Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 20

49 5 0
By Aimeesshh25

Hello, for further understanding you can read the, The Unwanted Girlfriend. Mga side characters sila roon at nandoon ang eksenang ito pero puwede rin namang hindi. Kayo ang bahala, hehe. Enjoy reading!

Kabanata 20

Binungad ng lunes ng umaga si Jerace na masayang-masaya habang kumakain ng umagahan. Hindi pa ito matapos-tapos dahil tumawag ang kaibigan niyang si April.

Tahimik ko lang siyang pinapanood, mukhang excited ang babae dahil ngayong araw na yata ang foundation week nila.

Bumuntong hininga ako at naisip na wala na naman akong gagawin sa bahay pagkatapos kong maglinis. Kanina pa kasi akong gising dahil hindi naman talaga nakukumpleto ang tulog ko, nasanay na rin na maagang maglinis. Kinatok ko pa si Jerace sa kuwarto niya pero mas nagulat ako na gising na pala siya.

Dumaan ang sabado at linggo, hindi talaga ako pinuntahan ni Axel sa bahay. Samantalang mahilig naman siya pumunta dito, nagugulat pa nga ako na nariyan na siya sa may labas..kaya nakakapagtaka na hindi niya man lang ako pinuntahan.

Siya naman ang may kasalanan, bakit ako itong parang nalugi?

Bumuntong hininga ako, dapat ba akong mag sorry sa babaeng iyon?

Napatingin ako kay Jerace nang tapusin niya na ang tawag kay April kaya nilunok ko muna ang pagkain bago nagsalita.

"Kumain ka na baka malate ka," sambit ko at inusog ang plato ng kanin sa kaniya.

"Opo, Ma'am Chenny!" Biro nito at nagsimula nang kumain.

"Liligo ka pa, kaya bilisan mo," dugtong ko.

Taka itong tumingin sa akin pero hindi ko na pinansin. Diretso lang ang kain ko kahit na wala akong nalalasahan, masama ang panlasa ko.

Muli kong napansin ang pagsulyap ni Jerace. "Say it."

"Ha?" Maang ng bata.

Uminom muna ako ng tubig at tumingin sa kaniya. "Kung may sasabihin ka, just say it."

Ngumuso ito sa akin at bumuntong hininga. "Anong problema mo? Bakit ang sungit mo?"

Natigilan ako pero hindi ko pinahalata. Nakakagulat na napansin niya pa iyon.

"Wala. Just finish your food, Jerace."

Pero ang bata ay hindi nagpatalo. Kung anu-ano pa ang sinabi na kesyo hindi na raw ako nagkukuwento, samantalang lantaran siya kung magsabi sa akin ng tungkol sa buhay niya kaya para matapos lang ang usapan ay bumuntong hininga ako.

"Nag-away kami!" Bulalas ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Jerace. "Psh!"

"Ah, kaya ganiyan ang asta mo?" Tumaas ang kilay nito. "Ano bang nangyari?"

"Mahabang kuwento. Tapusin mo muna iyan at maligo ka na," pag-iiwas ko sa usapin.

"Psh! Edi paikliin mo!" Kinuha niya ang mga pinagkainan at binitbit na palabas ng dining room, hindi na ako nakaangal pa. "And besides, I'm done. Kaya go na, spill it!" Nanlilisik ang mga mata nito sa akin.

Inis akong sumunod sa kaniya, hindi ko rin alam kung saang bagay ako naiinis.

"Ayaw niya raw sa ugali ko na isip bata! Wow ah? Ako pa talaga. Eh nakakainis nga 'yong babae na iyon eh! Mas isip bata iyon!" Sa wakas nasabi ko rin ang ilang araw ko nang iniisip.

Bakas ang gulat kay Jerace at parang natatawa na ewan. Nangunot ang noo ko.

"Ah! So nagselos ka? Tapos, nagkasagutan kayo kaya kayo nag-away?"

Tumango ako sa kaniya. "Oo iyon na nga. Kasi naman hindi siya nagrereply sa mga texts ko! Langyang Axel na iyan!" Inis kong hinatak ang sariling buhok bago napanguso. "Paasa ang punyeta."

Totoong nagtext ako sa kaniya noong bago kami magkita sa mall ng araw na iyon, hindi niya ako nireplyan tapos makikita ko na lang na nasa grocery store sila ni Alexa? Tapos ganoon pa ang sinabi niya sa akin!

"Kayo na ba?"

Tila insulto ang tanong na iyon sa akin kaya matalim kong nilingon si Jerace na napaubo pa.

"I mean, nanliligaw na ba siya?"

Natahimik ako. Naramdaman ko na naman ang kakaibang pait sa dibdib ko dahil sa tanong na iyon, unti-unti kong naramdaman iyon hanggang sa umakyat sa mga mata ko at pakiramdam ko maiiyak ako kapag nagtanong pa si Jerace.

Napasinghot ako. Hindi ako makapaniwalang naiiyak nga talaga ako at sa harap pa ng alaga ko!

"W-Wala siyang sinabi..." Humikbi ako, pero pinigilan kong may tumulong luha. "Wala siyang p-pinaliwanag kung ano ba kami."

Kaibigan lang naman kami eh! Kaya hindi ko maintindihan bakit big deal ito sa akin ngayon?! Saka hello, nagpanggap lang kaming magjowa tapos ano? Hulog na hulog na ako? Ganoon?! Hindi ko matanggap!

Baka.. naguguluhan lang ako. Baka nasaktan lang ako sa isiping mas kinampihan niya si Alexa kaysa sa akin.

Baka nga iyon lang 'yon. Hindi puwedeng nasasaktan ako dahil gustong-gusto ko siya.

Niluwa ni Jerace ang bula sa bibig niya galing sa toothpaste saka tumingin sa akin.

"Naiintindihan kita. Ilang beses ko 'yang narasanan kay Drain. Mas mabuting gawin? Mag-usap kayo."

Ngumiwi agad ako at mabilis na umiling sa kaniya.

"Ayoko 'no! Inaway niya ako kaya siya ang makipag-usap sa akin."

Tama naman. Siya ang may kasalanan! Sana hindi niya na lang binitawan iyong linya niya about sa stars kung makikipagbalikan din naman pala siya kay Alexa!

Gago talaga ang lalaking iyon.

Pero bakit natagpuan ko na lang ang sarili kong nag-aayos ng mga paninda nila Jerace sa ginawa nilang booth para sa foundation day nila?

Psh. Hindi ako marupok gaya nang sinasabi ni Jerace. Kung ayaw niya sa akin, pakialam ko? Saka hindi ko naman talaga siya gusto.

Parang pinagsisihan ko nang sumama ngayon kay Jerace, nakakahiya pala. Ayos lang naman daw dahil puwede naman ang outsider ngayon dahil may program ang school, pinapayagan naman daw kaya sumama ako. Nahiya pa ako kanina na kasama namin si Drain habang papunta rito sa school. Sinundo siya ng lalaki sa bahay. Ayos lang naman iyon dahil nobyo niya si Drain.

Bunganga agad ni April ang bumungad sa akin, kilala ko naman siya dahil madalas siya kina Jerace.

Nainip pa ako kina Drain at Jerace nang magpaalam ang lalaki, napailing na lang kami ni April nang makita kung gaano kaarte ang babae sa harap ng nobyo.

I was wearing a fitted pants partnered with my pink shirt, nagsuot din ako ng cap para makakapagtago ako, kung sakali mang makita ko si Axel.

May isa pang lalaki ang nakikulit kina Jerace at April, hindi ko alam ang pangalan niya nung una at hindi ko rin siya kilala pero narinig ko kay April na si Reggie ang isang iyon.

"Reggie!" Palahaw ni April na parang naiiyak pa, may kasama pa iyong pagsuntok sa lalaki.

Nagtataka ko silang pinanood, nagtatawanan kasi kami kanina dahil sa mga sinasabi ni April nang lumapit ang lalaki sa kanila.

"Buwisit ka! Bakit ngayon mo lang kami pinansin?!" Si April na naiiyak nga talaga.

Tumawa ang lalaki. "Aray! Masakit, Aj!"

Natawa si Jerace at lumapit sa dalawa, inawat niya ang babae.

"Nakakainis kang lalaki ka!" Si April na parang hindi pa rin tapos.

"April.." si Jerace. Nanatili lang akong nanonood.

"Sorry na, I'm sorry Aj ko," ginulo nito ang buhok ng babae kaya nagulat pa ako na mabilis siyang nasiko.

Natawa ako nang makita kung gaano nasaktan ang lalaki. Mukhang pogi rin siya, kakaiba talaga ang mga kaibigan kong ito, ang gaguwapo ng mga kakilala.

Nakaalis na si Reggie, kumuha pa ang lalaki ng mga paninda nila Jerace kaya inis na inis si April. Aniya'y hindi na lamang daw bumili iyon at nangburaot pa. Nakikitawa lang naman ako dahil nakakahawa ang mukha ni April.

Natawa pa ako nang maalala na nakiyakap din ako sa eksena nila kanina, nakakahiya kasi na parang out of place ako kaya nakigaya na rin ako.

Saka pogi talaga si Reggie kaya deadma na kung nakakahiya ang ginawa ko kanina. Mukha naman siyang mabait dahil tumawa pa siya sa ginawa ko.

Panay pa rin ang reklamo ni April habang nag-aayos ng mga kurtina sa gilid niya. Napatingin ako sa gilid ng booth nila nang may kumilbit sa aking lalaki.

"Yes po?" Takang tanong ko nang may iniabot itong stick na may nakalagay na marshmallow. "Magkano po?"

Tumawa iyon. Nakita ko agad ang maputi niyang ngipin.

"Sa'yo iyan, libre para sa magaganda na katulad mo," he scratched the back of his head. "Para sa'yo,"

Inabot niya sa akin ang isang stick, nakakagulat ang laki noon kaya buti na lang isa lang ang binigay niya sa akin.

"Ang ganda mo," dugtong pa nito.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at hindi agad nakabawi. Ganito siguro ang mga highschool dito, kakaiba ang mga banat nila.

"A-Ah," namula ang tainga nito. "Kung gusto mo pa, puwede kang kumuha rito."

Sa wakas ay tinanggap ko iyon nang makaahon sa sinabi niya.

"Thanks," ngumiti ako at mabilis itong kinagatan. Nahihiya itong tumango at tumalikod sa akin.

Pinagmasdan ko pa siya kaya lalo kong nadama ang pagkahiya niya. Natawa ako at bumaling na sa booth nila Jerace.

Ang daming pogi rito ah? Buti na lang pala sumama ako.

Umasim ang panlasa ko nang muli kong naalala si Axel. Psh, kung alam ko lang na marami pala ritong hihigitan ang kaguwapuhan niya, edi sana hindi ako nagkacrush sa lalaking iyon.

Tumulong na ako sa pag-aayos nila ng kung anu-anong design doon, hindi naman valentine's pero ang daming papuso nitong si April.

Pinag-uusapan pa rin nila si Reggie kaya nakisali ako.

"Ang guwapo pala no'n," muli kong kinagatan ang hawak.

Napatingin sa akin si Jerace at nagtaka.

"Saan mo nakuha 'yan?" Tinuro niya ang hawak ko.

Nakangisi ako. "Dito oh," tinuro ko ang katabing booth nila. "Nagandahan daw sa akin kaya ako binigyan," kibit-balikat ko.

Tumawa si April at tumingin na rin sa akin. "Abangan mo na ang daming matatanggap mo na ganiyan."

"Of course, sa ganda kong 'to?" Pabiro ko pang hinawi ang buhok na siyang ikinatawa nila. "Oh balik tayo! Ang guwapo ni Reggie ah!" Hindi talaga ako natapos sa usaping iyon.

Mas masaya sana kung narito si Axel para madinig niya itong mga sinasabi ko.

Masaya ang sumunod na mga minuto, nakipagkulitan ako kina April at parang nawala sa isipan kong hindi ko sila kapantay. Pakiramdam ko tuloy ay isa rin akong estudyante na masaya kapag may mga paghahandang ganito.

Tahimik ko silang pinagmamasdan habang nagkukulitan ang dalawa. Maganda si April, maputi rin ito at kung titingnan mo ang balat ay mukhang hindi gumagalaw sa kanilang bahay, itim na itim ang buhok na hanggang sa balikat, mukha siyang inosente basta ba huwag lamang siyang magsasalita dahil sobra ang bunganga niya kung gumalaw.

Natigil ako sa pagmamasid nang may biglang marahang humila sa akin. Gulat ko iyong nilingon, isang babae na maliit at singkit ang bumungad sa akin.

"Hello po! Baka gusto niyo pong tikman ang product namin doon!" Tinuro niya ang nasa harapan namin, maglalakad ng kaunti bago makarating doon. "Saka libre ka po namin."

Napakamot ako sa ulo at lumingon kina Jerace na mukhang abala naman sa pag-aayos kaya hindi na ako nagpaalam.

Sumama ako sa babae, masayang-masaya ito lalo pa nang sumalubong sa amin ang lalaking guwapo rin sa paningin ko.

"Kris!" Pinandilatan ng lalaki itong babaeng humihila sa akin.

"Ito na! Dinala ko na, Gab! Huwag ka na mahiya!" Bumingisngis ang babae na nagngangalang Kris at kumindat sa akin saka pumasok sa loob ng booth nila.

Napapahiyang lumingon sa akin ang tinawag niyang Gab. "Upo ka, pasensya ka na kay Kris."

Tumango na lamang ako, hindi naiintindihan ang nangyayari. Mabilis akong umupo, nagulat pa ako nang ipaghanda niya ako ng burger na halos puro gulay ang palaman at mabilis ding hinanda ang blender nila at inabot iyon sa babae.

Nakangiti sa akin si Kris habang siya ang nag-aayos ng mga ilalagay sa blender.

"Sana magustuhan mo," inilapag ni Gab ang paper plate na may nakalagay na burger.

"M-Magkano?" Nahihiyang tanong ko at tinanggap iyon.

"Ah! Wala!" Mabilis siyang umiling. "Libre namin sa'yo," umiwas pa ito ng tingin kaya nalaglag ang panga ko.

Ang yayaman naman nila kung ganoon? Basta na lang sila kung manlibre eh!

Kahit nakakahiya ay sinimulan ko nang kainin iyon, mas nakakahiya kasi kung tatanggihan ko.

Pansin ko ang pagsulyap sa akin ni Gab kaya naman nginingitian ko siya, panay ang pula ng tainga nito at iiwas ng tingin sa akin. Inilapag niya ang mango shake sa harapan ko at sinabing libre rin iyon!

Baka naman singilin nila ako mamaya ah?!

"Wow! Ang dami niyan! Pahingi!"

Gulat kong nilingon si April nang agad siyang umupo sa tabi ko at nakisalo sa akin. Walang arte niya ring ininuman ang mango shake at tumango-tango kina Gab nang matikman iyon.

Natawa ako at nilingon si Jerace na nakangisi sa akin habang hawak ang cellphone. Kinunutan ko siya ng noo, nagkibit-balikat ito sa akin.

"Sa'yo na, April," inusog ko ang paper plate sa kaniya.

"Hala?! Talaga?" Tumawa ako at tumango. "Wow! Thanks, Chenny!" Kinain niya iyon at masayang-masaya na tinanguan na naman sina Gab.

Panay ang tawa ko kay April habang nagkukuwento ito ng tungkol sa kagagahan ni Jerace nang biglang may humigit sa akin patayo kaya gulat ko iyong nilingon.

"You looked like you're enjoying huh?" Nanunuyang ani ng ilang araw hindi nagpakita sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at inis na iwinasiwas ang kamay niya saka ako muling umupo. Hindi na nasubo ni April ang kinakain at napatingin na lang sa amin.

"Anong ginagawa mo rito?"

Hindi ko siya pinansin at muling nilingon na lang si April na tila gulat na gulat sa nangyayari.

"Ano nga ulit iyong kuwento mo, April?"

Nanlalaki ang mga mata nito.

"Chenny!" Si Axel sa gilid ko. Umirap ako. Napamaang si April.

"Ano nga iyon?" Ulit ko sa babae.

Kitang-kita ko ang pagbagsak ng dalawang balikat niya nang magpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Axel saka umirap.

"Ako lang pala talaga ang single rito?" Aniya at halos walang buhay na ininom ang mango shake.

"Chenny, I'm talking to you!" Si Axel na parang bata sa gilid ko!

"Psh! Talk to yourself!" Inis akong tumayo at hinarap si Gab na parang naguguluhan na rin. "Salamat sa libre ah, Gab! I love it."

Dinig ko pa ang pagsinghal ni Axel pero hindi ko na pinansin. Nilingon ko si April na nakanganga na sa amin habang umiinom sa basong hindi ko alam kung saan niya nakuha. Magpapaalam pa sana ako sa babae nang hilahin na ako ni Axel paalis doon!

"Aray! Ano ba?!" Halos kalmutin ko siya sa bilis ng paglalakad niya.

Hindi ito nagpatinag, dire-diretso ang lakad nito hanggang sa hindi ko namalayang nasa labas na kami ng gate!

"Teka! Ano ba! Saan ba tayo pupunta?!" Inis kong winasiwas ang kamay niya pero mahigpit iyong nakakapit sa braso ko!

"Huwag ka ngang magulo," he hissed. Napaamaang ako!

"Aba! At ako pa?"

Gulat ko siyang pinanood nang parahin niya ang tricycle na dumaan at walang pasabi na hinila ako palapit doon saka pinapasok.

"Ano ba?! Ang bag ko! Naiwan ko!" Sinapak ko siya sa braso.

Inis itong lumingon sa akin. "Para-paraan ka pa, babalik ka lang dun sa lalaki!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano naman ngayon?"

"Tsk!"

Muli ko siyang sinapak kaya inis nitong ininda ang braso, sinapak ko ulit siya pero mas mahina.

"Aray, Chenny ah? Nakakailan ka na!" Hinawakan nito ang kamay ko at ibinaba iyon. "Mapanakit ka."

"Wala akong pakialam! Ibalik mo ako roon!"

"Ayaw!" Umirap ito sa akin at hindi pa rin binitawan ang kamay ko. "May crush ka ba roon?"

Siraulo talaga ang walanghiyang ito. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siya na nakahawak pa rin sa akin. Nahihirapan pa ako dahil nakakrus ang dalawa kong braso tapos nakahawak pa siya para pigilan iyon.

"Tinatanong ko kung may crush ka roon?"

Iritado ko siyang nilingon. Nagulat pa ito pero hindi rin nagpatinag.

"Nilibre lang ako, crush ko na agad?"

"Bakit kinain mo naman ang ibinigay niya?"

"Psh! Malamang! Sayang 'yon!"

"Kaya kitang bilhan noon!" He spat angrily!

Nangunot ang noo ko. "Ano bang pinuputok ng butsi mo diyan?!"

Natigilan ito at maya-maya'y umiwas ng tingin.

"Ikaw itong may kasalanan, tapos kung umasta ka ay parang ako na naman?"

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. "A-Ano bang kasalanan ko?"

Bumuntong hininga ako at pagalit na winaksi ang hawak niya, dala ng gulat ay hindi niya iyon inaasahan kaya nabitiwan niya ang hawak sa akin.

"Manong, pakibaba na nga po ako diyan," magalang kong sinabi sa driver.

"Hindi, Manong. Tuloy lang po kayo!" Si Axel na humilig pa sa akin para masilip ang driver!

"Ano ba! Bababa nga ako," siniko ko siya kaya napadaing ito.

"Manong, pakibaba na lang ako sa tabi!" Sigaw ko ulit.

"Hindi po! Hindi kami bababa–" sinalpak ko ang palad sa bibig ni Axel. Umirap ito sa akin at hinawakan ang kamay ko na nasa bibig niya.

"Teka hija, ano ba talaga?" Sumilip si Manong sa amin. "Sino ba ang susundin ko sa inyong dalawa? Ang nobyo mo o ikaw?"

Hindi ako nakapagsalita. Tumawa si Axel at muling humilig, mabilis niyang natanggal ang kamay ko at marahan iyong hinawakan.

"Ako, Manong! Tuloy lang po kayo," nginitian niya iyon saka ngingisi-ngising tumingin sa akin.

Umirap ako at hindi na siya pinansin.

"Psh! Anong ginagawa natin dito?" Bulalas ko nang bumungad sa amin ang daan na puros puno.

Hindi ko rin talaga maintindihan sa isang ito kung anong trip sa buhay.

"Mamamasyal, malamang!" Si Axel at nauna na sa paglalakad.

"Bakit sa ganito? Dati ka bang si Tarzan?" Tumawa ako sa naisip. Naiimagine ko ang lalaki na nakabahag habang nakasabit sa mga baging!

Axel glanced at me. Nakangiwi ito sa akin.

"Joke ba 'yan? Tatawa ako?" Itinaas nito ang palad. "Pili ka, alin dito?"

"Epal!" Lumapit ako sa kaniya at patagilid siyang sinagi.

Eksaheradang tinuro ako nito. "Kailan ka pa natututo niyan?"

"Ngayon lang," umirap ako at inunahan siya sa paglalakad.

Tahimik kong pinagmasdan ang mga puno, mukhang pinasadya ang mga korte noon para magandang pagmasdan. Maaliwalas ang paligid, may mga nakikita pa akong mga batang nagtatakbuhan sa hindi kalayuan.

"May sapa roon sa may dulo, gusto mong makita?"

Napatingin ako sa kaniya nang tumabi ito sa akin. "Anong klaseng sapa?"

"Iyong may tubig," barumbadong sagot niya.

I grimaced. Tumawa siya. "Tinatanong ko kung gusto mo makita?"

"Nakakita na naman ako noon, maraming ilog sa amin eh."

"Talaga? Hindi pa ako nakakaligo sa ganoon."

Gulat ko siyang nilingon. Nakatingin ito sa unahan habang nasa likuran ang dalawang kamay.

"Hindi ka pa nakakaligo sa ilog?"

"Pajulit-julit?"

Umirap ako. "Ang lonely mo pala."

"Hoy, hindi ah! Porket hindi pa nakakaligo sa ganoon, lonely na agad?" Tumigil ito sa paglalakad. "Masaya kaya ang childhood ko! Lagi akong nasa mga Lolo at Lola ko."

"Walang naman nagtanong," pambabara ko.

Napasigaw ako nang inis nito akong binuhat na parang sako! Siraulo talaga!

"Axel! Ano ba?!"

"Bad girl ka na, Chenny! Saan mo natutunan 'yan?" Mahigpit niyang hinawakan ang baywang ko at pinanatili ako sa puwesto.

Hinampas ko ang likod niya, dumaing ito pero patuloy sa pagtakbo. Ramdam ko tuloy ang pagtama ng tiyan ko sa balikat niya!

"Ang sakit! Ibaba mo ako!" Hinampas ko ulit siya kaya natatawa niya akong binaba. "Buwisit ka!"

"Oh! Your mouth!" Hinila niya ang labi ko. Parehas kaming nagulat!

"N-Nanghihila ng labi?!" Umatras ako palayo sa kaniya.

Kumibot-kibot ang labi nito at kumamot sa ulo. "Bad ka kasi."

"Psh! Para-paraan!"

"Saan naman?" Hamon nito. "Saan ako pumaraan?"

Umiwas ako ng tingin at nanguna na sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay may mainit na braso nang umakbay sa akin. Gulat ko siyang nilingon, nanatili sa harapan ang mga mata niya at mukhang wala lang naman sa kaniya iyon kaya ngumuso ako.

"Sorry," he suddenly uttered.

"For what?"

"Sa sinabi ko noong nakaraan," he looked at me. Nagtama ang paningin namin. "Saka sa hindi ko pagr-reply sa'yo."

Ngumuso ako. "Hindi ko naman hinintay ang reply mo."

"Really?" His lips twisted.

"Talaga, bakit ko naman hihintayin ang reply mo? Malay ko bang nasa kandungan ka ni Alexa–"

"Ay sus! Tigilan mo nga 'yan," he squeezed me. "Hindi ko iyon kasama at lalong..wala ako sa kandungan niya, ano ba 'yang mga choice of words mo, ang pangit."

"Eh bakit nakita ko kayo sa grocery store?"

"Naipaliwanag ko na sa'yo 'yan diba?" Sinilip niya ang mukha ko. "Hindi ka lang naniniwala."

Hindi ako nagsalita.

"Hindi ka man lang ba..nalungkot?"

Nanliit ang mga mata ko. Inangat ko ang tingin sa kaniya, umiwas naman ang mokong.

"Saan ako malulungkot? Sa inyo ni Alexa? Eww!" Sige lang, Chenny, deny pa.

"Maka eww ka naman? Ang sakit mo na!" Pabiro nitong hinampas ang dibdib niya at umirap sa akin.

Tumawa ako at nakihampas na rin! Gulat na gulat siya sa lakas ng hampas ko kaya nawalan siya ng balanse!

"Axel!" Sigaw ko nang mapagtanto na babagsak kami!

Mabilis niyang naiikot ang katawan at hinawakan ang kaliwang kamay ko at ang isa niyang kamay ay nasa may likuran ko na agad. Napapikit ako nang makitang babagsak siya at mukhang babagsak ako sa kaniya!

Dinig ko ang daing naming dalawa. Lalo pa at tumama ang dibdib ko sa kaniya! Ramdam ko iyon at pakiramdam ko siya rin.

Nagmulat ako ng mga mata, halos maduling ako sa lapit naming dalawa. Tuloy ay nakita ko kung gaano kaganda ang mga mata ng lalaki, makapal din ang kilay niya at pansin din ang ilang balahibo sa may taas ng labi niya, ganoon na rin sa may gilid ng jaw.

Wala sa sariling itinaas ko ang kamay at tinalunton ang balahibo na iyon, napapikit siya sa ginawa ko.

Ang pogi talaga ng walanghiyang ito, walang-wala iyong mga nakita ko kanina sa school nila.

Natigilan ako nang mapagtanto ang ginagawa! Mabilis kong nahampas ang pisngi niya kaya umiwas ito sa akin!

"C-Chenny, ba't nananakit?" Mahinang aniya, tumama pa sa mukha ko ang hininga niya kaya nangilabot ako!

Akma akong tatayo pero mukhang iyon din ang gagawin niya, tuloy ay parehas kaming nagulat sa sunod na nangyari!

Mulat na mulat ang mga mata ko nang lumapat ang mga labi ni Axel sa akin. Nakita ko pa ang pagkurap-kurap niya at parang hindi rin makapaniwala. Simpleng lapat lang naman iyon pero kakaiba ang pakiramdam!

Pilit kong iniibo ang mga paa para magising ako pero bakit ayaw umalis ng katawan ko sa ibabaw niya?!

I felt his lips stretched a bit, like he find this situation funny. Akma na akong aalis nang matigilan sa ginawa niya.

He suddenly held the back of my neck and push me against him, angling his face to kiss me better.

Alam kong mali! At hindi puwede dahil hindi naman kami bagay!

And yet I just found myself, closing my eyes and letting him kiss me more.



______________
Very slow update!❗

Sorry, sobrang busy lang. Delubyo ang hatid ng second sem!Ó╭╮Ò

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 729K 43
[VERSION WITH EXTRA CHAPTERS OUT ON AMAZON!!!] [This Wattpad Version is the Unedited first draft.] Having a crush on someone isn't easy, especially w...
2M 120K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
775K 70.3K 37
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...
3.3M 269K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...