Late-night Talks

De LovieNot

6.9K 1.5K 116

🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first... Mais

PROLOGUE
CHAPTER 1- First Goodnight
CHAPTER 2- SLEEP WELL
CHAPTER 3- CUP OF COFFEE
CHAPTER 4- IN A RELATIONSHIP
CHAPTER 5- TRAUMATIC EXPERIENCE
CHAPTER 6- SUNSET
CHAPTER 7- RELATIONSHIP
CHAPTER 8- BETRAYAL
CHAPTER 9- SOMETHING'S WRONG
CHAPTER 10- TANTRUM
CHAPTER 11- DÉJÀ VU
CHAPTER 12- MEMORIES BRING BACK
CHAPTER 13- FEEL SORRY
CHAPTER 14- DEEP AS OCEAN
CHAPTER 15 - NEVER ENOUGH
CHAPTER 17- SUDDEN CONFESSION
CHAPTER 18- PURSUIT
CHAPTER 19- BEST DECISION
CHAPTER 20- EXCUSE
CHAPTER 21 - GENUINE LOVE
CHAPTER 22- LIFESPAN
CHAPTER 23- LIMITED TIME
CHAPTER 24- QUALITY LIFE
CHAPTER 25- TILL NEXT LIFE
EPILOGUE
EXTENDED CHAPTER

CHAPTER 16- REASON WHY

50 39 5
De LovieNot

"Hey, Lavinia!" tawag sa akin ni Veil nang makita akong tumatakbo sa lobby ng hotel. May kailangan kasi akong kunin sa 3rd floor. Mayamaya ay out ko na rin naman.

Huminto muna ako para hintayin itong makalapit sa akin. Humahangos pa ito hanggang sa tumigil sa tapat ko mismo.

"Uy! What's up? Ngayon ka lang ulit nagpakita, ha?" nakangiti kong sabi.

Simula nang umalis si Tyron papuntang ibang bansa ay madalang na rin siyang magpakita rito. Pabor din iyon sa akin dahil mukhang sumuko na rin siya sa nararamdaman niya para sa akin.

"Wala ka bang balita kay Tyron?" usisa pa nito na naging dahilan ng pagtaas ng aking kilay.

"Ikaw ba ay may balita sa kaniya?" balik ko rin sa tanong nito sa akin.

"Wala nga, eh," sagot nito sabay kamot sa kaniyang noo.

"Wala rin akong balita. Eight months na ba siya sa Paris?" pangugumpirma ko pa. Hindi rin ako sigurado pero matagal-tagal na rin simula nang ihatid namin ni Rona sa airport ang isang 'yon.

"Hindi ba at ten months na rin?" Nagbilang pa ito sa kaniyang mga daliri. Natawa naman lang ako. "Oo, ten months na nga. Nakalimutan na siguro tayo ni Tyron," madrama nitong sabi.

"Bakla ka ba?" pabiro kong sabi.

Kung sa mga babae pa ay masyadong emosyonal sa lahat ng bagay. Minsan ay hinihiling ko na sana ay maging kasing lambot niya rin ang kapatid ko para naman hindi lang pandadaot palagi ang aking natatanggap mula sa kugtong na iyon.

"Bakla? Don't me, Lavinia," birong sabi niya rin.

"Ewan ko sa 'yo. Maiwan na muna kita dahil kailangan ko ng maghanap-buhay."

"Sige, susunduin ko rin si Tyron sa Paris dahil miss na miss ko na siya."

"Tse!" asik ko naman at pareho pa kaming natawa.

Nagmadali na rin akong pumunta sa ikatatlong palapag at kinuha ang kailangan ko. Pagbaba ko ay sakto naman ang pagdating ni Raine.

"Mag-out ka na, agahan mo na ngayon dahil nag-overtime ka na naman kahapon."

Tumango naman ako ang nag-sign out na rin. Wala naman akong ibang didiretsohan kundi ang Lozé Building.

Dumaan muna ako sa coffee house ni Rona para makichismis. Nagmumukmok na naman ang bruha sa gilid. Dalawa lang ang naabutan kong customers sa loob.

"Anong nangyari sa 'yo?" usisa ko. Napapitlag pa ito na mukhang gulat na gulat sa presensiya ko.

"Nai-stress ako sa kapatid mo," kaagad nitong reklamo.

"Same here, stress din ako sa isang iyon. Wait... bakit pati kapatid ko ay problema mo na rin ngayon?"

Napaiwas naman ito ng tingin. Mas lalong nanliit ang aking mga mata. "Nililigawan ka na naman ni Daniel?"

"Sinabi ko naman sa kaniyang hindi kami puwede dahil..."

"Gaga, age doesn't matter naman, ha? Saka isang taon lang ang agwat natin kay Daniel. Kung gusto mo naman ang kapatid ko ay huwag mo ng pigilan. Mas matured pa nga mag-isip sa akin 'yon kahit kugtong. Feeling ko rin ay ikaw ang dahilan kung bakit hindi makapasok sa pang matagalang relasyon ang kapatid ko, eh..."

"Nagkaroon nga ako ng best friend pero mahilig namang mang-gaslight."

"Wala naman kasing problema, Rona. Ate ako ni Daniel kaya pabor sa akin kung ikaw ang magiging asawa niya..."

"Asawa?! Hoy, tang-ina! Pinagsasabi mo?"

Napataas-kilay naman ako. Sa totoo lang ay na-offend ako sa naging response nito sa sinabi ko. Kapatid ko pa rin si Daniel kaya kapag nasaktan na naman siya dahil sa babaitang ito ay ewan ko na lang talaga.

"Sorry," paumahin niya naman kaagad. "Nagulat lang ako sa salitang 'asawa'. Hindi pa ang ako nakakapag-decide kung pagbibigyan ko ba si Daniel o hindi. Alam mo namang tinanggihan ko na siya dati, 'di ba?"

"Iyon ang inaalala mo? Alam mo pride na 'yang pinapairal mo, 'day. Bahala ka nga ngang tumandang dalaga."

"Wow! Nagsalita ang may boyfriend, ha?"

Nagkatitigan pa kami sabay humagalpak ng tawa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami naging mag-best friend ng isang ito. Since elementary ay magkaibigan na kami at wala pa kaming pinag-awayang bagay o kahit na ano.

Perhaps it's because we have different personalities, opinions, and tastes in things. Our needs and desires don't overlap. Opposite poles attract each other, and that's why we blend well together. There's no advantage-taking happening. We complement each other. With that, our friendship grows stronger, making our bond extra special.

"Hindi mo ba talaga alam kung kailan ang balik ni Tyron?" iba nito sa usapan.

"Hindi nga. Wala talaga akong contact sa isang iyon," tanggi ko naman. Totoo naman talagang wala. Bakit parang ini-expect nilang mayroon?

"Nasaktan talaga ang isang iyon, 'no?"

"Sobra. Imagine, niloko ka ng ten years girlfriend mo tapos nahuli mo pa sila sa birthday mo pa mismo."

"Tsk. Bigla ko lang naalala kasi nakita ko si Allison kanina. Umaaligid dito at mukhang sinusuri kung nandito ba si Tyron. Ang weird lang."

Napataas-kilay naman ako. "Posible bang may communication pa rin sila?"

"Baka. I don't know. Who knows, right?"

Napapalatak naman ako sabay iling. "Kapag nagkabalikan sila, itakwil mo na si Tyron dito sa Lozé Building. Pa-renta-han mo na lang sa iba ang second floor."

"Mismo, 'day," sagot naman nito. Muling nagtama ang aming tingin sabay parehong natawa na naman. "Hindi ko kayang makita ang babaeng iyon dito araw-araw."

"Mas lalo naman ako," sabi ko pa.

Nagkuwentuhan pa kami bago ako umakyat pataas. Nang madaanan ko ang unit ni Tyron ay napabuntonghininga na lang din ako. Wala na nga sigurong pag-asang bumalik pa ang isang iyon. Dapat ay binibitiwan niya na rin ang lugar na ito. Huwag niya ng pabayaran sa mga magulang niya kung wala naman ding nakatira.

Napailing ako at umakyat na sa aking unit. Dumiretso ako sa aking kuwarto at pabagsak na nahiga. Dahil sa sobrang abala kami kanina ay nanaig ang pagod sa aking sistema at tuluyan akong nakatulog.

Pasado 7:33 p.m na nang magising ako. Lumabas na rin ako ng kuwarto at dumiretso ng kusina saka naghanda ng dinner. Mag-isa lang naman ako kaya mabilis lang din ako natapos. Wala pa ngang kalahating oras ang lumipas ay tapos na rin akong kumain.

Sa sala na lang din muna ako tumambay. Nang mabagot ako ay kinuha ko ang aking laptop at lumabas ng unit. Bumalik ako sa loob para kumuha ng soft drink at chips. Tumambay muna ulit ako sa rooftop para manuod.

May ini-recommend sa akin si Raine na bagong movie daw. Killing Me Good ang title kaya naman ito na rin ang pinanuod ko.

"Ugh, shit! Faster!"

"Punyeta!" naiusal ko na lang dahil sa intro ng movie. Nai-pause ko rin ito. Naka-speaker pa man din ako dahil wala pa akong bagong headset.

Hindi ko naman alam na erotic movie pala ito. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa gulat.

Akala ko kasi ay action-romance lang ito dahil iyon ang sabi ng mga kugtong kong kasamahan. Ibang action pala ang tinutukoy nila.

Naisahan nila ako, ha? Lagot kayo sa akin bukas.

Natawa na lang ako sa aking sarili. Naka-full volume pa talaga ako.

"Movie marathon nang mag-isa?"

"Ay multo!" hiyaw ko dahil sa gulat. Kamuntik pa akong mahulog sa aking kinauupuan.

Kaagad akong tumayo at inusisa kung sino ang nagsalitang iyon. Napakurap-kurap ako nang makilala ito.

"Tyron?!" malakas at bakas ang gulat sa tono kong sabi.

"Yeah, I'm Tyron Del Valle," nakangiti niya pang sabi.

Saglit akong napatulala habang pilit na iniintindi ang nangyayari.

"Wait... Hindi ba at nasa Paris ka? Bakit nandito ka?"

"Ay? Bawal na ba akong umuwi? Talaga bang ayaw mo na akong umuwi ng Pilipinas?"

"Hindi naman sa gano'n. Nakakagulat ka lang kasi." Bigla kong naalala si Veil at ang sinabi ng kugtong na iyon na susunduin niya ang isang ito sa Paris. "That jerk," bulong ko pa.

"What?"

"Nothing. Welcome back!" masigla ko pang dagdag. "Maupo ka," dagdag ko at naupo na rin.

Naramdaman ko ang pagpa-panic ng aking kalooban nang mapagtantong nasa SPG scene pa rin pala naka-pause ang pinapanuod ko.

Tumikhim pa siya at naupo na nga. Kaagad kong ikinansela ang pinapanuod ko. Unang bumungad ang isang bagong movie ng Barbie kaya ito kaagad ang napindot ko.

"Barbie?" sabi niya pa sa nang-aasar na tono. Nai-pause ko na lang ulit at tinapunan siya ng tingin.

"Seriously, Tyron," naaasar kong sabi. "Pagkatapos mong hindi magparamdam ng sampung buwan ay bigla ka na lang susulpot na parang kabote. Ang perfect timing mo pa talaga," sarkastikong sabi ko.

Natawa naman siya at pinindot-pindot ang laptop ko. Nakita kong inilipat niya iyon sa ibang movie.

"Sorry naman. Sinabi ko kay Veil na sabihan kayong pauwi ako pero hindi pala sinabi ng isang iyon sa inyo? Nahampas tuloy ako ni Rona. Ang sakit," may halong reklamo niya pang sabi sabay haplos ng kanang balikat niya.

"Deserve," komento ko rin. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa ilalim ng mesa lang din kaya nagliwanag ang buong rooftop.

"Bakit mo binuksan? Manunuod tayo."

Pinindot ko ulit ang pause button at hinarap siya. Dalawang dangkal lang ang agwat ng mga mukha namin dahil magkatabi rin naman kaming nakaupo.

"Wala ka bang pasalubong? Dinidiligan ko ang cute mong halaman diyan sa main door mo tapos panggugulat lang ang ibinungad mo sa akin?" panunumbat ko pa.

Nagkaroon ako ng pagkakataong matitigan siya nang malapitan. Mas pumuti at kuminis ang kaniyang mukha. Paniguradong nadagdagan din ang kaniyang timbang kaya nagkalaman ang kaniyang pisngi. Mas bumagay sa kaniya ang katawan niya ngayon. Mas naging malusog na ang kaniyang mga mata.

"Hindi mo man lang ako naalala?" dagdag ko pang tanong.

Mas inilapit niya pa ang kaniyang mukha sa aking mukha. Isang dangkal na lang siguro ang espasyo sa pagitan namin.

"Bakit naman hindi kita maaalala? Sa ganda mong 'yan?"

Napaayos naman ako ng upo. "Ganiyan ba ang epekto ng Paris sa 'yo? Marunong ka ng gumanyan? Ang sabihin mo ay hindi mo talaga kami naalala."

"Naaalala kita palagi, ha? Ayaw ko lang na guluhin kayo dahil hindi iyon healthy sa pagmo-move on ko," pabiro niya pang sabi.

"Bakit? Nakapag-move on ka na agad? Ten months pa lang."

"Lang? Ang haba na ng ten months, Lavinia."

Kung sabagay. Ang iba nga diyan ay wala pang tatlong buwan ay naghahanap na ng iba. Sa nasabi ko na ay may kaniya-kaniya tayong paraan para makalimot at may kaniya-kaniya rin tayong bilis at bagal para makahanap ng bagong pagbabalingan natin ng atensiyon at pagmamahal. Nasa atin ang desisyon. Walang mali basta ba wala tayong naaapakan at nasasaktang kapwa.

"Mahaba na pala sa 'yo ang ten months? Paano pa ang ten years?" pambabara ko sa kaniya.

"Hindi na pagmo-move on 'yang sa 'yo. Kinukulong mo na ang sarili mo."

"So?" nakataas-kilay kong sabi.

"So?" usisa niya naman.

"Ganiyan ka na porke't nakapag-move on ka na? Sinisermonan mo na ako? Nanlalamang ka na?"

Natawa naman siya at bahagyang ginulo ang aking buhok katulad ng ginawa niya sa kay Trixie noon.

"Sorry. Hindi na ako bulag sa katotohanan ngayon. Na-reformat na ang utak at buong sistema ko."

"Ay, napakayabang mo na, Mr. Del Valle."
Pareho pa kaming natawa. "Alam na ba ng family mo na nandito ka na?"

"Oo naman."

"Ni Allison?" Natigilan naman siya. "Move on na pala, ha?" nang-aasar kong sabi.

"Hindi lang ako sanay na marinig ang kaniyang pangalan."

"Asus, palusot pa."

"Totoo nga. Manuod na nga lang tayo. Papatayin ko na ang ilaw, ha?" sabi niya pa sabay patay na ng ilaw.

Kinuha niya ang isa sa chips ko at binuksan. Inalok pa ako ng loko. Napairap naman ako sa kaniya. Bahagya lang umangat ang sulok ng kaniyang labi.

"Bakit?" kunwaring inosente niyang tanong.

"Wala,"  tipid kong sabi at itinutok na ang aking paningin sa laptop.

"Alam mo ba kung bakit ako umuwi?" usisa niya pa.

"Expected mo bang alam ko ang sagot sa tanong mong 'yan, Mr. Del Valle?" pamimilosopo ko naman.

Nararamdaman ko ang titig niya sa akin kaya mas pinili kong huwag ng salubungin iyon.

"Dahil nasa isip ko pa rin kung paano mo nagawang ilihim sa akin ang nalalaman mo tungkol sa kina Allison at Lucas. Bakit niya kaya itinago sa akin? Bakit hindi siya sinabi? Anong intensiyon niya? Gano'n ang mga katanungang gusto kong masagot."

Saka pa lang ako napatingin sa kaniya. Seryoso ang pagmumukha niya ngayon. Nasabi sa akin ni Rona na naikuwento niya sa lalaking ito ang tungkol doon. Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit naging malamig ang pakikitungo ko kay Allison simula nang madiskubre ko ang tungkol sa kanila ni Lucas.

Inaasahan ko nga na kokomprontahin niya ako bago siya sumakay ng eroplano pero hindi niya ginawa. Ngayon lang.

"Naiintindihan ko ang dahilan ni Allison kung bakit niloko niya ako pero ang lahat ng naging kilos at pakikitungo mo sa akin ay hindi."

"Nangyari sa 'yo ang nangyari sa akin noon kaya alam ko kung anong mararamdaman mo kapag sa akin pa nanggaling ang katotohanan. Saka ang pangit kapag hindi ikaw mismo ang naka-diskubre, Tyron."

"Really? Iyon ba talaga?" nagdududa niyang sabi.

Napasinghap naman ako. Nakakainis din talaga kapag masyadong matalino ang kausap mo, eh. Nakakatuyo ng utak.

"Fine, fine!" sabi ko sabay pause ng pinapanuod namin dahil wala naman akong maintindihan. "Binigyan ko ng chance si Allison para itigil ang panloloko niya sa 'yo. Binigyan ko siya ng hint para maintindihan niyang alam ko ang lahat ng kalokohan niya. Umasa akong sa gano'ng paraan ay matakot siya at ayusin ang pagkakamali niya bago mo pa malaman pero wala, eh. Ang bobo ng ex-girlfriend mo. Cheater, psss!"

Nagulat ako nang bigla niya na lang akong kinabig at niyakap.

"Anong ginagawa mo?" alanganin kong tanong.

"I'm just so lucky to have a genuine friend like you," aniya pa.

Friend? Yeah, right...

Whatever.

Continue lendo

Você também vai gostar

1M 32.3K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.9M 182K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
254K 1.5K 6
Mafia Series 3 Thalia Isabelle Lamnelle and Russel Jash Brickser. Watch her on how she conquered the cold and dark heart of the King of Mafia. START...
3.8K 197 57
"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from d...