Just One Answer

By pilosopotasya

2.1M 55.3K 8.5K

"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?" More

Pr: The Question
Ch1: My first friend
Ch2: His unique name
Ch3: Hear my name
Ch4: Look at the mirror
Ch5: Zelle's words of wisdom
Ch6: Must be a sign
Ch7: Slow motion
Ch8: Crush life
Ch9: Almost, but not yet
Ch10: Puting uwak
Ch11: Classmates
Ch12: At sinong hindi mababaliw sa @ulaaaann
Ch13: Sorry hangover
Ch14: Music video tuwing umu @ulaaaann
Ch15: Fifteen days
Ch16: "Mahal Kita"
Ch17: An awkward experience
Ch18: Crush Note
Ch19: Epic Fail
Ch21: Anyareh?
Ch22: Gulat factor
CH23: Serious mode: ON
Ch24: Heart to heart
Ch25: Na-aftershock syndrome
CH26: Biglang liko
Ch27: That feeling begins
Ch28: Blind checkered guy
Ch29: Wishes and fortunes
Ch30: Dedications and checkered polo
Ch31: Kasal, kasali, kalas
Ch32: Boom! Kapow!
Ch33: Alamat ni Manhid at Sensitive
Ch34: Five questions
Ch35: His confessions
Ch36: Her Feelings
Ch37: Arrythmia
Ch38: El ow vi ee
Ch39: Reservation of first dance
Ch40: Frustrations and birthday special
Ch41: Heart breaks fast
Ch42: Masked mumu
Ch43: Main event
Ch44: After effects
Ch45: Hypothesis and conclusion
Ep: The Answer

Ch20: My heartbeat meter

32.4K 988 126
By pilosopotasya

My heartbeat meter: /\__/\__/\__/\__/\__/\__/\__/\__/\__/\__/

 

“Close kayo ni Enzo, no?”

Napatigil ako sa pagkopya ng assignment nang biglang magsalita si John. Napatingin ako kay John na nakatingin sa akin at parang hinihintay ang sagot ko.

Oo nga pala, balik eskwela na ulit kami at kakatapos lang ng first week namin kaya may mga assignments na kami kaya kumokopya ako ngayon kay John at nasa cafeteria kami dahil hinihintay namin si Enzo. About naman sa tanong niya dati na hindi niya matanong tanong, hindi na niya tinanong pa ulit. Haist.

So balik tayo sa napatigil ako sa biglang pagtatanong ni John.

“Kami ni Enzo, close?” Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba. Hindi na ako masyadong kinikilig ng bongga talaga dahil nasasanay na ako sa presence ni John pero may mga bagay na minsan kapag kinakausap niya ako, kinakabahan na ako na hindi ko na malaman.

Ang weird nga eh.

Ngumiti siya at nagpose na parang naghihintay ng sagot ko kaya lalo akong kinabahan, medyo naninikip na rin ang dibdib ko na hindi ko magets! Takte, ano ba 'to!

“Uhm, syempre ano… magkaibigan kami, ganun!” Nakakaramdam ako ng awkwardness omaygahd.

“Ows?” Tumaas ang kanang kilay niya habang nakangiti pa rin. STOP IT JOHN, HUWAG KA NGA NGUMITI MASYADO, SUMASAKIT DIBDIB KO SA'YO EH! “Eh bakit parang—“

Naputol ang sasabihin ni John ng biglang may nagsalita sa may likod ko, paglingon ko, si Elle.

“Zelle, John, huwag niyo kalimutan 'yung about sa prom ah?” Ngumiti lang ako kay Elle at nakita ko ding ngumiti si John at… nagkangitian sila.

Pagkaalis ni Elle, napansin kong sinundan ni John ng tingin si Elle at… napakunot ako ng noo. Tumingin ako kay Elle na naglalakad palayo tapos kay John tapos kay Elle tapos kay John.

Wait, bakit…ganun?

“Ang ganda ni Elle no?” Napatigil ako sa sinabi ko at napatingin sa akin si John. Nakatingin lang siya na para bang nagtataka siya kung bakit ko sinabi 'yun.

EH ANG TANONG, BAKIT KO NGA BA SINABI 'YUN?!

At bakit parang… naghihintay ako ng sasabihin niya?

Ngumiti si John tapos kinuha 'yung notebook niya na kinokopyahan ko at naglipat lipat ng page hanggang sa hindi ko na namamalayan…nagpipigil na ako ng hininga.

Anong nangyayari sa akin?

“Okay lang, simple siya… ito 'yung sagot sa question na 'yan.” May tinuro siya sa notebook niya pero hindi ko napansin dahil nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin lang siya dun sa notebook.

Doon lang ako napahinga ng malalim. Ano ba, bakit ba ganito nararamdaman ko ang weird weird ko na omaygahd anyare na sa akin!!!

“Ah sige, sige, salamat!” Kinuha ko 'yung notebook at kumopya na ulit. Natahimik kaming dalawa na magkatapat sa isang mahabang lamesa pero kaming dalawa lang ang nandito. Tahimik kami, pero maingay ang iba pang nasa cafeteria at… ang puso ko.

Ang ingay ingay ng puso ko.

“Hindi natuloy 'yung sinasabi ko…” Narinig kong bulong ni John pero hindi ko siya pinapansin dahil nagkunwari akong nagfofocus sa pagsusulat kahit hindi ko na talaga macarry ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Huhuhuhu heart naman, pakitigil tigil nga 'yan at nahihirapan ako magconcentrate sa pagkopya ng assignment, mamaya na 'to eh! Huhuhuhuhu.

“Zelle…” Napatingin ako kay John na nakatingin sa akin, medyo tumingin pa siya sa ibang lugar na parang nahihiya na hindi ko malaman. Kinakabahan pa rin ako, syeeet dapat kinikilig ako pero bakit kinakabahan ako?!

“Kayo ba?”

A-A-Ano daw?!

My heartbeat meter: /\_/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\__/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\__/\/\/\/\/

Nakaramdam ako ng parang nag init ang buong mukha ko at parang pinagpawisan ako ng bonggang bongga kahit hindi naman mainit.

“K-Kami? Anong…kami?”

Nakita ko ang pag hinga niya ng malalim at sumandal pa siya sa upuan niya. Ako, hindi ko na alam gagawin ko! Ang bilis bilis ng pagtibok ng puso ko hindi ko na macontrol!

“Kayo… ni Enzo?”

Tinatanong ba niya…oh..ohmygahd.

“Kami ni Enzo?” Bumibilis ang paghinga ko at nanlalamig na pati ang mga kamay ko. Ewan ko ba pero parang nagshutdown lahat at ang nakikita ko lang sa ngayon ay si John na parang—may gustong ipahiwatig.

“Zelle naman…” Nanlaki ang mga mata ko lalo na nung tinapik ako ni John sa pisngi ko at nagkamot siya ng batok. Nakita ko siyang huminga ng malalim at nagseryoso ng mukha.

“Matagal na kasi akong nagtataka, at gustong gusto ko na talaga tanungin 'to” Hindi pa rin ako nagsasalita, parang napipipi ako. “Kayo ba ni Enzo? May relasyon kayo? Boyfriend—girlfriend?”

Natahimik kaming dalawa, natahimik din ako at ewan ko pero… bigla akong tumawa.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA ANONG KLASENG TANONG 'YAN JOHN? HAHAHAHAHAHAHA” Tumignin siya sa akin na parang nagtataka sa pagtawa ko pero tawa pa rin ako nang tawa.

Enzo? Ako? OMAYGAHD.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Nakita ko namang natatawa rin siya kahit hindi naman niya alam kung bakit ako tumatawa. “Ano ba John, 'yung mga tanungan mo ayus-ayusin mo ah. Ang seryoso pa ng mukha mo!

Napansin kong namumula 'yung mukha niya, omaygahd nagbablush ba siya? ANG CUTE AHIHIHIHI!

“Bakit mo ba natanong 'yan?” Tanong ko habang nagpupunas ng luha at humihinahon galing sa kakatawa ng bonggang bongga.

“Kasi, close kayo masyado—ganun” Tumango tango lang ako hanggang sa nagulat na lang kaming dalawa sa bigla kong sinabi.

“Selos ka no?”

 

.

 

 

..

 

 

...

ZELLE!!!! OHMAYGAAAHHHDD!!! OHH NOOO!!! ANONG SINABI MO!! BAWIIN MO OMAYGAHD REWIND!! CTRL + Z OMAYGAHD UNDO UNDO UNDO!!!!!!

Nagseryoso siya ng mukha at ngumiti sa akin na siyang kinabilis lalo ng tibok ng puso ko. Sumandal siya sa upuan niya at napangiti lalo habang ako, tinitignan lang ang bawat pag galaw niya.

“Paano kung sinabi kong…” Lumapit siya sa may pwesto ko kaya medyo magkalapit na ang mga mukha namin pero hindi naman ganun kalapit.

“John”

 

My heartbeat meter: /\/\/\/\_________________________

Napalayo bigla si John sa akin at napasandal siya sa upuan niya ng hawakan siya ni Enzo sa balikat. Para pa siyang nagulat dahil napasandal siya ng wala sa oras.

Napatingin ako sa kanilang dalawa na magkatinginan at seryosong seryoso habang 'yung puso ko? Bakit tumigil bigla sa pagtibok?

---x
Author's Note:
1 month akong hindi nakapag update!!!! I'm so sorry!!! Napaka busy lang talaga at tinapos ko lang ang AFGITMOLFM kaya sobrang hindi ko na 'to nabibigyan ng time ahuhuhuhu. Sorry po sa mga naghihintay, sorry :(

Dedicated to Mary dahil ang kulit lang, napanaginipan niya itong sila Zelle at 'yung panaginip niya eh 'yung gusto daw sabihin ni John kay Zelle eh bakla daw siya tapos gusto niyang sabihin kay Zelle kasi close daw sila at ang gusto daw ni John eh si Enzo. OMAYGAHD. Hahahahaha de ankyot lang kasi napanaginipan niya itong JOA kahit na joke time 'tong story na 'to ahihihi <3

Sa inyo na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin nito at sa mga naghihintay ng updates, THANK YOU PO!

Continue Reading

You'll Also Like

7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
1.7M 74.9K 46
Light Story Only. For Fun Only. BOOK 1 slice of life
28.6K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
2.5K 185 11
In this world full of "Sana All" kind of relationship, mayroong dalawang taong pilit pinapipili ng tadhana-pag-ibig o pangarap. College pa lang sila...