The Bachelor's Game (Great Ba...

By Maria_CarCat

6.2M 146K 7.9K

Wala na bang pinipili ngayon? pati bestfriend kabilang na din sa listahan ng papaiyakin, papaasahin at paglal... More

The Bachelor's Game
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 (Meet the Bachelors)
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 (Flashback)
Chapter 35 (Flashback)
Chapter 36 (Flashback)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue 1
Epilogue 2
Special Chapter

Chapter 5

148K 3.7K 104
By Maria_CarCat

2 months na akong nagtratrabaho dito sa companya nila Kervy. Ang reason kasi talaga ay dahil sa parents ko, may sarili din kaming companya but si Dad at si Kuya ang nagmamanage non. Hindi ko alam kung bakit, pero sabi nila kailangan ko muna daw matuto dito sa company nila Kervy.

Sa 2 months na iyon, unti unti ding nagpaparamdam si James at yung ibang lalaki na palaging nakatambay dun sa may pantry. Hindi ko naman sila ini-entertain kasi may iba akong gusto.   

"Girl! Lunch na tayo!" Yaya sa akin ni Joana. Tumayo naman na ako para sumunod, pero biglang tumunog yung cellphone ko.

Kervy...

"Hello" 

"Nasaan ka ngayon? " tanong niya.

"Nasa fastfood na kami" pagsisinungaling ko, tinaasan naman ako ng kilay ni Joana pero sinenyasan ko siyang tumahimik.

"Diba sabi ko sabay tayo mag lunch" Ramdam ko ang pagsimangot niya sa kabilang linya. 

"Ay sorry nakalimutan ko, gutom na gutom na kasi ako kaya nagmamadali kaming lumabas" pagsisinungaling ko, hindi ko alam pero, this past few days naiilang ako sa kanya. 

Simula nung sumabay ako ng lunch sa kanya isang beses.   

[Flashback]

Nandito ako sa office niya, dito kami nakapwesto sa may center table, kaya nakaupo kaming dalawa sa may sala set, magkaharap kami.

"Buti na lang andito ka na, may kasama na ako palagi mag lunch" sabi naman niya.

Ngumiti lang ako bilang sagot. "Bakit hindi mo ginagalaw yung pagkain mo? May masakit ba sayo? May gusto ka bang iba?" tanong pa niya sa akin ng mapansin siguro ang aking pananahimik.   

Umiling lang ako, pero nagulat ako ng tumayo siya at tumabi sa akin. "Kung ayaw mong kumain, susubuan na lang kita" nakangiting sabi niya sabay kuha ng kutsara ko.

"Wag na, Kervy!" sigaw ko, kainis yung isang kamay niya kasi nakaakbay sa akin eh.

"Say Ahh..." sabi niya sabay lapit ng kutsara sa bibig ko.

"Ang kulit ayoko nga sabi!" pagmamaktol ko, pero dahil sa kaartihan ko natabig yung kutsara at tumapon sa kanya yung laman.

"Ay sorry! kulit mo kasi eh!" sabi ko naman habang pinapagpag yung dumi sa damit niya.

"Tsk... ayaw mo kasing kumain eh. Ok na yan, wag na. Paabot na lang nung extrang long sleeve ko dun sa may cabinet." sabi naman niya sa akin.

Kaagad naman akong tumungo dun sa cabinet na sinasabi niya, pagkakuha ko, babalik na sana ako pero natigilan ako ng makita kong wala na itong suot na pangitaas na damit. Hindi ko maiwasang dumapo ang tingin ko sa abs niya. Hindi ko alam pero hindi ko maalis yung tingin ko dun, pero habang titig na titig ako lalong lumalaki at lumalapit.

"Oh, tulo nanaman yang laway mo" natatawang sabi niya sabay kuha nung damit sa kamay ko.

Napansin niya sigurong hindi ako makatingin sa kanya. Sa sobrang kahihiyan, grabe Grace! nahuli kang tumititig sa abs ng bestfriend mo! 

Nabigla ako sa pagngisi niya."Gusto mo bang hawakan? sige lang feel free" paglapit niya ng abs niya sa akin.

Umiling naman ako bilang sagot. "Sus! sige na oh!" sabi niya sabay hawak sa kamay ko para dalhin sa abs niya pero bago pa yun.

"Sir, Mr. Del Gado call for...." hindi na natuloy yung sasabihin ng secretary niya sa nakita niyang eksena. Mukha tuloy gusto kong hawakan yung abs niya. Nakakahiya!  

"Uhm... Sorry sir" sabi nito sabay sarado ng pinto.

Natawa naman si Kervy at tumingin sa akin. " Bwiset ka! Pinahiya mo nanaman ako!" sigaw ko sabay walk out. Oo palagi ako niyang pinahihiya, sa harap ng Family ko, Family niya, o kahit sa mga kaibigan niya.Palagi niyang pinalalabas na may gusto ako sa kanya, kapal ng mukha!!!!

*End of flashback*

"Hello!" tawag niya,

"Ah... ano ulit yung sabi mo"

"Sus! sabi ko pakiTake out mo na lang ako, alam mo naman yung gusto ko di ba? hihintayin ko ha! Dalian mo nagugutom na din ako, ikaw kasi hindi mo ko sinabay!" pagiinarte niya.

"Ok, Sige na bye!" sabi ko naman.

Kumain na kami sa fastfood, tanong ng tanong si Joana sa akin kung bakit iniiwasan ko si Kervy pero sabi ko naman wala lang yun. Pagbalik namin.

"Oh, ano pang hinihintay mo? ideliver mo na yan sa bestfriend mo" Pangaasar sa akin ni Joana.

"Eh... pwede bang ikaw na lang?" sabi ko sa kanya.

"Gustuhin ko man, ikaw ang gusto makita ni Mr. Hot Ceo!" sumbat niya sa akin.

"Tsk. Ang arte kasi nung lalaking yun eh!" pagmamaktol ko sabay lakad sa harap ng elevator.

Pagdating ko sa secretary niya, hindi ako makatingin ng maayos. Nahihiya pa din ako sa nakita niya.

"Uhm...Kate pwede bang ikaw na ang magbigay nito kay Sir?" tanong ko.

"Sige akin na" ngiting sabi naman niya. Sus! kung hindi ko lang alam, galit siya sa akin. Halata namang may gusto siya sa bestfriend ko, hala sige! pagbibigyan kita ngayon! tsk.

"Thanks!" plastik na ngiti ko naman sa kanya, aba! ginantihan din ako ng plastik na ngiti! aba bwiset to ah! kala ko nung una mabait.

Pumasok na siya, naglakad na rin ako papuntang elevator pero habang hinihintay kong bumukas yung elevator isang sigaw yung narinig ko.

"Where is she!?" sigaw ni kervy.

Omg! Ang tagal bumukas ng elevator. "Bumukas ka na!" narinig ko naman yung pagbukas nung pinto niya, no choice! Gamitin ang hagdan, but bwiset na heels natapilok ako! At Viola! nahulog ako sa hagdan then blackout!

Pagmuklat ko ng mata ko, puting kisame ang agad na nakita ko, but wait hindi hospital ito. Iba yung nafefeel ko eh, sigurado ako! office to ni Kervy. Huminga muna ako ng malalim bago ko simulang iginala yung mga mata ko.     

"May problema ba tayo? Bakit mo ako iniiwasan?" seryosong tanong niya.  







(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 23K 36
PUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-f...
3.8M 107K 53
"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be y...
2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
229 88 7
Girl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended: