Chapter 30: Tattoed in My Heart [Finale]

4.5K 129 12
                                    

  It was a bit of both excitement and fear. It was never easy to be in a situation. Yes, finally the day has come for me and Eli to bind our promise with each other.

He was the very busy one about our simple beach wedding. All of my relatives back in th Philippines flew all the way to Australia para lang mawitness nila ang aming pagpapakasal. Si Lola Zaida at Lolo Vincent na matagal ko naring di nakikita ay ang unang dumating the day before our wedding. And yeah, silang dalawa ang nagkatuluyan sa huli. Ang saya dahil akala ko eh ayaw na talaga ni Lola na mag asawa pang muli pero dahil sinuyo siya ng sinuyo ni Lolo Vincent ay nangyari nga ang gusto kong mangyari noon pa.. Ang magkaroon siya ng makakasama pagtanda.. Dahil yun din naman ang pangarap ni Papa para sa tinuring niyang ina simula nang mawala ang Lolo at Lola kong tunay..

Dumating lang ngayong araw ng kasal namin si Tita Violet at Tito Blue kasama ang mga asawa nila.. Apat na ang mga pinsan ko sa kanilang dalawa.. Masaya ako kasi sa wakas ay magkakasama ulit kami. And it was a very rare moment for me.

At dumating din si Gael.. And with his partner, Franco.. They met each other in New York at masaya naman si Gael dahil nga napunan na ni Franco lahat ng pagkukulang sa kanyang buhay. He was very happy for me and his older brother. He always knew na walang makakapaghiwalay sa aming dalawa dahil siya mismo ay nakita kung gaano ako kamahal ng Kuya niya. At nakita ko na ginawa niya rin ang lahat upang maipagtanggol ako noon sa Daddy niya.. Lahat ng sakit na pinagdaanan naming lahat ay bigla nalang nabura dahil sa pagmamahalan namin ni Eli.

Sinuot ko na ang aking White Polo na kamatch ng aking White Silk Pants.. Naluluha ako dahil it was very fast.. Napakabilis nang aming kasal.. But Eli insisted na hindi na namin dapat pang pataggalin dahil may mga plano pa siyang dapat matupad namin sa taon na ito.. He wants to make the memories we long to have with each other.

May biglang kumatok sa aking hotel room. Sa isang exclusive resort sa Brisbane ang kasal namin. It was a very different feeling. Sasabog ang puso ko sa kaba at excitement.. At binuksan ko ang pinto ng kwarto at naghihintay sa labas nito si Daddy..

He was looking handsome as always.. Saan pa ba ako magmamana? Then he immediately hugged me and given me the sweetest kiss on my cheeks.

"Ayan.. Its the day na matagal mo nang hinihintay,  kaya dapat nakangiti ka anak! Wag kang kakabahan dahil walang mangyayaring hindi maganda." nakangiting sabi ni Daddy sakin habang may nilalagay siyang pin sa bulsa ng aking polo.

"Dad? Thank you for taking care of me.. Kayo ni Papa ay ang dalawang taong higit kong mahal kaysa sa buhay ko. Mahal na mahal ko kayong dalawa Dad. I will always be there kahit ngayon mga ay magkakaroon narin ako ng kasama sa buhay.. You always knew that from the start, kayo ang una sa puso ko."

Napangiti lang si Daddy sa sinabi ko. Alam kong iyon na ang pinakamasayang ngiti na nakita ko sa buong buhay kong kasama siya.

"You deserve to be happy like how me and your Papa became happy because we choose what our hearts wants. Hindi ko inakala na ang Papa mo ang gugustuhin kong makasama sa buhay. Pero pinakita niya sakin na ang pagmamahal ay walang sukatan. Hindi bawal ang magmahal sa kahit kanino pa.. Pantay lahat sa pag ibig. Kaya masaya ako kahit ano pa ang piliin mo sa buhay dahil alam kong diyan ka rin masaya."

Niyakap ko ulit si Daddy ng mahigpit. Dahil sa sobrang saya ng pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya. It was the most amazing thing I ever heard from him.

Nauna na siyang bumaba dahil in just a few moments mag uumpisa na ang lahat. The day na magbabago na ang buhay ko. The day na makakasama ko na si Eli araw araw. Ang makita ko siya mula pag gising hanggang mabuo namin ang isang araw na magkasama.

I remember noong bata pa ako, lagi kong tinatanong ang sarili ko kung tama ba na magkasama ang dalawang lalaki sa isang bahay. Habang lumalaki ako, nauunawaan ko na walang mali sa isang pagsasama kung nagmamahalan kayo ng tapat. Hindi ko inaasahan na mangyayari din sakin ang ganitong sitwasyon. And I dont regret it. This is what will make me happy for the rest of my life.

The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon