Maghihintay (On-Going)

By Aimeesshh25

766 39 0

Handa ka bang maghintay para sa isang taong wala namang kasiguraduhan? Hindi mo siya kilala. Hindi mo alam ku... More

Maghihintay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24

Kabanata 21

5 1 0
By Aimeesshh25

Kabanata 21

Napanguso ako at tiningnan pa ang texts niya. Rereplyan ko ba siya?

Hihintayin ko na lang pala makaabot ng sampung minuto, saka ko siya rereplyan. Baka isipin niya naman na sobrang patay na patay ako sa kaniya. Hmp. Hindi ganoon.

Napangisi ako at tumango-tango sa utak ko. Itinago ko ang cellphone sa bulsa at napatingin sa may bahay nila nang walang ingat na nagtatakbo si Buboy palabas.

Siraulo talaga ang batang 'to. May hawak pa naman siyang thermos.

"Dahan-dahan, Buboy!" Sigaw ni Inay na nakasunod pala sa makulit na bata.

Natawa ako nang ipatong ni Noen ang thermos sa lamesa at tumingin sa akin.

"Nagtimpla pala ng panibago si Inay." Ngumiti ito sa akin.

"Pasensya na hijo, nagluto pa ako ng banana cue. Kumakain ka ba nito?" Ipinakita niya sa akin ang saging na nakalagay sa plato na punong-puno ng natunaw na asukal.

Natakam ako dahil hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Tumango ako agad at tinulungan siya sa mga tasa niyang hawak.

"Opo naman. Kumakain pa ako niyan."

"Mabuti naman kung ganoon." Malumanay itong ngumiti sa akin at umupo sa kawayang upuan sa harapan ko.

Kinuha ni Inay ang kulay puting tasa at binuksan ang thermos. Sumalakay agad sa ilong ko ang natural na amoy ng kapeng barako. Naglagay siya sa tatlong tasa. Inabot niya sa akin ang isa at inabutan din ang bata. Nagkakape rin pala si Buboy.

Tahimik kaming kumain, pinanood ko si Noen na nagkukuwento sa kaniyang Inay. Napangiti ako nang pahirin ng matanda ang amus sa may mukha ng bata.

"Apo niyo po ba si Buboy?" Tanong ko kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Oo, hijo. Ako na lang ang nag-alaaga sa kanila." Ngumiti ito sa akin. "Taga saan ka nga pala hijo? At ano ang ginagawa mo roon sa kagubatan?"

Napakamot ako sa noo at tiningnan si Noen na parang nagtataka rin.

"Taga labasan po ako, sa may poblacion po." Tumango ang matanda sa akin. "Ah may hinahanap lang po akong bahay, natuwa po ako sa mga puno ng niyog kaya kinuhanan ko po ng litrato, sakto naman pong nakita ko itong si Buboy."

Biglang tumawa ang bata. "Oo inay! Mukha pa nga siyang nakakita ng multo eh!"

Napangiwi ako. Paano ba naman ako hindi matatakot, bigla-bigla ba namang sumali sa camera ko. Photo bomber 'yan?

"Buti at hindi ka natakot sa may tulay?"

Napalingon ako kay Inay nang muli niyang dagdagan ang kape ko. Nahihiya naman akong tumanggi kaya tinanggap ko.

"Hindi ka ba natakot na tumawid sa may tulay?"

"Ah hindi naman po, nakapunta na rin po kasi ako roon sa bahay lagpas sa tulay."

"Ahh, iyong mga Gonzalo ba? Kaibigan mo ba ang mga anak noon?"

Tumango ako nang mabanggit niya ang apilyedo nila Calliah.

"Opo, kaibigan ko ang anak nila Inay."

Tumango ito sa akin. "Basta kapag malakas ang ulan, huwag mo nang tangkain na tumawid roon ah?"

"Bakit po?" Humigop ako sa kape at napapikit sa tindi ng pait noon. Masarap ang kapeng barako pero may after taste.

"Maraming sabi-sabi kasi na may mga nahulog doon sa tulay na hanggang ngayon eh nagpaparamdam pa rin. Noon daw ay ginawa iyang tapunan ng mga bangkay."

Nanginig ako sa takot. Sakto pang humangin ng malakas na dinig na dinig dahil nasa gitna ng mga puno ang bahay nila.

"Inay, huwag mo nang ikuwento kay kuya Jett. Baka matakot iyan mamaya."

Natawa ako pero ramdam ko ang panginginig ng mga labi ko. Pakshet na 'yan! Basta usapang multo ay naatras talaga ako.

"Natakot ba kita hijo?" Tumawa si inay sa akin. "Kuwentong bayan lang naman 'yan, wala namang nakapagpatunay."

"Huwag ka matakot kuya Jett. Ihahatid kita mamaya."

Nilingon ko si Buboy na ngumiti sa akin. Napangiti na rin ako at inabot ang buhok niya saka ginulo.

"Anong tingin mo sa akin? Duwag?"

"Oo, kuya." Aniya kaya nasamid ako. Tumawa si Inay kaya natawa na rin ako.

Mahabang kuwentuhan pa ang ginawa namin habang umiinom ng kape at kumakain ng banana cue. Nang matapos ay nagprisinta akong tumulong sa paghuhugas ng mga ginamit namin.

Namangha ako nang makapasok sa loob ng bahay nila. Hinubad ko pa ang sapatos kahit na pinagalitan ako ni Inay at sinabing ipasok ko na pero hindi ko naman ginawa. Binigyan niya na lang ako ng kulay pink na pangloob na tsinelas.

May linolium na kulay green ang buong sahig dahil sabi ni Inay ay lupa na raw kasi ang sahig niyon, hindi raw iyon nakasemento kaya nilagyan na lang nila ng linolium. May sofa sila na kawayan set at ang ganda sa mga mata ng mga design noon. Ang anak niya raw na lalaki ang gumawa noon na tatay pala nila Buboy. May maliit silang hagdanan na sa bilang ko ay limang steps. Gawa iyon sa kahoy pero ang hawakan ay kawayan na binarnisan.

"Iyong kuwarto sa taas ay silid nilang dalawa." Bulong ni Inay sa akin nang mapatingin ako sa nag iisang silid sa taas.

Tumango-tango ako at napatingin sa maliit nilang TV. Punong-puno iyon ng mga stickers na pambata na tiyak akong si Buboy ang naglagay. May mga laruan din sa bawat gilid noon.

Nang makapasok sa kusina nila ay lalo akong namangha. Bukas ang kusina nila dahil yare iyon sa kawayan na may mga nakaukit na bulaklak. Tuloy ay kitang-kita ang likod ng bahay nila na punong-puno naman ng mga iba't-ibang halaman.

"Ang aliwalas po ng bahay niyo, inay." Puri ko at napatingin sa kung saan sila nagluluto.

Kahoy ang pinaglulutuan nila. Sa taas nakalagay ang mga sinibak na kahoy at maayos ang pagkakasalansan ng mga iyon.

"Wala kaming tubig hijo. Nag-iigib kami roon sa may bandang likod. May poso roon. Pero nag-iipon naman kami ng tubig dito sa may dram, nagkataon lang na naubusan."

Nilingon ko siya at mukhang mag-iigib na nga yata siya kaya marahan kong inagaw ang timba kay inay.

"Ako na inay ang mag-iigib. Ituro niyo na lang po sa akin kung saan."

"Ay! Naku Jett, hijo. Wag na, ako ang nag-iigib."

"Kaya niyo pa po ba?"

Natawa si Inay sa akin. "Malakas pa naman ako, sixty-five lang ako hijo!"

"Ako na inay, kaya ko 'yan!"

Wala na siyang nagawa kaya naman sinamahan niya na lang ako sa may likuran. Naabutan pa namin si Buboy na inaayos na ang mga kahoy na kinuha namin kanina.

"Saan kayo, inay?" Sigaw nito at humabol sa amin. "Sama ako!"

Bumungad sa amin ang poso na tinutukoy ni Inay. Malinis ang paligid noon at mukhang magandang ehersisyo ito lalo tuwing umaga. Iniwan na kami ni Inay at magluluto pa raw siya ng kanin.

Hinubad ko ang uniform kaya naiwan ang suot kong puting sando. Napatingin sa akin si Buboy at tumawa.

"Kaya pala nagpresinta ka ah! May muscles ka pala, kuya!" Tinuro-turo niya iyon kaya natatawa ko siyang winisikan ng tubig.

Panay ang daldal sa akin ng bata habang batak naman ako sa kabababa nitong poso. Tatlong timba ang nakahilera sa tabi ko. Kapag puno na ang isa ay binubuhat ko muna papasok sa bahay nila Inay at isasalin sa malaki nilang lagayan.

Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod kahit na hindi sanay sa ganitong gawain. Sa bahay kasi ay hindi na pinaghihirapan ang tubig, isang bukas lang sa gripo ay nariyan na agad. Hindi na rin pinaghihirapan pa na magkaapoy dahil isang pihit lang sa stove ay lalabas na agad.

Pero para kina Inay at Buboy, hindi iyon ganoong kadali.

Pansin ko na ang pagbabalot ng kulay kahel sa kalangitan, abala pa rin ako sa pagbaba ng poso at pagpapalabas ng tubig doon. Si Buboy ay umalis saglit dahil inutusan ni Inay na bumili sa may labasan. Iniisip ko tuloy kung may tindahan ba akong nadaanan kanina. Palihim ko ring binigyan ng pera si Buboy at pinabili siya ng kung anong pinabibili ni Inay, sinabi ko pa na bumili na rin siya ng mga tinapay.

Gulat pa nga ang bata kanina at ayaw pang tanggapin pero sinabi kong utang niya iyon sa akin.

Natawa pa ako nang pumayag si Buboy.

May narinig akong ingay sa harapan ng bahay nila kaya naisip kong baka nakabalik na ang bata. Umawas na ang tubig sa may timba kaya binuhat ko na iyon at naglakad na palapit sa kanilang bahay nang matigilan.

Nanlalaki ang mga mata sa akin ni Navi at nabitawan niya pa ang hawak na supot na punong-puno ng mga pagkain.

Agad kong nabitawan ang timba kaya natapon ang ibang tubig noon sa suot kong pantalon na uniform. Nabasa rin ang tsinelas na suot ko na pinahiram sa akin ni Inay kanina.

"A-Anong ginagawa mo rito.. Jett?!"

Humahangos na tumakbo palapit sa amin si Buboy na may bitbit ding dalawang supot.

"Ate! Ate!"

Napamaang ako at tiningnan si Navi na hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Ate narito ka na pala! Ang aga mo namang umuwi?" Pumagitna sa amin si Buboy at takang tiningnan si Navi na hindi pa rin nakakabawi.

"B-Bakit nag-iigib ka?" Lumapit si Navi sa akin kaya umatras ako. "P-Paano mo nalaman ang bahay ko?"

"Ate?" Lumingon si Buboy sa amin. "Kilala mo si Kuya Jett?"

Namilog ang mga mata ni Navi at tumingin sa bata saka sa akin.

"J-Jett? Anong ginagawa mo rito?" Nanghihinang aniya.

Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili. Napapikit ako at tiningnan si Navi na kailangan talaga ng paliwanag dahil gulat na gulat ito na narito ako sa kanila. Kahit ako, gulat din naman na siya pala ang tinutukoy na ate nitong si Buboy.

"N-Nakita ko si Buboy sa may gubat, tinulungan ko na rin siya kaya niyaya niya ako rito." Sambit ko habang pinipiga ang suot na pantalon.

Tinitigan niya ang kabuoan ko at bumuntong hininga saka tiningnan si Buboy.

"Punta ka muna sa loob. Ipasok mo ito roon." Ibinigay niya ang mga hawak sa bata, gulat pa ito nang makita ang dalawang supot. "Binili mo 'yan?"

"O-Oo, Ate. Pinabili ni Inay." Napatingin sa akin si Buboy at ngumisi.

Natawa ako at tumango sa kaniya. Akmang palingon sa amin si Navi kaya nagkunyari akong nanghuli ng gamo-gamo.

"Mag-usap tayo, Jett." Malamig na sinabi sa akin ni Navi kaya napaatras ako.

"Ate? Basa na ang pantalon ni kuya Jett oh. Mamaya na kayo mag-usap, papasukin mo na lang siya sa loob."

Napangiti ako at tahimik na napagsalamat kay Buboy na tatalon-talon pang pumasok sa kanila.

Tinitigan ako ni Navi at dumako iyon sa katabi kong timba.

"Ako na ang magbubuhat." Aniya at akmang bubuhatin ang timba kaya agad akong humarang!

Ang payat-payat ng braso niya tapos bubuhatin niya ito? Ayoko!

"Ako na, Nav. Mabigat ito." Malumanay na sinabi ko at binuhat na nga iyon papasok sa bahay nila.

Dinig ko pa ang pagpapakawala niya ng buntong hininga pero sumunod rin naman sa akin papasok. Dumiretso ako sa may kusina nila at sinalin doon ang tubig. Nagulat pa ako na halos papuno na ang dram na lagayan nila.

"Tama na 'yan, iwanan mo na diyan ang timba."

Halos mahimatay ako nang magsalita siya sa likuran ko. Sinunod ko ang sinabi niya at iniwan nga sa gilid ang timba. Tiningnan ko ang buong kusina at wala si inay doon pero may nakasalang doon at maayos naman ang apoy.

Inginuso niya sa akin ang upuan nilang kahoy kaya tahimik akong umupo roon. Kinamot ko pa ang sa may bandang braso ko. Napatingin siya roon at bumuntong hininga.

"Nakita kita kanina. Lumabas ka ng gate during lunch."

Oh? Nakita niya ako? Eh bakit hindi niya ako tinawag.

"Dumiretsong uwi ka na ba noon?" Tiningnan ko siya at nakakatakot naman si Navi magtanong.

Ngumuso ako at umiling. "Nagpahatid ako rito."

"Bakit?" Biglang dumiin ang boses niya. "Nasa school pa noon sina Gray at Calliah ah?"

"Psh! Ano naman? Hindi naman sila ang ipinunta ko!"

"Bakit galit ka?" Sinilip niya ang mukha ko kaya kagat ang labing umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Huwag kang sumigaw at baka akalain ni inay ay pinapagalitan kita."

"Sorry." I pouted. Tiningnan ko ang mukha niya at nanliliit ang mga mata niya sa akin. "Hindi ko naman sinasadya na makapunta rito eh. Nakita ko lang si Buboy."

Tumango ito. "Eh bakit ka narito sa may ibabang tubig? Tumawid ka na naman sa tulay? O sa may pangalawang daan ka dumaan?"

Nakagat ko ang dila. "T-Tumawid ako ng tulay."

"Tss. Ang katigasan ng ulo, Jett hindi inaaraw-araw." Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig sa may katabi naming lamesa. "Uminom ka muna," inusog niya iyon sa akin.

Ngumuso ako at kinuha iyon saka ininuman. Naubos ko iyon kaya tumagilid ang ulo niya.

"Kanina ka pa bang nag-iigib?"

"Oo. Ako nagpuno ng dram niyo." Tuwang-tuwang ani ko. "Masarap pala mag-igib."

"Masarap lang 'yan sa una." Umiling siya sa akin. "Bakit narito ka sa may ibabang tubig?"

Hindi pa rin pala siya tapos sa mga tanong niya sa akin.

"May hinahanap ako." Mahinang ani ko.

"Hmm? Sino?"

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. Paminsan-minsan siyang lumilingon sa kalderong nakasalang.

"Basta. Hindi mo naman kilala."

"Sabihin mo sa akin ang pangalan at baka kilala ko." Lumapit siya sa may kaldero at inayos ang mga kahoy roon. Bahagya pa siyang yumuko para silipin ang ilalim.

"Hindi ko alam ang pangalan niya pero dito siya nakatira." Ngumuso ako nang maalalang walang name si Iamlost sa wattpad.

"Sino ba 'yon? Girlfriend mo?"

"Ha? Wala akong girlfriend, Navi ah!"

"Oh?" Natatawa niya akong nilingon. "Bakit nasigaw ka na naman?" Tumayo siya at lumapit sa akin. "Kumain ka na ba?"

Natigilan ako. Parang tanga na namang tumibok ang dibdib ko kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi ka pa nakain?"

"A-Ah pinagmeryenda ako ni inay."

"Nakiki inay ka ah." Tumawa ang babae sa akin. "Nakakagulat pa rin na narito ka sa bahay namin eh maarte ka."

"Ano na namang nakakagulat?!"

"Luh, bakit galit ka na naman?"

"H-Hindi ako maarte." Kinuha ko ang baso at nagsalin ulit ng tubig saka ininuman iyon.

"Okay, sabi mo eh." Umalis siya sa harapan ko kaya napanguso ako. "Bantayan mo muna ang sinaing ah. Kukuha lang ako ng pamalit mo."

Nagulat ako at pipigilan pa sana siya kaso nagdire-diretso na siya sa paglabas ng kusina. Tinitigan ko ang kaldero ganoon na rin ang mga kahoy doon na nakasalang.

Hindi rin naman nagtagal si Navi sa taas. Pumasok ulit ito ng kusina na may bitbit na shorts at isang pink na t-shirt. May hawak pa siyang maliit na tuwalya.

Tiningnan niya ako. "Nilabhan ni Inay ang uniform mo."

"Ha?" Napatayo ako. Kaya pala hindi ko makita iyon noong hinubad ko sa may poso kanina.

"Nakasampay sa may labas. Ilagay na lang natin sa plastik mamaya pag uuwi ka na."

Tumango ako. "Ang bait naman ni inay."

Tumango lang ito at inabot sa akin ang mga hawak. "Magpalit ka at nabasa 'yang pantalon mo. Basa ka rin ng pawis."

May kung anong mainit na kamay ang humaplos sa tiyan ko sa sinabi niya.

"Ah, gamit ko 'yan. Maluwag sa akin kaya hindi ko pa naman nagagamit." Aniya at tiningnan ako. "Kulay pink nga lang."

"Ayos lang! Kahit ano pang kulay." Abnoy na sagot ko sa kaniya.

Natawa siya sa akin at inabot ang tuwalya. "Punasan mo ang likod mo."

Ngumuso ako. "Paano ko mapupunasan?"

Napakurap-kurap siya at tila napaisip naman sa sinabi ko.

"Okay, ako na magpupunas." Aniya at biglang lumapit sa likuran ko kaya halos mapapikit ako nang dumampi ang daliri niya sa balat ko!

Mahabagin..

Tinaas niya ang sando kong basa dala ng pawis. Dinig ko pa ang reklamo nito.

"Basang-basa ang likod mo, Jett." Iritadong anito habang pinupunasan ang likod ko.

Unti-unting bumanat ang mga labi ko para sa isang ngiti. Gusto ko tuloy siyang picturan at ipakita kay Lei na pinupunasan ako ngayon ni Navi!

Nahigit ko ang hininga nang punasan niya pa pati ang batok ko. Nanindig ang balahibo ko nang bigla itong humarap sa akin.

"Tingala ka."

"H-Ha?" Lasing na tanong ko.

"Sabi ko, tumingala ka. Pupunasan ko ang leeg mo."

Taranta akong tumingala. Mabilis niya namang pinunasan ang leeg ko. Naamoy ko ang pabango niya na amoy pambabae. Tinitigan ko ang buong mukha niya at mapula ang mga labi nito kahit walang kahit anong nakalagay doon. Nakakunot ang maliit niyang kilay kaya napangiti ako. Mukha namang normal lang sa kaniya ang lahat.

Hindi ba siya kinakabahan? Ako lang yata 'tong OA ngayon ah?

Nagtama ang paningin namin. Tumaas ang kilay ko sa kaniya kaya umiwas ito ng tingin. Natigilan ako.

Hmm, bakit umiiwas ang Navi ko na 'yan?

"Tapos na. Magpalit ka na roon ng damit." Aniya at tumalikod sa akin.

Nakagat ko ang dila at tinitigan pa siya bago nangingiting pumasok sa loob ng CR nila.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...