Secretly In Love With My Best...

By Moonillegirl

7.5K 250 29

"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing... More

Disclaimers
🦋-Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Fourty
Chapter Fourty-one
Chapter Fourty-two
Chapter Fourty-three
Chapter Fourty-Four
Chapter Fourty-Five
Chapter Fourty-six
Chapter Fourty-seven
Chapter Fourty-eight
Chapter Fourty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Epilogue | Part 1
Epilogue | Part 2
SPECIAL CHAPTER | Part I: Seven's Pov
SPECIAL CHAPTER | Part II
SPECIAL CHAPTER | PART III
SPECIAL CHAPTER | Last Part

Chapter Twenty-six

74 3 0
By Moonillegirl

PAGKATUNOG pa lang ng bell na senyales ng lunch time ay maligalig akong tumayo at nag-ayos ng gamit.

“Woah! Kalma lang Amethyst, okay? Hindi naman aalis si Seven sa kanila. Hindi ka tatakbuhan non kaya chill ka lang.” natatawang panunudyo sa akin ni Nadia habang aliw na aliw na pinapanood akong mag-ayos ng gamit.

Napanguso naman ako dahil doon.

“Nag-aalala na talaga kasi ako, e. Gusto ko ng makita at malaman kung okay na ba siya.” sagot ko bago isara ang zipper ng bag ko at isukbit iyon sa balikat ko.

“Magiging ayos ka lang ba mag-isa rito?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya na ikinatango naman nito bago ako ngitian.

“Sasabay na lang ako kay Hiro na kumain. Huwag ka nang mag-alala sa akin.” nakangiting sabi nito na ikinaginhaw ang dibdib ko.

Nakakagulat man na isiping kasabay niya si Hiro mag-lunch ay hindi na ako umimik pa. Wala naman kasing malisya iyon dahil magkamag-anak naman ang dalawa. Second cousin yata sila kung tama ang pagkakatanda ko. Nagulat pa nga ako nong nai-kwento sa akin ni Nadia na magkamag-anak silang dalawa, e.

“Sige, mauna na ako, ah? Hihinto pa ako sa bending machine para bumili ng Banana milk, e.” paalam ko sa kaniya bago siya pukulan ng isang ngiti na ikina-tango naman niya.

“Sige, gorabells ka na. Ingat, Amethyst! Balitaan mo ko sa magiging happenings ah?” anito at saka pilya akong nginitian na ikinatango ko bago ikina-ngiti.

“Sige, bukas na lang.” ani ko at kumaway na sa kaniya bago magmartiya palabas ng classroom.

Payapa pa akong naglakad papunta sa hagdan upang bumaba sa first floor ngunit napahinto rin kaagad dahil nasalubong ko si Ma'am Aliaga, ang art teacher ng school.

Ngumiti ako at bahagyang yumukod bago bumati sa kaniya.

“Good afternoon po, Ma'am Aliaga.” magaling na bati ko na ikina-ngiti naman nito.

“Magandang tanghali rin naman, Miss Esquivel. Tamang-tama ang timing dahil may hihibgin ako pabor sayo.” nakangiting bati rin nito na ikina-kunot naman ng noo ko.

“Ano po iyon?” Puno ng pagtataka at kuryosidad na tanong ko rito.

“Maari mo bang ibigay ang liham na ito kay Seven? Ikaw kasi ang pinaka matalik niyang kaibigan kaya ikaw na lang ang naisipan kong pagdalhin nito.” nakangiting paghingi nito ng pabor sabay lahad sa akin ng isang kulay puting parihabang envelope letter na siyang tinanggap ko naman kaagad.

“Sige po. Dadalhin ko na lang po sa kaniya mamaya.” ngiti ko na ikinalawak naman ng ngiti nito.

“Thank you, Miss Esquivel. Mauna na ako dahil may kakausapin pa akong isang estudyante. Bye, happy lunch!” masiglang anito at saka magiliw akong nilagpasan na ikina-kurap-kurap ko naman.

Nakatitig ako sa envelope na ibinigay niya sa akin. Ano kaya ito? Hindi ko na kasi itinanong at baka sabihin naman niya ay chismosa ako.

Napakibit-balikat na lang ako at saka nagpatuloy na sa pagbaba sa hagdan. Siguro ay related ito sa pagiging Ssg president ni Seven.

Malalaman ko rin naman ang laman niyon kapag binasa na iyon ni Seven, e.

Dahil don ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Ngunit kakababa ko lang sa  sa first floor ng building namin ay napatigil kaagad ako dahil maraming nakaharang sa hallway sa baba ng hagdan  na mga kababaihan.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila ng nagtataka pero kaagad ding napalitan ng blanko ang muka ko ng makilala kung sino sila.

Sila lang naman ang mga lunatic na admirer ni Seven. Nandito ba sila para awayin ako kasi wala si Seven?

“Mukang mapapa-away pa yata ako.” mahinang bulong ko sa sarili ko at akmang tatalikod na pero napatigil rin dahil sa isang sigaw.

“Hayan na siya, oh!” malakas na sigaw ng isang matinis na boses na mahina kong ikinamura sa isip ko.

Kung kelan naman nagmamadali ako saka sasabay ang mga ito. Naiinis man ay naglakas ng loob ako upang harapin sila at sinalubong ang tingin pero laking gulat ko ng imbis na inis na muka ay normal lang nila akong tiningnan.

Huh? Anong nangyayari dito? Bakit hindi mga war freak ng muka ng nga to? Parang inamong tupa, e.

“Pupunta ka sa bahay nila Seven, right?” biglang tanong ni Julia, isa sa mga admirers ni Seven na siyang ikinatango ko.

“Oo, bakit?” kunot noong tanong ko sa kaniya na ikinatango-tango naman nito.

Paano nila nalaman iyon? Ang tatalas talaga ng mga tainga ng mga to.

“Hindi ka namin aawayin ngayon. Pakibigay na lang to kay Seven at pasabing get well soon.” tuloy-tuloy na sabi nito at may ini-abot sa aking isang paper bag saka siya umalis.

“Ito rin paabot sa kaniya, thanks!”

“Yung sa akin rin, salamat!”

“Akin rin.”

“Ito pa!”

“Pasabay na rin nito.”

“Heto pa ang sa akin.”

Napatanga ako ng sunod-sunod lumapit sa akin ang mga kababaihan at ibinigay sa akin ang mga dala nilang regalo at letters para kay Seven.

“Padamay na rin nit— ayos ka lang ba? Kaya mo pa?” nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ng huling babae na magbibigay ng regalo kay Seven.

Hilaw ko siyang nginitian. Muka bang ayos lang ako?  E, tinabunan niyo nga ako ng mga regalo at letters, e. Anong akala niyo sa akin? Delivery girl?

“Ayos lang ako. ” sagot ko at pilot ngumiti.

“ Ipatong mo na lang iyan sa taas para hindi malaglag.” usal ko pa at saka inayos ng marahan ang tumpok ng regalo sa kamay ko. Pati nga sa braso ay may nakasabit na mga paper bags. Para tuloy akong nag-shopping.

“Sige. Paki-ingatan ang mga iyan, ah. Dapat makarating kay Seven ng buo kung hindi lagot ka talaga sa amin.” supistikadang usal nito bago ipatong ang regalo niya sa mga regalong nasa kamay ko.

Ramdam ko ang paglabas ng ugat ko sa sintido dahil sa inis. Parang gusto kong ibalibag sa pagmumuka niya ang mga regalo na hawak ko.

“Akong bahala, makakarating ito kay Seven ng ligtas at buo.” nakangitkng matamis na sabi ko upang pigilan ang sariling tarayan siya at bugahan ng apoy dahil sa inis.

“As you should.” mataray na bulalas naman nito at saka naglakad na palayo.

Inis akong magbuga ng hangin sa ilong habang nakasilip sa gilid ng tumpok ng regalo na buhat-buhat ko.

“What an ungrateful brat. Pasalamat siya puno ang kamay ko kung hindi ay baka nasapak ko na siya.” nagpupuyos sa galit na ani ko at napa-irap na lang sa ere at nagsimula ng maglakad.

Napanguso na lang ako dahil sa lakad na ginagawa ko ay pati pagong kaya pa akong unahan. Paano ba naman kasi isang maling hakbang ko lang ng may pwersa ay babagsak ang tumpok ng regalong buhat-buhat ko.

Nakakainis kasi ang mga babaeng iyon, e. Hindi nga ako inaway pero ginawa naman akong errand girl nila. Mga bwisit!

Napatigil ang pagiging lutang ko ng maramdamang biglang gumaan ang buhat-buhat ko.

Napakurap-kurap ako at napatingin sa may sala kung bakit gumaan iyon at laking gulat ko matapos bumungad sa akin ang muka ni Hiro.

“Tulungan na kita.” simpleng saad nito at saka ako nginitian bago maunang maglakad sa akin.

I look at him in bewilderment. Napapansin ko kasing this past few weeks ay lagi na lang pasulpot-sulpot si Hiro sa kung saan at nagkakataon naman na pag nagpakita siya ay kinakailangan ko ng tulong.

Katulad na lang kanina, nong naglalakad ako mag-isa papasok sa eskewelahan ay muntik na akong mauntog sa gate dahil sa sobrang pag-iisip at pag-aalala kay Seven. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka may bukol na ako sa noo ngayon.

“Amethyst? Bakit hindi ka pa umaalis riyan?”

Nabalik ako sa ulirat dahil sa pagtawag niyang iyon sa akin. Bahagya pa akong napa-igtad sa gulat bago maglakad ng mabilis palapit sa kaniya na ngayon ko lang napansin na medyo malayo na pala sa akin.

“Bakit ba ang dami mong dala-dala? Saan galing ang mga 'to?” puno ng kuryosidad na tanong niya bigla matapos ko siyang masabayan sa paglakad.

Kaagad namang nag-init ang dugo ko dahil sa tanong niya. Naalala ko nanaman kasi ang mga spoiled brat na iyon. Nakakainis talaga silang lahat! Hindi man lang ako nakatanggi sa kanila dahil pinangunahan na nila ako.

“Sa mga admirers ni Seven. Ang mga bwisit na iyon. Ginawa pa talaga akong errand girl nila. Ang sarap nilang sakalin.” may bahid ng inis sa tono ng pananalitang ani ko na rinig kong ikinatawa niya.

Napakurap-kurap ako matapos kong marinig ang tawa niyang iyon at wala sa sariling sinulyapan siya. Side view niya akng ang nakikita ko dahil sa harap lang siya nakatingin pero masasabi kong gwapo rin talaga itong si Hiro.

“M-may dimple ka pala?” tanong ko at saka lang narealize iyon ng bigla siyang tumingin sa akin.

Bahagyang lumaki ang mata niya at napakurap-kurap sa akin. Napatutop tuloy ako sa bibig ko dahil sa hiya.

“S-sorry.” nahihiyang sambit ko at nag-iwas ng tingin. Saglit siyang natahimik bago ako nakarinig ng tawa mula sa kaniya.

“You're really cute. Tama nga si Sev.” nakamgiting ani niya na ikina-pula ng pisnge ko dahil sa hiya.

Pati ba naman sa mga kaibigan niya ay pinangangalandakan niya na he finds me cute. Wala talagang hiya sa katawan ang lalaking iyon.

“A-ano pa lang ginagawa mo rito? Akala ko sasabayan mong kumain si Nads?” tanong ko upang ibahin ang usapan.

Come to think of it, ngayon lang din pumasok sa isip ko na dapat nga pala kasamang kumain ni Nadia si Hiro.

“Yes. Actually papunta na dapat ako ron kanina, e, kaso nakita kita na maraming dala kaya naisipan kong tulungan ka muna.” paliwanag nito na ikinatango ko bago nagdadalawang isip siyang tiningnan.

“D-dapat nilagpasan mo na lang ako, e. Mawawalan ng kasama si Nads mag-lunch.”  medyo na-uutal na sagot ko dahil nag-aalangan akong sabihin iyon.

E, kasi naman. Ako na nga ang tinulungan ako pa ang may lakas ng luob na umasta na dapat ay hindi na niya ako tinulungan. Pakiramdam ko I'm sounding ungrateful right now.

“Huwag mong isipin iyon.  Alam naman niya. Tinext ko siya pagkakita ko pa lang sayo kanina.” pag-re-reassure niya sa akin bago ako ngitian.

Nakita ko ang ngiting iyon dahil nakatingin ako sa kaniya. Napatikhim tuloy ako kasi nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

Kung hindi lang ako patay na patay kay Seven ay sigurado akong kay Hiro ako mahuhulog. Green flag rin kasi ang isang to, e. Mabait rin at napaka humble.

Hanggang sa makarating kami ni Hiro sa gate ay katahimikan na ang namayani sa amin pero komportable naman ang kayahimikang iyon. Siya pa nga ang tumawag ng tricycle para sa akin, e.

Hindi naman dapat ako maglalakad ang kaso lang this loads of gift happens kaya no choice ako kung hindi sumakay sa tricycle. Perwisyo pa sa akin ang pagtulong ko. Letset naman, oh!

Sabi ko magtitipid na ako, e. Huhuhu

“Hiro salamat, ah?” nakangiting pasalamt ko kay Hiro ikina-iling-iling naman nito bago ako ngitian.

“Walang anoman iyon, Amethyst. Anytime na kailangan mo ng tulong.” anito at mabait na ngumiti na ikinatango ko naman.

“Sige, thank you ulit. Bumalik ka na sa loob. Baka hinihintay ka na ni Nads.” sagot ko na ikinatango naman nito.

“Sige, ingat sa byahe.” anito at saka kumaway sa akin na ibinalik ko rin naman sa kaniya.

Sumakay na ako sa motor at kinawayan ulit siya na papasok na sa gate. Kumaway naman siya pabalik at sumaludo pa sa akin na ikinatawa ko.

He's not bad at all.


Moonillegirl🌷

Continue Reading

You'll Also Like

67.7K 2.6K 40
There is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.1K 54 22
📣: This story just currently undergo RE-WRITING PROCESS so there's some chapters that gets added to it. Sabi nila, sa buhay mayroong aalis at mayroo...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...