ni Drain kanina. Hayaan daw muna naming makapagpahinga.

"Hindi ko rin alam ang nangyari eh, sabi ni Drain ay kailangang managot daw iyong tatlong babae, hindi ko naman alam kung bakit!" Si April, mukhang masama ang timpla.

Bumuntong hininga ako. Nasa baba sina Axel at Drain at mukhang may pinag-uusapan. Nagpaalam si April sa akin na bababa lang at kanina pa raw siyang nauuhaw. Sumama na ako sa kaniya at doon namin natagpuan ang dalawang lalaki na nag-uusap.

Nagtama ang paningin namin ni Axel, nakikinig siya kay Drain pero nasa akin ang mga mata. Nangunot ang noo ko at dumiretso na sa kusina, sumunod ang mga mata nito sa akin.

"Itanong mo nga kay Axel mamaya kapag natapos sila," si April habang umiinom ng tubig. Nag-abot ito ng baso sa akin at sinalinan na rin ako.

Tumango ako at tinanggap ang inabot niya. May tumikhim sa likuran namin kaya napatingin ako roon. Dinig ko pa ang reklamo ni April.

Bumungad si Axel na nakatingin agad sa akin.

"Iinom ka ba?" Tanong ko. Kumuha ako ng baso at sinalinan din iyon ng tubig.

Tumango siya sa akin at humakbang palapit. Inabot ko ang baso sa kaniya na mabilis niya namang nahawakan.

Umatras ako dahil sobrang lapit niya naman! Kukunin lang naman iyong baso sa akin.

"Mukhang parehas kayong uhaw ah?" Tudya ni April at nilapag ang baso niya sa counter top. "Makaakyat na muna, nandilim bigla ang paningin ko." Biro nito at kumindat pa sa akin saka lumabas ng kusina.

Napanguso ako at sinundan ng tingin si April.

"Hinarang daw si Jerace,"

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "Paanong harang?"

Tumitig pa muna siya sa akin bago sumagot. "Iyong tipikal na mga away ng babae kapag inagaw ang crush, kaso nga lang ay mukhang sumobra ang mga iyon."

Nangamba ako. "Ano ba ang ginawa nila kay Jerace?"

"Kinausap ni Drain iyong si Blaise. Kinulong daw nila sa isang room at tinali sa may upuan," he shook his head. Nanlaki ang mga mata ko.

"Kailangan silang isumbong sa dean! May sugat ba si Jerace?!–" akma na akong lalabas ng kusina nang pigilan niya ako.

"Naroon sa taas si Drain, mamaya na tayo umakyat."

Bumuntong hininga ako at walang nagawa. Hinila niya ang mataas na upuan at hindi na ako nakapalag nang buhatin niya ako at pinaupo roon. Napatingin ako sa may pintuan at baka biglang may sumilip at makita kami!

Buti na lang, mukhang wala si Ate Berna.

"A-Ano pang ginawa nila?" Napalunok ako nang lumapit siya sa akin at tinitigan ako sa ganoong paraan.

"Mukhang si baby girl ang may ginawa," he chuckled.

Nangunot ang noo ko, magtatanong pa sana ako nang nangalumbaba siya sa harapan ko at ngingiti-ngiti sa akin.

"Kamukha mo lalo si joker."

Tumawa siya. "Ayos lang, basta sa'yo galing."

Nangunot ang noo ko at napanguso. "Lumayo ka nga."

"Ayaw ko," he pouted. "Hmm."

"Ano?" Naiilang ako sa tingin niya pero ayaw kong ipahalata iyon, baka lalo itong mang-asar.

"Iyong kanina–"

Tinulak ko na siya nang makita si Drain na mukhang papasok dito sa kusina! Mabilis akong nakababa sa upuan at lumayo kay Axel.

"Aray, Chenny!" Reklamo ni Axel kahit late reaction ang lalaki.

Iniluwa ng pintuan si Drain na nagtaka sa ayos namin. Ngumuso si Axel sa akin.

"Naistorbo ko ba kayo?" Malalim ang boses na tanong ni Drain.

Mabilis akong umiling at ngumiti sa kaniya. Nanatiling nakanguso ang pinsan niya at parang nanghihina pang nakakapit doon sa inupuan ko kanina.

"Ah, akyat lang ako sa taas," paalam ko at mabilis na tumalikod.

Dinig ko pa ang tawag sa akin ni Axel pero hindi ko na siya nilingon.

At ayaw ko rin naman dahil may kutob akong bubuksan niya ang usapin sa nangyari kanina.

Mabilis na lumipas ang mga araw, nakakatawang isipin na talagang nasulit ko ang foundation week nila Jerace gayong hindi naman ako pumapasok sa school nila.

Gaya nang sinabi ni Axel sa akin, hinarang nga si Jerace ng tatlong babae ngunit dalawa lang ang nakilala niya. Sina Blaise at Ash daw iyon, ang dating babae sa buhay ni Drain. Nakakapagtaka pa nga na ayaw na ni Jerace buksan ang usapin patungkol doon at kahit ang magsabi sa Dean nila ay hindi niya na rin ginawa, tuloy ay tikom ang mga bibig namin nang dumating ang mag-asawang Walkins.

May kutob akong mas malala ang ginawa niya sa dalawa kaya ayaw niya nang magsumbong. Hindi na lamang ako nang-usisa pa at hinayaan na lamang siya sa gusto niya.

Wala sanang magiging highlight ang buong isang linggo ko, kung hindi ako sumama sa school nila Jerace.

I bit my lower lip when his face appeared in my mind. Hindi lamang doon natapos ang nangyari noong lunes, nasundan ang pagtakas namin ni Axel sa sunod-sunod na mga araw!

Nakakahiya na nga kina April, dahil hindi na ako masyadong nakakatulong sa kanila sa pag-aayos. Nagugulat na lang kasi ako, pinagpapaalam na ako ni Axel, minsan naman itinatakas niya ako sa dalawang babae!

"Saan na naman tayo?!" Iritadong sambit ko, Martes ng tanghali.

Pagkatapos kasi naming kumain nila Jerace nang tanghalian ay kunyaring nagpasama sa akin ang lalaki na may bibilhin lang daw sa may likuran namin ng shake, tapos ngayon ay hila-hila niya na ako palabas ng gate!

"Saglit lang, magkakape tayo," he smirked, dragging me out of this place.

"Hindi ka pa ba nagkakasakit kakakape mo?" Inalis ko ang kamay niya sa braso ko.

"Saka mag-uusap din tayo," he glanced at me, slightly rolling his eyes.

Natigilan ako. Alam ko na agad kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. Malamang, hindi ko naman siya hinayaang buksan ang usapin, patungkol doon kahapon, kaya hahanap talaga ng tiyempo ang mokong na ito.

"Pasok, Chenny," kunyaring inis niyang ani nang hindi pa rin ako kumilos.

Umirap ako at pinagkrus ang mga braso. "Hindi ako papasok."

"Tsk!" He stomped his feet like a child! "Papasok ka o papasok ka?" Hinila niya ang braso ko.

"Ano ba! Bakit ba kasi nandito tayo? Baka isipin ng iba kung anong gagawin natin?!" Tinuro ko ang pinto ng condo niya, kung saan siya namin iniwan ni Zane noong gabing lasing na lasing ang kumag.

"Ano namang gagawin natin?" Kumunot ang noo nito. "Ano bang iniisip mo?"

"Bakit kasi sa condo pa? Puwede namang sa coffee shop na lang," akma akong tatalikod nang marinig ko ang pagsinghal nito at mabilis na akong nahila papasok sa loob!

Ni hindi ko na naramdaman ang mga paa ko, kung tumapak man lang ba sa sahig dahil halos buhatin niya ako makapasok lang!

"Axel!" I angrily slapped him on his chest!

"Aray! Ang sakit ah?" Hinawakan niya ang braso ko at diretso akong pinaupo sa gray couch nila. "Mag-uusap lang eh? Nananakit?"

Hindi ko siya pinansin at painis pang umayos ng upo. Ngumuso ito at tumungo sa may kusina.

"Anong gusto mo? May juice rito, saka may tinapay rin."

Dinig ko ang pagtunog ng mga babasagin doon, hindi ko na iyon tiningnan pa dahil nababanas ako sa kaniya.

"Oy? Babae, anong gusto mo?"

"Kahit ano, at bilisan mo na para matapos na agad," I said, without looking at him.

Ramdam ko agad ang mga yabag niya palapit at sinilip pa talaga ang mukha ko.
"Luh? Excited? Are you going somewhere after this?"

"Oo, kina Jerace. Uuwi na ako!"

Nilapag niya ang babasaging pitchel na may lamang iced tea at dalawang baso, nagsalin siya roon at inusog sa akin ang isa. Pinanood ko siyang bumalik sa kusina at seryoso ito habang inaayos ang tinapay na nakabalot pa sa kulay pulang tela.

Nagtama ang paningin namin, ngumiti siya sa akin habang hawak ang mangkok, tinataas-baba pa niya ang dalawang kilay.

Ngumuso ako at siniguradong galit ang ekspresyon na nalabas sa akin ngayon.

"Kain ka na, mahal na reyna!" Inilapag niya iyon at inusog sa akin. "Bago iyan dahil kakadadaan lang nila Mama rito, sayang hindi kita napakilala."

Tinaasan ko siya ng kilay kaya nagkibit-balikat lang siya bago umupo sa harapan ko.

Kinuha niya ang baso at akmang iinom nang nagsalita ako.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Teka naman," he almost choked. "Painumin mo muna ako, puwede?"

Umirap ako at tumango. Kinuha ko rin ang baso at sinimsiman iyon. Infairness, nanunuot ang lasa ng iced tea nila, sa amin kasi pag nagtimpla nito ay isang pack lang, para sa isang may kalakihang pitchel.

"About the kiss."

Muntik ko nang malunok ang dila kaya halos hampasin ko ang dibdib nang sunod-sunod akong umubo!

"Are you okay?" Mabilis siyang tumayo at walang pasintabing tumabi sa akin. "Hoy? Anong nangyari sa'yo?"

Inabutan niya ako ng tissue na medyo basa pa pero tinanggap ko naman at ginamit pamunas sa bibig ko, ramdam ko kasing may tumulo roon nang umubo ako.

Napatingin ako sa pitchel at doon nanggaling ang tissue! Kaya pala basa pa! Ang lalaking ito talaga.

"Sorry, nataranta na ako." He defended. "Nagulat ka ba sa sinabi ko?"

"Lumayo ka nga," pero ako na ang lumayo sa kaniya.

"Luh? May malisya ka sa akin 'no?" Tumawa ang kumag at tinuro pa ako. "Hindi ka naman conscious sa akin dati ah?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inilapag ko ang baso at tiningnan siya ng seryoso.

"What about the kiss?"

Natikom niya ang bibig. Mula sa pagkakatawa ay naging seryoso ang mukha niya.

"We kissed yesterday," he said like he wanted me to remember it.

"Alam ko, ano ngayon?"

Natigilan ito, na parang hindi niya inaasahan ang isinagot ko.

"Anong..ano ngayon?"

"I mean, ano naman ngayon? May dapat ba tayong gawin? Halik lang naman iyon, walang malisya sa akin," diretsong sagot ko sa kaniya.

At sa pangalawang pagkakataon ay pinanood ko siyang unti-unting natitigilan. Napakurap-kurap pa siya sa akin at maya-maya ay umiwas ng tingin sa akin na parang natatawa pa.

"W-Walang malisya sa'yo?" He uttered those words, slowly. "Tama ba ako, Chenny?"

Mariin kong kinurot ang hita nang makita ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mga mata niya.

"W-Wala..bakit? Dapat ba meron?"

Siguro, dapat kong saluduhan ang sarili ko ngayon. Masyado na akong matapang. Kaya ko nang magsinungaling.

Ilang sandali siyang hindi nagsalita, tila pinoproseso ang sinabi ko at nang nakabawi ay tumingin siya sa akin.

He was smiling without humor. Nangunot ang noo ko, kinakabahan.

"Edi puwede pala tayo maghalikan ulit? Wala naman palang malisya?"

Nalaglag ang panga ko at hindi na nakapagsalita nang lumapit siya sa akin at mabilis na hinawakan ang likod ng ulo ko saka itinulak palapit sa kaniya para abutin ang mga labi ko.

I was stunned. I felt his lips moving a little bit harshly like he was giving me my punishment. I was about to push him when he held my face and started caressing it!

I closed my eyes when he deepened the kiss and decided not to move for him to continue.

Ramdam ko ang kamay niya sa batok ko. Nangilabot ako nang mahina niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko at muli pa iyong pinatakan ng halik bago tumigil sa paghalik.

Pinagdikit niya ang mga noo namin. Napahawak ako sa may braso niya at sabay naming hinabol ang aming mga hininga.

"Are you okay? Masakit?" Tukoy niya sa labi kong kinagat niya.

Bahagya akong lumayo at hinayaan niya naman ako, iyon nga lang ay lumipat ang hawak niya sa may baywang ko.

"A-Axel.."

"Hmm?" Aniya na parang lasing habang nakatingin sa akin.

Nangunot ang noo ko at iniwas ang mukha sa kaniya. Lumayo rin ako pero dahil hawak niya ang baywang ko ay hindi pa rin ako nakalayo ng sobra.

"Axel, bitawan mo muna ako," nanghihinang ani ko.

"Ayaw," ngumungusong aniya.

Tinarayan ko siya at pilit na inalis ang kamay niya sa baywang ko ngunit lumipat naman ito sa may gilid ko. Tinaasan ko siya ng kilay kaya natatawa niya iyong nilipat sa kamay ko.

"Wala namang malisya, sabi mo," he said, his lips were slightly apart. 

"Isip bata," bulong ko at hindi na siya pinansin.

Buong maghapon kami sa condo nila. Hinayaan ko na lamang si Axel na gawin ang mga gusto niya, nanood kami ng mga movie na hindi ko naman maintindihan pero mukhang korean movie iyon dahil sa language. Doon ko rin naunawaan ang sinasabi niyang "gaja" minsan sa akin!

Panay ang singhot ko habang taga abot naman siya ng tissue sa akin.

"Iyakin," natatawang bulong niya habang pinapalis ang mga luha ko. "Kain tayo?"

Noong miyerkules naman ay ganoon din ang ginawa ni Axel, abala ako sa paghuhugas ng mga plato at kutsara na ginamit namin nila Jerace ay bigla na namang sumulpot ang lalaki. Tuloy ay nakanguso si April sa amin.

"PDA kayo!" Sigaw nito at naiinggit kaming tinuro. "Tapos, sunod na pupunta rito si Drain?" Iritado itong tumingin kay Jerace. "Subukan mo ha! Subukan mong gawin 'yan sa harapan ko!"

Humalakhak si Axel at pinisil pa ang baywang ko bago nakipag-asaran kay April na inis na inis naman sa lalaki.

"Hindi ka ba nagsasawa kanonood?" Rumolyo ang mga mata ko, huwebes ng hapon.

"Hindi, basta katabi ka," he pinched my nose.

My face burned. Umiwas ako ng tingin nang manatili sa akin ang mga mata niya.

"Ayaw mo na ba manood?" He asked gently. "Anong gusto mong gawin?"

"Wala naman," nilibot ko ang tingin sa condo niya. "Puwede ba akong matulog?"

Napamaang siya at maya-maya'y tumango sa akin. "Doon ka sa kuwarto–"

"Hala, huwag na! Dito na ako sa couch!" Tinuro ko pa ang inuupuan ko. "Dito na ako, Axel."

"Mahihirapan ka rito, saka maaga pa naman. Gigisingin na lang kita pag ihahatid na kita."

"Kakahiya naman–"

"Kanino ka naman nahihiya?" He arched a brow.

"Syempre, baka malaman ni Ma'am Abby na narito tayo–"

"Tita Abby. Tita na lang itawag mo," he grinned. "And don't worry, ipapakilala naman talaga kita."

Hinampas ko siya sa braso kaya natatawa itong umilag sa akin. Ngumuso pa ako nang marahan niya akong hilahin patayo at itulak palakad sa kuwarto rito.

"Mas komportable rito, malambot ang kama," tinulak-tulak niya pa ako palapit doon. "Dito ka na tumulog, Chenny."

Tumango ako at tinitigan siya. Gumanti naman ang lalaki at nakipagtitigan din sa akin.

"Hmm, bakit?" Tinagilid niya ang ulo at pinaupo ako sa dulo ng kama. "Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at dahan-dahan nang gumapang palapit sa mga unan saka humiga ng ayos. Dinig ko pa ang mahinang tawa nito at ang paghila ng kumot sa katawan ko.

"Sleep tight, Chen," he whispered before I delve into oblivion.

I rolled my eyes when he poked my right cheek; it was Friday afternoon.

"Gutom ka pa ba?" Mahinang tanong niya habang nakatingin sa flat screen TV nila sa unahan.

"Busog na," tinanggap ko ang iniaro niyang fries sa akin.

"Ako rin."

Umirap ako at kumuha ng fries sa bowl at sinubo sa kaniya. Ngingisi-ngisi niya namang iyong tinanggap at napasigaw pa ako sa gulat nang kagatin niya ang daliri ko!

"Ang sakit!"

"Sorry!" He chuckled. He held my hand and check my forefinger before planted a kiss on it.

I felt my face burn. "O-Okay na."

Ngumiti si Axel sa akin at muling ngumanga para sa susunod na fries.

"Tulog ka muna ulit, gisingin na lang kita kapag ihahatid na ang mahal na reyna," he teased.

Ngumuso ako at namumungay ang mga matang tumingin sa kaniya. Niyaya niya akong umidlip muna dahil panay na raw ang paghikab ko, sinabi ko namang hindi lang ako nakatulog ng ayos kagabi dahil sa inutos sa akin ni Ate Berna kaya mas lalo niya akong hinikayat na matulog muna.

"Antok na ang bata, tulog muna ikaw," malambing niyang saad habang hinahaplos ang buhok ko.

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko habang nakaupo naman ako sa dulo ng kama niya.

Ilang araw ko na siyang kasama rito sa condo nila at ilang araw na rin kaming ganito sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano bang tawag sa amin. Magkaibigan?

Hindi ko alam.

Siguro dala ng antok at pagkawala sa mga iniisip, kumawala ang mga salitang iyon sa akin.

"Puwede mo ba akong tabihan matulog?" I asked, without thinking. It was irrational thought, perhaps.

Naestatwa siya at dahil kilala ko siya ay alam kong papayag ang lalaki. Akmang babawiin ko na iyon nang masaya itong tumango at hinila na ako papunta sa mga unan.

"No prob, my Chen," bulong niya habang inaayos ang higa sa tabihan ko. "I will, Your Highness," he added and pulled me into a hug.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 15.4K 52
NOT EDITED YET Gracie Owen's a headstrong journalist major rooms with her childhood best friend JJ Anderson for junior year, little does she know she...
11.6K 508 28
For years the five Clans have lived in harmony; in many moons of peace, the five Clans have thrived and prospered in their home. But the times of pre...
26.9M 729K 43
[VERSION WITH EXTRA CHAPTERS OUT ON AMAZON!!!] [This Wattpad Version is the Unedited first draft.] Having a crush on someone isn't easy, especially w...
3.6M 152K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...