Omegaverse Series 3: Let me g...

By sumyiir

9.2K 550 187

Omegaverse Series 2: Handa ka ba na tuluyang ipaubaya ang taong sobrang mahal mo para sa taong nakatakda sa k... More

Prologue:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 12

115 10 4
By sumyiir




[] Sua Asher Figueroa


Hinihingal akong nagmamadali patungo sa silid ni Carter. I heard from Nanay Punsa that Carter came back last night. Hindi na raw ako ginising dahil malalim na ang gabi at mahimbing na ang aking tulog.

Ilang araw na nawala si Carter at aaminim kong namiss ko siya ng sobra. Gusto kong makita ang kanyang gwapong mukha.

Narating ko ang silid ni Carter while catching my breath. Sobrang excited ko lang na makita siya matapos ang ilang araw. I immediately opened the door at hindi na kumatok pa.

I smiled widely when I finally saw his back and he is doing something. Mabilis akong lumapit kay Carter ng may malaking ngiti sa aking mga labi. Pero nawala rin ang aking mga ngiti ng makita ko ang kanyang ginagawa .

He is packing his things.

"A-aalis ka u-ulit?" wala sa sarili kong tanong. Nakuha ko naman ang atensyon niya.

Carter looked at me pero kaagad ring bumalik ang kanyang atensyon sa pagiimpake.

Why is he packing lots of things?

"Yeah I have to, Sua," he replied without looking at me.

Nalungkot ako.

"K-kailan ka babalik? Ilang araw kang nawala tapos aalis ka na naman ulit? Where are you going to? Uuwi ka naman diba sa birthday mo?" tanong ko sa kanya. Ang dami kong tanong. Ewan ko ba.

Carter sighed and looked at me.

"I'll try my best na uuwi sa araw na 'yan," he said.

Tumango ako.

Carter came closer at saka kinuha ang kamay ko.

"Sua, I'll comeback soon hmm? Don't miss me too much," he said and chuckled. Ginulo pa niya ang buhok.

Agad ko namang winaksi ang kamay niya na nasa aking ulo. "Tsk! H-hindi kita mamimiss no. Kahit pa h-huwag ka ng bumalik," pagkukunwari ko.

Sua, compose yourself. H'wag masyadong halata na sobrang mamimiss mo siya.

Carter only smiled at me and I rolled my eyes on him.


It's been five days since Carter left once again. Lagi kong inaabangan ang kanyang pagdating pero wala pa rin. I texted him nagbabakasakali na magreply siya at malaman na uuwi siya pero wala akong natanggap na reply. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko.

Ngayon ay ang kaarawan niya at busy ang lahat ng tao dito ngayon sa palasyo para sa kanyang celebrasyon. Kasama ko ngayon dito sa kusina si Nanay Punsa habang nagluluto.

I smiled while I'm baking the cake. Simpleng cake lang ito at talagang nagpaturo pa ako kay Nanay Punsa sa paggawa. Carter hates the crowd and for sure after his speech at kung anu-ano pa ay magtatago na lang 'yon sa kanyang silid. Balak ko sana siyang supresahin sa kanyang pagbalik.

I giggled when I finally finished my cake.

"Sua, ang galing! Hindi mukhang bagohan lang ang nagbake," puri sa akin ni Nanay Punsa.

Proud naman akong ngumiti sa munting gawa ko.

"Balak niyo ba iyang kainin na nadalawa?" tanong ni Nanay Punsa sa akin.

Tumango ako ng may mga ngiti sa aking mga labi. "Oo, Nay. Kilala mo naman 'yon after makihalubilo sa mga tao ay tutungo lang 'yon sa kanyang silid at magbabasa. Kaya susupresahin ko sana siya," ani ko.

"Nakuuu ang puso Sua ingat-ingatan at baka masaktan," pabirong wika ni Nanay sa akin.

"Nay naman!" angal ko.

Tumawa lang si Nanay Punsa sa akin pero sa loob loob ko kinikilig ako.

Magugustuhan kaya ni Carter itong cake ko? I mean itong cake na gawa ko?

Ilang oras ang lumipas at hanggang ngayon ay wala pa rin si Carter. Hapon na at malapit ng lumubog ang araw.

I sighed. Siguro doon ko na lang susurpresahin si Carter sa kanyang silid.

Nandito ako ngayon sa silid ni Carter inayos ko na ang lamesa na pinaglagyan ko ng cake na gawa ko. Gumawa din ako ng charcuterie na may iba't-ibang klase ng cheese, berries, nuts, ham, fruits at iba pa. I also brought some wine na patago kong kinuha sa wine cellar nila.

Napangiti ako ng matapos ko ng ihanda lahat.

Sana magustuhan niya.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan kung may text mula kay Carter pero wala. Kaya pinicturan ko na lang ang cake niya at napangiti. Ube pa lang ang flavor neto nauumay na kasi ako sa chocolate and for sure Carter will like it dahil gawa ko naman 'to.

Napatingin muli ako sa oras.

Uuwi kaya siya? Hindi ko alam kung uuwi ba siya. Pero gumawa pa rin ako ng surpresa para sa kanya. Gusto ko rin kasing bumawi sa kanya kahit sa ganitong paraan lang. Hindi ko kasi afford 'yong mga nakasanayan niya. Wala rin akong budget para sa labas kami kumain.

Napaigtad naman mula sa aking pag-iisip ng may pumihit sa pintuan kaya dali-dali ko namang kinuha ang party popper at saka 'yon pinutok ng ito ay tuluyan ng bumukas.

"Happy Birthday Car... M-mahal na Reyna kayo po p-pala," mabilis kong ani at saka yumukod. Ang tuwa na nararamdaman ko ay biglang naglaho ng hindi si Carter ang pumasok.

"Sua? Nandito ka pala," ani niya. Tumingin siya sa lamesa at saka tumingin sa akin, ako naman ay umayos na rin ng tayo. "Is this for my son?" tanong ng Reyna sa akin.

"O-opo," nauutal kong sagot.

She sighed and smiled at me.

"I'm so sorry, Sua. Carter can't make it home. That's why pupuntahan namin siya sa South and celebrate his birthday there. Kukuha lang sana ako ng ibang pang gamit ni Carter na gagamitin niya sa mga susunod na araw," nanlumo naman ako sa sinabi ng Ina ni Carter sa akin.

"G-ganun po ba?"

"Hmm. Hindi ba niya sinabi sayo? Or kung gusto mo sumama ka na lang sa amin ng asawa ko. For sure Carter will be happy to see you there," alok sa akin ng Reyna.

"S-sinabi po ba ni Carter na p-pwede akong sumama?" tanong ko. Naalala ko kasi na hindi niya ako pinayagan na sumama sa kanya noon. At baka kapag sumama ako magagalit lang 'yon sa akin.

"Hindi naman. Pero kung gusto mo pwede ka namang sumama ang bring this food you prepared for him. He said he will celebrate his birthday nalang with his friends."

With his friends.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang namumuong luha sa akong mga mata.

"D-dito na lang po ako," ani ko na halos hindi ko na marinig ang aking boses.

The Queen nodded at me.

Matapos kunin ng Mahal na Reyna ang kanyang sadya ay nakahinga naman ako ng maluwag kanina ko pa kasi pinipigilan ang lungkot na nararamdaman ko. Umupo ako sa gilid ng kama ni Carter. I looked at our photo na nasa bedside table niya.

I smiled when I saw my face.

Nakabusangot kasi ako dito halatang naasar sa kanya. Naalala ko naman ang araw na 'yon nag-aaice skating kami. Hindi ko alam kung sino ang kumaha ng litrato na ito at kung paano ito napunta sa kanya. Pero mukha kuha ito ng isang photgrapher dahil maganda 'yong pagkuha at 'yong quality ng larawan.

I sighed bago tumihaya sa kama. Tumingin ako sa kisame at doon sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Nakakadismaya lang kasi. Umasa ako nauuwi siya. Pero kasalanan ko naman dahil hindi naman nangako sa akin si Carter na uuwi siya ngayon. Ang sinabi niya lang ay susubukan niya.

At ako namang si tanga ay umasa.

Ilang minuto muna akong umiyak at inilabas ang lungkot na nararamdaman ko bago ako tumayo at kinuha ang lighter na nasa lamesa. Kinuha ko ang maliit na kandila na nasa gilid ng cake. Itinusok ko ito sa ibabaw at saka ko ito sinindihan.

I closed my eyes.

"Happy Birthday, Carter," I greeted and when I open my eyes I blow the candle.


Tatlong araw ang lumipas ay sa wakas nakauwi na rin si Carter kasama ang Mahal na Hari at Reyna. Sinalubong ko naman si Carter pagkababa niya ng sasakyan.

Malaki ang ngiti kong sumalubong sa kanya dahil sabik na sabik na akong makita siya. Binati ko naman siya noong nakaraan ng happy birthday through text pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya at hindi ko nga alam kung nabasa niya ba ang text ko.

"Carter, mabuti at naisipan mo pang umuw--" I teased him but I couldn't even finish my words when he cut me off.

"Not now, Sua. I'm tired," simpleng ani niya at nilagpasan ako.

Naiwan naman akong nakatayo at naguguluhan sa inasta niya.

Carter..

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...