Villaverde Brothers Series 2:...

By adihiraya

124K 1.4K 224

Therene Kylei De Vega is a twenty-three-year-old model who aspires to be a lawyer. After years of dreaming ab... More

VBS#2: Jilting the Fearless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Dedication (A graduation gift)
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Twenty-nine

2K 24 6
By adihiraya

It took almost a month for Jai to recover. I talked to his parents and apologized, pero tulad nang sinabi niya, gano'n din ang sinabi ng mga magulang niya. Wala raw akong kasalanan at hindi ko naman daw ginustong mangyari ‘yun sa anak nila.

Tita Meryll is naturally nice just like how Milgrace told me. Totoong sobrang bait niya at hindi mo kakikitaan ng pagka-plastic, hindi tulad ng ibang mga nanay.

Tito Cain and I had a private conversation about him and my mom. It was true that my mom tried to flirt with him pero matagal na raw iyon. I was surprised to know that they are college friends, nasira lang daw ang pagkakaibigan nila nang umamin si mommy kaso nililigawan na ni tito si tita.

‘Yong sinabi ni daddy no’ng gabing ‘yon ay para lang guluhin ang utak ni Jai. Too bad for him, my Jai is smart enough not to believe. Ako lang itong tatanga-tanga.

But I wonder, sino nga kaya ang daddy ni Reneil? I saw how dad is really hurt that time kaya siya galit na galit. Hindi naman siya magagalit nang gano’n katindi kung hindi siya nasasaktan. Yes, maraming kasalanan si daddy pero hindi rin ako bulag sa mga kasalanan ni mommy. Paano niya nagawa ‘yon?

Nawawalan na ako ng pag-asa na magpapakita pa siya. Manang Flora told me she left with a lot of baggage. No’ng tinanong niya kung saan siya pupunta, hindi siya sinagot ni mommy. Reneil tried to stop her from leaving, too. Pero hindi rin siya napigilan ng kapatid ko.

She left Reneil. Gano’n lang ba talaga kadali para sa kaniyang iwan ang anak niya?

Naaawa ako sa kapatid ko pero para sa kaniya, nananatili akong matatag kasi kung makikita niyang pinanghihinaan na rin ako ng loob, paano na lang siya? Ayaw kong sukuan ang kapatid ko. Hinding-hindi ko gagawin sa kaniya ‘yong bagay na ginawa ng mga magulang niya.

I'll embrace and keep him away from the things that might hurt him. In this chaotic world, I'll be right in front of him to protect and stand for him.

I'm already using my savings account. Iniipon ko lang ang mga binibigay ni daddy na pera sa akin no’n kasi nagkakaroon ako ng sariling pera dahil sa modeling. Ngayon wala akong ibang pinagkukunan kundi ang naipon kong pera. Mataas ang pride ko pero ayaw ko man sanang gamitin ang perang ibinigay ni daddy no’n, ano nga bang ipinagmamalaki ko ngayon?

Kung magmamatigas ako at hindi ko ‘yon gagamitin, paano na lang kaming dalawa ni Reneil?

“Sumama ka na sa ‘kin, Kylei! Para ka namang tanga!” pamimiliti ni Milgrace sa gilid ko.

Napasapo na lang ako sa noo. Anlaki-laki na ng tyan niya at paniguradong malikot na si Michailah sa loob, pero wala na yatang mas kukulit pa kay Mil. Kahapon niya pa ako kinukulit na sumama sa kaniya sa isang bagong bukas na shop pero hindi ako maka-oo dahil abala ako sa pag-iisip ng p’wedeng business na hindi gaanong maglalabas ng malaking pera pero magkaka-profit.

Kailangan kong sumuntok sa buwan. Kung wala akong gagawin, baka malugmok kami ng kapatid ko.

“Ano ba kasing shop ‘yan at bakit atat na atat kang pumunta?” tanong ko.

Ngumuso siya. “Hindi mo ba talaga mapagbibigyan ang buntis?”

“Ayan ka na naman sa buntis card mo! Kailan ka ba manganganak?”

Tinawanan niya ako saka nag-isip. “Siguro kapag umuwi na si Raya. Hindi ako p’wedeng manganak nang wala siya.”

Nakaramdam naman ako bigla ng lungkot at pagka-miss sa kaibigan. Isa rin ‘yong maraming pinagdadaanan. Kailangan niya rin ngayon ng makakasama pero naroon siya ngayon sa Korea at mag-isa, balak nang mag-audition bilang isang kpop idol.

Natawa naman ako bigla sa naisip dahilan para mapatingin sa akin si Mil. I can't imagine Raya doing that. Siguro kung malaman niya lang pinag-iisip ko ngayon, she’s already throwing dagger looks at me.

“Let's call her nga. Nami-miss ko na ang gaga!” aniya.

Tumango lang ako saka ipinagpatuloy ang ginagawang research. Iniisip ko mag-food business na patok ngayon lalo sa kabataan. Samgyupsal sana or unli wings kaso ang dami nang naglakat na ganoon dito around Manila.

“What?” ang bungad ni Raya nang sagutin ang tawag.

Natawa ako nang mahina. Naggagala yata siya at mukhang naistorbo namin.

“Ano? Nakita mo na ba si Taehyung diyan?” tanong ko.

“I actually saw BTS yesterday performing Butter across the road,” she said casually.

Nagkatinginan kami ni Mil at nagulat. “Totoo ba? Eh bakit mukhang hindi ka naman tuwang-tuwa diyan?” tanong ni Mil.

She looked at the screen and flipped her camera to show us where she is. Ang daming nagkalat na tao. “What do you want me to do? Shout out of joy in front of them? Ayaw ko namang mapagkamalang baliw rito sa Korea.”

We laughed. Kung sabagay ay may punto siya. Medyo nakakahiya nga naman kung ipapakita niya pa sa amin kung gaano siya kasaya gayong mag-isa lang siya roon.

“Kumusta ka naman diyan? Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko.

Ibinalik niya ang cam sa kaniya, sa itsura niya parang nag-iisip pa siya ng sagot pero umiling din siya kalaunan.

“I'm not ready yet . . .” She sighed. “Iniisip ko pa kung anong gagawin ko.”

“Umuwi ka na! Hindi ko ilalabas si Michailah hangga't wala ka,” biro ni Mil.

“Edi huwag mong ilabas! Palakihin mo hanggang 10 years old sa loob ng tiyan mo,” sagot naman niya.

Sa sagot niya, parang wala na siyang balak umuwi kaya nagkatinginan kami ni Mil. We understand that she's hurt, pero para hindi na siya bumalik dito sa Pilipinas, siguro nga may mas malalim pang dahilan. Alam naming nasasaktan siya pero hindi namin alam kung gaano kalalim.

Nag-usap pa kami saglit at iniwasan na namin siyang kulitin. Nang namatay ang tawag, sabay pa kaming napabuntonghininga ni Mil.

Akala ko tapos na siya sa pangungulit sa akin pero nag-umpisa na naman siya. Sa huli ay wala na akong nagawa kundi pumayag. Nagtatalon naman ang gaga sa tuwa kaya natakot ako para kay baby girl sa loob.

“Siraulo ka!” sigaw ko sa kaniya. “Isumbong kaya kita kay Cairus!”

“Ay wala akong pakialam kung magalit siya! Intindihin niya galit ko!” pangangatiwaran niya pa. “Basta bukas ha? Mga 10:00 am ‘yon. Grand opening eh. May ribbon cutting.”

“Ako ba gugupit ng ribbon at kailangan kasama mo pa ako?” tanong ko.

“Oo, sis. Ikaw gugupit kasi ni-request ko ‘yon. Pumayag naman, ‘di kasi makatanggi ‘yong may-ari kasi buntis ako at ‘yon kako ang gusto ko.” Tumawa pa siya.

Napangiwi ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pinagsasasabi niya o ano kaya sumakay na lang din ako. Minsan talaga ang hirap intindihin ng mga buntis. Kung sabagay, kahit naman no’ng hindi pa siya buntis, talagang magulo na siya.

No’ng hapon sinundo na rin siya ni Cairus. Natahimik din ang mundo ko. Manang Flora asked me what to cook for dinner. Ang sabi ko kahit ano na lang, pero ayos na ang isang putahe. Kailangan naming magtipid at apat na lang din naman kaming kakain. Silang dalawa na mga kasama namin dito sa bahay at kaming dalawa ni Reneil.

Nakakalungkot pero siguro kailangan na naming masanay.

“Ate?” my brother called my attention while we were eating.

Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Hmm?”

Nakita kong parang nahihiya pa siyang magsalita pero naghintay ako. Napakamot siya sa kilay kaya naman bigla akong napangiti nang maalala kung sino pa ang isang lalaki na madalas ding gawin iyon sa tuwing nahihiya. Mukhang nakukuha ni Reneil ang mannerisms ni Jai. Nagiging close na rin kasi talaga ang dalawa.

“Malapit na graduation ko,” aniya. “Merong fee pero I'm not asking for money. M-may naipon naman ako, ako na lang ang magbabayad.”

I shook my head at him and smiled. “Itabi mo ‘yang ipon mo. Ako na ang magbabayad, okay?”

“Hindi naman tungkol sa pera ang gusto kong sabihin . . .” bahagya siyang tumigil. “Gusto ko sanang ikaw ‘yong umakyat sa graduation ko. I'm not saying this because I was left with no choice. Magmula naman no’n, ikaw na gusto kong umakyat kasama ko, and I also want to tell you that I am our batch valedictorian.”

Natigil sa ere ang pagkaing sana ay isusubo ko. Tinitigan ko ang kapatid. Pinipigil ko ang luhang nagbabadya. Tumayo ako para yakapin siya. “I'm proud of you, Reneil.” Ginulo ko ang kaniyang buhok.

I'm touched by his words. Hindi ko alam ang bagay na ‘yon. Ayaw ko na ring tanungin kung bakit, basta pagbibigyan ko ang kapatid ko sa gusto.

Nabuo niya ang araw ko. Parang nawala ang stress at pagod na ilang linggo ko nang nararamdaman.

Kinabukasan, binaha na naman ako ng paalala ni Milgrace pero ang sabi niya hindi niya raw ako masusundo kaya si Jai ang pupunta para sunduin ako dahil invited din naman daw siya sa grand opening.

Of course wala na naman akong choice kasi ginamit niya na naman ang buntis card niya at seryoso raw siya sa sinabi niyang ako ang magpuputol ng ribbon.

Kahit kailan talaga ay baliw!

I feel wearing pink today kaya nagsuot ako ng one-shoulder body hugging dress na ruffled ang right sleeve. Pink na ankle strap heels din ang sinuot ko para matchy.

“Hello, fab . . .” Jai kissed my cheek when he saw me.

I smiled. “Saan ba tayo pupunta?”

“Diyan lang naman sa malapit.” Muli niyang sinuri ang ayos ko. “Stunning as always!”

Umirap ako sa kaniya. Well, we’re okay. I apologized and he apologized, too. Wala na rin namang dapat na itago dahil parehas naman kami ng nararamdaman. Kung label ang pag-uusapan, ‘yon ang hindi ko pa kayang ibigay ngayon sa dami ng nangyayari sa akin.

Gusto ko munang mag-focus sa kapatid ko at sa balak na bumalik sa pag-aaral.

Hindi siya ang nagda-drive dahil sabi nila tita at huwag muna at baka mapwersa ang braso niya. Sumang-ayon naman ako kasi tama naman ang sinabi ni tita.

“Thank you!”

“How are you feeling today?” he asked.

“Great! Gumising akong nakangiti,” sagot ko naman.

“Napanaginipan mo siguro ako?” Tumawa siya.

I immediately rolled my eyes at him. “Kung ikaw napanaginipan ko, gigising akong badtrip. Bangungot ‘yang mukha mo eh!”

He pouted. “Grabe ka sa ‘kin! Puring-puri kita tapos ako lait na lait sa ‘yo!”

Natawa ako sa sinabi niya. If only he can read my mind, baka kinikilig na siya. I'm out of words to describe how good looking he is. Masasabi ko na lang na ang swerto ko. Kahit nga noong namamaga ang mukha niya, guwapo pa rin siya para sa akin.

Ikinwento ko sa kaniya ang sinabi sa akin ni Reneil kagabi. While talking, he’s fully attentive to me. ‘Di rin mabura ang ngiti sa labi niya. Nasa kaniya lang ang tingin ko buong biyahe.

After a couple of minutes talking, the car stopped.

“We’re here!” He glanced outside but before I could look where he’s looking, he covered my eyes.

“Where are we?” I asked. “And why are you covering my eyes?”

He gently guided me. Nang makababa mula sa kotse ay may isa pang kamay na umalalay sa akin. Dahan-dahan kaming naglakad, sementado ang daan. Tanong pa rin ako nang tanong pero ayaw niya akong sagutin at tumatawa lang siya sa gilid ko.

“Ready?” tanong niya.

“Don't tell me binebenta mo na ako?” maktol ko kunwari.

“Of course not. Why would I do that?” He let out a soft sigh. “Ready?”

Tumango ako. Unti-unti ay inalis niya ang pagkakatakip sa mga mata ko. Nag-a-adjust pa ang paningin ko hanggang sa tuluyang makita kung nasaan kami.

Natulala ako. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Napatingin ako sa kaniya, tapos sa kapatid ko na siyang tumulong umalalay sa akin kanina.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Natakpan ko ang sarili kong bibig dahil hindi ako makapaniwala.

“Jai . . .” I uttered his name and looked at him. “Bakit mo ‘to tinuloy?”

He smiled and pulled me for a hug. “I'm not going to waste the effort you had exerted while planning this, my love.”

“You used your money!” Nahampas ko pa ang dibdib niya.

“And so? I'll give everything for you, my love. Kahit pa maubos ako . . .” Pinatakan niya ng isang halik ang noo ko.

Muli akong napatingin sa harap. Nandoon si Mil at ang pamilya niya, nakatayo sa harap ng negosyo na matagal naming pinagplanuhan.

“Ang eme ng ‘Hello, Glow!’ mo ha!” biro ni Mil sa akin. “‘Di ba sabi ko sa ‘yo ikaw magri-ribbon cut? Ano pang hinihintay mo diyan? Naiinip na si buntis!”

Natawa ako pero umiiyak pa rin. Nilingon ko ulit si Jai. Nakangiti niyang pinunasan ang mga luha ko. “HG by Attorney De Vega . . .” he whispered.

I hugged him again. “Thank you, Jai. I owe you a lot.”

“Sapat ka na para sa ‘kin . . .”

Niyakap ko lang siya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang gawin para sa akin ito. Kung hindi ko lang ulit narinig si Mil na nagrereklamo na nagugutom na raw, hindi pa ako kakalas sa yakap.

They held a mass for the blessing and after that, they asked me to give a message. S’yempre pinasalamatan ko silang lahat, lalong-lalo na si Jai na siyang tanging dahilan kung bakit natuloy ang business na sinukuan ko na noon pang umalis ako.

“I feel like I don't deserve this, Jai . . .” sabi ko sa gilid niya habang ang lahat ay abala sa pagkain.

Umiling siya pagkatapos ay ngumiti nang matamis sa akin. “You deserve all the good things in this world, Ky.”

“Utang ko ‘to sa ‘yo . . .”

“Gusto mo ba talaga akong bayaran?” tanong niya.

Tumango ako.

“Pakasalan mo ako . . .” seryoso niyang sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

60.2K 990 42
multifandom x fem!reader (requests are OPEN) a series of multifandom imagines that I wrote when I was bored also most of these are old, so please ign...
490K 7.1K 88
Anong gagawin mo sa isang arrogante, walang paki alam, bwisit, sellfish, tamad, mayabang, at nakakainis na boyfriend? Tumagal ka kaya? Ito ay istorya...
1.6M 93.8K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3M 249K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...