Maghihintay (On-Going)

By Aimeesshh25

766 39 0

Handa ka bang maghintay para sa isang taong wala namang kasiguraduhan? Hindi mo siya kilala. Hindi mo alam ku... More

Maghihintay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24

Kabanata 23

6 1 0
By Aimeesshh25

Kabanata 23

Tatawa-tawang bumungad sa akin si Gray, Biyernes ng umaga.

"Gago amputa!" Sinapak niya ang braso ko nang nginisian ko siya. "Siraulo ka! Mauutas na si Tita katatawag sa akin eh! Ni hindi ka man lang nagpasabi na namanhikan ka mag-isa!"

Lalo akong ngumisi at natatawang sinapak siya na inilagan niya naman.

"Punta ka bukas sa bahay, birthday ni Mama." Sambit ko na lang at pinatong pa muna ang mga braso sa pasimano.

Tuloy ay kitang-kita ko ang mga estudyante na naglalakad sa ibaba. Pinagmasdan ko sila at huminga ng malalim.

"Ayos ka lang, Jett?" Tinapik ni Gray ang braso ko at gumaya na rin sa puwesto ko. "Anong nangyari kahapon?"

I bit my lower lip to hide a smile.

Muli kong naalala ang hindi ko pinag-isipang pagyakap ko sa kaniya.

Umihip ang malamig na hangin kaya mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap kay Navi. Hinintay kong magreklamo siya at sapakin ako pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi naman nangyari.

Ngumuso ako at inabot ang likod ng ulo niya para haplusin iyon.

Bago ang lahat sa akin. Ang lahat-lahat ng ito kahit na maloko ako sa mga babae, kahit na higit sa yakap ang nagagawa namin noon. Pero bakit kay Navi ay bagong-bago palagi ang pakiramdam na ganito?

"Kalmado ka na ba?" Biglang imik niya sa tainga ko. Nanatili ang dalawa niyang kamay sa parehong gilid niya. "Umiiyak ka na naman."

Eh?

Gulat ko siyang inihiwalay sa akin at mabilis na tumalikod. Hinawakan ko agad ang mukha at nakumpirma kong tama si Navi.

Gagi, umiiyak nga ako!

"Jett, anong problema?" Navi asked gently.

Inayos ko ang sarili at pinunasan lahat ng luha sa mukha. Ano bang nangyayari sa akin! Basta-basta na lang umiiyak, ampota!

Lumingon ako kay Navi na ngayon ay mukhang nag-aalala nga talaga sa isang katulad ko. May hatid na naman na ginhawa ang emosyong pinapakita niya sa akin ngayon.

"May problema ka ba sa inyo..kaya biglaan kang umalis sa school kanina?" Maingat niyang tanong na parang ayaw pang sabihin.

Tinitigan ko siya at nangingiting umiling. "Wala, Nav. Naiyak lang yata ako sa sarap ng luto ni Inay."

Ngumiwi siya sa akin at lumapit. "Nabasted ka ba?"

"Luh, hindi ah!" Agaran kong tanggi. "Bakit puro basted ang nasa isip mo?"

Humalakhak ito at inakbayan ako. Tuloy ay kusa akong nagpaliit para maabot niya kasi hindi naman kami magkasingtangkad. Mas maliit siya sa akin at ang lakas ng loob umakbay.

"Wala lang, mukhang emosyonal ka nung nilingon ko e." Nilingon niya ako. "May problema ka ba? Niyakap mo pa ako."

Nag-init ang buong mukha ko kaya akma akong hihiwalay sa kaniya nang higpitan niya ang pagkaka-akbay sa akin.

"Bawal umalis. Sagutin mo ang tanong ko. Bakit mo ako niyakap?" Maangas na tanong niya na parang magkumpare kaming dalawa.

"A-Ano.." napalunok ako. Nahihirapan akong maglakad dahil nakaakbay pa rin siya sa akin. "Ikaw ang kaharap ko eh..kaya, i-ikaw ang nayakap ko."

"Sus!" Humalakhak ito at ginulo ang buhok ko. "Kahit kailan ka talaga."

Napangiti na lang din ako at hinayaan siyang akbayan ako.

Makulit si Navi. Sobrang kulit dahil kahit nakarating na kami sa may kanto at hinihintay ko na lang si Papa ay hindi pa rin siya umuwi. Nakakapagtaka nga dahil kahit ang layo nang nilakad namin, makarating lamang sa may kanto ay hindi ako nakaramdam ng pagod. Ngayon alam ko na kung bakit mas gusto nga talaga nilang dumaan na lamang sa may tulay, mas malapit kasi talaga iyon kaysa rito sa pangalawang daan.

Maayos lang ang daan na ito kapag may sasakyan ka. Friendly siya sa mga may sasakyan.

Mangiyak-ngiyak na ako kapipilit kay Navi na umuwi na pero tinataasan lang niya ako ng mga magaganda niyang kilay.

"Navi naman eh, umuwi ka na kasi." Pang 76 ko na yatang pilit 'to sa kaniya. "Hihintayin ko na lang si Papa, malapit na 'yon."

"Kapag nakapasok ka na sa kotse, saka ako uuwi." Matigas na sinabi niya kaya napanguso ako dahil wala naman akong magagawa.

Si Navi 'yan eh, walang dapat bumali sa mga desisyon niya.

"Sorry pala sa inasal ko kanina." Aniya sa gitna ng katahimikan.

I glanced at her. "Ba't ka nags-sorry?"

"Sa marahas kong pagtanggi sa'yo kanina." Biglaan niya akong nilingon kaya halos mahigit ko pa ang hininga. "Sorry, Jett. Nagtext ako sa'yo pero hindi ka naman nagreply."

"Ah! Iyon ba? Busy ako sa pag-inom ng kapeng barako eh," ani ko kahit ang balak ko naman talaga ay replyan siya after 10 minutes. "Don't worry about it, Navi. Wala na 'yon sa akin." Umiwas ako ng tingin.

Kahit bigla kang nanlamig..ayos lang basta ikaw.

"A-Ah..ano palang pinag-usapan niyo ni Lei?" I bit my tongue to refrain myself for asking more.

Nakakainis, ugali ko na nga yata ang hindi pag-isipan ang lumalabas sa bibig ko.

"Niyaya niya lang ako sa kanila. Gusto raw ako makilala ng Mama niya eh."

Umirap ako. Dumidiskarte na talaga si Lei ah?

"Pupunta ka ba sa sabado?" I looked at her.

"Hmm?"

Mukhang nalimutan niya ang tungkol sa pag-aaya ko sa kaniya sa birthday ni Mama.

"Birthday ni Mama sa sabado diba?"

"Ah! Oo nga pala." Tumingin siya sa akin. "Pupunta ako. Anong oras nga pala?"

"Pahapon naman 'yon kaya puwede ka pang magtrabaho sa umaga."

She nodded at me. "Nandyan na yata ang Papa mo."

Sabay kaming napalingon nang tumigil ang black SUV ni Papa sa harapan namin. Nakasilong kasi kami sa may dilaw na waiting shed na tila niluma na ng panahon.

Bumaba roon si Papa na biglang ngumiti nang makita ang katabi kong babae.

"Nasaan si Gray?" Nakangising tanong ni Papa sa akin. Ngumuso ako. "Hindi niyo kasama?"

"A-Ah, nauna na papa." Lumapit ako sa kaniya.

Inabot niya sa akin ang bag ko at tumingin sa aming dalawa.

"Una na po ako, Mr. Vasquez." Biglang salita ni Navi kay Papa. "Hinatid ko lang po si Jett."

Namilog ang mga mata ni Papa kaya umiwas ako ng tingin.

"Hinatid mo itong binata ko?" Papa chuckled. "Ikaw ba si Navalia?"

Kitang-kita ko ang pagkakagulat ni Navi at napatingin sa akin. Kumibot-kibot ang labi ko at hinawakan si Papa sa may braso.

Kakahiya! Ano ba 'yan! Dapat pa ba talagang itanong niya iyon?

"Ah..ako nga ho, Mr. Vasquez." Tila hindi man lang kinakabahan si Navi.

"Ipasok mo muna ito sa loob, Jett." Ani Papa sa akin at inabot ang bag ko.

Ngumuso ako at mabilis na tumungo sa sasakyan. Binuksan ko iyon at basta na lamang tinapon ang bag sa loob. Baka kung ano pang sabihin ni Papa kay Navi!

"Punta ka sa sabado sa amin ah? Ipapasundo kita rito kay Jett. Magsama ka rin kung gusto mo," dinig kong sinabi ni Papa sa babae.

Mabilis na tumango si Navi. "Salamat ho, balak ko ho talagang pumunta."

Tumabi ako kay Papa at tiningnan silang dalawa.

"Sumakay ka muna sa loob, ihahatid ka namin papasok." Malumanay na sinabi ni Papa kaya napangiti ako.

Balak ko talagang ibulong iyon kay Papa mamaya pero buti na lang, nagkusa na ito.

"A-Ah hindi na po, Mr. Vasquez–"

"Navi, pumayag ka na." Nakangusong sinabi ko na ikinatawa ni Papa.

"Pumayag ka na, hija. Hindi rin matatahimik itong si Jett."

Napakurap-kurap si Navi at alam kong may gusto siyang itanong sa akin pero hindi na lang nagsalita. Pumayag ito kaya walang humpay ang ngiti ko. Sa unahan pinaupo ni Papa si Navi at sa likuran naman ako.

Kahit na medyo nadismaya kasi akala ko makakatabi siya, nakangiti ko naman siyang pinagmasdan mula sa salamin.

Walang imik sa loob ng sasakyan hanggang sa marating namin ang likod ng bahay nila Calliah. Tumigil ang sasakyan dahil lupa na ulit ang kasunod noon. Nagpaalam si Navi kay Papa ganoon na rin sa akin ngunit bumaba pa ako.

"Salamat, Jett. Pasok ka na." Navi smiled at me.

"Hmm. Itext mo ako kapag nakauwi ka na ah?" Ginulo ko ang buhok niya at bahagya pang pinisil ang pisngi niya. "Goodnight, Navalia." I smiled at her.

Natigilan si Navi sa akin. Ilang sandali siyang ganoon hanggang sa bumuntong hininga saka mabilis na tumalikod sa akin.

Gulat ko siyang sinundan ng tingin. Mabilis ang mga hakbang niya at parang wala talagang balak na lumingon!

Anong nangyari?

Ngumuso ako nang muli iyong nanumbalik sa isip ko. Tatawa-tawa si Gray sa akin dahil kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari pamula roon sa may hinahanap ako hanggang sa nakita ko si Buboy at pinapunta ako sa bahay nila. Saka iyong gulat namin sa isa't-isa ni Navi nang makita niya ako sa kanila hanggang sa nangyari kagabi.

"Grabe. Mala teleserye pala ang nangyari sa'yo kahapon ah?" Ngumisi ito sa akin.

Hindi ko na kinuwento sa kaniya ang dahilan bakit ako pumunta sa Ibabang tubig pero mukhang nagets niya na naman iyon kasi nabanggit kong nag-usap sina Lei at Navi kahapon.

"Alam mo ba bakit tinalikuran ka ni Navi?" Biglang bulong niya sa akin.

Buti na lang talaga kami pa lang ang tao rito sa room. Wala pa sina Calliah at Navi, saka iyong iba naming mga kaklase.

"B-Bakit?"

"Nakakahalata na 'yon sa'yo." Ngumiwi siya sa akin. "Mukha ka pa namang patay na patay kapag kaharap siya e."

"Tsk. Hindi 'yan totoo."

"Ampota! Tumatanggi pa talaga!" Inis niya akong sinapak. "Siraulo ka ba, Jett? Kung nakikita mo lang ang mukha mo, mandidiri ka talaga, hays! Ewan ko sa'yo."

"Ayos lang naman ang reaksyon ko ah!"

"Baliw ka! Pinisil mo ba naman ang pisngi eh, tapos sabi mo niyakap mo pa siya! Sinong hindi magtataka roon?!"

"Sshh!" Iritado kong tinakpan ang bibig niya nang magtinginan sa amin ang mga dumadaan sa hallway. "Sige! Isigaw mo pa!"

"Sorry!" Inalis niya ang kamay ko. "Gago basa!"

"Sorry, pasmado eh." Pinahid ko ang kamay sa uniform.

"Tsk tsk. Mag-ingat ka, kung ayaw mo pang umamin ay wag ka naman masyadong magpakahalata kay Navi."

Ngumuso ako at tiningnan ang hallway. "Paano kung gusto ko nang umamin?"

"Lulululu! Gusto mo na? Liligawan mo?" Humalakhak ito. "Ang tanong, gusto ka ba niya?"

Iritado ko siyang hinampas at pumasok na sa loob ng classroom. Buwisit talagang kausap itong si Gray.

Hindi rin nagtagal ay nagsunod-sunod na ang pagpasok ng mga kaklase ko sa room hanggang sa sunod na pumasok ay si Navi katabi na naman si Lei!

Napatayo ako at ngumuso. Tiningnan ako ni Gray na katabi si Calliah.

"Nabaliw na naman." Bulong nito na dinig ko. "Umupo ka nga. Kaya ka nahahalata eh."

Bumuntong hininga ako at umupo. Napatingin sa akin si Navi at nginitian ako kaya naman nawala ang himagsikan na naramdaman ko.

Panay ang lingon ko kay Navi habang nagkaklase si Miss Gomez sa amin. Isang beses lang kasi siyang nagtext sa akin kagabi. Tapos nagreply ako at hindi na iyon nasundan pa.

Mabilis ang mga sumunod na oras. Hindi ko namalayang, tapos na pala ang buong maghapong klase.

"Anong oras bukas, Jett?" Si Gray na nag-aayos na ng mga gamit.

Napatingin sa akin si Calliah. "Anong meron?"

"Pupunta tayo bukas kina Jett, birthday ng Mama niya," si Gray.

"Pahapon pa raw eh, magluluto pa kasi si Mama. Hindi ko lang alam kung anong oras. Text ko kayo mamaya."

Lumingon ako kay Navi na diretsong lumabas ng room kaya taranta kong inayos ang mga gamit at basta na lang pinasok ang mga iyon sa bag.

"Sige ah? Gusto mo bang maaga ako pumunta para makatulong?" Si Gray na nagtataka sa ginagawa ako.

"Oh? Sige!" Sinukbit ko na ang bag at diretsong naglakad palabas. "Text kita mamaya ah? Ingat kayo ni Calliah pauwi!"

"Ha? Uuna ka na? Pasaan ka, Jett!"

Hindi ko na iyon pinansin at tumakbo na agad nang makitang nakababa na ng hagdan si Navi. Shit, ang bilis naman maglakad non!

"Excuse me! Sorry, sorry!" Sigaw ko nang makasagi pa ng babae.

Nakita ko si Navi sa kalagitnaan ng hagdan na parang may hinahabol sa bilis ng mga biyas humakbang!

"Nav! Wait!" Sumigaw na ako kahit nakakahiya.

Mabilis itong napatigil at lumingon sa akin. I smiled as soon as our eyes met.

"Oh? Jett?" Tumagilid ang ulo niya sa akin at inayos ang bag.

Hinihingal akong tumigil sa harapan niya. Inayos ko pa ang buhok at nginiwian ang babae.

"May kailangan ka ba? Hinabol mo ba ako?" Tiningnan niya pa ang dinaanan ko.

Obvious naman na hinabol ko siya, tinanong pa talaga.

"Oo, ang bilis mo maglakad. Saan ka ba pupunta?" Wala sa sarili kong inayos ang ribbon ng uniform niya na umikot na sa kabila.

Hindi niya naman iyon pinansin at hinayaan lang ako.

"Papasok akong trabaho, nagmamadali ako eh. Maaga kasi akong nag out kahapon."

"Ahh, kaya pala ang aga mo ngang umuwi."

"Hmm, balak ko kasing puntahan ka sa inyo–"

"Ha?!" Tila nabingi ako sa sinabi niya.

Nangunot ang noo nito at umirap sa akin saka nagpatuloy sa paglalakad. Syempre, na mabilis ko ring hinabol. Tumabi ako sa kaniya sa daan, walang pakialam sa mga nakatingin sa amin ngayon.

"B-Bakit pupunta ka sa amin?"

"Hmm, bakit nga ba?"

Ngumuso ako. Abnoy siya pero sige..maganda.

"B-Bakit?"

"Eh kasi hihingi ako ng tawad," she looked at me. "Baka naoffend kita sa ginawa ko."

Mabilis akong umiling. Kahit na medyo nalungkot nga ako kahapon at siya ang dahilan bakit naisip kong umabsent na lang pero syempre hindi ko naman iyon pwedeng aminin sa kaniya at baka ma weirdan siya sa isang guwapong tulad ko.

Hehe ang dami kong sinabi.

"Wala na 'yon sa akin. Alam ko naman na pasmado ang bibig mo," tumawa ako kaya tumaas ang kilay niya sa akin.

"Tsk, anong pasmado?"

"Wala!" Humalakhak ulit ako at pinauna na siyang makalabas ng gate. "Sunduin kita bukas ah?"

"Okay," tipid na sagot niya at humarap sa akin. "Aalis na ako. Mag-aabang ako ng jeep doon sa may gilid."

"Saan doon?" Sinilip ko ang tinuro niya. "Samahan na kit–"

"Ako na lang. Uwi ka na." Tumalikod na agad ito pero syempre makulit ako.

Sumabay ako sa paglalakad sa kaniya. Dinig ko ang malalim na buntong hininga ni Navi na parang sinadya niya pang iparinig sa akin.

I pouted. "Ayaw mo ba sa presensya ko?"

Hindi ito nagsalita kaya lalo akong nag-isip na baka ayaw nga niya.

Ako lang kasi itong makulit. Nalungkot ako sa isiping iyon.

"Nakanguso ka na naman."

I glanced at her and she was glaring at me.

"Hindi sa ayaw ko sa'yo, Jett." She looked around. "Napapansin mo ba na nagtataka ang mga fans club mo dahil sa kalalapit mo sa akin? May nakakita pa sa atin na papasok ng kotse mo."

"Oh ano naman? Wala akong pake sa kanila!"

"Yes, wala kang pake. Pero ako, meron." Natawa siya nang mas lalo akong ngumuso.  "Sige na, bumalik na roon at sasakay na ako rito."

"Ha? Akala ko ba..doon ka pa sasakay?"

"Dito na." Humarap siya sa daan at mukhang nag-aabang na nga ng sasakyan. "Balik na roon."

"Hihintayin kitang makasakay–"

Bigla niya akong nilingon at tinarayan. "Hindi ka babalik?"

"N-Navi naman eh, hihintayin nga kita."

Inis niyang ginulo ang buhok. "Ang kulit mo, Jett ah! Hindi na ako pupunta bukas!"

"Luh. Anong masama sa paghihintay kong makasakay ka?" Umiwas ako ng tingin nang makita ang nakakamatay niyang irap sa akin. "Navi, ayoko."

"Pucha naman."

Namilog ang mga mata ko. "D-Did you just curse at me?"

"Yung bato ang minura ko, hindi ikaw."

May jeep na tumigil sa harapan namin kaya inis na lumapit doon si Navi at walang lingon na sumakay roon. Napangisi pa ako nang sadyain niyang tumalikod sa may dulo ng jeep.

Hahays Navi, you're making me like you more.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...