The Tattoo of His Love (BoyxB...

By MrAoiKun

152K 4.9K 118

Nang mawala si Shino, unti unting napalayo si Norvin sa kanyang ama. Habang si Red ay nalunod sa kalungkutan... More

Note
Prologue
Chapter 1: Goodbye Shino
Chapter 2: The Move
Chapter 3: Red Getting Married Again?
Chapter 4: Birthday and Wedding
Chapter 5: Reception Wars
Chapter 6: First Times Are The Best
Chapter 7: Deal or No Deal
Chapter 8: Know Your Enemy
Chapter 9: Two Sons
Chapter 10: Tattoos
Chapter 11: Vina
Chapter 12: Courtship
Chapter 13: You Are Mine
Chapter 14: Full of Surprises
Chapter 16: The Truth Behind
Author's Note
Chapter 17: Unexplained
Chapter 18: Fears
Chapter 19: Shino or Not?
Chapter 20: Tears and Smiles
Chapter 21: Abduction
Chapter 22: We Meet Again
Chapter 23: I Missed You
Chapter 24: Choices
Chapter 25: Nightmare
Chapter 26: Never Give Up
Chapter 27: The Sound of Changes
Chapter 28: The Best of My Love
Chapter 29: Lets Be Together
Chapter 30: Tattoed in My Heart [Finale]
Author's Note
Promotion

Chapter 15: Fashion Show Madness

3.5K 148 4
By MrAoiKun

It was the day of the fashion show. As what Eli told me, at naghanda na nga ako para umattend sa event. It was a masquerade show kaya naman nagkalakas loob akong mag attend. At least kapag ganun ang event ay di kami magkakakilanlan ni Daddy.

I was wearing a black tailored suit na pinagawa ko sa isang magaling na designer. Lately, hindi ko na nakakausap si Atty. tungkol sa nangyayari sa resort ni Papa Shino. Siya muna ang pinahahandle ko nun dahil pinag aaralan ko pa kung paano iyon patatakbuhin. All of the sudden naramdaman kong maraming bagay na pala akong napapabayaan. Si Lola Zaida, minsan ko nalang nabibisita. Ang Lolo Vincent ko at sila Tita Violet and Tito Blue. Dahil masiyado akong nadadala sa mga emosyong nararamdaman ko kay Eli.

Di parin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Gael noong isang araw. At ang pinakita niyang video sa phone niya bilang patunay na hindi ako tunay na mahal ni Eli. Na may kailangan lang siya sa akin kaya ginagawa niya lahat para makuha ako.

"Sir? Someone is waiting for you outside. He does not want to give his name so its much better if you come down and see him yourself."

Napatigil ako sa panggugulat sa akin ni Aileen. Hindi ko alam na may dadatinh dito sa bahay. Di naman yun si Eli dahil ang alam ko nasa fashion show na siya. Sino naman kaya ang nandoon at hinahanap ako?

"Ok Aileen.. I have to check him out.. And please, don't frighten me again. I have a heart condition." saad ko sa kanya. Pero yung huli, hindi yun totoo. Exxageration ko lang para di na niya ulitin. May pagka gaga din kasi ang katulong ko nato kahit englishera.

Nang pababa na ako sa staircase ay napansin ko agad ang isang naka suit din na lalaki. Matangkad siya at hindi ako pamilyar sa kanyang tindig. Pero mas nagulat ako nang makita ko na siya. Si Daddy. Si Daddy pala ang nandoon. Bakit di agad napansin ni Aileen na kamukhang kamukha ko si Daddy, pinatanda lang siya nang kunti.

"Norvin.." mahinang saad ni Daddy nang magkaharap na kami sa salas. Hindi parin ako makatingin sa kanya ng deritso. Alam kong nalaman niya ang bahay ko kina Tita Violet. Siguro ay kinulit niya si Tita para ibigay niya ang address ng bahay ko.

"Daddy.. Ahmm.. Kumusta na po kayo? Its been a while mula nang magkita tayo."

"Anak.. Please.. Come home to me.. Nahihirapan ako anak na hindi ka nakikita. Anak, alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?"

Bigla akong nanghina sa narinig ko kay Daddy. Miss na miss ko na siya at hindi ko alam kung bakit ba kami nagkaganito. Bakit bigla bigla nalang siyang nawala sa akin at ngayon nandito na siya, parang nabuo ulit ako. Parang gumaan ang mga dinadala ko sa puso ko. Pero alam ko rin na hindi ko pa kayang tanggapin ang kanyang relasyon sa Vina na yun na sumira sa samahan nila ni Papa dati. Dapat sigurong magkalinawan kami once and for all.

"Dad? Alam mo naman ang rason ko kung bakit ako lumalayo sayo diba? Ang babae mong yun. Habang magkasama kayo, at nakikita ko kayo, mas lalo lang pinapaalala nun ang nangyari kay Papa. Dad? Mahal na mahal ka ni Papa.. Bakit mo nagawang pagtaksilan siya at ipagpalit siya sa babaeng iyon."

Napatalikod siya sa sinabi ko. Malaki na talaga ang pinagbago ni Daddy. Napabayaan na niya ang katawan niyang batak sa gym dati. Naaalala ko pa lagi kaming magkasama sa gym noon. Minsan kaming tatlo nila Papa. Naiinggit ang ibang tao kapag tinatawag ko silang mga tatay ko. Naaalala ko noong minsan gumimik kaming tatlo at napagkamalan kaming mga bachelors ng isang grupo ng mga babae. Nagkatuwaan kami nila Daddy dahil isip bata din sila kung minsan. Nag asta kaming mga bading at bigla nalang nagsialisan ang grupo ng mga babaeng yun sa aming harapan. Nagtatawanan kaming tatlo nun. Nakakatuwa ang mga ala alang iniwan ng kanilang pagsasama sa akin. Masaya ang pamilya namin kahit hindi iyon normal. Napaluha ako bigla sa mga naalala ko at di ko naiwasan lapitan si Daddy.

Humarap si Daddy sakin at nakita niya ang mga luha sa aking mata. Yinakap niya ako agad at tinangkang patahanin. Pero mas lalo akong napahagulhol dahil namiss ko ang mga yakap niya. Nararamdaman ko rin ang yakap ni Papa Shino kapag yakap ko si Daddy.

"Norvin.. May kailangan kang malaman tungkol sa relasyon namin ni Vina.. Alam kong nahihirapan kang tanggapin iyon pero hindi ako nagtaksil sa Papa mo.. Tinupad ko lang ang kanyang kahilingan. Alam kong marami kang katanungan pero anak, malalaman mo lahat kapag sumama ka sakin ngayon. Hindi ko na gustong itago sayo ang buong katotohanan."

Kumalas ako sa pagyakap kay Daddy at pinahid ko ang mga luha ko. Kung ito man ang magpapalinaw sa akin ng lahat ay sasama ako sa kanya.

"Sasama ako Dad. At sana nga maliwanagan na ako sa lahat ng bagay."

"Sige anak, tara at malayo pa ang pupuntahan natin. Malapit na iyon magsimula."

At agad naman akong sumunod sa kanya. Tinawag ko muna si Aileen at binilin ko ang ilang bagay. Alam ni Aileen kung ano ang dapat niyang gawin kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

"Dad? Saan ba ang pupuntahan natin? We are outside the city now." tanong ko kay Daddy nang mapansin kong malayo na kami sa siyudad. Nakikita ko na ang nagtataasang buildings mula sa skyway na tinatahak namin. LED Neon ang nagpapaliwanag sa buong daanan kaya nararamdaman kong isang espesyal na lugar ang pupuntahan namin ni Daddy.

"We are going to a show. And that show will not end without a blast. Kaya anak, magtiwala ka sakin. I am doing this for you."

Di na ako kumibo at hinayaan ko nalang imaneho ni Daddy ang kanyang Cedan at hinintay ang pagdating namin sa destinasyon namin.

At di nga ako nagkamali sa hula ko. We were going to the Fashion Show of the Edge Underwear. Ang brand na ineendorse ni Eli. The venue was full of laser lights and fake clouds. It was like a party of angels and humans and all other creatures. Napakaraming tao at napakaganda ng set up. May apat na ramps na nakaset at may malaking screen sa gitna nito. Hinatak ako ni Daddy at tinungo namin ang pinakamalapit na upuan sa front ng ramp stage. Napakaraming nanonood. Binigyan ako ni Daddy ng isang black Mask at pinasuot niya sa akin. At siya naman ay puting mask ang sinuot. Sumasaliw sa tugtog ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Daddy.

"Ladies and gentlemen. Please welcome, the EDGE UNDERWEAR!!" hiyaw ng event host at biglang namatay ang mga ilaw na maliwanag. Puro laser lights at madilim na ilaw at spotlights lang ang naaaninag sa buong paligid.

Isa isang naglalabasan ang mga lalaking naggagandahan ang katawan. Suot suot ang mga boxer briefs. It was nerve wrecking to look. Napakaganda nilang tingnan lahat. Pero mas nangingibabaw ang aking kaba. Paano kung makita ko si Eli na ganun ang itsura. Makakaya ko bang nakikita siyang pinapakita sa iba ang katawan niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan na naiinis. At di nga nagtagal, lumabas na siya. Suot ang isang high cut na briefs na kulay itim. May nakainscribe na dragon design sa likod ng breifs niya. At naghuhumindik ang kanyang sandata. Lalo akong nainis ng may nagbubulungan sa tabi ko na masarap daw tikman si Eli.

"See that guy there Norvin. Anak siya ni Jonathan Saavedra. Di ko alam na buhay pa pala ang hayop na yun." biglang saad ni Daddy na kinalingon ko sa kanya.

"Ngayong nahanap ko na ang anak niya, alam kong nasa malapit lang si Jonathan. Akala ko nawala na siya nang tuluyan sa buhay natin, ngayon ginugulo naman tayo nang anak niya." dagdag pa ni Daddy.

Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit ganun nalang ang kanyang reaksiyon? Alam niya ba ang tungkol sa amin ni Eli? Di ko maalis ang tingin ko kay Daddy.

"Hindi pwedeng hayaan nalang kita sa pakikipagrelasyon mo sa lalaking iyan. Kaya ngayon palang, tatapusin na natin ang kung ano man ang namamagitan sa inyo."

Napatayo ako at itinapon ko ang suot kong maskara. Akala ko ba iba ang malalaman ko? Bakit mas nasorpresa pa ata ako sa mga nasabi ni Daddy?

"Dad? What is this all about? Wala idea kung ano ang sinasabi mo. At kung pinaghihiwalay mo man kami ni Eli, Dad! Hindi ko yun magagawa, mahal ko siya. Bakit ba nagkakaganito lahat? Naguguluhan na ako Daddy!!"

Napasigaw siguro ang hiyaw ko dahil nagtinginan sa amin ang lahat nang nandoon sa front row.

Hinila ako ni Daddy at inakyat niya ako papunta sa stage. Nagulat si Eli dahil di niya inaasahan na nandoon ako. Napatitig ako sa kanya at agad ko siyang linapitan. Nagkaroon na ng komosyon sa buong venue ng fashion show. Nandoon ang lahat ng media kaya di ko na naiwasang mag alala sa reputasyon naming lahat kung magkaroon man ng eskandalo.

"Please Dad? Wag po dito.. Huwag mo gawin ang iniisip mo."

Di niya ako pinakinggan at pumunta siya sa isang part ng stage para kumuha ng isang microphone.

"Good evening everyone. I am very sorry to cut the event short. Can I have the attention of my lovely wife? Mrs. Vina Gaston Diaz?" tawag ni Daddy na halatang may galit sa boses.

"Dad! Please! Ano bang ginagawa niyo?"

Di niya ako pinakinggan at patuloy siya sa paghihintay kay Vina.

Dumating sa stage ang Vina na parang natutulala parin sa nangyayari. Pati siya siguro ay naguguluhan. Di ko na alam kung ano ba talaga ang ibig gawin ni Daddy.

"Everyone listen up. This guy that I brought here on stage is my one and only child, my beloved Norvin Negro Diaz. Siya ang anak namin nang nasira kong asawa noon. Kilala niyo siya."

Nagbulong bulongan ang ibang mga nandoon pero ang iba ay nagsimulang makinig sa kung ano mang sasabihin pa ni Daddy.

Palinga linga ako kay Eli, kay Vina at kay Daddy. Hinawakan bigla ni Eli ang aking kamay na tila ba sinasabi niyang umalis na tayo bago pa may mangyaring hindi maganda. Pero hindi ko siya hinayaan. Dapat malaman ko na ngayon kung ano ang ibig sabihin ni Daddy.

"Norvin anak, mahal na mahal kita. Alam mo yan. At wala akong hindi gagawin para maging masaya ka at mapabuti ang buhay nating dalawa. Wala na ang Papa mo at hindi ko akalain na nung nawala siya ay may dumagdag pang sakit sa nararamdaman ko. Anak, mula nang ikasal ako kay Vina, akala ko mawawala na noon ang pangungulila ko sa Papa mo, pero mali ako. Dahil alam mo anak. Tama ka noon pa. Simula palang dapat naniwala na ako sayo. Dahil ang babaeng to at ang lalaking katabi mo, ay magkasabwat.. Plinano nila lahat ng ito para gantihan ang pamilya natin Anak."

Naparalisa ako sa narinig ko mula kay Daddy. Hindi ko alam kung totoo yun o gawa gawa lang niya pero bigla akong napaluhod at para akong sinaksak sa aking dibdib na hindi ko maintindihan.

Nabibingi ako sa bulungan ng mga tao. Napatingin ako kay Eli at halata sa kanya ang pamumutla. At napatingin ako kay Vina at nakita kong papalapit sa akin si Daddy. Inabot niya ang kamay ko at agad akong hinatak pababa sa stage.

"Wag kang maniniwala sa kanya Norvin! Hindi totoo ang sinasabi ng Daddy mo!" hiyaw ni Eli. At bigla ko siyang liningon. Nasa mukha niya ang pagkabalisa at pagkalito. At hindi ko alam kung arte iyon o totoo.

Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman. Para akong napunta sa isang madilim na lugar at wala akong makitang liwanag. Nabulag ako bigla.

Wala akong makita at maramdaman..

-----to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

159K 4.5K 58
THE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOL...
803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
286K 11.4K 38
|For Revision| "Ipangako mo sa akin na kahit nasa kabilang buhay na tayo ay hahanapin parin natin ang isa't-isa. Kahit na anong estado nating dalawa...
30.6K 1.5K 56
Dalawang taon ang nakalipas at wala pa ring pagbabago kay Albert Hidalgo - Kailanman ay hindi siya magiging bahagi ng RV Organization na kinabibilang...