Chapter 14: Full of Surprises

3.8K 141 2
                                    

Ilang araw narin nang maging kami na nga ng tuluyan ni Eli.. Hindi ko na siya pinaligaw. Alam ko namang kahit ligawan niya ako, sasagutin ko parin siya.. Kaya para saan pa ang kanyang panliligaw. Napapangiti nalang ako dahil minsan dumadalaw siya sa bahay na may mga dalang kung ano ano. At one time, sobra akong nasorpresa dahil nasira nga ang aming water line at tumawag ako sa isang plumbing service.. I had no idea na all the time nandoon pala siya sa bahay ko at nagulat nalang ako nang makita ko siyang basang basa at linalagyan ng PVC connector ang part na nasira ang water line.. Nakakatawa siya dahil bumubulwak minsan ang tubig dahil sa pressure na binubuga nun.. He was so amazingly idiotic.. Kaya mas lalo ko siyang minamahal..

"Akala mo madali ang pag.gawa nito? Tinatawanan mo lang ako.. Akala ko ba mahal mo ako?" daing niya bigla. Lalo akong natawa at sa di ko inaasahan, binugahan niya ako ng tubig. Siya naman ang malakas ang tawa ngayon.. Ahh ganun ha?

At nakipagharutan na ako sa kanya nang tuluyan. Para kaming mga batang hindi magkamayaw kakalaro sa tubig. He makes me feel like I can be anyone when I am with him. Bigla ko siyang kinabig at hinalikan ko siya ng madiin. Ang halik na yun ay nagpaalab naman sa nararamdaman niya.

Matagal bago naghiwalay ang aming mga labi. Damang dama ko ang pagmamahal niya para sa akin. Hindi ko na alam kung makakaya kong hindi siya makita araw araw.

"Mahal na mahal kita Elijah.. At kahit na anong mangyari. Pinapangako ko, hindi kita iiwanan. Dahil sayo lang ako naging masaya nang ganito. Kahit alam kong ngayon mahirap ang sitwasyon ko, alam kong hindi mo rin ako iiwanan." sabi ko sa kanya nang buong puso. Hinalikan niya ulit ako bilang tugon.

"Hinding hindi kita iiwanan Norvin. Lahat nang tao iwanan kaman, ako, hinding hindi ako mawawala sa iyo."

At nang halikan niya ulit ako, doon ko napatunayan na bawat sinasabi niya ay totoo. Damang dama ko lahat. It was the best feeling that I ever felt in my whole life.

"We have to think about how we can get rid of that woman. Nakaschedule na ang launch ng brand na ineendorse ko Norvin. And there will be a fashion show. Hindi kami masiyadong nagkikita ni Vina pero alam kong minamanmanan niya ako. She has eyes on me." saad ni Eli bigla. Parang nag.iba ang pakiramdam ko. Kung noon, masaya ako kapag naiisip kong magkakahiwalay na si Vina at si Daddy. Pero ngayon, ayoko nang isipin pa sila. Mahalaga sa akin si Eli at ayoko nang masangkot pa kami sa eskandalo.

"Wag na natin silang pakialaman ni Daddy. Hayaan na nating si Daddy ang makatuklas ng kanyang kalandian. Malalaman niya rin yun sa bandang huli. At wala kang gagawin Eli, pagkatapos mong gawin ang launch ng product, titigil ka na sa pagmomodel. Sana naiintindihan mo ako?"

Tumalikod siya sa akin. Hindi na niya ako nauunawaan.

"Akala ko ba kailangan nating mabawi ang Daddy mo? Bakit iba nanaman ang naging desisyon mo? Naguguluhan na ako sayo." madiin niyang saad sa akin. May halong galit.

"Kasi Eli.. Wala din naman akong mapapala kung gagawin ko yun? Mas lalong mapapasama ang tingin ni Daddy sa akin. Dapat siya mismo ang makahuli sa babaeng yun sa kanyang ginagawa." saad ko kay Eli. Alam kong naguguluhan siya pero hindi dapat ganun ang mangyari.

"Sige.. Ikaw ang masusunod. I have to dry up at aalis narin ako. May kailangan akong asikasuhin para sa fashion show. Its two days from now."

At agad siyang nagpunta sa aking kwarto at nag.ayos. Siguro naguguluhan narin siya sa mga nangyayari sa aming plano noon. Ayoko na talagang ituloy yun. Narealize ko lang na mas makabubuti yun para sa lahat.

----------------------------------------------

"So you are telling me na, yung lalaking pumunta dito sa office mo before is now your boyfriend?" naeexcite na tanong sa akin ni Harley, ang aking secretary. Naging close narin siya sakin since nung nagsimula ako bilang associate ni Gael dito sa Engineering firm niya.

"Oo.. And ikaw lang ang nakakaalam niyan. Wag na wag mong ipagsasabi kahit kanino.." mariin kong banta sa kanya. Madaldal kasi ang babaeng kaharap ko ngayon sa aking opisina kaya ayaw na ayaw kong nagkwekwento sa kanya.

"Grabe ka Engineer.. Di naman ako ganun. Ah siya nga pala Sir.. May dumating na mail kanina sa aking desk, para po sa inyo. Comfidential kaya siguro, you better check it out your own. Kukunin ko lang saglit." saad ni Harley bago siya lumabas nang tuluyan sa aking opisina.

At bigla namang sumulpot si Gael. Sabi ko sa kanya noon na ayaw ko siyang makita pero bakit ibang klase ang titig niya sakin ngayon. Puno ng hinanakit at parang gusto niya akong sumbatan ng hindi ko alam kung paano.

"How can you do that Norvin? Of all people? Bakit si Kuya pa? F**k!" naghyhysterical niyang saad sakin.

Napatayo ako at linapitan ko siya
Palinga linga siya at parang anytime ay susuntukin niya ako. Bigla niya akong kinabig at yinakap nang mahigpit.

"Damn you Norvin!! Matagal na kitang mahal. Matagal na kitang nakilala. Mas nauna kitang makilala kay Kuya! Bakit siya ang pinili mo! Bakit??" hiyaw niya sakin habang yakap yakap ako.

Mahigpit ang pagkakayakap niya kaya nahihirapan akong huminga.

"Gael! Please.. Di ako makahinga! Hayaan mo akong magpaliwanag!" pilit kong saad bago niya ako bitawan. Hinahabol ko ang hininga ko dahil narin sa tindi ng pagkakayakap niya sa akin.

"Sige Norvin.. Sabihin mo?! Bakit siya pinili mo? Ano bang nagawa ng Kuya ko para siya ang piliin mo? Napakadaya mo Norvin!" mangiyak ngiyak niyang saad sa akin.

Mula nang makilala ko si Gael noong college palang ako, malapit na talaga kami sa isat isa.. Mas matanda siya sakin kaya mas marami na siyang tips na nabibigay sakin sa pag.aaral ko ng Civil Engineering noon. Nang makagraduate na siya, patuloy parin siya sa pagtulong sakin. Nakilala siya ni Papa Shino minsan nang malasing siya at doon ko muna pinatulog sa bahay namin. Hiyang hiya siya nung magising siya kinabukasan at kaharap niya si Papa at Daddy. Inakala pa nila Papa na boyfriend ko siya. Naging mas close pa kami nang magkaroon ng Engineering Summit at ako ang pinadalang delegate ng University ko while siya naman ang Alumni Delegate.. Marami siyang nalaman sakin at marami din akong nalaman tungkol sa kanya. He was a kind and charming person. Iba siya sa Kuya Eli niya. Mas contained siya pero iba siya kapag magalit. Kagaya nga ngayon. Na halos patayin na niya ako.

"Wala akong balak na saktan ka Gael. Mahal ko si Eli. Pinakita niya sakin kung ano siya. Tinulungan niya ako sa maraming bagay. Kahit saglit ko palang siyang nakikilala ay napalapit na siya sakin."

"Mamahalin mo pa ba siya kapag ipakita ko sayo ang bagay na to?" saad niya at ipinakita niya sakin ang isang video. It was blurry pero kita kong si Eli ang nandoon at may kasama siyang isang babae. Hindi ko alam pero bigla akong nanlamig sa nakita ko. He was having sex with that girl. He was screaming in pleasure.

"Ngayon Norvin. Sabihin mo nang sinisira ko si Kuya pero yan ang pagkatao niya. Kaya niyang makuha lahat ng gugustuhin niya. At iiwanan ka lang niya kapag nakuha na niya ang gusto niya sayo. Kaya kung ako sayo.. Mag iisip na ako ng mabuti. Walang mahal si Kuya Eli kundi amg sarili niya!"

Parang naging blanko lahat ng marinig ko ang sinabi ni Gael sa akin. Hindi ko ba kinilala muna si Eli at agad akong napasuko sa kanya? Hindi ko pa ba talaga siya kilala? Hindi ko mapagtanto ang totoo. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon..

May dapat akong mapatunayan bago mahuli ang lahat.

--------to be continued

The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon