Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 19

53 5 1
By Aimeesshh25

Kabanata 19

I think they were right all along that if we are too happy, we won't realize how quickly time passes. Particularly if happiness is so expensive that we are unable to afford it. In that moment, you will forget everything even the time.

Dahil natagpuan ko na lang ang sarili kong unti-unti nang nahuhulog sa lalaking dapat huling beses kong gugustuhin sa mundong ito.

Delikado siya sa akin. Hindi ligtas ang puso ko sa kaniya..pero bakit may sarili itong isip?

"Talaga? Kung hindi mo pala siya gusto, bakit nakamention ka sa ig story niya?" Angil ko kay Axel na ngayon ay nakanguso sa tabi ko.

"Sina Marcus ang nagyaya sa akin na sumama sa picture. Hindi ko alam na iistory niya 'yon, Chenny," mahinang sinabi niya.

Umirap ako at hindi na siya tiningnan, tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan niya at hindi na nagsalita.

Isang linggo na ang lumipas mula nang ihatid niya ako sa bahay nila Jerace ng umagang iyon..saka..mula noong sinabi niya ang tungkol sa bituing kumikinang.

Kumikinang daw ako? Kumikinang ina mo, Axel! Playboy ka talaga! Bakit pa ba ako kinilig sa sinabi niyang iyon? Ilang araw akong hindi pinatulog ng salita niyang iyon tapos noong nakaraang araw ay may story si Alexa na kasama siya? Anong sabi niya? Last niya na raw iyong pagkikita nila at sana huwag na maulit? Eh bakit nagpicture pa sila?!

Kapal talaga. Hinding-hindi na ako maniniwala sa'yo!

Ngayon ko lang siya nakumpronta dahil busy siya sa school kahapon, marami na raw kasing pinapagawa dahil malapit na ang foundation week nila. Isang linggo iyong walang klase kaya for sure manghaharot lang 'to sa mga kaklase niya. Buti na lang sa ibang school napasok si Alexa.

Dumagdag pa ang inis ko sa kaniya nang pakialaman niya ang phone ko nung isang araw. Nagcomment siya sa post ni Drain na picture ni Jerace at hindi ko matanggap ang nakalagay roon.

Chenniah Jaime Dimaano

Nyay! Kaya pala late na umuwi ang babaitang 'yan! Huhu! Buti ka pa, Drain! Sana ako rin pinipicturan! Oo nagpaparinig ako! Ehem, Axel, Ehem!

Pinalabas niya tuloy na parang gustong-gusto ko siya, asaran lang naman namin iyon ni Jerace pero feelingero ang isang 'to.

Hindi ko na iyon nadelete dahil marami na rin namang nakakita. Tapos nang nabasa ko ang comment niya ay papogi pa ang walanghiya.

"Chenny? Galit ka ba?"

Hindi ako lumingon. Bakit ba kasi ako nagagalit? Ano naman kung magkita sila? Hindi naman..kami ah? Bakit kami ba?

Hindi naman kami.

May kirot iyong hatid sa puso ko na binalewala ko agad. K-Kaibigan ko kasi siya, kaya concern lang ako!

"Chenny? Hindi ko siya nilapitan! Promise! Kita mo naman kung sinong katabi ko sa picture diba? Si Maricar ang katabi ko," lumapit ito sa akin at kinulbit pa ako. "Hinahanap ka nga ni Mari eh."

"Pake ko naman?!" Asik ko, biglaan na lang lumabas.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "C-Chenny, bad 'yan ah?" Tinuro nito ang bibig ko kaya inis ko iyong hinawi.

"Huwag mo nga akong kausapin, bababa na ako, buksan mo na ang pinto."

"Luh, ayaw ko," muli itong lumapit, inalis na nito ang seatbelt niya at tiningnan ako. "Bakit ka ba nagagalit? Hindi ko naman siya katabi eh, kinakausap niya ako pero hindi ko nga siya sinasagot."

"Wala akong pakialam, Axel kung makipagbalikan ka kay Alexa, ang akin lang, nakakahiya na ang akala niya eh.. g-girlfriend mo pa rin ako," I bit my lower lip.

"Hindi ko na kasi mabawi," bumuntong hininga ito. "Pero hindi ko na siya gusto ah! Huwag mo ngang sabihin 'yan."

"Ang alin ba?"

"Iyong makikipagbalikan! Huwag mong sabihin," umirap ito.

"At bakit?! Dahil totoo?"

"Luh? Chenny ano ba, hindi ah! Bakit naman totoo?" He sighed. "Chenny naman eh, hindi ko na nga gusto 'yon."

"Liar," tiningnan ko siya. Nakanguso ito sa harapan ko at pasimple pang pinaglalaruan ang siko ko. "Huwag ako, Axel."

"Gusto ko ikaw eh," he chuckled.

Ngumuso ako at inalis ang hawak niya sa siko ko. "A-Aalis na ako!"

"Mamaya na," hinila niya ang braso ko kaya halos mapadikit ako sa kaniya. "Dito ka muna."

Naglumikot ang mga mata ko para makaiwas lamang sa kaniya. Mabilis kong inalis ang hawak niya at lumayo.

"Naiinis pa rin ako sa comment mo," wala sa hulog na sambit ko. Maiiwas lang talaga ang mukha ko sa kaniya.

Tumawa ang lalaki. "Hindi naman din sila naniniwala na nagpaparinig ka ah? Hindi mo naman ako gusto.." humina ang boses nito.

Nabilaukan ako, buti na lang naitago ko agad iyon. "Ang akala ni Jerace ay crush kita–"

"Eh diba crush mo naman talaga ako dati?"

Gulat ko siyang nilingon. "Luh! Ang kapal mo naman?"

"Bakit nakatitig ka sa family portrait namin? Tapos ako talaga ang tinititigan mo?" Ngumuso ito.

Hindi ako nakaimik. Ibinalik niya na naman iyang nangyari noon, nakakainis.

"Crush mo naman ako dati. Hindi mo nga lang ako g-gusto," he said. Nagtaka ako nang mahimigan ko ang kakaiba roon.

"Basta! Edi lalong iisipin nila Jerace na patay na patay ako sa'yo, kahit h-hindi naman!"

Nangunot ang noo niya. "Kung sinasabi mo naman yata na hindi eh, syempre hindi 'yon mag-iisip sa comment ko."

Ang masama nga ay lantaran ang pakikipag-asaran ko sa alaga ko about sa pagkakaroon ko ng gusto kay Axel noon, hindi ko na nga lang nabawi dahil totoo naman at mas lalong nayabong sa pagtagal, pero hinding-hindi ko aaminin sa kaniya.

Mabuti nang..kay Jerace ko lang nasasabi..saka mukhang naiintindihan naman niya na nakikisakay lang din ako sa mga biro niya.

Bumuntong hininga ako. "Gabi na, baka magtaka na si Ate Berna,"

Lumingon ito sa akin. "Bakit naman? Hindi ka ba nagpaalam?"

"Psh, tulog na 'yon for sure, kaso baka katukin ako sa kuwarto," I looked at him, he was pouting his lips. "Ano na naman?"

"Galit ka pa ba sa akin?"

"Oo!" Umirap ako at tumingin sa unahan. "Sabihin mo na sa kanila na hindi mo ako girlfriend."

"Ayaw ko nga, baka ligawan ka ni Zane," he said with a small voice.

Nangunot ang noo ko at mabilis siyang nilingon, nanakit pa ang ulo ko sa biglaang ginawa.

"B-Bakit naman? Eh..alam na rin naman ni Zane na hindi tayo magkarelasyon ah?"

"O-Oo nga, pero.." umiwas siya ng tingin. "Basta! Hindi mo kilala si Zane!"

"Kilala ko si Zane! Mabait iyon, kaya bakit ganiyan ka sa kaibigan mo?" Nagtatakang tanong ko.

He cursed. Nagulat ako.

"Kasi kilala ko 'yon, matinik iyon sa mga babae! Papalit-palit!"

"Okay lang, mabait naman siya!" Umirap ako.

"Tsk," he glanced at me. Mukha siyang galit.
"Nagkakachat kayo noon diba? Bakit nirereplyan mo?"

"Kasi nagchat siya? Alangan naman hindi ko replyan?"

"Tsk! Akala ko ba ayaw mo nang mapalapit sa mga kaibigan ko?" Tumaas ang kilay niya.

"May magagawa pa ba ako? Paano ba ako iiwas kung ayaw mo pa bawiin na hindi naman talaga tayo!"

Umigting ang panga nito sa sinabi ko. Nagtaka ako.

"Alam na naman ni Zane na hindi tayo ah? Bakit nagrereply ka roon? Hindi siya basta-basta, Chenny! Playboy 'yon!" Paninira niya sa kaibigan niya.

"Edi kagaya mo?! Ayos lang dahil mas mabait siya!"

Nanlaki ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala. "Anong ayos lang? Magpapaligaw ka ba sa kaniya kung sakali?"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakasagot, umiwas ng tingin si Axel at binuksan ang pinto sa tabi niya at malakas pa iyong sinara! Hindi na ako nakaangal nang makalabas ang lalaki.

Anong nangyari roon?

Mabilis din akong bumaba at sinundan siya nang maglakad ito palayo. Siraulo talaga! Kitang gabi na, lalabas pa!

"Saan ka pupunta?!" Sigaw ko.

"Kay Alexa! Huwag mo akong sundan!" Sigaw nito pabalik.

Natigilan ako at parang umakyat ang dugo ko sa ulo at inis siyang sinundan.

"Gago ka talaga! Bakit pupunta ka roon?"

"Makipagchat ka na lang kay Zane!" Aniya at muling naglakad.

Napahawak ako sa ulo at inis na tinanggal ang suot na sandals at binato iyon sa kaniya. Tumama ang flat sandals ko sa likuran niya kaya iritado itong lumingon sa akin.

"Gago ka talaga eh 'no?" Nanggigil kong saad at dire-diretsong lumakad palapit sa kaniya.

Kunot-noo itong tumingin sa mga paa ko at malakas na bumuntong hininga saka pinulot ang sandals ko sa gilid at siya na ang lumapit sa akin. Natigilan ako at hinintay siyang makalapit, medyo masakit kasi sa paa ang kalsada kaya hinayaan ko na.

"Isuot mo ang sandals mo," pagalit niyang sinabi at inabot ang sandals ko.

Hindi ko iyon tinanggap.

Umirap ako. "Ibalik mo muna ang turnilyo mo sa utak!"

Masama ang tingin nito sa akin pero mas masama ang tingin ko sa kaniya.

"Kulit," he sighed, shaking his head.

Bumaba ito sa harapan ko at nilapag ang sandals ko sa kalsada. Nakanguso ko siyang pinanood, dahan-dahan nitong inangat ang paa ko kaya napahawak ako sa balikat niya.

"Alam mong kalsada ito, tapos maglalakad kang naka yapak."

Dahan-dahan niyang pinagpagan ang ilalim ng paa ko at sinuot ang sandals doon. Natunaw ang puso ko habang pinapanood siya sa ganoong ayos.

Nang mag-angat siya ng tingin ay umiwas na ako.

"Tara na, ihahatid na kita," mahinang aniya at hinawakan ang kamay ko.

Kahit ayaw ko pa ay wala na akong magawa dahil mukhang nawala na nga talaga siya sa mood. Ngumuso ako nang mapansing nakatitig pa rin siya sa akin kahit na naglakad na ako papasok sa gate.

"Umuwi ka na!" Kunyaring galit na ani ko.

Tumango lang ito at sinenyas ang gate sa akin. "Pumasok ka na sa loob."

Oh? Okay.

Pumasok na ako pero muli ko siyang nilingon, nakatingin pa rin ito sa akin kaya tila napapasong nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at sinarado na ang gate saka patakbong lumakad palapit sa bahay ng mga Walkins.

Wala namang kakaibang nangyari sa mga araw ko sa nagdaan, except sa napapansin kong mas lalong nahuhulog si Jerace kay Drain. Palagi na kasing hinahatid ng lalaki kaya naman kilig na kilig ako kapag nakikita sila. Masaya ako para kay Jerace at sana magtuloy-tuloy. Natatawa na lang ako sa tuwing nalilimutan niya nang magkuwento sa akin minsan pero bumawi naman nung isang araw, halos ikuwento sa akin lahat kaya nagkulitan na naman kaming dalawa.

Iyon nga lang hindi na kinukulit ni Axel kaya nakakapagtaka pero hinayaan ko na lang. Hindi naman sa hinihintay ko, wala akong pakialam sa kaniya.

Tahimik akong naglilibot sa supermarket dahil ako na naman ang pinabili ni Ate Berna ng mga ingredients para sa lulutuin niya, tapos naman na ako at naghahanap na lang ng kailangan ko.

Tinulak ko ang cart papunta sa sunod na row nang matigilan.

"Nasaan na raw sila?" Tanong ng lalaking dalawang araw hindi nangulit sa akin.

Titig na titig si Alexa sa kaniya habang nagtutulak ng cart si Axel.

"H-Hindi ko alam eh, baka papunta na rin," sagot ng babae.

Hindi tumingin si Axel at lumipat para may tingnan doon sa gilid. Parang umakyat ang inis ko sa ulo kaya naman diretso ang lakad ko ay kunyaring may tinitingnan hanggang sa may sumigaw sa gilid!

Gulat ko iyong nilingon. "Oh?"

"Ouch! Can't you be more careful?!" Iritadong sambit ni Alexa habang hinahawakan ang baywang niya.

Napatingin siya sa akin saka natigilan. Nakagat ko ang labi at kunyaring gulat na gulat.

"Anong nangyari?" Si Axel na nakalapit na ngayon sa amin.

Nagtama ang paningin namin kaya kitang-kita ko ang pagkakagulat niya. Umismid ako.

Naiwan niya pa ang cart niya roon sa puwesto niya sa pag-aalala kay Alexa ah? Nice.

"H-Hindi nagdadahan-dahan 'yang babae mo," mahinang sinabi ni Alexa pero dinig ko.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. "Ikaw ang nasa harapan ko, dapat tumabi ka."

"Huh? What?!"

"Bungol?" Panunuya ko. "Palinis mo tainga mo."

"Chenny," suway ni Axel kaya inirapan ko siya.

"Pagsabihan mo nga 'yan, Ax. Kung saan-saan mo kasi napulot kaya ganiyan ugali," she rolled her eyes at me. "Palibhasa'y kasambahay lang, pero kung umasta akala mo may-ari ng mall!" She chuckled.

Hinawakan siya ni Axel at inilingan.

Napikon ako kahit mahaba naman ang pasensya ko sa mga ganito.

"Baka ikaw ang kung saan-saan napulot?" Tumawa ako at tiningnan niya mula ulo hanggang paa. "Dikit nang dikit ka nga sa may girlfriend eh? Ano ka, packing tape?" Diniinan ko ang salitang packing.

Namula ang mukha niya at mukhang iritado talaga sa akin, kitang-kita ko ang pagtaas ng kamay niya papunta sa akin pero hindi niya nagawa dahil mahina ko siyang tinulak!

"Ouch! Omg!" Irit nito nang tumama siya kay Axel na mabilis namang nahawakan ng huli.

Ngumuso ako at kinabahan. Hindi naman malakas ang tulak ko ah? Ang OA naman nito!

"Chenny!" Suway ulit ni Axel sa akin at basta na lang binitawan si Alexa nang makabawi at hinila ako palayo roon.

Hindi na ako nakapalag at nagpahila na rin sa kaniya. Dinala niya ako sa gilid na kung saan walang tao.

Humarap ito sa akin at halatang inis din ito kaya bumuntong hininga ako.

"H-Hindi ko naman sinasadya eh," I lied.

"Siya lang ang tao roon kaya paanong nasagi mo siya?" Malalim ang boses na tanong niya.

"N-Nakatalikod ako, malay ko ba."

"At bakit naman tinulak mo pa?" Naghahamon ang boses niya. "Paano kapag nasaktan mo 'yon?"

Nag ngitngit ako sa inis. "Sasampalin niya ako, kaya self defense 'yon kung kakasuhan niya ako!"

"Tsk," he looked away. "Ang ayaw ko sa lahat ay isip-bata."

Nalaglag ang panga ko. Siraulo talaga ang walanghiyang 'to. Eh isip bata naman siya! Kapal mo talaga, Axel!

"Nakita ko na sinadya mong itulak ang cart sa kaniya," he glanced at me. "Bakit mo iyon ginawa?"

I bit my lower lip. Walang maisagot.

"Chenny? Ano?" He urged.

"K-Kasi nakaharang siya."

"Ganiyan ba magpatabi ng nakaharang?" Bumaba ang tingin niya sa akin. "Magsorry ka kay Alexa."

Sumama ang pakiramdam ko. Parang may malamig na tubig na natapon sa may tiyan ko at kumalat iyon sa katawan ko nang marinig ang sinabi niya.

"B-Bakit ako mags-sorry? Siya ang naunang magsabi ng masakit," pinigilin kong maiyak.

"Dahil sinagi mo siya ng cart mo, Chenny."

"Hindi ako mags-sorry," huling sinabi ko at nilagpasan siya.

Mabilis ang mga lakad ko at hinanap ang cart kong naiwan, wala na roon ang babae at wala akong pakialam sa kaniya. Diretso ang lakad ko sa may counter at hindi na nakabili nang mga bibilhin ko sana. Bahala na, saka na lang kapag napagawi ulit ako rito.

Mabilis ang mga kilos ko habang inaayos ng babae ang mga pinamili ko. Nakita ko si Axel na may hinahanap at mukhang may tinatawagan sa cellphone niya.

Umirap ako at napatingin sa cellphone kong hindi naman tumutunog.

Buwisit talaga. Bakit pa ba ako umaasa na ako ang hinahanap niya?

Nang maabot ang bayad ay halos ako na ang magsukli para makaalis lamang. Ngumiti pa sa akin ang babae pero mabilis na akong tumalikod habang bitbit ang isang eco bag na may tatak ng store. Diretso ang lakad ko palabas, magaan lang naman ang dala kaya hindi ako nahirapan.

Akmang paparahin ko na ang taxi na dumaan nang may humablot sa hawak ko. Gulat ko iyong nilingon sa pag-aakalang may magnanakaw.

"Ihahatid kita," mariing sinabi ni Axel pero hindi ko siya pinansin.

"Akin na 'yan," inagaw ko ang eco bag pero nilayo niya iyon. "Akin na 'yan!"

"Tsk, ihahatid nga kita." Hinila niya na ang kamay ko pero inis kong inalis iyon. "Isa, Chenny!"

"Kahit magbilang ka hanggang 100, hindi ako sasama!" Hinila ko ang bag pero itinaas niya iyon! Tuloy ay tumaas din ang white t-shirt niya!

"Ihahatid...kita!" Nilakasan niya pa talaga.

May sasakyang tumigil sa harapan namin. Bumaba si kuya Kid na nagulat pa pero ngumiti rin sa akin. Tumango ako. Hinila na ako ni Axel papasok sa loob at pinaupo.

Hindi ako nagsalita habang inaayos niya ang bag sa gilid namin. Tahimik kami habang bumabyahe.

"Sinong kasama mo?"

Hindi ako nagsalita.

"Ikaw lang mag-isa?"

Tahimik pa rin ako.

"Nasaan si Mang Fred? Hindi ka ba hinatid?" He sighed when he didn't get an answer. "Chenny naman. Ganiyan ka ba talaga kaisip bata?!"

Nakita ko pa ang pagtingin sa amin ni Kuya Kid sa mirror kaya inis kong nilingon ang lalaki sa tabi ko.

"Anong isip bata?! Iyong babaeng iyon ang isip bata!"

"Tsk! Ikaw ang nauna. Kita ko na sinagi mo siya!"

"Oh bakit sumisigaw ka? Kasalanan ko bang nakaharang siya sa dadaanan ko?!"

"Alam nating nasa gilid siya, huwag mo ngang paikutin."

"Para sa akin nasa gitna siya!" Umirap ako. "Alalang-alala ka sa mahal mo ah?"

"Tsk, ano bang sinasabi mo?" Tumaas ang kilay nito sa akin.

Dama ko ang inis ko sa kaniya at hindi ko maintindihan kung bakit. Naiirita ako ng sobra-sobra at parang gusto ko siyang sabunutan.

"Sinabi mong wala kang balak makipagbalikan? Kaya bakit magkasama kayo?" Mahinang ani ko, takot na baka may marinig na kung ano sa boses ko.

"Pumunta ako kasi akala ko kasama niya sina Marcus, iyon ang sabi niya sa akin," mahinahon niyang sagot.

Napalingon ako sa kaniya at nakalapit ito sa puwesto ko gayong maluwag pa naman sa gilid niya. Lumayo ako ng bahagya, napatingin siya roon.

"At naniwala ka naman?"

"Papunta pa lang pala sina Marcus," he sighed. "Hindi ko rin alam, okay?"

"Sinong isip-bata ngayon sa aming dalawa?"

Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinaktan mo pa rin siya, hindi ka dapat nananakit, Chenny," aniya at biglang umiwas ng tingin na parang dismayado sa akin.

Nanakit ang dibdib ko at hindi na nagsalita. Mabilis akong umiwas at tumingin na lang sa gilid. Hanggang sa maihatid ako at kausapin niya pa ay tanging iling at tango lang ang sagot ko.

Binigay ko na kay Ate Berna ang pinamili at nakatulong na rin ako sa mga gawain sa buong bahay ay hindi nawala ang sakit na iyon sa may dibdib ko.

Bumuntong hininga ako at humiga na sa kama. Nakapaghilamos na rin ako at handa ng matulog nang tumunog ang cellphone ko.

Taka ko iyong tiningnan at natigilan sa nabasa.

Unknown number:

Magandang gabi, Chenniah ko. Kailan ulit ang uwi mo?

Continue Reading

You'll Also Like

59.3K 2.5K 6
A story about two rejects who never passed the hero exam, living their best on a mound of crushed dreams and cheap instant noodles. BakuTodo Bakugo x...
658K 55.1K 33
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
209K 8.4K 71
Shin Ryujin the cold,and spoiled brat girl behind the mask Hwang Yeji a nice and humble girl from a poor family Yeji became a maid in the Shin's Mans...
11.6K 508 28
For years the five Clans have lived in harmony; in many moons of peace, the five Clans have thrived and prospered in their home. But the times of pre...